Ang maikling taglamig sa imperyo ng Tang ibig sabihin ay nakalipas na sa isang iglap ang tatlong buwan. Ilang araw ang nakakaraan, kumalat ang balita mula sa imperyo ng Song na ang Hari ng Jinjiang, napagsuspetyahan na may problema sa kalusugan ng Emperador, ay pinangunahan ang mga opisyales niyang sumusuporta sa imperyal na manggagamot para sa isang publikong pagbabalita ng kalusugan ng Emperador. Ang kanyang mungkahi ay tinanggihan ni Nalan Hongye, halos umabot sa away. Kumalat ang mga tsismis sa imperyo ng Song na ninanais ng Prinsesa na angkinin ang trono, at ang nakaraang kamatayan ng Emperador ay kagagawan niya. Kumalat ang pagkabalisa sa mga rehiyon kasama ang balitang lihim na nag-iipon ng pwersa ang Hari ng Jinjiang, na may iba sa mga maharlika ang tumutugon na sa pagtawag niya.
Habang sinasabi ito ni Li Ce, napasimangot siya at kaswal na nagpahayag, "Kung ayos lang ang lahat, bakit hindi nila patahimikin ang mga taong ito?"
Tahimik din si Chu Qiao, habang nahulaan niya ang ilang bagay. Siguro ay hindi lang sila ang tanging nagbibigay ng buong atensyon sa imperyo ng Song. Napapaisip si Chu Qiao kung paanong ang babaeng mag-isang sinuportahan ang imperyong Nalan ng maraming taon ay gagawan ng paraan ang mga pagbabalak na ito? Hindi niya maiwasang isipin ang sulat na nakita niya sa Yan Bei maraming taon na ang nakakalipas, kung saan ang basa nito ay: 'Inalagaan ng bundok ang mga puno, ngunit pinakain ng puno ang kanilang sanga; Hinangad ng puso ko ang iyong kasiyahan, ngunit hindi mo alam.'
Sino ang habang buhay na makakapanatiling matatag? Hanggang kaya ng isa na mapanatili ang matibay na pagharap, sa huli ay darating ang araw ng pighati at kalungkutan.
Sa ika-9 na araw ng Marso, ang pangalawang anak na lalaki ni Li Ce, si Li Qiaoan, ay namatay sa tipus sa edad na tatlo. Nasa Xiang Lake si Li Ce at iniinspeksyon ang isang dam nang masabihan siya. Kahit na nagmadaling umuwi si Li Ce, nang oras na makarating siya ay namatay na ang kanyang anak.
Sa kasalukuyan, may dalawang anak na lalaki at isang babae si Li Ce, ang pinakamatanda niyang anak na lalaki ay anim na taong gulang, ang anak niyang babae ay apat na taong gulang. Ang anak na lalaking kakamatay lang ay pinanganak ni Lady Nanyun. Ang pagkamatay ng bata ay winasak siya hanggang magkasakit na naging sanhi ng kamatayan niya matapos lamang ang tatlong araw. Sobrang liit para ilibing sa kabaong, ang pangalawa niyang anak ay sinunog sa templo ng Nantian at iniwan upang mamahinga doon.
Sa nakaraan, laging hindi lasing si Li Ce at haharapin ang iba't-ibang mga pagsubok na may malinaw na isip. Subalit nang gabing iyon, nakita siya ni Chu Qiao na lasing sa unang pagkakataon.
Siningkit ang kanyang mata, bahagyang ngumiti si Li Ce tapos ay hinablot niya ang kamay ni Chu Qiao, bumubulong habang umiinom siya, "Masyadong marami ba ang pinapatay ko?" Malakas siyang humawak sa puntong sumakit ang palapulsuhan ni Chu Qiao. Ang mga pasilyo ay tahimik, at habang umiihip ang hangin ay nag-aangat ito ng mga alikabok, dala nito ang pagkokak ng mga palaka mula sa malayong mga willow. Ang malayong malambot na tunog ay ginawa ang kawalan sa silid na ito na mas mapansin. Sa tuktok, ang tansong lalagyan ng kandila, ang pulang wax ng kandila ay tumutulo pababa tulad ng luha ng babae na tahimik na bumababa sa kanyang pisngi.
Sa susunod na araw, ibinigay ni Li Ce ang titulong Concubine Yun kay Lady Nanyun matapos nito mamatay sa pasukan ng imperyal na libingan, nagbigay ng pagwawakas at kaginhawaan sa kanyang pamilya.
Dalawang buwan ang lumipas sa isang kislap at Mayo na. Ligtas na nagluwal ng anak na lalaki si Lady Ziming at nakabalik na sa palasyo kung saan may selebrasyon. Pinangalanan ni Li Ce ang bata na Qingrong, at ibinigay sa kanya ang titulong Hari ng Rong. Sa isang iglap, si Lady Ziming ang naging pinaka makapangyarihang babae sa harem.
