Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 266 - Chapter 266

Chapter 266 - Chapter 266

Habang ang amoy ng mga rosas ay tahimik na kumakalat sa hangin, nakatayo si Chu Qiao sa pader ng syudad, ang kanyang tingin ay gumagala sa pagitan ng mga haligi ng baluti sa ibaba. Ang baha ng edad ay lumampas sa kanyang tainga, umalulong tulad ng buhawing dumaan sa kalangitan.

Habang lumipad-lipad ang itim na itim na pandigmang bandila sa uluhan ni Yan Xun, binalot ng kadiliman ng walang bituing gabi ang lahat maliban sa mukha ng mga sundalo, iniilawan ng libu-libong mga nakasinding sulo. Nakatayo sa kanyang itim na roba sa tuktok ng kanyang gintong karwahe habang nakahawak sa kanyang gintong pana, marahang inangat ni Yan Xun ang kanyang ulo, tahimik na nakatitig sa isang napaka pamilyar na anino.

Nilamon ng katahimikan ang lugar ng paglalabanan habang pinipigilan ng lahat ang kanilang paghinga. Ang magaang dagundong ng mga tambol ng digmaan ay parang tumitibok ang lupa, sinusulsulan ang kagustuhang makipaglaban ng mga sundalo. Sa ilang sandali, tila tumigil ang oras, habang ang mga mandirigma ng magkabilang panig ay nakatitig sa mata ng isa't-isa. Sa susunod na sandali, ang dalawang pormasyon ay nagsimulang sumugod sa isa't-isa para sa laban ng kanilang buhay. Sa isang iglap, isang ulan ng mga palaso ang pinakawalan ng sumusugod na mga kabalyero, bumubuhos sa mga sundalo, habang hindi mabilang na mga sundalo ang sumugod sa labanan. Ang halimaw ng digmaan ay nagsimulang ilabas ang malupit at tagos-butong kabagsikan.

Tinakpan ng mga ulap ang buwan, tila ba pati langit ay hindi nais na makita ang madugong digmaan habang nagkagulo ang labanan, sa tunog ng mga lalaki na sumisigaw at nagngangalit, at ang pagsugod ng mga kabayo ay lumamon sa digmaan.

Ito ay pagkatapos ng isang buong araw at gabi ng pakikipaglaban nang ginamit ng hukbong Xiuli ang paghinto ng hukbong Yan Bei sa pagsaayos ng kanilang pormasyon upang biglang buksan ang silangang tarangkahan at sumugod sakay ng kabayo sa isang makipot na landas patungo sa ilog ng Tiexian. Ginawa itong imposible para sa malalaking hukbo na sumugod, at dahil dito, hinabol sila ng hukbong Yan Bei sakay ng kabayo. Gayumpaman nang dumating sila sa pampang ng ilog, ang nakita lamang nila ay ang hukbong Xiuli na ginagamit ang balsang gawa sa balat ng tupa upang maglakbay sa pinakamalakas na mga agos ng ilog.

"Mag-ingat ka Master!"

"Mag-ingat ka Kamahalan!"

Halos magkasabay, parehong kinuha at pinakawalan nina Chu Qiao at Yan Xun ang kanilang palaso. May tunog silang nagtama sa hangin, hinihimok ang masayang sigaw ng mga nakapalibot na sundalo. Sa kanal, nakatayo sa ibabaw ng kanyang balsa, nakatingin si Chu Qiao kay Yan Xun mula sa malayo. Alam na alam niya na ang labanan na ito ay para sa teatrong layunin dahil walang pagkakataon na pipigilan siya ni Yan Xun.

Ang pagiging kaalyado ng Ginang ng Jingan ay nangangahulugang kailangang ipagtanggol ni Yan Xun ang Hanshui para sa kanya. Gayumpaman sa sandaling masakop niya ang Tang Jing ay ang oras na pangungunahan niya ang tagapagmana ni Haring Jing An sa trono. Pagkatapos, ang kapalaran ng Yan Bei ay nasa kamay ng iba. Samakatuwid, ito ay isang laban na hindi niya dapat ipanalo, ngunit isa na hindi niya maaaring isuko kaagad. Kailangan pa rin niya si Chu Qiao upang patagalin ang salungatang sibil sa loob ng Tang upang ireserba sa kanyang sarili ang landas sa Tanghu Pass.

