Lubos na natigalgal si Chu Qiao. Sa isang segundong iyon, binuo ng isip niya ang pigura ng lalaking iyon. Sa manggas nito na nililipad-lipad ng hangin, anong klaseng emosyon ang mayroon ito upang itapon ang kalahati ng jade, bago tumalikod sakay ng kabayo nito, iniwan ang puno na ito kung saan nagdadasal ang mga tao ng kapayapaan at katiwasayan.
Nagsimula ulit sumakit ang pinanggagalingan ng luha niya, ngunit walang luha ang tumulo. Matagal na tahimik tumayo doon, hanay na mga pangpistang ilaw ang nagsimulang nagliwanag, ngunit hindi niya ito napansin. Saka lang siya nakabalik sa reyalidad noong may tinderong nagbebenta ng makukulay na parol ang dumaan.
Pareho pa rin ang disenyo ng parol sa nakaraan, kamukhang-kamukha ng parol na mayroon siya. Tahimik na tumingin, hindi niya mailihis ang kanyang tingin. Nainip ang nagbebenta at napasimangot habang nagtatanong, "Ang Binibining ito, tapos ka na bang mamili?" nagmamadali siyang nagbayad at inangat ang parol na iyon, tumayo siya sa daanan na iyon. Sa malungkot niyang anino, mukha siyang nawawalang bata.
Unti-unting lumapit ang mga tao, at nadala siya ng bugso ng mga tao. Napalibutan siya ng maiinit na tawanan at tuksuhan, may tunog ng mga tambol at mga cymbal sa likod na dumadagdag sa pakiramdam. Mayroong mga mayayamang may-ari ng lupa ang nagpapaputok ng paputok sa kalangitan, at ang halimuyak ng lutong karne, alak, at ang pabango ng mga babae na natatangay ng hangin. Mayroong iba na pinaglalaruan ang kanilang mga parol, ang iba ay hinuhulaan ang palaisipan na nasa mga parol, may iba na umiinom ng alak, mayroong kumakain, ang iba ay nanonood ng pagtatanghal, at ang iba ang nagtatanghal ng iba't-ibang klase ng sining. Sa gabing ito, mas mukhang may buhay ang lahat. Tila makikita sa lahat ng gilid ang kasiyahan. Diretsong nakatingin sa harap, mag-isa siyang naglakad sa isang diretsong linya. Maingat na hawak ang parol, tila ba nag-aalala siya na may makakatabig dito at makakasira.
Maliwanag na suminag sa kanyang mukha ang maliwanag na ilaw, pinagmumukha siyang napakalungkot. Siya ay lubos na nalulumbay, parang lubos na naiiba sa pagtutulakan at pagmamadali ng kapaligiran. Mayroong mga nakakita sa kanya, ngunit walang pumansin sa kanya. Patuloy lang siyang napaka tahimik na naglalakad, dumadaan sa tingin ng marami, gayumpaman ay tanging anino niya lang ang naglakad sa tabi niya, at tanging siya ay hindi alam ang kanyang pupuntahan.
Sa wakas, nang paubos na ang kandila, mayroon nalang mahinang apoy. Maingat na naglakad sa tabi ng lawa, inangat niya ang parol habang nabasa ng berdeng tubig ang gilid ng kanyang palda, ngunit lubos siyang hindi nababahala doon. Habang patong ng dahon ang dumaplis sa kanyang mukha at hinaplos ang kanyang balikat. Makati ito, tila ba kinikiliti ng mga sangang iyon ang kanyang puso tulad ng patong-patong na kapalarang inakibat siya sa iba.
Zhuge Yue, mukhang sa buhay na ito, may utang na loob ako sa iyo. Kung maaari, magtagpo muli tayo ng maaga sa mas magandang oras at lugar.
Sa kanyang maputlang mga daliring bahagyang tumutulak, lumutang sa malayo ang parol. Sa hindi naiistorbong tubig ng lawa, parang isang maliit na bangka ang parol, gumagawa ng maliit na alon, at kasamang nawala ng alon sa kadiliman ng gabi habang tinatangay ito sa ibabaw ng lawang puno ng repleksyon ng mga ilaw ng pista.
Patuloy na tumingin si Chu Qiao nang tumayo siya. Sa panggabing simoy na umiihip sa kanyang mukha, ang ginaw ay parang palasong dumaplis sa kanyang puso. Sa maraming kulay na iniilawan ang panggabing kalangitan, ang puso niya ay tila ang unti-unting palayong parol. Sa ilaw na kumukutitap, tila ba mapapatay ito kahit anong oras. Noon ay ginawa niya ang desisyon na punitin ang huling piraso ng pag-asa niya gamit ang sarili niyang mga kamay. Gumuho ang mundo niya sa kanyang mga kamay, habang ang mga posteng umaalalay sa mga paniniwala niya ay naging alikabok at ang sutlang kurtina ay naging puti. Ang loob niyang mundo ay matagal nang nawalan ng senyales ng buhay, habang ang mga indikasyon ng buhay ay matagal nang nawala, iniiwan ang walang katapusang grey na kawalan na walang makikitang dulo.
