Marahang dumaan ang mga ulap sa buwan, nilalamon ang lahat maliban sa pinakamaliwanag na sinag ng buwan. Ang tabing ng kadiliman ay nasira sa pagkabasag ng isang bagay, sinamahan ng mga bugso ng hanging umiihip patungo sa malayong abot-tanaw.
"Masusunod," Tumango si Xuan Mo.
Pansamantalang tumahimik si Nalan Hongye, bago mag-utos, "Ipagbigay-alam kay Heneral Yang na ihanda ang hukbo para sa isang pantay na operasyon kasama ang Yan Bei. Maging handa na pakilusin laban sa imperyong Xia."
Agad na napatingala ang tao sa kadiliman, napatingin sa kanya sa parehong pagkabigla at hindi makapaniwala. Si Nalan Hongye, tila walang kamalayan sa kanyang pagkabigla, ay huminga at nagpatuloy nang mahinahon, "Xuan Mo, ang mga tampalasang elemento ay sinalakay ang East Sea. Sa oras na ito, kakailanganin kong umasa sa iyo muli upang ipagtanggol ang Silangang hangganan para sa akin."
Sa isang sandali, walang anuman maliban sa ganap na katahimikan sa puting tore habang nanatiling nakatayo si Xuan Mo tulad ng isang puno. Tumitig siya sa kanya habang dekada ng mga alaala ang dumaan sa isang iglap, mas pinapakita na hindi siya makapagsalita.
Magkasama silang naglaro noong mga bata pa sila dahil si Xuan Mo ay anak ng isang maharlikang pamilya. Nagkaroon si Xuan Mo ng karangalan na maging kanyang personal na gwardya at nasaksihan ang kanyang kagandahan. Nang pumutok ang balita tungkol sa pagpanaw ng Emperador, gumugol siya ng tatlong araw at gabi na hirap na kinumbinsi ang kanyang ama upang talikuran ang kanyang hangarin na magplano ng pag-aalsa, at sa halip ay tulungan ang nakababatang kapatid ni Nalan Hongye sa trono at maging prinsesa siya.
Mula noon, sinuportahan siya ni Xuan Mo sa mga taon, itinatag ang kanyang sarili bilang kanyang pinakamatapat na tagapaglingkod at pinaka mapagkakatiwalaang tauhan sa pagsunod sa bawat utos nito, kahit na nangangahulugang pakasalan ang anak na babae ng isang makapangyarihang ministro.
Sa kasalukuyan, ang kaligtasan ng imperyong Song ay nakataya, lalo na sa Yan Bei na nagmamartsa ng kanilang mga sundalo patungo sa imperyong Song. Subalit inatasan siya nito na lutasin ang isang maliit na labanan sa Silangang karagatan ng Tsina sa isang kritikal na sandaling ito. Sa iglap na iyon, napagtanto niya kung ano ang ibig sabihin nito. Unti-unti, kumalma siya at bumalik sa dati niyang matatag at kumpyansang sarili, bago lumuhod at sumasagot, "Oo, nauunawaan ng tauhan na ito."
Sa buong ito, kinakabahan si Nalan Hongye at napuno ng pag-unawa, ang kanyang kamao ay mahigpit na nakakuyom. Pagkatapos lamang sumagot si Xuan Mo sa kanyang kalmado at tahimik na paraan ay pinakawalan niya ang kanyang pagkakahawak. Tumalikod siya, may hindi mapapantayang kalinawan sa kanyang ekspresyon, ang gintong pulbos sa sulok ng kanyang mga mata ay nagpapakita lamang ng kanyang intensyon. Pakiramdam niya ay kinakailangan ng paliwanag. "Isang mabagsik na labanan ang tiyak na magaganap sa pagitan ng Yan Bei at imperyong Xia, may ganap na patayan sa digmaan. Ikaw lamang ang taong pinagkakatiwalaan ko. Hindi ko nais na makipagsapalaran ka."
Nakayuko pa rin, tahimik na sumagot si Xuan Mo, "Oo, naintindihan ko."
Huminga ng malalim si Nalan Hongye at ngumiti. "Sige. Halika dito, hindi na kailangan ng mga pormalidad sa pagitan natin."
Imbis na umakyat, nanatiling nakaluhod si Xuan Mo, ang kanyang buhok na ay sinasalamin ang pilak na liwanag ng buwan, ang mga uwak ay lumilipad sa tahimik na kalangitan. Ang hangin ng gabi ay umihip sa kanyang roba, at ang mga burda na nagpapahiwatig ng kanyang ranggo ay pumagaspas. Sa sandaling iyon, ang disenyo ay tila tulad ng sandatang may dalawang-talim na madaling masasaktan ang sinumang humipo dito. Mula doon, naglabas siya ng ilang mga bagay, inilagay paisa-isa ang mga ito sa puting jade na hagdan.
