Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 237 - Chapter 237

Chapter 237 - Chapter 237

Tumingin si Sun Di sa kanya at mahinahong sinabi, "Kung gusto mong makita ang buong Imperyo ng Tang na mawasak hanggang ito ay maging abo, kung nais mong maging isang walang hanggang makasalanan ng Tang, maari mong sabihin sa iba kung ano ang sinabi ko sa iyo. Matapos ang lahat ay magkakampi tayo. Hindi kita sisisihin para sa kakitidan ng isip mo. Kasalanan ko kung bakit hindi maunawaan ng lahat ang aking saloobin."

"Ngunit, gusto mo ba si General Chu... Hindi ba't sinisira mo ang kanyang kaligayahan?"

Napailing at napatawa si Sun Di tapos ay tinapik niya ang balikat ni Tie You. "Kahit na naniniwala ako na si Heneral Chu ay walang ambisyon, kailangan kong pa rin na magbantay laban sa kanya. Kung pakasalan siya ni Zhuge Yue sa hinaharap, aasahan ko ba na ang asawa ng hari ng Qinghai ay pangangasiwaan ang mga isyu ng bansa?" Maliwanag na suminag ang buwan sa kalangitan habang ang lalaki ay tumalikod para umalis. Maririnig ang walang tutol na boses nito mula sa kalayuan, dala ang ilang pahiwatig ng katamlayan. "Paano ang Imperyo ay pamamahalaan ng isang babae na may mabuting kalooban? Ang bangin ay malalim, walang gustong pumunta doon. Hayaan mong maglibot ako doon mag-isa…"

Ang gasuklay na buwan ay mataas na nalasabit sa kalangitan habang ang hangin ng taglagas ay umiihip sa lupain, ikinakalat ang mga dahon ng sycamore sa lupa—isa itong malungkot na tanawin.

Malamig pa rin ang sambahayan ng Mihe. Subalit, ito ang naging pinaka maingay na bahagi ng kabuuan ng Jinwu Palace. May mga tao pa ring naglalakad. Bali-balitang kahit mga ibon ay hindi na nais huminto sa iba pang mga lugar sa Palasyo ng Jinwu. Ang palasyo ng Jinwu ay naging tahimik. Wala nang kasiyahan, piging, mga mananayaw ng Dongyu na may asul na mata, o kantahan buong gabi. Ang palasyo ay nahulog sa estado ng pagkahiwalay, kahit ang mga nightingales ay iniwan ang palasyo. Ang tunog ng sariling paghinga ay maririnig habang naglalakad sa palasyo.

Ang bawat tao ay patuloy na namuhay ng tahimik, tila sinusubukan na hindi magulat ang mga kaluluwa sa anumang malakas na paggalaw. Ang mga piraso ng puting tela ay nakabalot sa paligid ng buong palasyo, tinatakpan ang kahali-halina at magarbong itsura na mayroon ang lugar na iyon dati. Ang bawat bagay sa lugar na ito ay umiiyak para sa taong iyon, kabilang ang mga puno ng sycamore, malinaw na tubig, bawat gusali, bakuran at mga bundok na ginawa ng tao.

Kakatulog lang ng emperador sa higaan ni Chu Qiao. Nang araw na iyon, nasaksihan niya ang kanyang ina na si Empress Yuan na nagpakamatay. Mula noon, di na siya makatulog ng mahimbing. Kunot na kunot ang noo niya habang natutulog, tila takot na takot, kahit sa kanyang panaginip. Ang hari ng Rong ay nakahiga sa isa pang kuna habang mahimbing na natutulog, isang ngiti ang makikita sa gilid ng kanyang labi. Tulad siya ng kanyang ama.

Nakaupo si Chu Qiao sa harap ng bintana dahil hindi pa siya nakakaramdam ng pagod. Isang puting kandila ang nakasindi na nagbibigay ng liwanag sa madilim na lugar. Isang bahid ng pula ay makikita sa ilalim ng kandila. May hawak siyang makapal na bungkos ng sulat na hindi pa nabubuksan. Katulad nito, umupo siya doon ng mahigit apat na oras.

