"Zhuge Yue!" Galit na tinulak siya ni Chu Qiao, "Inaapi mo ako!" Pagkatapos ay nagpatuloy siya sa pagyakap sa babae. Biglaan at malakas, ang kumot at tuwalya sa kanyang ulo ay ganap na naitulak ng biglaang kilos. Ikiniling niya ang mukha ng babae at hinalikan ito ng buong lakas, at ganap na pinigilan ito, na para bang nais niyang pagsamahin ang kanilang katawan. May malalim na paghinga, hinawakan ng kamay niya ang baywang nito, habang ang magkalapat nilang katawan ay tila nararamdamam ang malakas na tibok ng puso ng bawat isa.
Isa, dalawang beses, tatlong beses...
"Chu Qiao." Nakatingin sa babae, bigla niyang tinawag ang pangalan nito. Sa mga mata niya, parang may naglalagablab na apoy. Hindi kumukurap, matatag niyang idineklara, "Pakasalan mo ako."
Nagulat si Chu Qiao. Habang ang apoy ay sumisinag sa kanyang mukha mula sa isang parte, makikita lamang ang kalahati ng kanyang mukha, sa isa pang kalahati na nakatago sa anino, nagmumukhang halos isang panaginip. Pakiramdam ng babae ay namamalik-mata siya at hindi alam kung ano ang gagawin. Ibinuka ang bibig, walang lumabas na tunog dahil hindi niya alam kung paano sasagot.
"Xing'er," Tahimik na nakatingin sa babae, nagpatuloy siya.
Tulala na siya nang sumagot siya, "Oh?"
"Mahal kita."
Sa pagbagsak nito ng bomba, pakiramdam ni Chu Qiao ay nag-iinit ang buo niyang mukha, sa temperatura ng kanyang katawan na mabilis tumataas, kasama ang kanyang isip na mabilis na nagyeyelo. Wala sa sariling tumingin sa lalaki, mayroong pakiramdam ng kaligayahan na umaangat sa kanyang puso, kasama ng pagkalito. Hinawakan ni Chu Qiao ang kanyang dibdib, na para bang kapag hindi niya pinipigilan ang kanyang puso, lulukso ito at tatakas.
"Matagal na kitang mahal. Alam mo ba?" kaswal siya nitong tinanong na para bang pinag-uusapan nila ang ibang bagay na hindi nauugnay sa kanila, walang bahid ng pagmamadali.
Tumango si Chu Qiao, "Alam ko."
"Paano ka naman?" Ang kanyang mata ay malinaw na nakatuon na tila pakiramdam ni Chu Qiao ay hindi siya makakahinga.
Matapos tipunin ang kanyang tapang, mahinang sumagot si Chu Qiao, "Pareho din para sakin."
Gayumpaman ay tumanggi siyang tanggapin ang gayong hindi malinaw na sagot, at ginugulo ito habang nakangiti, "Ano ang pareho?"
Biglang nadama ni Chu Qiao na ang bangka ay masyadong maliit. Bakit ang silid ay napakaliit, napakainit na halos hindi siya makahinga ngayon?
"Magsalita ka." Siya ay humilig at itinaas ang baba ng babae. "Ano ang pareho sayo?"
"Ako din..." kinuyom ni Chu Qiao ang kanyang kamao sa pagpapasya, habang hindi mabilang na mga eksena ang dumaan kanyang isip. "Mahal din kita."
Mahal din kita…
Ang tinig nito ay malambot, ngunit tumagos ito sa gabi at pinaliwanag ang kanyang mukha. Marahan siyang humalik sa noo ng babae at nagtanong, "Kailan nagsimula iyon?"
Kailan? Hindi niya alam. Marahil ito ay mula sa pagkikita nilang muli sa Sunset Mountain. Marahil ito ay noong nagtagpo sila sa Lantern Festival sa Xian Yang. Marahil ito ay noong narinig niya ang tinig mula sa nagyeyelong lawa na nagsasabing patuloy siyang mabuhay.
O marahil, noon pa man, mula sa yakap na iyon sa Imperial Tomb sa kabundukan ng Mei, o ang pagkakataon na magtagpo sa syudad ng Wupeng, kasama ang kanilang kooperasyon at magkasamang pakikipaglaban. Marahil, ito ay noong iniligtas siya nito mula sa pagtugis ni Zhao Chun'er.
