Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 234 - Chapter 234

Chapter 234 - Chapter 234

Humakbang si Qiu Sui, at may paggalang niyang matatag na pinahayag, "Binibini, pagkatapos mong umalis, sinimulang itayo ng Kamahalan ang lugar na ito, at matapos ang dalawang taon, tapos na ito sa wakas."

Maraming tagasilbi ang lumuhod sa lupa at yumukod matapos makita ang pagdating ni Chu Qiao.

Naglakad si Chu Qiao, para lang makita na ang palasyo ay itinayo gamit ang sandalwood, at ang ilaw ay nakapaloob sa mga kristal, na may halimuyak na nagmumula sa mga dingding. Ang mga alon ng tabing ay mukhang dagat, at nakadikit sa pader ang malalaking kristal, naglalabas ng mahinang liwanag na tila ay sila ang buwan sa gabi. Mayroong ibon na maraming kulay na nakaukit sa gitnang poste, nadedekurasyunan ng gintong pulbos, kumikislap sa sinag ng kandila. Sa gilid, mayroong mga nakaguhit na bulaklak na Yulan. Siguro ay ibinabad ang nakatanghal sa mabangong langis na Yulan, dahil ang halimuyak ng bulaklak ay maaamoy sa lugar. Bigla niyang naalala ang gabing iyon nang tila batang hinablot ng lalaki ang palamuti sa ulo ng mga katulong at inilagay ito sa kanyang ulo kasama ang bulaklak.

Sa pamamagitan ng aking espesyal na kautusan, ikaw, Binibining Chu, para sa iyong kasipagan, dunong, marangal na asal, kasama ang iyong kabaitan at kabutihang-loob, ibinibigay ko sa iyo ang titulong (_____). Sana'y habang-buhay kang pagpalain.

Sa ilalim ng mga sulat na iyon, mayroong tatak ni Li Ce, at tanging ang titulo lang ang hindi napunan.

Lumapit si Sun Di at matatag na pinaalam, "Nang araw na iyon, hindi nakapagdesisyon ang Kamahalan sa titulo. Kahit matapos makipag diskusyon sa iba ng maraming beses, at kahit nagpadala ng ilang suhestyon ang Departamento ng Seremonya, hindi pa rin nasiyahan ang Kamahalan, at bilang resulta, naiwan itong blangko. Sinong nakakaalam, matapos patagalin, habang-buhay na siyang nawalan ng pagkakataon."

Tahimik na tumayo doon si Chu Qiao, at marahang suminag sa maputla niyang mukha ang liwanag. Kagat ang kanyang labi, buong lakas niyang hinawakan ang piraso ng papel na kahit ang kanyang knuckle ay namuti.

Sa loob ng silid, nandoon ang lahat ng uri ng pambihirang kayamanan para sa kasal na nakahanda para sa kanya. Makikita na matagal nang nakalagak dito ang mga bagay na iyon.

Nagsimulang uminit ang glandula ng luha niya, habang ang kanyang mga kilay ay napakunot. Ang kanyang boses ay malalim, may kaunting panginginig, kalmado niyang sinabi, "Dahil hindi ako nabigyan ng titulo, dapat nang kalimutan ang bagay na ito. Huwag na itong banggitin pang muli."

Tumango si Sun Di, "Binibini, talaga ngang mahusay ka. Gabing-gabi na rin. Magpahinga ka na, aalis na ang tauhan na ito." nang natapos niya ang kanyang sasabihin, umalis na siya.

Sumara ang maroon na pinto. Ang kalabog ay tila malayong kulog na gumugulong lagpas sa sahig ng mansyon.

Lumapit si Meixiang na may hawak na sulat habang nakasimangot, "Binibini, nagpadala muli ng sulat si Master Zhuge."

Lumambot ang ekspresyon ni Chu Qiao. Tinanggap ang sulat, ikinuyom niya ito sa kanyang kamao pero hindi binuksan upang basahin ang nilalaman nito. Ang malamig na pawis sa kanyang palad ay sumipsip sa sulat, ginawa itong bahagyang mamasa-masa.

