Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 211 - Chapter 211

Chapter 211 - Chapter 211

Apat na buwan na rin. Sapat na iyon.

Bahagya siyang ngumiti, kinuha ang kanyang pluta upang magpatugtog ng masayang kanta ng pamamaalam para sa babae. Ang tono ay malinaw at umalingawngaw sa marangyang palasyo, sinusundan ang anino ng babae habang tumatapak palabas ng mga hanay na pinto ng palasyo, lagpas sa gintong pasimano ng pinto, ang mataas na mga pasilyo, ang pulang pader ng palasyo, at sa wakas ay sa malawak na lupain.

Tinulungan siya ng imperyo ng Tang nang itinakwil siya ng kanyang pamilya, halos sinira ang maliwanag na hinaharap niya. simula ng labanan sa Yuegong, sinalungat niya ang lahat ng hindi maaari upang mabuhay. Naging desperado siya, sa sukdulan kung saan halos mamatay na siya. Hinamak at iniwasan siya ng kanyang pamilya at bansa, naging isang kaaway ng publiko at dinuraan ng libong mga sibilyan. Kahit na mamatay siya, hindi siya makakapasok sa talaan ng ninuno ng kanyang pamilya. Naging kauna-unahan siyang rebelde ng royal capital. Habang umaangat siya mula sa abo ng kamatayan, mag-isa niyang binuo muli ang kanyang reputasyon tapos ay nakilala siya bilang Hari ng Qinghai, tila bagyong ginulat ang West Meng. Hindi pa dumating ang oras, ngunit ginamit niya ang kanyang mga sundalo upang isagawa ang pagsalakay sa silangan, nagbigay ng tsansang mabuhay sa babae.

Nais kamkamin ng imperyo ng Xia ang imperyo ng Tang; nagpadala ang Yan Bei ng mga sundalo tungo sa silangan upang ipaghiganti ang pagnakaw sa asawa ng emperador. Handa silang bitawan ang kanilang imperyo, kung saan pinaghirapan nilang buuin, para lamang bumalik sa lupain ng dating nagpapahirap sa kanila. Ginamit nila ang milyon nilang mga sundalo bilang pusta, nagawang makamit ang ilang sa kanilang hiling.

Zhuge Yue, akala ko ay ako ang pinaka baliw na taong nabubuhay. Gayumpaman, kumpara sayo, munti lamang ako. Hinamak ni Li Ce ang sarili sa kanyang isip. Paano siya makikipagkompitensya sa isang baliw?

Natalaga tayong lahat na magpagala-gala sa napagpasyahang landas ng kalangitan. Hindi ako makaalpas, at ganoon din si Yan Xun. Tanging ikaw lang ang matapang na paulit-ulit na umalpas at tumalon muli sa puyo ng tubig. Sa huli, natalo ako sayo, at tinatanggap ko ang pagkatalong ito na may karikitan.

Ang tono ay masigla at mabilis, lumilitaw na nakakatawa kumpara sa mga opisyales na lubos ang pag-iyak sa baba.

Tumayo si Sun Di sa hagdan ng palasyo at tumingin sa nanghahamon na anino. Ang masayang tono ay tumagos sa kanyang tainga, nakaramdam siya ng malungkot na pakiramdam. Ang mga daanan ng palasyo ay mahaba at malamig, napapalibutan ito ng mataas na pader ng palasyo sa parehong gilid. Ang halimuyak sa labas ay bahagyang maaamoy.

Sa maliwanag na mainit na araw, ang mga alon ay lumitaw sa kanyang puso, humihiwa sa malungkot na hamog sa kanyang puso at winawali ang manipis na alikabok sa malungkot na palasyo. Lagi na siyang ganito, pinapanood ang mga nangyayari sa mundo gamit ang bahagyang lasing na tingin ng kanyang mata.

