Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 195 - Chapter 195

Chapter 195 - Chapter 195

Wala nang kabuluhan ang magsalita pa. Malamig na tumalikod si Chu Qiao para umalis, para lang hawakan ni Yan Xun ang kanyang braso. Ang malamig, na mukhang emperor na itsura sa mukha ng lalaki ay naglaho nang nagalit ito, "Anong gusto mo? Hahanapin mo ba siya? Nahulog na ba ang loob mo sa kanya?"

Tumalikod si Chu Qiao at tumingin sa pamilyar na mukha ni Yan Xun. Sa iglap na iyon, ang binatang nasa tabing-ilog ay tila lumitaw ulit sa harap niya. Marahan siyang umiling at sumagot sa mababang boses, "Yan Xun, hindi ko alam kung matatawag ba itong pagmamahal. Ang alam ko lang ay nagmamalasakit ako sayo. Hindi ko kayang makita kang masaktan ng ibang tao. Ang pangarap mo ay pangarap ko. Susundan ko ang mga yabag mo. Kahit anong gawin ko, uunahin kita. Kung masaya ka, masaya ako. Kapag malungkot ka, malungkot ako. Mapagbibigyan ko ang mga pagkakamali mo, ang kabiguan mo, maaari din kitang tulungan na magsisi para sa mga pagkakamaling iyon. Ang pinakamalaki kong hiling ay makita ka na makuha ang gusto mo. Isa akong taong-gala na walang kaibigan o kamag-anakan. Nitong mga taon, ikaw ang rason kung bakit ako patuloy na nabubuhay. Ikaw ang pinakamahalagang tao sa buhay ko."

Nadala si Yan Xun nang marinig niya ang mga salitang iyon; naging mainit ang kanyang kamay. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ni Chu Qiao, nangangatog at mukhang medyo balisa.

Pagkatapos, nagpatuloy si Chu Qiao, "Gayumpaman, tinatanong ko ang sarili ko ngayon. May saysay pa ba ang ginagawa ko ngayon? Nagkamali ba ako ng husga sayo? Yan Xun, naging alipin ka ng kapangyarihan. Simula noong bumalik ka ng Yan Bei, nagsimula kang pagdudahan ang lahat ng nakapaligid sayo. Ako, si Ginoong Wu, si Binibining Yu, ang Southwest Emissary Garrison, ang Da Tong Guild, lahat ng posibleng magbanta sa kapangyarihan mo. Hindi ako naniniwalang hindi mo alam ang katapatan ko sayo, kung paano ka pinoprotektahan ni Ginoong Wu. Natatakot ka lang na babantaan ng eksistensya namin ang posisyon mo. Kung kaya, humahanap ka ng maraming rasyon para alisin kami. Ang poot mo at pag-aalala ay isang produkto ng makasarili mong gusto, at isang rason para pagtakpan kung anong nagawa mo. Kahit na wala si Zhuge Yue ngayon, susubukan mo pa ring hanapan ako ng mali. Yan Xun, hindi kita sinisisi sa pagpatay mo kay Zhuge Yue. Ayoko lang sa katotohanan na kamuhi-muhi ang paraan mo. Hindi mo dapat inapak-apakan ang katapatan ko sayo, at ang relasyon natin. Hindi ka dapat gumamit ng kamuhi-muhing taktika sakin." Sumakay si Chu Qiao sa kanyang pandigmang kabayo. Nang umalis siya, malalim siyang tumingin sa mga mata ni Yan Xun at matigas na sinabi, "Ngayon, dahil sa kahilingan mo, hahanapin ko siya. Ito na ang huli kong babala. Kapag namatay siya sa Yan Bei, hindi kita pagbibigyan sa natitira ng buhay ko."

Patuloy na nagngalit ang hangin at inangat ang manto ni Chu Qiao sa ere. Sumigaw ang dalaga, at nagsimula nang tumakbo ang pandigmang kabayo. Sumunod sa kanya ang mga mandirigma ng hukbo ng Xiuli at humalo sa mabigat na nyebe.

Nanatiling nakatayo si Yan Xun sa kinatatayuan niya na may malamig na ekspresyon. Sa mahabang sandali, hindi siya makagalaw, tulad ng batong istatwa. Bigla niyang naramdaman na isang parte ng puso niya ang nabasag; tila naririnig niya itong mabasag sa ilang piraso. Nang oras na iyon, isang hindi mapigilang papatay na awra ang sumabog sa loob niya, minantsahan ng pula ang mga mata niya.

