Nais niyang magsalita. Maraming bagay na gusto niyang sabihin, gayumpaman ay hindi maunawaan siyang umusal, na tila ba isa siyang pipi.
Li Ce, alam mo ba? Patay na si Ginoong Wu, patay na si Binibining Yu. Maraming iba ang patay na. Maraming tao ang pinatay ni Yan Xun. Sa tingin mo ba ay papatayin niya rin ako?
Li Ce, patay na rin si Zhuge Yue, ako ang dahilan ng pagkamatay niya. Alam mo ba? Kasalanan ko kung bakit siya namatay.
Li Ce, tama ka. Malamig ang puso ni Yan Xun. Ang kanyang puso, kahit ang mga pangako niya ay nagyelo na.
Tila malawak at walang laman ang mundo habang nakasandal si Chu Qiao sa yakap ni Li Ce at nakatulog, isang pagod na itsura ang nasa kanyang mukha. Tumingin si Li Ce sa kanya, nakita na napakaputla at hapis niya. Kahit si Li Ce mismo ay naisip na nababaliw na siya, iniisip kung ano ang mangyayari kapag nahuli siya kahit isang segundo. Kahit isang segundo...
Umihip sa kanila ang hangin at tinanggal niya ang kanyang pampatong, binalot si Chu Qiao sa kanyang yakap. Napakapayat niyang tignan at parang maliit na bolang bumaluktot, na para bang isa pa rin siyang maliit na bata. Nag-angat ng tingin si Li Ce at tumingin sa kalangitang puno ng nyebe. Tumingin siya sa kaaway na hukbo na naglalabas ng masidhing pagkauhaw sa dugo, tapos ay tumingin sa mataas na Longyin Pass. Habang nakatingin siya sa kapaligiran na nasa harap niya, ang kanyang puso ay napuno ng galit na hindi mapigil.
Yan Xun, paano mo naatim na magawa ito? Paano naging ganito kabato ang iyong puso?
"Kamahalan, nagpadala ang mga mensahero ng Xia upang kwestyunin kung balak ng Tang na makigambala sa kanilang lokal na mga problema. Anong isasagot natin?" bumaba ang gwardya ng imperyo at nagmadaling lumapit.
Dinala ni Li Ce si Chu Qiao at sinabi sa nagyeyelong boses, "Sabihin kay Zhao Yang na kinuha ko na siya. Kung nais niyang makuha pabalik si Chu Qiao, maghihintay ako sa Tang Jing."
"Kamahalan, dinala ko na iyong tao dito." Saad ni Tie You pagkalapit niya; isang lalaki na nasa kalagitnaan ang edad na nababalot ng tattoo ang nakasunod sa likod niya. ang lalaki ay ang pinuno ng grupo ng lalaki na tumalon mula sa tuktok ng manyebeng bundok upang iligtas si Chu Qiao kanina.
Medyo lumambot ang ayos ng mukha ni Li Ce habang tumatango siya sa lalaki at sinabi, "Pasasalamat ko sayo."
Nagbaba ng ulo ang lalaking puro tattoo at sumagot, "Limitado lang ang bilang namin. Kung hindi dahil sa Kamahalan, nasa malubhang panganib ngayon si Heneral Chu."
"Kahit ano pa man, kayo ang nagdala ng tulong sa tamang oras. Tatandaan ko ang utang na loob na ito at babayaran sa hinaharap kung dumating man ang oportyunidad."
"Hindi ako mangangahas. Umaakto lamang ako base sa utos."
Kumibot ang kilay ni Li Ce habang nag-uusisa siyang nagtanong, "Sino ang amo mo?"
"Pinigilan na ng amo ko ang mga sundalo ng Yan Bei at nagsaayos ng dagdag na kawal sa bawat daanan palabas niyo. Kamahalan, pakiusap magmadali kayo at umalis na, kami ang magiging gwardya sa likuran."
Marahang tuamngo si Li Ce. May malalim na tingin ang mga mata, nagsalita siya na may mabigat na tono, "Hindi maipapahayag ng mga salita ang pasasalamat ko sa pabor na nagawa mo. Mag-ingat ka." Nang natapos na niya ang kanyang sasabihin, mabilis siyang umalis kasama ang hukbo ng Tang at ang mga sundalo ng hukbong Xiuli.
