"Zhuge Yue?" bulong niya habang marahang lumilipas ang oras. "Ano problema?"
"Wala," sagot nito sa mahinahon na tinig. Sa ilang taon na hindi nila nakita ang isa't-isa, ang aroganteng lalaki ay tila gumulang. Isang paminsan-minsang malamig na tingin ang kumikislap sa mga mata nito, na kahawig ng mga pabago-bago ng buhay na pinagdaanan niya. Ang kanyang tinig ay payapa, ngunit malamig ang tunog. Ang kanyang mga emosyon ay hindi mauunawaan ng ibang tao.
"Xing'er, nagdusa ka," biglang sabi ng lalaki.
Naghihinalang itinaas ni Chu Qiao ang kanyang kilay tapos ay sumagot siya, "Anong sinasabi mo?"
"Kung ano man ang utang ko sa iyo," ngumiti si Zhuge Yue, hinaplos ang kanyang mukha at nagpatuloy, "Babawi ako sayo sa hinaharap."
"Zhuge Yue, anong meron sayo?"
Medyo kinakabahan si Chu Qiao habang hinatak-hatak niya ang manggas ni Zhuge Yue. Tumingala siya at nag-usal, "Hindi ako nagdusa. Ginusto ko."
Ngumiti ulit si Zhuge Yue. Inunat nito ang kanyang kamay at hinagkan siya, isinandal ang baba nito sa kanyang ulo. Hinagkan siya nito na hindi gumagamit ng anumang lakas, na para bang isang porselanang bagay ang hawak niya. Mayroong mga bagay na hindi niya sinabi, habang hinayaan niyang mawala ang mga kaisipang iyon kasama ang mga hangin na umiihip. Lagi niyang iniisip na mas mahusay siya kaysa kay Yan Xun. Saka lang kapag nasa tabi niya si Chu Qiao ay makakamit nito ang tunay na kaligayahan. Gayunpaman, sa mga bagay na tulad nito, hindi siya tugma para kay Yan Xun. Si Yan Xun ay naging isang tunay na maginoo sa loob ng sampung taon na magkasama ang dalawa, ngunit mayroon lamang siyang makasariling kagustuhan.
Gayunpaman, ano ang magagawa niya tungkol dito? Kapag nahaharap sa babae, ang kanyang kumpiyansa ay madalas na naglalaho. Habang papalapit ang kanyang kaligayahan, mas lalo siyang natatakot. Kaya, nais niya itong angkinin.
Gayunpaman, pagkatapos noon, mas nag-aalala siya tungkol sa kanyang personal na makukuha at pagkalugi. Isa siyang desididong tao. Para sa mga bagay tungkol sa mga pananakop at kayamanan, nagawa niyang mabilis na magpasya at sumugal. Kapag nahaharap lang sa babae ay hindi niya ito magawa. Minsan, tinutuya niya ang kanyang sarili sa paglalagay ng sarili sa ganitong estado.
Sumandal si Chu Qiao sa kanyang yakap habang patuloy nitong inulit, "Wala iyon. Ginawa ko ito ng kusa."
Tinakpan niya ang bibig nito at binuhat tapos ay nagsimulang maglakad patungo sa silid.
Napasigaw si Chu Qiao habang nahulog sa sahig ang payong. Ang maninipis na patak ng ulan ay tumulo sa kanyang mukha, nagbibigay ng isang malamig na pakiramdam. Nagprotesta siya sa isang mababa at malambot na tinig, "Ibaba mo ako! Paano nalang kung makita ito ni Meixiang at ng iba!"
Tumungo si Zhuge Yue at sinabi sa isang mapanupil na tono, "Tahimik."
Sumimangot si Chu Qiao at sumagot, "Ayaw ko!"
