Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 265 - Chapter 265

Chapter 265 - Chapter 265

Nang dumating ang balita ng pagsiklab ng labanan sa pangunahing tolda, kahit na ang karaniwang kalmado at nasa kontrol na si Chu Qiao, na pinaplano ang mga taktika ng kanyang hukbo, ay hindi maiwasang makaramdam ng kaunting taranta.

Nakasimangot, isang heneral ng Tang ang nagmungkahi, "Kamahalan, dapat tayong magbigay ng tulong para makaatras sila. Hindi tayo gumawa ng anumang mga paghahanda, at ang ilog Tiexian ay malapit sa pangunahing base ng Yan Bei. Kailangan nating mag-ingat."

Sa halip, umiling si Chu Qiao, mahigpit na tumugon, "Tayo lang ba ang hindi handa? Batay sa impormasyong nakalap, ang labanan na ito ay ganap na kusa. Walang panig ang handa upang makisali."

"Ngunit ..."

"He Qi, nais kong agad mong pangunahan ang 20,000 hukbong-lakad patungo sa ilog Tiexian. Umaasa ako sa iyo upang pangunahan ang unang laban ng ating hukbo."

Natigilan, nagtanong si He Qi, "20,000 hukbong-lakad?"

Tumango si Chu Qiao. "Tama."

"Ngunit, Heneral, ang karamihan sa ating pwersa ay gawa sa magaang kabalyerya at mabibigat na baluting pangkat. Mayroon tayong mas mababa sa 8,000 hukbong-lakad."

"Kung gayon ay iwanan ang mga kabayo. Tandaan, nais kong ang bawat sundalo na mayroong espada panlaban na may hindi bababa sa tatlong patalim. Iwanan ang mabibigat baluti, at makipaglaban gamit ang magaan ngunit naigagalaw na baluti."

Napasimangot si He Qi, ngunit nang mapagtanto niya ang seryosong nais ng babae, tumango siya bago naglakad palabas dala ang kanyang espada panglaban.

Sa paglabas ni He Qi, hindi maiwasan ng heneral ng Tang ang magtanong, "Kamahalan, sapat na ba ang 20,000 katao? Bakit hindi tayo magpadala pa ng mas maraming mga sundalo? Matapos ang lahat, ang pangunahing base ng Yan Bei ay malapit sa ilog Tiexian. Ang kaaway ay mas mabilis na makakapagpalakas kaysa sa atin."

Umiling si Chu Qiao at tumugon nang mahinahon, "Hindi na kailangan. Sapat na 20,000."

Nang dumagundong ang mala-kulog na tunog ng mga yabag ng kabayo sa buong lupain, isang higanteng pormasyon ng mga sundalo ang nagtipon, inilalabas ang kanilang mga espada para sa kanilang paparating na labanan.

Ilang araw ng patuloy na malakas na pag-ulan ay ginawa ang dating kasing tigas ng bato na lupa sa isang malaking malagkit na lawa ng putik, lubos na pinipigilan ang pagkilos at liksi ng mga pandigmang kabayo. Anuman, ang magkabilang panig ay nagsalpukan sa mabigat na putik at nagpalitan ng dagok sa bawat isa habang ang tunog ng labanan ay umalingawngaw sa buong lupain.

Sa mahigit na 70 taong gulang, na tanging puting buhok lamang sa kanyang ulo, nakasakay si Mo Xu sa kanyang kabayo at may gamit na espada, ang kanyang mukha ay mapula sa galit. Habang hinihila ng kanyang mga gwardya ang renda ng kanyang kabayo, sumisigaw sila, "Tumakbo na ho kayo!", bago niya itinulak sa lupa. Itinaas ng matanda ngunit beteranong protektor ang kanyang espada at sumugod sakay ng kabayo habang sumisigaw, "Patayin ang kaaway para sa aking bansa!", pinangungunahan ang pag-atake kahit na matapos tamaan ng sampung palaso. Sa likuran niya ay ang kanyang mga sundalo, kasama na ang kanyang anak na lalaki, ang kanyang apo na 30 taong gulang pa lamang, at ang apo sa tuhod na hindi hihigit sa 16.