Nang sumapit ang gabi, namaos na ang mga opisyales. Ang ilan sa mga nakakatanda ay nagkasakit at dinala paalis gamit ang mga stretcher.

Kumumot ang marangyang patong ng liwanag sa buong palasyong Jinwu habang tumatagos ito sa libong mga pinto. Ang kanyang alaala ay malabo. Tulad ng manipis na pising natanggal sa piraso ng tela, isang mahinang kibot ang kailangan upang magkapira-piraso ang piraso ng tela.

Bumaba si Li Ce sa hagdanan habang gumapang patungo sa kanya ang mga opisyales, umiiyak sa kanya na alagaan ang kalusugan niya at huwag magloko. "Lahat kayo ay talagangn tapat sa akin. Naayos ko na ang mga iniisip ko. Tumayo na kayo agad," saad niya.

Sumaya ang mga nanonood, nalulugod sa katotohanan na nagising na ang emperador.

"Upang magreplekta sa mga aksyon ko, nakapagdesisyon akong itigil ang pagpupulong ng korte ng tatlong araw. Lahat kayo ay bumalik na, mag-isip mabuti, at magsaliksik ng mga paraan upang pasaganahin ang ating bansa." Nang natapos niya ang kanyang sasabihin, naglakad siya palayo habang ang mga opisyales ay natulala. Bago siya lumabas ng palasyo, inutusan niya ang mga panloob niyang tagasilbi, "Maghanda ng piging sa susunod na tatlong araw. Dalhin ang lahat ng babae sa palasyong Roufu."

Hindi ulit makapagsalita ang mga nanonood habang ang emperador ay naggala sa malayo.

Oras na tumapak sa Baizhi Pass, mararating na ang teritoryo ng Xia. Kahit na taglamig, ang klima ay mainit pa rin tungo sa timog-kanluran ng Xianyang. Nang tumapak si Chu Qiao sa labas ng landas, umuulan noon. Habang nakatayo siya sa landas na patungo sa syudad ng Xianyang, nagdalawang-isip siya, hindi alam kung dapat ba siyang pumasok. Ang nakalipas na 11 taon ng kanyang buhay ay maraming nangyari. Ang unang walong taon ng kanyang buhay ay puno ng madilim na panahon, habang ang huling tatlong taon ay nalublob sa pagdanak ng dugo. Ngayon na nakawala na siya sa wakas sa kadena ng kanyang tadhana, hindi niya alam kung saan siya maglalagalag.

Ang naunang pakiramdam niya ng kasabikan ay humupa na; pagkakalma at ratyonalidad ang pumalit. Kung totoo talaga ito, anong klaseng tao na siya ngayon? Paano ito makikihalo sa mga tao na tulad ng kanyang estado? Siya ang naging sanhi na ilang beses na itong muntik mamatay. Sisirain ba niya ang kung ano mang mayroon ito ngayon, muli? Kung mali ang mga iniisip niya, ang ibig sabihin ng mga sinabi ni Li Ce ay pinakawalan siya ni Yan Xun dahil sa awa. Kung ganoon ay paano niya titignan ang bagay na ito? Sa kasalukuyan, wala na siyang lakas ng loob na magtanong pa. Kaya, nanirahan siya sa syudad ng Xianyang. Umupa siya ng maliit na bahay na may isang pinto at isang bakuran sa isang malayong lugar. Dalawang sanga ng willow ang nakabitin sa harap ng kanyang pinto, ngunit nalanta na.

Pito o walong araw ang lumipas sa isang iglap. Habang sinalubong ng syudad ng Xianyang ang bagong taon, makikita kahit saan ang mga dekorasyon. Ang pistang pakiramdam sa syudad ay masaya. Ang may-ari ng lupa sa kabila, nakitang mag-isa siyang naninirahan, ay paulit-ulit siyang inimbita upang gugulin ang bagong taon. Gayumpaman, tinanggihan niya ang imbita ng may-ari ng lupa.

