Napagtanto niya sa wakas na ang nakaraan niyang pagka-disgusto sa pampaganda ay dahil sa estado ng kanyang kaisipan. Tumingin si Meixiang sa kanya habang masayang nakangiti. Lumapit si Zhuge Yue at ngumisi sa salamin. "Napakaganda."
Medyo nahihiya si Chu Qiao, kahit ang kanyang mga tainga ay nagiging mapula. Sinabi niya, "Kailan ako naging napakaganda? Tigilan mo ang iyong kalokohan."
Nagpatuloy na abot-tainga ang ngiti ni Zhuge Yue, at sumagot, "Tinutukoy ko ang sarili ko. Masyado kang nag-iisip."
Nagpanggap na galit si Chu Qiao tapos ay iniunat niya ang kamay upang dakmain ang lalaki. Agad na umiwas si Zhuge Yue habang tinutukso si Meixiang, "Tingnan mo ang binibini mo, kapag hindi ko siya pinupuri, magagalit siya."
Ngiting-ngiti si Meixiang habang nanonood nang hindi gumagambala. Ang araw ay mainit-init, at mayroon nang tunog ng mga paputok na maririnig mula sa malayo. Ito ang unang beses sa mahabang panahon na nakakita si Chu Qiao ng nagbibigay-init sa pusong bagong taon. Nagluto pa siya mismo, tinuturuan ang mga tagapagsilbi kung paano gumawa ng bola-bola. Nais pa niyang hilahin si Zhuge Yue na gawin ito kasama siya, ngunit dahil sa malakas nitong paniniwala sa patriarchy, tumanggi siya.
Nang ang mga tao ay sabay-sabay na kumakain ng hapunan nang bagong taon, mayroong maraming parol bilang dekorasyon. Hindi sinasadya, nakain ni Zhuge Yue ang isang natatanging bola-bola na puno ng date ng Tsino, tapos ay nagkumpulan ang mga tagapagsilbi upang sabihin na ang kanyang kapalaran sa darating na taon ay magiging mahusay, maganda ang pakiramdam niya kaya ipinamigay niya ang lahat ng klase ng gantimpala sa mga tagapagsilbi. Ang buong residensya ay napuno ng papuri at pasasalamat. Ang residensya ng Zhuge ay mahigpit na isinara, at lahat ng mga bisita ay tinanggihan na papasukin bukod sa mga tauhan ni Zhao Che na dumating sa hatinggabi na may dalang dalawang palayok ng primera klaseng alak. Ininom itong sabay nila Chu Qiao at Zhuge Yue. Tila lasing si Chu Qiao at sumandal sa yakap ni Zhuge Yue.
Nagsimulang magsindi ng paputok ang mga tagasilbi. Ang tunog ng pagputok ay maririnig, habang ang kapaligiran ay napuno ng masayang awra. Pakiramdam ni Chu Qiao ay nakita niya sa langit ang tila-sorong ngiti ni Li Ce sa kalangitan. Ngunit nang iniunat niya ang kanyang kamay upang abutin ito, hangin lang ang nahawakan niya.
Tunay na lasing siya, ngunit ang kanyang pag-iisip ay tila napakalinaw. Sa sandaling ito ay tila bigla niyang naalala ang lahat ng mga nakaraan niyang alaala. Naalala niya si Xiao Shi, Mao'er, Ming Rui, Li Yang, ang kanyang mga kakampi sa Military Intelligence Department, at ang lolo niyang may edad na. Bigla niyang naalala ang sakit at sipag niya ng mga taon na iyon. Malinaw niyang naalaala niya kung paano siya tumatawid sa sinulid na pagitan ng hangganan ng buhay at kamatayan habang si Ginoong Wu, Binibining Yu, Huanhuan, at napakaraming mukha ng ibang tao ang pumaibabaw sa kanyang isipan. Naisip niya din ang tungkol kina Li Ce at Yan Xun.
