Sa huli, namatay pa rin siya sa mga kamay ng babae. Habang pinapainom niya ito ng gamot, nagkamali siyang humigop at namatay dahil sa lason.
Noon lamang niya nalaman na nais nitong mamatay. Nitong mga taon na ito, ang bawat pagkain na kinain nito ay may lason. Nauna na niyang ininom ang lunas. Gayunpaman, ang katawan nito ay sinalakay na ng hindi mabilang na uri ng mga lason. Hinintay ng babae ang sandali niya ng kawalang-ingat, para lang siya ay mamatay.
Ang emperador ng Tang ay namatay sa mga kamay ng babaeng lubos niyang minamahal. Sa kabila ng pagbabantay laban sa babae buong buhay niya, walang siyang binatbat sa pagtitiyaga at pasensya nito. Gayunpaman, hindi niya kayang patayin ito, nag-iwan ng huling kautusan na palayasin ito sa palasyo at hindi na muling babalik pa.
Alam lamang ng mga tagalabas ang tungkol sa malalim na pag-iibigan sa pagitan ng hari at ng kanyang reyna. Hindi nila alam na gusto lamang ng emperador na protektahan ang kanyang nag-iisang anak bago siya mamatay. Alas, ang lihim na ito ay nalaman pa rin ni Zhan Ziyu sa dahil sa kanyang kapatid na babae. Matapos ang bigong pagpatay ni Zhan Ziming kay Li Ce, inilabas niya ang Empress Dowager sa templo at ipinuslit sa palasyo, ginamit siya upang mapatay si Li Ce at ng sandali ng kasaganaan ng Imperyo ng Tang.
Si Empress Dowager Yao ay nagpakamatay rin matapos marinig ang pagkamatay ni Li Ce. Hindi alam ni Chu Qiao kung ano naramdaman nito noon. Ito ba ay isang pakiramdam ng kasiyahan at pagwawakas, nagawa na sa wakas ang paghihiganti niya? O ito ba ay isang pakiramdam ng kawalan ng magagawa at pagsisisi, dahil nakagawa ng malaking pagkakamali? Isa siyang may matigas na ulo at matinding babae. Dahil sa mga pangyayari na nangyari noon, pinatay niya ang dalawang lalaki na mahal siya ng lubos sa mundo. Hanggang sa huling hininga niya, tatawa pa rin ba siya dahil sa wakas ay nakakamit na ng pagwawakas?
Marahil hindi. Pagkatapos ng lahat, nang ipinaghiganti niya ang kanyang asawa at anak na lalaki, pumatay siya ng isa pang asawa at anak na lalaki. Dahil sa away, winasak niya ang buhay ng isa pang babae.
Pagkatapos ng pagkamatay ni Empress Dowager Yao, inilibing siya kasama si Emperador Xizong sa Meishan. Dati, noong buhay pa sila, patuloy nilang kinamuhian ang isa. Nag-away sila, nagplano ng masama, at sinubukan na patayin ang isa't isa, nagkabuhol sa sapot ng sama ng loob buong buhay nila. Sa huli, sila ay muling nagkasama sa malamig na mausoleong imperyal na isa't-isa lamang ang kasama sa walang hanggan, at hindi na maghihiwalay pa.
Hindi alam ni Chu Qiao kung ano ang nangyari noon, o naiintindihan kung bakit ang damdamin ng pagkapoot ay maaaring maging sanhi upang maging nakakatakot ang isang tao. Gayunpaman, naisip niya na minsan, si Empress Dowager Yao ay mayroon pa ring damdamin ng pagmamahal ng isang ina kay Li Ce. Naaalala pa rin niya ang maaraw na hapong iyon nang sinabi sa kanya ng matandang babaeng iyon habang napsimangot siya, "Siya ay nag-aaksaya ng panahon sa palasyo buong araw. Hay, ako'y... Kung libre ka, pakiusap na pigilan mo siya. Matapos ang lahat, siya ang Crown Prince ng Tang. Hindi na siya pwedeng maging mapaglaro pa. "
Sa huli, sa pagkamatay ng hari ng Luo, ang huling natitirang pag-ibig ay nawala. Nilamon siya ng mga demonyo sa kanyang puso, nagbabayad gamit ang kanyang buhay.