Ang mga salita ni Sun Di ay lumabas muli sa kanyang isip. Lumingon siya at tiningnan ang dalawang pamilyar na mukha ng mga bata, habang siya ay nasindak. "Napaka tusong tao," sabi ni Chu Qiao sa sarili tapos siya ay ngumiti. Naisip niya ang ekspresyon ng lalaki sa huling pagkakataon na sinabi niya ang mga salitang iyon. Hindi maitatangging matalino ang taong ito at mababasa ang isip ng sinuman. Gayumpaman, paanong hindi nito nabasa ang kanyang isipan? Magagalit ba sa kanya si Zhuge Yue? Ano ang nakasulat sa mga liham na iyon? Pagsasabihin ba siya? Kamumuhian siya? O papangaralan siya? Marahil, gagawin niya ang lahat ng iyon. Bigla, naalala niya ang mga salitang sinabi sa kanya nang gabing iyon. Sa ilalim ng liwanag ng buwan, habang umuugoy ang mga puno, lumingon siya, tiningnan siya gamit ang kanyang makisig na mukha at dahan-dahang binanggit, "Hindi pa natatapos ang paglalakbay. Maaaring may mga pagbabago sa daan. Natatakot ka ba?"

Noon, ang hangin ay banayad habang ang panahon ay mainit-init. Ang kanyang mga manggas ay parang mga paru-paro na lumilipad sa ere habang ito ay tinatanggay ng hangin. Inalis niya ang lahat ng damdamin niyang may pangamba, tinawanan ang lalaki, at sinabi na hindi siya natatakot. Pagkatapos, nagbigay ang lalaki ng banayad na ngiti. Isang kilos ito na bihirang nakikita sa kanya—ito ay walang halong kaasiwaan, walang kasakiman, at walang intensyon ng pakikipag-away. Isa itong taos-pusong ngiti. Sa ilalim ng liwanag ng buwan, ibinaba ng lalaki ang kanyang ulo at nagtanim ng isang halik sa gilid ng kanyang labi habang inilagay ang kamay sa kanyang likod, tinatamasa nya ang bawat amoy ng kanyang halimuyak at naninirahan sa magandang sandali na ito na pinangarap niya nang maraming taon.

Ang panahon ay isang walang hanggang balakid na humarang sa kanilang landas. Gayumpaman, napaglabanan ng kanilang relasyon ang pagsubok ng panahon habang ito ay nanatiling matibay sa nagdaang mg taon.

Inabot ng kanyang kamay ang mga liham at nilamukos ito, inilagay ang mga ito sa ibabaw ng liwanag ng kandila. Ang mga siklab ng apoy ay binalot ang mga liham hanggang sila ay maging abo. Marami pa ring mga pares ng mata sa desyertong palasyo na ito.

Nang dumating si Sun Di ng sumunod na araw, binihisan ni Chu Qiao ang kanyang sarili. Nakabihis siya ng pula at ginto, napapalamutian ng mga aksesorya ng parehong kulay. Isa siyang larawan ng kaningningan. Gulat na tumingin si Sun Di kay Chu Qiao. Pagkaraan ng ilang sandali, ngumiti siya at sinabi, "Binibini, mukhang naayos mo na ang iyong mga saloobin."

Ang babae ay nakaupo sa pangunahing upuan ng pangunahing bulwagan. Nakakasilaw ang sikat ng araw habang ito ay sumisinag sa kanyang katawan. Sa kabila ng nakabihis ng marangyang kasuotan, ang seryosong tingin sa kanyang mga mata ay hindi nawala. Matatag niyang tinignan si Sun Di, at binigkas sa isang malamig na tono, "Ayos lang. Sa palagay ko hindi kita nabigo."

Medyo nayanig si Sun Di, ngunit pinananatili ang kanyang kakalmahan tapos ay binababa ang kanyang ulo. "Salamat sa puri mo, Binibini."

Wala nang sinabi si Chu Qiao tapos ay kinaway ang kanyang kamay. "Sa palagay ko na alam mo na kung paano haharapin ang sitwasyon. Ikaw na bahalang magpasya."

"Oo, hindi ko kayo bibiguin."