O kahit na, noong nasa silid na iyon, nang ang matigas na ulong kabataan ay paulit-ulit na pinunasan ang kanyang luha gamit ang purong puting panyo na hindi man lang humihingi ng pahintulot. Katulad noon, ito ay walang modo, matigas ang ulo, at sapilitang pumasok sa kanyang puso. Hindi humihingi ng kanyang pahintulot, at hindi nagtatanong kung gusto niya ito.
"Hindi ko alam." Inunat ni Chu Qiao ang kanyang kamay at hinaplos ang kilay nitong nakakunot, bago nagpatuloy, "Marahil ay mula noong matagal na. Napakatagal na na kahit ako ay hindi na matandaan, at mahirap tukuyin ang eksaktong sandali." Nakasandal sa yakap ng lalaki, marahan siyang bumulong, "O marahil ay naipon ang lahat ng paunti-unti, kaya hindi ko na matandaan."
"Tanga mo talaga." Yakap siya, biglang itong ngumiti. "Sa totoo lang, hindi ko na rin maalala."
Oo, marahil ganito talaga ang buhay. Walang makakapagsabi kung kailan, ngunit ang pag-ibig ay tila biglang lumitaw at sumunod sa anino mo. Sa oras na napansin mo ito, malalim na itong nakabaon sa loob mo.
Ibinaba niya ang kanyang ulo at hinahalikan ang labi, mukha, tainga, leeg, at dahan-dahan papunta sa balagat ng babae. Lumambot ang katawan ni Chu Qiao habang isinuko niya ang lahat ng paglaban, at bumagsak sa kanya. Ang katawan ni Zhuge Yue ay naging mas mainit kaysa sa karaniwan, habang ang kamay sa baywang ng babae ay nagsimulang umakyat. Ang kanyang temperatura ay tulad ng isang nababagang impyerno, nilalamon ang kung ano sa natitirang pandama ni Chu Qiao.
"Kya!" Biglang napasigaw si Chu Qiao nang nadama niya na parang biglang bumaligtad ang kalangitan. Siya ay itinaas ng isang tao at inihiga sa kama. Kahit na nakasuot pa siya ng damit, ang kanyang mga damit ay halos basa at kapareho ng nakahubad.
Tumingin ito sa kanya, ang kilay ay bahagyang nakakunot, para bang may iniisip ito. Gayunpaman, ang tingin nito ay puno ng silakbo. Isang malalim na tinig ang narinig sa gilid ng kanyang tainga, at isang pares ng basang labi ang humalik sa kanyang tainga, nagdadala ng alon ng pamamanhid pababa sa kanyang likod. Ang telang sinturon ay mabilis na naalis, inilalantad ang kulay puting damit na panloob na nabuburdahan ng dilaw na canary.
Ang malambot niyang balikat ay nakalantad, at habang ang mahahabang daliri ng lalaki ay hinahaplos ang kanyang balat, makakakita ng pagtindig balahibo habang nanginig siya sa isang nakakaparalisang pamamanhid. Nang ang kamay nito ay lumipat sa kanyang leeg, may mabilis na pilantik ng daliri nito, ang buhol sa kanyang leeg ay natanggal habang ang damit ay bumagsak. Bahagyang nagulat si Chu Qiao, tapos ay mabilis niyang hinawakan ang kanyang mga damit sa pagtatangkang takpan ang kanyang katawan, para lang mabigyan ng isang alon ng pagtawa.
"Nahihiya?"
Nagpumiglas si Chu Qiao na makaalis sa yakap nito, habang itinuturo niya ang kandila malapit sa higaan, at pinilit ilabas ang mga salita, "Patayin mo ang ilaw..."
Biglang nagsimulang masayang ngumiti si Zhuge Yue, at siya ay nasa karaniwang sarili nang tumalikod siya na hindi gumagawa ng tunog. Gayunpaman, makikita na umaangat paitaas ang kanyang labi. Walang mga tunog maliban sa paminsan-minsang pagaspas ng mga ibon na lumalampas sa barko.
