Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 208 - Chapter 208

Chapter 208 - Chapter 208

"Anong nangyari? Bakit wala kaming narinig hanggang ngayon, kahit na inatake ang Tangshui Pass noong ika-16 ng Septyembre?" sigaw ni Cheng Yuan habang tumatayo.

Sumagot ang mensahero habang natataranta, "Ang buong pwersa ay naipit sa landas, habang walang senyales na dumating ang kaaway. Hindi lang iyon, kinuha ng kaaway ang nakapalibot na mga probinsya. Hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na mag-ulat."

"Kung ganoon ay bakit walang alam ang mga probinsya na malapit sa rehiyon? Paano nila nahayaan na magtagal ang digmaan sa ganoon kalubha?"

Maingat na nag-angat ng tingin ang mensahero at nagnakaw ng sulyap kay Yan Xun. Matapos ang pagdadalawang-isip, tahimik siyang nagpaliwanag, "Ang rehiyon na iyon ay Shangshen Highlands. Hindi lang karamihan sa mga opisyal natin ang umalis kasama ni Master Chu, ngunit iyong mga nanatili ay narinig na iyong mga kaaway na iyon ay nandoon upang iligtas si Master Chu. Kung hindi sila nagtangkang itago ang mga kaaway, kapuri-puri na iyon. Walang darating upang mag-ulat. Kahit ang mga lokal na opisyales ay tinali ng mga sibilyan."

"Ano?" sumabog sa galit si Cheng Yuan. "Anong gusto nilang gawin? Magrebelde? Nasaan ang hukbo? Nasaan ang mga sundalo? Patay na ba silang lahat? Paanong hindi sila nag-abala nang makita nila ang mga opisyales na itinali?"

"Tungkol diyan, nakarinig ng mga bali-balita ang tauhan na ito. Ang mga lokal na pwersa ay tinulungang umatake ang mga kaaway. Hindi lang iyon, nagbigay sila ng madetalyeng pagkakaayos ng depensa ng Tangshui Pass. Kung hindi dahil doon, hindi madaling makukubkob ang isang pinatatag na syudad."

"Katawa-tawa!"

"Ano nang nangyayari ngayon?" isang malalim na boses ang biglang narinig.

Lumingon si Cheng Yuan upang makita si Yan Xun na walang emosyon na nagtatanong, "Nalupig na ang Tangshui Pass. Ano nang nangyayari ngayon?"

Puno ng pawis ang ulo ng mensahero. Nanginig siya at naghatid ng panibagong nakakagulat na pahayag, "Nang oras na nautusan ang tauhan na ito na maghatid ng mensahe, ang hukbong-dagat ng Tang ay natanggap papano man ang balita ukol sa pagkubkob ay naghihintay na sa labas ng daanan. Nang mabuksan ang tarangkahan, lumapag ang pwersa ng Tang, at patungo na ngayon sa Longyin Pass."

"Sino ang kumandante nila?"

"Siya ay...ang Emperor ng Tang."

"Gaano kalaki ang kanilang pwersa?"

"Mga nasa 100,000."

Narinig ni Yan Xun na napahinga ng malalim si Cheng Yuan sa gulat. Naningkit ang mata ni Yan Xun, at agad ibinalik ang awra niya na isang emperor, tila ba tumitingin siya sa lahat ng nabubuhay mula sa itaas.

Li Ce? Siya mismo ang pumunta? "Tipunin ang mga sundalo! Ang Unang Hukbo at Pangalawang Hukbo ay magtipon kaagad! Tutungo tayo sa Longyin Pass!" deklara ni Yan Xun.

Matapos lamang ang anim na oras, ang buong pormasyon ay nagtipon sa paanan ng bundok ng Huihui. Nakalagak sa hangganan ng Shangshen Highlands, hindi sila ganoon kalayo mula sa Tangshui Pass at Longyin Pass. Sakay ng kanyang pandigmang kabayo, pumagaspas sa hangin ang itim na roba ni Yan Xun. Medyo nakasunod sa likod ni Yan Xun, mahinang nagtanong si Cheng Yuan, "Kamahalan, yung mga umatake ba noong ika-16 ng Septyembre ay mula rin sa imperyo ng Tang?"

