Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 242 - Chapter 242

Chapter 242 - Chapter 242

"Hindi masyado," matapat na sumagot si Chu Qiao, "ang 27 ay hindi maituturing na matanda sa aking panahon. Sa aking kultura, ang mga tao ay huli nang nagpapakasal."

"Saan ang iyong bayan? Sa Imperyo ng Tang? Sa Imperyo ng Xia? Dahil mayroon kang malakas na damdamin para sa Yan Bei, maaari bang ipinanganak ka sa Yan Bei?" Habang sinasabi niya ito, ang mukha ni Zhuge Yue ay biglang nagbago habang balisa siyang nagtatanong, "Maaari bang ikaw ang ina ni Yan Xun? Kung ikokonsidera ang tiyempo, mas matanda siya dapat."

Hindi alam ni Chu Qiao ano ang irereaksyon niya. Ipinaliwanag niya, "Ako ay mula sa ibang mundo, at hindi sa parehong space-time continuum katulad mo. Ang mundo ko ay nasa isang parallel na mundo. Hindi lamang tayo pinaghihiwalay ng space, pinaghihiwalay din tayo ng oras. Imposible para sa atin na pumunta doon. Naiintindihan mo ba?" ginawa niya ang lahat upang magpaliwanag kay Zhuge Yue, at umaasa na maipapabatid niya ang kahulugan sa kanya sa paraang mauunawaan nito. Habang sinusubukan niyang ipabatid, nais niyang magbigay ng mahusay na pagkakahalintulad, ngunit hindi siya makapag-isip ng maganda.

Ngunit minaliit niya ang kakayahan ni Zhuge Yue na makaunawa. Bahagyang sumimangot ang lalaki at nagtanong, "Tulad ito ng puno ng mansanas; ako ang mga dahon sa tagsibol, at ikaw ang mga dahon sa taglagas?"

Natigalgal si Chu Qiao. Hindi niya naisip na makakaisip ito ng bagay na pagtutulad, at mabilis na sumang-ayon, "Kalahating tama ka. Hindi lamang oras, mayroon ding space. Naiintindihan mo ba? Iyon ay..."

"Oh." Tumango si Zhuge Yue at kaswal na sinabi, "Ako ang dahon ng mansanas sa tagsibol, at ikaw ay dalandan sa taglagas?"

Lubos na natigalgal si Chu Qiao, matagal siyang hindi nakapagsalita, at sa wakas ay tumango, "Tama."

At pagkatapos ay tumalikod si Zhuge Yue at patuloy na tumingin sa mga alon sa ilog. Ang papalubog na araw ay suminag sa kanyang mukha, pinaliliguan siya sa isang gintong liwanag. Hindi maiwasan ni Chu Qiao na humanga. Nang makita kung gaano siya kakalmado matapos marinig ang kwentong ito, siya ay lubos na napahanga sa katatagan ng isip nito at karunungan, nananatiling matatag. Hindi siya mukhang interesado at hindi nagtanong tulad ng "Ano ang hitsura ng mga tao sa iyong mundo?" o "Ilang mga mata ang mayroon sa mga tao sa inyo?" o "Ang mga tao ba sa iyong mundo ay mukhang mga hayop at tumutubo ang buhok sa kanilang katawan?" na para bang ang mga tao sa mundong ito lang ang karapat-dapat sa pagiging maganda, magkaroon ng perpektong mukha, habang ang iba pang mundo ay binubuo ng mga hayop. Tunay na kakalmahan ito; hindi natitinag kahit na nahaharap sa isang sakuna…

"Ano ang hitsura ng mga tao sa iyong mundo?"

"..."

"Ilang mga mata ang mayroon sa mga tao sa inyo?"

Matapos ang katahimikan, ang isang natatanging lalaki na naisip na puspos ng karunungan ay tila napakainteresado habang siya ay nagtatanong, "Maaari ba na kayong mga tao ay tulad ng mga hayop at nababalot ng balahibo? Nakakita ako ng ilang tao sa hangganan sa Timog na ganoon, maaari bang malayong kamag-anak mo sila?"

Huminga ng malalim si Chu Qiao at nagsimulang turuan si Zhuge Yue tungkol sa kaalaman sa kanyang mundo.

