Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 236 - Chapter 236

Chapter 236 - Chapter 236

Ang mga araw ay mas lumamig habang ang panahon ay nagpatuloy sa kailaliman ng taglagas, at kahit ang dumadaan na hangin ay nababakasan ng halimuyak ng chrysanthemum. Ang mga lotus sa maliit na lawang Tai Qing ay matagal nang nalanta, habang ang mga lantang dahon ng sycamore ay bumaha sa buong maliit na lawa. Ang buong bulwagan ay mukhang tahimik, tulad ng hindi naiistorbong lawa, habang ang boses ni Sun Di ay umalingawngaw sa nakakabinging katahimikan, at tulad ng amoy ng insenso, nanatili ang boses niya sa tabi ng tainga ng lahat.

"Si Prinsesa Yunkang, Unang Ranggong Lady Huayang, ang Lady ng Runan, ang Lady ng Duanqing, ang Lady ng Jingan, ay nagpahiwatig lahat ng pagpayag nilang alagaan ang Emperador. Idagdag pa, ang Hari ng Runan, ang Hari ng Jingan, si Master An, si Master Yun, ay nagpahiwatig lahat ng kanilang katapatan. Nahahati ngayon sa dalawa ang korte, sa mga heneral na karamihan ay suportado sa Hari ng Jingan, kung saan ang karamihan sa mga administratibong opisyales ay pabor sa ideya na ang tatlong mga binibini ay magkasamang aalagaan ang emperador, at ganoon din na ang tatlong hari ay magkasamang pangangasiwaan ang pamumuno."

Nang umihip ang hangin, ang mga halaman sa labas ng bintana ay umuugoy. Nakaupo sa malambot na banig, nakasuot si Chu Qiao ng puting roba para sa panloob. Nakatuon ang isang kamay sa bintana, inangat niya ang kanyang baba tapos ay tumingin sa panggabing kalangitan na nadedekurasyunan ng mga sycamore. Ang malaking manggas ay nakalaylay, inilalantad ang bahagi ng kanyang kasing puti ng nyebeng braso. Sa madilim niyang mata, hindi masasabi kung ano ang kanyang iniisip.

"Ang kabalyerong heneral Xie Xu ay pinangunahan ang 70,000 ng Southern Army at nakasapit na sa Sunset Mountains. Malapit na silang makarating sa kabisera. Ang Xie Xu na ito ay alipin ng Hari ng Jingan, at sa kanyang pagdadala ng mga sundalo niya, dapat bantayan ang taong ito. Inutusan ko si Heneral Xu Su na bantayan ang Hanshui, at kahit kilalanin ni Xie Xu ang bagong Emperador, mag-isa niyang tatawirin ang ilog Hanshui na hindi kasama ang lahat ng mga sundalo niya."

"Xie Xu?" nakasandal sa bintana, hindi man lang lumingon si Chu Qiao habang pirmi siyang nagpatuloy, "Noong rebelyon ng Hari ng Luo, wala tayong narinig mula sa kanya. Bigla siyang naging makabayan?"

Hindi natinag ang boses ni Sun Di habang matatag siyang sumagot, "Kung wala tayong matuwid na dahilan, hindi sila lubusang magiging tapat, lohikal lamang ang ganoon."

Lumingon na sa wakas ang mata ni Chu Qiao habang nakatingin siya kay Sun Di mula sa gilid ng mga mata niya. Nahulaan na niya kung anong gusto nitong sabihin, gayumpaman ay hindi siya nagbigay ng tiyak na sagot, at tumalikod lamang at inobserbahan ang alon sa labas. Sa mahabang sandali, hindi siya nagsalita.

"Idagdag pa, ang anak na lalaki ni Elder Liu, si Liu Yuanzong, ay nakipag-ugnayan sa akin. Sinabi niya na kapag tama na ang oras, nais niyang tawagin ang dating mga kakampi ng pamilya Liu upang tulungan ka. Ngayon, ang tanging kailangan nila ay magandang rason at pagkakataon."

Bigla, mayroong alon ng nagmamadaling mga yabag mula sa labas ng palasyo. Ang dalawa ay biglang napalingon, para lang makita ang Emperador na nakasuot ng gintong dragon na blusa na nakapaang tumatakbo, puno ng luha ang mukha. Dumamba siya sa yakap ni Chu Qiao at nagsimulang umiyak. Dalawang taga-pangalaga ang nakasunod sa likod, at nang makita si Chu Qiao at Sun Di, lumuhod sila sa lupa.

Ang bata ay maliit, at makakaabot lamang sa bewang ni Chu Qiao. Umiyak siya habang sumisigaw, "Tiya! Hinanap ako ni ina! Dumating si ina."

Binuhat ng Chu Qiao ang batang emperador at pinunasan ang luha nito gamit ang panyo, bago malumanay na nagtanong, "Nanaginip ba muli ang Emperador?"

