Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 192 - Chapter 192

Chapter 192 - Chapter 192

Hindi makapagsalita si Sun Cai. Mulat na mulat ang mata niya sa gulat, hindi magawang makagawa ng ingay.

Ngumisi si Chu Qiao habang ang kanyang mata ay naging malamig. May malamig na tono, nagbanta siya, "Master Sun, kapag mali ako ng pagkakaintindi sayo ngayong araw, yuyukod ako sa lupa at hihingi ng paumanhin sa harap mo. Ngunit, kung sinadya mo akong lokohin, ingatan mo ang ulo mo."

"Tayo na!" utos ni Chu Qiao.

Nang lumagpas ang hukbo, ang yabag ng kanilang mga kabayo ay dumagundong sa manyebeng kapatagan tulad ng tambol ng pandigmang tambol. Hindi nagtagal, isang malakulog na sigaw ang nanggaling mula sa likod. Kahit na ang mga pampasabog ay nasa pinaka hindi repinado nilang porma, basta't sapat na dami nito ang pinagsama-sama, sapat pa rin ito upang basagin ang patong ng yelo.

Ang ilog ng Moli ay sanga ng Chi Shui, at napakabilis na dadaloy. Walang isa o dalawang araw, imposible itong magyelo ulit. Sa 300 archers na nagbabantay sa dalampasigan, magiging imposible para sa hukbo ng Black Eagle na madaling makalagpas sa ilog. Kahit ano pa ang sitwasyon sa harap, kailangan pa rin tumungo doon para tumingin.

Nakapagpasya na si Chi Qiao habang naningkit siya. Sa kanyang matalas at mabagsik na tingin, para siyang leopard na nakita ang kanyang biktima.

"Master!" Humabol si He Xiao at tumakbo sa tabi ni Chu Qiao. Matapos ang mga taon ng pakikipaglaban at pagtratrabaho ng magkasama, ang kanilang relasyon ay pareho ng amo at tagasilbi, at ng malapit na magkaibigan. Nagtanong ang gwapong heneral, "Anong nangyari sa harap?" sa umuungol na hanging umiihip sa pagitan nila, masakit ito ng tumatama ito sa kanilang mukha. Matapos manatiling tahimik ng ilang sandali, taimtim na sumagot si Chu Qiao, "Baka nag-alsa si Cheng Yuan."

Natagalan na nag-isip si He Xiao, at sa wakas ay nakonekta na lahat ng tuldok. Maaari nga ito. Sumimangot si He Xiao, "Sinasabi ko na nga ba na hindi kagalang-galang ang taong iyon!"

Hindi sumagot si Chu Qiao at pinanatili ang kanyang tingin sa harap. Sa malakas niyang padyak, bumilis ang kabayo. Paulit-ulit siyang umasa na tama ang hula niya, dahil ayaw niya talagang isipin yung isa pang posibilidad.

Hindi maaari iyon. Imposible iyon. Hindi ako lilinlangin ng ganito ni Yan Xun.

"Giddyup!" sigaw ni Chu Qiao, habang pinipigilan niya iyon madilim na kaisipan sa kanyang puso. Ang kumpol ng mga kabayo na sumusugod sa manyebeng kapatagan ay parang bagyo, habang ang araw ay unti-unting natatakpan ng mga ulap, ginagawang malungkot na grey ang mundo.

Ang pagdating ni Zhuge Yue ay kompletong hindi napansin. Ayon sa orihinal na plano, papupuntahin nila si Chu Qiao dito, gagawa ng ilusyon na tinutugis siya. Ang pagpapakilos sa Yuegong ay isa lamang ilusyon para lituhin si Zhuge Yue, ang huling layunin ay papuntahin siya sa lambak ng Mingxi at patayin siya gamit ang 20,000 mamamana na nakatalaga sa pasukan ng lambak. Inaasahan na magtatapos ang labanan bago ang tanghali, at hindi maaapektuhan ang mga loob na teritoryo ng Yan Bei, at halatang hindi ang Yuegong, isang napaka mahalagang syudad. Ngunit, nang biglang nagpakita si Zhuge Yue sa syudad ng Yuegong, ang unang tugon na binigay ng syudad ay mataranta. Dinala ni Yan Xun ang huli ng mga sundalo ng Yuegong para sa pananambang sa lambak.

