Sa tumatagos na sinag ng araw, pakiramdam niya ay nasunog ng apoy ang kanyang palad, tila nakaukit sa kanyang kamay ang mga salita. Napuno ng dugo ang kanyang paningin, habang ang mga bundok at lupain ay gumuho sa harap niya. Tila nakasaksi siya ng kakaibang sakuna, na ang mga damo ay lumalapaw, nahati ang lupa upang paraanin ang karagatan sa ilalim. Inabandona na siyang mag-isa, nakatayo sa kapatagan na may nagliliyab na apoy na nakapalibot sa kanya habang ang malawak na pagguho at tsunami ay nililiman siya at nilibing sa ilalim. Pagod na pagod siya, habang ipinikit niya ang kanyang mata at lumubog tungo sa katakumba ng kadiliman.
Nang gumising si Chu Qiao, kakatigil lang ng ulan. Sumilip ang liwanag ng buwan mula sa likod ng mga ulap, itinatapon ang malumanay nitong liwanag tungo sa silid-tulugan ng sambahayan ng Mihe. Tila nasa kalagitnaan ng tag-lagas, habang bumabagsak ang mga patak sa dahon ng sycamore na may malutong na alingawngaw. Ang palasyo ay bakante at desyerto, tila ba namatay ang buong mundo, na tanging siya lang ang naiwan. Marahang ginagalaw ang kanyang katawan, ang tuyo at malamig na hangin ay tumagos sa kanyang katawan, pinapaalala sa kanya na buhay pa siya.
Mula sa palasyo ng Rou Fu, mayroong malalakas na tunog ng pinapatugtog na instrumento ng musika. Iyon ang gabi-gabing handaan na ginagawa ni Li Ce kasama ang mga kerida niya. Bawat gabi sa ganitong oras, mayroong selebrasyon na nagdedekurasyon sa engrandeng palasyong ito.
Nang unang nasagip si Chu Qiao, mayroong malakas na pagsalungat ang korte. Ang daan-daang mga opisyales ay walang tigil na hinayag ang kanilang paghamak sa mga aksyon ni Emperor Li Ce. Matapos makipagdebate sa kanila ng higit sampung araw, naasar na sa wakas si Li Ce, at sinipa ang trono, nagpahayag siya na ayaw na niyang maging emperor pa, at kung sinong may gusto ay maaaring kuhanin ang trono mula sa kanya. Nawala ang kahinahunan ng mga opisyales. Saka lang matapos lumuhod sa labas ng palasyo ng Chang Xin ng buong dalawang araw ay nagawa nilang makumbinsi ang emperor na ito na nilaktawan ang higit 70 araw ng trabaho sa loob lamang ng dalawang taon matapos makoronahan. Simula noon, wala nang nangahas na banggitin pa si Chu Qiao.
Sa kabilang banda, nakakaalo sa mga opisyales ang ugali ni Li Ce. Bukod sa kung paano niya binigyan ng partikular na pansin si Chu Qiao sa naunang mga araw, halos bumalik na siya sa pagiging babaero niya. Sa kanyang pagbalik sa normal, maginhawa nang napabuntong-hininga ang mga opisyales. Sa kaibuturan, marami ang napaisip na ang babae mula sa Yan Bei na ito ay hindi ganoon nakakaakit. Ang pinaka katotohanan na iniligtas siya ni Li Ce ay biglaan lamang siguro.
Nang pumasok si Li Ce, hindi gumawa ng kahit anong ingay si Chu Qiao, kaya naisip niya na natutulog pa rin ang babae. Maingat na naglalakad ng nakatingkayad, umakto siyang parang magnanakaw, nagreresulta ng pagkamangha ng mga katulong na nanonood. Takip ang kanilang bibig, hindi sila nagtangkang tumawa ng malakas. Matapos iangat ang tabing at nakita si Chu Qiao, na nakahiga sa higaan, medyo nagulat si Li Ce tapos ay ngumiti siya at lumapit. May hawak na basket na kawili-wiling ginawa, umakto siya na tila nagpapakita siya ng isang kayamanan habang sinasabi niya, "May nagdala ng sariwang pomegranates, gusto mo bang kumain?"
