"Tingnan niyo ang watawat na iyon! Ang pwersa ng Eastern Hu!" Isang alon ng kagalakan ang narinig. Sa sandaling iyon, lahat ay natigilan. Tumitig sila dahil nasasabik sila; ang kanilang mukha ay mapula.
"Ang pwersang Eastern Hu! Sila iyon!"
"Sila ang hukbo ng Ika-pitong Prinsipe! Mga kakampi natin!"
"Mabuhay ang Ika-pitong Kamahalan! Mabuhay ang imperyong Xia!"
…
Nakaupo sa kabayo niya si Wei Shuye. Hindi niya kailanman inasahan na sa napaka kritikal na sandaling ito, si Zhao Che, na dapat sinasakop ang syudad ng Zhen Huang, ay lilitaw dito. Matapos niyang talikuran ang pagkakaibigan na ito alinsunod sa utos ng kanyang pamilya na suportahan si Zhao Yang, naging mapanuya na sa sandaling inabandona siya ng kanyang pamilya, nang pinabayaan siya ni Zhao Yang, nang tinalikuran siya ng Imperyo, ang taong ito na tinalikuran niya ang bumalik upang iligtas siya. Tiim-bagang na humiwa muli si Wei Shuye sa bungo ng kaaway.
"Patayin ang mga kaaway!" Ang tawag ng trumpeta upang sumugod ay tumunog muli. Kasama ang mainit na dugo ng pagnanais, ang nag-aapoy na kagustuhang lumaban ay nagliyab muli. Sa ganap na wasak na lugar ng digmaan, sumapit ang takipsilim habang ang mga tunog ng pagpatay ay natahimik na sa wakas. Ang simoy ng gabi ay may dalang amoy ng bakal.
Sa pandigma niyang damit, nakatayo si Zhao Che sa ibabaw ng dike habang tinitignan ang pinaglalabanan na ito na nababad sa dugo. Nakatayo si Wei Shuye hindi nalalayo sa likuran niya habang nakatingin sa pigura ni Zhao Che. Sa sandaling iyon, parang bumalik sila sa nakaraan, habang naalala ni Wei Shuye ang oras kung saan kababalik lang ng natalong prinsipe na ito sa kabisera. Habang nakaluhod si Zhao Che sa Zi Wei Square at inaamin na nagkasala, nakatayo ng ganyan si Wei Shuye, pinapanood ang kanyang likuran na palaging tuwid, at ang kanyang mga kamao na tila palaging nakakuyom.
Makalipas ang napakaraming taon, matapos makaranas ng buhay at kamatayan, hirap at saya, panganib at pakikipagsapalaran, katapatan at pagtataksil, tila tumanda ang mata ng lahat.
Naging mapaghangad na tao si Zhao Yang, binitawan ni Zhao Song ay anumang anyo ng ambisyon, namatay si Zhao Qi sa laban sa Yan Bei, si Yan Xun ay naging malupit at desidido, sa wakas ay nagising si Zhuge Yue sa kanyang sariling katigasan ng ulo. Gayunpaman, sa kabila ng lahat ng mga pagbabagong ito, tanging si Zhao Che lamang ang nanatiling katulad ng dati. Lagi siyang matatag at desidido. Hindi siya kailanman mukhang mahina, kahit minsan ay hindi nagpakita ng anumang palatandaan ng kahinaan. Ang taong ito ay ipinanganak upang maging sundalo, ipinanganak upang magtanggol.
Marahang lumalakad, nakatayo sa likuran ni Zhao Che, binuka ni Wei Shuye ang kanyang bibig at sinabi, "Salamat sa pagliligtas mo sa akin."
Hindi tumalikod si Zhao Che, na para bang matagal na niyang alam na ang taong ito ay nakatayo sa likuran niya. Isang mababang tinig ang maririnig, "Hindi ko lang nais na biguin ang pangalan ng aking pamilya." Tama, siya ang inapo ni Emperor Peiluo, na purong dugong bughaw na dumadaloy sa kanyang mga ugat. Ipinagtatanggol lamang niya ang kanyang teritoryo at mga nasasakupan. Wala itong kinalaman sa kani-kanilang paksyon, o kahit na iligtas ang sinuman.
