Nang oras na umalis si AhJing, umiinom na ng gamot si Chu Qiao. Sunod-sunod na grupo ng manggagamot ang pumasok dala ang malalaking kahon ng gamot at kagamitan sa panggagamot, at tila puno ang bakuran ng buhay at aktibidad. Gayumpaman, pakiramdam ni AhJing na mas malamig ang lugar. Nang nilisan niya ang bahay, nakita niya si Yan Xun na nakatayo sa ilalim ng puno ng poplar. Maganda ang pangalan ng Yunbi, ngunit ito ay, sa katunayan, isang napakahirap na syudad. May mabigat na nyebe bawat taon, ang mga tao dito ay magugutom sa taglamig, at di katagalan, ay mga kabataan ay lilipat paalis ng syudad na ito, iniiwan ang matatanda at ang mga puno ng poplar.
Kahit na lumabas si AhJing, hindi lumingon si Yan Xun. Sa pagbibigay-galang, ibinigay ni AhJing ang sulat kay Yan Xun. Isa-isa itong binuksan, siniyasat mabuti ni Yan Xun ang mga sulat. Kahit na maiikli lang ang tatlong sulat, isang oras na binasa ito ni Yan Xun. Sa huli, ibinalik niya ang mga sulat sa sobre nila, at ipinasa ito pabalik kay AhJing habang nag-uutos, "Sundin mo ang utos niya."
Ang mukha ay lubos na namumula, tila ba nahuli siya, nagdalawang-isip pansamantala si AhJing bago sumagot, "Kamahalan, mag-iisip ba ng sobra ang binibini at kikitilin ang sarili niyang buhay? Mukhang sinusulat na niya ang sarili niyang gustong mangyari bago mamatay."
Hindi nagbabago ng kanyang ekspresyon, matatag na sinagot ni Yan Xun si Ahjing ng parehong isinagot ni Chu Qiao, "Hindi, hindi niya gagawin."
"Kung gayon," nagtanong si AhJing, "Bakit hinayaan natin siya na dalhin ang sisi sa pagpatay kay Zhuge Yue? Hindi lang mababaliw at maghihiganti ang mga mamamatay-tao, ngunit kamumuhian ka ng binibini."
"Kamuhian ako?" Tumaas ang tono ni Yan Xun nang sinabi niya iyon. Tahimik na tumawa ng kaunti, kalmado siyang nagpaliwanag, "Mas maganda pa rin iyon kaysa mamatay siya."
Natigilan, tila may naintindihan si AhJing, ngunit hindi pa siya lubos na nakakasigurado sa hula niya kaya nagpatuloy siyang magtanong, "Kamahalan, magkakaroon ba ng problema sa paggamit ng kahit sinong bangkay para lokohin ang imperyo ng Xia at ang pamilya ng Zhuge? Matapos ang lahat, tinanggap natin ang salapi nila."
Hindi sinagot ni Yan Xun ang tanong na iyon, ngunit inunat lang ang kamay, nakaturo sa manyebeng kapatagan sa harap. Marahan siyang nagtanong, "AhJing, alam mo ba kung bakit hindi minamarkahan ng mga mapa ng Yan Bei ang syudad ng Yunbi?"
Hindi alam ni AhJing kung bakit biglang nagtanong ng ganoon si Yan Xun, ngunit sumagot pa rin siya ng tama habang umiling siya at sinabi, "Hindi ko alam."