Hindi sumagot si Chu Qiao. Mukhang inaantok pa rin siya, para bang hindi pa siya lubos na nagigising. Umupo si Li Ce sa tabi niya at tumingin sa maputla at mapayat pa ring mukha. Ang kilay nito ay bahagyang kumunot bago lumambot muli. Pumulot ng pomegranate, binalatan niya ito, pinakita angpulang perlas sa loob. Tumingin sa babae, ngumiti siya at inilapit ang prutas sa bibig ni Chu Qiao, at binuka ang kanyang bibig, para bang sinasabi na ibuka nito ang kanyang bibig at kumain, bago sinabing, "Qiaoqiao, nganga, tulad ko. Ahhh..."
"Li Ce, magaling na ako." Tulad ng lawa ng hindi naiistorbong tubig, ang kanyang boses ay napaka kalma.
Nakatingin sa babae, madalas siyang nagkakaroon ng maling kuro-kuro na tatlong taon ang nakaraan nang tumira ang babae sa palasyo niya, at walang nagbago. Gayumpaman, bigla niyang napagtatanto na iba na ang mga bagay-bagay. Hindi na nito buong kumpyansang sinasabi sa kanya ang tungkol sa mga pangarap at ambisyon nito, at hindi na ikukwento pa ang lalaking iyon na may ningning sa mga mata nito, at wala nang pag-asa at hiling sa hinaharap. Kahit ang pares ng mga mata nito ay nawala na ang ningning na mayroon ito dati, tila ba ang napakalinaw niyang mata ay nabalot ng kumot ng hamog, tuluyang nadumihan.
"Oo, gumagaling ka na."
"Gusto kong umalis."
Lubos na hindi nagulat si Li Ce na sasabihin iyon ng babae. Maraming kyuryosidad, nagtanong siya, "Saan ka pupunta?"
Umiling si Chu Qiao, tila hindi pa rin nakakapagdesisyon, at matapat na inamin, "Hindi ko pa rin alam. Ngunit malaki ang mundo. Sigurado ako na may lugar akong mapupuntahan. Kung hindi talaga ako makakahanap kahit saan, tutungo ako sa tigang na lupain sa labas ng hangganan."
"May pagkakaiba ba sa pagitan ng pagtungo sa labas ng hangganan at pananatili dito?"
"Li Ce, hindi ako pakakawalan ng imperyo ng Xia. Hangga't hinahayaan mo akong manatili dito, hindi magtatagal ay magdadala ito ng sakuna sayo. Pumatay ako ng hindi mabilang na sundalo ng Xia at dahilan ng pagkabigo ang dalawang kampanya nila sa hilaga. Isa pa, ako mismo ang pumatay sa Ikatlong Prinsipe, si Zhao Qi. Kahit na walang digmaan sa pagitan ng imperyo ng Xia at imperyo ng Tang, sa puntong pinakawalan nila ang mga sundalo nila ay magiging gulo ito sayo."
Hindi nagsalita si Li Ce at tumingin lamang sa babae. Ang mapaglaro sa kanyang mata ay naglaho at naging isang katahimikan at kapayapaan. Matapos ang mahabang pagdadalawang-isip, nagsimula siyang tanungin ang babae, "Para sa pamilya Jing, naging kaaway ka ng pamilya Zhuge. Para sa pagbabayad mo ng pasasalamat kay Yan Xun, sinundan mo siya ng walong taon sa palasyo ng Sheng Jin sa pamumuhay bilang alipin. Para sa mga sibilyan ng Yan Bei, hindi mabilang na beses kang dumanas ng buhay o kamatayan. Para sa Southwest Emissary Garrison, nagalit ka kay Yan Xun. Para kay Zhuge Yue, nagtago ka sa makamundong problema ng dalawang taon. Para sa Da Tong Guild, tuluyan kang humiwalay kay Yan Xun. Ngayon, para hindi ako madamay sa away, tutungo ka sa tigang na mga lupain sa labas ng hangganan?" ang boses ng lalaki ay lumalim na may bakas ng pagod na tila hindi na niya maitago pa. Tahimik siyang nagtanong, "Qiaoqiao, sa buhay mo, kailan mo gagawin ang mga bagay para sa sarili mo?"