Nagtataka, nais ni Nalan Hongye na magsalita, para lamang mahinang sabihin ni Xuan Mo, "Dahil hindi alam ng tauhan na ito kung kailan makakabalik mula trabahong ito, ibabalik ko ang pamumuno ng mga hukbong Jingji at Xuanzi sa Kamahalan."
Ang kanyang unang likas naisip ay tanggihan ang kanyang kahilingan, ngunit habang tinitingnan niya ang dalawang sagisag, may bigla siyang napagtanto. Ang hukbong Jingji ay orihinal na nasa ilalim ng kontrol ng Kagawaran ng Militar. Matapos nilang magsanib-pwersa ni Xuan Mo upang talunin ang kagawaran, ang hukbong Jingji ay nahigop at inilipat sa pamumuno ni Xuan Mo. Para naman sa hukbong Xuanzi, ito ay personal na pwersa ni Xuan Mo, ang malakas nitong kakayahan sa pakikipaglaban ay nangangahulugang ito ang isa sa mga piling pangkat ng militar ng imperyong Song.
Ngumiti siya tapos ay lumapit at tinulungan makatayo ang lalaki, pagkatapos ay sinabi, "Sige, itatabi ko ito para sa iyo. Kapag bumalik ka ay ibabalik ko ito sa iyo."
Tumayo si Xuan Mo, mayabang ngunit pinapanatili pa rin ang paggalang kay Nalan Hongye habang mahinahon siyang tinitingnan. Itinaas niya ang kanyang ulo at magaang ngumiti, ang nakapalibot na ilaw ay pinapakita ang malambot na kurbada ng kanyang baba habang sinasalamin din ang silaw sa mga mata.
"Kahit na ang Hari ng Taiping ay nagsimula ng paghihimagsik, ang iba tulad ng Hari ng Jingjiang ay maaaring may gawin din. Kapag nawala na ako, dapat alam ng Kamahalan kung paano protektahan ang sarili."
Malumanay na ngumiti si Nalan Hongye. "Xuan Mo, pagkatapos ng lahat ng mga taon na ito na kilala natin ang bawat isa, nag-aalala ka pa rin tungkol sa aking mga kakayahan?"
Nagbaba ng tingin si Xuan Mo. "Lubos na talentado ang Kamahalan, binabawi ko ang sinabi ko."
"Sige na, hindi na kailangan ng mga pormalidad. Matagal na nating kilala ang bawat isa at sinuportahan ang isa't-isa bilang magkaibigan. Ipinangako ko sayo dati, na anuman ang direksyon na patunguhan ng dinastiyang Song sa ilalim ng pamumunong ito, hangga't ako ang namumuno, sisiguraduhin kong mapaparangalan ang iyong pamilya."
Nang nagsimulang mamuo ang hamog sa kanilang mga damit, ang mga burda sa kanilang damit ay naging basa-basa. Sumagot si Xuan Mo, "Salamat, Kamahalan. Gabi na, kung wala na, aalis na ako."
Nais pa sanang paalalahanan siya ni Nalan Hongye, ngunit hindi siya makahanap ng maraming salitang sasabihin. Sa halip, tumango siya, "Madilim doon, sabihan mo sila na magsindi ng lampara."
"Oo, gagawin ko ito." Pagkatapos sabihin ito, nagpaalam na si Xuan Mo bago tumungo sa isang eskinita. Ang sinag ng buwan, nasasala ng mga disenyo sa kisame, nagtatama ng disenyo sa sahig, kung saan naglalakad si Xuan Mo. Ilang sandali pa bago nakalabas sa wakas si Xuan Mo sa puting tore tungo sa parade square. Habang binabalot siya ng kadiliman ng gabi, ang lahat ng nakikita ni Nalan Hongye mula sa tore ay isang mas lumalabong anino.
Bumugso ang hangin ng gabi, hinipan ang kanyang buhok habang nanatili siyang nakatayo tulad ng isang estatwa, bahagyang gumagalaw kahit isang pulgada. Bigla ay naalala niya ang mga kaganapan noong siya ay bata pa, nang ang pagpipirata ay laganap sa Silangang karagatan ng Tsina at ang kanyang ama bilang Emperador ay personal na pinamunuan ang mga misyon laban sa kanila. Ang Imperyo noon ay makapangyarihan, pinamumunuan ang mga karagatan kasama ang malawak na nitong sundalo at yaman. Hindi niya maintindihan kung bakit gagawin ng kanyang ama, bilang Emperor, sa lakas ng kanyang pwersa, ay kusang-loob pa ring pangungunahan ang mga misyon. Ang kanyang nakababatang sarili ay hinatak ang roba ng kanyang ama, nalilitong nagtanong, "Ama, bakit kusa mong pinangungunahan ang mga misyon?"