Ang araw ay lumubog na. Isang bilog na buwan ang umakyat sa tuktok ng bundok, sinasabuyan ang mundo ng mga alon ng pilak. Sa banayad na simoy ng lawa, biglang nadama ni Chu Qiao na magsulatng ilang mga tula. Humugot siya ng malalim na paghinga at sinabi, "Habang sumisikat ang buwan mula sa dagat, magkabahagi tayo sa sandaling ito kahit ano man ang distansya sa pagitan natin."

Malamig na sumagot si Zhuge Yue, "Tayo ay wala sa dagat, ito ay isang ilog."

Sumimangot si Chu Qiao. "Kung gayon, habang ang buwan ay nakabitin sa ilog."

Napasimangot si Zhuge Yue at nagtanong, "Hulaan ko, hindi sayo yan. Ginamit mo lang ang mula sa iyong mundo, tama?"

Ganap na hindi makapagsalita si Chu Qiao at lubos na napahiya. Katulad ng inaasahan, hindi niya dapat na ito sinimulan…

"Xing'er." Natahimik ang dalawa, biglang tinawag ni Zhuge Yue ang kanyang mga pangalan, at nang sasagot na siya, narinig niyang sinabi nito, "Wala akong pakialam kung sino ka dati."

Sa una ay hindi naintindihan ni Chu Qiao kung ano ang ibig sabihin nito, at nang tumigil ng isang sandali upang mag-isip. Habang napangiti siya, tumango siya, "Alam ko, ako lagi ang Xing'er mo."

Umiling si Zhuge Yue habang tumutungo at tumingin sa kanya na may mga mata ng pagsinta. Matapos iyon, agad na nagsisi si Chu Qiao, habang isang bahid ng pamumula anglumitaw sa kanyang mukha. Nang tutungo na siya dahil sa kahihiyan, inunat ni Zhuge Yue ang dalawang daliri at maliksing inangat ang kanyang baba habang nakangiti, at sinabi, "Sabihin mo ulit iyon."

Sinubukan ni Chu Qiao na iwasan ang mga mata nito, at lubos na nahihiya habang sinusubukan niyang iwasan ang paksa. "Anong sinabi ko?"

"Ang pangungusap na kakasabi mo lang," matatag na utos ni Zhuge Yue, dalawang apoy na naglalagablab sa kanyang mga mata. Hindi siya lubha na mapusok, ngunit ang kanyang tingin ay mainit-init.

"Ako ay sa iyo at ikaw ay akin." Tinipon ni Chu Qiao ang tapang niya, at matatag na sinaad, "Sa buong buhay ko, mayroon lamang dalawang bagay na hindi ko maaring itaya kahit na anong mangyayari. Ang isa ay ang aking pananampalataya at paniniwala, ang pangalawa ay ang aking katawan at pagpapakasal. Kung gusto mo ang buong ako, kailangan mo ring ibigay sa akin ang buong sarili mo. "

Nagtaas ng kilay si Zhuge Yue, at tumingin sa kanya na may isang kakaibang tingin habang kaswal na nagtanong, "Lahat?"

"Tumigil ka." Bahagya siyang tinulak ni Chu Qiao at tumingin palayo. "Hindi ako seryoso."

"Xing'er." Biglang inunat ni Zhuge Yue ang kanyang mga bisig at ikinulong siya sa isang mahigpit na yakap habang ang init nito ay pinalibutan siya.

"Masaya ako." Tahimik niyang sinabi, "Talagang masaya ako."

Sumandal si Chu Qiao yakap nito, at nakaramdam ng kapayapaan na hindi niya naramdaman sa maraming taon. Lumingon, niyakap niya ito at tahimik na sumagot, "Hindi na tayo dapat mahiwalay ulit."

Nagtanong si Zhuge Yue, "Hindi ka ba natatakot na sumunod sa akin sa Zhen Huang?"

"Mas natatakot ako na tayo ay magkakahiwalay. Sa bawat oras na tayo ay nagkakahiwalay, maraming bagay ang nangyari. Nababahala ako na hindi na kita makikita muli, tulad ng oras na ito."