Bigla, isang maliit na alon ang sumalakay sa maliit na parol. Isang maliit na bangka ang dumaan, ang mga sagwan nito na gumagawa ng tsunami sa maliit na parol. Sa pagkutitap ng ilaw, makikitang muntik nang mapatay ang apoy. Tagilid na ngayon ang parol, at tila lumulubog. Sa kung anong dahilan, ang manhid na puso ni Chu Qiao ay biglang kinabahan. Wala sa isip siyang napahakbang, nakasimangot, na para bang nag-aalala para sa maliit na apoy na iyon.
Noon din, isang mas malaking parol ang inanod papalapit. Ang tali sa taas ng parol at nabuhol sa parol ni Chu Qiao. Pumaikot-ikot sa lugar na iyon ng isang beses, nangyari na kumanan ito sa parol ni Chu Qiao, habang hinaharangan ang panibagong alon na nagmumula sa mas malaking bangka. Sa maliit na parol ni Chu Qiao, pumulupot sa isa't-isa ang dalawang parol, lumulutang sa pinakamalayong dulo ng lawa. Mayroon silang parehong disenyo na kuneho; isang malaki, isang maliit. Habang nakasandal sila sa isa't-isa, nakakabagbag-damdamin itong tignan. Sa malaking parol na hinaharang ang mga alon para sa maliit na parol, tumigil sa pagkutitap ang apoy at mas nagliwanag pa. Ang init ng dalawang ilaw ay suminag sa nakapalibot na tubig.
Maginhawang napabuntong-hininga si Chu Qiao. Kahit na alam niyang mamamatay din naman ang apoy, mas maganda pa rin kung magtatagal ito kahit kaunti. Inalis ang pagkakunot ng kanyang noo, kaswal niyang inangat ang kanyang tingin. Gayumpaman, sa kabilang dulo ng lawa, isang pigura ang biglang nakita! Pakiramdam niya ay tinamaan siya ng kidlat habang nanatili siyang nakatayo sa lupa, lubos na natigalgal. Tila nakita niya ulit ang lalaki. Sa puting kapa, tuwid ang tindig niya sa hangin. Ang itim nitong buhok ay tinatakpan ang parte ng mata nito habang ang mata niya ay mukhang hindi naiistorbo tulad ng nagyelong lawa.
Dumaan ang mga dragon boats, ang kanilang anino ay hinaharangan ang nakikita ni Chu Qiao, may matingkad na pulang mga kurtina at masayang mga taong nagdedekurasyon sa kalangitan na ito. Nakatingin sa kanya, nakahawak din ang lalaki ng patpat na ginamit panghawak ng parol. Ang tingin nito ay tumagos sa espasyo at tila natigalgal din, na may magulong mga damdamin na pumupuno sa mukha nito, at sa wakas, napatigil ito sa kanyang ginagawa.
Bigla, maraming paputok ang narinig sa likod nila. Ang kumikinang na mga ilaw ay niliwanagan ang nagtatama nilang tingin. Nakatingin sa kanya, ang tingin ni Chu Qiao ay isang tingin na hindi pa niya nakikita dati. Sa katunayan, hindi niya alam kung paano ilalarawan ito. Ang tingin ng babae ay parang sa bata na inabandona, nakatingin sa kanyang tahanan sa isang pangarap, hindi magawang ilihis ang kanyang tingin. Doon nakapaloob ang pag-asa at pangarap na kinimkim ng higit 600 gabi, ngunit bawat bukang-liwayway, tatraydurin muli siya ng mga panaginip niya.
Binuka ang kanyang bibig, para bang may nais siyang sabihin ngunit walang salita ang lumabas. Sa kanyang labi na nanginginig, ni hindi pa nga siya nakakangiti bago dalawang linya ng luha ang tumulo pababa ng kanyang mukha. Nang nakalayo ang mga dragon boats, tumakbo siya. Buong buhay niya ay umiiwas siya, umaatras, inilalayo ang sarili, at humahanap ng dahilan para lumayo sa lalaki. Gayumpaman, matapos makaranas ng buhay o kamatayan, ang huli niyang pagpipigil sa kanyang isip ay nabuwag na. Nakakita ba siya ng ilusyon na mawawala pag nahawakan niya?