Sa sandaling iyon, marahang hinaplos ng kanyang ama ang kanyang ulo, kalmadong tumugon, "Walang dahilan. Ito ang mga bagay na dapat kong lutasin at pananagutan, kung hindi ay walang papasan sa mga pasaning ito."
Habang hindi naiintindihan ng kanyang nakababatang sarili ang kahulugan sa likuran ng mga salita ng kanyang ama, ang kanyang kasalukuyang sarili ay lubos na nauunawaan ang kahalagahan ng kanyang tugon, na may mga responsibilidad at tungkulin na kailangang pasanin ng isang tao sa kanilang buhay, nais man nila o hindi.
Ang kanyang pansamantalang pagkakamali ay nagbigay sa mga kaalyado ng Hari ng Taiping ng pagkakataon na lasunin ang bata at binging Emperador, na nagdusa hindi lamang sa pagkawala ng kanyang pandinig ngunit ngayon ay ang mabagal nitong pagkamatay mula sa lason. Ang kamatayan niya ay tiyak na ilalagay sa kaguluhan ang imperyong Song, kung saan ang Hari ng Jingjiang at Huai'an ay tiyak na susunggaban ang pagkakataon. Sa sandaling iyon, ang pamilya Nalan ay maglalaho.
Lalo siyang nagagalit na matapos ang lahat ng mga taon na kasangkot sa pamilya at pulitika upang protektahan at tulungan ang batang Emperador, ang lahat ng nais ng maharlikang pamilya ay ang araw ng kanyang kamatayan. Ang mga pagsisikap ba ng kanyang mga ninuno sa digmaan ay para lamang bigyan ang iba ng pagkakataon na umakyat sa kapangyarihan? Matapos ang lahat ng mga taon ng pagsusumikap niya, hindi niya hahayaan na bumagsak ang Imperyo sa mga kamay ng mga taong iyon.
Ang dominanteng posisyon ng Yan Bei ay pinalinaw lamang sa imperyong Tang at imperyong Song sa kaguluhang sibil, habang hindi nakalalamang ang posisyon ng imeryong Xia. Sa halip na hintayin na mamatay si Qing'er at bumagsak ang Imperyo sa kamay ng mga maharlikang pamilya na kinamumuhian niya, makatuwiran na isuko ang buong lupain kapalit ng kapayapaan para sa mga tao ng Song Huai at ang pagpapatuloy ng pamilyang Nalan. Pagkatapos ng lahat, si Yu'er ay mayroon pa ring tatlong batang anak na babae at mayroon siyang ina na may malubhang sakit upang alagaan. Idagdag pa, mayroon pa ding hindi mabilang na mga ministro na matapat pa rin sa dating Emperador...
Ang pagsang-ayon sa alok ng lalaki ay hindi lamang papayagan si Nalan na mapanatili ang kanyang imahe, ngunit pag-iisahin din nito ang dalawang rehiyon sa isang matibay na pagtutulungan na magkakaroon ng mga kakayahan upang makakamit ng higit pang mga nagawa, isang bagay na nais niya sa maraming taon.
Bumukas ang tarangkahan ng palasyo, habang ang anino ni Xuan Mo ay dahan-dahang nawala sa walang katapusang gabi. Isang pakiramdam ng pagkawala ang tumama sa kanya, na para bang naglalaho ito sa gabi.
Sa mahigpit na pagtutol ng militar na lumaban, epektibong napilitan siyang ipadala si Xuan Mo sa Silangang Hangganan. Ang malawak nitong pamumuno ng mga elemento ng militar ay nangangahulugang makakagambala siya kay Heneral Yang, pinipigilan ang buong kontrol ng militar at posibleng pakikipagtulungan sa Yan Bei. Bukod dito, ang pagtiwalag ni Haring Taiping ay nagpaunawa sa kanya ng kahalagahan ng hilaw na kagalingan at impluwensya sa militar, kung saan ay hindi niya mapapantayan ang mga kakayahan ni Xuan Mo. Sa panahon ng kapayapaan, magagamit niya ang kanyang kapangyarihan at iba pang maliliit na labanan upang mapanatili siya sa kontrol, ngunit sa lumalalang sitwasyon at nagiging mas magulo bawat segundo, napilitan siyang bantayan laban sa sobrang lakas nito.
