Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 229 - Chapter 229

Chapter 229 - Chapter 229

Yumuko si He Xiao at sumagot, "Hindi ako mangangahas."

"Sa pagsabi nito, sinisisi mo ako." Mapait na ngumiti si Chu Qiao, ang kanyang ngiti ay naglalaho sa isang iglap tapos ay nagpatuloy siya, "Maniwala ka man sa akin o hindi, maraming laban ang pinagdaanan natin nitong mga taon. Lagi kitang tinuturing na matalik kong kaibigan. Sa pag-alis ko, hindi ko ibig sabihin na abandunahin kayong lahat."

"Naiintindihan ko." Biglang nag-angat ng tingin si He Xiao, bumalik sa estado ng kakalmahan at hinubad ang awra ng kadakilaan kung saan ay ipinakita niya sa labanan. Tahimik niyang idinagdag, "Hindi kita sinisi. Inaalagaan mo kami, binibigyan kami ng pinaka magandang rutang matatakasan. Naiintindihan ko ang lahat ng ito."

Ito ang unang beses na tinatawag nila ang isa't-isa sa kanilang pangalan. Tahimik siyang tumingin sa babae habang marahan siyang nagsasalita, "Nitong mga taon, nasaksihan ko habang nagpapatuloy ka maging sundalo. Naiintindihan ko ang mga hirap na hinarap mo. Siguro, minsan, iniisip ko na naging makasarili ako noon. Kung naisaayos ko ang mga iniisip ko, hindi ko hahayaang gawin kang desperado ng mga pangyayari. Kahit na maging mga bandido ang Southwest Emissary Garrison, o bawat isa sa amin ay namatay, hindi dapat namin ipinapasan sa iyo ang responsibilidad na ito, sinalungat ang hari ng Yan Bei, na nagresulta sa kalagayan ngayon."

Umiling si Chu Qiao habang napapaisip siya. Mayroon nang hindi mapagkakasundong pagkakaiba sa pagitan nilang dalawa ni Yan Xun. Kahit wala ang eksistensya ng Southwest Emissary Garrison, ang ibang rason ay iipunin ang pagkakasira nila. Oras lang ang batayan.

Hindi na siya hinintay pa magsalita ni He Xiao nang prangka itong nagsalita, "Matapos ang lahat, isa ka lang dalaga. Dati, nabigo kaming makita ito ng malinaw." Nag-angat ito ng tingin at malumanay na ngumiti, tulad ng nakakatanda na pinapanood ang mga pinag-apuhan niya. "Sinabi na ng Kamahalan dati, 'Saka ka lang makakakamit ng panloob na kapayapaan kapag lubusan mo nang inabanduna ang nakaraan'. Sa hindi pagtawag sa iyo ng 'Heneral', hindi ibig sabihin noon ay inilalayo ko ang sarili ko sayo. Ibig sabihin lang noon ay umaasa akong maiiwanan mo na ang nakaraan mo at mamuhay ng buhay na para sayo talaga."

Ang mga patak ng tubig, na naipon sa sanga at dahon sa puno, ay bumagsak sa lupa, tumama sa puting sapatos ni Chu Qiao. Napataas ang kilay niya dahil nadama niya ang mga sinabi nito.

"Kahit na mainit na lugar ang Tang, malamig ngayon. Binibini, bumalik ka na kaagad." Nang matapos niya ang kanyang sasabihin, gumilid siya para makaalis na si Chu Qiao. Gayumpaman, bigla itong tumawag, "Kuya He."

Lubos na natigalgal si He Xiao tapos ay masigla siyang napaangat ng ulo upang tumingin sa babae.

"Maraming taon na natin kilala ang isa't-isa, sabay na nakalagpas sa buhay o kamatayan. Magkakampi tayo sa labanan, at magkapamilya sa labas ng labanan." Saad ni Chu Qiao sa mabigat na tono.

Umihip ang malungkot na hangin sa gubat. Pansamantalang nagambala ang tingin ni He Xiao. Matapos ang mahabang sandali, pinanatili niya ang kanyang postura at maliit na humakbang paatras. May mabigat na tono niyang ipinahayag, "Pupunta ako sa timog-kanluran upang gampanan ang bagong katungkulan. Maaaring hindi na tayo magkaroon pa ng pagkakataon na magkita muli." Katulad ng inaasahan, alam na niya.

Medyo lumamig ang mga daliri ni Chu Qiao. Habang nakatingin siya sa malungkot na anino ni He Xiao, nagsimula siyang makaramdam na medyo nasasakal. Tahimik siyang tumango at sinabi, "Mag-ingat ka."

