Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 252 - Chapter 252

Chapter 252 - Chapter 252

"Sige," saad ng isang malalim na tinig, dahil wala masyadong pagpipilian si Zhao Song ngunit hayaan siya. "AhJiang, lumipat ka."

Medyo natigilan si AhJiang, tapos ay lumapit si Xiaoba at kinatok ang kanyang ulo habang nagpapagalit, "Bilisan mo lumipat! Hinihintay mo ba na magbago ang isip ng ating master at palayasin ako?"

Taimtim na ngumiti si AhJiang, tapos ay itinaas niya ang kanyang latigo at pinalo ang kabayo. Nagsimulang marahan na sumulong ang karwahe sa araw ng umaga na nililiwanagan ang mundo ng ginintuang dilaw.

Matapos lumabas sa syudad ng Zhen Huang, hindi na isang aristokrata ang lalaki, at hindi na siya ang kilalang mananayaw sa kabisera. Nagpapasalamat sila na binigyan sila ng mundo ng pagkakataong magsimula muli.

Sa masukal na kagubatan, isang binibining nakasuot ng mapanglaw na berde ang nakasakay sa kanyang kabayo, kasama si He Xiao na nakatingin sa likuran. Ilang pangkat ng mga gwardyang nagroronda ang lumagpas, ngunit parang hindi niya nakita ang mga ito, habang tinitigan niya ang karwaheng mabilis na lumalayo sa kanya, nananatiling tahimik.

Paalam, kaibigan.

Paalam, kapatid.

Paalam, sa dalawang tao labis siyang may utang na loob sa kanyang buhay.

Habang mas tumaas ang araw sa kalangitan, patuloy na nagngangalit ang hangin ng hilaga. Inipon ni Chu Qiao ang kanyang mga saloobin at nagtaas ng ulo, pinapaalalahanan muli ang sarili na Xia ito. Ang lupang ito ay puno ng amoy ng Xia, ang hangin ng Xia, at ang kasaysayan ng Xia, at ang kanyang mga kaibigan. Ang mga dapat umalis ay umalis na, at ang mga natitira ay dapat handa na harapin ang hinaharap dito. Anuman ang hirap at sakuna, lahat sila ay may sariling responsibilidad at may mga tao na hinihintay o pinoprotektahan.

Tumalikod siya at tiningnan ang marilag ng mga pader ng syudad na makikita mula sa malayo. Mayroong hindi mabilang na palasyo at gusali, at tila walang katapusang mga pagpaplano at bitag. Minsan ay kinapootan niya ang lahat tungkol dito, subalit ngayon ay kusang-loob siyang pumasok sa malaking bilangguan na ito. Tulad ng kung paano ang kanyang kapatid na babae ay kusang nagpatuloy na maging isang tagasilbi, lahat ito ay mga desisyon na ginawa niya. Ito ang kanyang sariling personal na laban, ngunit hindi siya nag-iisa, dahil sa malaking marilag na bilangguang iyon ay may isa pang taong naghihintay sa kanya.

Pagkatapos ng lahat, ang mga bagay ay ganap na naiiba, at tulad ng buhay at kamatayan, imposibleng bumalik sa nakaraan.

"Giddyup!" Malamig na sigaw si Chu Qiao habang tumatakbo siya pabalik sakay ng kanyang kabayo, sa malamig na hangin na humihiwa sa kanyang mga tainga. Tila ba naging alikabok ang lahat, nawala sa nakaraan.

Sa isang kisap-mata, pagbabago na ng taon. Kahit na hindi ito isang partikular na kasiya-siyang taon, tulad ng dati ay nagpakita ng masayang pagtatanghal ang syudad ng Zhen Huang. Mayroon pang kalahating buwan sa pagdiriwang ng tagsibol, ngunit niluwagan ng imperyal na palasyo ang mga paghihigpit sa gabi, at may pag-apruba mula sa Elder Council, ang buwis sa mga negosyante ay binawasan upang hikayatin ang kalakalan. Idagdag pa, sa ngalan ng Emperador, sinimulan nilang ipatawag ang ilan sa mga opisyal na mahusay na nagtrabaho sa nakaraang taon pabalik sa kabisera para sa mga parangal at pagkilala.

Napaka simple, sa loob lamang ng tatlong araw, ang syudad ng Zhen Huang ay naibalik sa dati nitong maunlad na sarili. Bahagyang minanipula ng mga opisyales, ang seremonya ng bagong taon sa taong ito ay partikular na engrande, habang iba't-ibang mga mayayamang pamilya ay nagsimulang pumasok sa kabisera. Sa loob ng syudad ng Zhen Huang, nailagay na ang mga dekorasyon, na may mga palabas na madalas na ginaganap. Hindi alintana kung gaano karaming gulo sa mundo sa sandaling iyon, o kung gaano kaimportante ang digmaan sa hangganan, ang mga tao sa kabisera ay nabihag pa rin ng eksena sa harap nila.

