Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 228 - Chapter 228

Chapter 228 - Chapter 228

"Alam ko na magrerebelde siya."

Kinausap ni Li Ce ang sarili niya. Hindi sumagot si Chu Qiao. Alam niya na sa sandaling ito ay hindi niya kailangan ng kahit anong sagot, at gusto lang na tahimik siyang makinig. "Maraming taon akong naghintay sa kanya, at pinanghawakan ang pag-asang magdedesisyon siyang hindi magrebelde sa huli."

Nakangiti sa panunuya ng sarili, lumagok ng isang basong alak si Li Ce bago tumingin kay Chu Qiao. "Alam mo ba? Simula pagkabata, hindi kasing talino ko si Li Luo. Mababa siya sa akin pagdating pareho sa maistratehiyang pagpaplano at istratehiyang militar. Ang tanging bagay na mas magaling siya sa akin ay mga tula. Sabi niya kapag lumaki siya, gusto niyang maging iskolar kung saan ang pangalan ay makikilala sa buong mundo, at maghahanap ng lugar na may magandang tanawin upang magbukas ng eskwelahan. Pinangarap niya na magsulat ng libro tungkol sa buong kontinente ng West Meng."

Nakasimangot, si Li Ce ay naliliwanagan ng buwan ng bumubuhos sa silid lagpas sa kurtina. Mahina siyang nagpatuloy, "Hindi niya alam, nang sandaling naging crown prince ako, nagsimula na akong gumawa ng silid-aklatan sa Anqing para sa kanya. Gayumpaman, dahil sa pagkamatay si Fu'er, nawalan ako ng pagkakataon na sabihin sa kanya ang tungkol doon." Biglang kumunot ang noo niya, at sa tono ng kanyang boses, maririnig ang masidhing poot. Piniga niya ang mga sumusunod na salita, "Bakit kailangan niyang magrebelde?"

Nahati sa dalawa ang baso ng alak. Ang matalas na piraso ng jade ay tumusok sa kanyang palad, at ang pulang dugo ay bumulwak na mukhang bulaklak ng crabapple. Biglang naalala ni Chu Qiao ilang taon ang nakararaan, sa palasyong ito mismo, sa senaryo ng mga puno ng sycamore, isang lalaking nakasuot ng berde ang payapa at malumanay na nakatayo doon. Ipinakilala niya ang sarili, "Ako si Haring Luo."

Sa sandaling iyon, sa nababalot ng alikabok na gilid ng alaala, bumalik ang oras, habang tatlong mga bata ang tumatakbo sa tahimik at malaking palasyong ito. Ang kanilang mga tawa ay parang simoy ng tag-init, binabasag ang makapal na hamog na bumabalot sa ipinagbabawal na palasyong ito, at itinataboy ang kadiliman ng pulitika sa palasyo...

"Fu'er, hindi ba't nagkasundo na tayo na ngayong araw ay magiging asawa kita? Kahapon, at noong isang araw, lagi nalang siya. Ngayon, ako naman."

"Ayoko nga!"

"Bakit? Kailangan mong tuparin ang pangako mo!"

"Ayoko nga!"

"Hmph! Sasabihin ko kay ama, at pakakasalan kita ngayon!"

"Ayoko! Ayoko!"

"Ah! Ikaw! Bakit ka nangangagat!"

"Tama na, huwag na kayong magulo pa. Dapat ka nang pumunta sa silid-aralan para mag-aral."

"Kuya Luo, inaapi ako ng Crown Prince."

"Anong kuya? Tiyo dapat ang tawag mo sa kanya! Tiyo, may sakit si Fu'er at nangangagat ng ibang tao. Maghahanap ako ng manggagamot at hindi makakapunta sa pag-aaral ngayon."

….

Sa kadiliman ng gabi, ang karilagan ng nakaraan ay naglaho sa malalim na tiklop ng alaala ng isa, iniiwan lamang ang malambot na paglubog ng araw. Sa malamig na sinag ng buwan, kahit sa nakapapawis na init ng tag-init, kikilabutan pa rin ang isa habang paakyat ang ginaw sa likod, nagbibigay ng ginhawa mula sa hindi komportableng init.

Madami nang nainom si Li Ce, at ang kanyang mahinang pigura ay nanginginig na naglakad palabas ng pinakapinto ng sambahayan ng Mihe, unti-unting naglalaho sa likuran ng mga puno ng sycamore at ng liwanag ng buwan. Nakatayo sa bintana, tumingin si Chu Qiao sa papaalis na lalaki, may kawalan lamang sa kanyang puso, nakakaramdam na parang binasag pabukas ang nagyeyelong lawa. Pagdating sa agawan ng kapangyarihan, laging napakalupit ng kasaysayan. Kung hindi namatay ang kabilang panig, hindi matatahimik ang isa. Tulad ito ng relasyon sa pagitan ng Yan Bei at ng imperyo ng Xia; imposibleng magkasundo.