Sa huli, sinunog pa rin ni Zhuge Yue ang Yuegong. Nang natanggap ni Yan Xun ang balita ng insidente, suot ni Zhuge Yue ang berdeng roba niya at nakatayo sa Xiema Slope sa labas ng syudad. Sa harap ni Yan Xun, tinira ni Zhuge Yue ang unang nag-aapoy na palaso tungo sa tarangkahan ng syudad. Kasunod noon, ang kurtina ng higit 300 nagliliyab na palaso na itinira tungo sa syudad na ibinabad sa langis. Kahit ang kalangitan ay mukhang pinapaboran si Zhuge Yue, habang ang nagngangalit na hangin ay sinigurado na bukod sa mga imbak ng pagkain, kahit ang buong syudad ay nadamay sa nagliliyab na impyerno.

Ang 20,000 malakas na hukbo na nasasaksihan ito ay galit na galit. Ang ilan sa kanila, halos kalahati ay pinakilos mula sa Yuegong. Nang makitang nasira ang kanilang tahanan, at ang kanilang pamilya na maaaring patay na, ang kanilang lungkot ay naging galit. Bago pa man makapagbigay ng utos si Yan Xun, umatungal sila sa lungkot at sumugod. Nagmamadali silang umabante. Walang pormasyon, walang istratehiya, sumugod sila sa nababaliw na pagkahibang. Ngunit, bago pa man sila makalapit, sandaan ng mga gwardya ng Yue ang tumusok sa kanilang mga dibdib ng sandaang mga palaso. Walang dugo at laman ang makakatagal sa ganoong pagsalakay. Sa ika-15 minuto, wala nang natitira sa pagitan ng dalawang pwersa.

Pumalahaw ang hangin sa pagdanak ng dugo, maririnig pa rin ang huling hininga ng mga namamatay na sundalo. Nakatayo lang na inoobserbahan ni Yan Xun ang buong pangyayari. Nang sumugod ang mga sundalo ng Yan Bei, hindi niya sinubukang pigilan sila. Hindi, hindi niya kayang pigilan sila kahit na magtangka pa siya. Kaya tumingin lang siya habang ang 10,000 tauhan ay namatay sa mga palaso na parang damong tinatabas, tulad ng karit. Sa puntong ito, ang sarili niyang gwardya ng 10,000 ay tahimik na tumayo sa likod niya na parang tahimik na kagubatan.

Ito ang unang beses na nagkita si Yan Xun at Zhuge Yue simula noong insidente sa imperyo ng Tang. Kahit na buong taon nagpatuloy ang digmaan, may hindi mabilang na labanan sa pagitan nila, at kahit na pinangunahan ni Zhuge Yue ang pagsalakay sa pinakatolda ni Yan Xun, hindi pa nila nakakatagpo ang isa't-isa sa labanan na ito. Ngayon, nagtagpo ang kanilang mga tingin, at pinagmukha ng tensyon na parang makakagawa ng kislap sa pagitan nilang dalawa. Kahit na tahimik ang lahat, tila may nakatagong pakiramdam na salungat sa ilalim ng patsada ng kapayapaan. Sa katunayan, hindi mararamdaman ng nanonood ang tensyon, tanging lubos na nakakaalam ng buong insidente ang makakaramdam sa atmospera.

Simula sa syudad ng Zhen Huang, nang bata pa silang pareho, hanggang ngayon, nang pareho na silang malaki, marami silang salungatan. Pareho sila na lubos na talentado. Pagdating sa awtoridad, nasa magkabilang panig sila, ngunit parehong may pinanghahawakang malaking kapangyarihan. Pagdating sa galing sa militar, dalubhasa sila sa paggawa ng istratehiya at kalaban ang isa't-isa pagdating sa taktika ng militar. Pagdating sa pulitika, magkaribal sila, at hinding-hindi nagkakasundo. Gayumpaman, sa kakaibang baliko ng tadhana, nagustuhan nila ang iisang babae. Sa ganoong kapalaran, hindi sila makakapagtuos para hangaan ang talento at abilidad ng bawat isa. Basta't magkita sila, magreresulta ito sa isang salungatan hanggang natalo at namatay na ang isa.