Lubos na natigalgal si Chu Qiao sa tanong na iyon. Hangin ng gabi na umiihip, inaangat ang kanyang gilid at mga kasuotan. Magaang humawak si Li Ce sa kanyang balikat, at sa isa nitong kamay, malumanay na hinawakan ang kanyang ulo. Napaka natural, niyakap siya nito na walang kahit anong pakiramdam ng pagnanasa. Magaan itong bumuntong-hininga at bumulong, "Qiaoqiao, maraming paraan upang mabuhay sa mundo. Pwede kang mabuhay sa kahirapan, ngunit isa pa ring buhay iyon. Pwede kang mabuhay habang tinatamasa ang makamundong kasiyahan, at isa rin iyong buhay. Pwede kang walang patutunguhan na mabuhay na wala masyadong ginagawa, gayumpaman ay isa pa rin iyong buhay. Pwede ka rin mabuhay na kinakamit ang dakilang mga bagay na habang-buhay na mag-iiwan ng pangalan mo sa kasaysayan, at kahit ganoon, isa pa rin iyong buhay. Gayumpaman sa kabila ng maraming paraan, bakit lagi mong pinipili ang paraan na ginagawang mahirap ang buhay para sayo? Tignan mo ang sarili mo, kahit ang mga normal sa sibilyan siguro ay may mas magandang buhay kaysa sayo."
Marahang pumasok ang boses ni Li Ce sa kanyang mga tainga at gumapang sa kanyang isip. Sumandal si Chu Qiao sa dibdib ng lalaki, at kahit ang proseso ng pag-iisip niya ay nanigas. Bigla niyang naramdaman na napaka totoo ng mga sinabi ng lalaki. Kung namuhay talaga siya ng simpleng pamumuhay tulad ng isang karaniwang sibilyan, siguradong hindi siya makakaranas ng maraming hirap at ginhawa, walang maraming pagpatay at kalungkutan, walang pagtataksil at pagtatraydor, pagsisinungaling at pang-iiwan, at siguradong hindi siya masasaktan, na walang lugar na mapupuntahan.
Malumanay na suminag ang buwan sa kanilang mga balikat. Biglang nakaramdam ng sobrang pagod si Chu Qiao. Ngunit Li Ce, sampung taon ang ginugol ko upang akyatin ang tuktok ng bundok dahil may nagsabi sa akin na mayroong pambihirang bulaklak sa tuktok ng bundok na iyon. Gayumpaman, matapos kong gugulin ang lahat ng oras at pagsisikap ko na makaakyat doon, nadiskubre ko na walang kahit ano sa bundok na iyon, na walang tumutubo doon. Ipinagsapalaran ko ang lahat upang makaakyat doon, at pagkatapos ng masidhi kong pagkabigo, paano ako bababa?
"Qiaoqiao, laging nasa kamay mo ang pag-asa. Kung hindi mo pagbibigyan ang sarili mo, walang makakapagligtas sayo."
Habang lumilipas ang mga araw, nag-umpisa ang taglamig. Nang masabi iyan, sa imperyo ng Tang, kahit sa taglamig ay hindi maginaw, habang sa huli ay nanatili pa rin si Chu Qiao sa palasyo ng Jinwu. Kahit na wala siyang ranggo o pagkakahirang, ang mga babaeng katulad niya ay karaniwan na sa palasyong iyon. Samahan ng nakaraan niyang reputasyon, walang nangahas na maghanap ng gulo sa kanya.
