Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 247 - Chapter 247

Chapter 247 - Chapter 247

Inihatid siya ni Chu Qiao sa pintuan. Ang hangin ay bahagyang malakas habang umiihip sa kanyang puting manto. Habang pinagmamasdan niya si Zhuge Yue na mawala sa kadiliman, sumandal siya sa pintuan tapos ay napangiti. Sa totoo lang, hindi nakakatakot ang Zhen Huang tulad ng naiisip niya.

Mula sa malayo, maririnig ang tawanan nina Jingjing at Pingan. Hindi mapigilan ni Chu Qiao na mapangiti din, habang tinatamasa niya ang sandaling ito. Matapos niya maghapunan, naligo siya sa tulong ng kanyang mga katulong.

Meixiang at ang iba ay napagod mula sa paglalakbay. Dahil kailangan ni Rong'er na may kasama, si Meixiang at dalawang pang tagapangalaga ay sinamahan siya. Ang mga tagasilbing hindi alam ang kanyang pagkakakilanlan ay naisip na anak siya ni Zhuge Yue at Chu Qiao. Kung kaya, labis ang pag-aalaga nila sa kanya.

Ang silid-paliguan sa bahay ni Zhuge Yue ay malaki at gawa sa ganap na puting jade, may daan-daang mga perlas na nakadikit sa dingding. May isang kandila, ang silid ay naging maliwanag na maliwanag. Ang tubig ay nagmula sa maiinit na bukal sa ilalim ng lupa ng kabundukang Cang at naglalaman ng mga elemento ng mga patak ng hamog at mga halamang gamot, nagbibigay ng isang kaaya-ayang halimuyak. Ang mga malalaking rosas ay inilagay sa ilalim ng paliguan, upang maiwasan na madulas ang sinuman. Ito ay isang kamangha-manghang tanawin.

Nabanggit ni Huan'er na nang iginawad ng emperador kay Zhuge Yue ang mansyon na ito, personal na sinuri muna ito ni Zhuge Yue. Pagkatapos, sinabi niya, "Matapos niyang mamatay, malaki ang presyo ng lugar na ito."

Malumanay na ngumiti si Chu Qiao habang napapaisip: Mukhang mahilig ka talagang sumipsip. Matapos niyang maligo, nagsuot siya ng isang puting kasuotan at nakapaang bumalik sa kanyang silid.

Noong una ay nagpipigil si Huan'er. Gayunpaman, nang makita niya na si Chu Qiao ay isang kaibig-ibig na tao, nagsimula itong maging malapit at tinawag siya sa kanyang pangalan, Xing'er. Paulit-ulit nitong sinabi sa kanya ang tungkol sa buhay ni Zhuge Yue nitong mga taon, binabanggit lamang ang mga magagandang bagay. Tila ipinaparating niya ang mensaheng ito kay Chu Qiao: Xing'er, mabuti nalang alam mo kung paano bumalik sa aming Young Master. Ito ay isang magandang desisyon. Magseselos ang lahat sa iyo.

Ngumiti si Chu Qiao habang nakikinig sa mga kwento ni Huan'er, tungkol sa kung paano hindi nakihalubilo si Zhuge Yue sa ibang mga kababaihan nitong mga taon, kung paano niya binigo ang puso ng ibang kababaihan. Pinakinggan niya ang mga kwento kung paano siya araw-araw na namimiss ni Zhuge Yue, gaano ito kasaya sa tuwing nakakarinig ng balita tungkol sa kanya, kung paanong hindi ito makatulog sa gabi at uminom ng mas maraming sabaw bilang resulta. Nakinig din siya sa mga kwento kung paano ginugol ni Zhuge Yue ang nakaraang mga taon sa isang kaawa-awang estado, kung paano ito niyurakan ng iba, kung paano ito pinuksa ng karamdaman, at kung paano ito tinrato ng kanyang pamilya...

Dahan-dahan, nagsimulang umiyak ang katulong habang patuloy na nagsasabi ng mas maraming magagandang bagay tungkol kay Zhuge Yue. "Xing'er, huwag mo nang iwanan ang Young Master. Mahal ka niya talaga."

Ang amoy ng isang mainam na insenso ay naanod sa silid. Umupo si Chu Qiao sa isang malambot na banig habang naglakbay siya sa mga alaala, nakikinig sa maraming kwento tungkol sa nangyari sa nakaraan. Kahit ang isang katulong ay may kamalayan sa pagmamahal nito sa kanya. Tanging siya lang ang nangailangan ng maraming taon upang mapagtanto ang katotohanang ito.

