Sa kalagitnaan ng ika-apat na buwan, pinangunahan ni Zhao Che ang kanyang hukbo sa timog-kanlurang rehiyon upang makipagkita kay Wei Shuye, na siyang unang pumasok sa lugar. Ito ang kauna-unahan malaking hukbong panlaban ng Xia mula nang sumabog ang salungatan. Mayroong ang hukbo ng 200,000 malakas, binubuo ng 50,000 kabalyerong sundalo, 60,000 hukbong-lakad, 80,000 may mabibigat na baluting hukbong-lakad at 10,000 ng magaang kabalyerong sundalo ni Wei Shuye. Pagkaraan ng tatlong araw, isang linya ng pantustos patungo sa timog-kanlurang rehiyon mula sa loob na malaking lupain ay itinatag sa ilalim ng koordinasyon ni Zhuge Yue. Kasabay nito, si Zhuge Yue at ang ilan sa kanyang mga sundalo ay nagmadali sa Shengjing upang pamunuan ang kampong Shengjing, na matatagpuan sa timog-kanluran. Bukod sa pagkakaroon ng kontrol sa mga pantustos ng pagkain ng bansa, matutulungan niya si Zhao Che sa timog, bantayan si Zhao Yang at ang Yanming Pass sa hilaga at kanluran. Sa isang iglap, ang Shengjing ay epektibong naging kabisera ng bansa.
Sa ika-15 araw ng ika-apat na buwan tinipon ng Yan Bei ang una nitong malakihang hukbo sa ilog Hang, binubuo ng Ikalawa, Ika-anim, Ika-siyam, Ikalabing-walo at hukbong Black Eagle. Sa ilalim ng pamumuno ni Cheng Yuan, mabilis na pinakilos ang mga pwersa habang patuloy na pumapasok ang mga reserba sundalo. Lahat, higit sa 200,000 sudnalo ang pinakilos.
Gayunpaman, habang tinitipon ni Zhao Che ang kanyang mga pwersa para sa isang malaking labanan, hindi sila harapan na nilabanan ng hukbo ng Yan Bei. Sa halip, matapos ang matanggap ng iba't-ibang mga hukbo ang utos mula kay Yan Xun na magsikalat, sinundan nila ang mga landas na iniwan ng mga bandido at magkahiwalay na nagsimulang tumungo sa lupain ng Xia.
Habang isinasagawa ng hukbo ng Yan Bei ang kanilang mga pag-atake mula sa kanilang nakakalat na posisyon, ang mga pinuno ng militar at tagaplano sa Xia ay baha sa ng ulat ng pag-atake, mabigat na kasawian at kahit na ang ilang mga lokasyon ay ganap na pinaglipanaan, itinapon ang buong pamumuno sa kaguluhan.
Ang nangungunang heneral ni Zhuge Yue na si Meng Feng, ay bumalik mula sa Qinghai patungo sa kanyang dating bayan, nasasaksihan ang patayan mula sa labanan sa daanan. Ang batang babaeng heneral ay natigalgal at gulat na nagtanong, "Nabaliw na ba si Yan Xun? Gusto ba niyang mamatay kasama natin?"
Matagal na malalim ang iniisip ni Zhuge Yue habang tinitingnan ang iba't-ibang kulay na nakaukit sa kanyang mapa. Kalaunan ay nagpunta siya sa Military Strategy Department at inilagay ang kanyang mapa sa mesa tapos ay sinabi, "Sa palagay ko ay alam ko kung anong balak nila."
Sa makapal na kagubatan sa hangganan ng Xia-Tang, sina Chu Qiao at He Xiao ay muling nakasama muli ang pangkat ng mga diplomatiko ng Tang na ipinakasal siya. Mabuti nalang, naantala ang kanilang paglalakbay dahil sa salungatan; hindi sila bumalik sa Tang, kung saan ay pinayagan silang mapanatili ang kanilang kapangyarihan sa gitna ng mga magulong oras na ito.
May 20,000 sundalo mula sa Wolf Army at 20,000 sundalo mula sa Xiuli Army, ang kanyang pwersa ay may 40,000-malakas. 40,000 tropa, lahat sila ay mga piling sundalo. Sa tamang taktika, kumpyansa si Chu Qiao na kayang tagalan ng kanyang pwersa ang isang hukbo na tatlong beses ang laki ng kanya.
