Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 206 - Chapter 206

Chapter 206 - Chapter 206

Hininto ng hukbo ng Xia ang kanilang atake ngunit hindi gumawa ng paraan para makaalis sila. Ang malupit na pagkubkob ay tunay nang nag-umpisa. Sa puntong ito, lubos na naintindihan ni Zhao Yang ang katumpakan ng impormasyog natanggap niya. Tunay na iniwanan na ni Chu Qiao si Yan Xun, at nais lisanin ang Yan Bei. Ang tarangkahan ng Longyin ay hindi na magbubukas para sa kanila, at bukod sa magtungo sa imperyo ng Tang gamit ang daanan ng tubig ng hangganan sa timog kung saan sinelyuhan na ni Yan Xun, makakadaan nalang sila sa depensang linya ng Xia. May lumalaking kasiguraduhan, sigurado siya sa tatakasan ng babae

Ika-20 ng Septyembre, umulan ng nyebe. Sa sandaling ito, hindi pa ganoon kabigat ang nyebe, ngunit tuloy-tuloy na umulan ng dalawang araw. Halos maubos na ang rasyon ng hukbo ng Xiuli, at kung hindi sa katotohanan na ilan sa mga sibilyan ang nagdala ng pagkain, siguro ay matagal na silang nagutom. Lahat ng mga tolda ay nakalaan para sa mga sibilyan, ngunit bawat gabi, mayroong matatanda at bata ang namatay sa lamig. Naubos na rin ang mga gamot, at hindi man lang makasipsip ng mainit na tubig ang mga sugatang sundalo. Walang magawa si Chu Qiao kung hindi ang manood habang ang kalamigan at mga sugat ay ninakaw ang buhay ng mga sundalong iyon na kayang tagalan kahit ang katakut-takot na lakas ng hukbo ng Xia.

Bawat oras na nakakakita siya ng sundalong namamatay, o batang nanginginig sa hangin, nakaramdam siya ng kagustuhang bumalik sa Longyin Pass para humingi ng paumanhin kay Yan Xun, at magmakaawa dito na iligtas ang mga inosenteng taong iyon. Walang magawa siyang ngumiti, at naramdaman nalang na walang lakas ang kanyang katawan. Si Yan Xun talaga ang pinaka nakakaintindi sa kanya. Siguro, matagal na nitong alam na mangyayari ito. hindi siya takot sa digmaan, pagpatay, o kahit kamatayan, ngunit ang kahinaan niya ay hindi niya hahayaan na ang mga taong nagmahal at sumuporta sa kanya ay mamatay ng walang kahulugan. Sa nakaraang dalawang araw, apat na beses niyang sinubukan na makalagpas sa pagpapalibot sa kanila, at hindi siya nagtagumpay. Gumawa ng buong depensang pormasyon si Zhao Yang. Hindi lang hindi sila hinarap ni Zhao Yang sa harapang pakikipaglaban, hindi rin siya nag-abala sa kanilang atake. Bawat sugod ng hukbong Xiuli, sinalubong lang sila ng ulan ng palaso, nagreresulta ng dosenang mga katawan na naiiwanan.

Sa gabi ng ika-22 ng Septyembre, isang bagyo ng nyebe ang nagsimula. Lubhang bumaba ang temperatura. Sa kalagitnaan ng gabi, maroong higit 50 namatay sa mga sugatang sundalo, at higit 80 ang namatay sa mga sibilyan. Narating na ng mga sibilyan ang hangganan nila, nang isang babae na nasa kalagitnaan ang edad na umalis ng kampo at pumunta sa Longyin Pass upang hilingin na makapasok. Kasunod noon, parami nang paraming mga sibilyan ang umalis, habang madapa-dapa sila sa napakalamig na hangin tungo sa tanggulan.

Sa sitwasyong ito ng buhay at kamatayan, napanalo ng kanilang takot sa kamatayan ang kanilang konsensya. Inabandona ng mga sibilyan ang hukbong ito na lumaban hanggang huli upang dumipensa, at tumakbo pabalik sa kanilnag lupang sinilangan. Tahimik na nanood ang mga sundalo ng hukbong Xiuli habang nangyayari ang lahat. Walang nagsalita, at walang nagtangkang pumigil sa kanila. Pinanood lang nila ang mga taong ito na umiiyak, at walang emosyon na pinakawalan sila.