"Hindi. Hindi maaari iyon." Iniling ni Yan Xun ang kanyang ulo. Sa kanyang tingin na nasa malayo, tahimik niyang sinaad, "Malayo sa Yan Bei ang imperyo ng Tang. Kung ang katotohanan na nagkasira na kami ni AhChu ay nakarating sa tainga ni Li Ce nang araw na iyon mismo, hindi siya makakapagmadaling pumunta sa Tangshui Pass ng ika-16. Naniniwala ako na ibang kapangyarihan ang unang nakatanggap ng impormasyon bago ipinasa ito kay Li Ce, at inatake ang Tangshui Pass upang makapagbukas ng daanan para sa imperyo ng Tang."

Napasimangot si Cheng Yuan at nagtanong, "Kung ganoon ay sino ito? Ang imperyo ng Xia? Imposible iyon."

"Sino?" Sa kanyang tingin na nagyelo, marahang sumagot si Yan Xun, "Sino pa ba ang madaling makakapasok at makakalabas ng teritoryo ng Yan Bei?"

Natigalgal si Cheng Yuan sa hinuha ni Yan Xun habang pasigaw niyang tinanong, "Ang Hari ng Qinghai?"

"Ang Hari ng Qinghai." Marahang inusal ni Yan Xun ang mga salitang iyon. "Sa wakas, malapit na kaming magkita."

Habang nagparaan ang mga bituin sa liwanag ng araw, isang panibagong araw ang dumating.

"Kamahalan!" isang tagamanman ang sumigaw mula sa malayo at malakas na nag-ulat, "Mga limang kilometro ang layo, nakadiskubre kami ng hindi kilalang pwersa!"

"Gaano karaming tao ang naroon?"

"Umuunat ang kaaway mula timog hanggang hilaga sa pormasyon na higit limang kilometro, at sinelyuhan ang pag-abante ng ating mga pwersa. Tinatanya namin na mayroon silang 13 dibisyon ng hukbong-lakad, walong dibisyon ng kabalyerya, at isa pang 17 pormasyon ng may mabibigat na baluting malapitang hukbong-lakad, at kasama ang mga archer, nagdadala ng pananggalang, at iba pang pwersang pangsuporta. Nasa 150,000 malalakas sila."

Sa puntong iyon, lahat ay napahinga ng malalim sa hindi pagkapaniwala. Ang ganoon kalakas na pwersa ay nakita sa loob ng hangganan ng Yan Bei. Kung hindi nila nakasalamuha ang kaaway na ito ngayon, sinong nakakaalam kung anong klaseng sakuna ang patutunguhan nito?

Wala si Yan Xun ng parehong pinag-aalala tulad ng iba. Alam ni Yan Xun na ang tanging rason kung bakit nagpakita ang buong hukbo na ito ay upang pigilan ang hukbo ng Yan Bei, upang makatakas si Li Ce.

Papaano man, nahulaan na ni Yan Xun ang pagkakakilanlan ng kaaway. Kahit na medyo nagulat siya, nakaramdam din siya ng kasiyahan. Inaamin ni Yan Xun na natigalgal siya, ngunit bilang isang kaaway, inaasahan niya ang isa pang partida na lumabas at makipaglaban ng harapan. Matapos ang lahat, mapapakawalan niya ang babae niya, ngunit hindi niya hahayaan na iligtas siya ng iba sa suliraning ginawa niya para dito!