Sa toldang naiilawan ng kandila, nakasuot ng kanyang baluti, hawak ni Chu Qiao ang kanyang helmet sa isang kamay habang ang isa pa niyang kamay ay nakaturo sa mapa na nasa mesa.
"Aatakihin niya ang Yanming Pass."
"Isang pag-atake sa Yanming Pass?"
Ang nakababatang kapatid ni He Xiao na si He Qi, ay nagtanong habang nakasimangot, "Heneral, bakit nila gugugulin ang lahat ng pagsisikap na iyon upang atakihin ang Yanming Pass kung nasakop na nila ang Baizhi Pass?"
"Pareho niyo siya hindi naiintindihan," sagot ni Chu Qiao habang umiiling.
"Paano papayagan ni Yan Xun ang kanyang sarili na magapos ng kagustuhan ng iba? Sa ngayon, ginagamit lamang niya ang Tang upang sumulong sa Xia, habang ang landas sa likuran niya ay nasa ilalim ng kontrol ng Jingan. Oras na nagkasira sila, o kung ang maharlikang pamilya ng Tang ay lumaban, oras lamang bago masalakay ang hukbo ng Yan Bei. Walang landas upang makaatras, ang paglusob ay maglagay ng napakalaking tensyon sa kanilang pwersa. Kung kaya, kailangang salakayin ni Yan Xun ang Yanming Pass sa loob isang tiyak na takdang oras upang magbukas ng isang rutang tatakasan patungo sa hilaga. Saka lamang maghaharap ang mga hukbo ng Yan Bei at Xia."
Sumimangot si Chu Qiao, huminga ng malalim at umupo sa sahig, naiinis na hindi ito naisip ng mas maaga na dapat ay nagawa niya. Hindi umatake si Yan Xun dati, umabot pa sa puntong kinatha niya ang kanyang kahinaan sa maraming okasyon, dahilan upang masiyahan ang korte ng Xia. Pagkatapos, nakipagsapalaran siya ng malaki na nakawin ang mga rasyon ng Tang, ngunit walang ganoong nangyari. Hinuli niya talaga ang heneral na namamahala sa pagtatanggol sa Tanghu Pass, ginamit siya upang makipag-ugnay kay Prinsesa Jingan, na may balak na maghimagsik. Tapos, sasamantalahin niya ang panloob na salungatan ng Xia upang lihim na makapuslit sa timog-kanluran. Ito ay isang plano na matagal niyang pinlano upang maisagawa.
"Laging may higit pa sa Yan Bei kaysa sa kung ano ito. Ang kanilang tunay na kapangyarihan ay nakatago sa isang lugar sa labas lamang ng Yanming Pass."
"Heneral, dapat ba natin ipaalam kay Heneral Zhuge ang tungkol dito?"
Umiling si Chu Qiao. "Kung ano man ang naisip ko, magkakaroon siya ng parehong ideya."
Sa halip, inirolyo niya ang mapa at binuksan ang teritoryal na mapa ng Tang habang nagpapaliwanag sa mababang tinig, "Wala tayong magagawa upang pigilan ang hindi maiiwasang labanan sa pagitan ng Yan Bei at Xia. Ang misyon nating ngayon ay makabalik sa Tang nang mabilis hangga't maaari upang makuha ang pinakabagong ulat ng sitwasyon tungkol sa tunggalian doon. Mula doon, magpapasya tayo kung paano tutulungan ang Kamahalan."
Ang bise-kumandante ng Wolf Army na si Guan Song ay tumango at sumang-ayon, "Heneral, dalawang araw nang nakakaalis ang ating mga tagamanman. Tinantiya kong babalik sila bukas ng umaga."
Nang sasagot na si Chu Qiao, nagkaroon ng kaguluhan mula sa mga sundalo sa labas. "Heneral, nakabalik na ang mga tagamanman."
Binuksan ni He Xiao ng kurtina sa tabi niya upang para lang mabati ng tatlong sundalo na nabababad sa parehong putik at dugo na tumalon pababa mula sa kanilang kabayo. Nag-ulat ang isa sa kanila, "Heneral, kritikal ang sitwasyon sa Tang. Napasok ng mga rebelde ang Hanshui Pass, at nabihay ang ilang mga pangunahing tauhan. Kabilang doon sila Fang Huaihai, ang bise-kumandante ng Jinji Camp sa Shennan, at si Tian Rujia, ang heneral ng hukbong Dianxi. Heneral Xu Su ay pinagkanulo ng mga traydor, namatay kasama ni Cang Muling sa labanan. Lubos na natalo ang hukbong Hanshui. Nagpaliligiran na ngayon ng mga rebelde ang syudad at nasa isang matibay na posisyon, na kasing dami ng 200,000."
