Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 197 - Chapter 197

Chapter 197 - Chapter 197

Gising naman talaga si Chu Qiao. Ayaw lang niyang buksan ang mga mata niya. Alam niya na kumikilos sa paligid niya ang mga tao; ang ilan sa kanila ay tinatawag siya, grabeng umiiyak. Ang ilan sa kanila ay pinainom siya ng gamot habang ang iba at tahimik na tumitingin sa kanya, hindi siya nilalapitan.

Alam niya ang mga bagay na nangyayari sa paligid niya, ngunit ayaw niyang gumising. Pabalik-balik siya sa kanyang tulog; malamig ang kanyang puso ay walang kahit anong sustansya. Paulit-ulit niyang naranasan ang parehong bangungot; sa kanyang panaginip, napakalamig. Walang patutunguhan siyang lumutang sa madilim na nagyeyelong lawa na iyon habang piraso ng basag na yelo ang dumadaplis sa kanyang balat. Kaharap niya si Zhuge Yue habang marahan itong lumulubog sa ilalim ng lawa. Isang kislap ng liwanag ang suminag sa likod ng lalaki, inilalarawan ang kaputlaan ng mukha nito. Nagningning ang mukha nito ng kaliwanagan, tulad ng bituin na nasa kalangitan. Ang ekspresyon nito ay hindi masaya o galit, bagkus ay kalmado. Tahimik itong tumingin sa kanya habang unti-unti itong lumulubog...

Ito ang unang beses sa buhay ni Chu Qiao na pakiramdam niya ay napakahina niya. Hindi kapani-paniwala ang pagod niya habang nais niyang walang hanggan na atulog. Wala nang kahulugan sa buhay. Iyong mga pangarap at paniniwala, na matigas ang ulo niyang pinanghahawakan malapit sa puso niya, ay malupit na binasag. Ayaw na niyang isipin pa ang mga ito, o may lakas na gawin iyon. Wala na siyang lakas ng loob na magmulat at harapin ang reyalidad na nasa harap niya. Nais niyang tumakas; naging napakahina niya sa puntong naisip niyang ang pagpikit ng mata ay hahayaan siyang magkunwari na walang nangyari. Sa iglap na ito, bigla niyang napagtanto na isa siyang babae. Nakakaramdam siya ng sakit, lungkot, pighati, at desperasyon. Ayaw niyang kumain o uminom, at pinapalo palayo ang kahit anong pagtatangka na painumin siya ng gamot.

Nanatiling ganito nang isang araw, hindi karaniwang maingay sa labas ng kanyang pinto. May malakas na minumura siya; hindi mabilang na maruming salita ang inilabas ng bibig ng lalaki, sinasaksak ang kanyang puso bawat salita. Pamilyar ang boses, na naging dahilan kaya napamulat siya ng malaki. Bumaba siya ng kanyang higaan para lang makita na ang katawan ni Zhu Cheng ay tinamaan ng palaso.

Ang batang butler, na hindi marunong ng martial arts, ay lubos na sugatan. Ang damit nito ay punit, sira-sira at namamantsahan ng dugo. Para siyang baliw. Sa kabila ng naputulan ng isang kamay, nagtatangka siyang sumugod sa silid ng babae sa kabaliwan. Tumilamsik ang sariwang dugo sa batong baitang ng bakuran. Ang kanyang mata ay mapula at walang tigil siyang nagmumura, habang ginamit niya ang natitira niyang nag-iisang kamay upang atakihin ang mga tagasilbi na nasa gilid niya. Hindi siya inatake ng mga tagasilbi dahil sinusubukan lamang nilang pigilan siya na makalapit sa bahay. Pinabagsak nila ito at malamig na nanood habang paulit-ulit siyang tumayo.

"Ikaw na masamang, walang utang na loob na babae!" sigaw ni Zhu Cheng. Malala ang sugat ni Zhu Cheng at nangingitim ang balat, habang naipon ang nana sa maraming parte ng kanyang katawan. Makikita na nalantad ang balat niya sa malamig na nyebe ng mahabang panahon, nagresulta ng kanyang sugat.

Hinawakan ni Lü Liu si Chu Qiao, habang nahihirapan siyang takpan ang mga mata niya ng nanginginig niyang kamay. Gayumpaman, nanatiling diretsong nakatayo si Chu Qiao, tulad ng matalas na sibat. Hindi siya gumalaw ng makita niyang mapabagsak si Zhu Cheng at paulit-ulit na tumayo, tumatakbo tungo sa kanya.