Binalot ng pang-umagang hamog ang buog lupain. Sa hamog, nakita na sa wakas ang gahiganteng hukbo, ay marahang kumalat tulad ng karagatan. Suot ang kanyang itim na roba, ang mga mata ni Yan Xun ay walang emosyon at matatag habang naglalakad siya paalis ng kanyang pormasyon. Halos kasabay noon, isang pigura ang nakita mula sa loob ng kabilang pwersa. Kahit na malayo sila sa isa't-isa, nasabi kaagad ni Yan Xun kung sino iyong isa. Nagtama ang kanilang tingin, at napatawa ng kaunti si Yan Xun. "Ang tagal nating hindi nagkita." Saad niya.

Bastos na nagising si Chu Qiao sa kaguluhan. Ang tunog ng pagtakbo ng kabayo ay dumating at umalis tulad ng isang kulog, darating bago pa man siya makatugon. Matapos ang tatlong araw ng pagkagutom at pagtiis sa kalamigan, pagod na pagod na si Chu Qiao. Sa pagmamadali niya, hinablot niya ang kanyang espada at tumakbo palabas ng tolda. Nahihilo at mainit ang pakiramdam, malabong magugulong mga sulo lang ang nakikita niya. Sa dagundong ng mga yabag ng kabayo na mas lumalakas, tila ba papalapit na ang mga kaaway.

May narinig siyang sumisigaw sa kanya, kaya tumalikod siya, para lang makita si He Xiao at ang mapula nitong mata. Ang bibig nito ay nagbukas at nagsara. May kinakalaban ito. Nababalot ito ng dugo, at ipinagdadasal nalang niya na hindi ito nasugatan. Humuhugong ang ulo ni Chu Qiao, at ni hindi man lang niya masabi kung anong iniisip ng sarili niya. Nais niyang maingat na pakinggan ang sinasabi ni He Xiao, ngunit hindi siya makarinig ng malinaw.

Ito na ang ikaapat na beses na sinalakay ni Zhao Yang ang kanilang kampo. Unti-unting nawalan ng pasensya ang hukbo ng Xia. Pinapalibutan siya, tunog ng kamatayan lang ang naririnig niya habang sunod-sunod na bumagsak ang mga gwardya niya. parami nang paraming kaaway ang sumugod, habang sinira ng kaaway ang pormasyon, at ang bawat sundalo ay nakipaglaban mag-isa. Ang hukbo ng Xia ay parang baha, hinuhugasan palayo ang nangangatal nilang depensa. Habang isang palaso ang lumipad, isang gwardya ang tumalon palapit upang harangan siya. Tumagos ang palaso sa bungo nito hanggang sa kabilang parte. Ang dulo ay diretsong nakatutok sa ilong ni Chu Qiao, habang tumutulo ang dugo.

"Protektahan ang Master!" may isang sumigaw. Gayumpaman, ang mga sundalo sa malayo ay hindi na makalapit. Napapalibutan ng mga katawan, ang buong nakikita ni Chu Qiao ay tila napintahan ng matingkad na pula. Sa hangin na umiihip, nagpatuloy ang bagyo ng nyebe. Kaharap ang desperadong sitwasyon na ito, napaisip si Chu Qiao: mukhang ito na ang katapusan. Ayos lang ito. Bahagya siyang tumango, at tahimik niyang paos na sinabi, "Ayos lang ito, ayos lang ito."