"Iyon ay dahil walang kwenta ang lugar na ito." Malalim na tonong nagpaliwanag si Yan Xun, "Napakaliit ng lokasyon na ito, desyerto, tigang, at walang mapagkukunan. Hindi ito magagamit na bukid, o kahit bilang lupang maaalagaan. Hindi dumadaan dito ang Chi Shui, at napakalayo dito ng lawa ng Qianzhang. Hindi lang iyon, ngunit bawat taon, mabigat ang nyebe dito at nagbibigay ng sakuna bawat taon. Kahit na sakupin ng mga taga Quan Rong ang Yan Bei, hindi nila lulusubin ang lugar na ito. kahit na pang militar o ekonomiya, pabigat sa Yan Bei ang lupaing ito, at dahil dito ay kahit mga mapa ay hindi minamarkahan ang lokasyon na ito." malamig na tumatawa, nagpatuloy si Yan Xun sa paliwanag niya, "Sa pamilya ng Zhuge, ang eksistensya ni Zhuge Yue ay tulad ng eksistensya ng Yunbi sa Yan Bei. Ang eksistensya niya ay isang kahihiyan. Ano sa tingin mo ang mangyayari sa heneral na padalos-dalos at mayabang, namatay hindi dahil sa labanan kung hindi ay dahil sa pag-ibig niya sa isang babae? Hindi mahintay ng pamilya ng Zhuge na putulin ang lahat ng ugnayan ng mga ito sa kanya. Sinong mag-aabala na suriin ang katawan niya?"
Biglang naintindihan ni AhJing. "Ah, nakita ko. Kaya pala kailangan gamitin ng Kamahalan ang Binibini para magbalat-kayo. Mukhang intensyon mong pahinain ang pamilya ng Zhuge."
Walang emosyon, tumingin si Yan Xun sa malayo, habang marahan siyang sumagot, "Ang kamatayan ni Zhuge Yue ay umpisa pa lang. Ang pamilya ng Zhuge, si Zhao Che, si Heneral Le Xing, at kahit si Meng Tian, na naunang irekomenda siya, ay maaapektuhan. Magulo ang imperyo ng Xia ngayon. Namatay na si Zhao Qi, at walang silbi si Zhao Song. Ang kapangyarihan ng pamilya ng Wei at ni Zhao Yang ay napakahina. Bakit hindi sila bigyan ng tulong at pahinain pa lalo ang salungatan? Kapag lang nasa kaguluhan na ang imperyo ng Xia saka ko lang mapangangalagaan ang lupain ko."
Nakatayo doon si AhJing na nakanganga, lubos na natigalgal.
"AhJing, huwag ka laging makipag-away kay Cheng Yuan." Nakatingin kay AhJing, bahgyang sumimangot si Yan Xun tapos ay nagpatuloy siya, "Hindi ka na isang mamamatay-tao lang ng isang lihim na organisasyon. Sa papalapit na pagsakop ng Yan Bei sa silangan, ikaw ang magiging braso ko. Kung gusto mong magkawkaw sa pulitika, kailangan mo munang magkaroon ng kakayahan na gawin iyon. Maraming mga tao na kailangan magsakripisyo sa malaking hangarin. Kung hindi mo iyon maintindihan, habang-buhay kang magiging katulad noong mga mapangarapin sa Da Tong Guild, habang-buhay na naninirahan sa kanilang mga pangarap at hindi nakakatikim ng totoong kapangyarihan."
Tumalikod si Yan Xun at hindi masyadong pinansin ang gulat na ekspresyon ni AhJing. Mayroong pangungusap na hindi niya binanggit: Kahit na mabagsik at malakas ang isang leon, mahirap itong kontrolin. Minsan mas gusto niyang gumamit ng isang grupo ng mga aso.
Para kay AhChu, maiintindihan niya rin na ang kamatayan ni Zhuge Yue ay lubos na mahalaga, at ang gamitin ang pangalan niya sa insidente ay pinakamagandang pagpipilian sa Yan Bei. Una, maliban kung gagamit ng marahas na pamamaraan, imposibleng mabitag si Zhuge Yue. Pangalawa, kailangan niya ang mga epekto ng sanhi ng pagkamatay ni Zhuge Yue para magpwersa ng sunod-sunod na epekto sa imperyo ng Xia. Sa oras na nagsimula nang bumagsak ang imperyo ng Xia sa kaguluhan sa loob nila, siguradong maiintindihan ng babae. Sa nararamdaman naman nito kay Zhuge Yue, hindi iyon masyadong pinag-isipan ni Yan Xun. Noong buhay pa si Zhuge Yue, hindi masyadong nag-alala si Yan Xun. Paano pa kaya kapag namatay na si Zhuge Yue? Katulad lang ang babae noong nakaraan, nagliligalig lang. Pagagalingin ng oras ang lahat ng sugat, at babalik ito sa normal matapos ang ilang araw. Magagawa nitong maghintay.
