Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 207 - Chapter 207

Chapter 207 - Chapter 207

Oo, hindi siya nalasing. Matino siya habang inilalarawan niya sa kanyang kaisipan ang mga iniisip niya. lumipas ang oras sa isang iglap; tila isa itong malupit na kamay na tinakpan ang mga alaala at pangakong ginawa nila sa isa't-isa. Tumingala siya at nakita ang mga kasuotang dating sinusuot ng pamilya niya, na nakasabit sa mataas na altar sa puntod tungo sa harap. Marilag ang puntod at malawak ang lugar, ngunit ang lahat ng nakalibing sa loob ay ilang mga kasuotan at pag-aari nila noong nabubuhay pa sila. Ang kanilang mga ulo ay nakalantad pa rin sa templo na para sa mga nagkasala sa Xia, habang ang kanilang mga katawan ay nakain na siguro ng mga mabangis na lobo, sa gitna ng kaguluhan.

Inangat niya ang baso ng alak niya habang ang matapang na alak ay nagbigay ng masidhing mahapding sensasyon sa kanyang lalamunan, na tila isang nagbabagang uling. Umihip ang hangin sa malaking palasyo, dahilan upang umugoy-ugoy ang kurtina sa kaliwa't-kanan tulad ng manggas na suot ng mga mananayaw. Ang linya ng tingin ni Yan Xun ay malinaw pa rin. Ang kanyang manipis na gwapong mukha ay medyo mapula; ang tingin ng kanyang mata ay maulap, dahil nakalagpas siya sa iba't-ibang pagbabago ng buhay. Sa dalawang taon lang, umabot na siya sa punto ng matinding pagkapagod. Ang buong buhay niya ay tila puno ng mga hadlang. Unti-unti, ang mga tao sa kanyang buhay ay umalis, isa-isa, tungo sa magkaibang direksyon, kahit na sabay silang umalis sa kanilang mga paglalakbay.

"Ama," usal niya, binasag ang katahimikan, habang nakaramdam siya ng kakalmahan, "Ama, nagsinungaling ka sa akin." Tumingala si Yan Xun sa larawan na nasa may altar. Ang imahe ng kanyang ama ay malinaw. Tumingin siya sa lalaking iniidolo niya mula pagkabata at tahimik na sinabi, "Sinabi mo na isang paraiso ang Yan Bei, ang pinakamalaya at pinaka masaganang lugar sa mundo. Sinabi mo na ang lahat ng ginawa mo ay para sa pagpapatuloy ng mga susunod na henerasyon, pero mali ka. Lubos kang nagkamali. Sinira mo ang Yan Bei at ang sarili mo, kasama ang pamilyang Yan. Sa walong taon ko sa Zhen Huang, nabuhay ako dahil sa tiwala ko sayo, at mga pangarap na hawak ko. Gayumpaman, nang nakabalik ako sa Yan Bei matapos dumanas ng sobra, hindi mo alam kung gaano ako hindi nasiyahan."

Walang emosyon si Yan Xun; nabalot ng katahimikan ang palasyo. Tahimik siyang tumingin sa larawan ng kanyang ama at nagpatuloy, "Mayroong pader kahit saan. Malamig. Gayumpaman, ihiniwalay mo ang sarili mo at tinayo ang sarili mong paraiso sa pagitan ng mga puwang. Alam mo ba kung gaano kawalang muwang ito? Kung kaya, hindi ka na kayang tiisin pa ng emperor. Hindi ka na kayang tiisin pa ng mundo. Kahit ang mga tauhan mo ay tinraydor ka, dahil hindi sapat ang kapangyarihan mo upang kompletuhin kahit ang hindi magawa ng emperor.

"Ama, pinatay ko si Ginoong Wu at Binibining Yu dahil ginagawa pa rin nila ang huli mong kahilingan. Naging sagabal sila sa progreso ko. Binigyan ko sila ng mga pagkakataon, ngunit hindi nila pinahalagahan ito. Pinatay ko si Huanhuan dahil nais ng Da Tong na italaga siya bilang bago nilang pinuno. Hangga't nariyan siya, hindi mamamatay ang Da Tong. Pinatay ko ang mga dati mong tauhan dahil hindi malayo ang nakikita nila gayumpaman ay matatas ang mga hawak nilang posisyon. Maraming tao ang pinatay ko. Malapit na ko sa mga pangarap ko ngayon." Tumingala si Yan Xun at uminom muli ng isang baso ng alak. Sinalinan niya ang kanyang baso at binuhos ang laman nito sa lupa habang sinasabi niya bawat salita, "Ama, hindi ako magiging katulad mo."