"Tingnan mo, napakaganda." Biglang iniunat ni Zhao Che ang kanyang kamay, at gamit ang lalagyang ng kanyang espada, itinuro niya ang mga madamong kapatagan na nasa baba niya. Sa ilalim ng papalubog na araw, inilawan ng pulang sinag ang tigang na kapatagan na kumakaway sa hangin. Para bang dumadaloy ang dugo sa dagat na ginto. Tunay na isang itong tanawing dapat pagmasdan.
"Ang makamundong mga tao ay hindi nakita ng totoong kalawakan ng mundo, dahil ang gayong mundo ay hindi pa nalilikha. Magkakaroon ng isang araw, mula sa Shangshen Highlands ng Yan Bei hanggang sa East Coast ng imperyong Song, mula sa Ahdu Wastelands ng Kanlurang disyerto hanggang sa Jiuwai Mountain Ranges ng Timog hangganan, lahat ay yuyukod sa Imperyo. At ang kwentong iyon ay magkakaroon ng pambungad na aksyon na isinulat ng aking sandata." Tumalikod, may mata na kumikislap sa kapasyahan, tumitig siya kay Wei Shuye habang kumpyansang ngumiti bago inilabas ang kanyang kamao at pirming sinabi, "Hindi maglalaho ang imperyo ng Xia."
Tumingin si Wei Shuye sa kanya. Matagal na nanatiling tahimik, sa wakas ay nagpakita si Wei Shuye ng bakas ng ngiti. Kumalat ang ngiti sa kanyang mukha, ipinapakita ang kanyang mga mata na puno ng buhay. "Hindi maglalaho ang Imperyo ng Xia!" Inunat niya rin ang kanyang kamao, idinikit sa kamao ni Zhao Che.
Sa ilalim ng himpapawid ng Hilagang-kanlurang rehiyon, ang magandang araw ay unti-unting bumaba sa ilalim ng abot-tanaw. Ang hukbo na nagmamadali ng buong araw ay nagawa nang magpahinga sa wakas habang ang buong puwersa ay nagsimulang magluto ng hapunan at matulog. Nakapagpahinga lang sila ng apat na oras. Kapag tapos na ang oras, kailangan nilang magmamadali tumungo sa Timog-Kanluran.
Matapos masuri ang buong hukbo, kababalik lang ni Zhuge Yue sa kanyang pangunahing kampo nang makita niyang handa na umalis si Chu Qiao, para bang hinihintay siya nitong makabalik bago siya umalis sa kanyang paglalakbay.
Tumayo si Zhuge Yue sa pintuan at tahimik siyang pinagmasdan na walang sinasabi. Ang hangin ng tagsibol ay medyo malakas kaysa sa karaniwan, itinaas nito ang mga tabing ng pasukan, hinahayaan ang mga sinag ng ilaw mula sa labas papasok sa tolda, binabalot sila ng isang manipis na kislap.
"Nakapagpasya ka na?" isang mababang tinig ang narinig sa wakas. Hindi masasabi ang emosyon ng tinig dahil ang tono ay labis na kalmado.
Tumango si Chu Qiao, at seryosong sumagot, "Oo, nakapagpasya na ako."
Nang marinig iyon, tumalikod si Zhuge Yue at lumabas, sinasabi, "Maghahanda ako ng pandigmang kabayo para sayo."