Mayroong hindi lalagpas sa 60,000 sundalo sa Longyin Pass. Nang makita si Li Ce at ang hukbo niya ng 200,000, hindi nila alam kung tutugisin ba sila. Matagal na nag-isip ang heneral ng kampamyento bago sinabi, "Madali, bilis at magtanong ng susunod na utos mula sa Kamahalan."
Mahabang napahinga ang mga sundalo habang iniisip nila: Magandang senyales ito. Oras na dumating na ang utos mula sa Kamahalan, wala nang bakas na naiwan ng masamang pangyayaring ito.
Kulang isang oras, papunta ang pangkat sa Shichuan Junction. Isang grupo na may 2,000 katao ang tahimik na naghihintay sa kanila. Tumungo ang mga tauhan ni Li Ce doon at nakipagnegosasyon sa kanila, at pagkatapos ay nag-iwan sila ng karwahe ng kabayo at umalis.
Bumalik si Tie You at sinabi, "Iyon pa rin yung parehong grupo. Naghanda sila ng mga kabayo at rasyon para sa atin sampung kilometrosa harap. Nag-iwan din sila ng karwahe ng kabayo at inabisuhan ang Kamahalan na maglakbay sakay noon, dahil malamig ang Yan Bei."
Hinawi ni Li Ce ang kurtina ng karwahe at tumingin sa loob. Ang loob ay malaki, nilagyan ng malambot na kama na gawa sa brocade. Mayroong bakal na lalagyan sa malaking kama, na may dalawang brazier ng uling. Ang loob ng karwahe ay kasing init ng tagsibol. Mayroon pa ngang maliit na lutuan sa gitna, naglalabas ng usok na amoy ng gamot. Nang binuksan niya ito, isang palayok ng mainit na mainit at pampalusog na sabaw ng ginseng na manok ang inilagay sa loob.
"Kamahalan, saan mismo nanggaling ang Hari ng Qinghai na ito? Naging masigasig siya na tulungan tayo ngayon. Nagmumula lang ba talaga ito sa isang purong kagustuhan na gawan tayo ng pabor?"
Tahimik na tumingin si Li Ce sa palayok ng manok na iyon ng matagal at nanatiling tahimik.
Humiga si Chu Qiao sa karwahe, ang kanyang kutis ay maputla at matamlay. Tila naramdaman ang init mula sa mga brazier ng uling, napahinga siya, bago umurong sa yakap ng kama, mukhang isang kuneho na mahimbing na nakatulog.
"Tie You, kung ikaw ito, sinong gagawa ng mga ito sayo?"
Natigilan si Tie You at nag-isip-isip muna bago sumagot, "Tanging ang aking ina lang ang makakagawa. Kahit ang asawa ko ay hindi ito magawa."
Tumaas ang gilid ng labi ni Li Ce habang bahagya siyang napatawa, "Tama, hindi marami ang gagawa ng ganitong bagay."
"Kamahalan, nahulaan niyo na ba ang pagkakalilanlan niya?"
"Alam ko na ngayon." Tumango si Li Ce, at tumingin sa malayong kabundukan na nakatago sa ilalim ng puting bagyo ng nyebe. May bahid ng hindi pagkasigurado sa kanyang boses, nagnilay-nilay siya, "Kung pagsusupetya lang nitong nakaraan, sigurado na ako ngayon."
Kahit gaano kasalungat ang kapalaran, kahit ano mang pagdududa, ang lahat ang isang tau-tauhan na kumikilos ukol sa natukoy nang landas. Dahil hindi makatakas ang isa dito, bakit niya sisirain ang pagtatanghal na paparating?
Bahagyang ngumiti si Li Ce habang ang malumanay na ekspresyon sa kanyang mukha at nagpapahiwatig ng pagkakaiba at kakalmahan.
Zhuge Yue, hindi ako kasing galing mo.