Isang humihikbing matanda ang lumapit kay Chu Qiao. Sa yakap nito ay isang bata kung saan ang paghinga ay mahina na sa puntong hindi na ito masyadong marinig. Sa mukhang nitong puno ng kahihiyan, sinubukan niyang magsalita, ngunit ang lumabas lang ay paghikbi. Lubos na maputla na ang bata. Masasabi ni Chu Qiao na kapag hindi ito pumunta sa lugar na mainit, ay mamamatay ito. Pakiramdam ni Chu Qiao ay sinasakal ng kung ano ang kanyang lalamunan. Hindi siya galit o malungkot. Syempre, hindi niya sinisisi ang mga ito sa pag-iwan sa kanya. Bilang isang sundalo, wala siyang maidadahilan kung ang tanging nagagawa niya ay panoorin ang mga kabayan niya na isa-isang mamatay, hindi nagawang protektahan ang mga ito. Hindi na niya kaya pang tiisin na makita ang nagkasalang tingin ng matandang lalaki, dahil mas nakakaramdam siya ng pagkakasala sa loob-loob niya. Tahimik lang na itinungo niya ang kanyang ulo, sinasaad ang kanyang mga emosyon.

Patawad.

Sa tuktok ng Longyin Pass, unti-unting niliwanagan ang mga sulo. Sa ilalim ng landas, mayroong hindi mabilang na matanda, bata, babae, ang pasuray-suray pasulong. Sumisigaw ang mga tao, "Buksan ang tarangkahan! Buksan ang tarangkahan!" sabay-sabay na may pakiramdam ng kawalan ng pag-asa at takot sa kanilang mga boses. Sa huli, karaniwan lang silang mga sibilyan. Ang tanging hiling nila ay mabuhay, at minsan ay humihiling na magkaroon ng magandang buhay.

Sa lumulubhang bagyo ng nyebe, ang buong kapaligiran ay naging puti. Ang opisyal sa tuktok ng paderng syudad ay sumigaw, "Huwag kayong lumapit! Atras! Atras!" ngunit, walang pumansin. Ang kanyang boses ay nalunod ng mga magugulong mga sibilyan. Habang umiiyak, dumadamba sila sa tarangkahan, at buong lakas na kinakalampag ito habang sumisigaw, "Buksan niyo ang tarangkahan! Mga mamamayan kami ng Yan Bei, bakit ayaw niyong buksan ang tarangkahan?" isang tunog ang tumagos sa kalangitan. Ang mga mandirigma ng Longyin Pass ay natigalgal. Nasaksihan nilang lahat ang laban na nangyari dalawang araw na ang nakakalipas. Sa pinaka oras na ito, wala sa kanila ang umaasang itutok ang mga sandata nila sa dati nilang kakampi. Idagdag pa, ang mga kumakatok sa kanilang tarangkahan ay mga sibilyan lamang. Nanatili silang nakatayo sa kinatatayuan nila, nasasalungat sa pagitan ng kanilang moral at trabaho.

"Buksan niyo ang tarangkahan!" malakas na iniumpog ng mga sibilyan ang sarili nila sa tarangkahan ng syudad. Ang iba ay nawalan ng balanse at natumba, para lang mayurakan hanggang maging madugong bagay ng mga sumugod na hindi makapaghintay. Ang tunog ng pagngawa at irit ang umalingawngaw sa kapatagan habang patuloy na bumabagsak ang mabigat na nyebe, tila hindi matapos-tapos.

"Atras! Kung hindi, papanain kita!"

"Huwag mo kaming panain! Mga sibilyan lamang kami!"

"Pakiusap! Pakiusap, iligtas mo ang anak ko!" Ang babaeng unang tumakbo ay lumuhod sa lupa, hawak ang kanyang anak na wala nang enerhiyang magreklamo, habang ngumangawa siya, "Pwede mong tanggihan na iligtas ako, ngunit pakiusap, iligtas mo ang anak ko!"

"Buksan niyo ang tarangkahan! Buksan niyo ang tarangkahan! Papasukin niyo kami!"

….

"Master Chu!" ang opisyal na nakatalaga sa kampamyento ay sumigaw, "Bumalik ka na! Kapag hindi ka bumalik, hindi namin mabubuksan ang tarangkahan! Utos ng Kamahalan! Basta't bumalik ka, ang nakaraan mong mga pagkakamali ay kakalimutan!"

"Ang nakaraan mong mga pagkakamali ay kakalimutan!" Sa daang mga sundalo sa pader ng syudad na sabay-sabay na sumigaw, ang kanilang boses ay parang kulog na dumadagundong sa kapatagan. Tumingin ang mga sibilyan na tila ba nakita na nila ang magliligtas sa kanila. Bigla, lahat ay tumingin sa direksyon ng hukbong Xiuli, at nagsimulang umiyak.

"Master! Bumalik na tayo!"

"Master! Iligtas mo kami! Bumalik ka na kasama namin!"

"Master! Bumalik ka na at humingi ng paumanhin sa Kamahalan!"

"Master!" tumakbo ang babae mula sa likod ng kumpol ng mga tao. Sa pagmamadali niya, napatid siya at bumagsak. Ang batang hawak niya ay nasaktan, at biglang buong lakas na umiyak, na ang tinis ay tila mas matalas pa kaysa sa mga patalim ng hukbo ng Xia. Napairit ang babae, "Master! Nagmamakaawa ako sayo! Iligtas mo ang anak ko! Master, pakiusap! Iligtas mo ang anak ko!"