"Zhuge Yue!" Humakbang si Chu Qiao, hinawakan ang kamay ni Zhuge Yue, tila namomroblema. Ang atmospera sa tolda ay medyo mabigat. Ibinaba ni Chu Qiao ang kanyang ulo, napasimangot. Ang kanyang mga palad ay malamig na parang isang bloke ng yelo. Sa wakas, lumingon ang lalaki sa harap niya at seryoso siyang tiningnan. Natahimik ng mahabang sandali, walang magawa siyang maginhawang napabuntong-hininga, tapos ay tinanggal nito ang kanyang espada at inilagay ang sariling espada niya sa kanyang baywang. Tapos ay tumalikod siya at nagtali ng nakatagong patalim sa kanyang binti. Pagkatapos, lumabas ito sa tolda at kumuha ng isang pares ng malambot na baluti kung saan marahan nitong isinuot sa kanya. Tinanggal nito ang sariling kapa at ipinatong sa kanya. Hindi nagsasalita, ipinagpatuloy nitong tulungan siya na ihanda ang kanyang kagamitan, pinapatalas ang kanyang patalim, sinusuri ang kanyang bagahe, nagbalot ng gamot. Nanggilid ang luha sa mata ni Chu Qiao tapos ay kinagat ang kanyang labi, pinapanood itong gumalaw.
"Ayos na." Matapos ayusin ang lahat, tumayo ang lalaki sa harap niya at sinabi, "Maghanda kang kumain. Matapos ang dalawa pang oras, magkakahiwalay na tayo. Maaari lamang kitang maihatid dito."
Tumango si Chu Qiao, nakakaramdam ng bahid ng kalungkutan at kawalang-magawa, kasama ang pakiramdam ng pagkakasala at may kaunting takot. Matagal na mula nang siya ay natakot. Tulad ng inaasahan, hindi dapat magkaroon ng labis ang isa. Oras na makaramdam ng labis na kaligayahan ang isang tao, matatakot ito sa kawalan.
"Xing'er, mangako ka sa akin, dapat kang bumalik ng buong-buo upang makita ako."
Mabilis na tumango si Chu Qiao at itinaas ang ulo upang tumingin sa kanya, tinatanong, "Hindi ka ba galit sa akin?"
Mapait na ngumiti si Zhuge Yue. "Kung galit ako, hindi ka ba aalis?"
Nagbaba ng tingin si Chu Qiao. Sa bagay na ito, ilang beses na silang nagtalo, ngunit sa sandaling ito bago ang kanilang pag-alis, hindi na niya nais na ipagpatuloy ang mapanganib na paksang ito.
"Dahil wala akong paraan upang mapigilan kang umalis, nais kong ihatid ka nang maayos." Biglang inunat ni Zhuge Yue ang kanyang mga braso upang yakapin siya. Nakapatong ang baba nito sa kanyang noo habang tahimik na sinasabi, "Xing'er, dinala ni Zhao Che ang kanyang pwersa sa Timog-kanlurang rehiyon. Ikokonsidera ang kahalagahan ng sitwasyon, kailangan kong magmadali na tulungan siya. Dahil sa pagsakop ng Yan Bei sa Timog-kanlurang rehiyon, ang landas patungo sa imperyong Tang mula sa imperyong Xia ay mapuputol. Anuman ang mangyari, hindi ako makakapunta upang tulungan ka. Ang sitwasyon sa imperyong Tang ay isang bagay na mahuhulaan natin kahit hindi alam ang mga detalye, at dapat kang mag-ingat. Kapag napagtanto mong mali ang mga nangyayari, dapat kang umatras."
Yumukyok si Chu Qiao sa yakap niya, tumango, ngunit hindi gumagawa ng anumang tunog.
Bumuntong-hininga si Zhuge Yue tapos ay patuloy na nagsalita, "Kung lumala ang sitwasyon sa imperyong Tang, at hindi maiiwasan ang pagkatalo, dapat mong dalhin ang mga tao patungo sa Qinghai. Inutusan ko na si Yue Qi na bumalik sa Cuiwei Pass. Maghihintay siya doon para sa iyong pagbabalik."
Namasa-masa ang mga mata ni Chu Qiao tapos ay humikbi at tumango siya.