Kasunod noon, tumalikod siya at nilisan ang pavilion. Iilan palang ang naihahakbang niya nang may narinig siyang boses sa kanyang likuran, "Xiaoqiao, mag-ingat ka." Tumalikod siya at nakitang tahimik na nakatayo doon si He Xiao, habang pinapanatili nito ang kanyang postura. Umihip ang hangin sa kasuotan nito; inilalantad ang mga disenyo ng may pagka-berdeng kayumangging mga ulap na nakaburda sa uniporme nito. Isang kulay berde ang makikita sa palibot ng kanyang bewang; suot pa rin niya ang sinturon noong parte pa siya ng hukbong Xiuli dati. Tahimik itong nakatayo doon, ang ulo ay nakatungo; mahirap maintindihan na inusal niya ang mga salitang iyon kung saan ay tinanggap ang ngayon ay iba nang estado ng kanilang relasyon.

Sandaling nanigas si Chu Qiao bago siya tumalikod sa wakas at naglakad sa ibang direksyon. Matapos ang ilang pagliko, ang Harding Shanglin ay hindi na makikita pa. Nag-angat siya ng tingin, napagtantong hindi sinasadyang nakarating siya sa paanan ng bundok Fulan, sa labas ng palasyong Roufu. Ang nabanggit na bundok ay isa lamang tanawin na puno ng patong-patong na bato. Ang labas na patong at mukhang napapalamutian ng puting jade, nagmumukhang malinaw. Nakuha nito ang titulong isa sa mga kahanga-hanga sa palasyong Jinwu. Gayumpaman, habang nakatingin si Chu Qiao sa puting tumpok ng mga batong ito, nakaramdam siya ng lamig na nagmumula sa kanyang puso, unti-unti siyang binabalot.

"Binibini?" nag-aalalang tawag ni Meixiang sa kanya.

Nanatiling tahimik si Chu Qiao habang ang kanyang tingin ay bahagyang nakatuon sa ilang bulaklak ng plum blossom at ang mga bagay na lagpas dito.

"Binibini, iba-iba mag-isip sa mundong ito, ngunit mayroon ka lamang isang puso. Hindi mo mababantayan ang maraming tao." Narinig ang mga salita ni Meixiang sa tabi ng kanyang tainga, ngunit tila hindi ito narinig ni Chu Qiao. Malalaki ang hangin. Bigla siyang nakaramdam ng bahid ng kalungkutan.

"Maraming taon kang sinundan ni Commander He Xiao. Pagdating ng panahon, maiintindihan niya. Walang nagtatagal ng walang hanggan. Huwag ka masyado malungkot."

Tumalikod si Chu Qiao at marahang niyakap ni Meixiang tapos ay sinabi niya, "Meixiang, kung gusto mong umalis kasama siya, sige lang."

Naramdaman ni Chu Qiao na kumislot ang katawan ni Chu Qiao tulad ng takot na kuneho tapos ay idineretso nito ang kanyang likod. Matapos ang mahabang sandali, nakaramdam si Chu Qiao ng pares ng kamay na nakayakap sa kanyang bewang tapos ay nagtagal sa kanyang tainga ang boses ni Meixiang. "Hindi ko maaatim na iwanan si Commander He, ngunit mas hindi ko maaatim na iwanan ka."

Suminag ng maliwanag na puti ang araw sa karurukan nito. Walang ulap ang makikita sa mataas na kalangitan.

"Binibini, huwag ka nang mag-alala pa sa iba. Hindi man kumpletong santo si Master Zhuge, ngunit siya lang ang tanging tao sa mundo na buong pusong tapat sayo. Para sayo, kaya niyang pumatay at maging mala-demonyo, ngunit handa din siyang magbago para sa ikabubuti. Hindi ka na makakahanap sa mundong ito ng isa pa na tulad nito." Ngumiti si Meixiang habang nagsasalita siya, "Para naman kay Commander He, matatanggap din niya ito tulad ko. Ang mga bagay na ganito ay hindi mapipilit. Ang bawat tao ay mayroong sariling kaugnayan."

Ang pakiramdam ng hindi napipigilang kalayaan ang hiling ni Chu Qiao ng maraming taon. Tumingala siya at tila nakikita ang mata ng lalaki. Sa gitna ng malupit na mga kondisyon at kaguluhan sa loob ng korte ng Xia, mabuti pa rin ba siya?

Sa isang kisapmata, panibagong taon ang dumating. Naranasan ng imperyo ng Tang ang pinakamagulong taon nito sa kasalukuyang kasaysayan. Sa isang galaw upang pasiglahin ang mga pakiramdam, ibinigay ni Li Ce ang kanyang utos na magsagawa ng piging ng taglagas kung saan ay wala pang nakakagawa sa karangyaan.