Habang umiihip ang malamig na hangin sa mga pader ng syudad, tila ba napulot nito ng amoy ng pagdiriwang, bago tumungo sa hilaga. Gayunpaman, ang digmaan sa Yan Bei ay tila mas nagiging kailangan kaagad. Tila bawat gabing mas napapagabi ang tulog ni Zhuge Yue, at minsan ay hindi siya natutulog. Walang hanggang na tumutulo ang kandila, naiipon sa lalagyan ng kandila habang iniilawan ng malamlam na liwanag ang kanyang mukha na tila napakaputla, ngunit ang kanyang likod ay tila tuwid.

Tatlong araw ang nakalilipas, sa wakas ay nakilala ni Chu Qiao si Zhao Che.

Umuulan ng nyebe ng araw na iyon. Ang nyebe na naipon matapos ang apat na araw na mahabang bagyo ng nyebe ay halos dalawang talampakan ang lalim, at lulubog ang isa hanggang sa kanyang mga hita habang naglalakad. Laging may sakit si Chu Qiao sa nagdaang taon, at sa huli ay nanatili lamang sa bahay.

Nang gabing iyon ay bigla niyang narinig ang tawa ni Zhuge Yue mula sa malayo habang nakasimangot siyang nakasandal sa malambot niyang kama. Bigla, nagmulat siya nang makaramdam ng malamig na hangin na nagmumula sa pintuan. Hindi niya maiwasang manginig at hilahin ang kanyang kumot, habang itinuwid niya ang kanyang katawan. Itinaas ni Zhuge Yue ang kurtina at kinausap siya, "Xing'er, tingnan kung sino ang nandito?" Matapos sabihin iyon, dinala niya ang tao sa silid.

Pumasok si Zhao Che na nakatalikod sa ilaw. Ang itim nitong damit ay walang mabulaklak na burda at mukhang mas malamlam, na walang ibang marangyang dekorasyon. Tila tulad siya ng dati, kahit na mukha siyang mas matangkad at payat. Ngunit ang kanyang mukha ay tila hindi nagbago ng marami mula dati. Ang tanging pagkakaiba lamang ay wala na ang pagmamalaki ng kanyang mga mata na dating mayroon siya, at mas mukha siyang mahinahon at gumulang. Kahit na kapag ngumiti siya, mayroong bahid ng hindi pagkapamilyar at tila laging nagbabantay. Kaswal siyang binati nito habang bahagyang tumango, bago kalmadong sinabi, "Nagkita rin tayo sa wakas."

Pumasok ang pagkain mula sa kusina. Nagdala si Zhao Che ang alak ng Qianghu. Tila matapang ito dahil pinuno ng amoy ng alak ang buong silid nang sandaling binuksan niya ito. Nakipag-usap siya kay Zhuge Yue at detalyadong tinalakay ang tungkol sa digmaan at ang mga plano nila sa hinaharap. Paminsan-minsan ay magtatawanan sila at pagtatawanan ang bawat isa. Hindi marami ang kaibigan ni Zhuge Yue. Marahil bukod sa taong ito, walang sinuman ang kaswal na makakausap siya.

Kalmadong umupo si Chu Qiao sa isang tabi at nakinig sa kanila. Hindi naglaon, nagsimula silang gunitain ang tungkol sa kanilang nakaraan dahil dati silang magkaribal sa paaralan ng militar. Saka lang nang magsimula ang digmaan, nang nagsimula ang mga tiwaling kapangyarihan na magkamkam ng kapangyarihan mula sa Imperyal na pamamahala ay naging magkaibigan sila sa wakas.

Kapwa sila ay mayroong marangal na kapanganakan, na may kamangha-manghang mga pangarap para sa hinaharap at talento upang suportahan ang kanilang mga pangarap. Hindi sila nagpatalo sa mga patakaran at ang mga pananaw nila sa mundo ay hindi napigilan ng kanilang bansa, mayroong matigas na ulo at matinding pananaw tungkol sa mundo. Sa paningin ng kanilang pamilya, sila ang mga taksil na lumihis mula sa normal na landas. Marami silang hinarap na hirap at ginhawa, sa huli ay namayani sa sentro ng politika. Kahit ang kanilang mga puso ay matatag tulad ng bakal, naglalabas sila ng naglalagablab na damdamin. Maraming beses, ang pagkakaibigan sa pagitan ng kalalakihan ay hindi kailangan ng anumang paliwanag.