"Tigil," saad ni Chu Qiao sa mababang boses. "Tigil!" bigla niyang sigaw ulit, tinulak sa tabi si Lü Liu at tumakbo palabas. Ang hangin sa labas ay malamig. Tumakbo siya tungo kay Zhu Cheng sa kabaliwan, at tinulak sa tabi ang lahat ng tagasilbing sumubok na pigilan siya, at sumigaw, "Itigil niyo yan, kayong lahat!"

"Papatayin kita!" bulalas ni Zhu Cheng at padaskol-daskol itong sumuray-suray tungo sa kanya habang hawak ang espada nito. Nanatiling nakatayo sa kinatatayuan niya si Chu Qiao. Sa iglap na iyon, hindi na siya ang maliksing agent ng modernong panahon. Hindi siya umiwas nang nakita niyang papalipad sa ulo niya ang espada.

Gayumpaman, nang humiwa sa damit niya ang espada, isang matalas na palaso ang lumipad sa hangin at tumpak na tumusok sa puso ni Zhu Cheng. Bumulwak ang dugo mula sa bibig ng batang butler tungo sa mukha ni Chu Qiao. Nangisay ang katawan ng lalaki habang lumaki ang mata nito. Bumaluktot ang tuhod nito habang bumagsak ito sa sahig. Hinawakan siya ni Chu Qiao habang nakikita niya ang galit na tingin sa mata ng lalaki. Sa huling hininga nito, dumura ito ng namamantsahan ng dugong plema sa mukha niya at nagmura, "Malandi!"

Thud! Bumagsak sa lupa si Zhu Cheng, dahilan para lumipad ang alikabok sa hangin. Tulad ng maliit na insektong may pakpak, dumikit siya sa mukha ni Chu Qiao. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin, nakita ang malamig na mukha ni Yan Xun sa harap niya. Nang ibinaba ni Yan Xun ang pana at palaso nito, taimtim itong naglakad palapit sa kanya. Nakatingin sa kanya, sinabi niya sa mababang boses, "Sinabi ko sa buong mundo na inilatag mo ang bitag na ito para kay Zhuge Yue at pinatay siya. Sinamahan ng lalaking ito si Zhuge Yue sa Yan Bei, kaya mas mabilis siyang nakarating dito. Inaasahan ko na sa ilang araw, ang mga mamamatay-tao na mula sa pamilya ng Zhuge ay mamumutiktik sa lugar na ito. Gayumpaman, nagtalaga ako ng maraming tao para protektahan ka. Hindi mo kailangan mag-alala."

Tumingin si Chu Qiao kay Yan Xun. Sa iglap na iyon, pakiramdam niya ay hindi niya ito kilala. Sinubukan niyang alalahanin, at pinalaki ang mata para tumingin sa lalaki. Gayumpaman, nakaramdam siya ng nakabubulag na sakit ng ulo. Suminag ang sikat ng araw sa katawan ng lalaki; naging dahilan ang ningning para hindi niya mabukas ang kanyang mata.

Kinaladkad palayo ng mga tagasilbi ang bangkay ni Zhu Cheng, nag-iiwan ng bakas ng dugo. Ang galit na tingin sa mga mata nito ay nandoon pa rin, habang ang kanyang mata ay mulat na mulat; tila nais nitong kainin ang babae.

Mabilis na umalis si Yan Xun kasama ang mga tauhan niya. Nagsimulang tumahimik ang bakuran. Kumuha ng maraming balde ng tubig ang mga katulong at ibinuhos itong lahat sa sahig, sinusubukang kuskusin ang mantsa ng dugo dito. Nanatiling nakatayo si Chu Qiao sa kinatatayuan niya. Walang nagtangkang umistorbo sa kanya. Maingat na lumapit si Lü Liu sa kanya at hinila-hila ang manggas niya habang tumatawag, "Binibini? Binibini?" umihip ang hangin sa kanyang katawan na naramdaman niya ang lamig nito. Bahagyang inuga ni Lü Liu ang kanyang braso habang ang kanyang boses ay mukhang nasasamid ng kaunti sa pag-iyak.