Diretsong tumayo si Yan Xun nang tumalikod siya para umalis; ang baba ng kanyang kasuotan ay dumaplis sa sahig, winawalis pataas sa hangin ang alikabok. Kalmado siya habang humahakbang siya ng maliliit, bawat isa ay sinasalamin ang kanyang determinasyon. Suminag ang liwanag ng kandila sa kanyang katawan, bumubuo ng mahabang anino. Ang libingan ng mga mandirigma ng Yan Bei ay nakatayo sa likod niya, binubuo ng kanyang mga magulang, kanyang mga kuya, kanyang mga ninuno, ang tapat na mga tauhan ng bansa, si Ginoong Wu, si Binibining Yu, Xiaohe, Huanhuan, Biancang, Xirui, AhDu, ang mga pinuno ng hukbong Xiuli na isinakripisyo ang kanilang buhay habang ipinagtatanggol ang Beishuo, tulad ni Wu Danyu at Feng Ting... Maraming pares ng mata ang tila nakatingin sa kanya habang bawat hakbang siyang naglalakad palabas ng palasyo, habang nililisan niya ang lugar kung saan naninirahan ang lahat ng patay na kaluluwa.

Ang kanyang hakbang ay pirmi at hindi nagdadala ng kahit anong pahiwatig ng taos na pagsisisi o pagdadalawang-isip. Ang kanyang mata ay itim na itim habang sinalubong siya ng malamig na hangin. Naalala niya ang gabing nilisan niya Zhen Huang, nang bumalik si AhChu na hindi iniisip ang sarili upang iligtas ang mga sundalo ng Southwest Emissary Garrison na naiwan sa kabisera. Siguro, mula sa puntong iyon, nahulaan na niya na magiging ganito ang mga bagay-bagay. Ang kanilang nais at paniniwala ay magkaiba at hindi magkakasundo, ibig sabihin ay nakatadhana silang maging magkalayo pa sa isa't-isa habang naglalakad sila sa magkaibang landas. Sa huli, may kabayaran na dapat bayaran sa pagkamit ng pangarap ng isa.

Ang kabayaran na binayaran niya ay hindi na siya ang lalaking naisip ng babae na maging.

Nagsimula siyang makaramdam ng kahinaan, ngunit malupit niyang pinigil ang mga emosyon na ito na hindi na nag-iisip pa.

AhChu, nang tumalikod ka upang umalis, alam ko na hindi ka nakatadhanang sundan ako sa buhay na ito. Nakatadhana kang maglakad sa tuwid na landas ng moralidad, habang hindi ko mailalayo ang sarili ko sa buhay ng pagdanak ng dugo. Hindi ako makalipad kasama ka, kaya gusto kong baliin ang mga pakpak mo para panatilihin ka sa tabi ko. Subalit, nabigo pa rin ako.

"AhChu..." umalingawngaw ang mababang boses sa malaking palasyo. Tumayo ang lalaki sa pasukan habang ang malamig na mapanglaw na liwanag ng buwan ay suminag sa kanyang mukha, kinukulayan ito ng puti. Marahan at kalmado niyang ipinikit ang kanyang mata, nakasimangot habang taimtim na nagnilay-nilay.

"AhChu... Babalik ka pa ba?"

Ang buwan ay kalahating natatakpan ng patong ng mga ulap, ginagawang mahirap para sa mga ibon ang lumipad. Tumayo siya sa tuktok ng bundok habang ang kanyang mata ay tumingin sa buong lupain ng Yan Bei. Tahimik siyang napaisip sa sarili; Siguro, hindi na siya ulit babalik.

"Kamahalan!" tinulak ni AhJing sa tabi ang mga sundalo nang sinubukan ng mga itong pigilan siya. Madapa-dapa siyang pumunta sa tabi ni Yan Xun at lumuhod sa lupa, sumisigaw sa balisang paraan, "Kamahalan, iligtas niyo ang Binibini. Mabigat ang pag-ulan ng nyebe sa Longyin, at sarado ang tarangkahan. Ilang araw na silang pinalibutan ng mga sundalo ng Xia. Hindi na niya matitiis pa ito."

Nanatiling tahimik si Yan Xun habang nakatingin siya sa marilag na kabundukang nasa harap niya, napalalim ang pag-iisip.

