Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 194 - Chapter 194

Chapter 194 - Chapter 194

Tila ba bumalik ng siyam na taon ang oras. Siyam na taon ang nakakaraan, sa malawak na manyebeng kapatagan sa labas ng syudad ng Zhen Huang, pinili niyang tumayo sa tabi ni Yan Xun na walang pag-aalinlangan. At may mata ng kapootan, tumingin siya sa mayabang na batang iyon. Nang araw na ito, siyam na taon ang makalipas, nagpresenta ulit ang tadhana ng parehong sitwasyon, at pareho ulit ang pinili niya. Nagbabago ang mga tao, at ang tanging nananatiling pareho ay ang malamig na panahong bumabalot sa buong bansa na ito. Lahat ng ingay ay nawala habang bumagsak ang nyebe sa mukha na sobra siyang pamilyar.

Lumubog ang mga daliri ni Chu Qiao sa kanyang balat habang kinukuyom niya ang kanyang kamao. Sa kabila ng katotohanan na nakabaon na ang mga kuko niya sa kanyang balat, hindi nakaramdam ng sakit si Chu Qiao.

Nakilala siya ni Yue Jiu, at may mapulang mata siyang nagpagalit, "Walang utang na loob na babae! Pumunta ang amo namin dito para sayo, ngunit tinambangan mo siya! Matapos ang ngayong araw, hangga't nabubuhay ang mga gwardya ng Yue, nangangako kami na pagbabayarin ka sa ginawa mo ngayong araw!"

"Kayabangan," kaswal na sinabi ni Yan Xun. "Yurakan mo sila." Utos niya.

"Masusunod!" tumalima ang mga gwardya niya sa kanyang utos at susugod na dapat. Ngunit isang malakulog na alon ng tumatakbong kabayo ang narinig lagpas sa kapatagan. Iyong mga nasa kabayo ay nakasuot ng lahat ng klase ng kasuotan. Mayroong mga mangangalakal, mga magsasaka, mga tindero, mga iskolar, at kahit mga opisyales ng Yan Bei! Pinapalo ang kanilang kabayo, inilabas nila ang lahat ng klase ng espada at patalim. Mabilis silang nagtipon sa paligid ni Zhuge Yue.

"Master!" isang lalaki na nasa 40-taon-gulang ang napasugod. Nakasuot siya ng Rank 5 Standard Class na uniporme ng mga administratibong opisyales, at may dala-dalang malaking patalim. Tumalon pababa ng kabayo niya, tumakbo siya habang sumisigaw, "Nahuli ng dating si Yue Da! AhJiu, dalhin sa ligtas na lugar ang Master! Mga kapatid! Samahan niyo akong sumugod!"

Siyam na taon ang nakakalipas, nang namatay si Yan Shicheng at hindi makalabas si Yan Xun ng royal capital, maingat na inilagay ni Zhuge Yue ang mga tauhan niya sa Yan Bei. Halatang hindi niya inaasahan na mangyari ang ganoong sitwasyon. Noong una, inayos lang niya na pumasok ang mga ito sa Yan Bei kung dumating ang isang araw na mahirapan siya sa kontrol ng Yan Bei kasama ang ibang maharlikang pamilya ng imperyo ng Xia. Tapos ay makakalamang siya. Gayumpaman, nang tumakas at nagrebelde si Yan Xun, ang mga lalaking ito ang naging kuhanan ng impormasyon. Sa labanan sa Cao Qiu, dahil ito sa kanila kaya ligtas siyang nakatakas.

Isang malakulog na laban ang nagsimula, at tunog ng mga nagsasalpukang patalim ang namuo muli, na may kislap ng mga espadang kumikinang sa buong labanan.

Maingat na lumapit si He Xiao at nagtanong, "Master, lalaban ba tayo para sa Kamahalan?"

Wala sa huwisyo na tumingin si Chu Qiao sa labanan, hindi mabilang na mga emosyon at kaisipan ang mabilis na dumadaloy sa kanyang isip. Ang mukha ni Zhuge Yue, ang mukha ni Yan Xun, kasama ang marami pang iba, ay kumislap sa harap niya. Hindi niya alam kung saan siya nagkamali. Isang nanlalamon na kahinaan ang pumuno sa buong katawan niya. Galit, sakit sa puso, pagsisisi, pagkakasala, at marami pang emosyon na imposibleng mailarawan ang pumuno sa kanyang puso, hinaharangan ang kanyang mata, ilong, at bibig. Pagod na pagod siya—pagod na pagod na maaari siyang makoma at mamatay.

