Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 200 - Chapter 200

Chapter 200 - Chapter 200

Ibig sabihin noon na kahit kailangan gustuhin ng hari ng Qinghai, makakapaggala siya sa loob ng Yan Bei, at walang magagawa ang kahit na sino doon. Hindi lang iyon, ngunit nakalagay sa gitna ng kabundukan ng Helan at kabundukan ng Cuiwei ang Cuiwei Pass. Sa silangan ng landas ay isang malawak na damuhan na walang natural na nakaharang sa paningin. Ang tanging paraan para harangan ang kalaban sa Qinghai ay magtayo ng malaking pader na libong milya ang layo. Tila patawa ito, ngunit ito mismo ang reyalidad na kinakaharap ng Yan Bei.

Mabuti nalang, simula ng insidenteng iyon, hindi na ulit nagpakita ang Hari ng Qinghai na iyon. Tila ba nabagot lang siya isang araw at naggala upang sabihan si Yan Xun na siya ang bagong kapit-bahay ng Yan Bei. Syempre, hindi nagtangka si Yan Xun na ibaba ang pagbabantay niya. Habang nagpapakilos ng mga tauhan upang maghanap ng impormasyon mula sa Hari ng Qinghai, ilang beses siyang tumungo sa Cuiwei Pass sa pag-asang makipagnegosasyon sa Hari ng Qinghai. Idagdag pa, nagsimula na siyang magtayo ng linya ng depensa sa timog-kanluran at nag-ayos ng isang kampamyento. Doon, nagkaroon na sa wakas ng pagkakataon na makahinga ang imperyo ng Xia. Lahat ng kaalaman na ito ay mula kay He Xiao. Sa dalawang taon na iyon, bihirang bumaba ng bundok si Chu Qiao.

Napakatahimik ng mga gabi. Napakatahimik tipong maririnig ang tunog ng mga tahol ng aso sa paanan ng bundok. Gayumpaman, nang tulog ang lahat, tumingala si Chu Qiao sa mga bituin, at mag-isang umupo hanggang pagputok ng araw.

Gayumpaman, tumama ang trahedya ng walang pasabi. Ang balita ng rebelsyon ng Da Tong ay tulad ng napakainit na mantikang kalalagay lang ng tubig, gumagawa ng malaking ingay sa lungkot ng kabundukan ng Huihui. Nakatingin sa mensaherong nakukulayan ng dugo, napasimangot si Chu Qiao habang nakikinig sa sinasabi nito.

"Master, pakiusap tumungo kayo. Kapag hindi ka tumungo, mawawala na ang Da Tong!"

Tahimik na nakatingin dito, matagal bago sumagot si Chu Qiao. Ang balita ng rebelyon ng Da Tong ay kakatanggap niya lang mula sa garison ng syudad ng Quilan. Gayumpaman, agad na nagpakita ang lalaking ito at sinabihan siya na pinaplanong tuluyang hugutin ni Yan Xun ang ugat ng Da Tong Guild, at tuluyan nang tinanggalan ng gawain sa militar si Binibining Yu at Ginoong Wu, at binihag si Xia Zhi, Xirui, at iba pang heneral ng Da Tong. Ang tanggulan ng Da Tong Guild, ang syudad ng Wang, at naging mga bato nalang, at intensyon niyang pabalikin ang hukbo ng Huoyun, kasama si Prinsesa Huanhuan, intensyon na kompletong tanggalin ang mga rebelyon sa hinaharap sa pagligpit sa kanya...

Para sa ganoong mga salita, tumangging paniwalaan ni Chu Qiao ang mensahero. Sinabihan din siya ng lohiko na hindi dapat siya maniwala sa sinabi nito. Sa naranasan niyang kawalan ng awa ni Yan Xun, alam niya na hindi walang utak si Yan Xun. Ang pagligpit sa Da Tong Guild ay medyo may lohiko pa, at ang pagtanggal ng posisyon sa militar kay Ginoong Wu at Binibining Yu ay katanggap-tanggap, ngunit bakit niya gugustuhin ang kamatayan ni Huanhuan? Kadugo niya si Huanhuan. Kahit na naniniwala ito sa Da Tong, at pinalaki ng Da Tong, hindi niya lalabanan ang sarili niyang kuya para sa Da Tong.

"Makakababa ka na."

"Master!" bumagsak sa lupa ang lalaki, ang ulo nito ay humampas salupa na may malutong na salpok habang yumukod siya kay Chu Qiao, nagmamakaawa, "Hinihimok ko ang Master na iligtas ang Da Tong! Tanging ikaw nalang ang makakapagligtas sa amin." ang tunog ng pagluhod niyia ay napakalakas, at hindi nagtagal ay nababalot na ng dugo ang kanyang ulo. Nakasimangot, tumalikod na si Chu Qiao at naglakad pabalik sa silid niya. Nang nagsara ang pinto, ang tingin ng lalaki ay puno ng kawalan ng pag-asa at kalungkutan.