Biglang dumating ang kaligayahan, pakiramdam niya ay panaginip lang ang lahat.
Itinulak niya ang kanyang ulo sa dibdib ni Zhuge Yue, sa samyo nito ay pumupuno sa kanyang ilong. Ang kanyang mga mata ay bahagyang mamasa-masa nang iniangat niya ang kanyang ulo upang tumingin sa gwapong mukha ng lalaki, at sa kanyang malinaw na mga mata, sinabi niya, "Zhuge Yue, mahal kita."
Nagulat si Zhuge Yue tapos ay napatingin sa kanya. Napapaligiran sila ng mga tagasilbi, at ang kanyang tinig ay napakalakas at naririnig kahit na sa tunog ng mga paputok. Gulat na tumingin sa kanya ang lahat ng mga nakapalibot na tao, subalit hindi niya pinansin ang kanilang mga titig at sinabi lamang ito nang malakas, "Zhuge Yue, nahulog na ako sayo!"
Dumaan ang amoy ng insenso. Tahimik na tumawa ang mga tao. Ang tunog pagbabangayan nila Jingjing at Pingan ay maririnig mula sa malayo. Ang mukha ni Chu Qiao ay mapula habang diretsong nakatingin sa lalaki ang mga mata niya. Tila ba ibinalik niya ang oras at naging 17 hanggang 18 taong gulang siya. Ngumiti siya sa lalaki, nakasulat sa kanyang mukha ang kaligayahan.
May whoosh na umihip sa tainga niya ang hangin, dahil bigla siyang binuhat. Pagkatapos, nakikita ng lahat, ibinaba ni Zhuge Yue ang pagkain na kakasimula niya lang kainin, bago bumalik sa silid-tulugan. Ang kobre-kama ay bago at sariwa, lahat ay pula, na may mga patong ng sutla at burda ng lahat ng klase ng mga karakter sa alamat, naglalabas ng isang pakiramdam ng init at tamis. Ang mga mata ng lalaki ay itim na itim na may bahid ng naglalagablab na pagnanasa. Sa isang maliksing paggalaw, inalis nito ang kanyang kwelyo, habang diretsong nakatitig sa kanya. May bahagyang paos na tinig, sinabi nito, "ikaw babae ka, hindi na kita bibigyan muli ng alak." Pagkasabi noon, hinalikan nito ang kanyang noo ng buong lakas. Ang kanyang hininga ay madali at mainit, tulad ng isang nagliliyab na apoy. Kung saan man siya humawak ay tila nasusunog na may nakakakiliting pakiramdam. Ngumiti siya habang niyakap nito ang bewang bilang kapalit.
Sa mga kurtinang tumatakip sa kanila, naririnig pa rin nila ang tunog ng mga taong nag-uusap sa labas, na may mga tawanan.
Sa buhay, napakaraming pagbabago, at hindi kailanman masasabi kung kailan darating ang bagyo, at kung ang papasok na alon ay babaliktarin ang lahat o hindi. Lahat ng mga masakit na pinipigilang emosyon at mga nakatagong salita sa huli ay nakatagpo pa rin ng lugar na malalabasan. Walang sigurado, at ang magagawa lamang ng isang tao ay ang pangalagaan ang kung anuman ang mayroon ngayon.
Natatakpan ng mga patong ng sutla at kurtina, nakahiga siya sa mga patong ng mga kumot sa katawan nito. Natakpan ng pawis ang kanyang katawan habang siya ay napuno ng pakiramdam ng nasiyahan na pagkapagod. Sumandal siya sa katawan ng lalaki at tumingin sa labas ng bintana. Sa patong ng papel na bintana, halos nakikita niya ang mga paputok sa malayong kalangitan, nililiwanagan ang lupain.
Kahit na anong mangyari sa hinaharap, hindi na siya matakot.