Isang tagasilbi ang kumatok sa pintuan, sinasabing ang asawa ni Heneral Yue Qi ay dinalaw siya. Napalukso si Huan at tumakbo kaagad palabas. Sa isang iglap, isang magandang ginang ang pumasok, nakasuot ng payak ngunit magandang dilaw na damit, hawak ang kamay ng isang sampung-taong-gulang na bata. Mayroon siyang dalawang dimple sa mukha nang ngumiti siya. Nang nakita niya si Chu Qiao, nais niyang lumuhod at batiin siya.

Pinigilan siya ni Chu Qiao habang tumatawa siya at sinabing, "Hindi ko inisip na napakaswerte ni Yue Qi. Napakaganda ng asawa niya."

Ngumiti si Xiaofei tapos ay nakita ang dalawang ngipin niya. Sinabi niya sa bata, "Mo'er, tawagin mo siyang Ina."

Tumingin ang bata kay Chu Qiao at natigilan ng ilang sandali. Bigla, inunat niya ang kanyang mga braso at hinawakan ang mga paa ni Chu Qiao, sumisigaw, "Ate, nandito ka upang makita ako!"

Natigilan rin si Chu Qiao tapos ay nagbaba ng tingin upang makita ng maayos. Ang bata ay kaibig-ibig, may maliwanag na mga mata, at nakabihis ng berde habang masayang nakatingin sa kanya.

"Ate, hindi mo na ba ako nakikilala? Ako si Mo'er."

Biglang naalala ni Chu Qiao na ito ay si Ouyang Mo, ang batang inampon nila habang sabay silang naglalakbay sa Tang Capital. Anim na taon na din; ang maliit na batang lalaki noon ay lumaki na.

Niyakap niya ang bata at nasurpresang sumagot, "Mo'er, ang tangkad mo na! Halos hindi na kita nakilala."

Mahigpit siyang niyakap ni Mo'er tapos ay patuloy na sinabi, "Ate, saan ka nagpunta? Bakit hindi mo ako binisita sa loob ng maraming taon? Kung hindi ka binanggit ni Ama, nakalimutan na kita."

"Ama?" Napasimangot si Chu Qiao at nagsususpetyang tiningnan ang dalawang tao sa gilid.

Itinama ni Xiaofei ang bata, "Huwag mong sabihin ang mali. Tawagin mo siyang Ina."

Tumingin si Mo'er kay Chu Qiao at nagtanong, "Ate, pinakasalan mo na ba ang aking ama?"

"Sino ang iyong ama?"

"Siya ang Chief Marshal ng Xia. Ate, hindi mo ba siya kilala?"

Ipinaliwanag ni Huan'er sa kanya habang nakatayo ito sa tabi, "Matapos bumalik ang Young Master, inampon niya si Mo'er bilang kanyang ampon na anak."

Nalaman ni Chu Qiao na mayroon nang dalawang anak si Xiaofei kay Yue Qi matapos makipag-usap sa kanila ng ilang sandali. Ang babae ay mahiyain ngunit kawili-wili, habang siya ay namumula matapos bahagyang nagsalita ng ilang pangungusap.

Dahil kakabalik lang ni Chu Qiao sa bahay ngayon, umalis sina Xiaofei at Mo'er pagkatapos ng ilang sandali. Bago sila umalis, pinapangako ni Mo'er si Chu Qiao na dadalawin siya tuwing may oras ito, dahil natatakot siyang iwan nito muli.

Dahil hindi pa nakakabalik si Zhuge Yue, sinabi ni Chu Qiao sa mga tagasilbi na makakaalis na upang siya ay makapagpahinga. Hindi maayos ang kalusugan niya nitong mga taon. Matapos maglakbay ng nakaraang mga araw, pagod na pagod siya.

Malambot at mainit ang kama. Humiga si Chu Qiao doon ng hindi pa nagtatagal bago siya mahimbing na nakatulog. Matapos ang isang hindi alam na tagal ng panahon, naramdaman niyang may humalik sa kanya sa isang parang nananaginip na estado, ngunit tumanggi siyang gumising. Tamad niya itong kinilala at tumalikod sa gilid ng kama.