Sa oras na dumating si He Qi at ang kanyang mga sundalo, patapos na ang labanan. Ang mga opisyales at sundalo ng probinsyang Wuling, inspirasyon ang katapangan ng kanilang mga pinuno sa militar, ay matapang na lumaban laban sa sampo ng libong mga kabalyerong sundalo. Sa kasalukuyan, papalapit na sila sa kanilang limitasyon. Walang sinabi si He Qi, dumiretso sa labanan kasama ang kanyang mga sundalo. Ang nakaraang labanan ay ginawa ang lugar sa paligid ng ilog Tiexian sa isang lawang putik, pinipigilan ang paggalaw ng kabayo ng mga kabalyerong sundalo. Ang mabigat na nababalutiang mga sundalo ng Yan Bei na nakasakay sa kabayo ay napilitang tumalon pababa at sumali sa malapitang labanan. Ang espesyalidad ng mga kabalyerong sundalo ay ang kabaligtaran, dahil mas magaling sila sa pakikipaglaban ng malalayong distansya sa napakalaking kapatagan. Ang mabibigat na baluti na sinamahan ng makapal na putik ay nangangahulugan na ang paggalaw ng mga sundalo ay labis na napipigilan.

Ang malawakang pagpatay at tunog ng mga hiyawan ay umalingawngaw sa kalangitan, habang sumipsip ang dugo sa lupa, marahan itong nagiging pula.

Nang mapagtanto ang kanilang hadlang, ang ilan sa mga sundalo ng Yan Bei ay nagtangkang alisin ang kanilang mabibigat na baluti. Gayunpaman, ang nasabing mga pagtatangka ay sinayang ang mahalagang segundo sa init ng labanan, habang ang mga sundalo ni He Qi ay nagawa silang patayin nang walang pagtutol.

Ang kalapitan sa ilog Tiexian ay nangangahulugan na ang anumang bagong balita sa labanan ay maibibigay muna kay Yan Xun at sa kanyang mga tauhan, na nasa pangunahing tolda. Gayunpaman, nangangahulugan din ito na nang narinig ng mga gwardya ng base ang mga pag-aaway at sigaw ng pakikipaglaban, inakala nila na ang tunog na narinig ay isang pagtatangka na atakihin ang base, humantong upang magpadala pa sila ng mas maraming dagdag-kawal.

Sa oras na inutos ni Yan Xun na pabalikin ang mga kabalyero, huli na ito, dahil lubog na sila sa kaguluhan ng digmaan.

Noong una ay tinutuya ng mga heneral sa base ang hukbong Xiuli dahil sa labis na ambisyon. Gayunpaman, habang ang mga bagong balita sa labanan ay dumadaloy, ang kanilang mga ekspresyon ay mas nagiging magulo. Ang isang kahilingan ng dagdag-kawal gamit ang magaang hukbong-lakad ay tinanggihan ni Yan Xun habang umiiling. Napagtanto niya na huli na ang lahat, sa makitid na lupain sa kahabaan ng ilog Tiexian ay nangangahulugang higit sa 50,000 mga sundalo at kabayo ang nandoon sa isang maliit na bahagi ng lupa na umaakto bilang masikip na punto. Ang anumang dagdag-kawal o pagtatangka ay hahantong sa karagdagang pagdanak ng dugo at pagkalugi na magtatapos lamang nang walang kabuluhan.

Gayunman, tumanggi siyang pabayaan ang bagay na ito. Ang unang labanan sa Hanshui ay pinakamahalaga, dahil ang pagkatalo ay lubhang maaapektuhan ang moral ng mga sundalo, kung saan ay aapektuhan ang kalalabasan ng mga darating na laban.

Kaagad, inutos ni Yan Xun ang buong pagpapakilos ng kanyang pwersa patungo sa Weiliao para sa isang buong pag-atake.

Nang nagsimulang tumaas ang buwan kasama ang kadiliman ng gabi na pumaloob sa lupain, muling binigyang-diin ng isang batang opisyal ng Yan Bei ang kanyang opinyon na ang pagiging partida na dumidipensa ay nangangahulugang ang mga pwersa ng Yan Bei ay dapat na magpokus sa paligid ng Hanshui Pass upang mapanatili ang kanilang pwersa.

Hindi siya pinansin sa una, labis na nainis si Yan Xun sa kanya kaya't inutos niya na itapon siya sa isang kulungan. Nang wala na ang kanyang nakakainis na mga paalala, sa wakas ay kumalma si Yan Xun at napag-isipan ang tungkol sa kahiya-hiyang pagpipilian na ito.

Ang estratehikong militar, ang mga sundalo at maging ang mga heneral na nakasama niya sa maraming labanan ay naguguluhan lahat sa kanyang kasalukuyang hangarin.