Para naman sa Da Tong Guild, hindi nagkaroon ng magandang impresyon sa kanila si Chu Qiao. Bukod kay Ginoong Wu at Binibining Yu, hindi siya masyadong nakipagtrabaho sa iba. Lagi niyang iniisip dati na mga kumpol lang sila ng masasamang tao na nagpaplano para sa kapangyarihan at kayamanan, ngunit unti-unti niyang napagtanto na hindi lahat sila ay ganoong tao. Karamihan sa mga myembro ng Da Tong ay may matatag na paniniwala at tapat na mga mandirigma, at katulad ng Mohism sa lumang tsina. Mga mabagsik silang mandirigma, edukadong mga iskolar, at karamihan sa kanila ay maawain at mabait. Ang ganoong mga tao ay magandang mapagkukunan para sa isang bansa kung magagamit sila ng tama. Sigurado siya na hindi papatayin ni Yan Xun ang talentadong grupo ng mga tao. Kaya katulad ng iniisip ni Chu Qiao, pinigilan niya ang hindi pagkapakali ng kanyang puso.

Gayumpaman, lahat ay nangyari nang hindi inaasahan ni Chu Qiao. Wala pa man dalawang araw mula noon, kumalat na ang digmaan sa lahat ng sakop ng Yan Bei. Hindi mabilang na grupo ng Da Tong Guild ang napalibutan at napatay, at ang pamumuno ng Da Tong ay nakaranas ng sakuna. Napakabilis na dumating ng kamatayan na wala man lang nakakuha ng kahit anong balita bago sila napalibutan. Ang lahat ay tila isang baha na kakasira lang sa pampang, agad na winalis ang Yan Bei, na walang kahit sino ang nakagawa ng kahit anong porma para maiwasan ito.

Sa pangalawang gabi, nagsimula ulit na akyatin ng mga mensahero ang kabundukan ng Huihui. mayroong 20 tauhan, ngunit, isa lang ang nakarating sa tuktok. Ang sakay ng kabayo ay naliligo ng dugo, at isa sa mga kamay niya ay nakadikit sa katawan niya sa manipis na piraso ng laman nalang, para bang pwede itong bumagsak kahit anong oras. Nakatingin kay Chu Qiao, hindi na nito kaya pang magsalita. Gamit ang isa pa niyang kamay, hirap na hirap niyang binuksan ang kanyang blusa at may ipinasang sulat kay Chu Qiao. Kahit na nababad sa dugo at pawis ang sulat, mababasa pa rin ang maayos na salitang nakasulat dito: AhChu, tulungan mo kami. Zhong Yu.

Matapos magdalawang-isip ng ilang sandali, marahang tumayo si Chu Qiao. Ang malamig na hangin ng bundok ay umihip sa kanyang mahinang katawan, habang huminga siya ng malalim at matatag na nag-utos, "He Xiao, ihanda ang kabayo ko, bababa ako!"

Isang kislap ng kaginhawaan ang kumislap sa mga mata ng mensahero. Kasunod noon, bumagsak siya sa lupa, una ulo. Saka lang napagtanto ni Chu Qiao na mayroong palaso na malalim na nakatusok sa likod ng lalaki, diretso sa kanyang puso. Walang nakakaalam kung paano siya nanatiling buhay at nakaakyat sa tuktok ng bundok sa ganoong kondisyon.

May 20 gwardya lang, sinuot ni Chu Qiao ang kapa niya, tapos ay sumugod siya sa kadiliman ng gabi. Sa malamig na ulang humuhugas sa mukha niya, isang hindi pagkapakali ang bumalot sa kanya. Nag-aatubili na siyang mag-isip pa, habang pinipilit niya ang kanyang kabayo na mas bumilis pa. Sa kadiliman ng gabi, tila walang katapusang layo ang paglalakbay.

Ang 3,000 malakas na grupo ng mga gwardya ni Binibining Yu ay mayroon nalang 100 tauhan. Ang lahat ay sugatan, ngunit alerto silang tumayo nang nakita nila ang paglapit ni Chu Qiao. Sa mabigat na bagyong iyon, nakahiga si Binibining Yu sa kubo. Nang pumasok si Chu Qiao, natutulog si Binibining Yu. Nakarinig ng tunog, gumising si Binibining Yu at marahang minulat ang kanyang mga mata. Ngumiti nang kaunti ang maputla nitong mukha nang makitang dumating si Chu Qiao, para bang inaasahan talaga nito ang pagdating niya, habangbinati niya si Chu Qiao, "Dumating ka." Isang palaso ang tumama sa kanyang dibdib, at kahit na nabendahan na ang sugat, walang nagtatangka na hilahin ang palaso na walang gamot para gamutin siya.

