Isang malakulog na pagsabog ng ballista ang umalingawngaw mula sa likod. Inilingon niya ang kanyang ulo, para lang makita ang galit na mata ni Yan Xun. Mapanganib na umali-aligid ang kamay nito sa harap ng dibdib nito, tulad ng nanlilisik na espada na handang gumuhit ng dugo, handa sa pag-unday pababa sa anumang oras upang isenyas ang pagtira ng mga palaso.
Nabuhusan siya ng takot. Nilamon nito ang buo niyang pagkatao, at ang nakalipas niyang ideya ng pagmamataas, pagpapahalaga sa sarili, at dignidad ay naitapon sa labas ng bintana. Bumagsak siya sa lupa sa magulong mga pagyukod, at hindi nagtagal ay nagpula ang noo niya habang ang malambot niya balat ay nakitaan ng buto at laman. Tumutulo ang luhat at pumapagaypay na mga kamay, malakas siyang nagmakaawa, "Huwag! Yan Xun, huwag..."
Tinitigan ni Yan Xun ang kaawa-awang pigura ng babae na may sumasakit na puso. Ito babae lang na ito ang tanging nanatili sa tabi niya noong desperado siya at walang-wala. Nanatili ito sa walong taon ng paghihirap kasama siya sa kulungan ng Imperial Royal Capital. Nangako siya dati na maglalaan para sa babae; na poprotektahan ito; ngunit siya ang sumira sa pangako niya. Siya ang sumira sa lahat ng pangakong binitawan niya sa babae. Kaunting ngiti ang dumampi sa kanyang labi. Ang ekspresyon na iyon ay hindi masyadong kamukha ng nasa kanyang mukha noong nakalipas na ilang taon, nang bumalik ang babae upang mahanap siya sa kanyang lamesa, nagsusulat. Kumutitap ang mukha niya ng parehong init sa ilalim ng liwanag ng kandila ng mga araw na iyon.
AhChu, hindi naman talaga ako nagbago. Hindi mo lang talaga alam ang tunay ko nais. Ngayon ang araw na ibabahagi ko sayo ang paniniwala ko, ang ambisyon ko, at ang lahat ko. Isa-isa.
"Tira!" naging tahimik na katahimikan ang mundo, at ang hangin ay humupa. Ang tanging nakikilalang tunog ay ang paghiging ng isang maliit na langaw, tila ang tanging buhay na nilalang na hindi nakukulong sa may poot na salungatan na ito,
Ang 20,000 malakas na kabalyero ng Black Eagle Army ay pinakawalan ang nakamamatay nilang tira. Isang gahiganteng kuyog ng mga palaso ang tumakip sa kalangitan, kinubli ang pinaka araw na karaniwang nangingibabaw sa kalangitan. Ang araw ay naging gabi habang ang talon ng bakal ay bumuhos mula sa itaas. Ang mga palaso ay saganang dumating na may kumikislap na kawit at mahabang lubid na nakatali sa kanilang mga buntot na lumilipad tungo kay Zhuge Yue.
"Protektahan ang Heneral!" si Yue Da, tadtad ng palaso at nawawalan ng binti, at lumukso sa harap ni Zhuge Yue. Ang natitirang gwardya ng Yue ay matigas ang ulong nanindigan, sa kabila na duguan, bugbog, at nawalan ng parte ng kanilang katawan. Hindi tumama ang palaso sa mga sundalo bagkus ay matatag na ibinaon ang sarili sa hindi nagpapatawad na yelo sa nagyelong ilog tulad ng bakal na gwantes.