Nang araw na iyon, ang sitwasyon sa buong Imperyo ng Tang ay lubhang napakagulo. ipinagsapalaran niya ang lahat sa laban na iyon, at kung hindi siya naging maingat kahit kaunti, babagsak siya sa mga kamay ng kaaway. Sa panahon na halos nakuha ni Zhan Ziyu ang ganap na kontrol sa imperyo, maraming mga pagpatay na nagresulta sa isang magulong pampulitikang sitwasyon. Pagkatapos siyang mahirang bilang Empress, hindi mabilang na mga mamamatay-tao ang nagtangka na pumasok sa palasyo. Hindi lamang iyon, kinailangan niyang gawin ang huling labanan na iyon na kasangkot ang libu-libong mga sundalo. Bagamat wala siyang masyadong naramdaman sa buong insidente noon nang tutok na tutok siya doon, biglang siyang natakot sa panganib na ginawa niya.

Niyakap siya ni Zhuge Yue, at may malalim na tinig na pinangako sa kanya, "Hindi mo kailangang mag-alala tungkol dito sa hinaharap." Naliligo sa liwanag ng buwan, ang dalawa ay tahimik na nakaupo nang mahabang oras.

Matapos makabalik sa kanyang silid, umupo si Zhuge Yue sa higaan. Nakasimangot, pumasok siya sa isang malalim na pagmumuni-muni. Iniisip niya ang isang magandang oras na maaari na nilang ganap na ibigay ang kanilang sarili sa isa't isa. Oo, maganda ang ideya na iyan. Sino ang nakakaalam kung ano ang maaaring mangyari kung ang mga bagay ay papatagalin pa. Kailangan tiyakin ng isang tao na ang mga bagay ay perpekto at kumpleto, at oras na upang sabihin ang kanyang damdamin—ng lubos…

Sa kalagitnaan ng gabi, bigla siyang tumayo. Pakiramdam niya ay magandang oras ngayon. Si Zhuge Yue ay palaging isang metikolosong tao. Sa sandaling magpasya siya sa isang bagay, matiyaga at matatag niyang isasakatuparan ang plano niya isang hakbang sa isang beses. Kahit anong mangyari, hindi na magbabago ang kanyang isipan. Doon, sa mga oras na sumunod, naligo siya. Matapos magbihis, tumingin siya sa salamin. Habang nakatingin sa salamin, may paghanga siyang tumingin sa kamangha-mangha at katuwiran ng tao na nasa repleksyon. Pagkatapos magbabad sa pansariling kasiyahan, nakadama siya ng kaunting kaba, at doon, umupo siya at nagsimulang uminom ng tsaa. Ang tsaa ay malamig na, habang hawak ang puting tasa na porselana sa kanyang mahabang daliri.

Nakasandal sa upuan, maingat niyang inisip ang mga salitang sasabihin niya, at anong mga aksyon ang kanyang gagawin. Inisip niya ng paulit-ulit ang bawat salita, at inisip ang lahat ng uri ng mg posibleng tugon na maaaring lumabas. Patuloy niyang iniisip kung paano niya dapat dahan-dahang likhain ang mood, habang pinapanatili ang kontrol ng pag-uusap na tila lahat ng bagay ay natural.

Tama. Maayos ang lahat.

Matapos ibaba ang tasa, tumayo siya at pumunta sa pintuan. Ngunit, sa sandaling itutulak na niya ang pinto pabukas, ang pinto ay binuksan ng isang tao.

Doon ay nakatayo si Chu Qiao sa kanyang puting damit. Ang kahel na ilaw mula sa apoy ay iniilawan ang kanyang payat na mukha ng isang mainit na liwanag. May hawak siyang mangkok, na may mainit na usok na nagmumula sa mangkok. Tumingin sa kanya, inobserbahan siya ng malinaw nitong mata at nakadama na medyo kakaiba tapos ay tinanong siya, "Gabi na, saan mo balak pumunta habang nakabihis ng ganito?"

Anong klaseng sitwasyon ito? Medyo nagulat si Zhuge Yue. Tila ganap itong lampas sa kanyang mga inaasahan. Muli, ang utak ni Zhuge Yue ay hindi tamad. Mabilis siyang seryosong tumugon, "Natulog ako ng mahaba sa araw, at ngayon ay nais kong lumabas para sa maglakad."

"Mas papalapit tayo sa hilaga, mas malamig. Ang nipis ng suot mo, mas mahusay na hindi ka masyadong maglalalakad sa labas," seryosong sumagot sa kanya si Chu Qiao nang pumasok ito sa silid at inilagay ang mangkok sa lamesa habang kumaway sa kanya na lumapit siya. "Nakita ko na hindi ka kumain ng madami kanina. Halika, kumain ka ng lugaw na ito."