Umaasa lamang siya na maiintindihan nito ang lugar na kinalalagyan niya.
Naglakad si Xuan Mo sa malawak na maharlikang kalsada, nasasamahan ng kanyang personal na katulong na si Jiang Wu at ang kanyang karwahe, lumalangitngit habang nakasunod ito sa likod nila.
Ang tiwala ng prinsesa kay Haring Xuan ay nangangahulugang ang kanyang tirahan ay hindi malayo sa palasyo. Hindi nagtagal bago nakita ang mainit na nagliliyab na sinag ng mga lampara sa harap ng pintuan.
"Master, nakabalik ka na, ngunit bakit ka nagdadala ng isang hindi nakasinding lampara?" Si Lady Yu, na kilala rin bilang Yushu, ay naguguluhang nagtanong, ang kanyang puting damit ay kumikinang sa ilalim ng sinag ng buwan.
Gulat na sumulyap si Xuan Mo, at totoo nga na ang kanyang lampara ay hindi nakasindi, ang manipis na patong ng jade na mukhang mahina sa ilalim ng ilaw ng iba pang mga lampara.
Malumanay siyang sumagot, "Baka nakalimutan ko," bago pumasok sa bakuran.
Kumuha si Yushu ng kapa, at inilagay ito sa kanyang balikat. Dumaplis sa kanyang mga kamay, gulat na nagtanong, "Bakit malamig ang iyong mga kamay, Master?"
"Wala ito." Nagkibit-balikat si Xuan Mo, bago tumungo sa silid ng pag-aaral.
Nakatayo si Yushu habang pinapanood ang kanyang anino ay naglalaho sa hardin, ang puting kapa sa kanyang kamay ay marahang lumilipad-lipad tulad ng isang saranggola sa hangin.
"Binibini?" naasiwang nagtanong ang katulong. "Ang hangin sa gabi dito ay malakas, bumalik na kayo sa loob."
Tumango si Yushu, bago malumanay na nagsabi, "Pumunta sa kusina at maghanda ng pagkain. Baka nagugutom si Master dahil kakauwi niya lang sa oras na ito."
Masunuring tumango ang mga katulong. "Oo, lalabas na ang lingkod na ito. Magpahinga na kayo sa lalong madaling panahon, binibini, matapos ang lahat, nagpapagaling ka pa."
Humimok si Yushu, "Umalis ka na."
Nang umalis ang mga tagasilbi, tumalikod si Yushu, para lamang makita ang isang kandila na nakasindi sa silid ng pag-aaral sa kabilang silid, mula dito isang manipis na anino ang nakatayo at kumutitap sa bintana. Ngumiti si Yushu bago dinala ang ilan sa mga tagasilbi sa silid ng tsaahan, kung saan kakarating lang ng ilang sariwang kahon ng tsaa na maaaring timplahin mamaya upang subukan ni Xuan Mo.
Sa silid ng pag-aaral, naglatag si Xuan Mo ng isang sariwang piraso ng papel na Lanling at isinawsaw ang kanyang panulat sa tinta. Ngunit sa mahabang panahon, umupo siya doon na malalim ang iniisip, na walang isinusulat.
Tumulo sa papel ang tinta mula sa panulat, bumubuo ng isang malaking itim, ngunit nanatiling malalim ang iniisip ni Xuan Mo, lubos na walang kamalayan.
Nakatayo sa isang sulok, maingat na nagtanong si Jiang Wu, "Master, babaguhin ko ba ang papel para sa iyo?"
Nagbaba ng tingin si Xuan Mo, bago nilamukos at ihagis ang papel sa sahig, hindi nagbago ang kanyang ekspresyon.
Hindi maiwasan ni Jiang Wu na magulat. Matapos ang lahat, dahil kilala na si Xuan Mo sa loob ng higit sa pitong taon, halata sa kanya na masama ang lagay ng kalooban nito.
Kumuha si Xuan Mo ng isa pang piraso ng papel, at tumingin sa blangkong papel bago simulan ang kanyang pagsusulat. Sa maikling sandali, naisulat na niya ang isang buong talata, kung saan ay ipinasa niya ang papel kay Jiang Wu, inuutos, "Unang-una bukas ng umaga, nais kong ipadala ito sa Kagawaran ng Seremonya at ibigay sa Master doon. Mula doon ay nais na ipadala ang liham na ito, ihatid, at personal na ibigay kay Yan Xun sa Baizhi Pass."