Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 248 - Chapter 248

Chapter 248 - Chapter 248

Nang pumasok sila Chu Qiao at ang iba sa gilid na silid ng templo ng Anyuan, namula ang mukha ni Chu Qiao sa hiya, nagresulta upang tumawa sa pagkaaliw sila Jingjing at ang iba pa. Tanging si Xiaofei lang ang seryosong mababang yumukod sa estatwa na may paggalang, bago lumingon at tumingin sa pangkat na gumagawa ng ingay sa likuran.

Sa usok mula sa insensong umiikot sa hangin, ang buong bulwagan ay labis na nilamon ng malubhang katahimikan. Ang estatwa ng Guanyin na may mapayapang ngiti ay nakaupo sa altar, tinatanaw ang mapayapang bulwagan ng pagsamba na naiilawan ng sikat ng araw na tumatagos sa mga abo ng insenso na lumulutang sa hangin.

Ang tinig ni Zhuge Yue ay malapit sa kanyang tainga. May labis na kahinahunan, tahimik niyang sinabi, "Ang pagdarasal ay dapat taos-pusong gawin."

Lumingon si Chu Qiao, nakatingin sa malinaw na mata nito, bago ngumiti sa kanya. Sa kanyang ngiti, makakakita ng isang pakiramdam ng kaseryosohan, at sa parehong oras, mayroong bahid ng pagiging mapaglaro. Tumalikod siya at lumuhod. Ang kanyang kamay ay magkadaop, at sa kanyang puso, sinabi niya ang mga salitang ipinagdasal dati ng hindi mabilang na mga kababaihan.

Unang yukod, mangyaring protektahan mo siya, tiyakin na palagi siyang malusog at ligtas.

Pangalawang yukod, mangyaring tulungan mo kaming laging magkasama, hindi maghihiwalay.

Pangatlong yukod, mangyaring tuparin ang aming hiling na magkaroon ng malusog na anak.

Yumukod muli, siya ay tunay na taos-puso. Sa kanyang mukha, mayroong isang katiwasayan na hindi pa nakikita dati.

Buddha, napakaraming tao ang pinrotektahan mo dati. Ngayon, mangyaring protektahan mo din ako.

Si Jingjing, Pingan, at iba pa ay nakangiti sa kanyang kilos, si Xiaofei na nasa tabi nila at binabalaan silang igalang ang mga diyos. Si Yue Qi at He Xiao ay nakikipag-usap at nagtsitsismisan sa labas. Nang nagsimula silang pag-usapan ang tungkol sa kung paano ang isa sa kanilang mga opisyal ay nahuli ng kanyang asawa nang bumisita sa bahay-aliwan, ang kumpol ng gwardiya ay bumunghalit sa tawa.

Sa kailaliman ng taglagas, nagsisimula nang lumamig ang panahon. Sa ilalim ng malawak na kalangitan, lumuhod siya roon sa harap ng diyos, naramdaman lamang na ang buhay ay napaka payapa at tahimik, at ang nakaraang niyang alaala ng dugo at digmaan ay napakalayo. Ang kanyang isipan ay hindi pa naging mapayapa dati.

Tinulungan siya ni Zhuge Yue makatayo, at niyakap siya, ang labi nito ay marahang dumampi sa kanyang noo habang nakangiti sila sa isa't isa.

Si Jingjing, na may matalim na mata, ay agad na hinawakan si Xiaofei, at nagsimulang sumigaw, "Tingnan mo! Si ate at si bayaw ay walang-galang sa diyos!"

Nang marinig iyon, nagsimulang marinig ang pigil na tawa. Kahit na ayos lang kay Zhuge Yue, ang mukha ni Chu Qiao ay mapula tapos ay tumakas sa pagyakap ng lalaki. Gayunpaman, hinawakan ng kamay niya ang braso ni Zhuge Yue, tumatangging bumitaw.

"Manatili ba tayo sa bundok at kakain ng gulay?" Tanong ni Zhuge Yue.