Sa malamig na kadilimang iyon, nanatiling nakatayo ang hukbong Xiuli habang nakatingin sila sa kanilang pinuno. Tila napunit sa milyong piraso ang puso ni Chu Qiao. Kagat ang kanyang labi, biglang kumalat ang lasa ng bakal sa kanyang bibig. Ang kanyang kamay ay kasing lamig ng yelo, kahit ang mga dalilri niya ay nanginginig.

Yan Xun, Yan Xun, inaasahan mo na mangyayari ang lahat ng ito, diba? Inaasahan mo na mangyayari ang lahat ng ito. Ngayon, naghihintay ka ba sa kapatagan sa labas ng Beishuo, tahimik na naghihintay sa akin na humingi ng paumanhin sayo?

Sa sunod-sunod na alon ng irit, libong mga sibilyan ang lumuhod sa harap niya. Ang kanilang mga ulo ay nakadikit sa lupa, umiyak sila. Noong nakaraang araw lang, nangako sila ng hindi matitibag na katapatan sa kanya, at sumigaw ng, "Para sa kalayaan" kasama siya. Gayumpaman, nakaluhod sila ngayon at nagmamakaawa sa kanya na humingi ng paumnahin kay Yan Xun.

Napakalupit ng reyalidad, ngunit wala siyang magawa tungkol doon.

Sa tuyo niyang mga mata, hindi na siya makaiyak. Ang mapait na lasa ng pagkatalo ay nagtagal sa kanyang dibdib. Itinulak siya ng kapalaran sa bangin ng kawalan ng pag-asa. Kahit anong gawin niya, bawat hakbang niya ay dulo ang kinahantungan.

"Master." Lumapit si He Xiao at matatag na tumayo sa likod ng babae habang nag-aalalang nakatingin dito. Sa kanyang tingin, makakakita ng pag-aalala at awa. "Master..." nais niyang aluin ang babae, ngunit hindi niya alam ang sasabihin. Ang buong insidente ay sobrang katawa-tawa at kakaiba. Napakalawak ng mundo ngunit wala silang mapuntahan?

"He Xiao." Bumuntong-hininga si Chu Qiao. Nang puntong iyon, pakiramdam niya ay nagyelo ang lahat ng dugo niya. Sobra ang kawalan ng pag-asa niya na gusto niyang mamatay, ngunit kumapit siya at nag-utos, "Utos para sa buong hukbo, tayo ay..." noon din, sa pinaka sandaling ito, ang tunog ng magugulong takbo ng mga sundalo ang dumagundong mula sa likuran. Ang mga mandirigma ng Xiuli ay napalingon, para lang makita ang mga bandila ng Xia na nililipad-lipad, papalapit sa kanila. Umatake muli si Zhao Yang!

"Utos para sa buong hukbo! Hadlangan ang hukbo ng Xia!" Unang beses sa kanyang buhay, pakiramdam ni Chu Qiao ay kaibig-ibig ang hukbo ng Xia. Hindi niya alam kung ang pag-iisip ng ganoon ay tama sa moral, ngunit nakaramdam siya ng desperadong kagustuhan na iwanan ang suliranin na ito. Matapos ang lahat, kapag umaatake ang hukbo ng Xia, ang pinaka uunahin ay ang lumaban! Pinasalamatan niya ang kalangitan sa kanyang puso dahil hindi niya kinailangan gumawa ng desisyon sa sandaling iyon, kahit na maaari siyang magbayad ng malaking kapalit mamaya.

"Kamahalan! Handang lumaban ang kaaway!"

"Patigilin ang pag-atake!" kalmadong utos ni Zhao Yang, "Aalis tayo matapos makalapit."

"Ha?" natigalgal ang tauhan niya, at hindi naiwasang magtanong, "Bakit?"

Matagal na hindi nagsalita si Zhao Yang, habang nakatingin siya sa kadiliman, at tahimik na sinabi, "Hindi natin maaaring hayaan siya na makabalik sa Yan Bei."

Pabalik-balik, nagpatuloy ang habulan ng buong gabi. Tila ginawang palaruan ng hukbo ng Xia ang Longyin Pass. Matapos ang ilang sandali, magkukunwari silang aatake. Saka lang nang tumagos na ang sikat ng araw sa makapal na hamog ng umaga ay narinig nila sa wakas ang trumpeta ng pag-atras at bumalik sa kanilang kampo.