Nang makita iyon, namula ang mata ni Pingan habang suminghot siya at sinabi, "Hahanapin ko si Tiyo Dalie." pagkasabi noon, binuksan niya ang pinto at lumabas. Tumahimik ang silid na may presensya ng dalawang babae lang. Nagkataon, pareho silang nakasuot ng puti. Nakaluhod sa tabi ng higaan ni Lady Yu, agad nasabi ni Chu Qiao kung gaano kaseryoso ang sugat ni Binibining Yu. Nilunok ang kalungkutan, tahimik na nagtanong si Chu Qiao, "Binibining Yu, anong nangyari?"

Huminga ng malalim, umubo si Binibining Yu, tapos ay hindi malusog na pamumula ang nakita sa mukha niya. "Ang mga buwis sa Changqing ay itinaas, at ang mga lokal ay nag-alsa. Ang ilan sa mga pinuno ng samahan ay nakisama din. Ngayon, wala nang paraan para isalba ang sitwasyon."

"Nakisali ka din?" Malalim na kumunot ang noo ni Chu Qiao habang mahina siyang nagtanong, "Bakit ka nagpadalos-dalos? Ang makisali sa pag-aalsa ng mga sibilyan ay kapantay ng rebelyon. Hindi na pinagkakatiwalaan ni Yan Xun ang Da Tong Guild, bakit hindi ka nag-ingat?"

"Hurhur," magaang tawa ni Binibining Yu, habang ang kanyang dibdib ay taas-baba. Ang pokus ng kanyang mata ay tila madaling nawawala. Tumingin siya lagpas kay Chu Qiao, at tila nakatingin sa malayo. Tahimik siyang sumagot, "Nakita mo ba kung paano nakaranas ng manyebeng sakuna ang Changqing nitong nakaraang taglamig, at nitong taon, biktima ito ng mahinang ani, at dose-dosena ang namatay sa mga alaga nilang hayop. Sa pinakamahalagang puntong ito, nagdesisyon si Yan Xun na pwersahin silang ibigay ang kanilang pagkain, kung saan ay hindi na sapat para tumagal sa kanila sa taglamig. Katumbas ito ng paghiling na mamatay sila." nakatingin kay Chu Qiao, nagpatuloy si Binibining Yu, "Naghahanda ang Kamahalan para sa digmaan, at hinihiling na masakop ang Cuiwei Pass bago ang taglamig. Dahil doon, humimok na siya ng maraming sundalo at kumuha ng pagkain mula sa mga sibilyan. Marami na ang namamatay sa gutom. Kahit na alam ko ang kahihinatnan ko, wala akong pagpipilian kung hindi ay gawin ito."

Kagat ang kanyang labi, nakaramdam ng lungkot si Chu Qiao, habang mahigpit ang hawak niya sa kamay ni Binibining Yu, hindi makalabas ng mga salita ng pampalubag-loob.

"AhChu, isa kang mabuting bata, ngunit mahirap ang naging buhay mo. Hiling ko na sana maintindihan mo na hindi lahat ng nandito sa mundong ito ay masusundan ang kagustuhan mo. Maraming beses namin sinubukan ang lahat ng makakaya namin, ngunit maaaring hindi namin makamit ang nais namin na kahihinatnan. Bata ka pa, mayroon pa ring maliwanag na hinaharap para sayo." Malumanay na nakangiti, ang kakaunting kulubot na nadedekorasyon sa kanyang mata ay binigyan siya ng awra ng kaalaman, habang ang kanyang malambot na boses ay tila mabilis na nawawala. Nakaluhod sa tabi ng higaan ni Binibining Yu, diniinan ni Chu Qiao ang sugat ni Binibining Yu, sa pag-asang itigil ang dugo na lumalabas pa rin. Sa sariwang dugo na nagmamantsa sa malinis na puting damit ni Chu Qiao, kinagat niya ang kanyang labi at nahirapan na panatilihin ang luha sa kanyang mata.

"Binibining Yu, kailangan mo kumapit. Naghahanap na ng manggagamot si Pingan."