Ngumuso ang bata, at nagpatuloy umiyak, "Ang ulo ni ina ay puno ng dugo, at dumikit ito lahat sa akin."

Inalo siya ni Chu Qiao, "Emperador, huwag kang matakot, isa lamang iyong panaginip, at hindi iyon totoo. Mahal ka ng iyong ina, kaya bakit ka niya tatakutin?"

"Tiya—" nagpatuloy si Li Xiuyi na mahipit na yakapin si Chu Qiao, tumatangging bumitiw.

Nakatingin sa Emperador, nagpakita ng awa si Sun Di. "Napakabata pa ng Emperador. Kung bumagsak siya sa kamay ng gusto siyang manipulahin, sinong nakakaalam kung gaanong sakit ang dadanasin niya."

Biglang nakaramdam ng inis si Chu Qiao sa lalaking nasa harap niya. "Masyado nang gabi, at Master, hindi maganda na magtagal ka pa. Meixiang, pakihatid siya sa labas." Utos niya.

Hindi mukhang nainis si Sun Di, at matapos sabihin ang ilang pormalidad, tumalikod siya at umalis.

Mukhang medyo naiinis si Meixiang habang nakatitig siya sa pigura ni Sun Di. Nang makitang nakaalis na ito, sinabi niya, "Binibini, huwag kang makinig sa kawalang kabuluhan ng lalaking iyon! Kapag dumating ang Fourth Young Master, dadalhin din natin ang batang Emperador."

Bago pa man makasagot si Chu Qiao, nag-angat ng tingin si Li Xiuyi at nagtanong, "Aalis ka Tiya?"

Tumungo si Chu Qiao at tumingin sa itim na mga mata ng bata, para bang nakikita niya ang anino ng isang tao sa mga mata nito. Tila ba nakikita niyang muli ang eksenang iyon, nang pinuno ng nyebe ang buong kapaligiran na may tila patalim na malamig na hanging umiihip, habang ang lalaking iyon ay hindi pinansin ang mga tanong ng pagdududa mula sa buong bansa at ipinadala ang kanyang hukbo sa Longyin Pass. Sa pamamagitan noon, niligtas siya ng lalaki. Nararamdaman niya pa rin ang nagyeyelo sa lamig nitong baluti na sinasandalan niya habang nililisan nila ang pinangyarihan, habang hinaharangan siya nito mula sa labanan at digmaan, tulad ng hindi nagkakamaling pader na hindi kailanman matutumba.

Binawi ang kanyang kamay, mahigpit niyang niyakap ang bata.

Habang patuloy na nag-aapoy ang kandila, ang mga gabi ng palasyo ay mukhang napakahaba. Kaswal na naglakad palabas si Sun Di mula sa pintuan sa gilid ng Tai'an Gate, ang maluwag niyang roba ay pumapagaspas sa hangin. Sa gilid, naningkayad si Tie You habang hinihintay na lumabas si Sun Di. Nang makitang lumabas na sa wakas si Sun Di, kalmadong lumapit si Tie You. Kalmadong tumingin si Sun Di kay Tie You na may kaunting ngiti sa kanyang labi, at kaswal na nagtanong, "Iimbitahin ba ako ni Heneral Tie You na uminom?"

"Pinatay mo ba ang ina ng Emperador?" Ang boses ni Tie You ay matatag at malalim, at ang kanyang tingin ay hindi naiistorbo habang bigla niyang tinanong.

Lubos na hindi nabahala ang kahinahunan ni Sun Di habang may kaunting ngiti sa kanyang mga labi at kumpyansang sumagot, "Anong ibig mong sabihin, Heneral Tie? Nagpakamatay si Emperatris Yuan sa paghampas ng ulo niya sa pader. Ang buong pangyayari ay nasaksihan ng marami, at kahit ikaw ay naroon. Paanong nauugnay ito sa akin?"

Malalim na ikinunot ang kanyang noo, nanatiling hindi nababahala si Tie You tapos ay nagpatuloy siya, "Nasabihan ako na noong gabi bago ang insidente, nagpadala ka ng sulat habang nasa bilangguan kay Lady Yuan. Matapos mabasa ang sulat mo, pumunta siya sa residensya ng Emperador hanggang sa mangyari ang insidente. Sinabi ng mga tagasilbing nagsisilbi sa kanya na umiyak siya ng buong gabi, at hindi man lang kinain ang mga pagkain niya. Ano ba ang sinabi mo sa kanya sa sulat?"

"Anong masasabi ko? Malamang, binalaan ko siya na mag-ingat sa magkakapatid na Zhan."

Biglang humakbang si Tie You, at nakatitig kay Sun Di na sumigaw, "Kung ganoon lang iyon kasimple, bakit mo pinatay ang dalawang eunuch na nagdala ng sulat sa kanya? At sinuyod ang buong palasyo ng Yixin kagabi?"