Tama, ang layunin ng hukbong Xiuli ay maabot ang kabisera ng Tang upang tulungan ang emperador laban sa pagkubkob ni Prinsesa Jingan. Upang magawa ito, ang pagdaan ng mga ito sa Hanshui Pass ay isang ganap na katiyakan. Nangangahulugan ito na hangga't itutuon nila ang kanilang pwersa sa Hanshui Pass, ang pagkikipagharap sa hukbong Xiuli ay tiyak. Ang pagiging nasa dumidipensa ay nangangahulugan din na ginagarantiyahan silang makaranas ng mas kaunting mga pagkamatay at pagkalugi laban sa kanilang kaaway.

Ang biglaang pagpapasya na pangunahan ang kanyang pwersa para sa isang pag-atake at mawala ang isang kritikal na kalamangan ay nakapagpataka sa marami sa kanyang hukbo.

Gayunpaman, siya lamang ang nakakaintindi sa sitwasyon na kinakaharap niya ngayon. Ang pagiging pinakamalaki at pinakamatao na syudad sa Tang na may higit sa isang milyong tao, ang Hanshui Pass ang pinakamahalagang syudad ng Tang. Ang tanging kadahilanan na nagpapahintulot sa Yan Bei na sakupin ang lungsod nang walang pagtutol ay ang kaguluhan na dulot ng mga bandidong sumalakay sa syudad dati at ang pagkabigla at sindak na pinangunahan mismo ni Yan Xun ang kanyang hindi magaping hukbo, habang nagmamartsa siya sa syudad.

Alam niya na kahit na sa pinagsamang lakas ng kanyang sarili at ni Prinsesa Jingan, hinding-hindi niya malalampasan ang buong lakas-militar ng imperyong Tang. Kahit na ang hari ng Luo ay nabigo sa kanyang panlulupig, natalo kay Li Ce, kahit na higit sampung taon niya itong pinagplanuhan. Paano magiging posible na lipulin ang isang-libong-taong-gulang na imperyo na siya lang? Alam na alam niya na sa rehiyon sa kanluran ng Hanshui Pass, maraming iba pang mga hukbo ang nanonood at naghihintay para sa paghaharap sa pagitan ng Yan Bei at hukbong Xiuli, handang samantalahin ang anumang mga palatandaan ng pagkapagod.

Ang lahat ng mga ito ay nagsilbi upang matawag-pansin ang kahalagahan ng labanan sa ilog Tiexian. Kahit na maliit na labanan lamang ito, isa itong labanan na hindi maaaring ipatalo ng Yan Bei. Ang pangunahan ang pag-atake ay nangangahulugang nagawa niyang takpan ang katotohanang ito habang binibigyan siya ng maistratehikong inisyatibo at maipakita ang tunay na kakayahan ng hukbong Yan Bei.

"AhChu, ang labanan sa ilog Tiexian ay maaaring hindi sinasadya, ngunit ang proseso ng pag-iisip mo ay nasa ibang antas." Sa dilim, nakaupo si Yan Xun sa kanyang karwahe ng hari, nakasuot ng itim na roba habang nakatingin sa malayong mga ilaw ng syudad. Sa harap niya, isang eskorte ng walong pandigmang kabayo ang nagmamartsa.

Isang mananayaw ang kalahating-nakaningkayad sa uka ng gulong ng kanyang karwahe, ang kanyang balat ay kasing kinis ng sutla, ang pigura ay kasing nipis na tulad ng isang bulaklak. Inangat ang kanyang ulo at tumagay na may baso ng alak, sinabi niya, "Nais ko ang nakamamanghang tagumpay mo Kamahalan, nawa'y mawasak ang mga nakahihiya sa syudad, kaluwalhatian para sa Yan Bei!"

Tahimik na tumingin si Yan Xun sa kanya habang nakangisi, "Galing ka ba sa Yan Bei?"

Agad na sumagot ang nabiglang mananayaw, "Mula ako sa Hanshui. Ngunit, matagal ko nang iginagalang ang Kamahalan. Ngayon na nasa iyong tabi ako, sa iyo na ako ngayon. Natural lamang na kabilang ako sa Yan Bei!"

Mas lumalim ang ngiti ni Yan Xun. "Sinalakay ko ang iyong lupain at pinatay ang iyong mamamayan. Upang sabihin na ikaw ay akin ay nagsasabi ng iyong katapatan sa akin."

Natutuwa dahil namamangha siya, madaling sumagot ang mananayaw, "Syempre sa iyo ako, Kamahalan. Basta't humiling ka, gagawin ko ang lahat para sa iyo."

"Kahit ano?" Bahagyang nagtaas ng kilay si Yan Xun at sumagot.

"Oo," nang-aakit na sagot ng mananayaw habang inihimlay nito ang kanyang dibdib sa kandungan ni Yan Xun, bago kinagat ang kanyang ibabang labi at bumulong, "Kahit ano."