Bago pa man makatugon si Chu Qiao, nakita niya si Pingan na gumagawa ng kakaibang mukha sa kanya. Naunawaan niya ito at sinabing, "Bumaba na tayo ng bundok. Kumakain tayong lahat ng karne, huwag na tayong magpanggap na tayo ay elegante."

Nang marinig iyon, mabilis na lumapit si Pingan, at sinimulang sabihin kay Zhuge Yue kung paanong kamangha-mangha ang ilang mga kainan, kasama si Jingjing na sumasang-ayon sa gilid. Pinitik ni Zhuge Yue si Pingan habang nagbibirong pinagalitan ito, "Ang batang to!", bago pinangunahan ang lahat palabas ng templo.

Matapos magbigay ng malaking halaga ng donasyon, naghanda ang templo ng isang tahimik na sulok ng hardin para sa kanila. Dahil nauna na sina Yue Qi at ang iba upang ihanda ang mga kabayo para makabalik sila, tanging sina Zhuge Yue at Chu Qiao, kasama ang ilan pa ay natira sa hardin na napapalibutan ng mga dahon ng taglagas habang nag-uusap.

Bago pa man makaupo nang matagal, biglang nagsimulang hindi mapakali si Xiaofei. Inisip ni Chu Qiao na nais nitong umihi, kaya hinila siya ni Chu Qiao sa gilid, para lang makita na lubos na natataranta si Xiaofei, at pagkatapos pansamantalang mag-atubili ay ibunyag ni Xiaofei na mayroong manghuhula sa templo. Ang panghuhula nito ay lubos na tumpak, at ang lahat ng mga gamot nito ay isang milagrong gamot. Ang katotohanan na nagkaroon siya ng dalawang anak ay dahil sa mga gamot nito. Gayunpaman, hindi siya pinaniwalaan nina Yue Qi at ng Young Master. Sa oras na ito ay maaari lamang siyang lihim na makabili.

Natural, hindi siya pinaniwalaan ni Chu Qiao. Sa kailaliman, naisip ni Chu Qiao ang katotohanan na nagkaroon siya ng anak ay dahil kay Yue Qi. Paano iyon nauugnay sa manghuhula? Gayunpaman, nang makitang taos-puso ito sa kanyang mga salita, hindi kaya ni Chu Qiao na tanggihan siya, kaya sinamahan niya si Xiaofei pagkatapos sabihin kay Zhuge Yue na aalis muna sila.

Ang manghuhula ay mayroong ulo ng puting buhok, mukhang malungkot at mahiwaga. Sa unang tingin, madadama talaga na parang tulad siya ng diyos. Nang makita si Chu Qiao, agad nitong sinabi kung paanong ay isang taong may malaking kayamanan, gayunpaman ay natatali siya ng lahat ng uri ng bigkis sa kanyang buhay. Hangga't nananatili siyang tapat kay Buddha, natural na magkakaroon ng paraan upang malutas ang lahat. Nang marinig iyon, patuloy na tumatango si Xiaofei, na parang sinasabi kay Chu Qiao, "Tingnan mo, napakatumpak ng ginoo na ito."

Gayunpaman, agad masasabi ni Chu Qiao na ito ang sinasabi ng manghuhulang ito sa lahat. Sino ang hindi mapipigilan ng mga bigkis sa buong buhay nila? Para naman sa kayamanan, kahit sino ay makakapagsabi sa pamamagitan ng pagtingin sa kalidad ng damit na suot nila.

Umupo si Xiaofei sa harap ng tindahan at sinimulan na ang panghuhula sa kanya, ganap na nahuhumaling. Si Chu Qiao, sa kabilang banda, ay lubos na nabagot at biglang napansin ang isang pamilyar na pigura. Nang makita iyon, lubusan siyang natigilan. Pagkaraan ng ilang sandali, tumungo siya at sinabihan si Xiaofei na aalis muna siya, bago siya tahimik na sumunod.

Anim na taon na rin.