Isang hanay ng mga ballista ang itinira, habang hindi mabilang na palaso ang lumipad, umuungal habang humihiwa ito sa hangin. Nag-angat ng tingin, tumingin si Chu Qiao sa nakamamatay na ulang patungo sa kanila, milyong mga kaisipan ang kumislap sa kanyang isip. Inisip niya na siguro ay mamamatay na siya, habang ang oras ay tila tumigil. Ang buong buhay niya ay kumislap sa mga mata niya. Sa kanyang bahay-ampunan, napili siya ng kanyang bansa, at matapos makalagpas ng isang dekadang pagsasanay, napili siya na pumunta sa isang prestihiyosong akademya ng militar. Matapos makapagtapos, naitalaga siya sa Military Intelligence, at matapos ang hindi mabilang na misyon ng pagpatay at palihim na pagpasok, ibinigay niya ang buhay niya para sa bansa. Kasunod noon, dumating siya sa kapanahunan na ito ng gulo, at muli, nabuhay siya sa isang buhay na kahalintulad ng nauna niya. Bigla, isang masidhing pakiramdam ng pagod ang lumamon sa kanya. Habang umiihip ang hangin tungo sa kanya, mayroon siya nitong mahinang kahilingan na bitawan ang lahat ng kanyang determinasyon at pagsusumikap. Nitong mga taon, kahit anong klaseng desperadong sitwasyon ang makaharap niya, hindi siya bumitaw sa pag-asa mabuhay. Gayumpaman, bigla niyang naramdaman na ayaw na niyang magpatuloy lumaban. Pagod na pagod na talaga siya. Pwede na ito, at sa wakas ay makakapagpahinga na siya sa paraang ito.

"Master!" irit ni He Xiao sa desperasyon nang nakita niya si Chu Qiao na nakatayo lang, kaharap ang ulan ng palaso, tulad ng nagyelong istatwa. Pakiramdam niya ay nagkandadurog-durog ang puso niya. Nagalit ng labis, paulit-ulit niyang iniunday ang kanyang sandata. Kasing bilis ng kidlat, ang kanyang sandata ay nag-iwan ng makinang na labing anino sa hangin habang dalawang ulo ang lumipad sa ere, na may sariwang dugo na nagmantsa sa katawan ni He Xiao. Gayumpaman, ang baha ng kaaway ay agad na kinuha ang posisyon ng bumagsak nilang kakampi. Nakulong sa pakikipaglaban si He Xiao habang nakita niya ang palasong papalapit kay Chu Qiao.

Ang mga sundalo ng Yan Bei sa tuktok ng Longyin Pass ay nasaksihan din ang pangyayaring ito gamit ang mga mata mismo nila. Isang mukha ng batang sundalo ang lubos na maputla, habang nanghina ang kanyang tuhod. Tinignan niya ang maputlang mukha ng babae sa apoy habang sinigaw niya sa kalungkutan, "Master Chu!" isa siyang sundalo na lumaki sa Shangshen. Ang buong pamilya niya ay pinakawalan ni Chu Qiao sa pagiging alipin, at hindi lang iyon, binigyan din ng lupain ang kanyang pamilya. Ngunit, isa siyang duwag. Nang lumalaban sa labas ang hukbo ng Xiuli, hindi siya nangahas na magsalita. Nang paulit-ulit na sinalakay ng hukbo ng Xia ang hukbo ng Xiuli, hindi siya nangahas na magsalita. Nang sinira ng bagyo ng nyebe ang mga tolda ng hukbo ng Xiuli, hindi siya nangahas na magsalita. Kahit na noong umiyak sa ibaba ng pader ang mga sibilyan, hindi siya nangahas na magsalita. Gayumpaman, sa puntong ito, biglang umalingawngaw sa kanyang isip ang mga sinabi ng kanyang ina, habang nasaksihan niya ang kanyang ina, kung saan ang buhok ay naging puti na, na nakaluhod sa lupain na ibinigay sa pamilya niya, sinasabi sa kanya, "Hindi natin dapat kalimutan ang pagpapasalamat natin kay Master Chu."

Kahit sa pader ng syudad, isang magulong alon ng iyakan ang maririnig, kinumpleto ng pagkaluskos ng mataas na damo sa kabundukan at ang pagbagsak ng malaking bagyo ng nyebe. Sa nakalipas na kalahating buwan, nasaksihan ng Yan Bei ang katapatan ng isang hukbo, at sa puntong ito, nasaksihan ng buong kalangitan ang kalungkutan ng isang babae.