Sa ika-27 araw ng ika-12 buwan, naghanda si Li Ce ng piging para sa kanyang mga opisyales sa imperyal na palasyo, upang suriing muli ang kakalipas lang na taon. Para sa mga taong mahusay na gumanap, ginantimpalaan niya ang mga ito, pinapayagan ang mga opisyales na may ikatlong antas na ranggo o mas mataas na kasama siyang kumain sa parehong bulwagan. Idagdag pa, bumubo siya mismo ng tula, inutusan ang mga tagasilbi niya na kopyahin ito at ibigay sa bawat isang opisyal.

Ang likod na palasyo ay nadedekurasyunan rin ng maliliwanag na mga ilaw. Ang piging ay nagmula sa palasyong Yixin hanggang palasyong Shangqing; ang landas ay napapalamutian ng maraming maliwanag na ilaw at parol, ginagawang halimbawa ang maswerteng larawan. Nasasamahan ng mga mananayaw, isa itong marilag na tanawin.

Ilang beses na inimbitahan ni Li Ce si Chu Qiao sa piging, ngunit tinanggihan ito ni Chu Qiao dahil hindi niya gusto ang tagpo. Nanatili siya sa sarili niyang palasyo kasama ang mga tagasilbi niya, naghanda ng sarili niyang piging at binili ang sarili niyang dekurasyon upang salubungin ang bagong taon.

Sa ika-28 araw ng ika-12 buwan, sunod-sunod na karwahe, nababalot ng berdeng tela, ang pumasok sa malaking tarangkahan ng palasyo ng Jinwu, tungo sa direksyon ng sambahayan ng Mihe. Nang dumating doon ang mga karwahe, ang mga karton ay ibinaba at binuksan. Ang laman nito ay niyanig ang buong palasyo, dahilan upang magmadali ang lahat na pumunta tungo sa sambahayan ng Mihe upang malaman kung anong nangyayari. Kahit ang ilan sa mga kerida ni Li Ce ay nagmadaling pumunta doon, hindi mapigilan ang kanilang galit.

Mayroong kabuuan na 20 karwahe, naglalaman ng 200 kahoy na kahon ng iba't-ibang sukat. Matapos mabuksan ang mga kahon, ang mata ng lahat ay kuminang. Ang mga kahon ay puno ng kumikinang na bagay. Emeralds, sinaunang mga bato, pulang mga ruby, mga batong opal, puting jade, perlas, malambot na sutla, mahalagang balahibo ng hayop, mga antigo, at mga likhang sining... ang lahat ng karangyaan ng buhay ay nagtipon sa harap nila. Hindi lang iyon, mayroon din mga palamuti ng babae tulad ng mga korona, mga roba, sapatos na jade, at madaming pulseras. May mga halaman din doon, mula sa matataas na grado ng bulaklak hanggang buong halamang koral na higit 30 talampakan hanggang hindi pangkaraniwang halamang-gamot. Mayroon ding tabing na gawa sa perlas, kung saan ay nagliliwanag siya sa dilim, kasama ang ilang hindi pangkaraniwang artifact mula sa banyagang lupain, tulad ng posporo, binokulo, babasaging mga aksesorya, relos na may alarma, mga damit at isang buong dami ng mahahalagang bagay.

Ang mas katawa-tawa pa ay mayroong ilang kahon ng lokal na ginawa kung saan ay hindi kapansin-pansin. Ang mga bagay ay mukhang matamis na patatas. Pinulot ni Chu Qiao ang isa at matagal itong sinuri bago mapagtantong isa itong matamis na patatas na mula sa Qinghai, kung saan ay binanggit ng lalaki sa kanyang sulat. Inilapit niya ito sa kanyang ilong kung saan ay nagbigay ng mabangong amoy, dahilan para makaramdam siya ng tamis sa loob. Inisip niya na hindi maikukumpara ang ilang mahalagang bagay na iyon sa iilang ordinaryong matamis na patatas na ito.

Narinig ng mga lokal doon na ang hari ng Qinghai ay lubos na nagsikap na kuhanin ang mga bagay na ito. Ang mga patatas ay malaki at mayroong pulang tali at telang nakabalot sa kanila. Mukha silang hindi maipaliwanag.

Isang maliit na letterhead ang nakalagay sa loob ng matamis ng patatas. Inilabas niya ito nang tinanggal ng mga daliri niya ang gintong sinulid na nakapalibot dito, ipinapakita ang mahabang sulat na may maayos na mga salita.

