Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 253 - Chapter 253

Chapter 253 - Chapter 253

Nasa silid si Zhuge Yue kasama si Chu Qiao nang dumating si Yue Qi dala ang balita. Hindi siya kailanman nakialam sa mga gawain ni Zhuge Yue, ngunit hindi nito itinatago sa kanya tuwing nasa paligid siya. Narinig niya ang mga pandiwaring pag-atake na inilunsad sa kanya ng parehong mga opisyales at sibilyan sa labas ng Yao Pass.

Inihayag ni Yue Qi ang mga akusasyon na ginawa laban kay Zhuge Yue na may masamang ekspresyon. Ang mga taong iyon ay inakusahan siya ng pagmomonopolisa ng mga rasyon para maibsan ang krisis, ng pagiging isang masama at may malamig na pusong opisyal na nang-aapi sa mga sibilyan. Minura din siya ng mga ito, napunta hanggang sa pagsabing hindi siya magkakaroon ng mga inapo.

Nakinig siya na may walang pakialam na ekspresyon sa kanyang mukha, hanggang sa hindi na nais ni Yue Qi na magpatuloy. Nagsenyas siya sa lalaki na magpatuloy na may mahigpit na tingin sa kanyang mga mata.

Matapos umalis si Yue Qi, hindi naglakas-loob na lumapit sa kanya si Chu Qiao. Malamig na hapon sa araw na iyon, habang sumisinag ang sikat ng araw sa kanyang lalong pumapayat na mukha. Bumagsak siya sa kanyang upuan at tahimik na ininom ang kanyang tsaa na parang walang nangyari kanina. Gayunpaman, nakita ni Chu Qiao ang ilang tubig na tumutulo mula sa puting basong jade na iyon, sa pamamagitan ng basag na kamakailan lang nabuo habang hawak niya ang tasa sa kanyang kamay.

Oo, malapit na silang mamatay at nagugutom. Nang ang mga kalamidad ay bumagsak sa mga sibilyan, tinulak sila sa kawalan ng pag-asa, ang ibang mga opisyal ay isinasagawa ang kanilang masasamang gawain. Nararapat silang mamatay. Gayunpaman, hindi alam ng mga sibilyan na pinahintulutan ng korte na mangyari ito. Walang sinuman ang may pakialam sa katiwalian ng mga opisyales, dahil ang balita ng krisis ay sinasadya na pagtakpan, sa batayan na dapat gawin ang iba pang mga gawain pagkatapos ng pagdiriwang ng tagsibol.

Ang bawat pagkain na kasalukuyang kinakain ng mga sibilyan ay dahil sa pagsisikap ni Zhuge Yue, dahil ibinebenta niya ang iba't-ibang niyang ari-arian upang makalikom ng salapi para sa pagkain. Walang nakakaisip na ang isang taong mapagmataas tulad niya ay ibababa ang kanyang katayuan at makikiusap sa mga negosyante sa kabisera upang matulungan ang mga sibilyan na makalampas sa taon na ito ng taggutom.

Lubos siyang pagod at naging desperado, kaya uminom siya sa hapag-kainan, sinasabi na ang emperador ay isang hangal na pinuno at magulo ang korte. Idagdag pa, tinawag niya si Zhao Yang na isang tanga, sinusumpa na puputulin ang kanyang ulo nang gabing iyon. Lasing na talaga siya, sa puntong naging tanga siya.

Nang gabing iyon, personal na inihatid ni Chu Qiao ang medyo lasing na si Zhao Che palabas ng mansyon. Gayunpaman, paglabas nila sa pintuan, ang tila lasing na ika-pitong prinsipe ay nagtuwid ng kanyang postura, ang kanyang mata ay hindi na mukhang lasing. May hindi lasing na tono, sinabi nito sa kanya, "Bumalik ka at alagaan mo siya ng maayos."

Tumingin si Chu Qiao sa kanya at nanatiling tahimik. Ang ekspresyon ni Zhao Che ay malamig habang nagpapatuloy siya, "Dahil naging ganito na ang sitwasyon, wala akong kapangyarihan upang may magawa. Kung magpapatuloy ito, isasabong ko ang aking sarili laban sa buong nakakataas na klase ng Xia. Wala pa rin kaming kapangyarihang gawin ito." Kalmado si Zhao Che habang sinasabi sa mababang tono.

Hindi na siya tinignan ni Chu Qiao tapos ay tumalikod upang maglakad palayo. Bigla, tinawag ni Zhao Che ang kanyang pangalan mula sa likuran niya. Tumalikod siya habang sinabi nito sa kanya sa isang seryosong tono, "Mabuti siyang tao. Huwag mo siyang biguin."