Panibagong ilang araw ang lumipas. Habang ang taon-taon na Lantern Festival ay papalapit, bumagsak ang nyebe nang bukang-liwayway. Gayumpaman, bago pa man bumagsak sa lupa ang mga nyebe, nalusaw na sila. Ang bakas ng nyebe ay naipon sa mga sanga ng puno. Sa malayo, ang kasing puti ng nyebeng bundok ay makikita; dumadaloy ang mga ilog sa paanan nito. Ang syudad ay nababalot ng mga sycamore, nagbibigay ng kamangha-manghang tanawin.

Ang may-ari ng lupa na nasa tatlumpu ay medyo mataba. Mukha siyang palakaibigan at may dalawang anak; isang lalaki at isang babae. Ang asawa nito ay isang guro sa isang pribadong paaralan sa loob ng syudad; ang kanilang sambahayan ay maikokonsiderang nakakaluwag. Tila gustong-gusto ng batang babae si Chu Qiao. Kapag napapadaan ito sa kanyang pinto, madalas itong titingin sa kanyang bahay. Ang kapatid nitong lalaki, nang makita ang kyuryosidad nito, ay sinuportahan ito sa mga balikat nito at hinayaang makasulyap sa loob ng kanyang bahay.

Sa gabi, lumabas mag-isa si Chu Qiao dahil ayaw niya ng panibagong imbitasyon mula sa may-ari ng lupa. Hindi pa nagdidilim ang kalangitan; hindi pa rin nagbubukas ang panggabing palengke, ngunit ang mga kalye ay puno ng buhay. Maraming tao kahit saan; ang mga tindahan sa tabi ng daan ay nakatayo sa maayos na hanay sa malaking kalye. Ang mga tinderong nagtitinda ng mga bagay-bagay tulad ng alak, pagkain, at palamuti sa mukha ay nagkalat sa kalye. Si Chu Qiao, natagpuan ang atmosperang lubos na madaming tao, ay iniwasan ang kalyeng ito.

Dahil sa pistang okasyon, ang mga babae ng mga sambahayan na nakakaluwag sa buhay, na hindi karaniwang lumalabas ng kanilang tahanan, ay naggala sa mga kalye. Mayroong mga sedan at karwahe ng kabayo kahit saan, habang nilalagpasan nila si Chu Qiao. Tunog ng tawanan ang paminsan-minsang maririnig sa loob ng mga karwahe habangn humahalo ang mga ito sa mainit na hangin. Isa itong mapayapa at nakakaayong tanawin.

Kumpara sa mga taong marangyang nakabihis, nakasuot si Chu Qiao ng mga simpleng kasuotan. Gayumpaman, dahil kabilang sila sa imperyal na palasyo ng Tang, mas mukha itong marilag at mainam kumpara sa mga karaniwang simpleng kasuotan ng mga sibilyan. Ang kulay ng damit ay maputlang pinkish grey; ang kulay ng bistida ay maputlang asul at puti. Nakaburda ang mga bulaklak ng magnolia sa gilid ng bistida, nagmumukhang kakabulaklak lang na bulaklak ng lotus mula sa malayo. Nasasamahan ng kanyang malumanay at kalmadong kilos, nakaakit siya ng hindi mabilang na tingin mula sa mga iskolar at maharlikang batang amo habang mag-isa siyang naglalakad sa kalye. Ang ilan sa kanila ay sinubukan siyang lapitan upang makipag-usap, ngunit hindi makapagsalita nang nakalapit na sila sa kanya. Pakiramdam nila na ang pagkakalma niya ay hindi tulad ng sa ordinaryong babae; nagbibigay siya ng awra na mukhang hindi niya pinapansin sila. Habang nagdadalawang isip sila, nakalayo na siya.