Lagi siyang ganito. Kahit kapag sumusulat siya, paligoy-ligoy siya, tinatalakay ang hindi mahalagang paksa tulad ng panahon, pulitika, ekonomiya. Umaakto siya na para bang isang pinuno sa mundo ang kausap niya, bago dinadagdag ang pangungusap sa huli: Mag-ingat ka, huwag mong iwanan na bukas ang pinto. Bago ka matulog, isara mo ang pintuan at bintana, kung sakaling may masamang taong pumasok sa bahay.

Isang beses, lubos na nagalit si Li Ce nang lihim niyang nabasa ang sulat ni Zhuge Yue, sa halip ay tinawag siyang isang taksil.

Habang nakatingin si Chu Qiao sa pinahayag ang sariling matuwid na taong nanghimasok sa kanyang pagkapribado, pakiramdam niya ay totoo ang mga sinabi nila. Gayumpaman, hindi ganoon kahaba ang sulat ngayong araw. Matapos ang maikling pambungad, ang kanyang pagsulat ay mukhang mas mapwersa. Makikitang matagal siyang nag-isip bago nagsulat dahil natuyo na ang tinta. Ang basa ng mga salita ay: Marami akong ginagawa. Hintayin mo ako.

Sa gitna ng mga gulat na singhap, hinawakan ni Chu Qiao ang maliit na letterhead sa kanyang kamay. Nakaramdam siya ng kapayapaan. Wala siyang naririnig, hindi kahit ang tunog ng hangin, ang huni ng mga ibon, ang kaluskos ng mga dahon. Kahit na taglamig, nakaramdam siya ng init sa loob niya tulad ng panahon ng tagsibol.

Nang gabing iyon, si Chu Qiao, Meixiang, Jingjing, Qiu Sui at isang grupo ng mga tagasilbi ay nagtipon sa sambahayan ng Mihe. Nagluto mismo si Chu Qiao para sa kanyang handaan. Kahit na ordinaryo ang kakayahan niya sa pagluluto, ang mga paraan niya ng pagluluto ay sapat upang mapahanga ang ibang tao. Ang nauna nilang reserbasyon tungo sa kanyang pagluluto ay mabilis na naalis.

Habang papalapit ang gabi, pinakawalan sa kalangitan ang mga paputok. Tumakbo si Chu Qiao at ang iba sa bakuran, nakatayo sa ilalim ng puno ng osmanthus habang sinasalubong nila ang tanawin ng disenyong bulaklak sa kalangitan. Habang sumasalamin sa kanilang mukha ang makukulay na ilaw, nagdarang sila sa masayang pakiramdam ng maligayang okasyon na ito.

Nagsindi ng paputok si Jingjing, Pingan at iba pang tagasibli. Tinakpan ni Chu Qiao ang kanyang tainga dahil napapalibutan siya ng mga taong nasa gitna. Ang kanyang mukha ay bahagyang nagliwanag ng pula habang nakasuot siya ng bagong mabalahibong koton na kapa, nagmumukhang bata na hindi pa lumalaki. Ito ang pinakamasayang bagaong taon na ipinagdiwang niya mula nang mapunta siya sa mundong ito. Kahit na wala sa tabi niya ang taong mahal niya, napakaligaya pa rin ng buhay.

May tunog ng tawa kahit saan sa labas. Umupo si Chu Qiao sa harap ng kanyang lamesa, iginuguhit ang dalawang komikang hugis na kamukha ng orihinal. Mayroon silang maliit na katawan at malaking ulo; ang isa ay masiyahin habang ang isa ay masungit at seryoso. Ang dalawang pigura ay nakatayo sa tuktok ng dalisdis, magkabalikat, nakatingin sa malayo habang mukha silang kagusto-gusto. Sa harap nila ay isang piraso ng malawak na pastulan, na may kumpol ng baka at tupang sama-sama. Isang malaking anyong tubig ang medyo malayo pa sa harap nila.

Masigasig niyang tinapos ang kanyang sulat sa paglagda ng dalawang salita: Naghihintay ako.

Hindi na kailangan pang maabisuhan o magtanong. Naisip niya na magiging makasarili siya kahit isang beses lang, papanatilihin ang pagiging matigas ang ulo hanggang huli, at pagkakatiwalaan ang desisyon na gagawin niya.

Nang ibinaba niya ang letterhead, kinuha niya ang kanyang manto at lumabas upang hanapin si Meixiang at ang iba. Habang naglalakad siya palabas ng palasyo, isang kumpol ng puting talulot ng bulaklak ang bumagsak sa kanya. Tulad ng nyebe, kumalat ito sa kanyang katawan.

Lahat ay nagkakaisang napatawa. Ang kanilang ingay ay marahang kumalat sa bawat kasuluk-sulukan ng palasyong Jinwu.