Ang paghihiganti mula sa imperyo ng Xia ay hindi dumating, tila ba disidido silang wala na talaga siyang kwenta, at kakalimutan ang lahat ng nakaraan nilang poot. Hindi man lang nagpadala ng misyonaryo ang imperyo ng Xia upang magtanong-tanong ukol sa kanya. Naramdaman ni Chu Qiao na kakaiba ang sitwasyong ito, dahil ang kasalukuyan niyang sitwasyon ay tulad ng mga bilanggong hapon ng digmaan sa nakaraan. Isinasaalang-alang ang galit ng madla at ang kontra digmaang opinyon ng imperyo ng Xia, bakit hindi nila dinakma ang oportyunidad na ito na gawin ang siguradong kamatayan niya?
Pumunta siya upang tanungin si Mei Xiang, ngunit aroganteng sumagot si Mei Xiang, "Kung nangahas silang pumunta, sasabihin natin kay Heneral He Xiao na pugutan ng ulo ang bawat isa sa kanila!" si Mei Xiang ang tagasilbi niya noong nasa bundok ng Huihui palang siya. parehong namatay sa digmaan ang magulang ni Mei Xiang, at isa siyang alipin bago siya nakasalamuha ni Chu Qiao. Matapos dumating ni Chu Qiao sa imperyo ng Tang, sumakay ng kabayo ang tagasilbing ito upang habulin siya.
Si Qiu Sui, ang tagasilbing ipinadala ni Li Ce kay Chu Qiao, ay ngumiti habang inilapag niya ang baso ng kapapalamig lang na peras, habang mayabang na idinagdag, "Mismo, tama si Sister Mei Xiang. Sa una palang, napakabait ng Kamahalan sa Binibini, sinong pupunta upang maghanap ng gulo sayo?"
Umiling si Chu Qiao na may bakas ng pag-aalala sa kanyang puso. Hindi dapat ganoon kasimple ang mga bagay. Napilitan ba si Li Ce na gumawa ng pagkilala para sa imperyo ng Xia?
Mahina ang loob na sinabi ni Chan'er, "Narinig ko na may Grand Marshal mula sa imperyo ng Xia na nais makapagtatag ng pakikipagkaibigan sa imperyo ng Tang, at bilang resulta, hindi pumunta ang imperyo ng Xia upang humanap ng gulo sa Binibini."
Grand Marshal? Napasimangot si Chu Qiao, ang Grand Marshal ng imperyo ng Xia ay ang pinuno ng konseho ng Grand Elder, maaari bang pinakawalan na siya ni Wei Guang?
Hindi nagtanong si Chu Qiao ng makamundong bagay ng matagal na panahon, at gumapang sa buhay. Sa sambahayan ng Mihe, hindi pwede ang mga bisita, kaya namuhay talaga siya ng "walang pinatutunguhan" katulad ng sinabi ni Li Ce.
Higit kalahati ng buhay na ito ay malapit siyang nakabigkis kay Yan Xun, at nakaranas siya ng lahat ng klase ng sitwasyon, kasama ang kadiliman at pang-iiwan, buhay at kamatayan, pakikipaglaban at pagpatay, kasama ang lalaki. Sa huli, wala nang landas na natitira sa kanila, dahil ang landas nilang magkasama ay humantong lamang sa wala nang dadaanan.
Matapos iyon, tinanong niya si Li Ce kung bakit hindi pa naghahanap ng gulo ang imperyo ng Xia sa kanya. Sa puntong iyon, masayang tumitingin-tingin si Li Ce sa mga pinta ng bagong mga babaeng napili para sa kanyang harem. Nang marinig ang kanyang tanong, nagbigay si Li Ce ng nananabik na sulyap sa kanya, at habang nakangiti, tumawa siya, "Marahil ay mayroon pa ring ilang uri ng hangarin ang emperador tungkol sa akin."
Kahit na ang kasalukuyang estado ng kanyang pag-iisip ay lubos na wala sa kondisyon para sa mga kalokohan ng lalaki, bahagya pa rin napatawa si Chu Qiao sa pagkaaliw at sinamahan siya habang tumitingin-tingin ito sa tatlong talampakang taas na mga scroll na pinapakita ang mga babae. Nakatingin sa mga dalagang iyon kung saan ang mga mata ay puno ng pagka-elegante at pagka-inosente, tila nakatingin ang mga ito sa kanya mula sa ibang mundo.