Habang sunod-sunod na hanay ng mga nakasinding sulo ang nagliwanag sa ilog, ang kadiliman bago ang bukang-liwayway ay nagtatago sa ilog kasabay ng hangin, tanging pinatatampok ang pulang baga ng apoy na makikita sa ibabaw ng tubig.

Patuloy na nakasakay si Yan Xun sa kanyang kabayo habang paulit-ulit itong humuhukay sa lupa gamit ang mga paa nito sa kakulangan sa ginhawa. Habang nakasakay siya, nakatingin siya sa pigurang iyon na mabilis na naglaho sa malawak na ilog, habang ginugulo ng hangin ang buhok ng kabayo.

Nang sandaling iyon, isang siwang ang nagbukas sa malamig na alaala ni Yan Xun, dinala siya sa oras na halos hindi niya maalala, sapat lamang na ang mahinang mga tunog at mga tanawin ay nagsisimula nang lumitaw sa harap niya. Gayunman, hindi niya maalala kung gaano katagal ang mga alaalang iyon. Noon din na tahimik siyang tumitig sa malawak na ilog sa kadiliman matapos ang maraming pagpatay nang gabing iyon. Habang naglalagablab ang mga apoy sa syudad ng Zhen Huang, at kumalat sa kapatagan ang walang katapusang tunog ng pagpatay, nagdesisyon ang kanilang mas batang sarili na dumaan sa kanilang sariling indibidwal na landas, upang gawin kung ano ang sa tingin nila ay tama.

Marahil matagal nang hindi mababago ang kapalaran. Tulad ng mga bulalakaw na bumabagsak sa magkaibang direksyon, ang maikling pagtatagpo nila ay magwawakas sa huli habang ang itinakda ng magkabilang panig ang kanilang sariling landas malayo sa isa't-isa.

Nakatayo sa pampang ng ilog hawak ang kanyang espada, pinanood ni Chu Qiao habang ang huli sa kanyang mga sundalo ay tumawid sa Hanshui. Ang malawak na ilog na naghahati sa silangan at kanluran ay tila nagdadala ng milyun-milyong buhay at kaluluwa. Tumingin siya sa malayo, lampas sa bumabang alikabok at sa lupain tungo kay Yan Xun, kung saan isang 100,000 armadong sundalo sa paligid niya ay tila nawala. Naiwang mapagmataas na nakatayo ay isang lalaki sa kanyang madilim na roba, ang kanyang mata na tila kalalabas lamang mula sa impyerno, kayang sirain ang anumang bagay sa kanyang landas.

"Binibini!" Lumapit si Pingan. Ang kanyang mata ay mapula, itinaas niya ang kanyang ulo at sinabi, "Nawalan tayo ng higit sa 6,000 ng ating tauhan sa pakikipaglaban sa labanan na ito."

Nagbaba ng tingin si Chu Qiao, nakikita lamang ang dugo na hindi pa matutuyo sa kanyang mukha, ang pagdanak ng dugo na kanyang nasaksihan ay sinisira ang anumang anyo ng kainosentihan mula sa kanyang oras ng paglaki sa panahon ng kapayapaan.

"Pingan, lahat ng bagay ay may presyo," ang sagot ng heneral ng hukbong Xiuli sa likuran ng kabayo. Tumingin siya sa hilera ng mga nakasinding sulo na tila walang-hanggan bago mahinang nagpatuloy, "Ang totoong kapayapaan ay palaging nakakamit sa digmaan."

Naguguluhang tumingala si Pingan, bumubulong, "Tunay na kapayapaan?"

"Oo. Hindi ko na makikita ito, baka hindi mo rin makita. Ngunit balang araw, may isang tao." Tumingin si Chu Qiao sa pampang ng ilog na malapit sa Hanshui kung saan namatay ang nagngangalit na apoy, ang dumadaluyong na usok ay tila naglalaman ng kulay ng ginto. Sa kanyang kasing itim ng tinta na baluti, isang lalaki ang tila naglalagalag sa hangin ng gabi. Kahit na mukhang malabo ang mga detalye, mahusay na nakikita ni Chu Qiao ang kanyang ekspresyon at anino. Tulad ng ginawa niya maraming taon na ang nakalilipas, tumira siya ng isang palaso mula sa kanyang kabayo. Dito, iniligtas nito ang kanyang buhay, at pagkatapos ay sinamahan niya ito ng isang dekada.

