Habang papasapit ang madaling-araw, nagpadaan ang mga matatarik na kabundukan sa patag na piraso ng madamong kapatagan. Nabanggit ng gabay na Youyou Plains ang lugar na ito, at susunod na ang Sunset Mountains. Pagkatapos ng Sunset Mountains, makakarating na sila sa pinakamalaking syudad sa timog-kanluran, ang syudad ng Qiufeng. Gamit ang syudad ng Quifeng bilang reference point, nakalagak sa silangan nito ang Tang Jing, habang ang Baishui Pass ay matatagpuan sa hilaga. Ang teritoryo ng Xia ay nasa labas ng Baishui Pass.
Nitong mga araw, binagtas ng grupo ang kahabaan ng kabundukan. Nang nakita na nila sa wakas ang patag na mga kapatagan, gumanda ang pakiramdam ng lahat. Ang tanawin ng patag na kapatagan ay laging pareho—isang puno ang makikita sa malayo. Kahit na ang distansya nito ay masasabing hindi naman ganoon kalayo, kalimitan ay kailangan ng isang buong araw na paglalakbay sakay ng kabayo upang makarating doon. Matapos maglakad sa kahabaan ng Youyou Plains ng buong dalawang araw, nakarating na sila sa wakas sa Sunset Mountains.
Ang pangalan ng bundok na ito ay marilag, kasama ang mga tanawin dito. Ilang mga matataas na tuktok ang magkakatabi, nadedekurasyunan ng malusog na berdeng mga puno at makapal na kumpol ng mga bulaklak. Isang talon ang dumadaloy pababa mula sa tuktok, bumubuo ito ng puting sapa. Dahil nagtatagal sa hangin ang singaw ng tubig, nagbibigaw ito ng awra na ang lugar ay isang paraiso. Dahil malapit na ang syudad ng Qiufeng, ang daanan ng bundok ay kasya ang dalawang magkatabing karwahe ng kabayo sa lawak. Sa papalubog na araw, kuminang ng matingkad na pula ang tanawin kasama ang gubat at mga bulaklak. Nanatiling maganda ang tanawin; karapat-dapat nga sa bundok ang pangalan nito.
Nang gabing iyon, inutusan ni Chu Qiao ang kanyang grupo na magtayo ng kampo sa paanan ng lambak. Nang marinig ng mga tagasilbi ang utos, nagsaya sila. Makikita na pagod sila, dahil walang tigil na naglakbay ng ilang gabi na hindi nakakatulog. Bago pa man sila makatulog, ang alulong ng mga mababangis na lobo ay narinig mula sa hindi kalayuan, nagdala ito ng ginaw pataas sa kanilang mga likod.
Namutla sa takot ang mukha ni Jingjing tapos ay bumaluktot siya sa tabi ni Meixiang sa tolda. Ipinikit niya ang kanyang mata sa pagtatangkang matulog, ngunit wala itong pinatunguhan. Medyo nag-alala si Chu Qiao. Ang gutom na mga lobo sa timog-kanluran ay kilala sa kanilang kabagsikan. Sa kasalukuyan, hindi malaking grupo ang kasama ni Chu Qiao. Ang karamihan sa kanila ay inupahang mga gwardya at taga-pagpatakbo ng karwahe. Saka mayroon ding mga babae sa grupo. Kapag nakasalubong nila ang mga lobo, magkakaroon ng nakakatakot na kapalit. Kaya, ipinatawag niya si Pingan at binigyan siya ng ilang utos. Tapos ay sinabihan niya ang lahat na ihanda ang sarili nila, bago siya nangahas na ibaba ng kaunti ang pagbabantay niya.
