Kulang dalawang araw, higit 200,000 lumikas ang nagtipon sa mga kalsada sa kahabaan ng Songjiang, nakipagtapatan sa mga sundalong nakaharang sa daan nila. Kasama nila ang mga maharlika, mga pamilya, mga sundalo, at sibilyan na tumakas mula sa napinsalang timog-kanlurang rehiyon.
Dahil nawasak na ang mga harang sa kalsada, ang hukbo ng 20,000 sundalo ay hindi mapigilan ang mga tao na sumulong. Isang bise-heneral ang tumayo sa harap ng pangkat, paos na sumisigaw sa malakas na tinig habang inuutusan ang mga tao na bumalik at lumaban. Gayunpaman, walang pumansin sa kanya. Nakasakay si Wei Shuye sa kanyang kabayo habang tinitignan ang mga taong lumalagpas sa kanya.
Matapos makaalis ng lahat, tanging isang pangkat ng halos sampung batang lalaki ang naiwan. Ang ilan sa mga ito ay mukhang nasa 14 o 15 taong gulang, habang ang ilan ay mukhang 11 o 12. Mahina ang loob nilang nilapitan ang bise-heneral tapos ay iniangat ang kanilang kamay, sinasabi na handa silang sumali sa hukbo. Nabigla ang bise-heneral tapos ay napagtanto niya na napatunayang hindi walang silbi ang kanyang mga salita. Tinanong niya ang mga kabataan sa kadahilanan nila sa pagsali sa hukbo. Dahil ba nila kung paano ipagtanggol ang kanilang bansa sa oras ng pangangailangan? Gayunpaman, sinabi ng mga kabataan na ang kanilang rasyon ay ninakaw ng mga tumakas na sundalo sa harap nila. Wala silang pagpipilian.
Natahimik ang hukbo ng 20,000 sundalo sa harap ng grupo ng kabataan na ito.
Inutusan ni Wei Shuye ang mga sundalo niya na bigyan sila ng tuyong mga rasyon at malinis na tubig, habang pinapanood niya sila na tumatakbo sa tuwa.
Mas naging magulo pagkapasok niya sa timog-kanlurang hangganan. Walang mga bakas ng tao nang dumaan sila sa abandonadong bayan; tanging ang mga tunog ng kanilang mabibigat na yapak ang maririnig. Nang makarating sila sa maliit na square sa bayang iyon, natigilan sila. Sampung bangkay ng mga kalalakihan ang nakabitin sa isang malaking puno ng elm; bundok ng mga sinunog na bangkay na dalawang tao ang taas ay nakasalansan sa lupa. Idagdag pa, marami rin mga babaeng bangkay na natagpuan; makikita kung gaano sila kalupit na pinahirapan hanggang mamatay.
Natahimik muli ang buong hukbo. Mga beterano sila ng digmaan na pumatay ng maraming tao sa kanilang buhay. Gayunpaman, sa sandaling ito, ang ilan sa kanila ay nagsimulang tahimik na umiyak. Bilang mga sundalo, kung hindi nila maipagtanggol ang kanilang sariling bansa at kanilang mga mamamayan, anong kahulugan sa kanilang eksistensya?
Nawasak ang kanilang mga tahanan. Ang kanilang mga bahay ay napatag, habang ang mayabong na lupain ay naging tigang. Isang larawan ng kasaganaan ay naging alikabok habang nasa harap nila ang inabandonang bayan. Ang mataginting na buhay na dating populasyon ng bayang ito ay naging walang buhay na mga bangkay, kung saan ang masangsang na amoy ay inakit ang grupo ng mga buwitre. Isa itong mapaminsalang, nakakahindik na tanawin.
Hindi maintindihan ni Wei Shuye kung bakit napakabrutal ng mga sundalo ng Yan Bei. Sa sandaling iyon, nakaramdam siya ng matinding galit na kumukulo sa loob niya habang mahigpit niyang hawak ang kanyang sandata. Habang nakakatagpo sila sunod-sunod na mga salungatan, sinimulan niyang malutas ang misteryo ng kanyang tanong.