Bumunghalit ng tawa si Yan Xun bago siya lumingon sa kanyang mga tagasilbi na nasa tabi niya at sinabi, "Sinabi niya na gagawin niya ang lahat para sa akin. Kapag inaatake natin ang syudad ng Weiliao mamaya, ilagay mo siya sa unahang hanay."

Halos kaagad, hinablot ng mga gwardya niya ang mananayaw. Namutla ang kanyang mukha na para bang naubusan siya ng dugo. Naguguluhan siyang natatarantang sumigaw, "Kamahalan! Mangyaring maawa ka! Isa lamang akong karaniwang binibini! Hindi ko kayang makipaglaban sa labanan! Maawa ka!"

Kinakaladkad siya palayo habang nagpupumiglas. Sumandal si Yan Xun sa kanyang upuan habang tahimik niyang inikot ang baso ng alak sa kanyang kamay, bumubulong habang ginagawa ito, "Kahit ano?" Pagkatapos, naglabas siya ng isang malamig na nanunuyang tawa.

Samantala, isa pang mahinang binibini ang nakatayo sa syudad Weiliao. Nababalot siya ng baluti habang nakatayo sa nagtataasang bloke ng syudad, tinitingnan ang mga pormasyong militar sa ibaba. Libu-libong nakasinding sulo ang tila gumawang umaga sa gabi, habang ang mga guhit ng ilaw ay kumislap sa abot-tanaw. Alam na alam niya na nandoon si Yan Xun sa gitna ng libu-libong mga sulo. Matagal na hindi nakita ang isa't isa, ito ang araw na magkakasama sila muli. Marahil, inaasahan ang pagdating ng araw na ito. Pagkatapos ng lahat, tulad ng batang matigas ang ulo, palaging makakahanap ng paraan ang kapalaran upang humabol.

Nakatayo sa nagtataasang bloke ng lungsod, bahagyang inangat ni Chu Qiao ang kanyang ulo, hinihipan ng hangin ang kanyang buhok habang ang mga apoy sa ilalim ay iniilawan ng pula ang panggabing kalangitan. Maraming taon na ang nakalilipas, magkabalikat silang tumayo, inilalabas ang kanilang mga kutsilyo upang sirain ang kandado ng bilangguan, nag-iiwan ng landas ng dugo sa likuran nila habang nagwawala palabas. Ganoon pa rin ba ang gagawin nila dati, kung alam nila kung ano ang naghihintay sa kanila ngayon?

Ipinikit niya ang kanyang mga mata habang pinanatili ang kanyang determinadong ekspresyon, ang kanyang isip ay patuloy na nagbabago. Walang nakakaalam kung kailan darating ang susunod na alon ng pag-atake. Habang mahigpit niyang hawak ang kanyang espada, isang lalaki ang bumaba mula sa langit patungo sa kanya, tahimik na nakatingin sa kanya. Sa sandaling iyon, tila naibalik siya sa panahon na iyon, kung saan ang mga bulaklak ng crabapple ay buong namumulaklak.

Li Ce, babantayan ko ang lugar na ito para sa iyo.

Isang malakulog na pagsabog ang biglang umalingawngaw, isang walang pang-itaas na lalaki ang nakatayo sa ilalim ng pulang ilaw sa mataas na plataporma, hinahampas ang kanyang tambol. Ang alingawngaw ng mga tambol ay bumutas sa dibdib ng bawat isa, parang ang lupa mismo ang gumagalaw.

Itinaas niya He Xiao ng kanyang pana, hinila ito sa pinakamataas na tensyon. Nang pinakawalan niya ito, isang nag-aapoy na palaso ang lumipad, nililiwanagan ang kalangitan tulad ng isang bulalakaw. Ngunit halos agad-agad, tumugon ang kaaway gamit ang kanilang sariling nag-aapoy na palaso, ang mas mabilis nitong bilis ay dinurog ang palaso ni He Xiao bago walang tigil na nagpatuloy sa paglalakbay nito.

Pagkakita nito, inilabas ni Chu Qiao ang kanyang espada at inilihis ang palaso, dahilan upang mahulog sa lupa ang parehong bagay.

Ang parehong hukbo ay sabay-sabay na nagsaya pagkatapos, bago isang biglaang alon ng sigaw pandigma ang narinig na papalapit. Nang nagbaba nang tingin ang lahat, isinagawa ng hukbong Yan Bei ang kanilang unang pag-atake. Sa gulat ng lahat, isang pangkat ng hukbong-lakad, imbis na kabalyerong sundalo, ang nanguna sa pag-atake.

Related Books

Popular novel hashtag