"Alam ko na tapos na ang oras ko." magaan siyang nagbuga ng hininga at nagpatuloy sa mababang boses, "Alam ko na darating ang araw na ito. Hindi ko inaasahan na darating siya kaagad." isang mainit at malumanay na mukha ang lumitaw sa harap ni Binibining Yu, ngunit hindi niya mamukhaan ang tao dahil lumalabo na ang kanyang paningin. Ngumiti si Binibining Yu habang walang tigil na lumalabas ang dugo mula sa sugat niya at sumipsip sa benda. Hirap na hirap niyang inunat ang kanyang kamay upang haplusin ang mukha, habang iniisip niya ang una nilang pagkikita maraming taon na ang nakalilipas. Bata pa sila noon; dinala siya sa kalye upang parusahan sa pagtangkang tumakas. Bugbog-sarado siya noon ngunit hindi man lang umiyak. Dumaan ang lalaki sa tulay kasama ang guro nito, at paupong naningkayad para abutan siya ng bote ng gamot. Sinabi nito habang nakasimangot, "Ipahid mo ito ng isang beses sa umaga at isang beses sa gabi. Tandaan mo na magpagaling ng mabuti."
Habang pinanatili ni Binibining Yu ang kanyang ngiti, sinabi niya sa pagod na boses, "AhChu, matutulog na muna ako saglit. Tandaan mo na gisingin ako kapag dumating na si Daoya."
Kinagat ni Chu Qiao ang ibabang labi niya at mapwersang tumango. Ipinikit ni Binibining Yu ang kanyang mata habang nakaramdam siya ng kasiguraduhan. Ang kanyang ekspresyon ay pagod. Malambot siyang bumulong, "Matutulog muna ako saglit. Pagod na pagod ako. Saglit lang." Bumuo ng kaunting anino ang mahaba niyang pilikmata sa maganda niyang mukha habang unti-unting bumagal at huminto ang tibok ng kanyang puso. Walang buhay na bumagsak sa sahig ang kanyang kamay, lumapag sa pagitan ng baluktot ng braso ni Chu Qiao.
Lumakas ang hangin sa labas habang humampas ang ulan sa maliit na kubo. Nanigas ang katawan ni Chu Qiao. Tumungo siya habang may tumulong luha mula sa kanya tungo sa kasing lamig ng yelong mukha ni Binibining Yu. Ang patak ng tubig ay dumaloy pababa at humalo sa lawa ng dugo sa ibaba.
"Heneral!" madaling pumasok si He Xiao sa kubo. Nang makita niya ang walang buhay na katawan ni Binibining Yu, biglang natigilan ang lalaki.
Tahimik na tumingin sa kanya si Chu Qiao, sumagot sa paos na boses, "Anong problema?"
Matagal na nag-isip si He Xiao bagomarahang sinabi, "Nandito si Ginoong Wu."
Umuulan pa rin nang nakita nila si Ginoong Wu. Nagsuot ng kapote si Chu Qiao habang sinasamahan siya ni He Xiao at ng iba sa hangganan ng kapatagan ng Qiulan. Nagsindi ang mga sundalo ng sulo gamit ang pine oil, nililiwanagan ang madilim na madilim na piraso ng lupain. Mga bangkay na naging puti na dahil sa bagyo ay nagkalat kahit saan sa lupa. nakatayo si He Xiao sa ilalim ng desyertong puno ng poplar, nakahawak ng malaking payong. Nakaluhod doon si Ginoong Wu, kaharap si Chu Qiao at ang mga tauhan niya. Mayroong tatlong palasong nakabaon sa kanyang likod; isa sa kanila ay nakabaon sa kanyang puso. Ang kanyang mukha ay maputla habang may bakas ng dugo ang tumulo mula sa kanyang bibig. Wala na siyang buhay, ngunit nakamulat ang kanyang mata; mukha siyang may tinitignan dahil hindi siya bumagsak sa lupa. Ang kanyang kilay ay magkadikit habang pinanatili niya ang determinado niyang tingin.
"Nang makarating kami dito, namatay na ang Ginoo." umalingawngaw ang boses ni He Xiao mula sa tabi ng kanyang tainga. Ang gabi ay napakadilim, walang bakas ng kahit anong liwanag. Dineretso ni Chu Qiao ang kanyang likod at umupo sa kanyang kabayo. Ang kanyang mata ay tuyo; hindi siya makapaglabas ng luha.