Nalubog sa katahimikan si AhJing bago biglang nagtanong, "Kamahalan, galit talaga ang binibini. Hindi ka ba papasok para silipin siya?"
"Wala nang oras. Kailangan kong tumungo sa landas ngayong gabi. Matagal-tagal na rin naghahanda si Zhao Che na umatake, kailangan kong bumalik para kontrolin ang sitwasyon."
Pagkatapos matapos ni Yan Xun sa sasabihin niya, nanatiling nakatayo si AhJing sa kinatatayuan niya. Pinanood si Yan Xun na sumakay sa kabayo nito, at unti-unting naglakad palayo na sinasamahan ng mga gwardya nito. Sa iglap na iyon, biglang naalala ni AhJing ang sinabi ni Yan Xun sa kanya noong nasa palasyo sila ng Sheng Jin. Nang oras na iyon, binabalaan ni AhJing si Yan Xun na pag-isipan ang buong sitwasyon, ngunit sumagot si Yan Xun, "Kung wala si AhChu, ano pang silbi ng Yan Bei sa akin?"
Malalim na nakaukit sa isip ni AhJing ang salitang iyon, at umaalingawngaw pa rin sa isip niya ngayon. Gayumpaman, nakalimutan ba ng Kamahalan ang mga salitang ito? o baka, hindi niya nakalimutan, ngunit napakaliit ng Yan Bei, at masyado siyang ambisosyo; masyadong matalino. Ang nais niyang makuha ay ang buong mundo.
Tumungo, hindi alam ni AhJing kung ano ang tama o mali. Siguro simula nung nag-umpisa siyang sundan si Yan Xun, nakatadhana nang mangyari ang sitwasyon. Tumalikod at naglakad palayo, ang karaniwang diretsong likod ni AhJing ay tila nakakuba sa kung anong rason. Tila ba may mabigat na nakapasan sa likod niya, dahilan para hindi siya makalakad ng diretso ang tindig.
Buong limang araw na namahinga si Chu Qiao bago siya bumalik sa normal. Sa nakalipas na mga araw, perpekto ang pagkanormal niya, kumakain siya sa tama, at iniinom sa oras ang gamot niya. Kapag hindi siya natutulog, mag-uunat siya sa bakuran. Ang hindi malusog na mapayat niyang mukha na resulta mula sa sakit mula sa bago ang insidente ay bumalik na sa normal, ngunit nagpapakita pa rin ang kutis niya ng hindi malusog na kaputlaan. Pakiramdam ni Lü Liu na kakaibang mukha pa rin siyang may sakit, kaya lihim nyang tinignan si Chu Qiao sa gabi, para lang malaman na nananatiling nakamulat ang mata ni Chu Qiao sa gabi at hindi makatulog.
Bagong taon na. Ang labanan sa may landas ay natapos na tatlong araw ang nakakalipas. Matapos ang walong ikot ng apurahang utos mula sa palasyo ng Sheng Jin, walang pagpipilian si Zhao Che kung hindi ay bumalik sa kabisera. Sa oras na iyon, kinuha ni Yan Xun ang oportyunidad na atakihin ang Yanming Pass. Kahit na hindi nagtagumpay ang paglusob, nakapagbigay siya ng higit 50,000 nasawi sa sundalo ng Xia. Maikokonsidera itong magandang regalo sa Yan Bei.
Bumalik si Yan Xun isang araw bago ang araw ng bagong taon. Doon, ang syudad ng Yunbi ay biglang naging lokasyon para sa emperor ng Yan Bei na tutuluyan sa bagong taon. Ang lahat ng lokal na opisyal ay nagagalak, at dinekurasyunan ang buong lugar upang maging karapat-dapat na lokasyon ito na pagdidiwangan ng okasyon. Sa umaga, nagdala si Lü Liu ng bagong damit para kay Chu Qiao. Matingkad na pula sila na may sandaang mga lotus na nakaburda sa kanila. Mukha itong marikit at maganda, gayumpaman, hindi komportable si Chu Qiao na tignan ito, dahil pakiramdam niya ay kahawig ng dugo ang pulang kulay. Siya ay lubos na nababagabag dito tipong inayawan niyang maski hawakan ang damit.
