Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 193 - Chapter 193

Chapter 193 - Chapter 193

Pinalibutan sila ng mga sundalo mula sa Yan Bei; ang malapitang paglalaban sa pagitan ng dalawang hukbo ay hindi kapani-paniwalang masidhi. Minantsahan ng dugo ang manyebeng kapatagan ng matingkad na pula; ang unahang hanay ng mga sundalo ng Yan Bei ay mabagsik na nakipaglaban sa mga sundalo ni Zhuge Yue, tulad ng dalawang alon na nagsasalpukan. Ang kanilang mga espada ay makinang. Sa gitna ng labanan, tumilamsik kahit saan ang dugo, tulad ng kumukulong putik na humahalo sa manyebeng lupa.

Ang tunog ng hangin at sigaw ng pagpatay ay nakakabingi. Ang iyak ng matinding paghihirap ng mga pandigmang kabayo ay humalo sa mga sundalo nang bumagsak sila sa kanilang sundalo. Magulo ang lugar ng labanan, tulad ng palayok ng kumukulong tubig – ang kahit anong istratehiya ay hindi na nakakatulong. Dahil harapang nagsalpukan, nauwi ito sa labanan ng matira-matibay. Sa puntong ito, umasta ang lahat na parang nababaliw sila, winawasiwas ang kanilang mga espada sa kaaway, ang kanilang mata ay mapula. Putol na mga paa, dugo, nagkalat na mga utak... bawat hanay na bumagsak ang mga sundalo tulad ng lantang damo tuwing taglagas. Ang mga nanalo sa isahang laban ay agad na napatay ng ibang tao. Bago sila namatay, mahigpit nilang hinawakan ang binti ng kaaway, sa pag-asang makapagbigay ng mahalagang oras para makaatake ang mga kakampi nila.

Kahit na nakakalamang ang hukbo ng Yan Bei sa kaaway, hindi sila makalusot sa pormasyon na ginawa ng mga Gwardya ng Yue. Nang bumagsak ang labas na hanay ng mga sundalo, ang bakanteng pagitan ay pinalitan ng mga sundalong nasa loob. Tumayo sila doon, desidido, habang winawagayway nila ang kanilang mga espada. Ang kanilang mga kabayo, mukhang babagsak na sa paulit-ulit na mga atake, ay mataas na nakatayo. Kasing dikit sila ng tapal ng gamot; kahit na malapit na silang matalo, hindi sila sumuko. Sa kabila ng makitang bumagsak ang mga kakampi nila, mag-isa silang lumaban para sa sarili nila, walang tigil na pinapatay ang mga kaaway. Hindi sila takot sa dugo, o kahit na maputol ang kanilang mga bisig at paa. Kahit sa huli nilang hininga, desidido silang magpatuloy na lumaban; kahit na masaksak sila, kakagat sila ng piraso ng laman mula sa kanilang kaaway!

Ang mga taong ito ay sinundan si Zhuge Yue mula pagkabata. Dahil siya ang pinakamatandang lalaking anak ng unang pamilya, ang mga nakakatandang pigura ng pamilya ay naglagay ng sampu ng mga eksperto sa martial arts sa kanyang tabi, kasama ang higit 500 personal na gwardya. Higit sa sampung taon, nakipaglaban sila kasama si Zhuge Yue mula sa timog hanggang hilaga, nakaranas ng hindi mabilang na laban na hindi umaatras. Sa kasalukuyan, ipinakita ulit nila ang masimbuyong paghahangad, sa harap ng mga sundalo ng Yan Bei.

Ang bagong kakatalagang komander ng gwardya ni Yan Xun, si Nie Gu, ay sumigaw habang winawagayway ang kanyang espada, "Patayin! Patayin silang lahat!"

Napapaliguan ng dugo si Yue Jiu habang sinasaksak niya ang kaaway sa leeg. Wala na siyang kakalmahan sa sarili. Pinunasan niya ang dugo sa kanyang mukha at sumigaw, "Mga kapatid! Gumawa tayo ng bakas ng dugo!" nagkalat ang bangkay at espada kahit saan sa lupa; tila ba wala nang espasyo. Winagayway ng mga mandirigma ang kanilang espada at sinipa sa tabi ang mga bangkay. Ang sigaw upang pumatay at iyak ng paghihirap ang nakakabingi tulad ng dugo, kasama ang laman ng tao, na tumilamsik kahit saan.