Lumapit si Zhuge Yue, at nakita na ito ay isang mangkok ng normal na lugaw. Tumingin siya at sinabi, "Nagbabalak ka na pahangain ako sa bagay na ganito?"

Tumitig si Chu Qiao sa kanya. "Ang pagkakaroon ng makakain ay sapat na mabuti. Huwag kang maging mapili." Matapos iyon sabihin, lumakad ito papalapit at tinapik-tapik ang kanyang ulo na para siyang tuta, at may isang seryosong mukha, sinabi nito, "Pagkatapos kumain ay huwag ka na lumabas, at matulog nang maaga." Pagkatapos sabihin iyon, tumalikod ito at naglakad palayo.

Natigalgal si Zhuge Yue. Anong nangyari? Nagulo ang kanyang plano, ngunit lumapit sa kanya ang kanyang target, gayumpaman ay hahayaan niya itong umalis nang walang anumang aksyon? Anong lugaw? Tumayo siya at lumabas sa pinto.

Dahil ang paglalakbay na ito ay isang lihim, ang barko ay maliit. Bilang resulta, ang mga pasilyo ay makitid at maaari lamang pahintulutan ang isang tao na makalakad sa isang pagkakataon. Habang ang mga sulo ay sumisinag sa kanyang matangkad na pigura, ang kanyang puting damit ay tila napakapuro at hindi pangkaraniwang sa ilalim ng mahinang liwanag. Napakabagal niyang naglakad, habang ang barko ay sumasayaw sa mga alon. Ipinaalala nito sa kanya kung paano siya tumayo sa pier sa tabi ng ilog sa ulan ng tagsibol, pinapanood ang barko na maglayag palayo. Tila ba ang buong langit ay nagdilim, na tanging ang maliit na ember ang nagliliyab sa tabi niya, hindi kailanman napapatay habang nakuha nito ang buong pansin niya, mula ng siya ay bata pa hanggang sa ngayon.

Ang tunog ng pagkanta ay maririnig habang ang kanyang mga hakbang ay huminto sa pinto ng babae. Ang pinto ay hindi mahigpit na naisara, at ang mainit na liwanag ay makikita. Nakatayo sa may pintuan, naririnig niya ang tunog ng isang babae na kumakanta at ang tinig ng isang sanggol na gumagawa ng ilang anyo ng ingay. Sa dalawang kahel na ilaw na iniilawan ang buong eksena, makikita na ang puting damit ni Chu Qiao ay nakalapag ngayon sa sahighabang inirolyo niya ang kanyang mga manggas at naningkayad sa tabi ng isang kahoy na timba habang pinaliliguan niya ang batang anak na lalaki ni Li Ce.

Si Rong'er ay talagang matabang bata, at kahit na masyado pa siyang bata, ang kanyang mga mata ay tila katulad ng kanyang ama. Sa kanyang mga mata ay bahagyang pataas, ang kanyang mata na tulad ng fox ay halos hindi na makikita kapag siya ay tumatawa. Sa sandaling ito, nakaupo siya sa kahoy na balde habang naglaro siya ng ilang mga kampanilya sa kanyang mga kamay, na lumilikha ng malutong na tunog. Tinitilamsik ng sanggol ang tubig alinsunod sa ritmo, tungo kay Chu Qiao. Sa bawat oras na sinubukan ni Chu Qiao na iwasan ang tubig, masaya siyang tatawa.

"Rong'er, maging mabait ka. Maging masunurin ka." Sinubukan ni Chu Qiao na makipag-usap sa bata, ngunit ganap na binalewala siya ng bata at nagsimulang gumalaw-galaw sa paliguan. Higit kalahati ng tubig ang tumilamsik tulad ng isang tsunami.

"Huwag maging makulit. Kahit na ang iyong ama ay hindi nakakainis." Ang itaas na bahagi ng katawan ni Chu Qiao ay ganap na basang-basa. Itinaas ni Rong'er ang kanyang ulo habang patuloy siyang gumawa ng ingay. Ang mataba niyang mga kamay ay humawak sa damit ni Chu Qiao at nagpumiglas na makalabas sa paliguan. Ang kanyang pagkilos ay malinaw na nagpakita ng disgusto niya sa paliligo.

Related Books

Popular novel hashtag