"Sige na. Yamang nakapagpasya ka nang pumunta, huwag kang magmukhang hindi desidido. Mangunguna ng pwersa sa labanan, ang pinakamahalagang bagay ay manatiling matatag. Kung aalis ka ng ganito, paano ako matatahimik?"
Nag-angat ng tingin si Chu Qiao at ngumiti sa kanya, medyo humihikbi pa rin nang sumagot siya, "Mapayapa ka, walang mangyayari sa akin."
Hawak ang kanyang mukha, bahagyang hinalikan ni Zhuge Yue ang kanyang mga labi bago ngumiti. "Ito ang kumpiyansa na dapat magkaroon ng aking babae."
Namangha si Chu Qiao sa mga salita ng lalaki tapos ay tumingin siya dito at sinab, "Dapat ka rin mag-ingat. Sa oras na ito ang sitwasyon ay medyo malubha. Hindi mo lamang dapat bantayan ang mga pwersa ng Yan Bei, dapat ka rin mag-ingat laban kay Zhao Yang at sa iba't-ibang mga maharlika. Nahati ang Imperyong Xia, at sinasalakay tayo ng mga kaaway. Sa hindi matatag na mundong ito, dapat kang maging labis na maingat. "
"Naiintindihan ko." Tumango si Zhuge Yue. "Matagal ko nang pinangungunahan ang mga pwersa sa pakikipaglaban, bihira para sa akin na malamangan. Dapat kang magtiwala sa iyong asawa."
Sa kanyang damit pangdigma, mukhang kaibig-ibig si Chu Qiao. Nang marinig iyon, namula ang kanyang mukha habang pinagsasabihan ito, "Kaninong asawa ka? Pormal na ba kitang pinakasalan?"
Nang-aaba na isinantabi ni Zhuge Yue ang pahayag na iyon. "Matagal mo na akong pinakasalan sa iyong puso, ayaw mo pa rin lang tanggapin ito." Dito, biglang naging malumanay ang kanyang tingin tapos ay sinabi, "Xing'er, may utang pa ako sayong isang kamangha-manghang kasal."
Puno ng pagmamahal ang mga mata ni Chu Qiao habang bumubulong, "Hindi ko kailangan ng engrandeng kasal. Basta't nasa paligid ka, sapat na iyon."
Isang maliwanag at malutong na trumpeta ng militar ang tumunog mula sa labas, tumatagos sa malawak na madamong kapatagan. Biglang parang walang laman ang paligid habang naririnig ang alingawngaw. Pumikit si Chu Qiao tapos ay tumiyad at hinalikan si Zhuge Yue. "Zhuge Yue, dapat manatiling ligtas tayong dalawa."
"Sige." Buong lakas siyang niyakap ni Zhuge Yue.
Sa tigang na landas, pinangunahan ni Chu Qiao si He Xiao habang nakaupo siya sa kabayo. Tumingin siya sa malayo sa makisig pigurang nakatayo sa ilalim ng watawat ng Qinghai.
"Zhuge Yue! Aalis na ako!" Nag-angat ang hangin ng alon ng alikabok kasama ang kapa ni Chu Qiao, inilalantad ang malinis na puting pang-ilalim na baluting suot niya.
Ang mga mata ni Zhuge Yue ay matalim at matatag, ang kanyang ekspresyon ay kalmado at hindi natitinag habang sumisigaw, "Nawa'y sundan ka ng tagumpay!"
Inangat ni Chu Qiao ang latigo ng kabayo habang sumagot siya ng parehong mga salita, "Nawa'y sundan ka ng tagumpay!"
Narinig ang pagdagundong ng tambol ng digmaan habang hinampas ni Chu Qiao ang kanyang kabayo at pinihit ito bago malakas na sumigaw, "Giddyup!" Sa pagtakbo ng kabayo, ang pulang himulmol sa tuktok ng kanyang helmet ay tila tumatalbog na apoy, nakakaagaw-pansin sa mundong ito.