Isang sundalo mula sa Yan Bei ang pumutol sa binti ng isang sundalo ng Yue. Hindi gumawa ng tunog ang batang sundalo at bagkus ay sinaksak ang sundalong mula sa Yan Bei sa dibdib nito. Bago bumagsak ang sundalo mula sa Yan Bei, hinawakan niya ang bewang ng gwardya ng Yue. Pareho silang nagpagulong-gulong sa lupa, nasa binggit ng kamatayan, tulad ng dalawang mabangis na asong kinakagat ang isa't-isa. Mukhang may malalim silang galit sa isa't-isa. Gayumpaman, bago pa man nila mapatay sa kagat ang isa't-isa, higit sampung pandigmang kabayo ang tumakbo sa parte nila. Ang mga sundalo sa pandigmang kabayo ay nakikipaglaban pa rin habang ang dalawang tao sa ilalim ay niyurakan hanggang mamatay. Nagkadurog-durog ang kanilang buto habang tumilamsik sa mga paa ng kabayo ang katas ng kanilang utak.

Ang lugar ng labanan ay naging isang kulay pulang alimpuyo, nakagitna sa 300 gwardya ng Yue. Ang pormasyon ng dalawang panig ay hindi maayos. Ang mga sundalo ng Yan Bei sa labas ay hindi makapasok, at tumayo sa labas habang naglabas ng malakas na halinghing ang kanilang mga kabayo. Sa tuwing mapapatay ang kanilang mga kakampi, papalitan ng mga sundalo ang kanilang pwesto sa unahang hanay. Sa puntong ito, ang hilagang porsyon ng mga gwardya ng Yue ay napasok. Natuwa si Nie Gu habang itinaas ng mga mandirigma ang kanilang espada para sumunod sa likod niya, naglalabas ng nakakabinging sigaw pandigma.

"Protektahan ang Heneral!" sigaw ni Yue Jiu. Ang bata niyang mukha ay namantsahan ng dugo, dahilan para hindi makilala ang kanyang itsura. Ang mga gwardya ng Yue, na may mapulang mata, ay tumalikod para tagpian ang butas, ngunit nahadlangan ng mga kaaway sa gilid.

Malakas na sumigaw si Nie Gu, "Sugod! Patayin ang traydor na nagngangalang Zhuge!"

Swoosh! Nang matapos niya ang kanyang sasabihin, isang espada ang lumaslas sa kanyang leeg, gumagawa ng bakas ng dugo. Sa susunod na segundo, mataas na lumipad sa ere ang ulo ng batang komander. Umarko patalikod ang kanyang katawan at bumagsak sa lawa ng dugo. Diretsong nakatindig si Zhuge Yue na hawak ang kanyang espada. Ang berde niyang manto ay dinagdagan ang maputing kutis ng kanyang mukha. Ang tingin ng mga mata niya ay malalim habang nakatingin siya sa magulong lugar ng labanan na may apoy sa kanyang mga mata. Isang tulo ng dugo ang tumulo sa kanyang noo, lagpas sa tabas ng kanyang mukha. Sa likod niya ay ang bundok ng mga bangkay; malayo-layo pa, umuusok sa pagliliyab ang syudad. Mas malayo pa, ito ang pangunahing lugar ng labanan sa pagitan ng Yan Bei at Xia.

Patuloy na nagngangalit ang digmaan; humihingi ng tulong ang mga sibilyan. Ang kontinente ng West Meng ay nanginginig; ang lupa't kalangitan ay nagdurugo. Mabangis siyang nakatayo sa lawa ng dugo habang nagpapatuloy ang patayan sa paligid niya, at mataas na nakatayo na parang bundok.

"Heneral!"

"Magaling!" malakulog na kagalakan ang sumunod pagkatapos. Tumayo si Zhuge Yue sa gitna ng lawa ng dugo, umaalingawngaw sa malakas na boses, "Wala sa inyo ang mamamatay! Sugod!"

"Masusunod!" sabay-sabay na alingawngaw ng mga mandirigma. Tumayo si Zhuge Yue sa harap at pinangunahan mismo ang mga tauhan niya. Pinalabo ng liksi niya ang paningin ng ibang tao. Mukha siyang puting alon; kahit saan siya pumunta, lumilipad sa ere ang mga tao. Isa itong magulong tanawin.

Mayroon nalang 100 gwardya ng Yue na natitira. Ang kanilang moral ay nadagdagan habang ang mga sigaw ng pagpatay ay lumakas. Ang sariling pahayag na hindi masusupil na mga sundalo ng Yan Bei, nang nakaharap ang nakakaintimidang tanawin na ito, ay napilitang umatras. Ang pinaglalabanan ay naging pantay. Ang mga opisyales sa likod ay napamura, ngunit kahit gaano pa karami nila itong gawin, hindi nila masakop ang piraso ng lupang mataas. Kahit gaano karaming sundalo ang itapon nila sa unahang linya, hindi nila magapi ang makapal na hukbo ng 100.