Tumawa si Zhuge Yue habang pinapanatili ang kanyang expression. Ngumiti siya ngunit hindi gumawa ng tunog, tapos ay ibinaba niya ang ulo at pwersahan itong hinalikan. Tumayo siya sa harap ng pintuan ng silid at hinalikan ang babae sa ilalim ng panggabing kalangitan, sa labas, hanggang sa hingalin si Chu Qiao at nakaramdam ng panghihina sa buong katawan niya. Tumawa siya habang nakatingin sa babae. May kaunting kayabangan sa kanyang tinig, sinabi niya, "Mayroon akong mga paraan upang patahimikin ka."
Inunat ni Chu Qiao ang parehong kamay upang takpan ang bahagyang namamagang bibig. Galit itong tumingin sa kanya habang patuloy na tahimik na nagpoprotesta.
Tumawa muli si Zhuge Yue at dinala ito pabalik sa silid nito. Mabuti nalang, gabing-gabi na. Natutulog na ang lahat, at hindi sila nakasalubong ng sinuman pabalik nila.
Nang makarating sila sa kanyang silid, mabilis na tumalon pababa si Chu Qiao at gumamit ng isang nagtatanggol na postura habang tinititigan siya. Habang niluluwagan niya ang kanyang damit, nagsimulang mamula ang babae.
Ngumiti si Zhuge Yue at inilapit ang mukha habang ang kanyang hininga ay lumapag sa tainga nito. Bulong niya, "Masakit pa ba?"
Mas namula ang mukha ni Chu Qiao. Lagi siyang ganito. Sa kabila na kayang mag-utos sa maraming sundalo at pumatay ng maraming kaaway, wala siyang magawa kapag nahaharap sa mga bagay na ito. Kumikilos siya tulad ng isang inosenteng binibini tuwing nababanggit ang mga paksang tulad nito.
Niyakap siya ni Zhuge Yue mula sa likuran habang dumulas ang mga kamay nito sa kanyang tiyan. Nabigla si Chu Qiao tapos ay pinigilan ang kamay nito, ibinalik ito sa mainit niyang tiyan.
"Oh?" Nagtanong si Zhuge Yue. "May tinatanong ako sayo. Masakit pa ba?"
Natigalgal muli si Chu Qiao tapos ay umiling-iling na parang takot na kuneho.
Napatawa si Zhuge Yue habang isang masamang tingin ang kumislap sa mukha niya. Sumandal siya sa may tainga ng babae at bumulong, "Hindi na talaga ito masakit?"
Tumango siyang muli.
"Kung ganoon ay magpatuloy na tayo."
"Ah?" Bulalas ni Chu Qiao na ang kanyang bibig ay nakanganga.
Napatawa si Zhuge Yue habang dala siya at inilagay sa kama. Hindi alam ni Chu Qiao kung ano ang nangyari sa kanya. Anong nangyari sa martial arts niya? Sa kanyang liksi? Bakit sa tuwing papalapit ang lalaki, nakakaramdam siya ng panghihina sa buong katawan niya? Patuloy siyang nagmasid, tulala, habang ang mukha ng lalaki ay lumalaki sa harap niya. Ang matangos nitong ilong, manipis na labi, masamang mata, makinis na balat, ang ngiti nito... lahat ng mga tampok na ito ay kaakit-akit.
Nanatili siyang hindi gumagalaw habang pinapayagan itong pangibabawan ang kanyang labi. Nagsimula siyang makaramdam ng kilabot na parang mga kuryente. Ang kanyang mga ngipin ay nabuksan habang ang dila nito ay pinasok ang sa puwang sa loob. Ang kanilang halik ay naging mula banayad hanggang sa matindi sa isang maikling panahon. Mula sa kanyang paunang tila panaginip na estado, sinubukan niyang tanggapin ang kilos ng lalaki sa pagtugon. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang bahagya habang ang kanyang paghinga ay naging hindi regular at mas mabilis. Sa huli ay sumuko siya sa pang-aakit ng kabilang partido habang nakasandal siya sa yakap nito. Ang kanyang mga damit ay hindi napansing natanggal, iniwan lamang ang kanyang mga damit panloob, inilalantad ang kanyang mahahabang mga binti at makinis na braso.
Tumawa ang lalaki at binalot siya ng kumot, tapos ay hinalikan ang kanyang mukha. Inunat nito ang kamay niya at niyakap siya, sinasabi sa paos na tinig, "Sige, matulog ka na."