Naningkit si Chu Qiao tapos ay binuksan ang bibig upang magsalita, "Ikaw rin." Malabo ang kanyang sinabi. Ikaw rin? Ano ang ibig sabihin nito? Mabuting tao ka rin?

Hindi. Lubos na naiintindihan ni Zhao Che ang kanyang ibig sabihin. Gayunpaman, hindi niya hinintay ang sagot ng lalaki tapos ay tumalikod, ang kanyang mahinang pigura ay unti-unting nawawala sa malayo.

Mabuti siyang tao, huwag mo siyang biguin.

Madilim ang kalangitan, may mga bulalakaw na lumulutang-lutang. Nang umihip ang hangin, huminga siya ng malalim at tila naamoy ang amoy ng taggutom sa kanluran.

Nang makabalik si Chu Qiao sa silid, nawala na ang mga pagkain. Ang lasing na si Zhuge Yue ay wala na sa higaan. Lumakad siya patungo sa aralan at itinulak pagbukas ang pintuan, napagtanto na hindi na siya lasing at nakaupo sa likuran ng kanyang mesa, pinag-aaralan ang tumpok ng trabaho sa harap niya.

Matagal siyang nakatayo doon, hinihintay na isulat at selyuhan ang kanyang liham bago lumapit. Naningkayad siya sa harap ng lalaki at hinawakan ang kamay nito, tapos ay umupo sa kandungan nito at nanatiling tahimik. Habang ang kandila sa silid ay patuloy na kumukutitap, naglalabas ng paminsan-minsang mga kislap, ang bango ng insenso sa palayok ng insenso ay kumalat sa hangin sa anyo ng usok. Ang kamay ng lalaki ay magaspang habang hinahaplos ang buhok niya.

"Xing'er," tinawag siya nito sa mababa at pagod na tinig, wala nang sinabi pagkatapos. Isinandal niya ang kanyang mukha sa binti ng lalaki, tapos ay naamoy ang halimuyak ng katawan nito. May mainit at banayad na tinig siyang sumagot, "Naiintindihan ko lahat." Bahagyang kumislot ang tuhod nito habang mas humigpit ang hawak sa kamay niya.

Oo, naunawaan niya ang lahat. Naunawaan niya ang mga pagsisikap ng lalaki, kung bakit sobrang pagod siya, kung bakit sobrang bigo siya sa bansang ito, at kung bakit niya kinamumuhian ang lahat sa paligid niya.

Malubha ang sakit ng emperador, habang ang kanyang mga anak na lalaki ay naiipit sa isang panloob na pakikipag-agawan para sa kapangyarihan. Idagdag pa, ang bawat organisasyon sa kabisera ay nasa landas ng katiwalian. Para naman sa kanyang sarili, nakaranas ng mga paghihirap ng digmaan, nasaksihan ang pagdurusa ng mga mamamayan ng mas mababang uri, at nakaligtas laban sa lahat, paano niya maaatim na makikita ang bansang ito na papunta sa landas ng pagbagsak? Paano niya makakayang tiisin ang kasunklam-suklam na mukha ng mga opisyal?

Mayroon pa rin siyang pangunahing bahagi sa pakikipag-agawan ng kapangyarihan, ngunit wala ang inosenteng pag-iisip na magbabago ang lahat, oras na umupo si Zhao Che sa trono. Gayunpaman, bago niya makuha ang nais niya, kailangan niyang pagdaanan muli ang lahat ng ito. Hindi niya alam kung ano ang maiiwan sa mundong ito sa sandaling matanggal nila ang lahat ng kanilang mga kaaway.

Masisira ang mga sibilisasyon. Ang mga sibilyan ay mamamatay; ang mga hukbo ay papatayin, habang ang bansa ay mawawala. Marahil, sila lamang ang maiiwan na nakatayo sa sugatang lupa na ito, kung saan may hindi mabilang na mga tao ang nagsakripisyo ng kanilang buhay para sa digmaan na ito.

Ano ba talaga ang kapangyarihan? Pagkatapos ng digmaan, lahat ay masisira. Makakaya ba nilang bayaran ang ganoong presyo?

"Xing'er, hindi ako mabuting tao," aniya ng gabing iyon bago sumapit ang bukang-liwayway.

Ang limang araw na sumunod pagkatapos ay isa pang madilim na panahon para sa kontinente ng West Meng. Ang mga sibilyan sa labas ng tatlong daanan ay nag-alsa na sa wakas. Inatake nila ang iba't-ibang mga mansyon ng mga mayayamang pamilya sa kanluran, ninakawan sila ng kanilang pagkain at pera. Dahil nagugutom sila, namalimos sila ng pagkain. Nang hindi ito gumana, nagpasya silang magnakaw at pagkatapos ay nag-alsa.