Hindi nagbago ang ekspresyon ni Yan Xun, ngunit sumingkit ang kanyang mata. Lumabas na sa wakas si Zhuge Yue. Tumayo siya sa unahang linya, suot ang berde niyang manto at hawak ang espada niya, maliksing humihiwa. Sa iglap na iyon, tila nakikita ni Yan Xun ang ningning na nagmumula dito. Isang malamig na tingin ang kumislap sa mata niya. Nag-utos si Yan Xun sa mababang boses, "Dalhin ang pana ko."

Kinuha ng mga tagasilbi niya ang gintong pana niya. Hindi kapani-paniwala ang kinang nito. Nakasuot ng itim na manto si Yan Xun; ang tingin ng kanyang mukha ay walang init na mayroon ito dati. Sa kasalukuyan, isa siyang makinaryang pumapatay sa gitna ng kaguluhan; ang itim niyang manto ay may mantsa ng dugo. Marahang dumampi ang mga daliri niya sa kanyang pana habang hinihigpitan ang hawak niya dito. Kinapa niya ang palaso niya at inilaman ito a pana, hinihila ito pabalik kasama ang pisi ng kapalaran. Ang alaala ng nakaraan ay dumaan muli sa kanyang mga mata habang iniipon niya ang lakas na itira ang pana.

Patuloy na nagngangalit ang hangin, dumadaan sa labanan at pinalalamig ang mga bangkay. Dumating ang madilim na mga ulap sa kalangitan; lumulutang sa ere ang mga nyebe. Isang grupo ng pandigmang kabayo ang papalapit mula sa likod. Malamig ang tingin ni Yan Xun. Diretso siyang tumindig, napapalibutan ng 10,000 mga sundalo. Pinirmi niya ang sarili; may diretsong postura at perpektong katumpakan, niluwagan niya ang daliring pumipigil sa palaso! Iniwan ng makinang na palaso ang pana at buong bilis na lumipad tungo sa katawan na nasa labanan!

Libong mga mata ang nakapirmi sa lumilipad na palaso. Sa nakakasilaw na maliwanag na sinag ng araw, ang palaso ng tadhana ay lumipad tungo sa dibdib ni Zhuge Yue, uhaw sa dugo.

Winakwak ni Zhuge Yue ang isang sundalo ng Yan Bei, dahilan para tumilamsik ang dugo sa kabuuan ng likod ng kanyang palad tulad ng nag-aapoy na langis. Hindi na kailangan pang makita kung anong paparating sa kanya. Ginamit niya ang pandinig niya para malaman kung nasaan ang palasong palipad tungo sa kanya. May hindi napapantayang liksi, umigtad siya sa gilid para iwasan ang palaso. Dumaplis sa braso niya ang palaso, sinama nito ang parte ng kanyang kasuotan at malaking kumpol ng laman. Bago pa man siya makaayos sa pagkakatayo, may panibagong palaso na patungo sa kanya.

Sunod-sunod na matagumpay na atake! Isang kasiningan na kilala at naperpekto ni Chu Qiao ng Yan Bei! Sa piging ng manyebeng gabi na iyon dati, sa hilagang-kanlurang pinaglalabanan, nakita niyang ginamit ni Chu Qiao ang pamamaraan na ito. Hindi na siya estranghero dito. Gayumpaman, sa puntong ito, ang palasong ito ay tinira ni Yan Xun. Hindi magandang-maganda ang kasiningan na ito, ngunit nalagpasan nito ang lakas ng babae.

Tumira si Yan Xun ng pitong sunod-sunod na palaso, lahat ay nakatutok sa mahalagang parte ni Zhuge Yue. Iniwasan ito lahat ni Zhuge Yue, nagawang makatayo sa gitna ng ulan ng palaso, gamit ang pagkislot sa katawan niya. Tumingin sila sa isa't-isa sa isa lamang hating segundo, ngunit tila inilakip nito ang kanilang panghabang buhay na tunggalian.

Sa iglap na iyon, pinihit ni Zhuge Yue ang kanyang katawan at sumugod kay Yan Xun. Ang makinang niyang sandata ay tila kislap ng kidlat habang gumaganti siya ng sarili niyang kilos. Maikling singhap ang narinig sa hindi kalayuan. Ang lalaking malapit nang tamaan ng espada ay ngumiti ng kaunti. Hindi niya ito iniwasan, o mukhang nababagabag. Bagkus, inilabas niya ang huli niyang gintong palaso, hinila ang tali ng pana, at hinayaan itong lisanin ang kamay niya.