Sa isang iglap, ang kanyang pagbati ay nagbago. Tumalikod siya, natagpuan na kahit isang malamig na ngiti ay mahirap ibigay.

Sandaling nag-alinlangan si Sun Di bago siya nagsiyasat, "Ang seremonya ay sa ikatlong araw."

"Ikatlong araw?" Itinaas ng Chu Qiao ang kanyang mga kilay. "Hindi ba ito masyadong minamadali?"

"Ayos lang. Mamadaliin ko ang mga departamento ng seremonyal."

"Paano ang tungkol sa imperyal na utos at opisyal na sulat ng deklarasyon?"

Ngumiti si Sun Di at natural na sumagot, "Binibini, nakalimutan mo na ba? Ang liham na ibinigay ng dating emperador na binibigyan ka ng titulo ng prinsesa ay hindi nalagyan ng pangalan. Sa ilang pagbabago, ang lahat ay maayos. Ang mga timeframe ay tama rin. Matapos ang lahat, ito ay isang sulat na sinulat mismo ng namayapang emperador. Paniniwalaan ng mga opisyal ang nilalaman nito. At saka, sa iyong kasalukuyang impluwensya, sa palagay ko ay walang sinuman ang tututol dito."

"Hmm, mayroon kang detalyadong plano matapos ng lahat," walang emosyong saad ni Chu Qiao.

Nakaramdam si Sun Di ng ginaw pataas sa kanyang likod tapos ay sinabi sa mabigat na tono, "Aalis na ako at maghahanda para dito ngayon."

"Sige," tumango si Chu Qiao na may pagod na ekspresyon sa kanyang mukha.

Nagmamadaling tumalikod si Sun Di upang umalis. Pagkalabas niya sa pinto, narinig niya ang tinig ng babae. "Huling beses na ito."

Napatigil si Sun Di sa kanyang paglalakad at napatalikod, ngunit pumasok na si Chu Qiao sa loob na palasyo. Guni-guni na ito? Mahigpit siyang napakunot ng noo. Taos-pusong tumawa si Sun Di at tumingin sa asul na kalangitan. Sa sandaling iyon, tila nakita niya ang namayapang emperador, na isang kaibigan sa kanya, tinitingnan siya nang may malaking ngisi sa mukha nito.

"Sa paggawa nito, sa palagay ko ay masisiyahan ka. Kahit na hindi mukhang ganoon, sa palagay ko ay sumasabog ang kagalakan sa loob mo," huminga ng malalim si Sun Di at tahimik na ipinikit ang mga mata.

Ayos lang kung kamuhian mo ako. Basta't mapreserba ko ang lahi ng pamilyang Li at ang Tang Empire, magiging sulit ang lahat.

Sa ika-limang araw ng ika-sampung buwan, ayon sa imperyal na utos ng namayapang emperador, ang Heneral ng Xiuli ay inihayag bilang royal imperial concubine ng Tang. Sumumpa siya sa ilalim ng selyo ng hari na kung magkakaroon siyang mga anak sa hinaharap, siya ay magiging emperatris ng Tang.

Dahil ang utos ay ginawa tatlong buwan ang nakakaraan habang buhay pa si Li Ce, si Chu Qiao ang tanging babae na binigyan ng titulo ng imperyal na concubine sa kabila ng bagong kalap lamang. Alam ng buong mundo kung anong uri ng kasal ito. Ang babaeng ito ng Xiuli ay hindi naging buntis sa anak ni Li Ce, kaya maaari lamang siyang manatili bilang isang imperyal na babae sa buong buhay niya.

Ang seremonya ng koronasyon ay mangyayari matapos ang tatlong araw. Itim na tabing ang nakabalot sa buong syudad ng Tang Jing, habang inihanda ng Departamento ng Seremonya ang unang kulay itim na roba ng hari sa libong taon nitong kasaysayan. Ang mga opisyales ng iba't ibang lugar ay nagmamadaling naghanda ng kanilang mga regalo; ang tanawin ng mga kabayong naglalakad sa mga daanan ng syudad patungo sa kabisera ay laganap.