Ang tunog ng pagkaluskos ay nagsimulang umalingawngaw. Ang bintana ay bahagyang nabuksan ng hangin, dahilan upang umugoy ang mga kurtina, at ginising si Chu Qiao mula sa malalim niyang pag-iisip. Lumingon siya para lang makita na nagising na si Zhuge Yue at nakasandal sa gilid ng kama. Nakasuot ito ng puti at mukhang may buhay na muli, ang karaniwang malamig na ekspresyon sa kanyang mukha ay napalitan ng kapayapaan at init.
Nang nakita nito na lumingon siya, ikinaway nito kamay upang senyasan siya na lumapit sa kanya. Lumapit siya at nagsalin ng isang tasa ng tsaa para dito tapos ay nagtanong siya, "Nakatulog ka ba ng maayos?"
"Oo," sumagot ng lalaki tapos ay sumipsip ng tsaa. "Kung walang pumuslit sa silid ko upang bumuntong-hininga, malamang ay mas nakatulog ako ng maayos."
Namula si Chu Qiao habang nakatingin sa lalaki. "Nagugutom ka ba?"
Tumango ito at sinabi, "Kaunti kanina. Ayos na ako ngayon."
Tumayo si Chu Qiao at sinabi, "Natutulog ka ng isang araw at isang gabi. Syempre nagugutom ka. Sinabihan ko ang kusina na maghanda ng pagkain para sa iyo."
"Hindi na kailangan." Inunat ni Zhuge Yue ang kamay niya upang hawakan ang kanyang kamay, hinila siya na umupo sa tabi niya. "Samahan mo muna ako."
Ngumiti si Chu Qiao habang siya ay sumunod.
"Matagal ka nakatulala. Ano ang iniisip mo kanina?" Hinawakan ni Zhuge Yue ang kanyang kamay at natural na sinabi.
Umiling si Chu Qiao sumagot, "Ilang mga lumang bagay na hindi mahalaga."
Ngumiti si Zhuge Yue habang humilig sa harap ng kama at tumingin sa kanya mula sa gilid ng mata nito. "Wala akong ibang gagawin. Pakinggan natin ang iyong mga saloobin."
Namula muli si Chu Qiao at sinubukang iwasan ang paksa. "Sinabi ko sayo na hindi ito mahalaga. Walang masyadong masasabi."
"Oh?" Tumugon si Zhuge Yue sa isang labis na tono. "Wala ka ba talagang masyadong masasabi?"
Nang magsasalita na sana si Chu Qiao, biglang inilapit ni Zhuge Yue ang kanyang mukha at nagtanim ng halik kanyang mga labi. Nagsimula siyang makaramdam ng mainit na sensasyon habang ang kamay sa kanyang baywang ay humihigpit ang pagkakapit sa kanya. Ang malamig niyang labi ay nagsimulang mag-init habang ang dila ng lalaki ay pumasok sa kanyang bibig. Naningkit ang lalaki at tumingin sa kanya na may malalim na tingin sa kanyang mga mata. Bigla siyang inangat ni Zhuge Yue at inilapag sa kama habang nasa ibabaw ito. Nagulat si Chu Qiao, ngunit ang kanyang tinig ay nalunod.
"Iyan ang aral mo sa hindi pagiging masunurin."
Tumingin si Chu Qiao sa kanya at inihaplos ang kamay sa kanyang bahagyang namamagang labi. "Iyan ang paraan mo ng parusa?"
"Hindi lahat." Tumawa si Zhuge Yue habang ang kanyang tinig ay may dalang bahid ng kayabangan. Tumingin siya at nagpatuloy, "May ibang pang mas matindi. Gusto mo bang subukan?"
Siningkit ni Chu Qiao ang mga mata niya at tiningnan ang maangas na lalaki sa harap niya. Kumiling siya paharap at nang-aakit na tumingin sa lalaki. Nagulat si Zhuge Yue. Bago siya magkaroon ng oras tumugon, pwersahan niyang kinagat ang lugar sa paligid ng baba nito.