Sobrang nagmamadali siyang tumakbo, habang ang mga dumadaan ay kakaiba siyang tinignan. Gayumpaman ay hindi siya nababahala. Tulad ng lotus na naglalaho sa hamog, ang kanyang damit ay pumagaspas habang tumatakbo siya. Kahit na bumaluktot ang kanyang binti, at ang kanyang tainga na puno ng malakulog na protesta mula sa kanyang puso, nagpatuloy siya, lagpas sa tulay, lagpas sa parke, lagpas sa mga puno, at sa wakas, hingal na hingal, pakiramdam niya ay panandalian lang ang lahat, na tila ba maglalaho ang mga ito.
Tumingin si Zhuge Yue sa kanya, ang tingin nito ay lubos na kalmado. Gayumpaman, nang nagtagpo muli ang kanilang tingin, makakakita ng pag-aalala.
Lumapit ang mga tao at nag-ingay tungo sa kanila.
Biglang natakot si Chu Qiao. Iba ito mula sa takot na mamatay, takot na maabandona. Naging malakas siya buong buhay niya, na may hindi kapani-paniwalang tibay ng isip, at mayroon lamang dalawang beses sa kanyang buhay na sobra siyang natakot. Ang unang beses ay noong lumubog ang lalaki sa nagyeyelong lawa, at ngayon, ito ang pangalawang beses niya.
Hindi pinapansin ang kapaligiran, inunat niya ang kanyang kamay at hinila ang damit ng lalaki ng buong lakasl. Kahit gaano pa karami ang tao, tumatanggi siyang bumitaw. Sa likod ng kanyang palad, bigla siyang nakaramdam ng init. Isang kamay ang marahang humawak pabalik sa kanya.
Sa matingkad na mga ilaw, nilapitan niya ang lalaki. Sa dalawang braso nito, gumawa ito ng espasyo na para lamang sa kanilang dalawa. Sa anino ng mga taong dumadaan, at ang alon ng mga tubig na naaanod sa likuran, tila napakalapit niya sa lalaki na naaamoy niya ang hininga nito. Sa kanyang itim na itim na mga mata, mukhang gusto niyang titigan hanggang makabutas ng dalawang butas sa mukha ng lalaki.
Sa luhang nag-uumpisa nang mamuo sa kanyang mata, ginawa niya ang lahat upang manatililng kalmado, ngunit hindi niya maiwasang inunat ang kamay at hawakan ang pigura ng lalaki. Hinawakan niya ang kilay nito, manipis at mayabang na pataas, gayumpaman hindi siya kailan pa man lubos na nasiyahan. Hinawakan niya ang mata nito, kalmado at walang emosyon, gayumpaman ay hindi siya nito pinabayaan sa mga panahong kinakailangan niya. Hinawakan niya ang labi nito, bibihira itong magsalita, gayumpaman ay nawala na nito ang pagiging mag-isa.
Ang sagot na hinahanap niya ay nakatayo na sa harap niya ngayon, gayumpaman ay bigla niyang naramdaman na nanghina ang kanyang tuhod. May pinipigilang hikbi na nanggagaling sa kanyang lalamunan, nanghina siya at bumagsak sa isang gilid. May sukdulang bilis ng reaksyon, mabilis niyang hinawakan sa bewang ang babae. Sa puntong nagdikit ang kanilang pigura, tila ba ang orasan na nakatigil at nagsimula nang gumalaw muli. Ang pinipigilan niyang pag-iyak ay napakawalan na sa wakas, habang ang kanyang emosyon ay umaapaw. Yakap siya, malayang tumulo sa dibdib ng lalaki ang mga luha niya, binabasa ang kanyang damit, tumagos sa kanyang puso.
"Bakit ka nagsinungaling sa akin? Bakit hindi ka pumunta upang makita ako? Akala ko namatay ka na." Humahagulgol, kahit ang kanyang katawan ay nanginginig, habang paulit-ulit niyang inulit, "Akala ko namatay ka na..."
Kagat ang kanyang labi, hindi nagsalita si Zhuge Yue. Matapos makarating ng malayo, hindi niya talaga intensyon na hanapin ang babae, at nais lang na maging malapit sa babae na hindi ito iniistorbo. Ang makalumang syudad ng Xianyang ay ang syudad sa loob ng imperyo ng Xia na pinakamalapit sa imperyo ng Tang.
Matapos ibuka ng ilang beses ang kanyang bibig, hindi niya alam kung anong sasabihin sa babae, dahil hindi siya makahanap ng sasabihin. Matapos pakalmahin ang dumadaluyong na alon ng emosyon sa kanyang puso, hinaplos niya ang likod nito, tapos ay nagsalita siya sa karaniwan niyang kalamdong tono, tila ba naiinip siya, "Tahan na, hindi pa ako namamatay."