"Master? Master?" umalingawngaw ang boses ni He Xiao sa kanyang tainga at napabalik sa reyalidad.

May panginginig na bumalik sa reyalidad si Chu Qiao tapos ay inilabas niya ang sandata ni He Xiao at tumalon pababa ng kanyang kabayo, "Sundan niyo ako!" sigaw niya.

Sumunod sa likod niya ang hukbo ng Xiuli, habang ang pagnanais nilang makipaglaban ay kumulo. Gayumpaman, nang tutungo na sila sa pwersa ng Xia, humiwa ang espada ni Chu Qiao sa dibdib ng sundalo ng Yan Bei. May dugong tumilamsik sa kanyang mukha, ang diretso niyang tindig ay tila matatag at mataas na puno.

Isa, dalawa, lima, sampu...

Natahimik ang buong lugar nang inatake ni Chu Qiao ang lahat ng sundalo ng Yan Bei na nagtangkang lumapit sa kanya. Napatitig ang mga gwardya ni Zhuge Yue sa kanya kahit na pinanatili nila ang kanilang distansya. Gulat din na napatingin sa kanya ang mga sundalo ng Yan Bei, tapos ay nagsimulang umatras. Kahit ang mga sundalo ng hukbo ng Xiuli ay lubos na natigalgal, habang nanatili silang nakatayo sa lupa, hindi alam kung anong gagawin.

"AhChu, anong ginagawa mo?" lumapit si Yan Xun. May mga matang tila napupuno ng kawalang kasiyahan, tumingin siya sa babae at nagtanong.

Hindi nagsalita si Chu Qiao at hinawakan lang ang kanyang sandata tapos ay tumitig pabalik sa lalaki. Tumingin siya sa lalaki na ginugulan niya ng lahat ng pagsisikap na tulungan at sundan, at biglang naramdaman na ang buong buhay niya ay tila isang panandaliang panaginip, tila isa siyang tau-tauhan na kumikilos lang sa utos ng ibang tao.

Ilang sundalo ng Yan Bei ang maingat na sinubukang dahan-dahang lumapit sa kanya. Gayumpaman, yumabong ang sandata ni Chu Qiao, at isang linya ng dugo ang lumipad sa kalangitan. Sa tigalgal na tingin ng lahat ng nanonood, bumagsak sa lupa ang mga sundalong iyon, nangingisay tulad ng mabangis na asong malapit nang mamatay. Walang marangyang galaw, tinutok niya ang sandata niya sa mga kakampi niya dapat. Nakatayo sa tuktok ng malawak na manyebeng kapatagan, mag-isang nakatayo ang pigura niya.

"Chu Qiao! Anong ginagawa mo?" sigaw ni Yan Xun sa manyebeng kapatagan. Nang makita ang nangyayari sa kanila, mabilis na sinabihan ni Yue Da ang mga tauhan niya na umatras. Nang makita iyon, malamig na inutusan ni Yan Xun ang mga tauhan niya na putulin ang tatakasan nila. Dahil doon, nagsimulang tumugis ang pwersa ng Yan Bei. Gayumpaman, mabilis na kumilos si Chu Qiao at hinarangan sila sa pagtugis. Ang mga sundalo ng Yan Bei ay lubos na ang konsentrasyon sa pakikipaglaban, at nang makitang humarang sa daraanan nila si Chu Qiao, nag-umpisa na rin silang atakihin siya. Nang makita iyon, galit na kumuha ni He Xiao ng espada at sumigaw, "Mga kapatid! Protektahan ang Master!"

Nagkagulo ang labanan, at imposible na mapag-iba ang kakampi at kalaban. Nilamon ng pagkauhaw sa dugo si Chu Qiao habang nasisipsip ng damit niya ang dugo. Bayolenteng nanginig ang kamay niya ngunit ayaw niyang umatras. Sa tunog ng mga kabayong tumatakbo palayo, at si Zhuge Yue na dala ng mga gwardya nito, nagsimula nang maayos ang tunog, at maririnig ang tunog ng mga itim na agilang pumuputak sa itaas nila at ang tunog ng hangin na umuungal sa tabi ng kanilang tainga. Sa malawak na kapatagan, nagkalat sa buong lugar ang duguang mga bangkay. Nagpatuloy ang labanan sa maliliit na grupo, at ang kapaligiran ay puno ng kawalan ng pag-asa at kamatayan.