Nang makita si Yan Xun, napalagay ang puso niya. Nang oras na lumabas siya sa lambak ng Mingxi, alam niya na pinagsinungalingan siya. Ngunit ang kaibahan ay kung ang insidenteng ito ay pinlano ni Yan Xun mag-isa o kung may kinalaman si Chu Qiao. Kung ikokonsidera ang kalupitan sa lugar ng labanan, ang ganoong bagay siguro ay hindi mahalaga sa ibang tao. Ngunit kay Zhuge Yue, hindi niya maipagsasawalang-bahala ang pananarinari. Halos makasigurado na siya na hindi ganoong tao si Chu Qiao, at may kumpyansa niya itong masasabi sa babae, hindi lang siya isang dumaraan. Ngunit hindi niya nagawang hulaan kung anong posisyon niya sa puso ng babae, at hindi siguradong masasabi kung kanino ito mag-aalala kung may salungatan sa pagitan nilang dalawa ni Yan Xun.

Nanunuya sa sariling ngumisi si Zhuge Yue. Kahit na hindi nito tatraydurin si Yan Xun para sa kanya, hindi rin siya papatayin ng babae para kay Yan Xun. Ito lang ay sapat na sa kanya.

Pagkakita kay Zhuge Yue, siguradong hindi kasing kalmado ni Zhuge Yue si Yan Xun. Ang galit at pagkasama ng lasa ay kumalat sa puso niya. Ang lalaking ito ang dahilan ng pagkabigo ng unang oportyunidad niyang tumakas mula sa syudad ng Zhen Huang, at naging dahilan para magtiis siya ng walong taon ng pagdurusa. Habang nagdudusa si Yan Xun mula sa buhay na mas malala pa sa mga hayop, tinatamasa ni Zhuge Yue ang luho ng nakakataas na estado. Habang pinahihiya si Yan Xun, tumingin lang si Zhuge Yue. Habang nililipol at pinapatay ang pamilya ni Yan Xun, tumaas ang kapangyarihan ng pamilya ni Zhuge Yue. Habang sa wakas ay bumangon na sa kapangyarihan si Yan Xun sa Yan Bei, si Zhuge Yue ang lubos na nagtigil sa pagsulong niya sa imperyo ng Xia. Hindi lang iyon, mayroong din tungkol kay AhChu...

Nang maisip ito, ang nagngangalit na apoy ay nagsimulang lumagablab sa puso ni Yan Xun. Ang matagal na poot at galit na napigilan sa loob ng kanyang puso ay tulad ng isang mataas na bulkan. Oras na pumutok ito, imposible na itong makontrol.

Pagdating ng takipsilim, nagsimula nang lumubog ang araw. Sa silangang abot-tanaw, makakakita ng itim na guhit na papalapit. Iyon ang mga kabayo ng Yan Bei. Kahit na malayo pa sila, mararamdaman ang napipintong mga yabag ng digmaan. Ang papalapit na mga sundalo ay nasa 30,000 hanggang 40,000. Tahimik si Zhuge Yue, hindi gumagalaw. Hindi rin nagsalita si Yan Xun. Pagdating sa digmaan, ang pagmumura at pangungutya ay masyadong pangbata sa kanila.

Isang sundalo ang tumakbo mula sa pormasyon ni Yan Xun, at tumayo sa harap ni Zhuge Yue habang sumisigaw, "Huwag kayong tumira!"

Tahimik na walang emosyong tumingin ang mga gwardya ng Yue sa matapang na sundalong ito. Dinilaan ng sundalo ang kanyang labi, at nagsimulang magsalita na monologo. Ang mga nilalaman ay payak at karaniwan, at karamihan ay tungkol sa kalupitan ng imperyo ng Xia, at ang Yan Bei ay pwersa ng pagkamakatarungan. Nagpatuloy siyang magsalita kung paanong ang pagpasok ni Zhuge Yue sa teritoryo ng Yan Bei ay panunuya sa awtoridad nito, at hindi mapapahintulutan. Kung nais umalis ni Zhuge Yue, dapat niyang bitawan ang mga sandata niya at sumuko.