Nagbigay ng utos si Yan Xun, at ang 20,000 kabayo ay mabilis na tumalikod at tumakbo sa kalayuan. Ang mga lubid na nakatali sa mga palaso ay maigting na hinila, at sa ilang serye ng bitak, ang yelong tumatakip sa nagyelong ilog ay gumuho, nagbibigay ng daan sa napakalamig na tubig sa ilalim. Desperadong naglingon ng ulo si Chu Qiao, at sa dugo at duming humaharang sa kanyang mata, nakita niya si Zhuge Yue na bumagsak na nakamamatay na agos. Matalas na yelo ang tumusok sa katawan nito at naglabas ng dugo. Ang mukha niya, gayumpaman, ay matigas at walang ekspresyon, na pinagpapasinungalingan ang kaguluhan sa lugar ng labanan. Nakatagpo ng lalaki ang mata ng babae, at sa oras na iyon ay kakalmahan lang ang nakita ni Chu Qiao: walang galit, walang poot, walang kagalakan, at walang desperasyon. Ito ay tulad ng mga taon na nakalipas, nang tumingin ito sa kanya sa walang ekspresyon nitong mga mata mula sa malayo, nakita siya na inabanona ang ito, nakita siyang inilabas ang kanyang armas at iniunday ang kanyang espada tungo sa noo nito.
Sayang, kung gaano kabilis na lumipas ang oras. Nanlaki ang mata ni Chu Qiao, napaluhod siya sa lupa habang tumulo ulit ang luha. Dalawang beses siyang humakbang pasulong, tulad ng nalilitong manika, walang magawang pinapanood ang trahedyang nangyayari sa harap niya. Nagtama ang kanilang mata, at dahan-dahan, lumubog ang lalaki. Umihip ang hangin, tila ba ito ang sigaw ng mabangis na hayop, habang winawalis nito pataas ang bagyo ng nyebe sa pagitan nilang dalawa, hinaharangan ang kahit anong paningin. Tinangay ng napakalamig na tubig ang pigura ng lalaki, habang ang walang emosyon nitong mata ay naglaho mula sa paningin. Hindi na makikita pa ang mukha nito na laging mataas ang kayabangan at ang itim na itim niyang buhok ay naglaho din sa kailaliman ng tubig. Binuka ni Chu Qiao ang kanyang bibig, gustong sumigaw, ngunit walang tinig ang lumabas, at bumuhos sa bibig niya ang nagyeyelong hangin. Nagsimula siyang umubo, at nahihirapang tumayo, sumuray-suray siya. May malakas na tilamsik, tumalon siya sa nagyeyelong tubig.
Napakalamig nito. Malalim na tumagos sa mga buto niya ang ginaw, habang ang buong katawan niya ay agad na nagmanhid. Gamit ang lahat ng lakas niya, lumangoy siya habang malaki niyang iminulat ang mata sa paghahanap. Sa sikat ng araw na sumisinag mula sa ibabaw, nakakakita siya ng maraming nagpupumiglas na aninong lumalagpas sa kanya, na may lasa ng bakal na pumupuno sa bibig niya. Hindi siya iyon, hindi pa rin siya, at hindi pa rin siya. Nagsimula siyang umiyak sa kawalan ng pag-asa habang ang mga luha niya ay humahalo sa malamig na tubig at sariwang dugo na nasa paligid nya. Nagsimulang maging asul ang kanyang labi, habang nagsimulang magyelo ang kanyang katawan at hindi na maliksi. Naramdaman niya na tila may humihila-hila sa kanyang bewang at sinusubukan siyang hilahin pataas.
Hindi, ayaw pa niyang umahon. Inilabas niya ang kanyang patalim at sasaksakin na dapat ang kung sinong balakid na hinihila siya pataas laban sa kanyang kagustuhan. Gayumpaman, sa puntong ito, isang pares ng malamig na kamay ang dumiin sa kanyang palapulsuhan. Napakalakas ngunit napakalamig, napatigil siya sa ginagawa ng mga kamay na iyon.
Para bang sa pamamagitan ng telepatiya, alam ni Chu Qiao na si Zhuge Yue iyon. Umikot, isang gwapong mukha ang nakita niya. ang itim na itim nitong mata, ang maputlang labi, at ang matangos nitong ilong. Ang mga mata nito ay maalab na nagniningning, at hinawakan ang mga kamay niya. Lumabas ang dugo mula sa sugat nito, at pumasok sa bibig ni Chu Qiao. Nilamon ng kasayahan, sinubukan ni Chu Qiao na yakapin ang lalaki, at buong lakas na hinila ito, gustong hilahin ito pataas. Inagaw ni Zhuge Yue ang patalim, at hinila ang kamay niya. Gamit ang daliri nito, paulit-ulit itong sumulat sa palad niya: magpatuloy kang mabuhay...magpatuloy kang mabuhay...magpatuloy kang mabuhay... "Magkasama!" binuka ni Chu Qiao ang bibig niya at sinubukang sumigaw, ngunit nakabuga lang ng mga bula.