Lumabas na hindi mga sundalo ng Yan Bei ang unang pangkat ng mga sundalo na pumasok sa teritoryo ng Xia. Binuksan ni Yan Xun ang Baizhi Pass sa paglipol ng ilang kampo ng militar sa daan. Pagkatapos, lumabas siya mula sa teritoryo ng Xia at sinakop ang daanan. Hindi niya hinayaang makapasok ni isang sundalo sa teritoryo ng Xia ngunit pinili na maglathala ng paunawa sa mga bandido sa kahabaan ng mataas na lugar ng Yan Bei, ang mga timog na tigang na lupain, Helan Mountains, at ang mga disyerto sa hilagang-kanluran, sinasabing atakihin nila ang Xia ayon sa gusto nila.
Kaya, sunod-sunod na pangkat ng mga bandido ang pumuslit sa teritoryo ng Xia, isinasagawa ang kanilang brutal na pagwawala. Dahil wala silang anumang damdamin para sa pirasong ito ng lupain, naniniwala lamang sa masimbuyong pagnanakaw at pagpatay, isinagawa nila ang bawat masamang gawain na maaaring mailarawan na hindi man lang nagpapakita ng emosyon. Ang walang-awang pagdanak ng dugo ay inalarma ang mga sundalo at maharlikang pamilya doon, habang naghahanda silang gumanti. Gayunpaman, nang marinig nila ang tsismis ng lakas ng kaaway sa timog-kanluran, isinuko nila ang paglaban nila, tumakas kasama ang mga sibilyan. Sa ilang araw, ang timog-kanluran ay bumagsak sa mga kamay ng Yan Bei, na hindi man lang sila lumahok sa isang opisyal na labanan!
Isa siyang baliw! Naisip ni Wei Shuye sa kanyang sarili habang ang masangsang na amoy ng mga nabubulok na bangkay ay humihip sa kanyang ilong. Binuksan niya ang tarangkahan ng Xia para makapasok ang mga demonyo na iyon, ginagawa ang timog-kanluran na isang lugar ng pangangaso ng tao. Ang layunin niya ay hindi upang manlupig ngunit isakripisyo ang buhay sa Xia sa kanyang mga ninuno sa Yan Bei.
Ang galit na mga sundalo ng Xia ay nakatagpo na sa wakas ang pangkat ng mga sundalo mula sa Yan Bei sa Lungsod ng Yangkang. Isang itong pabarangkang labanan para sa mga sundalo ng Xia nang 20,000 sa kanila ay nakatagpo ang 30,000 mabibigat na kabalyero na mga sundalo. Gayunpaman, lumabas na panalo ang hukbo ni Wei Shuye habang inipon nila ang kanilang lakas na lumaban, mula sa bingit ng kamatayan. Habang pinapatay ng mga sundalong Xia ang kanilang mga kaaway na nabihag nang buhay, hindi sila pinigilan ni Wei Shuye. Inaasam din niya ito sa kanyang puso.
Kinamumuhian niya ang mga pumuslit na iyon. Kinamumuhian niya ang Yan Bei, si Yan Xun, at ang malulupit na bandidong iyon.
Gayunpaman, mas kinamumuhian niya ang pamilya ng hari, pati na rin ang mga maharlikang aristokrata na nabuhay sa karangyaan. Kinamumuhian niya ang mga matatas na ranggong sundalo na tumakas mula sa labanan. Kinamuhian niya si Zhao Yang, na pinakilos ang buong Southwestern Army para sa kanyang sariling panloob na salungatan. Kinamuhian niya ang lahat, kasama na ang kanyang sarili at ang kanyang pamilya.
Habang pinupunit niya ang liham mula sa kanyang tiyuhin, pinagalitan siya ng kanyang mga nakakatanda dahil sa pagiging baliw. Sa pangunguna ng mga sundalo ng kanyang sambahayan tungo sa timog-kanluran, tinawag siyang makasalanan at rebelde ng pamilya. Gayunpaman, sa oras na ito, walang makakapigil sa kanya, gaano man kalubha siya masaway.
Binabantaan ng mga kaaway ng soberanya ng kabisera ng hari. Ang bansa ay nasa isang estado ng panloob na salungatan. Tumatakas ang mga maharlika, habang ang mga sibilyan ay humihingi ng tulong.
Isa siyang mandirigma ng kabisera ng hari. Hindi siya aatras, kahit anuman.