Hinawakan niya ang kanyang kanang balikat, kung saan nakasuot siya ng itim na bakal na baluti na kahit ang pinakamalakas o pinakamabilis na palaso ay kayang tumagos. Ito ay regalo mula kay Zhao Song na isang pares dumating, ang isa ay ibinigay niya kay Yan Xun. Lumingon siya sa kanyang hukbo, hinagupit ang kanyang kabayo, at naglakbay, hindi man lang lumingon muli kahit isang beses.

Sa isang lugar sa kanluran ng Hanshui, tumalikod si Yan Xun at ang kanyang kabayo, habang nilapitan siya ng kanyang heneral. "Kamahalan, hahabulin ba natin sila?"

Walang salita, nilagpasan niya ni Yan Xun nang malayo bago marahang tumugon, "Umatras." Tulad ng alon na pabalik sa karagatan, umatras ang hukbo. Nang sumikat ang bukang-liwayway at kumalat sa buong lupain ang mga sinag ng liwanag, ang distansya ng dalawang hukbo ay mas lumayo pa.

Sa malawak na espasyo sa loob ng tolda, isang heneral na nakasuot ng kanyang baluti ang nakaluhod ng tila walang hanggan. Nang lumubog ang araw at sumapit ang gabi, binalot ng kadiliman ang tolda, bukod sa mahinang ilaw ng gintong perlas na kwintas na tinatama ang anino ng heneral tulad ng isang bundok sa loob ng tolda.

Mula nang makabalik mula sa ilog Tiexian, nanatiling siyang tahimik na nakaupo sa tolda, na parang walang alam sa lahat ng nasa paligid niya. Sa labas ng tolda, maharang hinaplos ng hangin ang damo, ikinakalat ang amoy nito sa buong tanawin ng gabi. Ang buwan ng Mayo sa Tang ay nangangahulugang ito ay tag-araw. Ang malulutong na tunog ng huni ng mga ibon ay umaalingawngaw sa kadiliman. Mula sa matataas na damo sa kapatagan ay nagmula ang mga alitaptap, nagpapaliwanag sa paligid tulad ng mga bituin sa panggabing kalangitan.

Ganap na katahimikan ang bumalot sa tolda bilang ang heneral, nasusuotan ng baluti, ay nanatiling nakatayo, hindi nangangahas na magsindi ng kandila o huminga nang malalim. Hindi siya isa sa mga unang heneral ng hukbong Yan Bei, maski mula sa dating gwardya ng pamilya ng hari ng Yan. Sa katunayan, mula nang pag-angat ng pamilya ng hari, kakaunti mula sa matandang bantay na iyon ang nanatili, dahil inukit ng mga nasa militar ang kanilang landas patungo sa tuktok sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa isa't-isa. Sa kabila ng hindi mahulaan, napakalinaw ng Kamahalan sa mga gantimpala at parusa sa paglilingkod sa kanya. Isang malaking pokus sa kagalingan sa militar ay nangangahulugan na hangga't handang lumaban ang isang tao, magkakaroon siya ng pagkakataon na maipakita ang kanyang mga kakayahan.

May apelyidong Mu, ang ninuno ng heneral ay kilalang mga iskolar sa rehiyon. Bagaman hindi tumugma ang henerasyon niya sa parehong antas ng kanilang sinundan, alam nila at pinag-aaralan ang literatura pati na rin ang mga taktika sa militar. Ang kaalaman at pananaw na ito ay hinayaan siya na makaangat ng ranggo at maging isa sa nangungunang heneral ng hukbong Yan Bei sa loob lamang ng ilang taon.