Habang papalapit ang huling parte ng gabi, ang alulong ng mga lobo ay lumakas, kasama ang sigaw ng ilang tao. Isinuot ni Chu Qiao ang kanyang kapa at lumabas. Inutusan niya ang ilang mga tao na bantayan ang kampo, at naglakad tungo sa pinanggalingan ng tunog kasama si Pingan at higit sampung mga gwardya. Habang kakarating palang nila sa unang dalisdis, isang masangsang na amoy ng dugo ang nagtagal sa hangin. Lahat sila ay maingat na tumingin sa harap, para lang makita ang grupo ng higit 100 lobo na inaatake ang grupo ng mga lalaking nakasakay sa kanilang kabayo sa lambak na nasa baba nila. Kahit na mas madami ang lobo sa kanila, maliksi at organisado ang kanilang kilos. Makikita na mga tao sila na hindi pwedeng biru-biruin. Gayumpaman, mabangis din ang mga lobo habang ipinapakita nila ang kanilang matalas na puting ngipin. Habang nagkukumpol-kumpol sila, tila pinalakas sila ng kanilang bilang, walang takot na nakipaglaban sa mga tao.
Habang tumitilamsik kahit saan ang dugo, naging mas malubha ang masangsang na amoy ng dugo. Iyak ng paghihirap ang umalingawngaw sa hangin, nagdadala muli ng ginaw pataas sa likod ng lahat.
"Ate?" napasimangot si Pingan tapos ay nagpatuloy siya sa mabigat na tono, "Masyado maraming lobo. Kung hindi sila matalo ng mga taong iyon, ganoon din tayo."
Tumango si Chu Qiao tapos ay nag-utos, "Maghanda kayong lahat." Ang mga kasamahan niya ay binubuo lamang ng mga taong bihasang boksingero. Kahit na hindi katulad ng hukbo ang kanilang kakayahan, matapang at may lakas sila ng loob. Inihanda nila ang kanilang pana at palaso tapos ay pumostura sila, hinihintay ang utos ni Pingan na tumira.
"Tira!" isang maayos na hanay ng nagniningas na mga palaso, inilublob sa pine oil, ang lumipad mula sa kanilang mga pana. Sa isang iglap, higit sampung mga lobo angn bumagsak sa lupa habang umiingit sa sakit, dahil biglang inatake mula sa likod.
Ginalit nito ang iba pang mga lobo tapos ay tumalikod sila at sumugod tungo sa kanila. May nakakatakot na bilis, ilang mga lobo ang tumakbo sa harap nila.
Mabilis na tumugon si Pingan na pumulot ng balde ng tung oil, ibinuhos ang laman nito sa lupa sa harap niya. Nagtapon siya ng sulo sa basang lupa, dahilan upang makagawa ng pader ng apoy na may taas na 30 talampakan sa harap ng bundok. Ang ilang gutom na mga lobo, na hindi nakahinto sa oras, ay diretsong sumalpok sa apoy, naglalabas ng makabasag-taingang alulong.
Dahil natakot ng apoy ang mga lobo, nawala ang kanilang pagiging organisado. Ang grupo ng mga taong nakasakay sa kabayo, nang nakitang may hindi kilalang kakampi ang tumulong sa kanila, ay nanghahamon na sumugod, gamit ang kanilang mga espada upang selyuhan ang pagkapanalo sa pagwakwak sa lobong makikita nila.
Talagang mabangis ang mga lobo; umatras lamang sila matapos ang masidhing laban na nagtagal ng higit dalawang oras. Bago sila umatras, umalulong muna sila sa galit, senyales ng kanilang intensyon na maghiganti.
Isang lalaki ang sumigaw mula sa ibaba ng lambak, "Sino kayo sa aming mga kaibigan? Pinasasalamatan kayo ng aking amo sa pagtulong!"
Medyo nagulat si Pingan nang marinig ang mga salitang iyon. Tumalikod siya upang tumingin, ngunit ang kanyang paningin ay naharangan ng mga puno. Idagdag pa, hindi siya masyadong makakita sa dilim. Kaya, wala siyang pagpipilian kung hindi ay sumigaw, "Si Brother Cao ba iyan? Nagkita tayo sa ilog Qingheng dati."
Matagal na nanatiling tahimik ang kabilang grupo bago tumatawang sumagot, "Oh, si Brother Du. Medyo mahirap sa akin ngayon, ngunit babayaran ko sa oras ang pabor."
Nagpahayag si Pingan, "Pakiusap tanggalin mo na ang paggalang, Brother Cao. May sugat ka ba? Mayroon ka bang gamot?"
"Mababaw na sugat lamang ito. Wala lang ito. Salamat sa pag-aalala mo."