Maayos na ang lahat. Dapat ay naihatid na ang mga mensahe. Nasa may kakayahang mga kamay na ni Ginoong Wu ang Shangshen. Para naman sa hukbo ng Xiuli, walang silang hinaharap sa pagsunod sa kanya. Para sa mga mahalagang myembro ng Da Tong guild, mag-iingat si Yan Xun pagdating kay Binibining Yu at Ginoong Wu, kaya ibinigay ni Chu Qiao ang kapangyarihan sa hukbo kay Huanhuan. Hindi lang siya prinsesa ng Yan Bei, pinangungunahan na din nito ang hukbo ng Huoyun. Mabibigyan niya ng magandang hinaharap ang hukbo ng Xiuli. Mukhang hindi na kailangang magtagal pa siya dito.
Nang makarating si Yan Xun sa silid, bakante na ang lugar. Mukhang nasa normal ang lahat—maayos at malinis. Bigla, naalala niya iyong gabi na binigay sa kanya ang kamay ni Zhao Chun'er upang mapakasalan, nanlumo ang kanyang puso. Hindi sa hindi niya naisip ang sitwasyon na maglalaho ang babae, ngunit nakahawak pa rin siya sa isang bakas ng pag-asa. Siguro naintindihan na nito ang lahat? Siguro pinatawad na siya nito? Matapos ang lahat, sa isang dekada nilang magkasama, lagi siyang nitong pinatatawad. Kahit anong ginawa niya, patatawarin siya nito. Inabanduna niya minsan ang Southwest Emissary Garrison at ang Yan Bei. Pinatay niya ang mga tauhan nito, at pinagdudahan, itinakwil, gayumpaman ay hindi siya iniwan ng babae. Si Zhuge Yue, at si Zhuge Yue lang... kahit gaano pa ang pasasalamat ni AhChu sa kanya, paano makakapantay ang nararamdaman na iyon sa sampung taon nilang magkasama?
Siguro ang kailangan lang nila ay isang wastong pag-uusap. Hangga't kompleto siyang maging matapat sa mga naiisip at mga plano niya, maiintidihan siya nito. Kahit na galit pa rin ang babae, hindi magtatagal ay mawawala din ang galit nito. Sa pinaka, ibibigay niya ulit ang kontrol ng babae sa hukbo nito. Sa momentum ng pagkatalo ng imperyo ng Xia, kaunti nalang ang dapat ipag-alala.
Hindi niya alam kung bakit sigurado siya tungkol doon. Siguro ay sandaang beses na niyang inalo ang sarili sa nakalipas na mga araw, ngunit, nang makita niya ang maayos at malinis na silid, nagsimula siyang mataranta. Nagmamadali siyang lumabas, at sa prosesong ito, may natamaan ang manggas niya sa may lamesa. May pagbagsak, nakarinig ng pagkabasag. Nagbaba ng tingin, nakita ni Yan Xun na isang malinis na puting jade ring ang nalaglag sa sahig, at nabasag sa maraming piraso. Mahina itong kumislap, sinasalamin ang mahinang lumiliwanag na kandila, gayumpaman ay sobra itong nakakatagos.
Nakatingin sa singsing na iyon, nanatiling nakatayo sa kinatatayuan niya si Yan Xun. Bigla, naalala niya ang mga salitang mariing sinabi sa kanya ni AhChu, "Kapag namatay siya sa Yan Bei, hindi kita patatawarin sa buong buhay ko."
Hindi kita patatawarin...
Sa buong buhay ko...