Natigilan si Chu Qiao. Nagtanong siya sa isang natigalgal na paraan, "Matulog?"
"Ano problema?" Inilagay ni Zhuge Yue ang kamay sa kanyang ulo at lumingon upang tingnan ang babae habang namumula ito. "Ayaw mo bang matulog?"
"Oo!" Saad ni Chu Qiao sa isang labis na tono, humikab pa upang sabihin ang kanyang hindi matiis na pagod.
Humiga si Zhuge Yue sa higaan habang hagkan ang babae. Wala na siyang balak na ituloy pa. Matapos ang lahat, ito ang unang beses ni Chu Qiao. Kailangan niya pa ng oras bago niya ito magawa muli. Gayunpaman, halos hindi niya mapigilan ang kanyang sarili. Pinilit niya ang sarili na pumikit at sinabing, "Matulog ka na kung ganoon."
Gayunpaman, hindi mapakali ang babae sa kanyang yakap. Isang sandali, inilipat nito ang kanyang mga braso. Sa susunod na sandali, binago nito ang kanyang postura.
Napasimangot si Zhuge Yue tapos ay nagsimula siyang kumulo sa galit. Sinubukan niyang kontrolin ito ngunit hindi niya nagawa. "Anong ginagawa mo?" tanong niya.
"Hindi ka ba babalik sa silid mo?" Nakakaawang tumingin sa kanya si Chu Qiao na namumula. "Paano kung makita ni Meixiang at ng iba ito bukas? Ilang taon pa lang sila Pingan at Jingjing. Sila ay mga bata pa."
Napasimangot si Zhuge Yue at sumagot, "Ilang taon na sila? Bata pa ba sila? Huwag mong kalimutan, noong ikaw ay nasa edad nila, muntik mo na akong gahasain sa syudad ng Wupeng."
"Talaga?" Sinubukan ni Chu Qiao na ipagtanggol ang kanyang reputasyon habang gumaganti ng sagot, "Mali ang akusasyon mo sa akin!"
"Hindi?" Nanuya si Zhuge Yue at nagpatuloy, "Nagbalat-kayo ka bilang isang masamang babae na iniregalo sa akin ni Lord Tian at sinubukan akong akitin. Sabihin mo, hindi ba't pagtatangka iyong pagsamantalahan ako?"
"Zhuge Yue, ikaw..."
"Maaari kang magsalita nang malakas. Malalaman ng lahat tungkol dito. Hindi na kailangang maghintay ng bukas ng umaga."
Hininaan ni Chu Qiao ang kanyang boses at mabagsik siyang tinignan. Habang nakatiim-bagang siya, umangil siya, "Ako... sinong nakakaalam na nandoon ka! Alam mo kung anong mangyayari sa buong kwento. Huwag kang magpanggap."
"Hmph!" Naiinip na umirap si Zhuge Yue sa kanya, tila inaasahan ang kanyang reaksyon.
Si Chu Qiao, nang makita na nanatili siyang tahimik, ay hiningal sandali bago siya itinulak at nagpagalit, "Hoy! Bumalik ka sa sarili mong silid. Hindi ako makatulog kapag maliit ang higaan."
Maliit ang higaan? Maaaring magkasya ito sa apat na tao at mayroon pa ring puwang! Nagpanggap si Zhuge Yue na hindi niya naririnig ang sinabi ng babae tapos ay pumikit at nagpatuloy matulog.
"Hoy! Bumalik ka sa sarili mong silid! Anong meron at nananatili ka dito?"
Nang nakita niya na tumangging gumalaw si Zhuge Yue, galit siyang umupo, kinuha ang kanyang damit, at naghandang umalis. Habang siya ay dumadaan sa katawan nito, hinila siya nito, dahilan upang bumagsak siya sa dibdib nito.
Ilang mga kislap ang nag-apoy sa kanyang mga mata habang malamig na tinitignan ang babae. "Nakikita ko na masigla ka pa. Ayaw mo bang matulog?"