Matapos ang labanan sa Lungsod ng Yangkang, nakuha na sa wakas ng kanyang hukbo ang atensyon ng Yan Bei. Wala pang dalawang araw, malapit sa 70,000 sundalo ang pinalibutan sila. Matapos walang tigil na makipaglaban ng isang araw at isang gabi, nasa bingit na sila ng pagod.
Wala na silang mga palaso, gamot, at rasyon, habang ang kanilang mga espada at sibat ay may tapyas na. Matagal na hindi nakatulog ng maayos ang mga sundalo. Maraming oras, nagawa nilang makatulog habang nakikipaglaban, para lang mabalik sa reyalidad dahil nagising sila ng sakit.
Nang sumikat muli ang araw, tumingala si Wei Shuye sa kalangitan at naningkit. Sinabi niya sa kanyang sarili: Maaaring ito na ang huling pagsikat ng araw na makikita ko sa aking buhay.
Nang ang kanyang bise-heneral, na ang mukha ay may pilat, ay lumapit sa kanya, sumigaw ito sa malakas at paos na tinig, "Heneral! Hindi na namin kaya sila pigilan! Nagpadala ang kaaway ng tatlong pangkat ng dagdag kawal! Umatras na tayo kaagad!"
Nanatiling tahimik si Wei Shuye habang nakatingin sa matandang lalaki nasa harap niya. Siya ay isang kasamahan na nakipaglaban kasama niya mula sa timog hanggang sa hilaga. Ang lalaki na mas maraming pang laban na nilabanan kaysa sa kanya, na mas mahusay sa pakikipagdigma, na mas mabangis sa digmaan, at madaling nakukuha ang puso ng mga tao. Ito ay dahil siya ay dating isang ordinaryong sibilyan, hindi maitaas ang ranggo kahit gaano karaming dangal ang kanyang natamo. Kung hindi dahil sa kanyang pagtuturo, maaaring nanatili bilang isang maliit na pinuno ng pangkat ang lalaki.
Marahil, dahil sa kanya na pinahahalagahan ng lubos ang lalaki, nanatiling tapat sa kanya ang lalaki. Nakipaglaban siya sa unahang hanay bawat labanan, hinaharangan ang mga palaso at espada para sa kanya. Gayunpaman, hindi alam ng lalaki na maraming beses, minaliit niya ang mga taong may ganoong katayuan. Sinamantala niya ang mga ito, kinukuha ang mga dangal na nakuha nila para sa pagsisikap nila habang nakatayo siya sa likod, hinihintay na matapos ang bawat labanan. Paano siya naiiba sa mga aristokratang tumakas mula sa labanan sa kaduwagan? Tumakas sila para sa kanilang buhay, habang siya, upang mapahusay ang kanyang reputasyon, ay sinira ang buhay ng ibang tao.
Isang magulong mga emosyon ang biglang namuo sa kanyang puso.
Alam ni Wei Shuye na ngayon ang kanyang huling laban. Hindi magkakaroon ng anumang dagdag-kawal, o lugar para sa tagumpay. Nakikipaglaban pa rin si Zhao Yang sa labanan kay Zhuge Yue; ibig sabihin ay hindi ito lilitaw upang iligtas siya. Alam din ni Wei Shuye na kahit hindi nakikidigma si Zhao Yang, hindi rin siya nito ililigtas. Nakatadhana silang maiwanan at mapatay sa magulong lugar ng digmaan.
Inilabas ni Wei Shuye ang kanyang espada, isang determinadong hitsura ang nasa kanyang mukha. Sumulong siya sakay ng kabayo at inilagay ang sarili sa harap ng kanyang sugatang mga sundalo. Idineklara niya, "Mga mandirigma, ngayon ang magiging huling laban natin." Nang umalingawngaw sa lugar ng labanan ang kanyang mababang tinig, hindi mabilang na duguang mukha ang tumingala sa kanilang komandante.