Ang isang malamig na braso ang biglang yumakap sa kanya habang isang mainit na hininga ang dumampi sa kanyang tainga. Naramdaman niyang nakiliti ang kanyang tainga. Napasimangot siya at nagmulat upang makita si Zhuge Yue na nakahiga sa tabi niya, nakasuot ng isang lilang roba. Tinitigan siya nito sa kanyang maliwanag at itim na mga mata, tumatawa habang sinasabi, "Ikaw pa rin ba ang Xing'er na kilala ko? Hinahayaan ang mga tao na madali kang samantalahin."

Tumawa si Chu Qiao tapos ay iniyakap ang kanyang kamay sa leeg nito. "Masyadong maliksi ang isang tao, kayang mawala sa kagustuhan nito. Hindi ko mahahanap ang taong iyon."

Ngumiti si Zhuge Yue tapos ay ibinaba ang ulo upang halikan siya. "Nakatulog ka ba ng mabuti?"

"Napakasarap," Sumandal si Chu Qiao sa yakap ng lalaki habang nagpapatuloy sa isang mapaglarong tono, "Kung hindi ka bumalik, mas mahusay ang pagkakatulog ko."

Ngumiti si Zhuge Yue habang nagkukunwari na nagpapagalit, "Hinihiling mo yan. Mukhang kailangan kitang parusahan." Nang matapos niya ang kanyang sasabihin, itinaas niya ang kanyang braso. Nabiglang pumikit si Chu Qiao. Gayunpaman, pagkaraan ng ilang sandali, napagtanto niyang hindi siya nito pinarusahan. Nagmulat siya at nakita si Zhuge Yue na nakatingin sa kanya ng normal. Hindi niya maiwasang itanong, "Hindi ba't parurusahan mo ako? Bakit hindi mo ginawa?"

Hinagkan siya muli ni Zhuge Yue, ibinaba ang ulo upang halikan ang kanyang leeg. Sa bahagyang paggalaw ng braso nito, ang kanyang roba ay nawala ang pagkakatali, inilantad ang kanyang makinis na balat. Kumiling paharap si Zhuge Yue tapos ay gumamit ng mas higit na lakas sa kanyang braso. Sa mahinang tinig, dahan-dahan niyang sinabi, "Paano ko maaatim?"

Ang mga apoy ng isang pares ng pulang kandila ay tahimik na umandap. Ang pulang mga lampara ay bahagyang tinakpan ang mga apoy, dahilan upang kumalat sa silid ang pulang liwanag. Ito ang kung paano ginugol ni Chu Qiao ang kanyang unang gabi sa syudad ng Zhen Huang, sa gitna ng isang mainit na pakiramdam.

Patuloy siyang nakaranas ng ganoong mga araw nang taglagas na iyon. Kahit na bumagsak na ang mga dahon mula sa mga puno, ang mga gintong bulaklak na krisantemo ay puspos na namumulaklak, nagdaragdag sa karilagan ng mansyon. Ang mga araw ay tulad ng tubig sa batis sa ikatlong buwan, nag-iiwan ng kaaya-aya at walang hanggang alaala habang dumadaloy sila.

Sa araw ng pista ng taglagas, sinundan ni Chu Qiao si Zhuge Yue palabas ng mansyon patungong kabundukan ng Xiangzhi, matatagpuan 15 kilometro ang layo. Nagkaroon sila ng pagkakataon na bisitahin ang templo ng Anyuan, na nasa itaas ng bundok.

Bagaman gumugol si Chu Qiao ng pito hanggang walong taon sa syudad ng Zhen Huang, hindi niya nabisita ang iba't ibang atraksyong pang-turista. Noong nakaraan, hindi hinayaan ng katayuan niya sa lipunan na gawin ito, o wala rin siyang gana. Gayunpaman, sa kasalukuyan, nagbago na ang panahon. Ang lahat ay iba na mula sa nakaraan, kaya nagsimula na siyang palayain ang sarili.

Maganda ang panahon sa araw na iyon dahil sa nakakapreskong hangin. Nakabihis si Chu Qiao ng puting-puting mahabang damit, napapatungan ng manto. Nagsama siya ng ilang mga katulong at tumungo na sa kanyang paglalakbay.