Dahil ginawang desperado ang mga sibilyan ng mga tiwaling opisyal, wala silang ibang pagpipilian kundi mag-alsa. Daan-daang libong mga sibilyan ang inarmasan ang sarili gamit ang mga kahoy na patpat at bato nang sila ay pumasok sa mga mansyon ng mga mayayamang pamilya, nagsasagawa ng panununog sa lupain ng Longxi. Hindi mabilang na mga tao ang namatay sa malaking kaguluhan; ang mga sundalong nagtatanggol sa teritoryo ay tulad ng mga manikang papel, nalalamukos kapag nahaharap sa pag-atake ng galit na mga sibilyan. Sa kabila ng kanilang paghingi ng tulong, sinasabing hindi mapigilan ang mga sibilyan at mayroon utak sa likod nila, walang naniwala sa kanila. Pinabulaanan ng mga opisyales ang kanilang mga sinasabi, sinasabing naghahanap lang sila ng dahilan.

Natigilan ang mga lokal na opisyales at marangal na aristokrata habang patuloy silang humihingi ng tulong, ngunit walang opisyal sa kabisera ang handang sampalin ang sarili sa mukha at iulat ang kaso sa korte. Maaari lamang nilang pakilusin ng lihim ang sarili nilang mga sundalo upang ayusin ang sitwasyon.

Gayunpaman, ang kanilang pag-asa ay sinira ni Zhuge Yue nang nagtanong niya, "Ang kabisera ay mapayapa. Ang mga sibilyan ng Longxi ay nagbigay ng regalo sa emperador. Bakit sila maghihimagsik sa sandaling ito? Nakakatawa iyan."

Kung kaya, hindi nila nagawang pakilusin ang kanilang mga sundalo habang ang salungatan ay bumaba sa isang emerhensiyang estado. Noong ika-24 araw ng ika-12 buwan, may nag-iisang sundalo ang pumasok sa syudad na may impormasyon mula kay Cao Weichi, ang inspektor ng Longxi, bumagsak sa lupa nang dumating siya.

Nayanig ang syudad ng Zhen Huang. Galit na galit ang emperador tapos ay nagsimula muling sumakit ang kanyang ulo. Malubha niyang sinaway ang mga iskolar at opisyal, at tinanggalan si Zhao Yang ng kanyang pamamahala. Gayunpaman, hindi nakinabang si Zhao Che sa salungatan na ito. Bagkus, ang hindi kilalang ika-17 Prinsipeng si Zhao Yi, ang namuno ng Southwestern Army upang pigilan ang paghihimagsik sa labas. Para naman kay Zhuge Yue, dahil sa kanyang pag-ayaw na magpakilos ng mga sundalo, ikinulong siya sa bahay niya ng emperador upang pagnilay-nilayan ang kanyang pagkakamali. Ilang beses na pumunta si Zhao Che sa palasyo upang mamagitan para sa kanyang ngalan, ngunit pinaalis siya kaagad.

Gayunpaman, alam ni Chu Qiao ang pinagmulan ng salungatan na ito. Nang dumating si Zhao Che sa bahay niya at nakita si Zhuge Yue, nagalit siya at pinagalitan sa pagiging loko-loko. Tinawanan lang ito ni Zhuge Yue at sinabi na nais niyang mapanatili na buhay ang maraming tao upang may mga pamumunuan si Zhao Che sa sandaling umakyat siya sa trono.

Mula sa salungatan sa Longxi, humigit-kumulang 70-80 porsyento ng itaas na klase ng mga tao ang pinatay, kasama ang halos 80,000 sibilyan. Gayunpaman, tulad ng inilarawan ni Zhuge Yue, milyon-milyong mga tao ang mamamatay sa gutom kung hindi nangyari ang pagrerebelde. Itinuring niyang karapat-dapat ang pangyayaring ito.

Oo, karapat-dapat talaga ito. Sa mga aristokrata sa timog-kanluran na nalipol, ang impluwensya ni Young Master Mu mula sa Lingnan ay humina. Ang hari ng Ling ay nadawit din, habang si Zhao Yang ay natanggalan ng kanyang kapangyarihang militar. Bagaman hindi nakinabang si Zhao Che, hindi rin siya naging mas masahol pa. Tanging si Zhuge Yue ang ikinulong sa bahay, habang pansamantala siyang umalis sa eksena ng pulitika ng Xia.

Ang lahat ay tila patungo ayon sa kanyang plano. Gayunpaman, sa ilang araw na iyon, naalala ni Chu Qiao kung paano siya nag-aalala sa puntong hindi siya makatulog sa gabi sa tuwing may malaking grupo ng mga tao, maging mga sibilyan, mayaman na pamilya, o mga hukbo ang napatay, o kapag may mga sibilyan na napilitang maging bandido. Kung may anumang bahagyang paglihis sa kanyang plano na nangyari sa araw na iyon, o kung ang mga sundalong lihim niyang pinadala ay hindi naayos ang sitwasyon, isang pagdanak ng dugo na may kakila-kilabot na kahihinatnan ang magaganap.