Sa mga lumulutang na pulang dahon, nakasuot siya ng puting kasuotan, mukhang napaka karaniwan, wala ang lakas at espiritu na mayroon siya dati. Sa hangin ng taglagas na dumadaan, bahagyang pumagaspas ang mga manggas niya, kumakaway sa hangin.

"Kamahalan, nais mo bang uminom ng tubig?" Isang tagasilbi na tila 18 hanggang 19 ang lumapit. Kahit na nakabihis panglalaki, ibinigay ng tinig ang katotohanan na siya ay isang dalaga. Ang kanyang likod ay nakaharap kay Chu Qiao, kaya hindi makita ni Chu Qiao ang mukha nito.

Tumalikod si Zhao Song. Makikita kung paano ang kanyang mukha, na dati ay mataba-taba at mukhang bata, ganap na walang inaalala, ay lubos na pumayat. Kahit na diretso pa rin ang tindig ng kanyang katawan, halata na nababakasan siya ng pakiramdam ng pagkapagod at pag-iisa. Ang kanyang mga mata ay nawala ang espiritu na dati ay mayroon siya, na kakalmahan at pagkagulang na lang ang natitira. Kahit na siya ay bahagyang higit sa 20 lamang, ang dalawa niyang gilid ay nagsisimula nang mamuti.

Umiling siya at kalmado na nag-utos, "Nais kong maglakad mag-isa."

Hindi man lang gumalaw ang batang babae, at bahagyang itinaas ang kanyang ulo. Hawak ang tubig, hinaplos ng hangin ang kanyang mukha, nagdadala ng isang pamilyar na pakiramdam kay Chu Qiao. Biglang nagtaas ng ulo ang tagasilbi, at matatag na nagtanong, "Kamahalan, may hinihintay ka ba?"

Tila hindi nasisiyahan ang mukha ni Zhao Song. Sumimangot siya at nagtanong, "Anong sinabi mo?"

"Kamahalan, matagal mong hindi nilisan ang palasyo, ngunit bakit bigla kang naging interesado ngayon?"

Halata mula sa titig ni Zhao Song na mas hindi siya nasisiyahan, habang nagbigay siya ng isang makabuluhang sulyap sa babae bago umalis. Nagulat ang tagasilbi, habang humahabaol siya at hinila-hila ang manggas niya at nagpayo, "Kamahalan, nakalimutan mo ba ang sinabi ng ika-14 Kamahalan?"

Sa paghila ng babae, marahan na tumalikod si Zhao Song, ang kanyang mata ay kasing lalim ng lawa, hindi inilalantad ang kanyang emosyon. Malalim siyang tumingin sa dalagang iyon na nakabihis na panglalaki, at matatag na ipinahayag, "Wuxin, hindi lahat ng tao sa mundo ay may utang sa iyo. Napakalakas ba ng iyong pagkamuhi?" Pagkasabi nito, tumalikod siya at naglakad tungo sa kagubatan ng taglagas.

Ang dalagang iyon ay nakatalikod kay Chu Qiao. Ang kanyang pigura ay tila napakahina sa mga umuugoy na sanga, para bang darating ang hangin at tatangayin siya. Mayroong pakiramdam ng kalungkutan na mukhang hindi kailanman mabubura, umaapaw mula sa kanyang mga daliri, sunod-sunod na alon. Napakadiretso niyang nakatayo, at pagkatapos mag-atubili nang matagal, nakapagasya na siya sa wakas habang pinupunasan ang kanyang mukha gamit ang kanyang manggas, na para bang may inaalis, bago humabol sa mga yapak ni Zhao Song.

Sa kanyang pag-alis, bumalik ang kagubatan sa kapayapaan na karaniwang mayroon ito, sa mga ibon na humuhuni sa hangin. Isang pangyayari ang dumaan sa mga mata ni Chu Qiao, habang muli niyang naalala kung gaano karaming taon na ang nakalilipas, nakasuot ito ng asul na nabuburdahan ng mga makukulay na ibon at magagandang ulap. Sa kanyang kamay, mayroong gintong latigo ng kabayo, habang nagmamalaki nitong sinabi sa kanya, "Sa tingin ko ay ikaw ang pinakamaganda sa lahat ng mga tagasilbi. Ano sa tingin mo kung gagawin kitang heneral na tagapamahala sa pagbabantay ng tarangkahan?"