"Bakit hindi mo ako pinuntahan kung hindi ka namatay?" tinulak ang gilid nito, mapula ang mata ni Chu Qiao habang patuloy siyang humahagulgol, "Hindi mo ba alam kung paano magpadala ng sulat?"
Sa harap ng lalaki, hindi pa siya umiiyak ng sobra na nahihirapan na siyang tumayo ng tuwid. Bigla, ang sakit ng pagdanas ng buhay at kamatayan ay napakaliit tignan, at ang kawalan ng pag-asa ng pagtugis sa kanya at ang lahat ng pagod niya sa nakalipas na dalawang taon ay tila mapanglaw kumpara sa mga emosyong nararamdaman niya sa oras na ito.
Inunat niya ang kanyang kamay at nag-utos, "Halika dito."
Pinunasan ang kanyang luha, ito ang unang beses sa kanyang buhay na ayaw niya itong salungatin, habang lumukso siya sa yakap nito, umiiyak habang pinapagalitan ang lalaki, "Napakaloko-loko mo!"
Matapos akyatin ang hindi mabilang na bundok at tawirin ang maraming ilog, at nakalagpas sa poot at agawan ng kapangyarihan sa pagitan ng maraming bansa na maraming beses nakasagupa ang kamatayan, tumalikod siya at nahanap ang taong hinahanap niya na naghihintay sa likod niya. Sa gabing ito, napakahimbing niyang natulog, na para bang nababad niya sa isang komportableng mainit na paliligo.
Tila ba bumalik siya sa mga araw niya sa Military Intelligence Department nang kasama niya sila Xiao Shi, Mao'er, at iba pa niyang kinakapatid. Kapag umuulan ng nyebe, makakaramdam siya ng katamaran at mapapahaba ang tulog. Iuunat ni Xiao Shi ang malamig nitong kamay upang tapikin ang pisngi ni Chu Qiao at sabihin na gumising na siya. Tapos ay mapapasimangot si Chu Qiao at magtutulakbong ng kumot. Ang demonyitang si Mao'er ay biglang hihilahin ang kumot ni Chu Qiao tapos ay magsisimulang tumawa sa isang gilid. Si Ming Rui ay nasa tokador, tatawag siya upang bumili ng agahan at ihatid sa kanilang silid habang naglalagay siya ng palamuti sa mukha.
Ang kalangitan noon ay napaka asul, at napakabata nila. Ang kanilang kabataan ay tila mga isda na kakahuli lang mula sa dagat, punong-puno ng buhay. Nang nagsimula nang maglaho sa wakas ang pagod niya, malamig ang kanyang mukha nang binuksan niya ang kanyang mga mata, para lang makita na nakatayo ang lalaki sa harap niya na mahaba ang mukha habang nakasimangot. "Alam mo ba kung anong oras na?"
Nang oras na iyon, may ilusyon siya na napakalapit ng nakikita niya, habang ang kanyang ulo ay tila hindi na gumagana. Tumingin siya sa lalaki habang bahagyang kinukunot ang kanyang noo, nagmumukhang napakaseryoso. Nalunok si Zhuge Yue ang mga sasabihin niya sa seryosong mukha ng babae. Nang tatalikod na siya at aalis, naramdaman niya na may humihila sa damit niya. Tumingin sa baba, nakakita siya ng maliit na parang porselanang kamay na humihila-hila sa kanyang kasuotan, malakas na tipong makikita na ang ugat.
Ang alaala kagabi ay muling lumitaw tapos ay namula ang kanyang mukha, habang niluwagan niya ang kanyang kamay at tumingin sa labas ng bintana, para lang magulat. "Bakit madilim ang kalangitan?"
Medyo naiinis, tumitig si Zhuge Yue sa babae, bago tumalikod at nagsindi muli ng panibagong kandila. May lakas ng loob pa rin siyang magtanong?
Matapos nilang maghiwalay noong isang araw, bumalik siya sa tinutuluyan niya. Dahil lihim ang paglalakbay na ito, hindi siya tumuloy sa opisyal na tulugan. Bagkus, tumuloy siya sa pribadong matutuluyan. Matapos niyang bumalik, hindi siya nakatulog ng buong gabi hanggang sa kinaumagahan. Gayumpaman, matapos matagal na maghintay, walang pumunta upang hanapin siya. Medyo naiinis siya habang iniisip na, "Hindi ko siya hahanapin. Titignan ko kung pupunta siya." Gayumpaman, kahit nagsimula nang lumubog ang araw, wala pa rin bumibisita sa kanya. Naubos na sa wakas ang pasensya niya at mag-isang tumungo sa tinutuluyan ng babae. Matapos pumasok na hindi nagpapaalam, binati siya ng isang tanawin ng mahimbing na natutulog na babae. Paanong siya, na nahirapang matulog sa nakalipas na isang araw at isang gabi, ay hindi maiinis?