Marahan umiling si Zhuge Yue habang patuloy siya na paulit-ulit na isulat ang parehong salita.
Nagsimulang tumulo ang mga luha niya, habang umiiling siya at sinubukan ulit itong hilahin.
Sumama ka sa akin! Patuloy kang mabuhay kasama ako!
Ayokong umakyat mag-isa. Ayokong mabuhay na alam kong may utang na loob ako sayo. Ayokong mamatay ka! Ayoko!
Naramdaman niya na nagsimula siyang itulak ng paunti-unti ng pwersa sa kanyang bewang. Wala na siyang lakas, at tanging mga kamay nalang niya ang nagpatuloy na humila sa lalaki. Hindi niya nalaman na mababalisa siya sa kamatayan ng lalaki; na may mahalagang parte na ito sa kanyang puso; na lahat ng galit at paghihiganti ang dahilan na lamang para hindi niya harapin ang kanyang nararamdaman; na sobra siyang masasaktan na makita itong umalis.
Zhuge Yue, Zhuge Yue, pakiusap, huwag kang maging malupit sa akin. Huwag mo hayaang mabuhay ako na may ganitong pasakit sa buong buhay ko. Kung wala akong paraan para bayaran ka, hayaan mo akong mamatay kasama ka.
Mas lumiwanag ang sikat ng araw habang papalapit siya sa ibabaw, nagpatuloy siyang umiyak, at ang kanyang paningin ay nagsimula nang lumabo dahil sa mga luha niya, na tanging malumanay nitong mata na nakaukit sa kanyang mata. Desperadong hinila ng mga daliri niya ang braso ng lalaki, habang lahat ng hindi masabing emosyon ay naipadala sa mahigpit niyang hawak dito. Nagpupumiglas pa rin siya at umiiling, nagmamakaawa sa lalaki na itigil ang pagtulak sa kanya pataas. Bigla, nakaramdam siya ng pagsisisi. Kung sana hindi niya sinabi kay Yan Xun ang naramdaman niya ng nakalipas na taon. Kung sana hindi niya ito ginalit. Kung sana nagmakaawa siya kay Yan Xun ng maaga. Kung ganoon, siguro hindi kailangang mamatay ni Zhuge Yue.
Sakit at takot ay tila walang ilalim na bangin, nillamon siya, habang nagpatuloy siyang hawakan ang lalaki at tumatangging bitawan ito.
Tila napakagwapo ni Zhuge Yue, habang unang beses sa kanyang buhay siyang malumanay na tumingin sa isang tao. Matapos ang mga taon na ito, tila nakatanggap na sa wakas ng sagot ang kanyang pangarap. Sa lahat ng natitira niyang lakas, lumangoy siya, at niyakap ang babae. Sa gilid ng labi nito ay dinampi niya ang malamig niyang labi.
Sa iglap na iyon, umapaw ang luha mula sa mga mata niya, humahalo sa tubig na nakapalibot sa kanila. Tila ba bumutas ang kawalan ng pag-asa sa kanyang puso at ang nakapalibot na tubig ay nagsimulang bayolenteng bumugso sa butas na iyon para punuin ang walang laman sa loob noon.
Nawawalan ng natitira niyang lakas, nagsimula siyang lumutang pataas, tinutulak ng pwersa sa kanyang bewang. Ang kanyang kamay, na nakahawak pa rin sa manggas nito, ay dumiretso nang lumayo siya sa lalaki. Binukas ni Zhuge Yue ang kanyang hawak, isang daliri sa isang beses, at hindi nagtagal ay naghiwalay na ang kanilang mga kamay, at ang distansya sa pagitan nila ay lumaki. Inunat ni Chu Qiao ang kanyang kamay, para lang makita kung paano nagsimulang lumubog ang lalaki, palalim ng palalim. Malinaw pa rin ang mata nito kahit na unti-unti siyang nilalamon ng kadiliman ng kailaliman.