Ang kabundukan ng Xiangzhi ay matatagpuan sa timog na dulo ng Zhen Huang, nakatayo sa ibabaw ng piraso ng patag na lupa. Ang rurok ng bundok ay manyebe buong taon, pinagmumukha itong mapanglaw. Makikita ang masusukal na gubat sa kabundukan. Dahil ngayon ang araw ng pista ng taglagas, ang mga mayamang pamilya sa Zhen Huang ay lumabas ng kanilang mga bahay. Ang bundok ay puno ng mga tao habang ito ay puno ng buhay.

Habang umaakyat sila sa kabundukan ng Xiangzhi, nagulat sila sa kamangha-manghang tanawin ng magagandang kagubatan. Pinangunahan nina Jingjing at Pingan ang daan habang hinahabol nila ang isa't isa, kasama sina He Xiao at ang mga gwardya ng Yue sa kaliwa at kanan. Isinama rin ni Yue Qi si Xiaofei, hinahayaan ang mabuting babae na magkapagpahinga.

Hinawakan ni Zhuge Yue ang kamay ni Chu Qiao habang umaakyat sila at nakikipag-usap sa iba. Kapag masaya siya, ang iba ay masaya din. Ang mga dumaraan na lumampas sa kanilang partido ay nakatitig sa kanila.

Laging abala si Zhuge Yue. Siya ang Chief Marshall ng hukbo ng Xia, at pinuno ng Qinghai. Ngayon, naging hindi tuwirang pinuno na rin siya ng pamilya Zhuge. May maraming responsibilidad sa kanyang balikat, kailangan niyang magtanggol laban sa panloob na pagbabanta ni Zhao Yang at ang panlabas na banta ng Yan Bei. Nitong mga araw, kahit na nakakabalik siya sa mansyon sa oras upang gumugol ng oras kasama si Chu Qiao, madalas siyang nawala kapag natulog si Chu Qiao. Nang magising si Chu Qiao, napagtanto niyang wala ang lalaki sa tabi niya, ngunit sa halip ay nasa silid-aralan nito.

Nagpanggap siyang hindi alam ito habang patuloy na natulog. Sa umaga ng susunod na araw, madalas niyang tatanungin ang lalaki kung nakatulog ito ng maayos. Madalas nitong sabihin na nakatulog siya ng maayos, na may ngiti sa mukha. Gayunpaman, hindi niya maitago ang kanyang sakit. Nang taon na iyon, nakaranas siya ng matinding pinsala at napilitang gumugol ng mahabang panahon sa tubig. Maswerte siya na nakaligtas. Sa kasalukuyan, dahil lumamig ang panahon, ang kanyang mga karamdaman ay nagsimulang pumaibabaw.

Sa bawat masamang panahon, nagsimula itong mamutla at magkasakit. Minsan, nang magising siya sa kalagitnaan ng gabi, narinig niya ang pigil na paghinga ng lalaki at nakita ang butil ng malamig na pawis sa likuran ng leeg nito, tumutulo sa basa nang damit. Gayunpaman, hindi niya maipahayag ang alinman sa kanyang naiisip. Minulat niya ng malaki ang mga mata niya sa kadiliman at tumingin sa malamlam na naliliwanagang perlas na kisame habang mahigpit na kinuyom ang mga kamao niya. Sinusubaybayan niya ang oras sa pamamagitan ng buhangin sa palayok ng orasan habang hinihintay ang pagsikat ng araw. Kinabukasan, magdadala siya ng maraming brazier sa silid. Inutusan pa nga niya ang mga manggagawa na gawing permanenteng mainit ang silid-tulugan, sa loob ng sampung araw.

Nang mag-agahan sila noong nakaraang araw, pinag-usapan nina Jingjing at Pingan ang tungkol sa kasiglahan ng pista ng taglagas. Kaswal siyang sumang-ayon sa kanila, ngunit sineryoso ng lalaki ang kanyang mga puna. Wala siyang sinabi noon. Gayunpaman, kinabukasan, isinantabi nito ang lahat ng kanyang mga gawain at dinala siya sa lugar na sasamba sila sa mga diyos sa tuktok ng bundok.

Nitong mga taon na ito, ang lalalaki ay palaging isang matigas ang ulo at mapagmataas na walang kinikilalang diyos. Si Chu Qiao, nang nalaman ito, ay sinasadya siyang tuyain dahil sa pagbabago nito ng pananaw sa relihiyon. Gayunpaman, itinawa lang ito ng lalaki, iginiit na may isang diyos na dapat nilang sambahin anuman.