Nanigas na sa wakas ang mukha ni Sun Di. Tumalikod, malamig niyang dineklara, "Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo." Pagkasabi niya noon, inangat niya ang kanyang paa at umalis.

"Sun Di!" biglang sigaw ni Tie You, inalerto ang mga gwardya kahit mula sa malayo. Sa kanyang dibdib na taas-baba, mahinang nagpatuloy si Tie You, "Kung ayaw mong malaman ng ibang tao, bakit mo iyon ginawa? Mayroong libong mga matang nag-oobserba sayo. Inisip mo ba na posibleng gawin itong perpekto?"

Bumuhos ang malamig na liwanag ng buwan sa tuwid na likod ni Sun Di. Sa berde niyang damit na lumilipad-lipad, isang awra ang lumalabas mula sa binatang ito.

Marahang tumalikod, tumingin siya sa kailaliman ng kaluluwa ni Tie You habang sumasagot siya na walang laktaw, "Tie You, naalala mo ba kung gaano kababa kang pinanganak?"

Medyo nagulat si Tie You, at kasunod noon, isang pakiramdam ng kawalang-kasiyahan ang kumislap sa mga mata habang malamig niyang pinahayag, "Ipinanganak si Tie You bilang isang normal na sibilyan, at natural ay hindi maikukumpara sa marangal na kapanganakan ni Master Sun Di."

"Hindi ko ikinukumpara ang dugo ko sayo." Kaswal na isinantabi ni Sun Di ang punang iyon. Sa mapanglaw na sinag ng buwan, ang makisig niyang mukha ay tila mas tuso ng kaunti. Tuwid at hindi natitinag, pumagaspas ang damit niya sa dumaan na hangin, tapos ay nagpatuloy siya, "Nais kong sabihin, marahil ay nakalimutan mo na kung anong ginawa ng Kamahalan upang pareho tayong umangat sa kapangyarihan?"

Nagulat muli si Tie You, ngunit agad siyang lumamig ulit. "Kaya ang paraan mo ng pagbayad sa Kamahalan ay ang pagpatay sa ina ng ating batang Emperador bago mag-udyok ng rebelyon?"

"Ano pang magagawa ko? Hayaan ang ating batang Kamahalan na makoronahan kasama ang kanyang inang humahalili? Hmph, kung ganoon ang nangyari, wala pa man tatlong taon, ang buong Imperyo ng Tang ay nasa kontrol na ng Hari ng Jingan, si Zhou Yun."

Umangat ang gilid ng labi ni Sun Di habang ang kanyang mata ay kumislap sa katusuhan na mukhang bagay sa isang fox. Sa isang sandali ay mukhang hindi siya taga-rito sa mundong ito.

"Tama, nahulaan na ng Kamahalan na maaaring mangyari ang ganoong bagay at ang magkakapatid na Zhan ay maaaring subukan na umagaw ng kapangyarihan, at gumawa ng mga aksyon upang salungatin ang ganoong bagay. Natatakot ako na hindi ko masusunod ang mga utos na iyon, at kailangan kong gumawa ng gulo sa Imperyo ng Tang. Sa pagkamatay ni Zhan Ziyu sa mga kamay ni Heneral Xiuli, kahit na hindi nagpakamatay si Emperatris Yuan ng araw na iyon, sisiguraduhin ko na mamamatay siya matapos iyon. Matalino siya at tama ang pinili, tinanggalan ako ng problema. Saka lang kapag naging lubos na magulo ang buong bagay, susundin ni Master Chu ang mga plano ko, at hindi susunod kay Zhuge Yue at aalis sa Imperyo ng Tang."

Lubos na natigalgal si Tie You sa planong ito. Sa pagkakataong iyon, ang mataas na pader ng kastilyo ay mukhang sobrang nakakasupil. Habang ang mga ibon ng gabi ay lumipad lagpas sa palasyo, naglalabas sila ng mga irit na nagpapagising sa lahat. Sa kilay niyang mahigpit na nakakunot, nakanganga ang bibig ni Tie You, at saka lang matapos ang mahabang sandali siya nakasagot sa wakas, "Nababaliw ka na siguro."