Hinawakan ang baywang niya, pinatahimik nito ang labi niya, "Huwag kang matakot." Sa sandaling dumampi ang labi ng lalaki sa kanya, pakiramdam niya ay parang mauubusan siya ng hininga. Uminit ang kanyang katawan. Sa kanyang mga damit na bawat patong na natatanggal, naiwan siya sa kanyang pinaka-natural na estado. Malambot, maputi, siya ay tulad ng isang jade na rebultong ginawa ng isang dalubhasang mag-uukit. Ito ay isang teritoryo na walang sinuman ang nakarating, puno ng buhay at kalakasan. Marahan itong humilig paharap. Sa balat nilang magkadikit, ito tila naglalagablab na impyerno.
Ang kanyang hininga ay ganap na natigil. Dahil ang kanyang mukha ay malapit sa balikat ng lalaki, nakikita niya ang malinaw na peklat, tapos ay bigla siyang nanginig. Nadama ng lalaki ang bigla niyang pagbabago at mabilis na tinakpan ang kanyang mga mata. Sinabi nito, "Huwag kang tumingin." Gayunpaman, isinantabi niya ang kamay nito habang iniunat niya ang kanyang nanginginig na kamay at niyakap siya, sa malambot niyang balat na dumadampi sa sugat nito, lumabas ang mga luha at binabasa ang sugat na iyon.
Tahimik na ibinalik ni Zhuge Yue ang malambot na yakap at tumingin lamang habang umiiyak siya.
Sa araw na inilibing si Li Ce, nangako siyang hindi na muling luluha. Gayunpaman, makita ang sugat ng lalaki, sa mga lugar na sinaksak niya, hindi niya maiwasang mapaiyak. Mahigpit niyang niyakap ang lalaki sa takot na maglalaho ito. Tulad ng sa nagyeyelong lawa na iyon, matapos niyang luwagan ang kanyang kamay, nawala ang lalaki.
"Zhuge Yue, patawarin mo ako," saad niya habang umiiyak.
"Tanga." Hinalikan ni Zhuge Yue makintab niyang buhok at malambot na tumawa. "Pinapangit mo ako. Dapat mo akong panagutan."
Alam ni Chu Qiao na nagbibiro ito. Sumagot siya habang humihikbi, "Ang sugat ay nasa balikat, hindi ito kasama."
Napatawa si Zhuge Yue, at ang maitim nitong mata ay tila napakalalim habang nakatuon ito sa kanyang anino. Malumanay nitong hinalikan ang mukha niyang puno ng luha at sinabi, "Wala akong pakialam. Pananagutin pa rin kita."
Ang mga braso nito ay napakalakas na nakaramdam siya ng kaunting sakit. Ngunit sa sakit, nakaramdam siya ng kagalakan, tila ba nilalamon siya ng dagat ng kasiyahan. Napakasarap mabuhay. Naisip niya dati na ang lahat ay mawawala habang ito ay nalilibing sa kasing lamig ng yelong lawa na walang pagkakataon na ulitin ang kahit ano.
Habang nagsasama ang kanilang mga katawan, nagsimulang lumabas ang pawis sa kanilang noo. Napapalibutan sila ng malambot na hampas ng ilog, na walang tunog ng kahit sino. Kahit ang oras ay tila tumigil, na tanging sila nalang ang nagpapalayaw sa bawat isa…
Hindi maiwasan ni Chu Qiao na magbigay ng isang impit na sigaw, ang kanyang katawan ay umaarko sa sakit habang isang pulang likido ang dumaloy sa pagitan ng kanyang mga binti. Ang paggalaw ng lalaki ay biglang natigil habang ang mata nito ay puno ng hindi pagkapaniwala. Gayunpaman, malalim itong tumingin sa kanya, tila ba tinatanong siya kung anong gagawin. Ang kanyang mukha ay sobrang namumula at kahit ang kanyang mga labi ay tila namamaga. Inabot niya ang kanyang damit upang takpan ang kanyang dibdib, habang hindi niya alam ang sasabihin sa kaalamang nakita ng lalaki.