"Kamahalan, sinundan kayo ng Binibini ng maraming taon, ipinagsasapalaran ang buhay niya para sa inyo. Alam naming lahat kung anong mga kontribusyon ang nagawa niya. Kamahalan, matitiis niyo ba talagang patayin siya? Nakalimutan niyo na ba ang sinabi niyo dati?" paulit-ulit na yumukod si AhJing habang nagmamakaawa siya, ang kanyang mata ay mapula. "Kamahalan, maawa ka na. Nagmamakaawa ako sayo..."

"AhJing..." binuka ni Yan Xun ang kanyang bibig habang tila napagtanto niya ang eksistensya nito. Nakasimangot siyang nagtanong, "Sa anong paraan ko siya maililigtas?"

Masayang sumagot si AhJing, "Buksan niyo ang tarangkahan ng Longyin at palabasin ang mga sundalo upang tulungan sila..."

Bago pa man siya makatapos, kumontra na si Yan Xun, "Sa tingin mo ba ay babalik siya kahit na buksan ko ang Longyin Pass?"

Nanigas si AhJing habang matagal siyang nag-isip bago sinabi, "Kung ganoon... pwede nating buksan ang daanan ng tubig sa hangganan sa timog na patungo sa Tang. Pwede natin siyang paalisin sa rutang iyon, gamit ang Tangshui Pass."

"Sa timog?" sumagot si Yan Xun na may kalmadong boses habang nagpatuloy siyang magtanong, "Ibig bang sabihin noon ay hindi na siya babalik pa?"

Lubos na hindi makapagsalita si AhJing.

Ngumiti si Yan Xun at nagtanong, "Ibig bang sabihin noon ay habang-buhay na siyang mawawala sa akin?"

Sa malamig na gabi, pinagpawisan ng malamig si AhJing sa buong katawan niya. Matapos ang mahabang sandali, tumayo siya at tumalikod upang tumakbo habng sinisigaw na, "Hihikayatin ko ang Binibini na bumalik!"

Hindi siya pinigilan ni Yan Xun, o tinignan man lang, bagkus ay piniling tahimik na tumayo sa orihinal niyang posisyon. Tinakpan ng madilim na ulap ang buwan. Malapit na ulit umulan ng nyebe. Hindi na ba ito kayang tagalan ni AhChu? Hangal na babae, bakit kasi hindi ka nalang bumalik? Napasimangot siya at nag-isip na parang inosenteng bata, tila nililinlang ang kanyang sarili sa pag-alis ng lahat ng pampulitikang dahilan na naghantong sa mga pangyayari sa araw na ito. Tulad ito ng kung paano sila mag-away noong bata pa sila. Kapag ang isa sa kanila ay naglagalag, iisipin ng isa: bakit hindi ka bumalik? Malamig sa labas.

Kung sasabihin ng oras, AhChu, pipiliin mo pa rin ba na mapahalo sa akin? Nahulaan mo ba na mapupunta ka sa ganitong estado ngayon? Gaano kalalim ang poot mo tungo sakin?

"Kamahalan," isang mababa at marespetong boses ang narinig mula sa likod ni Yan Xun, "Pakiusap buksan niyo ang daanan sa may hangganan at hayaan makaalis si Heneral Chu."

Nanigas si Yan Xun at tumalikod, tumingin tungo kay Cheng Yuan. "Anong problema? Namamagitan ka din ba para sa kanya?"

"Hindi ako namamagitan sa ngalan ni Heneral Chu," kalmadong sumagot si Cheng Yuan at nagpatuloy, "Namamagitan ako sa ngalan ng Kamahalan." Mabigat na yumukod si Cheng Yuan sa lupa at marahang nagpatuloy gamit ang mababa niyang boses, "Kamahalan, bigyan niyo ang sarili niyo ng lifeline."

Sa puntong iyon, pakiramdam ni Yan Xun ay nasaksak ang puso niya, habang nagmula sa loob ang malubhang sakit.

"Kapag namatay si Heneral Chu sa kamay niyo Kamahalan, hindi magiging masaya ang Kamahalan. Sinabi mo rin ito dati. Kahit ano man ang mga pangarap mo, kailangan buhay ka upang magkaroon ka ng pag-asa. Kapag patay ka na, huli na ang lahat para sa kahit ano."

Matagal na nanatiling tahimik si Yan Xun habang hinihila-hila ng hangin ang kanyang roba. Nakatayo siya sa ibabaw ng tuktok ng bundok, nagmumukhang tila isang agila na inunat ang mga pakpak nito.

"Cheng Yuan, bakit sinasabi mo lahat ito? Hindi ba't may sama ng loob ka laban kay AhChu?"