May pumunta sa likod niya at bumulong, "Kamahalan, nagpadala ng tagamanman si Heneral Cheng. Sinabi niya na natigil siya sa kabilang dalampasigan ng ilog ng Moli, at kagagawan ito ni Heneral Chu. Ano nang gagawin natin ngayon?"

Umihip ang malamig na hangin sa manggas ni Yan Xun. Sa iglap na iyon, tila nakita niya ang mukha ng mga magulang niya, at ang mga maharlikang aristokrata na nakatayo sa harap ng plataporma ng Jiu You...

"Sabihan si Cheng Yuan na pamunuan ang mga sundalo sa kabundukan ng Minxi. Kailangan natin bitagin si Zhuge Yue sa nagyelong lawa."

Nagdalawang isip ang lalaki at nagtanong, "Paano kung magawang makapunta ni Heneral Chu doon?"

Isang matalas na tingin ang kumislap sa mata ni Zhuge Yue. Matapos ang mahabang sandali, ilang malamig na salita ang sinabi niya, "Dapat natin mapatay si Zhuge Yue, kahit ano man ang kapalit."

Naglabas ng mahabang huni ang mga pandigmang agila. Sa ilalim ng madilim na kalangitan, isang uhaw sa dugong sinag ng liwanag ang nagsimulang magliwanag. Kalunos-lunos na tunog ng paglalaban at pagpatay ang nanggaling mula sa harap. Si He Xiao, na ang mga mata ay mapula, ay mabilis na bumalik at sumigaw, "Heneral, nakatalaga ang hukbo ni Cheng Yuan sa harap ng kabundukan ng Minxi. Nagmamadaling pumunta ang hukbo ng Kamahalan. Nasa ibabaw ng lawa ng Qianzhang si Heneral Zhuge."

Bugso ng malamig na hangin ang umihip; ang mabagsik nitong ungal ay paulit-ulit na naririnig. Pinirmi ni Chu Qiao ang kanyang labi at tinungo ang ulo para tumingin kay He Xiao, na nababalot ng dugo. Marahan niyang sinabi, "He Xiao, makakagawa ka ba ng landas para sa akin?"

"Heneral," lumuhod si He Xiao na may determinadong tingin at matigas na sinabi, "Sa iyo ang buhay namin. Humayo ka. Hindi ka bibiguin ng 2,000 sundalo ng Southwest Emissary Garrison."

Hindi masukat na nadala si Chu Qiao. Nakatingin sa mga determinadong mukha ng mga sundalo na nasa likod ni He Xiao, pakiramdam niya ay napaso ang puso niya ng nag-aapoy langis. Isang beses lang niya iniligtas ang mga ito dahil natatakot siya na mawawalan ng paniniwala si Yan Xun sa mga tao niya. Pagkatapos, sinundan siya ng mga ito na walang reklamo o pagsisisi, niligtas siya ng ilang beses. Hangga't nagbibigay siya ng utos, gagawin nila ito kahit na tama o mali ito. Sila ang tauhan niya, ang mga sandata niya, ang pinakamalapit niyang pamilya. Kahit anong ginawa niya, hindi siya aabandunahin ng mga ito, nakatayo sa tabi niya na may walang hanggang katapatan, tinututok ang mga espada nila sa kahit kaninong nagbabanta sa kanya. Ang pabor na ito ay napakabigat na pasanin upang dalhin niya, dahilan para mapipi siya sa ilalim ng timbang nito. Bumaba si Chu Qiao ng kabayo niya at hinawakan ang kamay ni He Xiao. Pinipigilan ang mga luha niya, nagbulalas siya ng ilang mula sa pusong salita, "He Xiao, salamat."

"Heneral, ang kaligtasan mo ay mas mahalaga sa aming mga mata kaysa sa buong kontinente ng West Meng. Ang kalangitan at kalupaan ay maaaring malipol; pwedeng bumagsak ang mga imperyo. Kapag nandito pa rin ang Heneral, mayroon kaming kumpyansa na magpatuloy. Kaya, para sa kapakanan namin, ingatan mo ang sarili mo."