Matapos ang piging para sa bagong taon, ang kahinaan ng Xia Empire ay tila halata. Maraming mga lumikas sa kahabaan ng rehiyon ng Longxi. Naglalakad sa pangunahing mga kalsada, makakakita ng mga taong ibinebenta ang kanilang mga anak bilang alipin upang mapakain ang kanilang sarili. Kahit na ipinag-utos na ng korte ang lunas sa sakuna at sinubukan ang kanilang makakaya upang makakuha ng pera upang matulungan ang mga lumikas na ito, hindi nagawa ng imperyo ng Xia na baligtarin ang sitwasyon sa mahina nitong estado na dulot ng digmaan. Sa loob lamang ng ilang taon, pinahina ng digmaan ang maluwalhating imperyo na ito sa kahirapan.
Hindi rin maganda ang posisyon ng Yan Bei. Bago ang napakalaking pagnyebe sa rehiyon ng Longxi, lumubog na ang Yan Bei sa isang napakalaking sakuna. Partikular na hindi maganda ang pagkaka-apekto ng mga bagyo ng nyebe sa syudad ng Lan, ang mga sibilyan ay ganap na nagutom. Ilang sandali, tila nasa mapanganib na lugar ang Yan Bei.
Gayunpaman, nang ipinagdiriwang ng mga opisyales ng Xia ang kasawiang-palad ng kanilang kalaban, lihim na nagpakilos ang Yan Bei ng 100,000 sundalo at tumawid sa Lanhe Highlands, at pagkatapos akyatin ang Mulang Peak na higit sa 6,000 metro ang taas, nagawa nilang mapasok ang Tanghu Pass at nakapunta sa kaloob-looban ng teritoryo ng Tang. Nagawa nilang makaagaw ng higit sa 1,000 toneladang bigas. Ang buong operasyon ay tumagal lamang ng apat na araw, at sa oras na ang balita na ito ay nailipat pabalik sa Tang Jing, ang hukbo ng Yan Bei ay nakabalik na sa Longyin Pass at ilang beses nang nakipaglaban sa hukbo ng Xia. Matapos ang insidenteng ito, tulad ito ng isang patak ng tubig na nahulog sa palayok ng kumukulong langis, nagsasabog ng malalaking alon sa buong kontinente.
Kapwa nilamon ng galit ang imperyo ng Xia at imperyo ng Tang, ngunit wala silang magagawa tungkol kay Yan Xun. Kahit na pinagalitan ng mga mananaysay ng kasaysayan ng Xia ang Yan Bei para sa kilos nila ng pagnanakaw, at nang ininsulto ng mga iskolar ng Tang ang lahat ng ninuno ni Yan Xun, sa huli ay puro salita sila. Matapos ang lahat, iyon lang ang magagawa nila. Ang Longyin Pass ay napaka pirmi at matatag, at ang pwersa ng Yan Bei ay napakalakas at mabangis. Ang katotohanan na ang hukbo ng Yan Bei ay nananatili pa rin sa likuran ng kanilang mga pader ay isang bagay na karapat-dapat ipagdiwang ng mga imperyo ng Tang at Xia.
Nang marinig ito, hindi mapigilan ni Chu Qiao ang mapangisi. Sino ang makakatugma sa gana ni Yan Xun na makipagsapalaran?
Tila hindi pa rin nababahala si Zhuge Yue, dahil lubusang hindi niya pinansin kung paano idinikta ng korte na dapat silang magsimula ng panibagong pagsugod. Alam ng lahat kung paano ang imperyo ng Xia ay nasa isang estado kung saan halos hindi ito makatayo sa kanyang sarili. Ang agawan para sa trono sa pagitan ng iba't-ibang tagapagmana ay kakasimula lang makaabot sa rurok. Sino ang magkakaroon ng oras upang magpatuloy na sumugod sa panlabas na kaaway? Kung pwersahan talagang nagsimula si Zhuge Yue ng isang pagsalakay, marahil iyon ay kung saan ang mga tusong opisyal na ito ay magsisimulang umiyak para sa pagbabago ng desisyon.