Sa pribado, pinag-uusapan ng mga babae sa palasyo kung saan sa maiksing panahon lang, nabuntis siya at tumaas ang kapangyarihan. Ikinokonsidera iyon, ang panahon niya sa tuktok ay hindi na nalalayo. Gayumpaman, mayroong iba na nagsasabing ipinanganak siya na walang halaga, sa kanyang pamilyang bagsak na mga maharlika at ang kanyang ama na isang kriminal. At habang ang kanyang kapatid ay umaakyat sa ranggo ng korte, ang kanilang pagkakakilanlan ay nagrerepresenta ng hadlang tungo sa mas mataas na posisyon. Walang pamana at suporta ng pamilya, mahirap na magtayo ng tutuntungan.
Noon lang napagtanto ni Chu Qiao na hindi buong wala siyang kinalaman sa babaeng ito. Nang tinutugis siya ni Zhao Chun'er, ipinagkatiwala ni Zhao Song si Chu Qiao kay Zhan Ziyi. At si Zhan Ziyu ang kapatid ng babaeng ito.
Hindi masyado nagbigay ng pansin si Chu Qiao sa harem ni Li Ce, hindi din siya nagtanong tungkol sa mga bagay na iyon. Ngunit ngayon ay may bigla siyang napagtanto at tinanong si Qiu Sui, "Bakit wala ang ina ng Emperador noong nagdiriwang?"
"Simula noong namatay ang Emperador, umalis ang Emperatris tungo sa Anyin Temple at hindi bumalik mula noon."
Nang marinig ito ni Chu Qiao ay hindi niya maiwasang maawa sa hirap at ginhawa ng buhay ng emperatris na ito.
Ilang araw lang ang nakakalipas, nagpadala si Zhuge Yue ng pares ng maganda at matingkad na kulay ng ibong makikita lamang sa lupain ng Hu. Ang sabi ay pares na nabubuhay ang uri ng ibon na ito, kung saan hindi ito mabubuhay mag-isa kung mamamatay ang kapareho nito. Gustong-gusto sila ni Chu Qiao na siya mismo ang magpapakain sa mga ito, at pinangalanan sila ng lovebirds na may pagmamahal pa. Napalapit ang babae kay Chu Qiao; kahit kapag pinalabas sa hawla, lilipad siya sa paligid ng pasilyo, paminsan-minsan ay dadapo sa balikat ni Chu Qiao at kukuskusin ang kanyang pisngi gamit ang leeg nito. Magagalit ang lalaki nang makita ito, tapos ay lilipad siya sa paligid ng bahay at gagawa ng kakaibang ingay, pinapatawa ang lahat sa paggawa nito. Mukhang nagustuhan din ni Li Ce ang pares ng ibon, paminsan-minsan ay tinutuya sila.
Isang gabi nang natutulog siya, biglang naramdaman ni Chu Qiao na may nanonood siya kanya. Nang nagmulat siya at umupo sa dilim, nagulat siya sa mahigpit na yakap. Ang pamilyar na mababa at malalim na hinga ng lalaki ay dumampi sa kanyang leeg na may amoy ng alak. Napakahigpit siyang niyakap na para bang ginagamit ang lahat ng lakas nito na malapit na siyang masaktan. Hindi siya nagpumiglas, at sa damit nitong malamig, halos nararamdaman na niya ang kalungkutan at paghihirap ng lalaki, bago malumanay na inunat ang kanyang kamay upang tapik-tapikin ang likod nito.
Habang sumisinag sa kanila ang liwanag ng buwan, makikita ang mga pulang burda sa kasuotan ng lalako, kahawig ng dragon. Sa liwanag ng buwan, ang manipis na pulang sutlang sinulid ay tila natutunaw sa matingkad na dilaw, tulad ng duguang palapulsuhan na may malabong pulso.
Mahinahon, binitawan siya ni Li Ce.
Maingat na nagtanong si Chu Qiao, "Li Ce, sa tingin mo ba ay ako siya?"
Nagulat, napalingon si Li Ce sa kanya, napaka bahagyang itinaas ang kanyang kilay. Sa sandaling iyon, napatigil si Chu Qiao, napagtantong hindi niya sinasadyang nailantad ang ilang sikreto. Tahimik siyang nagpaliwanag, "Narinig ko sa iba na dito nanirahan dati si Prinsesa Fu."
Diretsong nakatingin sa kanya, ang kanyang mata ay malayo ang nararating tulad ng abandunadong makalumang balon na may tumpak na kahulugan doon.
Si Chu Qiao, hindi naunawaan ang tingin ng lalaki, ay inisip lang na medyo hindi komportable ang tingin nito.