Napaigik si Zhuge Yue at ginamit ang kanyang kamay upang damahin ang lugar sa paligid ng kanyang baba. Bagamat walang dugo, isang hilera ng mga marka ng ngipin ang naiwan.
"Hm, huwag mong isiping natatakot ako sa iyo!" Kinaway ni Chu Qiao ang kanyang kamao sa pagsuway habang arogante niyang pinahayag.
Pinilantik ni Zhuge Yue ang kanyang pala-pulsuhan at sumagot, "Babae ka. Mas naging mabangis ka sa mga nakalipas na taon. Mukhang kailangan kong turuan ka ng leksyon."
Nang kikilos na siya, tumalon si Chu Qiao paalis sa kanyang hawak at tumakbo tungo sa pinto. "Isa ba kong hangal?" Tapos ay nagpatuloy siyang buksan ang pinto.
"Aiyo!" Bumagsak pabalik sa loob ng silid si Jingjing at ang iba. Habang nagmamadali silang tumayo, sila ay namula at naaasiwang kumaway sa kanilang dalawa.
Namula si Chu Qiao nang tumingin siya kay Jingjing at Pingan na nakasimangot ang mukha niya. Si Yue Qi ay nasa likod din ng mga ito. "Yue Qi, sumusunod ka sa katarantaduhan nila!" sigaw niya.
"Hurhur, iyan... napadaan lang ako. Nais kong ayain kayong dalawa na kumain, hurhur..." Tumayo si Yue Qi at sinubukang ipahayag ang kanyang kainosentihan, tumatango habang lumalakad palabas ng silid. "Tuloy lang, tuloy lang." Tumakbo siya palabas ng silid pagkatapos magsalita, nag-iwan ng mensahe bago umalis, "Master! Kaya mo yan!"
Lumapit si Jingjing na may bastos na hitsura at matamis na tumawag, "Bayaw!"
Ang pakiramdam ni Zhuge Yue ay lumiwanag. Naglabas siya ng isang maliit na patalim na may pinong pagkaka-ukit na may ilang pulang ruby na nakaukit dito, at ginantimpala ito kay Jingjing para sa kanyang mga pagsisikap.
Nang nakita ni Pingan ang nangyayari sa harap niya, sumunod din siya. Dahil walang maireregalo si Zhuge Yue sa kanya, nangako ito na bibigyan siya ng isang mahusay na kabayo sa sandaling sila ay bumalik sa Zhen Huang.
Tapos ay tatlong beses na sinabi ng dalawa, "Mabuhay bayaw!"
Nagliliyab sa galit ang mga mata ni Chu Qiao nang napagtanto niyang ang mga taktika ng pagsuhol ni Zhuge Yue ay mahusay na nasanay, na hindi katulad ng kanyang karaniwang karakter.
Ang hapunan ay inihanda sa maikling panahon. Dahil nasa labas sila, at mayroong mga batang naroroon, isang kaswal na pista ang inihanda. Ang lahat ay magkasamang nakaupo sa lamesa. Medyo may pasubali si Yue Qi at ang iba pa, habang sina Jingjing, Pingan, at Meixiang ay buhay na buhay. Si He Xiao, na nakilala na si Yue Qi at ang iba sa nakaraang mga araw, ay buhay na buhay din. Masaya ang kapaligiran.
Papalubog ang araw habang tinatapos nila ang kanilang hapunan. Ipinaliwanag ni Yue Qi na sila ay nasa Cang Ridge, at makakarating sila sa probinsyang Hu sa loob ng dalawang araw. Napagtanto ni Chu Qiao na malapit na sila sa Zhen Huang. Ang mga hangin ng gabi ay malakas. Umupo si Chu Qiao sa buntot ng barko habang pinapanood niya ang paglubog ng araw na mantsahan ng pula ang ilog.
Lumipas ang oras sa isang iglap. Ginugol niya ang 14 na taon dito. Ang kanyang nakaraang buhay ay dumaan sa harap niya na parang isang panaginip. Naisip niya ang katotohanan na isilang siyang muli sa buhay na ito pagkatapos niyang mamatay sa isa. Ipagpapatuloy ba ni Li Ce ang kanyang buhay sa ibang mundo? Paano si Ginoong Wu at Binibining Yu? Si Huanhuan at Xiaohe? Magkikita pa rin kaya sila at matandaan ang isa't-isa kahit pagkatapos nilang mamatay?