Bigla niyang naisip si Yan Xun, at naalala kung anong naramdaman niya nang pinatay nito si Ginoong Wu at ang iba. Siguro magkaiba ang kalagyaan, ngunit sa huli, ang parehong salungatan ay nangyari dahil sa agawan ng kapangyarihan. Kung nalungkot si Li Ce sa pagkamatay ni Haring Luo, makakaramdam ba ng pagsisisi si Yan Xun sa mga aksyon niya ng araw na iyon?

Ang sigaw ng kawalan ng pag-asa na ibinigay ni Huanhuan bago siya mamatay ay humalo sa iyak ng kamatayan ng hukbong Xishuo. Ang tumatagos na tunog ay namuksa sa kanyang isip. Nang magawa ang mataas na kapangyarihan, sa huli ay isa lang ang makakarating sa pinakatuktok nito. Bago mangyari iyon, libo-libo ang babagsak, magiging mga baitang sa pag-angat ng taong iyon.

Sa tabi ng lamesa, mayroong ilang patak ng malinaw na likidong hindi naglalabas ng amoy ng alak. Kumikinang ito sa sinag ng buwan.

"Mayroong wind bell na nababalot ng alikabok at buhangin. Kapag wala kang ginagawa, binibini, pwede mong ipalinis ito sa mga tagasilbi. Sa hangin ng taglagas, melodiko at malutong ang tunog ng kampanilya," isang kalmadong boses ang umalingawngaw sa likod ng kanyang ulo.

Lumapit si Chu Qiao at inunat ang kanyang kamay upang hawakan ang kampanilya, para lang makarinig ng whoosh tapos ang linyang humahawak sa kampanilya ay naputol, at ang ornamento ay bumagsak sa lawa sa baba, gumagawa ng tilamsik, kasunod ay mga alon.

Taon 780, ika-20 ng Agosto, si Li Luo ng Mei Mountain ay natalo at namatay sa ilog Hanshui. Sa parehong taon, sa ikauna ng Septyembre, ang tatlong anak na lalaki at dalawang babae ni Li Luo ay pinugutan ng ulo sa Mei Mountain, at ang 21 heneral ni Li Luo ay pinatay. Sinuperbisahan mismo ni Heneral Xu Su ang pagbitay, at sa kanyang utos, dosenang buhay ang nawala sa isang iglap.

Nang araw na iyon, pumasok si Meixiang, at sa kanyang damit, mayroong ilang malinis na puting talulot ng bulaklak. Ilang beses siyang tinawag ni Qiu Sui bago siya tumugon at inusal, "Narinig ko na natagpuan na ang kerida ni Haring Luo na si Lady Xu."

Lady Xu? Kapatid ni Xu Su, si Xu Peining?

Tinapik ni Qiu Sui ang dibdib niya sa ginhawa. "Sa wakas ay natagpuan na nila siya. Narinig ko na nawalan ng parehong magulang si Heneral Xu Su noong bata pa siya, at lubos na mahal ang kanyang kapatid. Ngayon, matapos makagawa ng mahusay na tagumpay para sa Kamahalan, sayang naman kung masasangkot din si Lady Xu."

Bahagyang napasimangot si Meixiang, at ang kanyang tingin ay parang parol na nababalot ng makapal na patong ng hamog. Ilaw mula sa kandila na kasing kapal ng braso ng isang tao ang lumiwanag sa kanyang mukha, inilalantad ang maputla niyang kutis. Hininaan ang lakas ng kanyang boses, ang kanyang boses ay maliit, "Narinig ko na natagpuan siya sa kabundukan ng Luofu. Nakabitin siya sa patay na puno, at parehong paa niya ay nakain na ng mabangis na mga lobo." Nang marinig iyon, napatili si Qiu Sui at naging kasing puti ng papel.

Nanlumo din ang puso ni Chu Qiao, habang umakyat sa puso niya ang kalamigan. Tulad ng usok na umaangat mula sa insenso, ang hivbla ng kalamigan ay pumaikot at nagtagal.

Sa kalamigan ng gabi, ang pagsayaw ay nagsimula muli sa palasyong Rou Fu. Si Lady Zi Ming ay napangalanan nang Rou Concubine, at naging pinakamakapangyarihang babae sa harem ni Li Ce. Ilang araw ang nakakaraan, nakumpirma ng manggagamot na buntis siya, at sa ilang araw lang, tutungo siya sa imperyal na villa para sa kapaligirang mas maganda para sa sanggol.