Sa isang iglap, natahimik ang buong kampo, natigilan sa kanilang narinig. Napasimangot si Chu Qiao habang kinukuyom at pinapakawalan ang kanyang kamao ng ilang beses.
"Sino ang namumuno sa kaaway?"
"Si Prinsesa Jingan."
"Kilala ba ang pinagmulan ng taong ito?"
"Oo. Naibenta siya sa tirahan ng hari ng Jingan bilang isang mananayaw apat na taon na ang nakalilipas. Gayunpaman, napalapit siya sa kanya, at nagkaroon sila ng anak na lalaki. Mula noon, mas lalo siyang napalapit sa kanya at ginawa siyang kerida niya, para lamang magkaroon ng isa pang anak matapos ang isang taon. Sa kagalakan, napagpasyahan niyang gawin siyang kanyang unang asawa."
Nagtanong si He Xiao, "Maaari bang maging unang asawa ang isang alipin?"
"Ito ay hindi ko alam. Gayunpaman, maraming mga bagay ang nangyari sa kanyang tirahan. Ang kanyang dating asawa at dalawang pang anak na lalaki ay magkakasunod na pumanaw. Mula noon, siya ang naging senyora ng residensya. Matapos mabigo ng kanyang paghihimagsik at ang kanyang buong pamilya ay binitay, tumakas siya sa tulong ng mga bantay na tapat sa kanya, napunta sa Tanghu Pass, kung saan siya ay nakaligtas sa ilalim ng mapagbantay na mata ng heneral na nagtatanggol sa lugar na iyon. Malinaw na nagkaroon siya ng relasyon sa taong ito."
Malungkot na nagtanong si Chu Qiao, "Anong pangalan niya?"
"Hindi namin alam ang kanyang pangalan, ngunit ang alam namin ay Chou ang kanyang unang pangalan."
"Chou?" bulong ni Chu Qiao, malalim ang iniisip.
Nababahala tungkol sa sitwasyon sa kabisera, nagbulalas si Guan Song, "Heneral, sa kabisera ng Tang na kinukubkob, dapat tayong bumalik upang iligtas ang Kamahalan!"
Tumingin ang mga mata ni Chu Qiao patungo sa Baizhi Pass, na sinakop ng Yan Bei. Ang lupain ng Tang ay lampas doon.
Tumango siya at simpleng sumagot, "Oo, oras na upang bumalik."
Hindi pa siya nakakakita ng totoong nyebe sa buong buhay niya. Ang liwanag ng buwan ay mas maliwanag sa ilalim ng panggabing kalangitan na walang mga bituin. Mukha itong dumadaloy na tubig at mga nyebe sa parehong oras.
Nakasuot ng malawak na roba, tumayo siya sa tuktok ng puting tore, ang malamig na hangin ay umiihip sa kanyang manggas. Ang kanyang buhok ay ikinalat ng hangin habang sumasayaw ito sa likod ng kanyang ulo. Sa di kalayuan, isang malaking palasyo ang nakatayo sa gitna ng kadiliman. Isang anino ang nakatayo sa harap ng gate, na gawa sa itim na bato. Mula sa kanyang posisyon, hindi siya makilala ang mukha, ngunit masasabi niya ito ay isang matangkad, batang pigura, at malamang na isang sundalo. Tila walang hanggan siyang nanatiling nakatayo.
Tumingin si Xuan Mo sa kanya habang nanatiling tahimik. Ang gabi ay tahimik habang umihip ang hangin sa kanyang roba, ang amoy ng kanyang pabango ay dahan-dahang bumabalot kay Xuan Mo.
Sa isang sandali, nagbalik-tanaw si Xuan Mo, kung kailan siya ay isang bata lamang na nangangaso kasama ang kanyang ama matapos na manalo ng isang kumpetisyon sa pamamana, nahuli ang atensyon ng pamilya ng hari. Suot ang kanyang matingkad na dilaw na damit, pumunta siya sa range at tumira ng tatlong palaso sa bullseye nang mabilis na sunud-sunod, bago ipinagmalaki, "Magharap tayo kung kaya mo!"
Sa araw na iyon, nakaupo ang emperador sa kanyang trono habang inihahayag, "Ang aking anak na babae ay hindi matatalo sa mga batang lalaki!"