"Ang bawat tao ay may sariling mga hiling. Para naman sa akin, hiling ko na maging malapit sa sarili kong pinaniniwalaan. Para dito, handa akong bitawan ang kalayaan at pag-ibig ko, dahil pakiramdam ko ay karapat-dapat iyon."
Sa iglap na iyon, tila narinig ni Chu Qiao ang mga salitang sinabi ni Ginoong Wu sa kanyang isang taon na ang nakalilipas sa kabundukan ng Huihui. Ang mga hangin ng gabi ay kumayangkang habang ang ulan ay nagpatuloy sa pagbagsak. Ipinikit ni Chu Qiao ang kanyang mata habang tumingala siya, dahilan para bumagsak sa kanyang mukha ang ulan na parang matalas na kutsilyo.
Binibining Yu, kailangan mong maghintay. Nandito na sa wakas ang taong hinihintay mo. Ang buhay na ito, pareho niyong pinagod ang sarili niyo. Sa susunod niyong buhay, huwag kayong kumuha ng maraming responsibilidad. Kailangan niyong manatiling magkasama at mabuhay ng masaya magpakailanman. Huwag niyo nang isipin ang kung ano pa man.
Ang lupa't kalangitan ay mapanglaw habang namumuksang dumaan ang hangin sa kapaligiran. Ang mahabang gabi ay kakaumpisa pa lang...
Mababang umali-aligid ang madilim na ulap sa panggabing kalangitan. Nagpatuloy sa pagngalit ang hangin, naglalabas ng mababang tunog.
"Tira!" Isang mababang boses ang paulit-ulit na binigay ang utos. Ang mga sundalong nakasuot ng pula, na napapalibutan sa lambak, ay isa-isang pinabagsak habang tumilamsik kahit saan ang dugo at narinig ang iyak ng paghihirap. Ang tunog ng orasan ay malakas na umalingawngaw, habang higit 20 senyales ng kasawian ang itinira. Ito ay sa dalisdis sa timog ng kapatagan ng Houlei, kung saan kulang kalahating oras na paglalakbay mula sa syudad ng Beishuo gamit ang kabayo. Hindi nila maintindihan kung bakit hindi sila niligtas ng mga sundalo mula sa Beishuo. Napaligiran na ba sila? Sino ang kaaway na umaatake sa kanila?
"Sino ito?" Isang palaso ang bumaon sa balikat ni Xiaohe, dahilan para tumulo ang dugo mula sa kanyang katawan. Ang mga kakampi niya, na lumalaban kasama niya, ay isa-isang bumagsak na parang isang mais na pwede nang anihin. Ang kanyang mata ay mapula habang nahihirapan siyang intindihin ang sitwasyon na nasa harap niya. Hindi niya naiintindihan. Natanggap niya ang utos ni Yan Xun na bumalik sa Beishuo upang maigawad sa kanya ang isang gantimpala. Bakit siya natambangan ng hindi alam na kaaway?
Tumingin si Xiaohe sa kabaliwan na nangyayari sa harap niya, na kahalintulad ng buhay na bangungot. Ang sitwasyon ay parang higanteng bato na bumagsak mula sa dalisdis. Walang sino man ang nakapigil dito na lumaki. Iyong nagtangkang magpumiglas ay walang pagsisikap na nadurog.
Hindi sila direktang nakipagpalit ng dagok sa kaaway. Dahil nasa teritoryo sila ng Yan Bei, at patungo sila sa seremonya ng paggagantimpala, hindi sila nagdala ng kahit anong sandata na kaya ang malayuang pagsalakay. Wala silang mga panangga o palaso. Ang hukbo ng 5,000 ay nabitag sa lambak na ito, napapaligiran ng kaaway kahit saan. Tumungo sa kanila ang mga palaso, hindi nagbibigay sa kanila ng pagkakataon na gumanti. Ang mga sundalong may tapang na sumubok at makaalpas ay walang awang pinabagsak, habang nagmantsa sa lupa ang dugo. Bundok ng bangkay ang nagkalat sa lupa habang isinigaw ng mga nabubuhay pang sundalo, "Sinong nasa kabilang panig? Bakit niyo kami inaatake?"
"Bakit walang dumadating para sagipin tayo? Nasaan ang mga gwardya mula sa Beishuo?"
"Gumagamit sila ng sunod-sunod na pamamaraan ng pagtira! Sarili nating pwersa ito!"
"Sino ba talaga sila? Sinong may gustong patayin tayo?"