Umupo si Chu Qiao sa tabi at inobserbahan kung paano nagtalakay si Zhuge Yue na may bihirang lakas, kasama si Zhao Che na hindi napipigilan. Sa sandaling iyon, pakiramdam niya na ang dalawang lalaki sa harap niya ay mga puno na naging tore sa buong mundo sa mga bagyong pinagdaanan nila.

May isa pang pigura na biglang lumitaw sa kanyang isipan. Naalala niya kung paanong mayroong isang taong naging kapareha niya sa madilim na nakaraan. Nang tinatamasa pa nina Zhao Che at Zhuge Yue ang kaunlaran ng mundo, walang katapusan siyang nakikipaglaban sa tabi ng taong iyon. Gayunpaman, sa huli ay naging dumaraan lamang sila.

Nang gabing iyon, lasing na si Zhuge Yue. Ang toleransya niya sa alak ay hindi ganoon kagaling, subalit nagawa niyang kontrolin nang mabuti ang kanyang sarili. Gayunpaman, nang makita ang kanyang kaibigan sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, tila napagpasyahan niyang tanggalin ang lahat ng pagpigil. Gayunpaman, alam ni Chu Qiao na pagod lamang siya.

Sa mga nagdaang araw, nagkaroon ng malaking bagyo ng nyebe sa hilagang-kanluran, at mayroong mahinang ani sa timog-kanluran. Ang isa-katlo ng imperyo ay puno ng problema, habang ang katiwalian ay laganap sa kabisera ng hari, dahilan upang hindi makarating sa kamay ng mga sibilyan ang pagkain at mga pangangailangan. Pinangangasiwaan ni Zhao Yang ang kanlurang bahagi ng Imperyo, ngunit naging bulag siya sa lahat ng katiwalian upang makakuha ng suporta mula sa iba pang mga marangal na pamilya. Sa loob ng kalahating taon, mahigit 200,000 sibilyan sa kanluran ang namatay, at milyon-milyong sibilyan ang lumikas. Ang ilan ay tumungo sa Timog, ang ilan ay nagtungo sa Silangan, ang ilan pa nga ay tumungo sa manyebeng Hilagang-Kanluran. Mayroong hindi mabilang na nagugutom na sibilyan na nagtipon sa Yanming Pass, Tanghu Pass, Yao Pass. Libu-libo ang nagutom o araw-araw na namatay sa lamig, gayumpaman ay patuloy na gumastos ang kabisera ng hari ng malaking halaga ng salapi sa pagbuo ng mapag-aksayang mga palasyo at paghahanda ng malalaking piging sa halip na tulungan ang mga sibilyan.

Dosenang beses nang iniulat ni Zhuge Yue ang kasalukuyang estado ng mga gawain, ngunit sa buong korte, walang sinuman ang handang sumuporta sa kanya, habang ang kanyang mga sulat ay hindi pinansin sa gitna ng kasiyahan sa korte. Ang Elder Council ay tulad ng isang pangkat ng mga bulok na uod at tumangging makita ang patsada ng kasaganaan na ipinakita lamang sa kabisera ng hari, pinapayagan ang iba't-ibang mga lokal na opisyales na manatiling tiwali tulad ng nais nila.

Iniulat ni Zhuge Yue na ang mga natural na sakuna ay humantong sa higit sa 200,000 na pagkamatay, ngunit ang mga Elder ay matigas ang paniniwala na walang bagay tulad ng panahon, at ang lahat ng mga sibilyan ay naninirahan sa kapayapaan at nagkakasundo, nasiyahan sa yaman ng Imperyo, at walang kapararakan ang sinasabi ni Zhuge Yue.

Ipinaalam sa kanila ni Zhuge Yue na may halos isang milyong lumikas ang nagsisiksikan sa paligid ng Yanming Pass, Tanghu Pass, at Yao Pass, at kung walang gagawin, maaaring magkaroon ng pag-aalsa ng sibilyan. Gayunpaman, kumbinsido ang mga Elder na ang tatlong daanan ay ganap na nadedepensahan, at walang kahit isang kriminal na nakikita.

Nagbabala si Zhuge Yue na ang Imperyo ng Xia ay nasa punto kung saan maaari itong maglaho, subalit ang mga Elder na iyon ay pumikit lamang sa kasalukuyang kalagayan, patuloy na naging isang bulag sa lahat. Hindi lamang iyon, inakusahan din nila si Zhuge Yue na labis na pinahahalagahan ang sarili dahil lamang mayroon siyang kontrol sa karamihan ng hukbo ng imperyo ng Xia.