Dala pabalik ang pagod niyang hukbo, hindi mabilang na pares ng mata na tahimik na nakatingin lang ang nakita niya, kasama ang hanay ng mga katawan na maayos na nakaayos sa harap ng hukbo. Iyong mga buhay pa at humihinga noong isang araw ay walang buhay nang nakahiga sa harap nila sa lupa. Nagsimula nang maipon ang nyebe sa kanilang mga mukha, tinatakpan ang kanilang wangis.

Nang makitang huminto na ang labanan, nagsialisan na ang mga tao. Ang daloy ng mga tao ay lumaki at di nagtagal ay naging isang ilog, tapos ay buong karagatan. Hindi sila naglakad tungo sa Longyin Pass, patungo sila sa Yanming Pass ng hukbo ng Xia.

"Bumalik kayo!" tumayo si Pingan sa tabi ni Chu Qiao at tumawag. Sinubukan niyang hilahin pabalik iyong mga taong iyon para lang maisantabi at maitulak sa nyebe. Sa lupa, sumigaw siya, "Bumalik kayo! Wag kayong umalis!"

Gayumpaman, walang nag-abala. Naglaho sa distansya ang mga tao at naglakad tungo sa hukbo ni Zhao Yang. Mataas na itinaas ang kanilang mga kamay, sumuko sila, at paulit-ulit na idiniin na mga sibilyan lamang sila.

Mula sa pormasyon ni Zhao Yang, isang pangkat ng sundalo ang lumabas. Ang libong mga sibilyan ay lumuhod, at habang nakataas ang kanilang mga kamay, mababa silang yumukod. Sa malayo, ang kanilang pag-iyak at ang tunog ng tawa ng mga sundalong Xia ay maririnig. Nanatiling nakatayo sa kinatatayuan nila ang mga mandirigma ng Xiuli, ang iba ay tahimik na umiiyak. Gayumpaman, hindi sila makapagsalita. Anong sasabihin nila? Posible ba nilang hikayatin ang mga sibilyang ito na walang mga armas na labanan ang kaaway? Posible bang maipangako nila na siguradong ililigtas nila ang mga ito? Nagpatuloy ang pagnyebe, at ang puso ni Chu Qiao ay tila naging permafrost na hindi nasikatan ng araw ng isang siglo, habang tinitignan niya ang lahat nang may hungkag na mga mata. Sa nililipad-lipad na pandigmang bandila, ang kalangitan ay lubusang tahimik habang ang taglamig ng taon 778 ay nagsimula na.

Septyembre ika-25, mayroong malalaking hangin. Parang bulak na bumagsak ang nyebe habang pababa silang lumulutang sa daloy ng hangin. Ang labasan ng piitan ay natakpan ng nyebe, at ang mga puntod ng ninuno ay matagal nang naihanda ang puting mga lampara. Ang mga naglalakad na katulong ay nakasuot lahat ng simpleng puting kasuotan, na may puting sutlang lumulutang sa simoy, at alikabok na tinatangay ng hangin. Sa bulwagan, walang mga sulong sinilaban, at ang tanging pinagmumulan ng liwanag ay ang nag-iisang kandila. Sa kadiliman, mag-isa itong nagliliwanag, nagbibigay ng mahabang kumukutitap na mga anino ng kapaligiran.

Sa bulwagan ng mga ninuno, mayroong nag-iisang pigura na nakaupo sa dilim. Tila ba hindi maiilawan ng liwanag ang lungkot sa kanyang mukha. Nakatalikod siya sa kandila, ang kanyang itsura ay pinalabo ng dilim. Maraming bote ng alak, ang iba ay wala nang laman at nakatumba na, nakalagay sa maliit na lamesa sa harap niya. Ang amoy ng alak ay naanod sa buong bulwagan. Hindi niya gusto ang alak, gayumpaman ay tuloy-tuloy siyang uminom at mag-isa sa bulwagan na ito ng buong tatlong araw.

Sa nakalipas na tatlong araw, kahit na kumalat na sa buong lugar ang amoy ng alak, bakit hindi man lang siya nakaramdam ng kalasingan?

Sa kabila ng malalaking hangin na umiihip sa labas ng pinto, nagbubuga ng sunod-sunod na bugso ng nyebeng bumugbog sa mga pader, ang palasyo ay tahimik at madilim, na mayroon lamang nag-iisang kandilang kumukutitap. Tahimik na nakaupong mag-isa, pakiramdam niya ay tila naririnig niya ang dagundong ng mga tambol, ang tunog ng pagsalpukan ng mga sandata habang inaangat ng mga mandirigma ang kanilang mga sandata at sumugod sa isa't-isa, at ang nasasaktang iyak ng mga sibilyang tinatawag ang kanilang bayan. Habang dumadaloy ang dugo at nagtipon bilang isang ilog, minantsahan nito ang marilag na mga pader ng Longyin Pass, kinulayan ang damo ng Yan Bei, at hinugasan ang huling emosyon sa pagitan nilang dalawa ng babae.

Related Books

Popular novel hashtag