Narinig ni Chu Qiao ang nagbabantay na tono sa boses ng kabilang partido. Marahan niyang hinila-hila ang manggas ni Chu Qiao at tumuro tungo sa direksyon ng kanilang sariling kampo.
"Aalis na ako. Brother Cao, mag-ingat ka." Dagdag ni Pingan nang mapagtanto ang intensyon ng babae.
Nang nakabalik sila sa kampo, balisang patalon-talon si Jingjing. Nang makita niya si Chu Qiao, nagmamadali siyang tumakbo palapit at nagtanong, "Ate, nasugatan ka ba?"
"Hindi." Umiling si Chu Qiao tapos ay nagpatuloy siyang kausapin si Pingan at ang iba, "Panatilihin niyo ang pagbabantay niyo kapag natulog kayo mamayang gabi. Panatilihin niyong may sindi ang mga sulo. Ihanda ang mga palasong may apoy, ang sulfur, at ang tung oil. Hindi ito pakakawalan ng mga lobo. Mag-ingat kayo sa kanila."
Lahat ay tumango tapos ay bumalik na si Chu Qiao sa kanyang tolda. Tinanggal ni Meixiang ang kanyang manto tapos ay malumanay na sinabi, "Pwede mo namang hayaan nalang si Pingan na pumunta. Bakit sumama ka pa?"
Umiling si Chu Qiao, sumimangot, at malumanay na sumagot, "Hindi ako mapakali nitong mga nakalipas na araw. Hindi ko alam kung may mangyayari."
"Binibini, marahil ay nag-aalala ka sa emperador ng Tang. Huwag ka mag-alala. Napaka talino niya. iyong mga masasamang iyon ay hindi siya mauutakan."
Napabuntong-hininga si Chu Qiao at tinanggap ang baso ng mainit at umuusok na ginseng tea mula kay Meixiang. Gayumpaman, hindi nito mapainit ang kanyang mga kamay.
"Sana nga."
Habang iniisip niya ang grupo ng lalaking nasa kabayo kanina, bigla ulit siyang nakaramdam ng masamang pangitain. Wala sa isip niyang inusal, "Meixiang, nasa iyo pa ba ang gamot na binili natin sa Xinglin Hall dati?"
Natigalgal si Meixiang at nagtanong sa natatarantang paraan, "Sinong nasugatan? Binibini, nasugatan ka ba?"
"Hindi." Nagmamadaling iling ni Chu Qiao. "Walang nasugatan." Humiga siya sa banig, nakakaramdam ng pagkainis. May kaunting reserbasyon na tumingin sa kanya si Meixiang, nag-iisip kung pinagsinungalingan siya. Anong nangyayari? Napasimangot si Chu Qiao habang nag-iisip siya.
Sa umaga ng susunod na araw, ipinagpatuloy ni Chu Qiao at ng iba ang kanilang paglalakbay. Hindi pa man sila nakakalayo bago sila nakakita ng grupo ng mga taong sakay ng kanilang kabayo na naghihintay sa kanila sa unahan. Sila iyong mga taong nakipaglaban sa mga lobo kagabi.
Isang lalaki na nasa kalagitnaan ng tatlumpung taon ang edad ang lumapit at maikling nakipag-usap na puno ng pagiging pormal kay Pingan. Tapos ay lumapit siya sa karwahe ng kabayo ni Chu Qiao, yumuko, at sinabi, "Nagpapasalamat ang amo ko sa tulong mo Binibini. Hindi na dapat kita inabala, ngunit tinuruan ako na tandaan ang pabor ng iba. Maaari ko bang malaman ang pangalan mo? Pakiusap pagbigyan mo ako sa aking katapangan."
Napasimangot si Chu Qiao tapos ay sumagot sa mabigat na tono, "Iyon ang dapat kong gawin. Hindi na kailangan pa na pasalamatan ako."
Medyo natigalgal ang lalaki habang patuloy siyang pinupunta ang pag-uusap tungo sa kanyang motibo. "Hindi ko pa rin alam ang pangalan mo."