Lahat sila ay tama—tunay na isa siyang baliw na tao.

Nag-aalala si Chu Qiao na malulublob siya sa kawalan ng pag-asa, dahil naalis ang kapangyarihan niya, ngunit nagawa niyang makita ang maliwanag na bahagi ng mga bagay sa pagsabi na mayroon na siyang oras sa wakas na gugulin ang bagong taon kasama siya.

Nang dumating ang panahon ng pagdiriwang ng tagsibol, ang mga tirahan ng mga marshal ng hukbo ay mukhang malamig sa labas, ngunit mainit-init at puno ng buhay sa loob. Bagaman ang balita ng paghihimagsik sa timog-kanluran ay pumasok sa kabisera, ang pakiramdam sa loob ng kabisera ay hindi tumamlay. Ang mga kalye ay napuno ng buhay; ang mga organisasyon ng gobyerno ay nag-organisa ng palabas na paputok sa Rose Square. Ang pagtawa ng mga bata ay umalingawngaw sa likuran ng tarangkahan ng syudad, dumadaloy sa residensya ng Zhuge kasabay ng hangin.

Tatlong araw ang nakalilipas, inutos ni Zhuge Yue ang mansyon na baguhin-anyo. Malalaking pulang parol ang nakasabit sa kisame. Ang mga bintana ay napapalamutian ng pula; naghanda ang mga katuong ng iba't-ibang mga ginupit-gupit at disenyo at idinikit ito sa mga bintana. Isinama nila ang mga diyos ng kahabaan ng buhay, usa, diyos na walang kamatayan, ang Guanyin Deity, at mga larawan na kahawig ng kasaganaan. Nang ang mga palayok ng pula at lilang bulaklak ay naayos, isang hangin ng karangyaan ang nagtagal sa mansyon. Ang mga tagasilbi ay nakasuot ng bagong pulang kasuotan, nag-aambag sa masaya nang kapaligiran.

Ipinagpatuloy ni Zhuge Yue ang gawi ng kanyang pamumuhay maraming taon na ang nakalilipas nang siya ay nakatira sa Qingshan Courtyard. Isa siyang taong may disiplina sa sarili, walang hangin ng isang mayaman at laki sa layaw na bata. Ngayon na mayroon siyang mas maraming oras, buong-pansin siyang tumuon sa pagpapagaling at pag-aalaga sa kanyang sarili. Sa libre niyang oras, pag-aaralan at isasagawa niya ang ilang paghahardin, habang pipilitin siya ni Chu Qiao na gumising nang maaga upang mag-ehersisyo. Habang pareho silang nagpapalit ng patnubay sa martial arts gamit ang mga sandata tulad ng kutsilyo, sibat, at patpat, ang buong populasyon ng mga tagasilbi sa loob ng mansyon ay lihim na titingin. Sa oras, nang makita na hindi ito tinutulan ni Zhuge Yue, hayagan silang tiningnan ng mga ito, bibigyang-puri sila kapag naging kapana-panabik ang mga bagay.

Payapa silang namuhay, tulad ng kakalmahan bago ang bagyo.

Lumipas ang bagong taon nang ganito. Isinuot ni Chu Qiao ang kanyang bagong damit. Pula at matingkad ang mga ito, dahilan upang magmukhang makinang at walang hanggang masaya ang kanyang mukha. Si Zhuge Yue ay nakatayo sa likuran niya, nakasuot ng mahabang berdeng roba. Napakakisig niya. Pinulot niya ang gintong ipit at inayos ang kanyang buhok, inilagay ang ipit sa kanyang ulo.

Tiningnan ni Chu Qiao ang sarili sa salamin, nakaramdam ng pagkagulat. Hindi pa niya nakita ang sarili na ganito dati. Mula pagkabata, pakiramdam niya ay cheesy para sa isang babae na magbihis ng mga makukulay na kasuotan. Pagkatapon noon, dahil sa maraming mga taon na paglalagalag, wala siyang oras o lakas upang magbihis ng maganda. Gayunpaman, habang tinitingnan niya ang kanyang sarili, nakaramdam siya ng mainit na pakiramdam na namuo sa kanyang puso. Ang kanyang mukha ay mukhang masigla at maganda. Hindi niya mapigilan ang kanyang pagkasabik habang ang sulok ng kanyang labi ay tumaas upang makabuo ng ngiti.

Related Books

Popular novel hashtag