Sa hangin na dumadaan, bigla siyang nakaramdam ng lamig. Papalapit ang tinig ni Xiaofei sa paghahanap kay Chu Qiao, ibinabalik si Chu Qiao sa reyalidad. Bumalik si Chu Qiao habang hawak ang kamay ng ina ng dalawang bata.

Ang mga tao ay tila medyo pagod mula sa paglilibot sa buong lugar. Habang bumaba sila, sumakay sila sa karwahe. Sa umaalog na karwahe, nakita ni Zhuge Yue na mukhang hindi masigla si Chu Qiao, at nagtanong kung pagod siya. Sinabi ni Chu Qiao na talagang pagod siya, bago sumandal sa balikat ni Zhuge Yue at nakatulog.

Hinawakan ni Zhuge Yue ang kanyang kamay, at nadama na siya ay sobrang malamig. Bigla siyang nakaramdam ng pag-aalala habang inutusan si Yue Qi na magmadali.

"Malapit nang magpakasal si Zhao Che." Medyo nagulat si Chu Qiao tapos ay tumingin kay Zhuge Yue. Sumagot ito, "Hindi siya nagkaroon ng magandang kapalaran nitong mga taon na ito. Halos magiging binata na siya habang-buhay. Hindi mo kilala ang babae, ngunit sa palagay ko ay magugustuhan mo siya. Siya ang batang anak na babae ng pinuno ng Donghu. Ang pangalan niya ay Wan Yanrou. Bagaman banayad ang pangalan niya, isa siyang baliw na babae. Sa kabila noon, kilala siya na taos-puso at mabait. Kapag dumating siya sa kabisera, dadalhin kita upang makilala siya."

Tumango si Chu Qiao, at biglang may naalala, ngunit hindi nagsalita.

Matapos ang pista ng taglagas, nagsimulang lumamig ang panahon, ang buong lawa ay nagyelo. Isang malaking pagnyebe ang dumating, kinukulayan ang buong kalangitan ng puti, na tanging ang panloob lamang ng mga silid ang komportable ang init, dahilan upang makaramdam ang lahat na magmakupad.

Sa mga panahong ito, maraming tao ang nagmamadali sa residensya ng Grand Marshal, at tila medyo abala rin si Zhuge Yue. Kahit si Yue Qi ay hindi mahanap. Ayon kay Xiaofei, ipinadala siya sa isang misyon ni Zhuge Yue at isang linggo nang nakaalis.

Nang gabing iyon, kaswal na tinanong ni Chu Qiao si Zhuge Yue, subalit sinubukan nitong maging misteryoso, at sinabi na bibigyan siya ng sorpresa. Dumating ang sorpresa nang mas maaga kaysa sa inaasahan. Pagkaraan ng tatlong araw, ipinadala ni Sun Di ang kanyang mga tauhan at dinala sa kanya ang mga personal na sulat at opisyal na dokumento. Nangyari na ang Grand Marshal ng imperyo ng Xia ay hiniling ang kamay ni Chu Qiao sa kasal mula sa imperyo ng Tang, dahil si Chu Qiao ay opisyal nang kasapi ng imperyo ng Tang. Ang unang bigay-kaya ay nakarating na sa imperyo ng Tang.

Nang marinig ang balita, nasa higaan pa rin si Zhuge Yue. Nakasuot na sutlang puting pangtulog, sinuportahan niya ang kanyang ulo gamit ang kamay, na may ekspresyon na tila siya ay nakangiti, nakasulat sa kanyang mukha ang katamaran.

Lumapit si Chu Qiao at inihagis ang liham sa kanya, at nagtanong, "Ano ito?"

Taimtim na sumagot si Zhuge Yue, "Anong problema? Naghahanda ako sa ating kasal. Hindi ba natural lamang ito?"