Napasimangot si Meixiang at pinaalalahanan siya, "Miss, ito na ang ika-siyam na sulat. Kapag hindi ka sumagot, mag-aalala siya Master Zhuge."

Tahimik na nakaupo doon, hindi tumugon si Chu Qiao. Tumitig ang kanyang mata sa liwanag ng kandilang nasa may bintana, para bang malalim ang kanyang iniisip.

Ipinagpatuloy ng Yan Bei at ng imperyo ng Xia ang kanilang labanan. Sa ilalim ng Yanming Pass, mayroon nang apat na labanan. Ang harapang linya ay umunat hanggang sa timog na parte ng lupain ng Batuha.

Kasama ang pamilyang Mu sa Ling Nan, at ang young master ng Jing, si Jing Han, pinamunuan ni Zhao Yang ang buong lakas ng pwersa ng Southwest. Sinasalungat nila ang Hilagang pwersa ni Zhuge Yue at Zhao Che sa Phoenix Tower. Ang sitwasyon sa Xia ay lubos na pabago-bago, para bang masisira ang lahat kahit anong oras.

Matagal nang may sakit ang Emperador, at higit isang taon nang hindi nagpapakita sa korte. Sinabi ni Wei Guang na may sakit din siya, at umalis sa kalantaran ng pulitika. Sinong nakakaalam kung anong pinaplano ng matandang tusong fox na ito. Sa sandaling ito, ang buong eksena sa Xia ay parang lata ng pulbura. Sa oras na may magtapon ng kahit isang posporo, sasabog ito sa isang bolang apoy ng kaguluhan.

Ang puntong ito ay isang bagay na kahit siya ay naiintindihan, paanong hindi nito maiintindihan?

Hindi maiwasang magtanong ni Meixiang, "Binibini, ano nang gagawin natin ngayon?"

Lumipat sa kanya ang tingin ni Chu Qiao, may lamig sa kanyang tingin. Marahan at malamig na inilabas ni Chu Qiao ang isang salita lamang, "Maghintay."

Ang seremonya ng pagpalit ng bagong Emperador ay gaganapin sa susunod na araw.

Sa gahiganteng palasyo, isang bata ang nakaupo sa malaking tronong dragon. Sa likod ng mga tabing na nakalagay sa likod ng trono, mayroon lamang dalawang maayos na nakabihis na babae. Sila ang ina ng Emperador, si Emperatris Yuan, at Noble Consort Zhan.

Sa maespasyong palasyo, si Zhan Ziyu, bilang hari ng Shezheng, ay tahimik na nakaupo, sa kanyang pigura na nagbibigay ng tensyon. Ang itim na itim niyang kasuotan ay nabuburdahan ng anim na dragon, at ang kanyang labi ay mayroong ngiti na halos hindi makita, lubos na kumpyansa sa kanyang sarili.

Dahil hindi ipinahayag ni Li Ce ang kanyang Emperatris, at wala siyang kapatid, kasama ang katotohanan na biglaan ang pagkamatay niya at kahit ang dating Emperatris ay pumanaw na, wala nang ibang pagpipilian kung hindi ay ibigay sa pinakamatandang anak na lalaki na si Li Xiuyi ang titulong Emperador. Ang ina ng pinakamatandang anak na lalaki, si Lady Yuan, ay mula sa pinaka mababang klase at nahatulan na hindi dugong bughaw na lubos na ginawa siyang kwalipikado upang makinig sa umagang pagpupulong. Dahil doon, si Lady Ming ang naging stepmother sa batang Emperador, at pangangasiwaan ang umagang pagpupulong.

Anim na taong gulang lamang ang Emperador. Kasama ang dalawang babaeng nakikinig sa mga bagay sa bansa, naging kasing linaw ng umaga na naintindihan ng iba ang tunay na awtoridad. Walang pamilya si Emperatris Yuan, kaya ang buong kapangyarihan ay nasa kamay ng magkapatid na Zhan na nauna nang ipinatapon sa labas ng imperyo ng Tang.