Tila tumigil ang oras ng puntong ito. Tahimik na tumingin silang dalawa sa isa't-isa, nahihiwalay ng libong mga sundalo. Inipon nila ang lahat ng lakas nila para sa huling palitan ng atake, hindi iniiwasan ang atake ng bawat isa, hinahayaan na tadhana ang magdesisyon kung sinong mamamatay at mabubuhay.

"Kamahalan, mag-ingat ka!"

"Heneral!"

Bago pa man makarating sa kanilang tainga ang mga sigaw, isang pandigmang kabayo ang naglabas ng mahabang halinghing. Ang makintab na espada ay tila kumikinang na bituin sa dilim. Tumagos sa hangin ang matalas na espada, tungo sa likod ni Yan Xun. Sa isang iglap nang halos tumagos na ang espada ni Zhuge Yue sa puso ni Yan Xun, tumama ito sa likod ng espada ni Yan Xun! Isa lang iyong karaniwang espada na gamit sa pakikipaglaban. Paano ito maikukumpara sa mahalagang espada na mayroon si Yan Xun? Ang pwersa ng pagtama ay binasag ang espada ni Zhuge Yue, habang ang espada ni Yan Xun ay patungo sa kanya, tila hindi naapektuhan ng pagtama. Lumipad ang palaso ni Yan Xun tungo sa kanyang dibdib; mahigpit na kasunod nito ang espada nito at lumapag sa dulong likuran ng palaso. Pababa itong lumipad, lumapag sa dibdib ni Zhuge Yue. Tumulo ang dugo mula sa kanyang dibdib tungo sa espada, hanggang sa dulo. Ang salitang "Poyue" ay bahagyang makikita.

Lumabas ang dugo sa bibig ni Zhuge Yue habang patalikod siyang napaatras, nawala ang kanyang balanse. Gayumpaman, hindi siya bumagsak sa lupa. Tumakbo palapit sa kanya ang mga gwardya ng Yue at pinagtanggol siya. Mapula ang mata ni Yue Jiu habang dumadaloy ang luha sa kanyang mukha. Ang batang eskrimador ay tumalikod, ang mata nito ay puno ng galit at kahibangan, habang tumingin siya sa hukbong nakaitim na nakatayo sa gitna ng nyebe.

Umupo si Chu Qiao sa likod ng kanyang kabayo, na may 2,000 sundalo mula sa hukbo ng Xiuli sa kanyang tabi. Ang mga paa ng kabayo ay gumawa ng nakakabinging pagtama sa manyebeng lupa. Nanlaki ang mata niya ng nakita na niya sa wakas ang pamilyar na mukha sa nyebe. Nanlumo ang kanyang puso habang nagmanhid ang kanyang mga paa; ang kanyang puso ay tila ba hinugot at itinapon sa lupang puno ng nyebe.

Simpleng ngumiti si Yan Xun habang inunat niya ang kanyang kamay para pitikin palayo ang naligaw na nyebe. Naglakad siya sa tabi ng babae at inunat ang kanyang kamay habang malumanay na sinabi, "Nandito ka na."

Namamantsahan si Zhuge Yue ng dugo habang ang dugo sa kanyang dibdib ay labis na nagdurugo. Ang tingin ng mga mata niya ay madilim. Tuluyang pinawala ng katotohanan ang kanyang kayabangan at pagmamataas. Tinaas niya ang kanyang kilay at tumingin sa taong iyon, pinipigilan ang dugo na umaakyat sa kanyang lalamunan.

"Zhuge Yue, gaano mo pa kagustong tapakan ang sarili mo?" malamig na tumawa ang lalaki, ang kanyang boses ay mababa at paos habang bumulong siya, "Matapos ang lahat ay isang panig lang ang nakalalamang."

Malamig itong tumitig kay Chu Qiao, dahilan para makaramdam siya ng hirap sa paghinga. Hindi siya makagalaw o makapagsalita habang napasalampak siya sa likod ng kabayo niya. Hindi na niya makita pa ang mapagkunwaring ngiti ni Yan Xun, ang tambak ng mga bangkay, ang syudad ng Yuegong kung saan umuusok sa pag-aapoy, o ang manyebeng hangin sa harap niya. Si Zhuge Yue lang ang nakita niya at ang kulay pulang dugo na nagmamantsa sa berde nitong manto; ang tanawin sa harap niya ay parang matalas na palasong tumagos sa kanyang dibdib.

Related Books

Popular novel hashtag