Bigla, tunog ng galit na binata ang nanggaling sa labas ng pinto. Minura ni AhJing ang mga tagasilbi na nagtangkang pigilan siya nang pumasok siya na may malalaking hakbang. Nang nakita niya si Chu Qiao, nakaramdam siya ng maasim na pakiramdam sa kanyang ilong. Hindi pinansin ang nasa paligid niya, hinila niya si Chu Qiao at naglakad sa bahay. Malamig sa labas, habang nakasuot si Chu Qiao ng nag-iisang patong. Natatarantang nagmadaling pumunta sa tabi niya ang mga katulong na sinusubukan nilang painitin siya, habang hinayaan niya ang mga ito na gawin ang kahit ano sa kanya, na para siyang isang patay na tao.

"Binibini, huwag kang maging ganito," saad sa kanya ni AhJing na may mapulang mata. "Hindi ito kasalanan ng Kamahalan. Si Cheng Yuan ang may kasalanan, ang masamang taong iyon, sinusubukan gumawa ng alitan. Binibini, kailangan mo maging mas malakas."

Tila malayo ang boses ni AhJing. Tumalikod si Chu Qiao at nagsususpetyang tumingin sa lalaki. Matapos ang mahabang sandali, marahan niyang sinabi, "Paano si He Xiao?"

Ang kanyang boses ay paos, tulad ng basag na wind box. Natuliro si AhJing dahil hindi niya alam ang ibig sabihin ng babae. Sumagot siya sa parang natanga, "Ah? Ano?"

"Paano si He Xiao? Ang mga sundalo mula sa hukbo ng Xiuli? Kamusta sila? May nangyari ba sa kanila?"

"Walang nangyari," nagmamadaling sagot ni AhJing. "Walang nangyari sa kanila. Nasa bulwagan ng martial arts sila ngayon. Nais ka nilang bisitahin, ngunit pinigilan ng Kamahalan ang kahit sinong bisita dahil nagpapagaling ka pa."

"Oh," tahimik na tumango si Chu Qiao. Kalmado siyang nagtanong, "Patay ba ang lahat ng tauhan ni Zhuge Yue?"

"Patay na silang lahat. Karamihan sa katawan nila ay hinila palabas ng tubig. Ang ilang ay lumubog ng sobrang lalim kaya hindi namin nagawang kuhanin sila. Nang maisip ang tungkol dito, sa tingin ko ay hindi din sila nakaligtas."

"Paano si Zhuge Yue? Nakuha na ba ang katawan niya?"

Dinilaan ni AhJing ang kanyang labi nang nakita ang kalmadong ekspresyon ni Chu Qiao. May mababang boses siyang sumagot, "Opo. Naatasan si Heneral Yue na ibalik ang katawan niya sa Xia. Personal itong kukuhanin ni Zhao Che. Dagdag pa, binigyan tayo ng pamilya ng Zhuge ng milyong tael ng ginto sa pagpreserba ng katawan niya."

Nanatiling hindi nagbago ang ekspresyon ni Chu Qiao habang paulit-ulit siyang tumango. Kinakabahan na nagpatuloy si AhJing, "Binibini, huwag ka mag-alala. Walang sumira ng katawan niya. Maganda ang kondisyon nito nang ibinalik namin. Naghanda din ang Kamahalan ng mataas na klase ng kabaong..."

"Patay na siya. Ano pang silbi ng kabaong?" simpleng sumagot si Chu Qiao tapos ay tumayo siya. Hindi siya kumain sa nakalipas na anim hanggang pitong araw, bukod sa kaunting gamot sa umpisa. Medyo nahihilo siya habang naglalakad siya, muntik nang bumagsak sa gilid niya. lumapit si Lü Liu para suportahan siya, ngunit pinatabi niya lang ito. Pasuray-suray siyang pumunta sa lamesa at pumulot ng panulat habang naghahanda siyang magsulat.

"Maghahanda ako ng tinta para sayo," tumakbo si Lü Liu sa kanyang gilid at nagpahayag.

Nakabukas pa rin ang pinto. Nang umihip sa loob ang hangin, ginulo nito ang mga papel na nasa lamesa. Inutusan ni Lü Liu ang mga katulong sa tabi sa nagmamadaling paraan, "Isara ang pinto!"

Nang tumungo ulit siya, tapos nang isulat ni Chu Qiao ang sulat niya. Inilagay niya ito sa isang sobre at ibinigay kay AhJing habang kalmado niyang sinabi, "Ipasa mo ito kay He Xiao at sabihin na sundin ang utos na nakasulat dyan. Sabihin mo sa kanya na pigilan ang mga assassin ng pamilya ng Zhuge sa pagpasok ng Yan Bei."