Nang sumapit ang gabi, umangat sa kalangitan ang bilog na buwan. Ang mga bituin ay malayo at kakaunti, habang tumatama ang sinag ng buwan sa kanyang balikat. Hindi ito ang una niyang bisita sa syudad ng Xianyang. Tatlong taon ang nakakalipas, nang pinangunahan niya ang mga sundalo niya palabas ng syudad ng Zhen Huang, nakasalubong niya si Zhao Chun'er at ang kapatid nito na may suliranin. Matapos niyang ihatid ang mga ito pauwi, nagpadala si Zhao Chun'er ng mga sundalo upang tugisin siya. Habang tumatakas siya roon, tumapak siya sa syudad na ito.

Lumipas sa isang iglap ang oras. Walang nakarinig tungkol kay Zhao Song nitong mga taon na ito. Ang maimpluwensya at makapangyarihang prinsipe noon ay napalayas siguro mula sa pulitika ng Xia, dahil sa pinsala sa katawan niya. Para naman kay Zhao Chun'er, mukhang naglaho siya na parang bula. Walang nakakaalam kung nasaan ito.

Tumaas ang gilid ng labi ni Chu Qiao. Napakakaunti ng ngiti, naglaho na bago pa man umabot sa gilid ng kanyang mukha. Tulad ito ng patong ng manipis na hamog kung saan ay inalis ng malamig na hangin. Siguro, tama si Li Ce. Sa mundong ito, ang sobrang matalino ay hinding-hindi magiging masaya.

Isang malaking tagpi ng mga ilaw ang umilaw sa malayo. Marami silang kulay at mukhang marilag. Ang tunog ng mga paputok ay umalingawngaw, kasama ang mga tawa ng mga bata at ang sigaw ng mga nagtitinda na inaanunsyo ang kanilang paninda. Tinangay sila ng hangin padaan sa lawa at tungo sa kanyang tainga. Para sa kanya, mukhang isang maliwanag na apoy ang sinilaban, ngunit hindi ito nagbibigay ng kahit anong init. Ang tunog ay tila nagmumula sa ibang mundo.

Matagal na rin simula noong ipinagdiwang niya ang Lantern Festival.

Tumingala siya, tila ba nabalik siya sa oras ng araw na iyon. Mayroong maliit na pulang kabayo at isang bata na nakasuot ng puting roba na may hawak ng puting parol na kuneho. Habang sinusundan ng bata ang binata, tumalikod ito at nagbigay ng malamig na tingin. Lagi niyang iniisip na binibigyang-diin ng tingin na iyon ang kalupitan, at may paghamak ang mababang tingin niya sa nabubuhay na nasa ilalim niya.

Sa kasalukuyan, inaalaala niya ang nakaraan, tila malinaw niyang nakikita ang kailaliman ng mata ng lalaki. Kung hindi sila naglayag sa mga ilaw nang araw na iyon... kung hindi ginulat ng mga paputok ng mga bata ang kanyang kabayo at naging dahilan upang tumakbo siya palabas ng syudad, ginugol ang gabi kasama si Yan Xun, maiiba ba ang mga bagay-bagay?

Siguro hindi. Siguro ay mananatili pa rin sa dati ang mga bagay-bagay. Ang mga espadang kailangan itaas ay maitataas pa rin. Ang mga salita ng pagtatraydor ay maiuusal pa rin. Ang lahat ay nakaplano na, ayon sa kalangitan. Walang makakasalungat sa ikot ng kapalaran. Gayumpaman, kahit papaano, kung hindi dahil sa paghihiwalay na iyon, hindi niya iisipin na kasalukuyang buhay ang lalaki, habang inuugnay niya ang kanyang alaala sa nakalipas na Lantern Festival kasama ang lalaki.