Napasimangot si Chu Qiao. "Ang aking pagkakakilanlan ay medyo sensitibo sa Imperyo. Hindi ka ba natatakot na magkakaroon ng tsismis?"

Ngumiti si Zhuge Yue at inalis ang pag-aalala na iyon. "Magpapakasal ako, paano nauugnay sa akin ang tsismis na iyon?"

Para bang nagkaroon ng butas sa lalagyan ng mainit na tubig, habang ang init ay tumulo at pinuno ang buong puso niya. Umapaw ang ngiti ni Chu Qiao habang siya ay umupo at isinandal ang ulo sa paa ng lalaki, at nanatili doon.

Umupo si Zhuge Yue at niyakap siya, habang ito ay yumuko at hinaplos ang kanyang buhok gamit ang noo nito, at bumulong, "Maraming taon ko itong pinag-isipan. Paano ko hahayaan na tahimik mo akong pakasalan? Titiyakin kong ipagbibigay-alam sa buong mundo, at sasabihin sa lahat na akin ka."

Kasunod ng araw na iyon, biglang naging sobrang abala ang buong lugar. Hindi alam ni Chu Qiao kung anong uri ng pamamaraan ang ginamit ni Zhuge Yue, ngunit buong syudad ng Zhen Huang ay tila nawalan ng memorya dahil walang nakaalala na tinulungan niya minsan si Yan Xun na makatakas mula sa syudad ng Zhen Huang, at walang nag-uusap tungkol sa kung paano siya nagdulot ng dalawang walang pinatunguhang kampanya sa hilaga. Higit pa, walang nagbanggit kung paano niya personal na pinatay ang Ikatlong Prinsipeng si Zhao Qi.

Sa mga susunod na araw, ang mga binibini ng iba't-ibang malalaking pamilya ay isa-isang dumalaw residensya, na may lahat ng uri ng mga bihirang regalo. Kahit na ang ilang mga opisyal na hindi partikular na malapit kay Zhuge Yue at Zhao Che ay nagbigay ng kanilang bahagi ng mga regalo dahil sa paggalang.

Sa ikatlo ng Disyembre, naggaling ang balita mula sa palasyong Sheng Jin na ang Emperador ay nasa kanyang huling hininga na mula sa sakit, at ipinatawag si Zhuge Yue sa palasyo. Sa karapatan, kapag ang Emperor ay may sakit, bukod sa mga Prinsipe o ang mga kapatid ng hari, hindi siya dapat magpatawag ang sinumang mga opisyal. Gayunpaman, habang ang buhay ng Emperador ay nakabitin sa isang sinulid, walang nakakaalam kung kailan niya mahihinga ang kanyang huling hininga. Tulad nito, si Lord Mu mula sa Lingnan kasama ang mga hari mula sa mga maharlikang pamilya ay hiniling na makita ang Emperor. Sa sandaling ito, hinayaan si Zhao Che na harapin ang mga tao sa palasyo ay hindi isang magandang hakbang. Tulad nito, humiling si Zhuge Yue na makapasok din sa palasyo. Dahil malala ang sakit, ano ang masasabi ng Emperador? Sa katunayan, kay Zhao Yang at sa iba, medyo hindi rin sila komportable na hayaan si Zhuge Yue na magpagala-gala habang nangyayari ang lahat sa palasyo. Doon, naging abala ang palasyong Sheng Jin habang ang mga pinakadakilang kapangyarihan sa Imperyo ay natipon sa isang maliit na lugar.

Gayunpaman, sa gabi na ang iba't ibang mga pinuno ay pumasok sa palasyo, ang hukbo ng Donghu na nasa kanluran ng syudad ay nagsimulang makipaglaban sa personal na hukbo ng pamilya Mu. Walang nakakaalam ng tumpak na dahilan ng laban, ngunit sa oras na magising si Chu Qiao ng kaguluhan, ang buong kalangitan ay nakukulayan ng pula, ang mga mensahero ay nahaharang na makapasok sa palasyo. Halatang may nagsadya na gawin ito.

Related Books

Popular novel hashtag