Mapula ang mata ni Xiaohe. Inilabas ng bise-heneral niya ang espada nito at sinanggahan siya habang isinigaw, "Protektahan ang heneral! Protektahan ang heneral!" nang matapos niya ang kanyang sasabihin, isang matalas na palaso ang tumusok sa kanyang lalamunan, dahilan para mawala ang boses nito na parang umimpis na wind box. Tumilamsik ang dugo sa mukha ni Xiaohe.
Hinawakan ni Xiaohe ang katawan ng bise-heneral niya sa kanyang mga bisig. Ang matipunong lalaki, na nasa 30-taong-gulang, ay iminulat ng malaki ang kanyang mata at dinakma ang manto ni Xiaohe. Walang tigil sa pag-agos ang dugo mula sa bibig nito habang nagawa niyang magkapagsalita ng ilang salita na sobrang nahihirapan at paulit-ulit na paghinto, "Sino...sino...sinong may gustong patayin tayo?"
Mga bangkay na may nawawalang parte ng katawan ang nagkalat sa taas ng bawat isa, bumuo ng maliit na bundok sa ilalim ng mga paa ni Xiaohe. Hindi na siya nakakaramdam ng sakit sa kanyang sugat. Ang oras ay nasa pagitan ng 11:00 ng gabi at 1:00 ng madaling araw ng susunod na araw. Nagsimulang bumuhos ang ulan sa mga bangkay. Matapang na dumipensa ang mga mandirigma habang tumatapak sila sa dagat ng katawan ng kanilang mga kakampi, ginagamit sila bilang taong pananggalang upang harangan ang paparating na mga palaso. Iyak ng paghihirap, pagmumura, at pagsumpa ang nagdomina sa hangin. Matapos ang mahabang sandali, humupa ang mga alon ng pag-atake. Tumigil ang maraming ulan ng palaso, ngunit ang pwersa ng kaaway ay tahimik na naghihintay, nagpapatuloy na palibutan sila.
Ang pangalawang pangkat ng hukbo ng Huoyun ay halos nalipol na. Ang mga taong nananatili pa ring buhay ay parang namatay na rin. Wala na silang lakas para labanan ang mga atake ng kaaway, habang malakas silang hiningal na parang mabangis na mga aso.
Katahimikan. Nakakabinging katahimikan.
Bigla, ang mababang tunog ng makinaryang ginagamit ang umalingawngaw. Nanlaki ang mata ng mga mandirigma sa takot at tumingala para makakita ng panibagong ulan ng palasong lumilipad patungo sa kanila. Swoosh! Hindi kapani-paniwala ang talas nila at madaling tumagos sa mga walang buhay na taong pananggalang.
"Ah!"
"Mga bwisit, ako ay…"
Masidhing tunog ng pagmumura ang umalingawngaw muli. Gayumpaman, bago nila matapos ang kanilang sasabihin, pinatigil sila ng mga palaso. Tatlo o apat na palaso ang ibinaon ang sarili nila sa katawan ni Xiaohe, habang walang tigil sa pagtulo ang dugo. Hindi makilala ang mukha niya mula sa mga mantsa ng dugo. Nagpatuloy siya sa pagwakwak gamit ang kanyang espada, habang isang matalas na palaso ang tumagos sa kanyang balikat, dahilan para madikit siya sa sagisag ng hukbo ng Huoyun.
"Heneral!" isang sundalo ang sumigaw at tumakbo sa tabi niya. Nang malapit na siya, panibagong palaso ang tumagos mula sa likod ng kanyang puso, dahilan para lumaki ang mata ng sundalo. Tumungo siya, tila naguguluhan. Kinapa niya ang palaso gamit ang kanyang kamay at nangunot-noo. Tulad ng inosenteng bata, lumuhod siya sa lupa, sinusuportahan na manatiling nakatayo ng kanyang pana at palaso. Katulad nito, namatay siya sa harap ni Xiaohe.
Naluha ang batang heneral habang naglabas siya ng mabangis na sigaw. "Protektahan ang Heneral!"
Nagkulupon pasulong ang mga mandirigma. Ang kaaway, nakita ang kanilang galaw, ay inilipat ang linya ng kanilnag tira sa malaking grupo ng tao. Isang sundalo na hindi pa nakikita ni Xiaohe dati ang tumalikod at tumingin sa kanya, maliwanag ang tingin ng mga mata nito. May tawa nitong sinabi, "Iligtas ang Heneral. Mauuna na muna ako sa inyo." Pagkatapos, tumalikod siya at tumakbo tungo sa ulan ng mga palaso. Hindi mabilang na palaso ang tumagos sa kanyang dibdib at utak. Walang buhay siyang tumayo doon, sa orihinal niyang posisyon, habang naging taong titirahin siya.