Sa mahabang gabi, ang kaingayan ay puno ng pangamba na tila walang katapusan.

Doon, panibagong kalahating buwan ang lumipas tapos ay dumating ang taglagas. Matapos ang ilang ulan, ang kapaligiran ay naging malamig at basa-basa. Ang mga lotus ay nagsimula nang malanta. Ang lawa ay puno ng nangitim na dahon ng lotus. Ngayon, sa palasyong Jinwu, wala nang natira pa na nasa kondisyon upang espesyal na ilipat ang tubig ng mainit na batis para lang mapatagal ang pamumukadkad ng mga lotus.

Pagkatapos ng pagbabago, dahil mas malapit ang syudad ng Xuefu sa bundok Mei, ang bahay-panuluyan ni Chu Qiao ay nasira din sa apoy ng digmaan. Si Meixiang, Jingjing, at ang iba ay hindi maiwasang makaramdam ng kabiguan. Sabi ni Li Ce ay posibleng buuin muli ang lahat, ngunit nawalan na ng interes si Chu Qiao. Matapos ang lahat, hindi siya magtatagal sa West Meng.

Tulad nito, nanatili si Chu Qiao sa palasyong Jinwu. Nakatingin sa araw na papalubog sa kabilang parte ng bintana, matyaga siyang naghintay ng pagdating ng bagong araw. Bihira niyang nakita si Li Ce. Simula ng insidente tungkol kay Haring Luo, kahit na maraming nawala sa lakas ng militar ang imperyo ng Tang, sa pagkawasak ng kalaban, at pagkatapos higupin ang kayamanan ng timog-kanlurang tribo, ang iniingatang-yaman ay mas sagana kaysa dati. Tila nagbago ng personalidad si Li Ce at naging abala. Bihira siyang mamasdan sa mga piging ng harem.

Sa hangin ng taglagas, mabilis na lumipas ang oras. Matapos ang dalawang buwan, nagising si Chu Qiao at binuksan ang mga bintana, para lang makakita ng manipis na patong ng nyebe, at ang puno ng sycamore sa labas ay tila naging puti. Matagal na rin mula nang nakakita sila ng nyebe; medyo masaya si Meixiang at ang iba, at nagdala pa nga si Jingjing ng ilang katulong upang maglaro sa labas. Nakasuot ng pulang kapa, kaibig-ibig silang tignan.

Duamting na ang sulat ni Zhuge Yue. Sa nakalipas na mga buwan, dahil sa digmaang sibil sa imperyo ng Tang, ang panggigipit ngn imperyo ng Tang sa imperyo ng Xia ay lubos na nabawasan, at hinayaan si Zhao Yang na makahinga. Noong nakaraang buwan lang, kinuha ni Zhao Yang ang pagkakataon, at sa ilalim ng dahilan na magsasagawa ng militar na pagsasanay, dinala ang Southarmy Garrison sa kanlurang kampo na 15 kilometro lang ang layo mula sa syudad ng Zhen Huang. Umalis si Zhao Che at wala sa kabisera. Agad na tumugon si Zhuge Yue sa pagdadala ng 5,000 niyang mga gwardya mula sa Qinghai, at tumayo sa harap ni Zhao Yang. Nagtagal ng anim na oras ang pagiging patas nila habang tinitigan ng dalawang kampo ang isa't-isa. Kung hindi dumating si Wei Shuye, malamang ay may mangyayaring labanan.

Gayumpaman, sa kanyang sulat, ang maliit na sagupaan na ito ay hindi man lang nabanggit. Narinig lamang ni Chu Qiao ang insidenteng ito mula sa mga gwardyang sumusunod kay Tie You. Iniisip ang panganib na kaharapin ang 30,000 sundalo ng 5,000 lang, nakakaramdam siya ng ginaw pababa sa kanyang likod.

Hindi na magtatagal pa ang emperador ng Xia, at sa buong dalawang buwan, lumiban siya sa korte. Ang agawan ng kapangyarihan sa Xia ay nagsimula nang umabot sa sukdulan. Oras na hindi nag-ingat ang isa, kakaharapin niya ang panganib ng lubos na pagkawasak. Sa libreng oras ni Chu Qiao, nagsimula siyang tumungo sa templo, at sinimulang kopyahin ang Pinganjing at Lanzhijing. Una, makakapagpalipas siya ng oras, pangalawa, sa pagkopya ng mga kasulatan na ito, mapapakalma niya ang kanyang puso, at pangatlo, mayroong nasa puso niya na hiling niyang mabasbasan ng proteksyon.