"Haha..." bahagyang napatawa si Li Ce bago bago na pinahayag, "Mas maganda ang pigura ni Prinsesa Fu."
Nang gabing iyon, nilisan ni Li Ce ang sambahayan ng Mihe at tumungo sa palasyo ng Rou Fu. Nang tumapak siya sa labas ng pasilyo, nakita ni Chu Qiao ang maliwanag at makinis na bagay sa lamesa. Ito ang jade na singsing ng hinlalaki ni Li Ce. Tumakbo siya tungo sa bintana ay sinigaw, "Hoy Li! Yung singsing mo!"
Tumalikod si Li Ce at ngumiti sa kanya, ang liwanag ng buwan ay sinisilaw ang kanyang ekspresyon. "Bawat sandali kasama ang mga binibini ay walang kasing halaga. Babalik ako bukas upang kuhanin iyan!" ipinagpatuloy ang kanyang paglalakbay pagkatapos ng kanyang sasabihin.
Hawaka ang jade na singsing, tumitig si Chu Qiao sa magulong Emperador. Nang tumalikod siya, nabangga niya ang daliri ng kanyang paa sa nakausling ibabaw ng sahig, dahilan na sobra siyang masaktan... Nakasimangot siyang umupo, para lang makita na ang kanyang paa ay labis na nagdudugo, minamantsahan ang puti niyang pangtulog.
Sa iglap na iyon, isang bakas ng masamang pangitain ang nabuo sa kanyang puso. Isang biglaang nagmamadaling mga yabag ang dumating ilang oras matapos ang hatinggabi. Hindi mapakali si Chu Qiao at hindi makatulog ng maayos. Nang bumangon siya, nagmamadaling pumasok sa lugar si Meixiang at Qiu Sui, ang mukha ng lahat ay maputla na para bang nakakita sila ng patay.
"Pinagtangkaang patayin ang Kamahalan!"
Boom! Sa kadiliman ng gabi, isang puting jade na singsing ang bumagsak sa sahig, ngunit imbis na mabasag, natapyasan lang ito at gumulong sa makinis na sahig.
Nang oras na nakarating siya sa palasyong Yixin, ang tunog ng pag-iyak at pagngawa ang pumuno sa hangin, habang ang buong pangkat ng imperyal na manggagamot ay naghihintay sa labas ng pasilyo. Ilang bihasa at mahusay na manggagamot ang nasa silid, kung saan ilang palangga ng dugo at tubig ang tuloy-tuloy na inilalabas. Ang eksena ay malalim na diretso at masakit na sumaksak sa bone marrow ni Chu Qiao, hinihiwa ang kanyang puso tulad ng matalas na kutsilyo.
Sinabi ni Li Ce na nasaksak nang gabi si Li Ce habang kasama niya si Lady Ziming. Ang may sala, isang matandang eunuch na nagsasabing tagapagligtas niya si Haring Luo, ay hindi na hinintay ang mga gwardya na hulihin siya bago kinagat ang dila at kinitil ang kanyang buhay.
Kinuyom ni Chu Qiao ang kanyang kamao. Hindi siya pwedeng magdalamhati sa labas, lalo na ang pumasok sa pinaka loob na pasilyo. Nagdududa niyang ikinunot ang kanyang kilay. Hindi lang mahigpit na binabantayan ang lugar, ngunit magaling mismo makipaglaban si Li Ce. Paano makakapuslit ang matandang eunuch at gawin ang ganoong krimen? Kahit si Li Ce mismo ay hindi hahayaan ang hindi kilalang tao na makalapit na walang ingat.
Habang nakatingin siya sa malayo, isang babaeng nakatalikod kay Chu Qiao angn nakasuot ng manipis na damit at mag-isang nakaluhod sa maliit na bakuran sa harap ng palasyo, ang kanyang buhok ay magulo. Sinabi ni Qiu Sui na ang babae ay si Lady Ziming, ngayon ay kilala bilang si Concubine Ming. Nakaluhod na siya doon simula sa umpisa ng pagsubok.
Sa sandaling iyon, ang mga pinto ng palasyo ay bumukas. Pinangunahan ni Sun Di ang kumpol ng mga tapat na ministro at kinakabahang nagtanong, "Kamusta ang Kamahalan?"
Pinunasan ng nakatatandang manggagamot ang pawis sa kanyang noo at sumagot, "Wala na sa kapahamakan ang buhay ng Kamahalan, ngunit kailangan niyang magpahinga." Nang matapos niya ang kanyang sasabihin, ang mga tao ay naglabas ng luha at iyak ng kaginhawaan habang sa malapit na bakuran, bumagsak sa lupa si Concubine Ming.