"Kakaiba ka. Pinadala ka ng amo mo dito, ibig sabihin ay ayaw niyang ilantad ang kanyang pagkakakilanlan. Bakit sinusubukan mong alamin ang pagkakakilanlan ko? Mga estranghero lang tayo na tinulungan ang isa't-isa. Normal na bantayan ang bawat isa. Dahil hindi natin pinagkakatiwalaan ang bawat isa at may sariling bagay na kailangan gawin, bakit nakatayo pa rin tayo dito at pinagpapatuloy ang walang kwentang pag-uusap na ito, imbis na magmadaling tumungo sa sarili nating landas?"
Lubos na natigalgal ang lalaki, hindi inaasahan na napaka prangka ni Chu Qiao. Kasunod noon, tahimik siyang umalis. Tapos ay naglaho matapos ang maikling oras ang grupo sa harap.
Humahangang napasinghap si Jingjing, "Ate, napakahusay mo!"
Napabuntong-hininga si Chu Qiao tapos ay sumandal sa unan. Hindi siya mahusay, ayaw lang talaga niyang mag-aksaya ng oras sa kanila. Habang lumilipas ang bawat araw, mas nag-aalala siya. Hindi siya mapakali sa grupo ng taong iyon at binibigyan siya ng mapanganib na pakiramdam; makikitang naramdaman niya na hindi ordinaryong grupo ng mga taon ito. Sa sandaling ito, mas magandang mag-ingat—mas kaunting problema, mas maganda.
Gayumpaman, wala pa man kalahating araw na lumilipas bago nila nakasalamuha ang susunod nilang balakid. Sa sandaling ito, kahit si Jingjing na tanga, ay naramdaman na may mali. Ilang mga puno at bunton ng putik at bato ang nakakalat sa makitid na batong landas sa bundok. Kasing tangkad sila ng kalahati ng tao, hinaharangan ang kanilang landas upang makapagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay. Halata ang lahat. Kahit na ang unang likas na maiisip ay iparatang ang tanawin na ito sa isang pagguho na dahilan ng malakas na ulan ilang araw ang nakakaraan, walang naniniwala sa posibilidad na ito dahil sa mga nagkataong pangyayari na naranasan nila ng maraming beses sa kanilang paglalakbay.
Katulad ng inaasahan, naghihintay ang grupo ng mga tao sa harap ng kanilang kabayo, binabati ang partida ni Chu Qiao ng awra ng galit. Nakasimangot na tumugon si Pingan at ang iba; ang kanilang mga kamay ay wala sa isip na dumapo sa gilid habang naghahanda silang ilabas ang kanilang mga espada.
Kontra sa nangyayari, asul na asul ang kalangitan. Pumapaikot-ikot sa himpapawid ang mga ibon habang sumisinag sa lupa ang mainit na araw. Halos kinokontra nito ang sarili niya habang isang madilim na atmospera ang nagmumula sa liwanag. Ang dalawang partida, imbis na linisin ang kalat sa daan, ay nakatingin sa isa't-isa na may antisipasyon ng paglalaban.
"Pagkakataon nga naman," Malamig na tumawa ang lalaking may apelyidong Cao habang nagsasalita.
Nagtaas ng kilay si Pingan tapos ay pinantayan niya ang tono ng lalaki. "Talaga nga naman ang pagkakataon, nakasama si Brother Cao sa buhay at kamatayan na mga sitwasyon nitong mga araw. Kahit na hindi ako naniniwala sa tadhana, wala akong pagpipilian kung hindi ay kilalanin ang tadhana ngayon."
"Sa aking opinyon, basura ang tadhana. Natatakot ako na mayroong mga masamang intensyon."
Galit na sumagot si Pingan, "Sino ang tinutukoy mo?"
Malamig na umangil ang lalaking may apelyidong Cao, "Sino kayo? Ilantad niyo ang sarili niyo!"
"Mas mukha kayong masamang tao!" sigaw ni Pingan sa galit habang inilabas niya ang kanyang espada na kuminang sa liwanag. Humakbang siya pasulong tapos ay naghandang sumugod.