Matapos ang Diyos lang ang nakakaalam kung gaano katagal, lahat ay natahimik. Hawak ang sandata na parang tungkod, amoy ng bakal nalang ang mayroon siya. Nakatayo sa harap niya, nakatingin si Yan Xun sa kanya na may pares ng napakalamig na mata. Bigla niyang naramdaman na ang lalaking nasa harap niya ay hindi pamilyar, na para bang lagi siyang isang estranghero. Ayaw niyang magsalita at ayaw din niyang magtanong. Kinaladkad ang pagod niyang katawan, matumba-tumba siyang bumalik at gusto na lamang umalis.

"Tigil dyan," isang malalim na boses ang umalingawngaw. Marahang lumapit si Yan Xun, habang pinapadaan siya ng mga sundalo. Tanging si He Xiao lang ang tumayo sa harap ni Chu Qiao, at tumitig sa Hari ng Yan Bei.

"Alis," malamig na utos ni Yan Xun. Nag-angat ng ulo ang batang heneral, at walang takot na tumitig sa kanya. May katahimikan na sumagot si He Xiao kay Yan Xun.

Bigla, inilabas ni Yan Xun ang kanyang sandata. At sa parehong beses, iwinasiwas ni Chu Qiao ang kanyang sandata. Ang mga taon na sabay silang nagsanay ay ibig sabihin hindi na niya kailangang tumingin para malaman kung paano iniunday ng lalaki ang sandata nito. Isang bayolenteng pagsalpok ng mga sandata ang nagpalipad ng mga kislap, pumapaso sa mata ng mga nanonood.

Ngumisi si Yan Xun. "Iuunday mo ang sandata mo sa akin para sa tagasilbing ito? Akala ko gagawin mo lang iyon kay Zhuge Yue."

Nagtaas ng ulo si Chu Qiao, at sa madilim niyang mata, tumingin siya sa mga pamilyar na matang iyon. Gayumpaman, wala siyang paraan para ihalintulad ang matang iyon sa malumanay at gwapong bata na kilala niya. Sa puntong ito, nakawala na sa wakas si Yan Xun mula sa mga alaala niya at tumayo sa harap niya. Napakalupit ng reyalidad, habang ang paraiso sa kanyang kaisipan ay nabasag at bumagsak na sa wakas, hindi na kayang buuin pa ito.

"Yan Xun, nagsinungaling sa akin."

Hind nagpakita ng bahid ng pagsisisi si Yan Xun habang kalmado niyang sinabi, "Kung hindi ako magsisinungaling sayo, paano ako makakapaglatag ng bitag para sa kanya?"

Pakiramdam niya ay libong mga palaso ang sabay-sabay na tumusok sa kanyang puso. Mapait na ngumiti si Chu Qiao, ngunit walang luhang tumulo. May hindi maisip na pagod at kawalan ng pag-asa, nalilito siyang tumingin sa lalaki at umiling. "Yan Xun, kailan ka pa nagbago ng ganito?" ang kanyang boses ay tila irit ng ibon na nawalan ng kanyang pugad. Hindi na siya ang walang talong heneral sa labanan, hindi na ang talentado pagdating sa paggawa ng istratehiya, at hindi na ang mahusay at desididong Master Xiuli. Sa puntong ito, isa lang siyang babae na napaglaruan ang nararamdamam, at ang mga taon ng kanyang pagsisikap at emosyon ay tila para sa wala lang.

Matatag na sumagot si Yan Xun, "AhChu, sinabi mo na nagbago ako. Ngunit sa totoo, nagbago ka din. Ang heneral ng Xia ay lihim na pumasok ng Yan Bei, ngunit hindi mo ako sinabihan, at sinalungat ako sa pinaka oras na ito. Bilang Hari ng Yan Bei, anong mali sa pagpatay ng isang sundalo ng Xia? Kung hindi ko inasahan ang reaksyon mo, bakit magsasayang ako ng panahon na linlangin ka? Hindi ba ako at ang Yan Bei pumapantay kay Zhuge Yue sa puso mo?"