"Mga mandirigma, sinira ng kaaway ang ating lupain. Habang umaatras ang lahat, tanging kayo lang ang matapang na sumulong. Kulang sampung araw, nakilahok kayong lahat sa 13 dumidepensang laban, 11 gerilyang pakikipaglaban, dalawang harapang labanan, at naglakbay sa kalahati ng lupain ng Xia. Pinunan niyong lahat ang mga responsibilidad niyo bilang sundalo. Ang mga hinaharap na henerasyon ng Xia ay buong pagmamalaki kayong igagalang! Marahil, mamamatay tayong lahat dito ngayon. Marahil, mabibigo tayo, ngunit gagamitin natin ang espada sa ating mga kamay upang sabihin sa mga mananakop na iyon na hindi susuko ang Xia. Patuloy na maglalagablab ang ating pagnanasa. Iyong yuyurak sa ating dignidad ay magbabayad ng malaki!" Nang inihatid ng heneral ang kanyang pumupukaw na pananalita, tumuro siya patungo sa mabilis na papalapit na pwersa ng kaaway at sumigaw, "Mabuhay ang kabisera ng hari! Mabuhay ang Xia!"
Libu-libong mga sirang espada ang tumuro sa kalangitan habang masigasig na sumigaw ang mga sundalo. Lumabas ng kampo si Wei Shuye sakay ng kanyang kabayo, sumisigaw habang sumusugod tungo sa mga sundalo ng kaaway kasama ang kanyang hukbo ng mga sundalo na nasa likuran niya.
Nang umihip ang malamig na hangin sa kanyang tainga, sumakit ang kanyang mata. Wala na siyang makita pa nang inilabas niya ang kanyang espada. Bigla siyang naliwanagan sa buhay. Ginunita niya ang kanyang mga nakaraang karanasan, noong siya ay bata pa na lumalaki sa ilalim ng patnubay ng kanyang tiyuhin, hanggang sa mga panahong nakikipaglaban siya sa digmaan.
"Hindi ko nais maging duwag. Hindi ko nais na matali sa mahigpit na paraan ng buhay sa kabisera ng hari, lumaki, tumanda, at tapos ay mamatay. Balang araw, tatakas ako sa hawlang iyon. Iiwanan ko ang lahat at gagamitin ang tanging buhay ko upang makakamit ng malaking bagay. Wala akong pakialam kung sabihin nilang hindi ito gaanong mahalaga. Masasabi ko sa sarili ko bago ako mamatay, na sa wakas ay matapang ako kahit isang beses." Malamig siyang ngumiti tapos ay inilabas ang kanyang espada upang hambalusin ang kanyang mga kaaway, dahilan upang dumanak ang dugo sa lugar ng labanan.
Sa kahabaan ng mga pampang ng ilog Hang sa hindi kalayuan, isa pang heneral na nakasuot ng itim ang malamig na pinapanood ang mangyayaring labanan sa harap niya. Bigla, nag-utos ang heneral, "Maghanda kayong lahat."
"Kamahalan!" Sumimangot si Mu Liao at sinabi, "Iyon ang sundalo ng sambahayan ni Wei Shuye. Tapat sila sa ika-14 na Kamahalan."
Napasimangot ang heneral, lumingon, at sinabi sa malalim na tinig, "Wala akong pakialam kung sino sila. Ang alam ko lang ay sila ang mga kakamping ipinagtatanggol ang ating bansa."
Natigilan si Mu Liao taos ay sumagot, "Naiintindihan ko."
Inilabas ng heneral ang kanyang espada at itinaas ito sa hangin. "Kayong lahat, makinig sa aking utos! Sugod!"
"Patayin ang kaaway!"
Biglang nagpakawala ang hukbo ng malakas na sigaw!
"Iisang malaking pangkat ng mga sundalo ang papalapit mula sa hilaga!"
"Mabilis silang papunta tungo sa atin!"
"Hindi namin masabi kung sila ay kaibigan o kaaway! Mukhang mayroon silang higit sa 100,000 katao!"
Mabilis, ang atensyon ng lahat ay lumingon sa kakaibang tanawin sa hilagang-silangan.
Ang pinuno ng pangkat ay nakabihis ng berdeng manto habang tumatakbo sakay ng kanyang pandigmang kabayo. Dahil malaking ulap ng alikabok ang napukaw, ang bilang ng oposisyon ay hindi alam. Sumulong ang mga kabayo tulad ng mga alon, kinukulayan ang langit ng dilaw sa alikabok na kanilang pinukaw.