Tuliro si AhJing nang tinanggap niya ang sulat mula sa babae. Dagliang sumulat ng panibagong sulat si Chu Qiao at ipinasa ito kay AhJing habang nagpatuloy siya, "Ipasa mo itong sulat na ito kay Ginoong Wu at sabihin na iyon nalang ang magagawa ko, ngunit maraming paraan para matupad ang paniniwalang ito. Nakapagplanta na ako ng mga tauhan sa Shangshen. Ibinibigay ko na sa kanyang ngayon ang lugar na iyon."

Pagkatapos, nagsimulang magsulat si Chu Qiao ng pangatlong sulat. "Ibigay mo ito kay Huanhuan at sabihin na umaasa ako sa kanya."

Isang hindi magandang premonisyon ang nagsimulang mabuo sa puso ni AhJing. Prangkang nagtanong ang lalaki, "Binibini, magpapakamatay ka ba?"

Tumingin si Chu Qiao sa kanya. Ang tingin ng mga mata niya ay kasing sigla ng dati, ngunit pakiramdam ni AhJing ay hindi na ito katulad ng dati.

Oo, hindi na ito katulad ng dati. Noon, kalmado at mahinahon ang Binibini, ngunit kapag tumingin siya sayo, mararamdaman mo ang taos-puso niyang emosyon. Ngayon, kahit na tumingin siya sayo, wala ka sa paningin niya. Kahit na nakatingin siya sayo, tila tumatagos ito sayo, sa katawan mo, sa bahay, sa dingding ng bakuran, sa mga ulap at malayong kalangitan...

"Hindi," kalmadong sumagot si Chu Qiao. Tumalikod siya at nagpahayag kay Lü Liu, "Nagugutom ako, dalhan mo ako ng makakain."

Natigalgal si Lü Liu. Matapos ang mahabang sandali, masaya siyang sumunod at tumakbo palabas ng silid.

Nauna nang ihanda ang mga putahe at mainit pa rin. Si Lü Liu at ang iba pang katulong ay inilapag ito sa malaking lamesa sa tabi ni Chu Qiao habang nagagalak niyang binulalas, "Nag-utos ang Kamahalan na ihanda ang mga putaheng ito. Binibini, nagpapagaling ka pa rin, mas magandang kainin ito. Ito ang gamot na inihanda ni Physician Yu, maganda ito sa tiyan. Binibini, ilang araw kang hindi kumain, kaunting karne lang ang dapat mong kainin. Ito ang sabaw ng manok na ako mismo ang nagpakulo. Pinakuluan ko ito ng 22 oras. Humigop ka..." unti-unting nawala ang boses ni Lü Liu. Walang magawa siyang tumingin kay Chu Qiao nang kinuha nito ang mangkok at nagsimulang kumain na parang robot. Lumamon siya ng kanin habang ngumuya at lumunok ng malalaking subo. Hindi nagtagal, nakain niya ang isang buong mangkok ng kanin. Tumayo siya at sinalinan ng kanin ang kanyang mangkok, umupo, at nagpatuloy kumain.

Ang tanawin ng pagkain niya ay nakakatakot. Umasta siya na parang pulubi na matagal hindi nakakain. Walang tigil niyang isinalpak sa bibig niya ang pagkain, na lubos na tinakot si Chu Qiao. Gusto niyang pigilan si Chu Qiao pero hindi siya pinansin nito. Kinagat ni Lü Liu ang kanyang labi habang tumutulo sa mukha niya ang kanyang luha. Hinila-hila niya ang braso ni Chu Qiao at umiiyak na sinabi, "Binibini, kung nalulungkot ka, iiyak mo lang lahat. Huwag mong pigilan ang emosyon mo, hindi iyon mabuti sa kalusugan mo. Kung malungkot ka, iiyak mo lang!"

Nanatiling tahimik si Chu Qiao habang nagpatuloy siyang kumain na tila robot. Tila ba gusto niyang lunukin ang sakit na nararamdaman niya kasama ng kanin.

Tahimik ang bahay, bukod sa hikbi ni Lü Liu. Hinawakan ni AhJing ang tatlong sulat habang lumamig ang kanyang daliri. May gusto siyang sabihin nang nakatagpo niya ang malamig na tingin ni Chu Qiao. Tumingala ang dalaga at nagpahayag, "Pakiusap umalis kayo."

Related Books

Popular novel hashtag