"Hindi na ako maililigtas." Bahagyang umiling si Binibining Yu. Ang mukha niya ay napakaputla na pwedeng maikumpara sa sariwang nyebe sa tuktok ng bundok. Ang mahina niyang mga ballikat at kamay ay kasing lamig ng yelo, habang inangat niya ang kanyang tingin sa sira-sirang bubong. Sa hangin na umiihip sa labas ng kubo, isang baha ng alaala ang kumislap sa mata ni Binibining Yu.

Sa huling punto ng kanyang buhay, lahat ng alaala niya ay mabilis na dumaanna para bang nanonood siya ng isang pelikula. Pakiramdam niya ay tila bumalik ang oras sa 15 taon ang nakakaraan sa bundok ng Wolong, ang kanyang puso ay bumibilis ang pintig habang nakatingin siya sa pigurang nakasuot ng berde na nakatayo sa gitna ng pulang dahon ng taglagas. Halos naaalala niya kung paanong tumama sa kanya ang katamtamang sinag ng araw, hinahaplos siya tulad ng kamay ng kanyang ina. Makikita niya ang sinag ng buwan, nagbibigay ng katkat na anino sa pamamagitan ng patong ng mga dahon sa guqin na nasa batong lamesa sa tabi niya. Tumalikod tungo sa kanya ang lalaki, at may malambot na ngiti, magiliw itong tumingin sa mga mata niya, habang inunat nito ang kamay tungo sa kanya, "AhYu, bakit ang aga mo gumising?"

Walang nakakaalam na hindi niya nagustuhan ang sining ng pulitika, militar, o pamumuno. Mula pagkabata, ginusto niya lang na magkaroon ng pamilya, at katulad ng karaniwang babae, matuto ng palamuti sa mukha at tula, at mangyayari din na makapangasawa siya ng responsableng asawa. Mamuhay ng payapang buhay, hindi niya kailanman pinangarap na iligtas ang mundo o humawak ng malaking kapangyarihan.

Gayumpaman, ambisyoso siya, at inilagay niya ang kanyang mata sa itaas ng lahat habang nakikita niya ang lahat ng klase ng hindi kapatasan sa mundo. Tumungo siya sa bundok sa pag-asang matuto ng mga kaalaman na bibigyan siya ng abilidad na magawa iyon. Sa huli, nang pinag-aralan niya ang sining ng pakikidigma, pag-aaralan ng babae ang pulitika; nang pinaglinang niya ang kanyang kaalaman tungkol sa negosyo at pinansyal, magbabasa ito ng tungkol sa ekonomiya; kapag mag-oobserba siya ng ugali sa pakikipagkapwa-tao, magninilay-nilay ito tungo sa psikolohiya. Lagi sinusubukan ng babae na kapunuan ang kanyang abilidad, para maging kapantay siya nito.

Ang kanilang amo ay maalam at alam ang lahat. Isang sulyap lang ang kinailangan upang maintindihan ng kanilang master ang nararamdaman niya para sa lalaking iyon. Hindi lang siya nito binawalan na matuto, tinuro sa kanya ng master nila ang lahat ng maituturo nito. Gayumpaman, sa huli, bago siya bumaba mula sa bundok, tahimik na naglagay ng sulat ang master niya sa kanyang mga gamit. Matapos ang mahabang panahon saka niya lang napagtanto. Sa loob ng sulat ay isang salita lang ang nakasulat: Debosyon.

Sa isang iglap, 15 taon ang lumipas. Nakalagpas siya ng hirap at ginhawa habang dumanas siya ng buhay at kamatayan. Maswerte na nasa tabi niya lagi ang lalaki. Kahit gaano man kahirap ang hangin at bagyong tinahak nila, magkasama silang tumayo. Sa paglipas ng oras, marahas na nagbago ang mundo. Para sa kapangyarihan, kahit ang mga-ama ay magiging magkaaway, kahit ang magkadugo ay lalabanan ang isa't-isa, at kahit magkasintahan ay aabandunahin ang isa't-isa. Tanging silang dalawa lang ang nanatiling pareho at nagpatuloy na magkaroon ng hindi sumusuray na paniniwala sa kanilang dahilan.

Gayumpaman, mayroong mga salita na pinanatili sa pinakailalim ng kanilang mga puso. Matapos ang paulit-ulit nilang pagkikita at mga paalam sa nakalipas na sampung taon, lagi niyang iniisip na mayroon pang kasunod. Doon, lumagpas ang oras sa pagitan ng mga daliri nila habang ginagawa silang abala ng mga pangarap nila, lubos na hindi alam ang katotohanan na maaaring mayroong araw na hindi na sila magtagpo pa. Sa wakas, habang-buhay na siyang mawawalan ng oportyunidad na iparating ang mga nararamdaman niya na itinago niya ng halols dalawang dekada, iyong mga malumanay na ekspresyong mayroon siya lagi.