Isang makabagbag-damdaming sakit ang naramdaman niya. Tumakbo paslong si Xiaohe, malakas na sumisigaw habang tinagalan ng katawan niya ang tama ng hindi mabilang na palaso. Tumakbo pasulong ang batang heneral hawak ang kanyang espada, habang mas madaming palaso ang tumusok sa kanya. Ang mga kalaban na nagtatago sa dilim ay nagulat; ang ilan sa kanila ay tumigil sa pagtira nang makita nila ang duguang sundalo na mabilis na patungo sa kanila.
Bigla, sa iglap na ito, isang espada ang lumipad at tumama sa binti ni Xiaohe. Nawalan ng balanse si Xiaohe at napaluhod sa lupa ang isang tuhod. Tumingin siya sa kampo ng kaaway na hindi kalayuan, ang kanyang mata ay mapula. Ang tingin ng mga mata niya ay naging nabubuhay na kabuuan ng kaalipustahan at galit dahil sa desperasyon at kahibangan. Tumingin ang mga mata niya sa pwersa ng kaaway na nasusuotan ng itim habang dumura siya ng dugo. Tumayo ulit ang batang heneral, nagagatungan ng nakakatakot na kagustuhan. Malakas siyang sumigaw, "Sino? Sinong nagtatangkang patayin kami?"
Panibagong makapal na magulong mga palaso ang lumipad tungo kay Xiaohe, hinigop palabas sa kanya ang kanyang buhay at pinapangit ang kanyang mukha. Yumanig ang lupa sa kulog habang ang malakas na ulan ay bumuhos sa kalupaan, tungo sa malamig at walang buhay na mga bangkay. Tumulo ang dugo sa bakas ng tubig habang ang buong hukbo ay nalipol.
"Sunugin sila," isang mababang boses ang narinig. Tumakbo palapit ang mga mandirigma dala ang kanilang kahoy na balde na may lamang pine oil sa loob. Ibinuhos nila ito sa patay na katawan ng mga sundalo; isang nakakasukang amoy ang nanggaling mula sa pinangyarihan habang humahalo ito sa maanghang na amoy ng dugo. Mabilis na sinilaban ang mga katawan at sinunog; kahit ang ulan ay hindi mapatay ang apoy. Tumayo doon ang mga mandirigmang nakaitim at pinanood habang nilalamon ng apoy ang lahat ng kaalipustahan sa harap nila.
Oo, hindi masusupil ng mga pagpatay ang pangarap, ngunit masusupil nila ang mga nagdadala ng pangarap.
Madilim at malamig pa rin ang gabi. Tumingin ang mga mandirigma sa syudad ng Beishuo, habang nawalan sila ng interes sa nangyayari sa likod nila. Nagsimula nang lumiwanag ang kalangitan nang nilapitan ng mga mensahero ang mga mandirigma dala angmgasumusunod na balita, "Dumating na si Prinsesa Huanhuan sa tarangkahan ng syudad kasama ang mga sundalo niya. Inuutusan ng Kamahalan ang Heneral na pangunahan mo ang mga sundalo mo tungo doon."
Matapos ang lahat ay hindi natapos ang patayan.
Magpapatuloy na ito.
"Heneral, mayroong mga 300 katao sa harap. Baka mga tagamanman ito mula sa Beishuo. Mabilis ang mga pandigmang kabayo nila. Iiwasan ba natin sila?"
Nagtaas ng kilay si Chu Qiao. Kakatigil lang ng ulan; dahan-dahan nawawala ang madilim na ulap, nag-iiwan ng manipis na puting hamog na nagtatagal sa hangin. Napakunot siya at matalas na tumingin tungo sa grupo ng mga tao.
"Heneral! Ang hukbo ng Huoyun. Tinutugis sila ng malalaking grupo ng mga sundalo. Mukhang mayroong 5,000 katao!" mabilis na tumakbo pabalik ang mensahero at sinabi. Nagtaas ng kilay si Chu Qiao at desididong nag-utos, "He Xiao, magdala ka ng mga tao at iligtas si Prinsesa Huanhuan. Pigilan ang mga sundalong humahabol sa kanila."
"Masusunod!" Sumunod si He Xiao at inayos ang kanyang hukbo ng 4,000, bago sumulong tungo sa labanan.
Malapit na nakasunod si Chu Qiao sa likod ng mga sundalo niya. Ang mga yabag ng kabayo ay tumapak sa maputik na lupa, nagpapakita ng kaunting bakas bg mapula-pulang tubig kasama ng maputik na tubig.