Napunit ang kanyang puso, ang kanyang paningin ay lumabo. Ang malumanay ngunit determinado nitong tingin ay nanatiling nakatatak sa kanyang isip, tila ba inuulit pa rin ang ilang salita na iyon: magpatuloy kang mabuhay...magpatuloy kang mabuhay...magpatuloy kang mabuhay, marami ka pang pangarap na hindi nakakamit.
Matagal na, sinabi niya iyon sa isang tao. Ngunit hindi niya alam na mayroong tahimik na ipinagdadasal ang kaligtasan niya sa likod niya.
Nang puntong lumabas siya ng tubig, pakiramdam niya ay namatay na siya. Naramdaman ang sikat ng araw na suminag sa balat niya, natulala siya. Kahit na malakas siyang tinawag ni Yan Xun, wala na siyang naririnig pa. Tila ba namatay na siya sa lawang iyon, at tanging ang katawan nalang niya ang umahon sa tubig.
Bumagal ang hangin sa isang simoy, habang ang puting mga ibon ay lumilipad sa kalangitan. Papalubog na ang araw, at tumigil na ang pagnyebe. Ang papalubog na araw ang suminag ng nakasisilaw na ningning na dinarang ang buong mundo ng banayad na pulang-pulang liwanag. Napakaganda nito.
Gayumpaman, hindi na niya ito makikita pa muli.
Bigla siyang nagsimulang mataranta, na tila salamangka siyang nagkaroon ng lakas at tinulak sa tabi si Yan Xun. Pasuray-suray, tumakbo siya tungo sa butas sa patong ng yelo. Natigalgal noong una, humabol si Yan Xun, at mahigpit siyang niyakap. Limang metro nalang ang layo niya mula sa malaking butas na iyon, ngunit hindi na siya makalapit pa. Nilamon ng kawalan ng pag-asa ang kanyang puso na parang baha habang hindi na niya makontrol ang sarili niya. Nakaluhod sa lupa, sumigaw siya, "Lumabas ka! Lumabas ka dyan!"
Bumulwak ang dugo mula sa kanyang bibig tungo sa kamay ni Yan Xun habang bumagsak siya sa manyebeng lupa sa kawalan ng pag-asa, habang nanginginig siya tulad ng bumabagsak na dahon.
"AhChu!" tinawag ni Yan Xun ang kanyang pangalan sa kanyang tainga, ngunit tila tumatagos ang boses nito.
Lumingon sa lalaki, tumigil siya sa pag-iyak at tumingin sa kanya na may magkahalong emosyon.
Anong klaseng emosyon ang mayroon sa kanyang tingin?
Galit, poot, pagkabigo, at kalungkutan ay sunod-sunod na kumislap bago humalo sa isang walang buhay na pakiramdam ng kawalan ng pag-asa. Nakatingin sa lalaki, nagsimula ulit tumulo ang mga luha. Lahat ng pag-asang mayroon siya ay naglaho na parang hamog sa tanghaling araw, at lahat ng magkasama nilang pangarap at hangarin ay gumuho na parang abo sa nagngangalit na hangin.
Lahat ng nakaraang pag-aalala, takot, at sakit ng puso, ay nagsimulang magyelo sa malamig na tingin ng babae. Niluwagan ang hawak dito, tumayo siya at tumingin sa babae.
Nagsimula ulit umihip ang hangin, habang kapiraso ng puting bagay ang dumikit sa kanyang pilikmata, hinaharangan ang kanyang paningin. Nagsimulang anurin ang kanyang malay-tao, at sa pagkatuliro niya ay tila nakita niya ulit ang pares ng mata na iyon.
Magpatuloy kang mabuhay, magpatuloy kang mabuhay, magpatuloy kang mabuhay... tila ba isang boses ang nagsimulang marinig sa kanyang tainga. Pinikit ang mata sa kawalan ng pag-asa, bumagsak siya sa lupa at nawalan ng malay. Hinihiling nalang niya na isang bangungot lang ang lahat.
Sa nagpapatuloy na nagngangalit na hangin, bumagsak ang manipis na nyebe sa ilog, at ang nakalantad na parte ay nagsimula na ulit magyelo. Sa kahatimikan at kawalan ng buhay, tila ba ang ilog ang sagisag ng mitolohikong Yellow Springs.