Ang kabilang kampo, natakot, ay inilabas din ang kanyang espada. Bigla, isang kislap ng pilak ang dumaan sa mukha ni Pingan, habang panibagong espada ang nag-alis ng espada sa kamay ni Pingan at tungo sa lupa. Isang matalas na boses ng babae ang umalingawngaw, "Pingan, huwag kang magpadalos-dalos."
Ang maigting na atmospera ay halos agad natanggal. Mayroong nakakabinging katahimikan kahit saan; kahit ang tunog ng paghinga ay hindi masydaong naririnig. Umihip ang hangin sa harap ng lahat at dahilan upang kumaluskos ang mga dahon sa kalayuan. Humuhuni ang mga ibon habang lumilipad sila sa himpapawid, binabalik ang maliwanag na atmosperang bagay sa panahon.
Swoosh! Isang malambot na tunog ang umalingawngaw, kung saan ay kahalintulad ng sapatos na naglalakad sa batong landas. Nang inangat ng hangin ang kurtina ng karwahe ng kabayo, ang lalaking may apelyidong Cao at ang iba pa niyang kasama ay gulat na nagpahayag, "Master?" Nanatiling tahimik ang lalaki habang naglalakad siya tungo sa karwahe ng kabayo ni Chu Qiao.
Nagtaas ng kilay si Pingan habang sumisigaw, "Huminto ka diyan!"
Hindi siya pinansin ng lalaki. Hinawakan ni Pingan ang espada sa at naghanda na muling sumugod.
Clank! Kalahati palang ang pagkakalabas niya sa kanyang espada mula sa lalagyan nito nang hinampas ito ng lalaki paalis sa pagkakahawak niya tungo sa lupa, na may pambihirang bilis.
Namula sa galit ang mukha ni Pingan habang sumugod siya tungo sa lalaki. Gayumpaman, hindi nagpakita ng kaunting takot ang lalaki tapos ay binilisan ang kanyang paglalakad, lumapit tungo sa karwahe ni Chu Qiao, at inangat ang kurtina.
Whoosh! Umihip sa karwahe ang sariwang hangin. Ang sinag ng araw sa tanghali ay nakakasilaw. May hawak na maliit na pana si Chu Qiao sa kanyang kamay, nakatutok ito tungo sa pintuan ng kanyang karwahe. Gayumpaman, napatigil siya nang nasilaw siya sa sinag ng araw.
Sumugod si Pingan sa kanila mula sa likod, ang kanyang kamay ay hugis kuko ng ibon na nakaamba sa leeg ng lalaki. Madali niyang mapapatay ang kanyang kaaway sa sandaling ito, dahil tatlong taon na siyang nasa ilalim ng pagtuturo ni Chu Qiao. Gayumpaman, hindi umiwas ang lalaki. Nakasuot siya ng puting kasuotan habang nakatayo siya sa orihinal niyang posisyon, nakatingin sa babae gamit ang makisig nitong mukha. Sa iglap na iyon, hindi niya alam kung makakaramdam ng saya o lungkot. Isang magulong mga emosyon ang dumaluhong sa loob niya, dahilan upang makaramdam siya ng pagkagapi.
Swoosh! Nilisan ng palaso ang pana, dumaplis sa tainga ng lalaki, tapos ay lumagpas sa braso ni Pingan na mag nakakatakot na bilis. May dala itong mabigat na awra ng kagustuhan pumatay, kung saan ay pinahinto ang lahat sa kanilang ginagawa.
"Pingan, lumayo ka," tahimik na utos ni Chu Qiao na walang kahit anong galit, ngunit ang kanyang tono ay sapat na nagbabanta.
Nalilitong sumagot si Pingan, "Ate?"
Itinaas ni Chu Qiao ang kanyang kilay at tumingin sa lalaki na hindi nagsasalita.
Dahan-dahang umatras si Pingan, nagbigay ng huling tingin ng paghamak tungo sa lalaking nasa harap ng karwahe.
Nakakahipnotismo ang mga hangin; maganda ang panahon. Isang grupo ng orioles ang dumapo sa sanga ng puno sa hindi kalayuan, masayang humuhuni. Maraming sanga ang mga puno. Maraming bulaklak ang namunga sa mga puno ng makapal na gubat sa gilid, nagbibigay ito ng magandang tanawin.