Ang pagbabago sa pulitika ay napaka bilis at nagngangalit, tulad ng malalim na alon ng karagatan. Hindi makikita ang pagdating nila, gayumpaman ay maliksi at nakamamatay sila.

Ang tapat na mga tauhan ng nakaraang emperador ay walang dudang napigilan. Marami sa kanila ang ikinulong ng korte at inimbistigahan base sa suspisyon ng pagtulong sa Hari ng Luo noong rebelyon. Ang lahat ng tagasilbing nasa tabi ni Li Ce sa araw ng kanyang pagkamatay ay pinugutan ng ulo, at lahat ng babae ng harem ay pinalayas sa palasyo at pinilit na magmadre.

Gumawa ng gulo ang mga bagong pinuno, winalis ang imperyo ng Tang tulad ng isang bagyo. Ang malamig na espada ng kamatayan ay nakabitin sa ibabaw ng buong imperyo ng Tang, at ang kung sinumang mangahas na sumalungat sa bagong pamumuno ay magagantimpalaan ng kamatayan.

Sa ilalim ng malupit na pamumunong ito, maraming nagdadalawang-isip na mga opisyales ang nagpalit ng kanilang panig, at kahit matapos ang umagang pagpupulong, magkukumpol sila sa sambahayan ng Hari ng Shezheng tulad ng pangkat ng lobo.

Ang nakapagpagulat ka Chu Qiao ay sa ilalim ng ganoong sitwasyon, ang unang taong tumayo at sinalungat ito ay si Elder Liu na paulit-ulit na kumontra kay Li Ce.

Sa unang araw ng Septyembre, sa harap ng tarangkahan ng palasyong Jinwu, nagpagalit si Elder Liu na ang magkapatid na Zhan ay ang mga taong nagbalak ng lahat, at ang unang pagtatangkang pagpatay ay puno ng nakakasuspetyang punto. Si Zhan Ziyu at Zhan Ziming ay mga traydor sa dapat mamatay. Matapos sabihin iyon, inihampas niya ang kanyang sarili sa patalim ng mga gwardya habang isinisigaw ang pangalan ni Emperador Li Ce. Doon, namatay siya.

Nakaupo si Zhan Ziyu sa karwahe at hindi man lang nagpakita kahit isang beses. Saka lang siya lumabas matapos maalis ang katawan ni Elder Liu. Nagtapon siya ng ilang salapi at sinabihan ang kamag-anak ni Elder Liu na gamitin ang salapi para sa paglilibing.

Kumakain si Chu Qiao nang marinig ang bagay na iyon. Maingat na sinabi sa kanya ni Pingan ang impormasyon na ito, at kahit doon, nang marinig iyon, labis na nanginig ang kamay ni Chu Qiao na kalahati ng kanyang sabaw ay natapon mula sa kutsara. Pagkatapos noon, matagal niyang pinag-isipan ang insidenteng iyon.

Matapos kumalat ang insidente tungkol kay Elder Liu sa buong imperyo ng Tang, mayroong malaking pagbabago. Ang lahat ng klase ng iskolar ay nagtipon sa Tang Jing. Ang mga galit na mag-aaral ay sumulat ng mahabang sanaysay at kumalat iyon sa loob ng palasyo, hinihiling sa mga departamento ng tagapagpatupad ng batas na imbistigahan ng maayos ang insidente.

Dalawang araw ang makalipas, inumpisahan ni Zhan Ziyu ang malupit niyang pagsupil sa mga iskolar na iyon. Sa isang sandali ay napuno ang bilangguan ng mga taong galit na sumisigaw. Ang nangangasiwa sa bilangguan ay napasimangot habang tinatanong niya si Zhan Ziyu kung anong gagawin. Kaswal na nag-iwan ng pangungusap ang batang Hari ng Shezheng, "Hindi ba't mayroon pang lugar sa Huangwuan hill sa labas ng syudad?"