Habang nagtatalo sila sa korte, hindi mabilang na mga sibilyan ang namamatay. Ginamit ng Elders ang mga sulat ng papuri na sinasabing isinulat ng mga sibilyan bilang ebidensya, at inaangkin ang walang kapantay na karunungan ng naghaharing Emperador, tapos ay inakusahan si Zhuge Yue na nag-aangkin ng mga katotohanan nang walang tamang katibayan.

Katibayan? Narinig ni Chu Qiao kung paano siya galit na galit na pinagalitan ang ilan sa mga Heneral sa kanyang silid. Galit na galit siya sa puntong ang kanyang mukha ay naging berde, at ang kanyang mga mata ay tila nagliliyab ng apoy.

Hindi pinansin ng mga Elder ang kumpol ng mga sibilyan, at pinili na kalimutan ang tungkol sa hindi mabilang na mga bangkay na nagkalat sa kanlurang rehiyon habang nagbibingi-bingihan sa mga paghingi ng tulong. At pagkatapos, nangahas silang banggitin ang nag-iisang insidente na binalak ng mga tiwaling opisyal upang pagtawanan siya?

Nang gabing iyon bago siya makatulog ay matagal siyang nanatiling tahimik bago bumulong sa tainga ni Chu Qiao, sinasabi kung paanong nais niya talagang patayin ang lahat ng mga uod ng imperyo. Napakalamig niya itong sinabi na kahit si Chu Qiao ay nakaramdam ng ginaw pababa sa kanyang likod. Inunat niya ang kanyang kamay at pinaligid sa baywang ng lalaki, at bahagyang hinaplos ang mga braso nito. Malinaw niyang nararamdaman ang maigting na kalamnan at malamig na balat, parang mayroong isang patong ng nagyeyelong determinasyon.

Alam ni Chu Qiao na sinasabi lang niya ito. Kahit na may hawak siyang malaking kapangyarihan, kahit na pinangangasiwaan niya ang malaking hukbo, kahit na napahiwalay na siya sa kanyang pamilya, palaging may mga bagay na dapat niyang pakialam, at hindi niya maaaring baliwalain lamang.

Ang Emperador ng Xia, na ang buhay ay dati nang nakabitin sa sinulid, ay biglang bumuti. Ang estado ng pag-iisip nito ay mas mahusay at maaaring paminsan-minsanng lumitaw sa korte.

Para naman sa Emperador na ito, walang sinuman ang nangahas na maliitin siya. Sa lahat ng mga taon ay tila ganito siya. Tila wala siya masydaong pakialam sa pulitika, ngunit sa tuwing may sumalungat sa kanya kahit kaunti, maaari siyang maglabas ng nangwawasak na pag-atake. Ang insidente na kinasasangkutan ng Yan Bei ay isang madugong halimbawa.

Gayunpaman, iniisip din ng lahat na ang Emperador ay isang tao at mamamatay din. Kay Zhao Che at Zhao Yang na nakikipagkumpitensya para sa kanyang pabor, kung sino man ang makapagpapasaya sa kanya ay magkakaroon ng mas mahusay na pagkakataon na manalo. Sa ngayon, ang Emperador ay tila mas nasisiyahan kay Zhao Yang na palaging iniuulat kung paano ang mga sibilyan ay maligaya sa kanyang pamamahala. Sa ganitong sitwasyon, sino ang maglalakas-loob na magsimulang iulat ang lahat ng mga sakuna upang masira ang kanyang nararamdaman? Kahit kay Zhao Che, kailangan niyang pag-isipan muli kung nais niyang mag-ulat ng anumang kaugnay na impormasyon.

Sa una, wala sa syudad ng Zhen Huang si Zhao Che, kaya't mag-isang tumindig si Zhuge Yue sa pamamagitan ng pagpwersang maglabas ng kaawa-awang halaga ng mga mapagkukunan mula sa iba pang mga kagawaran upang ipadala sa tatlong daanan bilang lunas sa sakuna. Gayunpaman ang kanyang mga pagsisikap ay limitado sa huli.

Isang bahagyang pagkakamali ang nagawa sa pamamahagi ng pagkain sa Yao Pass. Dahil sa kakulangan ng pagkain, ang lugaw na inilabas para sa rasyon ay naging mas matubig. Nainis ng medyo nakakasakit na pahayag na ginawa ng isang sundalo sa isang sibilyan, nagkaroon ng kaguluhan. Sa maliit na away, mayroong higit sa 30 namatay na sundalo, at higit sa 50 namatay sa mga sibilyan na may higit sa isang daang nasugatan.

Related Books

Popular novel hashtag