Umupo siya roon habang malalim na napapaisip. Tumingala siya sa araw, tila nakikita si Li Ce na nakatingin sa kanya na may nakasingkit na mata at sinasabing, "Kumain ka ng mas maraming karne. Hindi kanais-nais ang iyong pigura."
"Anong iniisip mo?" Biglang narinig ang tinig ni Zhuge Yue sa likod niya.
Tumalikod si Chu Qiao at tumingin sa lalaki. Nakasuot ito ng lila, na may ilang salita at disenyo sa kanyang damit. Ang tila karaniwang damit ay iba tignan sa kanya, nagpapakita ng isang natatanging awra na tanging siya lang ang makakagawa. Tumingin si Chu Qiao sa kanya na ang mga mata ay nanlalaki.
Napasimangot si Zhuge Yue at naiilang na sinabi, "Ano tinitingin mo? Para kang tanga." Nang natapos niya ang sasabihin, umupo siya sa tabi nito.
Nang ang mga alon na nabuo sa paligid ng barko, ang mga ibon ay lumilipad sa pulang kalangitan. Umihip ang hangin sa kanilang manggas, dahilan upang pumagaspas ito sa hangin tulad ng mga paru-paro.
"Xing'er, bakit mo binago ang iyong pangalan sa Chu Qiao?" Tanong ni Zhuge Yue.
Lumingon si Chu Qiao at sumagot, "Dahil hindi ako si Jing Yue'er. Ang orihinal kong pangalan ay Chu Qiao. Namatay ako dati. Pagkatapos noon… paano ko ba sasabihin... tulad ng sinasabi niyo, pinalitan ng kaluluwa ko ang pwesto sa katawan ni Jing Yue'er. Pagkatapos ko makatakas, binalik ko ang aking pangalan."
Hindi inaasahan ni Zhuge Yue na sasagot ito sa ganitong paraan kaya siya ay nagulat. Matapos ang mahabang sandali, inusal niya, "Paano ang unang beses na kita kita noon?"
"Ilang araw ko pa lang siya nasasaniban. Patakas na dapat ako."
Tumango si Zhuge Yue at tumungo, tila ginagawa ang lahat upang isipin ang tungkol sa kredibilidad ng mga sinabi niya.
"Hoy, huwag mo sabihin na pinaniwalaan mo talaga ito?" Nagulat si Chu Qiao habang iniisip na ang mga sinabi niya ay katawa-tawa. Naalala niya na sinabi niya kay Yan Xun ito ng isang beses noong sila ay bata pa. Naisip nito na ang kanyang utak ay nasira dahil sa lagnat. Pagkatapos, pinainom siya nito ng isang mangkok ng gamot. Mula noon, hindi na niya nabanggit pa itong muli.
"Naniniwala ako sa iyo."
"Ah?"
Tumingin si Zhuge Yue sa kanya na may kakaibang ekspresyon sa kanyang mukha habang siya ay napasimangot. "Bakit hindi? Siniyasat ko ang pinagmulan mo dati. Sinabi ng mga tagasilbi na ang karakter mo ay nagbago matapos mong bumalik mula sa sesyon ng pangangaso ng tao. Akala ko ay nagulat ka lang noon. Ngayon na naiisip ko ito, mas may katuturan ang paliwanag mo." Tumango si Zhuge Yue at tinanggap ang paliwanag niya tapos ay nagpatuloy, "Hindi nakapagtataka. Wala ako ng talas ng pag-iisip at kalupitan mo noong ako ay pito o walong taong gulang. Iyon ay dahil hindi ka pito o walong taon gulang. Huwag mong sabihin na 70 o 80 ka noong namatay ka?"
Hindi na maunawaan ni Chu Qiao ang lohika nito habang hindi makapaniwalang pinahayag niya, "Ako...ako ay 27."
"27?" Napasimangot si Zhuge Yue at hindi nasisiyahang sinabi, "Medyo matanda na iyan. Kasal ka ba? Mayroon ka bang mga anak?"