Buong pusong nagsalita ang sundalo ngunit hindi nakakuha ng kahit anong tugon. Nang makitang tapos na ang monologo nito, bahagyang kinaway ni Zhuge Yue ang kanyang kamay at walang awang nag-utos, "Alisin siya."

Doon, hindi mabilang na palaso ang tinira, at ang matapang na nagsalita ay natira na tulad ng pin cushion. Diretsong bumagsak ang katawan niya sa lupa, ngunit ang kanyang paa at naipit sa upuan sa kabayo. Dahil nagulat sa mga palaso, tumakbo palayo ang kabayo nito, kinakaladkad ang kanyang bangkay, nag-iiwan ng bakas ng pula.

Ang mga mandirigma ng Yan Bei ay galit na galit habang umuungal sila sa pagkapoot. Sampu ng libo ng mga sundalo ang sabay-sabay na naglabas ng kanilang sandata. Ang kumikinang na mga sandata ay parang dagat ng sandata, gumagawa ng marilag na tanawin. Nakatingin sa isa't-isa, ang tawag ng trumpeta ng digmaan ay tumunog na sa wakas. Umangat ang mga alikabok, habang nagsimula nang sumugod sa maayos na pormasyon ang mga kabalyero. Nagsimula na sa wakas ang digmaan na walang kahit anong naunang indikasyon.

Sa papalubog na araw, nagdilim ang kalangitan. Kahit na iilan lang ang bilang ng mga sundalo ni Zhuge Yue, para silang mahusay na pinakinis na espada. Ang kahusayan nila sa pana ay hindi mapapantayan, at walang nasayang na mga palaso. Kaya pa nga nilang tumira kahit na sumusugod. Pagkatapos nilang tumira, nasusundan nila ng paghiwa. Lahat sila ang mga bihasa sa martial arts, at walang kahit isa sa kanila ang karaniwang sundalo. Tila hindi magagapi ang 300, habang sumusugod sila sa labanan na hindi nahahadlangan ng maraming kaaway.

Sa kabilang banda, hindi rin pangit ang mga sundalo ni Yan Xun. Ang hukbo niya ay binubuo ng mga piling mga sundalo, at nabigyan ng pinakamataas na kalidad ng kagamitan. Lahat sila ay mga beterano ng digmaan, puno ng kasanasan at tapang.

Simula sa umpisa ng laban, madugo na ito, na tumitilamsik kahit saan ang dugo, at putol na mga kamay at binting lumilipad sa ere. Sa mga pandigmang kabayo na sumasalpok sa isa't-isa, at ang kanilang mga paang sinusubukang patirin ang isa't-isa, ang buong lugar ng labanan ay sumabog sa isang malakulog na laban na magdadala ng ginaw pababa sa likod ng lahat.

Naipon ang madilim na ulap sa kalangitan, ang ulap ng ulan ang napakababa, tila ba lalapat na sa mga ulo nila ang mga ulap. Sa ginawang tolda, tahimik na naghihintay si Yan Xun. Pumutok-putok ang apoy, at ang mga sundalo na nakapaligid kay Yan Xun ay balisa lahat. Mabigat ang pakiramdam sa kapaligiran, puno ng takot at pagkabagabag.

Isang oras na rin. Para sa 10,000 na lumaban sa 300 sundalo, ang ganoong laban ay hindi na patas sa umpisa palang. Kahit gaano pa ka-talentado si Zhuge Yue, hindi niya mapapanghawakan ang kinatatayuan niya. Ang palaso ng mga gwardya ng Yue ay ubos na dapat, pati ang kanilang mga espada na may barag na. Marami sa kanila ang dapat lubos nang nasaktan at ang kanilang mga kabayo ay patay na. Hindi na nila maipapakita ang liksi na mayroon sila noong umpisa, at kaya nalang higpitan ang kanilang pormasyon para sanggahin ang libong mga sandata na nakatutok sa kanila.