Wala sa isip siyang nakalakad ng malayo. Isang makapal at mataas na puno ng elm, tantyang nasa 30 hanggang 40 taong gulang sa edad ng puno, ang nakatayo sa tabi ng lawa. Piraso ng pulang tela ang nakatahi kahit saan, nasasamahan ng papel na may kulay. Isa itong pamahiin na malapit sa pusong pinanghahawakan ng mga mamamayan, habang naniniwala silang isang diyos ang naninirahan sa puno ng elm na iyon. Naniniwala sila na mas makapal ang puno, mas mataas ang probabilidad na naninirahan dito ang pwersa ng hindi pangkaraniwan. Sa tagal ng panahon, ang mga mamamayan na nakakaranas ng hirap ay bibisita sa puno upang magdasal ng kapayapaan, sa pag-asang makahanap ng liwanag sa dulo ng yungib.

Tumayo si Chu Qiao sa ilaim ng puno nang isang hindi kilalang emosyon ang dumaluyong sa kanyang puso. Hindi niya alam kung anong nasa puno. Tahimik siyang tumingala at pinasingkit ng kalahati ang kanyang mga mata, walang emosyon na nakatuon sa parehong lugar ng matagal. Ang kanyang tingin ay tila lumampas sa oras tulad ng malinaw na tubig.

Hindi niya alam ang nangyari dito tatlong taon na ang nakakalipas. Nang binili siya ng pamilya Zhan, isang tao ang dumaan sa lugar na ito. Nang araw na iyon, maliwanag ang sikat ng araw. Mag-isa itong tumayo sa ilalim ng puno habang nakasalisi nila na makita ang isa't-isa ng ilang pulgada lang.

Naramdaman ni Chu Qiao ang palawit na jade sa loob ng kanyang bulsa. Habang hawak niya ito, napatulala siya.

Ang palawit na ito ang kinuha niya kay Zhuge Yue nang naglaban sila sa sambahayan ni Tian Chengshuo sa syudad ng Wupeng. Pagkatapos noon, nagbalat-kayo siya bilang isang mananayaw at nadiskubre ng lalaki. Hiningi nito ang palawit na jade sa kanya, ngunit puno pa siya ng inis noon. Sa pagkasumpong, sinabi niya na itinapon niya ito sa lawa, dahilan upang walang pinatunguhan na hinukay ng mga tagasilbi sa sambahayan ni Tian Chengshuo ang lawa.

Nang araw na nilisan niya ang Yan Bei, wala siyang ibang dinala kung hindi ang palawit na ito lang.

Habang lumilipas ang oras, malapit na nanatili ang mga alaala sa kanyang puso, ginawang halimbawa ng palawit na jade. Tumingala siya, nakaramdam ng mapait na pakiramdam sa kanyang mata.

Matapos ang maraming pasikot-sikot, nakatadhana pa rin silang tumahak ng ibang landas. Iba na ang mga kalagayan ngayon na lumipas na ang oras. Nahiwalay na sila at nagkalayo, ngunit ang mga alitan tungkol sa kanilang bansa ay nagtatagal pa rin sa espasyo sa pagitan nila. At saka, sa kasalukuyan niyang lagay, anong karapatan niyang lapitan ang lalaki? Saan niya kukunin ang lakas ng loob?

Ipinikit ni Chu Qiao ang kanyang mata at itinapon pataas ang palawit na jade. Sa isang segundo na iyon, libong magulong emosyon ang naglaro sa kanyang isip. Ginawa silang tanga ng kalangitan. Hindi talaga sila nakatadhanang magkasama.

Plonk! Nang tumalikod siya upang umalis, isang malutong na tunog ang umalingawngaw sa likod niya. Ang tunog ay tila isang daliri na dumaplis sa kwerdas ng guqin. Ang tunog ay malambot sa pandinig, at tumagos sa kanyang likod. Natatarantang tumalikod si Chu Qiao, para lang makita na bumagsak mula sa puno ang dalawang palawit na jade, perpektong bumagsak sa bawat kamay niya.

Ang mga palawit ay puti at makinang. Magkahawig sila ng disenyo; sila talaga ay magkaparehong pares.

Related Books

Popular novel hashtag