"Hindi ako nababaliw." Inangat ni Sun Di ang kanyang ulo, ang kanyang pigura ay tila tuwid habang nakaturo siya sa kalangitan sa Hilaga, at may matalas na tingin, mayroong milyong mga katawan na iniwan upang mabulok sa tarangkahan ng Yanming Pass. Ang Imperyo ng Xia ay malapit nang gumuho, at ang talentado at malupit na si Yan Xun ay pinamumunuan ang Yan Bei. Ang tanging rason kung bakit hindi pa gumuguho ang Imperyo ng Xia ay dahil, bilang hari ng Qinghai, nagbukas ng panibagong harapan si Zhuge Yue. Sa sandaling umalis si Zhuge Yue, paanong kakayanin ni Zhao Che na harapin mag-isa ang mabangis na pagsalakay ng Yan Bei? Sa una palang, nagagambala ang Xia ng agawan ng kapangyarihan sa loob, at bawat kapangyarihan ay sinusubukang hablutin ang malaking kapangyarihan para sa sarili nila. Si Zhao Yang ang taong masisiyahan na manatiling nasa pamumuno ng iba. Sa sandaling masakop ang Imperyo ng Xia, wala na ang nagpapahina sa atin sa Hilaga. Doon, haharapin natin ang Yan Bei mula sa kanluran gamit ang daanan ng tubig ng timog hangganan, at ang pwersa sa lupa ng Yan Bei mula sa Hilaga. Saka, sa silangan natin, nandoon si Nalan Hongye na matagal nang kakampi ng Yan Bei. Hindi lang iyon, sa pwersa ng loob tulad ng Ang Hari ng Jingan, si Zhou Yun, na sinusubukang kamkamin ang kapangyarihan, paano makakaligtas ang Imperyo ng Tang?"

Lubos na natigalgal si Tie You. Nagpatuloy si Sun Di, "Sa labanan sa Hari ng Luo, maraming nawala sa Imperyo ng Tang. Matapos lumisan ng Kamahalan, maraming kapangyarihan sa loob ng bansa ang hinihiling na makuha ang trono. Kung mananatili ang kontinente ng West Meng sa hiwalay na estado, ligtas pa rin tayo. Gayumpaman, oras na nagawang talunin ng Yan Bei ang Imperyo ng Xia, iyon ang katapusan ng Tang. Marami tayong utang na loob sa Kamahalan, at ngayon na wala na siya, sa tingin mo ba ay uupo nalang ako at papanoorin ang buong Imperyo ng Tang na masira?"

"Kahit...kahit na, hindi mo dapat pinatay si Emperatris Yuan. Sa huli, siya ang concubine ng Kamahalan, at ang ina ng batang Emperador!" mapula ang mukha ni Tie You habang umaangal siya.

"Isa siyang walang kwentang babae." Nanghahamak na singhal ni Sun Di nang umangal siya, "Sa ngayon, ang tanging paraan upang makaligtas tayo ay masigurado na kahit papaano ay makaligtas ang Imperyo ng Xia. Kung hindi natin mapuksa ang Imperyo ng Song bago matalo ng Yan Bei ang Imperyo ng Xia, siguradong babagsak tayo sa nakamamatay na patibong." Pagkasabi niya noon, isang bakas ng simbuyo ng damdamin at kasigasigan ang makikita sa mga mata niya.

Tumalikod, malalim na tumingin si Sun Di sa mga mata ni Tie You habang sinasabi niya sa mababang boses, "Hangga't mananatili ng kahit isa pang araw si Master Chu sa imperyo ng Tang, aantalahin ni Zhuge Yue ang pagbabalik niya sa Qinghai. Hangga't hindi siya umaalis, hindi magagawang ipadala ni Yan Xun ang lahat ng pwersa niya upang atakihin ang Yanming Pass sa takot na mapasok ang Cuiwei Pass. Hangga't nananatili ang imperyo ng Xia, magkakaroon ang imperyo ng Tang ng oras na muling mabuhay, at ikokonsidera ang mga relasyon ni Master Chu kay Zhuge Yue at Yan Xun, makakakuha tayo ng suporta mula sa dalawang kapangyarihan na iyon. At sa hinaharap, kung may kung sino sa loob na nais kuhanin ang kapangyarihan, kailangan nilang ikonsidera kung paanong tutugon si Zhuge Yue at Yan Xun. Doon, mapapatatag ang kapangyarihan ng batang emperador, at kahit nais ni Haring Jingan na balikuin ang mga bagay ayon sa nais niya, kailangan niyang konsiderahin ang mga maaaring balik nito. Sa una palang, mayroon ang hukbong Xiuli ng pambihirang lakas sa pakikipaglaban at katapatan, at hindi mas mababa kaysa sa piling Wolf Army ng Kamahalan, at magiging unang pagpipilian para sa gwardya ng Emperador. Idagdag pa, si Master Chu mismo ay isang tao na may pambihirang talento sa militar at pulitika, at bilang babae, mayroon siya kaunti hanggang sa walang kagustuhan o nais sa kapangyarihan. Makakakuha tayo ng angkop na tao upang tulungan ang ating Emperador. Makakahanap ka pa ba ng gaya niya?"

Lubos na natigalgal si Tie You sa kanyang katrabaho habang nakatingin siya na parang mga estranghero sila.

Related Books

Popular novel hashtag