Bago umalis, tumayo si Li Ce sa pinto at biglang tumalikod, nakangiti sa babae at sinabi, "Qiaoqiao, gusto kong pag-isipan mo itong mabuti. Sa mundong ito, sinong tatratuhin ka ng napakabuti? Para sayo, madami siyang binitawan. Para sayo, dumanas siya ng buhay at kamatayan. Para sayo, binitawan niya ang lahat ng materyal niyang kayamanan at inabandona ang kanyang katayuan. Hindi lang iyon, iniligtas ka niya, at hindi man lang sinabi sayo. Ang ganoong tao ay bihira na. Kailangan mong pag-isipan iyon mabuti. Matapos mong makapagdesisyon, kailangan mong sabihin sa akin, at gagawa ako ng pagsasaayos upang marilag kang ihatid para sa iyong kasal."
Sa puno ng sycamore na magkahalong pula at dilaw, tinakpan nito ang kalangitan, hinahayaan lamang ang ilang hibla ng sikat ng araw na makalagpas, sumisinag sa lupa sa ilalim.
Nakatayo sa desyertong palasyo, inisip niya ang mga salitang sinabi ni Li Ce bago ito umalis habang maingat niyang inisip ang huling laban niya sa Yan Bei. Ang tyempo ng pag-atake, pagdepensa, pag-atras, pagtago, kasama ang bilang ng pwersang kasama sa pagsalakay, pagharang, kasama ang mabilis na pagpasa ng impormasyon, at ang kakayahan ng mga taong kayang biglang magpakita sa teritoryo ng Yan Bei. Katulad ng sinabi ni Li Ce, sino ang naging napakabuti sa kanya?
Isang tiyak na kaisipan ang biglang naisip, at lumaki na parang isang halamang gumagapang, pumupulupot sa kanya. Habang tumataas ang buwan at di nagtagal at lumubog sa abot-tanaw, sumikat muli ang araw, nagdadala ng walang katapusang liwanag sa mundo. Tumayo lamang siya doon buong gabi, habang paulit-ulit niyang iniisip ang tanong, habang humahanap ng ebidensya sa nakakagulat niyang hinuha. Isang liwanag ang unti-unting nagsimulang kumislap sa kanyang mga mata, habang isang mala-perlas na luha ang tumulo sa kanyang dibdib, sunod-sunod. Gayumpaman ay hindi man lang siya malungkot o nagdadalamhati. Nalamon siya ng gulat at pag-asa, habang nanginginig siya.
Sa puntong iyon, sumilip ang gintong sikat ng araw sa silid mula sa bintana, sumisinag sa kanyang maputlang puting mukha. Tumawa siya tulad ng batang walang inaalala habang malayang tumutulo ang luha sa kanyang pisngi.
Sa araw na umalis si Chu Qiao, umuulan pa rin ang panahon. Wala siyang sinabi kay Li Ce, at may simpleng bagahe, sumakay siya ng kabayo palabas ng tarangkahan ng Zheng Yang. Kahit na nababasa ng ambon ang kanyang balikat, tila puno ito ng buhay at kumpyansa.
Si Li Ce pa rin iyong ermperador na hindi mahuhulaan ang gagawin. Sa puntong ito, masaya siyang umupo sa bubong ng palasyo, nakasuot ng maroon na sutlang damit. Sa harap ng palasyo, mayroong kumpol ng mga opisyales na umiiyak sa pag-aalala at pagkabalisa, ngunit mukhang hindi niya nakikita ang mga ito. Ang simoy na nagdadala ng halimuyak ng mabangong mga langis ay humaplos sa kanyang kasuotan, ipinapakita ang mga burda sa loob niyang manggas. Nakatingin sa malayo sa Rose Royal Road, nakikita niya ang koton na damit ng dalaga habang nakaupo ito sa likod ng puti nitong kabayo, na may walang hanggang puno ng sycamore sa gilid ng daanan. Ang buong tanawin ay tila perpekto para sa isang pinta.