Nanginginig, tumingin si Chu Qiao sa lalaki. Matapos ang mahabang oras, isang nababaliw na tawa ang nagmula sa kanyang bibig. "Yan Xun, kung darating ang araw na nagsimula ng digmaan ang Yan Bei sa imperyo ng Song, lilinlangin mo ba ang kaibigan mo sa imperyo ng Song na pumunta dito at pagkatapos ay papatayin siya?"

Nagulat si Yan Xun sa tanong na ito at napasimangot. "Anong sinasabi mo?"

"Yan Xun, sinabi mo na hindi ako naging tapat sayo, ngunit sabihin mo, nagtitiwala ka ba sa akin?"

Mas lumalim ang pagkunot ni Yan Xun at matatag na sumagot, "Para sa kapakanan mo kaya pinabalik kita sa likurang linya at hindi pinasama sa digmaan."

"Pagpatay sa mga tauhan at hukbo ko, pinilit ako na iwanan ang mga bagay na pinaghirapan ko nitong mga taon, itinaboy ako sa kapangyarihan at awtoridad, at malayo sa labanan na pinanghahawakan ko. Pinagsususpetyahan ako, pinamatyagan ako, at ginamit ako. Lahat ng ito ay para sa kapakanan ko?" malinaw ang mga mata ni Chu Qiao sa kabila ng nagngangalit na hangin. Ang mga salita niya ay tulad ng matalas na mga patalim, tumatagos sa kadiliman na pumapalibot sa kanya. Ang kalungkutan na namumuo sa loob niya ay nailabas sa mismong oras na iyon.

"AhChu, akin ka. Bakit hindi ka nalang manatili sa likurang linya katulad ng ibang mga babae at maghintay sa matagumpay kong pagbabalik?"

Si Chu Qiao naman ang nasurpresa at napatawa siya. Ang katawan niya ay nanginginig mula sa malakas na pagtawa, tumawa siya hanggang nagsimulang tumulo ang mga luha. Sa kanyang kamay na hawak-hawak ang kanyang dibdib, napuno ng pait ang kanyang mga salita habang umiiling siya at sinabi, "Ganoon pala, ang babaeng gusto mo ay katulad niyan."

Sa malinaw niyang mata na diretsong nakatingin sa mga mata ni Yan Xun, umalingawngaw ang paos niyang boses sa labanan, "Kung ganoon, bakit kailangan mo pa akong hanapin? Yan Xun, pwede mong patayin si Zhuge Yue, ngunit hindi mo dapat ako gamitin, at mas malala, hindi mo dapat ginamit ang pagkakaibigan namin ni Zhuge Yue para ilatag ang bitag na ito."

Masidhing pagkabigo ang kumislap sa mga mata ni Yan Xun. May malalim na boses niyang sinabi, "Sinabi sa akin ni Cheng Yuan dati na may koneksyon ka kay Zhuge Yue. Gayumpaman, labis pa rin akong magtiwala. Ngayon, inamin mo na sa wakas ang sarili mo."

Halos matawa ulit si Chu Qiao nang marinig iyon. Cheng Yuan? Mas paniniwalaan niya pa ang kamuhi-muhing tao na iyon kaysa sa kanya? Nilagpasan niya ang buhay at kamatayan para sa kanya, at binigay ang lahat para maibalik siya sa kapangyarihan, at lagi siyang sinundan ng mga taon na ito. Sa huli, sa isip niya, ni hindi siya maikukumpara sa nakamumuhing tao na kumanta lang ng papuri sa kanya buong araw? Akala niya na pansamantala lang itong nalinlang, at nilamon ng galit, ngunit ngayon, nagsimula siyang mawalan ng pag-asa. Naging isa na itong pulitiko lang. Kahit anong pangarap, kahit anong paniniwala na pinaghahawakan nito dati, kahit anong pangako na ginawa nito para habang-buhay siyang maging masaya, lahat ay pumanglaw kumpara sa kanyang ambisyon para sa mas malaking kapangyarihan. Para makamit ang nais nito, makakahanap siya ng lahat ng dahilan, at paniniwalaan ang lahat ng bagay na magiging benepisyal para sa sarili nito, at tatanggalin ang lahat ng nakaharang sa daan niya, kahit na ang taong iyon ay ang kanyang guro, kaibigan, kakampi, tauhan, at kasintahan...

Related Books

Popular novel hashtag