"Hindi! Walang ganyan!"
Kahit na si Li Qingrong ay alam kung paano tumugon sa sitwasyon kanina. Si Chu Qiao, na mas makatwirang nakakapag-isip, ay alam na itinapon niya ang kanyang sarili sa isang sitwasyon na walang malalabasan.
Tulad ng inaasahan, bumalik siya sa kanyang orihinal na posisyon, ang kanyang likuran ay nakaharap kay Zhuge Yue. Nanatili siyang tahimik at tuloy-tuloy na huminga, na para bang nakatulog na talaga siya.
Ang kadiliman ay kahit saan. Tila lalong lumakas ang ulan, habang tumitilamsik ito sa sahig ng barko, gumagawa ng malulutong na tunog.
Isang kamay ang biglang humawak sa kanyang baywang mula sa likuran. Ang hininga ng lalaki ay marahang hinaplos ang kanyang tainga, dahilan upang kilabutan siya sa kanyang leeg. Niyakap siya nito tapos ay hinahalikan ang kanyang tainga habang sinasabi sa mababang tinig, "Xing'er, nais kong hawakan ka ng ganito tuwing gabi sa hinaharap. Huwag mo ako palaging itaboy."
Agad na natunaw ang kanyang puso. Mahirap isipin na ang taong katulad nito ay makikipag-usap sa kanya sa ganitong paraan. Medyo nalungkot siya tapos ay inunat niya ang kanyang kamay upang hawakan ang kamay ng lalaki. Inilapit niya ito sa kanyang labi niya at magaan itong hinalikan.
Mahaba pa ang gabi. Katulad nito, nakatulog sa yakap ng lalaki. Sa kanyang panaginip, tila nakita niya ang malinaw na kalangitan, malinaw na tubig, mga berdeng damuhan, at ang pangkat ng mga bata na nakasuot ng malinaw na puting kasuotan habang sumasayaw at kumakanta sa gitna ng kawalan. Alam niya na tanghali na siyang magigising kinabukasan.
Kalaunan ay nagising siya ng malalakas na katok sa kanyang pintuan. Natataranta siyang nagmulat at nakita si Zhuge Yue na bihis na bihis, nakatayo sa harap ng bintana, may hawak na isang maputlang mala-bughaw na damit sa kanyang kamay. Tumawa siya habang sinabi, "Ilang beses na tumawag si Meixiang. Kung hindi ka pa rin babangon, pwersahan siyang papasok dito."
Natatakot na isinuot ni Chu Qiao ang kanyang mga damit. Pumunta siya sa pintuan at nagbukas ng maliit na puwang. Inilabas niya ang kanyang ulo at sinabi sa isang hangal na paraan, "Hurhur, Meixiang. Magandang umaga."
"Binibini, tanghali na. Makakarating na tayo sa lupa sa ilang saglit lang," pagalit ni Meixiang habang nakatayo sa pintuan, inilagay ang kanyang kamay sa bewang. Dala ni Jingjing ang anak ni Li Ce habang nakatingin sa silid ni Chu Qiao na puno ng interes. Inunat ni Rong'er ang kanyang matabang kamay pinisil ang pisngi ni Jingjing habang nagsalita siya ng hindi maintindihan.
"Ah? Talaga ba?" Patuloy ni Chu Qiao, "Aiya, Pagod na pagod ako nitong mga araw. Paano ako sumobra ng tulog? Kakaiba iyon. Haha."
"Oo, kakaiba talaga," Pilyong bumungisngis si Jingjing habang nakatayo siya sa gilid.
"Binibini, ano ang tinatayo mo diyan? Kumuha ako ng isang balde ng tubig. Hindi ka ba maghihilamos?"
Kinuha ni Chu Qiao ang balde ng tubig sa sahig at malakas na sinabi, "Ako na gagawa."
Napasimangot si Meixiang at nagtanong, "Binibini, anong nangyari sayo?"
"Ayos lang ako. Sa tingin ko lang pagod na pagod ka na. Magpahinga ka na muna."