Tahimik na tumango si Chu Qiao at tumingin tungo sa mukha ng mga sundalo, na kailanman ay hindi naging mahusay magsalita o nagpapahayag ng mga salita nila. Sa wakas, tumingin siya sa direksyon ng kabundukan ng Minxi na may determinadong tingin. Isang sagradong templo ang nakatayo sa tuktok nito, na may dalawang istatwa ng mga diyosa na nakatayo sa tabi ng bawat isa, magkatalikod na nakatayo. Binabantayan nila ang buong lupain ng Yan Bei, tulad ng dalawang tanglaw ng liwanag sa kadiliman.

Sumakay si Chu Qiao sa kanyang pandigmang kabayo at matigas na sinabi, "Kayong lahat! Umaasa ako sa inyo!"

Sabay-sabay na umalingawngaw ang mga sundalo, "Mag-ingat ka, Heneral!"

Inangat ng malamig na hangin ang kanilang mga manto. Sumigaw si Chu Qiao, dahilan para tumakbo sa distansya ang pandigmang kabayo, habang pinangunahan ni He Xiao ang mga tauhan niya tungo sa piraso ng manyebeng lupa.

Umalingawngaw ang tunog ng trumpeta sa kapaligiran. Si Cheng Yuan, kasama ang mga sundalo ng Black Eagle Army, ay nakatayo sa dike sa labas ng lawa ng Qianzhang, pinalibutan ang hukbo ni Zhuge Yue na kulang 10,000. Makapal na magulong mga palaso, tulad ng sumasabog na bulkan, ang lumapad sa nagyelong ibabaw ng malamig na lawa. Iyong mga palaso ay personal na binago at pinagbuti ni Chu Qiao mismo. Ang kanilang lakas ay nakakatakot. Pinangunahan ni Yue Da ang mga gwardya at hinarangan ang kanyang chief marshal. Ang taong nasa harap ay naging taong pansala habang madaming palaso ang tumusok sa kanyang katawan, gumagawa ng maraming butas. Iyak ng paghihirap ang umalingawngaw sa kalupaan. Sumugod pasulong si Yue Jiu hawak ang espada niya at naglabas ng sigaw pandigma. May panghamak na hindi siya pinansin ni Cheng Yuan at nagpatuloy na magbigay ng utos na tumira ng palaso.

Bumagsak ang mga gwardya ng Yue tulad ng lantang dayami, bawat hanay. Nakakaharap ang makapangyarihang pwersa, wala silang lugar para makaganti. Gayumpaman, sa kabila nito, sumulong ang mga mandirigma na hindi nagdadala ng kahit anong pangsangga o proteksyon, gamit ang kanilang mga katawan bilang taong pangsangga upang makakuha ng mahalagang oras para makaligtas ang chief marshal nila.

Minantsahan ng dugo ang ibabaw ng lawa ng matingkad na pula habang kumakalat ito sa yelong patag. Dahil sa impormasyon ni Huo An, ang Black Eagle Army, na binubuo ng 200,000 katao, ay naghihintay na para sa pagsalakay. Hindi na ito isang digmaan, isa itong uhaw sa dugong maramihang pagpatay. Lumipad ang mga palaso tungo sa hukbo ni Zhuge Yue tulad ng isang putakti; ang tunog ng paghiwa nila sa hangin ay maririnig. Ang mga gwardya ng Yue ay talo pagdating sa kanilang lakas at kung saan sila nabitag, dahilan para mawalan sila ng abilidad na makaganti. Ang awra ng kamatayan ay bumagsak sa kanila habang naiipon ang budok ng mga bangkay. Iyong mga buhay ngunit sugatan ay naglabas ng masakit na iyak ng paghihirap nang ang eksistensya nila ay nalaman ulit ng pwersa ng kaaway.

Bahagyang dinilaan ni Cheng Yuan ang kanyang labi at tumalikod para tumingin kay Yan Xun, na nakatayo sa kumpol ng tao. Halos makamit na niya ang isang imposibleng gawa. Ang marshal ng hukbo ng Xia, na tila bagyo sa West Meng, ay malapit nang mamatay sa mga kamay niya. Nang maisip ito, nagsimulang magpawis ang mga kamay niya.

Bigla, isang malakas na tunog ng halinghing ng mga pandigmang kabayo ang narinig mula sa timog-silangang direksyon. Napasok na ang kanilang pormasyon; dumaluhong ang mga sundalo habang inilalabas nila ang kanilang espada. Nakasuot sila ng itim. Oo, sila ang mga sundalo ng hukbo ng Xiuli.