Habang binubuhos ng iba pang mga miyembro ng pamilya ng hari ang papuri sa batang prinsesa, tahimik na nakatayo si Xuan Mo at tiningnan siyang nakasakay sa kanyang kabayo, ang banayad na sinag ng araw na kumikislap sa kanyang mukha. Naalala niya ang hitsura ng babae sa araw na iyon, habang ang kanyang mga mata ay maliwanag na kumikinang. Wala siyang sinabi, para bang naging pipi sa harap niya. Sa loob ng mga taon na ito habang pinanonood niya itong lumaki at umakyat sa rurok ng kapangyarihan, nasanay na siyang tumingala sa kanya.
Habang lumilipas ang panahon, gayon din ang kanilang kabataan. Ang pagkakataon na ipaalam ang kanyang damdamin sa babae ay nagsimulang makawala.
"Xuan Mo," biglang bulong ni Nalan Hongye, ang kanyang tinig ay mas malambot dahil sa taas ng tore. Nakatingin pa rin sa mga ilaw sa ibaba, nagtanong siya, "May ginawa ba akong mali?"
"Hindi, Kamahalan."
Malumanay siyang napangiti at walang bahala na umiling, "Natatakot ako na hindi. Maaring tama si Tagapayong Duan. Oras na buksan ko ang tarangkahan sa mga bandido, masisira ang imperyong Song."
"Sa emperor na nasa kritikal na kondisyon, ang pamilyang Nalan ay wala nang susunod pang nakalinyang tagapagmana. Mukhang ang linya ng Song ay hindi na makakapagpatuloy."
"Sinong nagsabi?" Mahinahong sagot ni Nalan Hongye.
"Ang mga hari ng Jinjiang, Anli, at Jianghuai... silang lahat ay naka linya upang magmana." Ang sinabi niya ay ang katotohanan. Sa kaganapan na ang alinman sa miyembro ng pamilya ng emperador ay hindi maaaring magmana ng trono, ang iba pang sangay ng pamilya ng hari ay may karapatan na magnomina ng mga potensyal na tagapagmana. Kaya lamang ay...
Wala nang sinabi si Xuan Mo. Ang mahalumigmig na hangin ay umihip sa ibabaw ng puting tore, na nagbibigay ng ginaw sa gabi kahit na nasa gitna ng tag-araw.
"Sa huli, sobra akong makasarili. Sa aking puso, lagi kong uunahin ang aking pamilya kaysa sa aking bansa." malalim na napaisip si Nalan Hongye. Ang kanyang mga taon ng paghahari sa kapangyarihan ay minanhid na ang kanyang kabaitan. Ang anumang mga labi ng kanyang pabigla-bigla o kasutilan ay walang binatbat sa kanyang panloob na ugali, kung saan ay determinado at matigas ang ulo.
Naalala ang mga kamakailang pag-uugali ng pamilya ng hari, hindi maiwasan ni Nalan Hongye na magpakita ng isang kislap ng kalupitan sa kanyang mga mata. Sa mga siglo na ang pamilyang Nalan ay matatag na tumayo, maraming henerasyon ang nagbuhos ng walang katapusang dugo sa iba't-ibang lugar ng labanan upang ipagtanggol ang bansa. Ang imperyong ito ay itinayo sa dugo, pawis, at luha ng pamilya Nalan, na ipinagtanggol niya ng maraming taon. Hindi niya hahayaan na kuhanin ng mga peste na iyon ang imperyo mula sa kanya.
"Itinayo ng pamilyang Nalan ang bansang ito mula sa wala, na ipinagtanggol ng aking mga ninuno gamit ang kanilang dugo. Kung magtatapos ito, tatapusin lamang ito sa mga tuntunin ng pamilyang Nalan."
Nagbaba ng tingin si Nalan Hongye, habang ang liwanag ng buwan ay suminag ng malamig na kulay sa kanyang kapa.
Sa kanyang mababang tinig, inutos niya, "Pumunta sa tamang mga tsanel at ipagbigay-alam kay Yan Xun na susuportahan ko ang kanyang panukala. Nais ko rin na tuparin niya ang kanyang pangako na poprotektahan at pakitunguhan nang mabuti ang mga tao ng Song. Sinumang magmamana ng trono sa hinaharap ay dapat maging isa sa aking mga anak na lalaki. Saka, nais ko ang ulo ng hari ng Taiping."