Hindi tulad ng iba, hindi naniniwala si Heneral Mu na bayolente si Yan Xun tulad ng sinasabi ng mga tsismis. Ano naman kung pinatay niya ang kanyang sariling guro, kanyang sariling kapatid na babae, at marami pang iba na tumayo sa tabi niya sa maraming mga taon? Habang ang karaniwang tao ay nakikita siya bilang sobrang ambisyoso at walang utang na loob, hindi nila maiintindihan ang panloob na pulitika at agawan ng kapangyarihan sa loob ng gobyerno, ni hindi nila maiintindihan ang mga problema sa militar na kinakaharap niya. Sa kabila ng pagsakop sa Yan Bei sa loob ng maraming taon, wala silang maipakita para dito, ngunit hinahangad nilang diktahan ang pulitika ng rehiyon sa kabila ng paglusob mula sa mga bandido sa hilaga at ang silangan ay pinamumunuan ng Xia na iniwan ang populasyon ng Yan Bei na mahina. Panibagong magulong pinuno at rehimen ang babangon lamang kung hindi agad magpapakawala si Yan Xun ng masidhing pagsugpo. Walang halaga ang ilang mga buhay sa paghahanap para sa mas malaking mga nagawa. Sa paghahabol ng kapangyarihan, palaging may pagdanak ng dugo. Ang pagkakaiba sa pagitan ng isang matagumpay na pinuno at ang karaniwang tao ay ang magkakaibang pananaw na kanilang pinagtibay sa parehong problema. Makikita ba at iisipin ang tungkol sa mas malaking larawan, o ilalagay niya muna ang kanyang pansariling interes? Samakatuwid, walang mabuting impresyon si Heneral Mu sa heneral ng Xiuli dahil pakiramdam niya na hindi kailanman nakalaan upang makamit ang magagandang bagay ang kababaihan.

"Mu Lang", isang mababang tinig ang biglang narinig, bahagyang umalingawngw sa malaking tolda. Nang marinig ito, agad na tumayo si Mu Lang, tapos ay nagpatuloy ang taong nasa itaas, "Ipasa ang mensahe kay Cheng Yuan. Sabihin sa kanya na ikalat ang kanyang pwersa sa kahabaan ng kapatagan ng Song at bantayan ang lugar. Dahil nais ng hukbong Xiuli na pumasok, hayaan silang gawin ito. Naghihintay sa kanila ang pwersa ni Reyna Jingan sa loob."

"Masusunod, Kamahalan."

"Saka, ipaalam sa kanya na huwag atakihin ang hukbo ni Zhao Yang. Sa halip, maglunsad ng isang buong pag-atake kay Zhao Che, at gawin ang lahat upang sirain ang mga suplay ng pagkain ni Zhao Che."

"Masusunod", dali-daling sagot ni Mu Lang. "Magpapadala ako ng isang tao sa Baizhi Pass upang ipasa ang mensahe."

Umiling si Yan Xun, ang kanyang ekspresyon ay hindi nakikita sa kadiliman. "Hindi tayo nagmamadali, ipadala sila bukas ng umaga."

Natigilan si Mu Lang nang narinig nito. Paanong hindi kailangan madaliin ang mga utos sa militar? Gayunpaman hindi siya naglakas-loob na pabulaanan si Yan Xun, at sa halip ay patuloy na lumuhod nang tahimik.

"Halika, samahan mo akong uminom." Napaka bahagyang humilig pasulong ni Yan Xun, nagsalin ng alak sa baso, sinasalamin ang malabong ilaw na kumikislap mula sa perlas. Natigilan sa biglaang bait na ipinakita ni Yan Xun, dali-daling umabot sa harap si Mu Lang upang kunin ang baso ng alak habang nananatiling nakaluhod.

Kaswal na itinuro ni Yan Xun ang malapit na upuan. "Huwag kang manatili dyan, maupo ka."

Maingat na umupo si Mu Lang bago nakipagtagay, "Salamat, Kamahalan, para sa alak."

Tumagay pabalik si Yan Xun. Habang nagsasalin si Mu Lang ng alak sa kanyang baso, marahang sinabi sa kanya, "Matagal na rin noong may huling sumama sakin uminom. Sa una ang mga pangyayari ay nangangahulugang wala kaming oras para dito, ngunit ngayon na mayroon nang oras, wala na ang mga maaaring sumama sakin na uminom."

Kumislot ang palapulsuhan ni Mu Lang, ang kanyang likas na talino at malalim na kaalaman ay sinasabihan siya na may mali mula pa noong inutos ni Yan Xun na itigil ang pagtugis sa hukbong Xiuli. Kapag mas iniisip niya, mas nadarama niya na narinig niya ang mga bagay na hindi dapat sinabi sa kanya sa simula.

"Heto." Kaswal na saad ni Yan Xun, bago muling malumanay na nakitagay sa kopita ng alak ni Mu Lang, hindi pinapansin ang red wine na tumulo sa kanyang kamay. Kahit sa isang buong bariles ng alak, sunod-sunod na baso ang inom niya. Hindi nagtagal para sa bariles na maging kalahating walang laman.

Related Books

Popular novel hashtag