"Hindi ako nagtatanim ng sama ng loob laban kay Heneral Chu. Nagalilt ko siya noong nakaraan, ngunit hindi ito sinasadya. Nang ginusto ko siyang mamatay, ito ay para siguraduhin na makakaligtas ako. Ngayon na hindi na siya banta sa Kamahalan, ayoko rin siyang makitang mamatay. Pinaka mahalaga," nag-angat ng ulo si Cheng Yuan, tumingin kay Yan Xun na may enerhiya ang mga mata at nagpatuloy, "Hindi ko hinahangad na mapigilan ang puso ng Kamahalan. Sa mundong ito, tanging ang Kamahalan lang ang makakatupad ng mga kahilingan ko, at tanging ang Kamahalan lang ang karapat-dapat kong sundin. Ang katapatan ko para sa Kamahalan ay hindi mamamatay, kahit na maging masama ang Kamahalan at kamuhian ng buong mundo. Susundan ko ang Kamahalan hanggang mamatay ako. Kung nais ng Kamahalan na patayin ang lahat ng nasa mundo, ako ang unang-unang mag-aangat ng sandata ko; kung nais ng Kamahalan na gumamit ng bangkay ng tao upang punuin ang dagat sa silangan, ako ang unang-unang magpupugot ng sarili kong ulo. Naglagalag ako sa kalahati ng buhay ko at kinamuhian ng marami, dahil hindi ako nakahanap ng bagay na karapat-dapat kong paniwalaan. Sa kasalukuyan, natagpuan ko ito. Ang inaasam ng Kamahalan ang pinaniniwalaan ko. Kaya, hindi ko hangad na mamuhay ang Kamahalan ng isang buhay na puno ng pagsisisi. Kamahalan, pakawalan mo na siya."

Biglang lumawak ang saklaw ng mga emosyon ni Yan Xun. Sa iglap na iyon, bigla niyang naalala ang lahat ng nangyari nitong sampung taon, habang sunod-sunod na eksena ang kumislap sa harap niya. Tumayo ang bata mula sa lawa ng dugo at tumingin sa kanya, ang mata ay puno ng poot. Sumakit ang kanyang puso at gamit ang kamay ay hinaplos ang leeg ng bata. Umihip ang hangin sa buhok sa harap ng ulo ng bata at dito, lagi niyang naaalala ang tingin ng pares ng matang iyon, na puno ang espirito ng katigasan ng ulo.

Sa huli...

Pinikit niya ang mga mata niya at nagsimulang idistansya ang sarili mula sa mga alaalang iyon. Lahat ng emosyon ng pagmamahal na iyon ay binali niya nang oras na iyon, dahilan para makaramdam siya ng masidhing sakit sa loob niya. "Ihatid ang utos ko kay Heneral Qiu at sabihin sa kanya na buksan ang tubig na daanan ng hangganan sa timog. Hayaan silang..."

"Kamahalan!" isang malakas na sigaw ang narinig. Ang mensaherong sundalo ay madapa-dapa sa batong hagdanan habang umaakyat siyia sa bundok. Habang tumatakbo siya, sumisigaw siya, "Emerhensiyang balita mula sa hangganan! Emerhensiyang balita mula sa hangganan!"

Tumalikod si Yan Xun at Cheng Yuan upang makita ang sindak na itsura sa mukha ng sundalo. Lumuhod siya sa lupa at binuksan ang dokumento, tapos ay malakas na binasa,

"Mula sa bise heneral ng Tangshui Pass sa hangganan sa timog, si Qi Shaoqian:

Sa ika-16 na araw ng ika-siyam na buwan, isang hindi kilalang kaaway ang umatake sa Tangshui Pass sa timog na hangganan. Bigla silang nakita sa teritoryo ng Yan Bei at pinutol ang ating mga linya ng komunikasyon, sinakop ang 13 probinsya sa proseso. Ang chief marshal ng Tangshui Pass, si Heneral Qiu, ay namatay sa labanan. Lahat ng opisyales na may ranggong Major General at pataas ay namatay din sa labanan. Nawalan tayo ng halos 30,000 katao. Kahapon ng hapon, napasok ang Tangshui Pass. Ang mga pwersa natin ay nakipaglaban sa kaaway. Ito na ang huli kong mensahero at huli kong pandigmang kabayo, at umaasa ako na makakarating sa Kamahalan ang balita. Ipagtatanggol ko hanggang kamatayan ang posisyon ko, at hindi ko bibiguin ang reputasyon ng hukbo ng Yan Bei. Ang 50,000 mandirigma sa Tangshui Pass ay binigo ang Kamahalan, at kinikilala ko ang mga pagkakamali ko sa sulat na ito."