Sa usok ng insenso na umaangat at naglalaho sa hangin bilang manipis na tabing ng hamog, biglang naalala ni Chu Qiao ang Empress ng Tang na isang beses lang niyang nakasalamuha. Matapos magising sa pagkakaidlip niya ng araw na iyon, nakakita siya ng malumanay na babaeng nakatingin sa kanya, at mapayapang inutusan si Chu Qiao na abisuhan si Li Ce na huwag sirain ang templo.

Nang oras na iyon, ang prinsipe ng Tang ay ang Crown Prince pa rin na ginagawa ang mga bagay base sa kapritso niya, ngunit ngayon ay siya na ang Emperador ng Tang na maaaring iutos ang kamatayan ng marami o magsimula ng digmaan sa kaswal niyang mga komento. Natalaga din si Qui Sui bilang tagapangasiwa sa sambahayan ng Mihe, at ang dalagang ito na lumaki sa palasyo at nakita ang karilagan at kadiliman nito, ay nahihiwagaang napatingin kay Chu Qiao, napasimangot siya at nagtanong, "Matapos ko makita ang Binibini Chu ngayon, pakiramdam ko ay iba ka mula noong nakaraan, na para bang marami pa iyon."

Nagtaas ng kilay si Chu Qiao at nagtanong, "Oh? Anong meron ako ngayon?"

Ngumiti si Qui Sui, at gamit ang suklay na gawa sa sungay ng baka, inayos niya ang buhok ni Chu Qiao at tahimik na nagpaliwanag, "Noong bumalik ang Binibini mula sa Yan Bei, tila isa kang lantang lotus sa pagtatapos ng tag-init. Ngayon, mukha kang lotus na kakalagpas lang ng taglamig."

"Talaga?" ihinilig ni Chu Qiao ang kanyang ulo, at ang porselana niyang mga daliri ay sumuklay sa makapal niyang buhok. Ang kanyang ekspresyon ay tila mga punong nakatayo sa tabi ng ilog matapos ang paglipas ng taglamig. Ang katalasan ng kanyang mata ay nawala na, para bang ang dekada ng mga sundalo ay isang lamang panaginip. Namumuhay sa palasyong Jinwu, matyaga lamang siyang naghihintay, at ang pagdaloy ng oras ay binigyan na siya sa wakas ng pagkakataon na mapayapa.

Malapit sa pagtatapos ng taon, nakatagpo niya si He Xiao. Sa kalamigan ng taglamig, nakasuot siya ng malapilak na puting balahibong kapa, at nang naglalakad-lakad siya sa Baizhe Pavilion kasama si Meixiang, nagkataon na nakasalubong niya si He Xiao na kakalabas lang ng palasyong Yixin.

Isa na siyang natalagang komandante ng kampo sa timog ng imperyo ng Tang, at isang ikatlong ranggong opisyal na espesyal na kinilala ni Li Ce. Kahit na dito ang harem, malaya pa rin nakakalabas-pasok si He Xiao.

Simula nang mahiwalay kay Chu Qiao ng labanan na iyon, ito ang unang beses na nagtagpo sila. Ang dalawa ay siguradong medyo naaasiwa. Nanginginig ang labi ni He Xiao, tapos ay nais niyang tawagin itong "Master", ngunit sa huli ay naipit sa kanyang bibig ang salitang iyon, at tumawag siya, "Binibining Chu". Kumaway, pinaalis ni Chu Qiao ang mga tagasilbi, at kasama lamang si Meixiang, tumungo siya sa Baizhe Pavilion.

Nakasuot ng berdeng uniporme ng opisyal, matatag at makisig si He Xiao, at mayroong awra na makakamit lamang matapos makaranas ng maraming hirap at ginhawa sa buhay. Tumayo si Meixiang sa labas ng pavilion, at habang umiihip ang hangin, umugoy ang kapa ni Chu Qiao, tulad ng usok. Hindi siya masyadong nagsalita at tumayo lamang upang kaharapin ang hangin. Ang pavilion ay mataas at sa ibaba nito ay tubig na dumadaloy mula sa Tai Qing Pond. Dumadaloy pababa ang tubig, nagbibigay ng tunog ng tilamsik. Tahimik at kalmadong umalingawngaw ang boses ni He Xiao mula sa likod.

"Ang hangin ay mabagsik dito, maaaring masama ito sa kalusugan ng Binibini. Mas magandang bumalik na para magpahinga."

"Hindi ba't mas malaki pa ang mga hangin sa Yan Bei?" tumalikod si Chu Qiao na may perpektong kalmadong mukha, ngunit ang kanyang mata ay tila natatabingan ng kung ano, dahilan para hindi mabasa ng iba ang kanyang mga emosyon. "He Xiao, sinisisi mo ba ako?" nagpatuloy siyang magtanong.

Related Books

Popular novel hashtag