Nang marinig niya ang balitang iyon, medyo nagulat lang siya. Hindi niya inaasahan na gagawin ni Yan Xun iyon. Sa katunayan, hindi lang siya. Marahil sa buong kontinente ng West Meng, walang makakaisip tungkol sa kanya. Matapos ang lahat, itinaya niya ang lahat ng Yan Bei upang maakit ang hukbo ng Xia sa Yan Bei habang sinasalakay ang imperyo ng Xia. Hindi nagtagal, upang matanggal ang mga hindi pagkakaunawaan, ganap niyang nilipol ang Datong Guild na tumulong sa kanya sa kapangyarihan. Pati ang mismong guro niya ay pinatay. Para sa ganoong tao, marahil walang mag-aakala na makikipagsapalaran siya sa gayong panganib para sa mga sibilyan ng Yan Bei. Kahit si Chu Qiao ay hindi naisip ang mga detalye nito.
Sa kabutihang palad, ang heneral na namamahala sa Tanghu Pass ay anak ng asawa ng Hari ng Jingan. Bagaman matapos na madurog ang Hari ng Jingan, mabilis siyang kumampi sa Imperyo ng Tang, pinanghahawakan niya ang mga sundalo at binantayan ang Tanghu Pass, ang pinakamahalagang kaugalian sa teritoryo ng Tang. Kahit ganoon, mahirap para sa korte na magkaroon ng buong tiwala sa kanya. Tulad nito, hindi ito eksaktong malaking pagkawala para sa imperyo ng Tang.
Para sa pagkawala ng lahat ng pagkain na iyon... nagsimulang mapakunot ang mga kilay ni Chu Qiao. Muli niyang naalala ang mga lugar na kanyang tinirahan sa loob ng mahabang panahon, ang Shangshen Highlands, ang Hui Hui Mountains, at ang mga walang muwang at matulunging sibilyan.
Naging mas mahusay si Yan Xun sa sining ng digmaan. Nagawa niyang itago ang bakas ng kanyang hukbo ng libu-libong milya, mabilis na kumilos na hindi ipinapaalam sa sinuman. Doon, nagawa niyang manambang at makamit ang kanyang layunin sa isang pagtatangka lang. May matulis na paghuhusga at pambihirang katapangan, madali siyang maituturing na isa sa mga pinaka talentadong heneral ng mundong ito. Hangga't nabubuhay siya, matatagpuan ng imperyo ng Xia na imposible mapasok ang Longyin Pass. Kahit na personal na tumungo si Zhao Che, imposible ito. Maaaring talunin ni Zhao Che si Yan Xun pagdating sa diskarte, lakas-tao, impormasyon, armas, at pantustos. Ngunit pagdating sa kung gaano kabangis at walang awa, laging nakalalamang si Yan Xun.
Ang nakakatakot na bahagi tungkol kay Yan Xun ay kung paano niya perpektong magagamit ang anumang bagay sa paligid niya upang tulungan siyang magtagumpay. Hindi lamang iyon, ngunit ang kakayahan niyang basahin ang puso ng ibang tao ay umakyat na sa bagong antas.
Sa mundong ito, marahil ang tanging tao na may kakayahang makipagharapan sa kanya ay si Zhuge Yue. Si Yan Xun ay may kalamangan sa pagiging walang awa, samantalang si Zhuge Yue ay may kalamangan sa pagiging mahiwaga. Kung makakatagpo nila ang bawat isa sa digmaan at makipaglaban ng buong lakas, walang dudang maitatala ito bilang isang labanan ng alamat.