Habang lumilipad pataas ang mga palaso, umabot ito sa pinakamataas na punto sa isang parabolang tilapon, bago lumiko pababa at bumagsak na may sukdulang momentum. Bago pa man manlaki ang mata ng lahat, pumapagpas ang kasuotan ni Chu Qiao sa hangin habang siningkit niya ang mga mata niya, ang kanyang magulong buhok ay nililipad-lipad ng nagyeyelong hangin. Blangko ang kanyang isip, ngunit tila nakakita ulit siya ng isang pares ng mata, nakatingin sa kanya, sinasabi na: Magpatuloy kang mabuhay, magpatuloy kang mabuhay.

Malumanay siyang ngumiti, ang kanyang labi ay bahagyang tumaas.

Sa huli ay hindi ko na kayang kumapit pa. Pwede ba kitang hanapin?

Bigla nalang, ang tunog ng mga bagay na humihiwa sa hangin ay maririnig. Noon lang nila nakita ng tagpi ng itim na mga aninong tumatalon pababa ng bundok na matatagpuan sa kanluran ng Longyin Pass. Nakahawak sa tali, lumundag sila pababa, at may walang kapintasang katumpakan, ang hindi mabilang nilang sandata ay tumama sa lumilipad na mga palaso. Sa puntong iyon, natahimik ang buong labanan, natigalgal sa surpresa. Lahat ng nanghimasok ay nakasuot ng madilim na berdeng baluting leather, at lubos na mabilis at malilksi, tulad ng mga hayop na makikita sa gubat. Sa kanilang mukhang naliliwanagan ng apoy, bawat isa sa kanila ay mayroong tattoo na ang kulay madilim na maroon sa kanilang mukha. Sa kanilang matatalas na tingin, dumamba sila tungo sa hukbo ng Xia na bumabawi pa rin mula sa kanilang surpresang atake.

Bago pa man makatugon ang hukbo ng Xia, isang kaguluhan ang narinig mula sa timog-kanluran. Sinisipa pataas ang ulap ng magkahalong alikabok at nyebe, libong mga kabayo ang yumurak sa tundra, tila dumadagundong na tambol pandigma ang tunog. Ang mga piling kabalyero ay sumugod sa giliran ng hukbo ng Xia. Ang ganoong kasiglahan at kaayusan ay makikita lang sa isang magaling na pagkakasanay na hukbo. Sa malapitang pagsusuri, makikita na lahat sila ay mga sundalo ng Tang.

Nakasuot ng malapilak na baluti, ang batang emperor ay sumugod sa pinaka kampo at hinablot siya. Gumamit siya na malakas na pwersa na mukhang nais niya pisain ang babae. Ang malamig niyang baluti ay tila kutsilyo kapag nahawakan, at ang mabigat niyang paghinga ay gumawa ng malaking tagpi ng puting ulap sa hangin. Ang tunog ng patayan ay unti-unting naglaho sa malayo, at ang nakapalibot na mga tunog ay napipi. Sa libong mga sulong nakapaligid, pakiramdam niya ay tila nagpapainit siya sa init ng araw sa tag-init.

Habang lumalayo sila sa labanan, maririnig ang malalim at kalmadong boses ni Li Ce. Mayroong kaunting bakas ng pagkataranta sa kanyang mga salita habang magaan niyang inuulit, "Ayos lang ang lahat, ayos lang ang lahat, ayos lang ang lahat..."

Hindi gustong umiyak ni Chu Qiao, dahil medyo naguguluhan pa siya, na tila ba ang lahat ng nakapalibot sa kanya ay isa lamang kathang-isip ng kanyang imahinasyon. Gayumpaman, bumagsak ang kanyang luha, tumutulo sa baluti ni Li Ce at dumadaloy pababa sa linya ng bakal. Ipinikit ang kanyang mata, tila nakakita siya ng pangyayari na dumating na ang apokalipsis, kung saan ang lupa ay nagparaan sa kumukulong putik, bumagsak ang mga bituin mula sa itaas, at ang karagatan ay nababalot ng walang katapusang malaking sunog habang dumadaloly sa walang hanggang bangin.