Huminto na sa wakas ang pagbagsak ng nyebe bago ang pagputok ng araw. Bago pa man lumabas ang araw, ang mundo ay nababalot pa rin ng madilim na kadiliman. Isang lalaki na nakasuot ng berdeng roba ang nakatayo sa tuktok ng bundok. Isang mala-nyebeng kwago ang pinapagaspas ang mga pakpak nito mula sa malayo; ang mabangis na nasa taluktok na maninila ng kabundukan ay mapagpakumbabang lumapag sa nakaunat niyang kamay. Ang katawan nito ay purong puti, na may roon lamang tatlong pulang balahibo sa buntot nito, kumikinang tulad ng pulang kulay ng dugo. Binuksan ang lalagyan ng sulat na nakadikit sa kwago, ang sulat-kamay na mga salita ay nakuha ang kanyang atensyon: sinala ng emperor ng Tang ang mga sundalo niya at bumalik sa hangganan ng Tang. Ayos lang ako. Hindi na kailangan na mamiss ako.
Ang itsura ng lalaki ay kalmado habang ang kanyang mga mata ay pinanatili ang kanyang preskong pag-uugali. Natural niyang nakikita na inaasar siya ng kanyang tauhan. Sino ang maayos lang, at sino mismo ang nakamiss kanino? Kaya, sumagot siya: Huwag na kayo mag-abalang maghiwa-hiwalay, mamatay ka na dyan.
Mula sa pusong tumawa ang batang heneral nang natanggap niya ang sagot, ipinapakita ang kaputian ng kanyang ngipin. Ikinumpas niya ang kanyang kamay at sinabi sa kanyang mga tauhan, "Magsikalat na tayo, oras na para umuwi."
"Ikapitong Heneral, malamang ay namimiss mo na ang asawa mo ngayon." Isang lalaki na nasa kwarenta anyos ang nagsalita habang humahalakhak. Ang kanyang balikat ay natamaan ng palaso at kakalagay lang ng benda, gayumpaman ay tumatawa siya na para bang ayos na ayos lang siya. Ang mga tattoo sa kanyang mukha ay gumalaw-galaw na parang maliit na ahas.
"Shoo! Ikaw na matandang binata, sana ay hindi mo maramdaman ang ganitong pananabik sa natitira mo pang buhay."
"Napakabangis ng mga tuta ng Yan Bei na ito!" isang heneral na nasa trenta anyos ang nagbulalas habang naglakad siya na walang pang-itaas, sa kabila ng malamig na panahon. Mayroon benda na nakabalot sa kanyang dibdib. Makikita na siya din ay kakakuha lang sugat na iyon.
"Hindi ko naman ninakaw ang kanilang asawa, ngunit tinangka nila akong patayin."
Tumawa ang ikapitong heneral at sumagot, "Hindi mo ninakaw ang asawa niya, ngunit ninakaw ni Master. Tayo na, hindi naman tayo pumunta upang makidigma. Magbigay ng utos kay Qi Lang na mag-ayos ng landas na aatrasan. Maghanda na tayong lahat na umalis sa lugar na ito."
Ang komander na tinawag ng ikapitong heneral na "Matandang Binata" ay bumulong-bulong habang tumatayo siya, sinasabi habang naglalakad, "Pakiramdam ko na ang laban na ito ni Master ay hindi nararapat. Hindi man lang niya nakita ang kanyang asawa bago siya inilayo ng panibagong tao. Hindi naman sa hindi tayo mananaol sa kanila. Natalo talaga tayo ngayon."
Ang bilang ng mga tao sa tolda ay numinipis habang umaalis isa-isa. Tumayo ang ikapitong heneral sa orihinal niyang posisyon, panandaliang natigilan sa kanyang narinig. Matapos magbulay-bulay, sinabi niya sa sarili niya, "Tunay na hindi magagawa ni Master na gumawa ng ganoon ka-mapanganib!"
Tama, sa sandaling ang pakikipaglaban ay nakaabot sa isang walang kabuluhan at nagpatuloy, kung anumang masamang bagay ang mangyari sa kabilang panig, wala itong kabuluhan kahit na sila ay nanalo.