"Ang Southwest Emissary Garrison!"

Narinig ang singhap mula sa hukbo. Lumamig ang tingin ni Cheng Yuan habang nagbulalas siya, "Sila nanaman!"

Nang magbibigay na si Cheng Yuan ng mga utos sa mga mamamana na harapin ang hukbo ng Xiuli, isang mababang boses, ang narinig sa tabi ng kanyang tainga. Si Yan Xun, na hindi niya alam na naglakad sa tabi niya, ay marahang nag-utos, "Palibutan sila, pero huwag silang patayin."

Sumunod si Cheng Yuan at sumagot, "Masusunod, Kamahalan."

"Tigil!" isang matalas na boses ang narinig. Lahat ay gulat na napaangat ng tingin, para lang makakita ng nag-iisang pandigmang kabayo na papalapit mula sa timog-silangan. Mataas itong lumukso sa ere, lumipad sa itaas ng mga sundalo na nakikipaglaban. Nang lumapag ito sa lupa, tumalon pababa ng kabayo ang dalaga at tumakbo tungo sa espasyo na naghihiwalay sa dalawang hukbo, sinisigaw, "Tigil!"

Nakilala siya ng mga sundalo mula sa Black Eagle Army. Napatigil sila sa kanilang pagtakbo sa takot na masaktan siya, tapos ay nababalisa silang tumingin kay Yan Xun.

"Yan Xun! Itigil mo ito!" tumayo sa gitna si Chu Qiao at sumigaw, habang tumingin sa lalaki na may determinadong ekspresyon.

Taimtim ang ekspresyon ni Yan Xun. Matapos ang mahabang sandali, kalmado niyang sinabi, "AhChu, huwag kang humarang!"

Inunat ni Chu Qiao ang pareho niyang kamay at tumingin sa lalaki nang sumagot ito, "Patayin mo muna ako."

"Xing'er, huwag kang humarang." Isang mababang boses ang narinig sa likod niya. Tumalikod si Chu Qiao, nakita si Zhuge Yue na nakatayo sa lawa ng dugo. May bendahe ang sugat nito sa dibdib, ngunit patuloy na walang tigil na tumutulo ang dugo mula dito. Napakakalmado nitong tumingin sa kanya; ang kanyang mukha ay hindi makikitaan ng henerosidad bago mamatay, ng kahit anong galit mula sa pananambang. Buong kapurihan itong nakatayo sa gitna ng sugatan niyang mga kasama, nakatingin sa mga sundalo ng Yan Bei na walang takot sa kanyang mga mata.

Namula ang mata niya na matigas ang ulo siyang umiling habang malambot na sinabi, "Binigo kita."

Nakumutan ng nyebe ang buong kapaligiran, na may matingkad na elemento ng pula na kumukulay sa tanawin. Mukha itong bulaklak na namulaklak, hindi pinapansin ang mayelong klima. Nang tumalikod siya, nakita niya itong pinakawalan ni Yan Xun. Buong lakas na lumipad ang gintong palaso; ang tunog ng paghiwa nito sa ere ay malinaw na maririnig. Wala siyang mapagtataguan, o mapipigil ito. Umihip sa mga manggas niya ang malamig na hangin, pinagyeyelo sa lamig ang kanyang puso. Pinanood niya nang pinakawalan ng lalaki ang palaso na hinatulan ang kapalaran nito sa landas na walang balikan; ang kamay ng kapalaran ay pinakiluin ang kalamnan nito sa gitna ng bagyo ng nyebe.

Tila gumalaw ng kusa ang tanawin sa harap ng mga mata niya sa mabagal na mosyon, pinapaso ang kanyang mata ng bawat kilos. Dumaplis sa leeg niya ang palaso at nag-iwan ng bakas ng dugo dito, bago ibinaon ang sarili sa sugat na nasa dibdib ni Zhuge Yue, nakakabendahe lang. Panibagong bugso ng dugo ang tumilamsik sa hangin sa kahanga-hangang paraan; ang malamig niyang pisngi ay nakaramdam ng init kahit hindi tumama sa kanya ang dugo. Tumigil nang oras na iyon ang paghinga niya. Tumayo siya doon, tulala, habang nakapiksi ang tingin niya sa malungkot at nag-iisang anino ni Zhuge Yue. Namula ang mukha niya, at ganoon din ang tanawin sa harap niya.