Ang lahat ay naghihintay sa kasal matapos ang pagkamatay na mangyayari matapos ang tatlong araw. Ang atensyon ng iba't ibang imperyo ay nakatuon sa kaganapang ito habang ang mundo ay muling nagulantang ng babaeng ito. Alam ng lahat na hindi lamang siya magiging isang concubine, ngunit ang taong mamumuno sa Tang sa susunod na hindi bababa sa sampung taon. Ang babaeng ito, na ipinanganak bilang isang alipin sa Xia, ay umakyat sa tuktok ng kapangyarihan, nakilala bilang isang buhay na alamat sa kanyang mga karanasan.

Nang malaman ni Yan Xun ang balita, nasa gitna siya ng paglibang ng ilang mahahalagang bisita sa kanyang palasyo. Naglakad si Feng Zhi sa kanyang gilid at ibinulong ang ilang mga pangungusap sa kanyang tainga. Ang kanyang ekspresyon ay nagbago nang husto habang natapon niya ang kanyang baso ng alak sa kanyang itim na roba.

Ang isang may pagka-bastos na bisita ay ngumiti at nagtanong, "Kamahalan, anong problema?"

Humihingi ng tawad na ngumiti si Yan Xun, umiling, at sumagot, "Ang isang agila na kinupkop ko ng maraming taon ay nakalipad palayo. Paumanhin sa pag-istorbo ko sayo."

"Oh, isa itong ibon," buong pusong tumawa ang bisita at nagpatuloy, "Yan Bei ay isang malawak na lugar. Kung masakop ng Kamahalan ang Xia sa hinaharap, makukuha mo ang mundo, at ang lahat ay nasa iyong mga kamay. Gayumpaman, dahil gusto mo ang mga agila, magpapadala ako ng isang tao upang manghuli ng isang agila para sa iyo. Hiling ko ang pinakamahusay para sa iyong panunupil!"

Panibagong pagtawa ang umalingawngaw mula sa Palasyo ng Shuofang, maririnig sa malawak na kapatagan ng kabundukan ng Yan Bei. Ang mundo ay malaki. Ang kapalaran ay talagang tulad ng isang palaso. Oras na pinakawalan ito, hindi na makakabalik pa.

Nang gabing iyon, umakyat si Yan Xun sa bundok ng Luori at nakarating sa palasyo ng Nada, kasama ang ilang mga tauhan. Ang palasyo ay kahanga-hanga pa rin. Matagal siyang umupo doon, habang ang araw ay papalubog, kinukulayan ang tanawin ng matingkad na pula tulad ng mga bulaklak ng Huoyun sa Huolei Plains.

Habang ang alak ay dumaloy sa kanyang lalamunan, ang kanyang paningin ay naging malabo. Ang tingin ng kanyang mga mata ay hindi na matigas, habang nagsimula siyang magmukhang nawawala. Dahil walang sinuman sa tabi niya, nagkaroon siya ng panahon na mapahinga ang kanyang isip.

"Ahchu, pakasalan mo ako."

"Sige…"

"Lagi kitang itratrato ng maayos."

"Lagi akong maniniwala sa iyo."

"Ahchu, kapag ang gulo sa silangan ay natapos, magpakasal na tayo."

...

"Ahchu, ang lahat ng mga bagyo ay lumipas, ngunit magkasama pa rin tayo."

Ang lahat ay magbabago, bukod sa atin.

Hindi tayo magbabago...

Ang isang mababang pagtawa ay umalingawngaw palabas mula sa palasyo, at ginulat si Feng Zhi. Tumalikod siya at naamoy niya ang halimuyak ng alak.

Hindi umiinom ng alak ang Kamahalan dati. Mula nang umalis ang taong iyon, ang alak ay naging isang pangangailangan sa kanya.

Habang naiisip ni Feng Zhi ang taong iyon, nagsimula siyang malungkot. Sa huli, sila ay dalawang malungkot na kaluluwa na nahiwalay sa isa't-isa. Namuhay sila sa sakit, walang sinuman ang nakahanap ng kapayapaan.

Ang hangin ng Yan Bei ay nagsimulang mas lumamig habang ang taglamig ay papalapit muli.