Naisip ng ikapitong heneral ang lalaking nakita niya sa pinaglabanan habang ang kanyang mata ay naningkit sa poot. Noon, kung hindi dahil sa tulng na ibinigay ng mga kasama ni Yue Da, namatay na siya sa maramihang pagpatay na iyon dalawang taon na ang nakakalipas. Ang iskor ay kailangang maayos sa lalong madaling panahon.
Lumipas ang tatlong araw nang dinala ni Li Ce si Chu Qiao sa isang barko sa Tangshui Pass. Sumikat na ang araw mula sa ilalim ng abot-tanaw, tinatakpan ang lupain sa ibaba ng gintong ningning nito. Ang kalangitan ay maaliwalas; walang mga ulap na makikita sa ilang milya. Malapit sa timog-kanluran ang Tangshui Pass; ang klima ay mainit, dumadaloy ang mga ilog, at ang lupain ay isang matingkad na aquamarine. Ang malaking barkoay pinangunahan ang armada ng libong mga bangka habang umalis ito na may malakulog na tunog. Pinalibutan sila ng mga alon sa lahat ng direksyon tulad ng isang pagguho; ang abot-tanaw ay kuminang ng matingkad na berde. Ang malalaking mast ng barko ay nakatutok tungo sa kalangitan, isa-isang inilaladlad ang malalaki nilang layag.
"Maglayag na!" SIgaw ni Tie You, ang kanyang boses ay nagdadala ng ilang bakas ng kasayahan.
Tumayo si Li Ce sa likod ng barko, nakasuot ng maluwag na berdeng roba. Mayroon siyang malademonyong kislap sa kanyang mata habang mukha siyang napaka gwapo. Napakabahagya siyang tumingala, tumingin sa bundok ng Cuiwei na nakatayo sa malayo. Malabo niyang nakita ang napakalungkot na pigurang nakatayo sa tuktok ng bundok.
Ang mga tao at ang mga alon ay nagkakabit; paulit-ulit na nagbago ang klima. Umihip tungo sa kanila ang hangin mula sa direksyon ng tuktok ng bundok. Dala nito ang magaang halimuyak, bahagyang pinapamanhid ang braso ng mga tao hanggang sa kanilang likod. Sa iglap na iyon, lahat ng kanilang iniisip ay nawala.
Biglang tumawa si Li Ce, tila isang tusong fox kung pakikinggan. Abot-tainga ang kanyang ngisi. Sa gulat ng mga tauhan niya, hinipan niya ang isang maalab na halik tungo sa tuktok ng bundok. Lahat ng nakakita dito ay nagulat sa biglang aksyon na ito. Lupaypay na nagtanong si Tie You, "Kamahalan, nakita niyo ba iyong babae sa bayan na nangongolekta ng kahoy na pangsiga?"
Lumingon pabalik si Li Ce na may ekspresyon ng gulat at sumagot, "Ah! Paano mo nalaman?"
Walang magawang napabuntong-hininga ang mga nanonood habang iniisip nila sa kanilang sarili: Kamahalan, sinong hindi makakaalam?
Kasing kinis ng sutla ang ilog; nagpaliko-liko ang mga barko sa malayo tungo sa papasikat na araw. Ang lahat ay kasiya-siya. Tahimik na tumayo ang lalaki sa tuktok ng bundok. Malinaw niyang nasaksihan ang nanghahamon na kilos ni Li Ce. Bahagya niyang kinunot ang kanyang kilay, ngunit hindi tumalikod upang umalis.
Unti-unting naglaho sa distansya ang mga barko, ngunit nanatili pa rin siyang nakatayo doon ng matagal pagkatapos. Ang kanyang puso ay napakakalma. Walang pighati o pagod. Nananabik na umihip ang hangin sa kanyang likod; ang kanyang anino na makikita sa lupa ay may kaunting ningning doon. Ang bundok ay puno ng amoy ng alikabok na nahahaluan ng hamog. Habang umiihip sa kanyang mukha ang hangin, ang kanyang ekspresyon ay nanatiling malumanay, na tila ba walang nangyari. Wala sa isip niyang inalaala ang tingin ng babae, pakiramdam niya ay tila bumalik siya sa tigang, namumutiktik ng mga damong pastulan sa kanyang mga alaala. Bigla, nakakita siya ng nag-iisang puno na mataas ang tayog. Mukha itong malumanay at tumatanggap, dahilan para mawala ang panlalamig niya.