Bahagyang umiling si Chu Qiao. Kahit na nagsawa at pagod na siya sa ganoong uri ng buhay, kapag nagpahinga siya, sisimulan pa rin niyang isipin ang tungkol sa mga bagay na iyon. Ihahambing niya ang kanyang mga iniisip sa impormasyong natanggap niya, at dahan-dahang malalaman ang mas malaking larawan. Pagkatapos nito, sisimulan niyang pagnilayan ang susunod na hakbang, habang kinakalkula at isinasaalang-alang niya ang mga susunod na hakbang na dapat gawin. Tulad siya ng isang chess master na ganap na sinasamba ang chessboard, at kahit na tumigil siya sa paglalaro ng chess, gagawa pa rin siya ng lahat ng uri ng sitwasyon sa kanyang isipan.
Iyon lamang ito ay ang nag-iisang beses na hindi niya alam kung kaninong bahagi ang nais niyang manalo.
Kahit na magkaaway sila ni Yan Xun, hinihiling niya na hindi siya matatalo. Tulad nito, pagkatapos ng lihim na pag-atake sa Tanghu Pass, nakaramdam siya ng kaunting pakiramdam ng kasayahan, ganap na hindi naaangkop sa kanyang posisyon bilang Hari ng Xiuli ng imperyong Tang.
Doon, napangiti siya panunuya sa sarili. Tila kahit na para sa kanyang sarili, imposibleng ganap na maalis ang lahat ng kanyang damdamin. Sa ilog ng oras, ang lahat ng naiwan sa lalaki ay isang lumalabong anino at isang pares ng matapang na itim na mata, kasama ang isang pares ng mapwersang kamay. Sa huli, sino ba talaga ang may utang? Posible bang maibalik ang lahat ng mga pabor?
Kahit na imposibleng magkasamang lumaban, hindi rin kinakailangan para sa kanilang dalawa na lumaban hanggang sa mapait na katapusan.
Pero, sa kabila ng katotohanan na pansamantalang naiwasan ng Yan Bei ang kamatayan mula sa sakuna ng taglamig dahil sa pagkain na inagaw nila mula sa imperyong Tang, nasa nakapangingilabot na lugar pa rin ang Yan Bei. Walang mga malaking salungatan sa hangganan ngayong bagong taon. Anuman kung Yan Bei o imperyong Xia, ang pagsulong ng militar ay napahinto manyebeng taglamig na ito.
Sa ika-una ng Marso, pormal na iginawad ng Emperador ng Xia ang rehiyon ng Hilagang Hu kay Zhao Che bilang kanyang sariling teritoryo. Kahit na ngayon ay si Zhao Che na ang talagang pinuno ng Hilagang rehiyon, bago ito ay hindi pa siya pormal na nabigyan ng titulo. Ang katotohanan na ang Emperador ng Xia ay pinili ang ganitong tiyempo upang bigyan siya ng awtoridad sa mga taga-Hu na hindi nakaranas ng mga pagkalugi mula sa taglamig ay isang bagay na naggugol ang buong korte ng maraming oras na pag-iisip.
Sa ika-pito ng Marso, sa wakas ay nakabalik na si Grand Marshal Zhuge Yue mula sa kanyang pagninilay-nilay sa bahay at nagtungo sa konseho ng Grand Elders. Ipinahayag din ng ika-17 Prinsipe ang kanyang pakikipagkaibigan kay Zhao Che. Sa sandaling iyon, biglang tumaas ang katayuan ni Zhao Che. Sa kabilang banda, sinabi ni Zhao Yang na may sakit siya at hindi lumitaw sa korte ng buong dalawang araw. Gayunpaman, ang balitang nagmula sa Yan Bei ay nag-udyok sa pagkabalisa at pag-aalala ni Chu Qiao.
Sa katotohanan, ang nilalaman ng mensaheng iyon ay wala lang. Ito lamang ay handa si Yan Xun na ipagpatuloy ang pakikipagkalakalan sa imperyong Xia, upang makipagpalitan ng kabayo at bakal sa pagkain, tsaa, asin, at seda ng imperyong Xia.