Sa kanilang pag-alis, wala nang mga salita ng pag-iingat o pag-aalangan. Tumawag lamang sila para sa tagumpay ng bawat isa. Kapwa nila alam kung ano ang gusto ng isa. Sa hindi matatag na mundong ito, madaling mawala ang buhay. Ang tanging bagay na hindi kailanman mamamatay ay ang kanilang matatag na paniniwala.
"Master," napasimangot si Yue Liu habang nagtatanong, "bakit hindi mo pinigilan na umalis ang binibini? Napaka mapanganib ng Imperyong Tang. Bakit hindi siya pinigilan ni Master?"
Tumalikod si Zhuge Yue at medyo ngumiti. "Kung hindi siya umalis, siya ba talaga si Chu Qiao?"
Ang mga tunog ng tumatakbong mga kabayo ay naglaho sa malayo. Nakatingin sa distansya, napuno ang puso ni Zhuge Yue ng mga salita na hindi niya nagawang sabihin bago sila umalis.
Ang taong mahal ko ay tiyak ang taong ito. Paano ko siya maikukulong sa tabi ko matapos kong makuha ang kanyang puso at dahan-dahang sirain ang kanyang orihinal na pagkatao?
Napatawa si Zhuge Yue tapos ay inutusan ang kanyang mga tauhan, "Umalis na!"
Sa unang kalahati ng Taon 882, sinimulan ng Yan Bei ang isang buong pag-atake sa imperyong Xia. Nakipagtulungan sila sa Ginang ng Jingan, na nagbukas ng tarangkahan ng Tanghu Pass upang pahintulutan ang pagpasok bago tinalo ang lahat ng garison ng Tang sa kanluran ng Mei Mountain, nilinis ang landas patungo sa kabisera para sa mga pwersa ng Hari ng Jingan. Bago ganap na sumabog ang imperyong Tang sa digmaang sibil, tinanggal ng pwersa ng Yan Bei ang kanilang sarili sa sitwasyon at pinalibutan ang Baizhi Pass ng imperyong Xia.
Dahil sa rurok ng digmaang sibil sa Imperyong Xia, ang ika-14 na Prinsipe Zhao Yang ay inilipat ang higit sa 80 porsyento ng Southwestern Garrison upang kontrahin ang mga hukbong Qinghai at ang mga pwersa ng Eastern Hu na pinangungunahan ni Zhuge Yue at Zhao Che ayon sa pagkakabanggit. Idagdag pa, dahil sa kakulangan ng digmaan sa Baizhi Pass sa mga nakaraang taon, labis na pabaya ang garison. Ang buong tarangkahan ay binabantayan lamang ng ilang daang matandang sundalo. Sa harap ng mga piling sundalo ng pwersa ng Yan Bei, parang papel na bintana lang ang Baizhi Pass.
Matapos lipulin ang isang pangkat ng pwersang sumalungat sa pagsalakay, binuksan ni Yan Xun ang daanan at pinayagan ang pagpasok ng mga malulupit na bandido, nagdala ng kalamidad para sa mga sibilyan sa mga Timog-kanlurang rehiyon.
Sa lawak ng kontinenteng West Meng, mayroong malaking mga rehiyon na hindi pinamumunuan ng sinuman. Sa mga lugar na iyon, maraming samahan ng mga bandido. Ang ilan sa mga mas malaking grupo ay maaaring tagalan ang mas maliit na mga grupo ng hukbong imperyal. Sa kanilang mga hindi makataong pamamaraan at malupit na reputasyon, ang hindi mabilang na maharlikang pamilya ng Timog-kanlurang rehiyon ay sinubukan lahat na iwasang makatagpo sila. Dahil dito, lumitaw ang malaking krisis sa paglikas, at tumanggi ang mga hukbo na umatake at umatras nang walang paligsahan, ibinigay ang malaking teritoryo sa mga sundalo ng Yan Bei. Dito, nagawa ni Yan Xun na makuha ang pinakamalaking pakinabang sa pinakamaliit na presyo.