"Binibini?" masayang bulalas ni Lü Liu, "Lumabas tayo para tumingin sa mga parol! Napaka ganda talaga nila!" bigla, nakita niya si Yan Xun na nananatili pa rin sa kinatatayuan nito. Sa taranta niya, bumagsak si Lü Liu sa lupa, nakaluhod. Matapos ang mahabang sandali, walang sinabi ang lalaki. Maingat na nag-angat ng tingin, nakita niya ang lalaki na nakatayo lang doon na puno ng kalungkutan ang mukha. Tulad ng makapal na hamog na naglagay ng kumot sa kanyang mukha, tila imposibleng matanggal ang kalungkutan.
Naglalakad si Chu Qiao habang hila-hila niya ang kanyang kabayo. nakasuot ng kaswal na berdeng kapa, napapalibutan siya ng mga tao na nakasuot ng matingkad na kulay ng damit, masayang-masaya na ipinagdidiwang ang pista. Tumatakbo ang mga bata na may dalang mga parol ng lahat ng sukat at hugis. Mahirap ang pagkakagawa ng mga parol. Mayroong mga hugis ng mga dragon, mga phoenix, mga tigre, mga isdang koi, mga puno, mga bituin, mga aso, mga ibon, mga pusa, mga kuneho...
Sa paputok na nasa kalangitan, ang buong kalye ay puno ng halimuyak ng alak. Sumisigaw ang mga tindero sa tabi ng daan sa pag-asang mabenta ang kanilang tinda, at ang kalye ay nalilinyahan ng makukulay na parol na may mga nakasulat na bugtong sa kanila. Sa tagpi ng nyebe sa distansya, mayroong mga sibilyan na sumasayaw ng masasayang sayaw sa kanilang props na lupang bangka, na may ibang humihipan sa trumpeta para sa saliw ng musika.
Marami ang lumampas kay Chu Qiao, ngunit wala ang tumigil para tumingin sa kanya. Hawak ang kamay ng isa't-isa, mayroong asawang lalaki na hawak ang kamay ng asawa niya, ang asawang babae ay hinahawakan ang bata, ang bata ay lilingon at maglalakad tungo sa lola niya, at ang lola ay nakahawak sa matandang lolo. Lahat ay may kasamang pamilya. Sa maswerteng okasyon, naglakad sila palabas ng kanilang pang mahirap na tahanan tungo sa maingay na kalye upang ipagdiwang ang bihirang okasyon na ito.
"AhChu, hindi ko ito nasabi sayo dati. Isang beses ko lang ito sasabihin kaya makinig kang mabuti. Gusto kong pasalamatan ka sa pagsama sa akin sa mga taon sa impyerno. Salamat sa hindi mo pag-abanduna sa akin sa pinakamadilim na araw ng buhay ko. Salamat sa pananatili mo sa tabi ko. Kung hindi dahil sayo, wala lang si Yan Xun, at malamang ay namatay na sa nagnyenyebeng gabi walong taon ang nakakaraan. AhChu, ito lang ang tanging beses na sasabihin ko ito. Nagsasalita ako ng may pagkilos, at babawi sayo sa natitira ng buhay ko. Mayroong nasa pagitan natin na hindi na natin kailangan sabihin para maintindihan. AhChu, sa akin ka lang, at poprotektahan kita. Aalis ako kasama ka. Simula noong hinawkan ko ang kamay mo walong taon ang nakakaraan, wala akong plano na bumitiw."
"Yan Xun, wala akong bayang sinilangan. Iyon ay dahil nandito ka kasama ako kaya inisip ko na bayang sinilangan ko ang iyo."
"AhChu, magtiwala ka sa akin."
Magtiwala ka sa akin, poprotektahan kita, aalagaan ka. Sisiguraduhin ko na hindi ka masasaktan, at hindi ka maaapi. Magtiwala ka sa akin, pasasayahin kita, maniwala ka...
Tumulo ang luha sa mga mata ni Chu Qiao. Tahimik na tumulo sa mukha niya ang mga patak, pababa ng kanyang baba. Sa hangin na umiihip, ang malamig na hangin ay parang nagyeyelong patalim na paulit-ulit na dumadaplis sa kanyang balat. Pinangungunahan ang kanyang kabayo, mag-isa siyang naglakad, dahan-dahan.