Nakaramdam ng ginaw pababa sa kanyang likod ang tagapangasiwa. Ang Huangquan hill ay isang maraming libingan, kaya natural niyang naintindihan kung anong ibig sabihin ng batang Hari ng Shezheng na ito.

Sa hapon ng parehong araw, aksidenteng nasunog ang kulungan, at ang mga bilanggo doon ay nasugatan o namatay karamihan, naging mga katawan na nasunog hanggang maging malutong. Magulong itinapon ang mga katawan na iyon sa maramihang libingan na walang kahit anong takip mula sa mga elemento, naging mga pagkain ng hayop. Tinapos ang insidente sa kulungan sa pagbigay ng dalawang gwardya ng bilangguan na lasing habang nagtatrabaho.

Ika-27 ng Septyembre, kalaliman ng taglagas, at isang itong mahangin na araw.

Ang umagang pagpupulong ng araw na ito ay medyo iba sa karaniwan, at lubos na hinawakan ng Hari ng Shezheng, si Zhan Ziyu. Si Zhan Ziming lamang ang nasa likod ng tabing na nakikinig din. Sinabi ng mga imperyal na manggagamot na nagkaroon ng lagnat ang Emperador, at inaalagaan ng kanyang ina ang Emperador, at hindi rin makakadalo.

Bago pa man magkaroon ng oras upang tumugon ang mga tao, mayroong gintong trono na inilabas mula sa likod ng pangunahing palasyo. Mayroong dragon na nakaukit sa upuan, at may siyam na buntot na wumawagayway sa karilagan, kasing rangya ito ng trono ng Emperador.

Ang mensaherong kadalasang bumabasa ng utos ng hari ay pinuri si Zhan Ziyu na walang kahihiyan, bago inabot ang utos ng hari at sinabi na ang upuan ay inutos mismo ng Emperador, at sa mahinang katawan ni Zhan Ziyu, hiling ng Emperador na umupo si Zhan Ziyu sa upuan. Hindi lang iyon, ang palasyong Lingxiao na matatagpuan sa loob ng palasyong Jinwu ay ibibigay sa Hari ng Shezheng upang bawasan ang oras ng paglalakbay araw-araw.

Tila nagdadalawang-isip si Zhan Ziyu na tanggapin ang karangalan na ito, ngunit matapos siyang pilitin ng mga tao, umupo siya sa bagong trono. Sa unang sulyap, mahirap masabi kung aling upuan ang totoong trono.

Nang gabing iyon, matapos ibaba ni Chu Qiao ang sulat na kakatapos lang niyang basahin, bumuntong-hininga siya bago sinabi kay Tie You, "Bumalik ka at bantayan ang Emperador. Malapit na ang oras."

Sa kalagitnaan ng gabi tatlong araw ang makalipas, isang malakas na kaguluhan ang sumabog sa palasyong Jinwu. Iyong malalim ang mga tulog ay bastos na ginising, habang ang mga opisyales at sibilyan ay nagmadaling lumabas ng kanilang tahanan at tumingin sa pinagmumulan ng ingay. Ang tanging nakikita nila ay sa direksyong iyon ng palasyo ng Jinwu, kahit ang kalangitan ay nakulayan ng matingkad na pula ng apoy, na may tunog ng labanan na nangyayari halos kahit saan, may pagdaing at irit na maririnig kahit saan.

Sa sandaling iyon, ang lahat ay natigalgal. Ilang duwag na lalaki ay agad dinala ang kanilang pamilya sa kanilang tahanan at mahigipt na isinara ang kanilang pinto at bintana sa takot na madamay sa salungatan. Ang tanging natitirang nanonood ay ilang mga opisyales na nakatingin sa palasyo at bumubulong, "Mukhang magbabago muli ang may hawak sa kapangyarihan."