"Master Sun, nais kang makita ng Kamahalan," saad ng nakakatandang manggagamot. Nang tumalikod siya, nasulyapan niya si Chu Qiao at idinagdag, "Ikaw din, binibini."
Sa isang iglap, siya ang naging tampulan ng naguguluhang ekspresyon ng mga tao. Huminga ng malalim si Chu Qiao, kalmadong naglakad pasulong, binati si Sun Di bago tumapak sa silid sa ilalim ng tingin ng lahat.
Ang amoy ng gamot ay nanatili sa hangin dahil sa mahinang bentilasyon. Naunang pumasok si Sun Di, at matapos ang tila walang hanggang, lumabas siya at sinabi kay Chu Qiao, "Hindi maganda ang estado ng pag-iisip ng Kamahalan, iklian mo lang."
"Sige." Tumango si Chu Qiao tapos ay pumasok siya sa pinaka loob na palasyo lagpas sa patong ng mga tabing, kung saan ay nakahiga si Li Ce sa higanteng dragon na higaan. Hindi pa niya ito nakikita sa ganoong kalagayan dati. Ang mukha ay maputla, ang mata ay dilaw, at ang labi nito ay tila naubusan ng dugo. Tulala itong tumingin sa kanya. Nang nagsimulang mataranta si Chu Qiao, kakaibang ngumiti si Li Ce, ang boses nito ay paos ngunit malambot, "Natakot ko ba kayong lahat?"
Bumalik ang oras sa unang beses nilang nagtagpo, kung saan ay padaskol niyang kinaladkad pababa ang batang prinsipe mula sa kanyang kabayo at binubog siya, iniwan ito na may namamagang mukha. Binigyan siya nito ng kakaibang ekspresyon habang ngumingiwi sa kawalang-ginhawa.
"Li Ce," nautal si Chu Qiao nang nakita niya ang malaking sugat ng kutsilyo sa dibdib nito, isang pulgada nalang ang layo para matusok ang puso nito. Natatakot siyang tumingin sa lalaki, ang kanyang mga daliri ay manhid, nais hawakan ang kamay ng lalaki pero hindi nangangahas, paulit-ulit na sinasabi, "Ayos lang ang lahat, magpahinga ka na muna."
"Sa totoo lang," nautal si Li Ce, "sa totoo lang, gusto kong maghanda ng bahagi mo para sa kasal nitong nakaraang mga araw. Mukhang naging maswerte si Sun Di. Hindi ko alam...hindi ko alam kung lihim siyang magtatabi para sa sarili niya."
Nagpilit si Chu Qiao ng ngiti na mula sa puso at malumanay na sumagot, "Huwag ka mag-alala, babantayan ko siya."
"Umm," nanghihinang tugon ni Li Ce, iyong ilang mga pangungusap na iyon ay tila inuubos ang kakaunting enerhiyang natitira sa kanya.
"Matulog ka na, huwag ka nang magsalita pa," nagmamadaling sinabi ni Chu Qiao.
"Qiaoqiao naman, samahan mo ako dito."
"Sige," tumango siya. "Hindi ako aalis. Dito lang ako sa tabi mo."
Hindi nagtagal ay mahimbing nang natutulog si Li Ce, at matapos ang ilang sandali, pumasok ang mga imperyal na manggagamot upang palitan ang gamot. Habang nakatingin si Chu Qiao sa sugat sa dibdib ni Li Ce, mas lumala lang ang kanyang mga suspisyon, ngunit hindi ngayon ang oras upang talakayin ang ganoong bagay.
Tatlong araw ang makalipas, maganda ang nagiging progreso ni Li Ce sa pagpapagaling niya. Mukha ring maganda ang kanyang kalusugan.
Nang umagang iyon, habang pinapaypayan ni Chu Qiao si Li Ce, nagmadali ang mga nasa labas. Nang tumalikod siya upang tumingin, nagmamadaling pumasok si Qiu Sui at bumulong sa kanyang tainga, "Nakabalik na ang ina ng Emperador."
Gulat, nagmadaling lumabas si Chu Qiao, para lang makita na paparating ang grupong naghahatid sa ina ng Emperador. Matapos magpalitan ng pormalidad, sabay silang naglakad tungo sa Yixin Hall. Nang inangat ng katulong ang kurtina, ipinapakita ang simpleng kapa ng ina ng Emperador, nag-angat ng tingin si Chu Qiao at nagulat sa kanyang nakita. Sa kabila nang ilang taon lang nalayo, tila mas tumanda ang ina ng Emperador, ang kanyang buhok ay grey na lahat at ang kanyang balat ay kulubot.
Pagkalabas niya, tumutulo ang luha sa kanyang mukha. Balisa siyang nagtanong, "Ang Emperador? Anong nangyari sa kanya?"