Ika-29 na araw iyon ng ika-siyam na buwan sa taon 778. Iyon ang panahon para sa mga bulaklak ng chrysanthemum na mamulaklak sa Tang Jing. Pumito ang hangin habang umiihip ito sa kabiserang syudad, habang nagdidilig ng gintong liwanag ang araw sa lupa. Naglayag ang mga barko tungo sa timog, marahang bumabalik tungo sa lugar na iyon ng matamis na kalabisan. Lumipas na ang taglagas; taglamig na ngayon. Tanging sa mainit na mga lupain ng Tang lang mukhang hindi mahalaga ang kaibahan ng taglagas at taglamig. Bumagsak na ang mga bulaklak ng chrysanthemum; ang pamumulaklak ay itim na nalanta sa kanilang mga sanga. Nang umihip ang malakas na hangin ng gabi, ang lupa ay nabalot ng dilaw na bulaklak, bahagyang nagpapaikot-ikot sa hangin.
Nananaginip muli si Chu Qiao. Sa puntong iyon, ang pareho niyang mga paa ay nandoon muli sa tigang na lupain. Ang araw ay mapula-pula habang bumubugso sa kanya ang malalakas na hangin, nililipad pataas ang mga damong bumabalot sa kapaligiran, dahilan upang magmukha silang nalantang dilaw na alon habang dumadaluyong sila sa hangin. Masayang tumatakbo ang binata sakay ng kabayo niya, binibigay ang kadalasan niyang tawa at mukhang tulad ng una nitong sarili sa kanyang impresyon. Matingkad na namumulaklak ang bulaklak ng Huoyun sa lupaing namamantsahan ng dugo, labis na bumabaling-baling habang nayuyurakan sila sa ilalim ng paa ng kasing puti ng nyebeng kabayo. Bigla, narinig niya ang mula sa pusong tawa ng isang binata. Tumawa siya at sinabi, "AhChu, bilis humabol ka!"
Umalis siya, humahabol sa likod ng lalaki, ang araw ay tumatama sa kanyang katawan, ang hangin ay naghuhumiyaw habang umiihip sa kanyang tainga. Ang matingkad na dilaw na kapaligiran sa kanyang harap ay ang kanyang pag-asa, tulad ng kanyang imahinasyon na walang humpay niyang pinapangarap sa nakalipas na walong taon. Gayumpaman, nang hahawakan na niya ang kamay ng lalaki, ang lupa't kalangitan ay naging nakakapangilabot na puti, at isang bagyo ng nyebe ang naglibing sa lahat ng kanyang pag-asa at pangarap. Ang masayahing binata ay lumaki na sa isang kisapmata, ang kanyang mukha ay malamig at hindi makikitaan ng nararamdaman habang nakatayo ito sa harap niya. Hindi mabilang na mga sundalo ng Yan Bei na nakasuot ng itim na baluti ang nakatayo sa likod ng lalaki. Ang mga sundalo ay nakahawak ng kasing lamig ng yelong mga palaso kung saan ay nakatutok sa direksyon sa likod niya. Mabilis siyang tumalikod, para lang makita ang dugo na lumalabas mula sa katawan ng lalaki. Nang natunaw ang nagyeyelong kapatagan, nagsimulang kumalat ang malamig na tubig. Sumunod siya at tumalon sa malalim na lawa habang nakita na niya sa wakas ang pares ng malungkot na matang iyon. Marahan siya nitong hinalikan sa gilid ng kanyang labi, ang malamig na gilid ng labi nito ay kumiskis sa kanyang sentido. Ang mga kamay nito ay napaka laki at lakas habang unti-unti siyang hinihila, ipinapasa ang pag-asang mabuhay sa kanyang mga kamay.