Sa kalagitnaan ng gabi, ang tarangkahan ng palasyo ay nabuksan. Sa isang damit ng dugo, nagmadaling lumabas si Lu Yunxi kasama ang 3,000 niyang piling mga sundalo, at sinabihan si Chu Qiao na nakatayo sa harap ng Tai'an Gate, "Binibini, nasakop na namin ang palasyong Lingxiao."

Sa ilalim ng itim na kalangitan, ang madilim na maroon na kasuotan ni Chu Qiao ay tila humahalo sa gabi. Sa kanyang damit, mayroong gintong burda ng pato ng intsik, ay ang mala-jade niyang kutis ay mapapansin sa kadiliman, ang maganda niyang itsura ay kumikinang sa hamog ng gabi tulad ng parola. Sa likod niya, nandoon ang 10,000 malalakas na sundalo ng Xiuli. Lubos na kalmado, nakaupo si He Xiao sa kanyang pandigmang kabayo ay binantayan siya sa gilid. Ang puting bandila na may pulang ulap ay mataas na pumagaspas sa ibabaw ng ulo ng lahat. Ang ulap ng ulan ay unti-unting lumitaw sa uluhan ng lahat, tinatakpan ang kahit anong liwanag mula sa buwan at mga bituin. Kahit ang mainit-init na liwanag mula sa mga sulo ay suminag sa mukha ni Chu Qiao, mukha siyang walang emosyong espada, handang lumusob.

"Pasok." Narinig ang malamig niyang boses, gayumpaman, matatag ito, at tumagos sa tainga ng lahat.

Nang lumagpas ang nagngangalit na hangin, pinagaspas nito ang kasuotan ni Chu Qiao. Inangat ang matalas niyang baba, naningkit si Chu Qiao tapos ay magaan niyang tinapik ang tiyan ng kanyang kabayo gamit ang kanyang paa, sinesenyasan ang kabayong pumasok sa marilag na palasyo.

Nang bumagsak ang huling gwardya ng palasyong Xiaoling, ang impyerno sa kanlurang palasyo ay napatay na. Pinamunuan paakyat ni Du Pingan ang isang grupo ng sundalo, may kislap ng determinasyon na kumikinang sa kanyang mata. Para bang sa isang gabi na ito ay gumulang na siya bilang isang lalaki.

Sa lahat ng kanyang pwersang pinagsama, higit 10,000 sundalo ang tumayo sa likod ni Chu Qiao, sa kanilang maliwanag na sulong nililiwanagan ang buong kalangitan, kasama ang hindi mabilang na katawang nagkalat sa kahanga-hangang palasyo.

Umakyat ang kabayo ni Chu Qiao sa puting marble na hagdan. Ang banner na nagsasabing ito ang sambahayan ng Hari ng Shezheng, bagay na hindi mangangahas tignan ng karaniwang tao, ay ibinagsak sa lupa at sa pagyurak ng kabayo, mayroong malutong na tunog ng pagkawasak nito sa milyong piraso.

Isang tagasilbi na magaling sa pag-oobserba ang humakbang at malakas na bumati at sumalubong sa dakilang marshal na ito. Nang makita siya, walang reserbasyon na tumapak si Chu Qiao sa likod nito, ginamit siyang hagdan upang makababa sa kabayo tapos ay naglakad siya tungo sa palasyo.

Biglang bumukas ang pinto ng palasyo tapos ay sinalubong siya ng bugso ng malamig na hanging nahahaluan ng insenso, na nagpawagayway sa maroon niyang kapa. Ang kanyang espadang nakasabit sa bewang ay kumislap ng nakamamatay na lamig na tila tatagos ng malalim sa puso ng kanyang kaaway. Sa bakanteng bulwagan, mag-isang nakaupo si Zhan Ziyu, at tila ba bumalik silang dalawa sa mga araw kung saan ang lalaking nakasuot ng berdeng blusa ay nakaupo sa kahoy na upuang-de-gulong habang nakaharap sa tumatamang alon ng ilog. Malinaw niya pa ring natatandaan ang malinaw nitong mata at ang malalim na boses habang nagtatanong, "Sinong nandyan?"