Bigla itong tumawa. Hindi pa niya ito nakita na tumawa ng ganoon. Noong una, ngumingiti lamang ito, ngunit kalaunan, nagsimula na itong tumawa ng malakas, sobrang malakas na sinubukan ni Chu Qiao patahimikin ito gamit ang kanyang kamay. Gayumpaman ay bigla nitong isinubsob ang mukha sa tabi niya, at tahimik na sinabi, "Xing'er, napakasaya ko." Ang malambot niyang mga bisig ay niyakap ang katawan nito. Ang pigura ng lalaki ay napakaganda na nilalabanan kahit na mga modelo sa TV.
Sa kadiliman, ngumiti siya. Ang pares ng pulang kandila ay unti-unting naubos. Nang napangiti siya, naisip niya, kung gayon ay ito ang magiging unang beses ko…
Matapos paghiwalayin ng napakaraming tao, napakaraming insidente, maraming oras, sabay pa rin silang lumakad kahit na sila ay mula sa magkaibang mundoat magkaibang bansa. Nakasandal sa balikat nito, malayang niyang hinayaang tumulo ang mga luha niya.
Sa kalagitnaan ng gabi, nagsimulang pumatak ang ulan. Maririnig ang pagpatak ng ulan sa barko. Habang naglalayag ang barko sa ilog, maaaring makarinig ng tunog ng hangin na humahalo sa katahimikan ng gabi.
Sa gabi, nagising si Chu Qiao, ang kanyang buhok ay nakakalat sa kanyang gilid. Ang kanyang mukha ay mapula pa rin kahit na siya wala pa rin sa sarili, at ang malinis niyang puting balat ay tulad ng puting sutla na nakatago sa mga patong ng kumot. Iniunat niya ang kanyang kamay sa gilid upang damahin ang lalaki, ngunit nakadama lamang siya ng lamig. Siya ay lubos na nagulat tapos ang kanyang antok ay naglaho at napatayo siya, para lang makita na ang silid ay bakante. Noon lang niya napansin niya ulan sa labas.
Bigla siyang nakaramdam ng takot. Nilisan niya ang higaan. Gayunpaman, sa sandaling tumapak siya sa sahig, bumigay ang kanyang tuhod habang ang sakit sa kanyang ibabang kalahati ay pinaalala sa kanya na ang nagnyari kagabi ay hindi panaginip, at ang lahat ay nagbago na.
Isinuot ni Chu Qiao ang isang aqua blue damit, at kasama ang isang malambot na kapa, kumuha siya ng isang kawayang payong at lumabas.
Malamig sa labas habang ang ambon ay pinalalakas ng hangin. Kahit na hawak niya ang payong, bumagsak sa damit niya ang patak ng ulan. Nagmamadali siyang pumunta sa kabila ng deck habang tila nilalamon ng kadiliman ang lahat. Naririnig pa rin niya ang paminsan-minsang tunog ng mga unggoy na sumisigaw sa bundok.
Nandoon siya, nakatayo sa harap ng deck, at tila ay matagal na itong nakatayo doon. Sa kanyang puting damit, mukha itong napakapresko. Mayroong bahid ng kalungkutan habang nakatayo ito sa anino. Nang marinig ang kanyang mga yapak, tumalikod ito. Kahit na nakita siya, hindi ito nakaramdam ng gulat, at iniunat lamang ang kamay at tumawag, "Halika rito."
Lumapit si Chu Qiao at itinaas ang payong upang masakop din siya. Ang ulan ay maaaring ambon lamang, ngunit kahit ganoon ay mababasa pa rin ang lalaki kung matagal itong nakatayo doon. Ang damit nito ay basa na, at hindi maiwasan ni Chu Qiao na magkomento, "Hindi mo ba masabing umuulan?"
Ang hangin ay umihip sa kanila. Ang kanilang mga manggas ay pumapagaspas kasabay ng dumadaang hangin. Hawak ang kamay ng babae, ang kanyang mga daliri ay payat pero malakas. Biglang niya itong niyakap na hindi gumagawa ng tunog. Ganoon lang, niyakap niya ang babae. Hindi ito masydaong malakas, ngunit tila may isang mahiwagang puwersa na nakapagpatigil sa babae, dahilan upang ayaw niyang gumawa ng anumang galaw.