Nais niyang hawakan ang kamay nito. Noong gagawin na niya, isang maitim na ulap ang humarang sa buwan, dahilan para balutin ng dilim ang buong lugar. Nakatayo si Yan Xun doon na hindi alam ang gagawin na ang kamay ay nakaunat. Ang nyebe sa lupa ay ikinalat ng hangin, tungo sa kanyang manto. Mukha siyang istatwa sa nyebe.
Hindi niya nakita si Yan Xun sa kabila ng pananatili sa kampo ng tatlong araw. Tanging sa ikaapat na araw lang siya bumaba mula sa pass. Nang nakita niya ang lalaki, nasa gitna siya ng pag-iimpake ng bagahe niya. Walang imbitasyon na pumasok si Yan Xun, walang sundalo na nagsabi sa kanya. Ang nakasisilaw na sikat ng liwanag ay suminag mula sa likod nito. Lumingon si Chu Qiao at panandaliang nabulag. Nakasuot si Yan Xun ang mahabang itim na roba, na may gintong dragon na disenyong nakaburda doon. Malalim itong tumingin sa kanya, nanatiling tahimik ng matagal na sandali.
Nakakasilaw ang liwanag. May makikitang mga alikabok na lumulutang-lutang sa ilalim ng ilaw. Tumingin si Chu Qiao kay Yan Xun. Sa iglap na iyon, pakiramdam nila ay nasa Yingge Court sila maraming taon ang nakakaraan. Kakabalik lang ng binata mula sa pagsasanay ng martial arts, pawis na pawis. Gustong-gusto nitong tumayo sa likod ng babae na hindi gumagawa ng ingay, hinihintay na madiskubre siya nito. Noon, malungkot sila. Bukod sa isa't-isa, wala ng iba pa. Hindi katulad ngayon, kapag napapalibutan sila ng maraming tao, tila mas lumalayo pa sila sa isa't-isa. Tumayo si Chu Qiao at gustong lumuhod para sumaludo sa lalaki, ngunit hindi magawang tawagin ito na "Kamahalan". Lumapit si Yan Xun sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Hindi siya pumiglas o tumingala. Yakap ng lalaki ang katawan niya habang ang kanyang noo ay nakasandal sa dibdib nito. Naririnig niya ang masiglang tibok ng puso nito, na nagpaalala sa kanya ng tambol ng pandigma sa syudad ng Beishuo. Maliwanag ang kalangitan; ang kapaligiran ay matingkad na ginto ang kulay. Pumagaspas ang mga kurtina ng tolda dahil sa hangin. Nanlaki ang mata ni Chu Qiao, tila nakikita ang berdeng mga damo sa panahon ng pag-ani. Malayo na ang narating ng kanyang puso at hindi na kasama ng lalaki.
"AhChu, aalis ka na ba?" nagtanong si Yan Xun sa mababang boses pero hindi siya sumagot. Binitawan nito ang kamay niya, nakita ang walang sigla niyang tingin. "AhChu?"
Nag-angat ng tingin si Chu Qiao at tumango. "Oo, bukas ang alis ko."
"Padating na ang bagong taon. Samahan mo ako."
"Hindi na kailangan. May mga bagay akong kailangan ayusin, kailangan kong bumalik."
Matigas ang ulong sumagot si Yan Xun, "Hayaan mo ito sa ibang tao. Gusto kong makasama ka sa bagong taon."
"Pinagnanasaan ng mga taga Quan Rong ang Meilin Pass. Nag-aalala ako."
"Kailangan din nilang ipagdiwang ang bagong taon," tumingin si Yan Xun sa kanya at sinabi. Parang walang nangyari sa pagitan nila, nagpatuloy ito, "Hindi mo kailangang personal na ayusin ito. Magpapadala ako ng iba para ayusin ang bagay na ito."
Nanatiling tahimik si Chu Qiao at tumungo, nakatingin sa maliliit na bilog ng liwanag na namuo sa lupa, tulad ng sala-sala. Nagliwanag ang pakiramdam ni Yan Xun habang sinasabi niya na gusto niyang dalhin si Chu Qiao sa syudad ng Xiling para paglipasan ng bagong taon. Isa iyong syudad na itinayo niya. Masagana at masigla ito. Naghanda ang lalaki ng komportableng mansyon at sariling silid para sa kanya. Paulit-ulit nitong pinagdiinan na nakakain ito ng masarap na meryenda noong bata ito. Matapos niyang makuha muli ang Yan Bei, hinanap niya ang tagaluto na naghanda nito sa kanya. Nang nalaman nito kung nasaan ang tagaluto, napagtanto niya na namatay na ito sa gitna ng salungatan. Mabuti nalang, buhay pa rin ang anak nito at namana ang pagluluto ng kanyang ama. Sa kasalukuyan, nakatira ito sa bakuran ng syudad ng Xiling. Nagpatuloy lang siya at nagsimula nang magmukhang nakakainis.
Matagal na nakinig si Chu Qiao bago tumingala at tahimik na sinabi, "Yan Xun, ayokong manatili dito."
Natigilan si Yan Xun habang mukhang nagkanda-buhol ang dila niya. Ang walang tigil na daloy ng kanyang salita ay nahinto. Tumingin siya kay Chu Qiao at sumagot matapos ang mahabang sandali, "Sinisisi mo pa rin ako?"
Umiling si Chu Qiao at kalmadong sumagot, "Ayoko lang manatili dito at magpanggap na payapa tayo, umakto na parang walang nangyari. Kapag naisaayos mo na ang mga saloobin mo at binitawan ang lahat, kasama ang mga paghihinala mo, pupunta ulit ako."
Tumayo si Yan Xun doon at ang itsura ng kanyang mukha at lumamig. Malalim siyang tumingin kay Chu Qiao tapos ay tumalikod at umalis. Malalaki ang hakbang niya; nawala sa isang iglap ang kanyang anino.
Umupo sa higaan niya si Chu Qiao, biglang nakaramdam ng pagod. Pakiramdam niya na ang malamig na labanan na ito ay walang saysay, ngunit hindi siya makahanap ng rutang tatakasan niya. Ang mga taga Quan Rong ay gumagawa pa rin ng gulo sa labas ng ruta. At saka, matapos ang bagong taon, darating na ang tagsibol. Kailangan niyang gumawa ng pag-iingat ng mas maaga. Gayundin, mayroon siyang pulong ng palitan ng kalakal na darating sa tagsibol. Maraming mga bagay ang naghihintay sa kanya, ngunit masaya siya na mayroong bagay na kailangan asikasuhin. Mapait siyang ngumiti at walang magawa na nagpatuloy mag-impake ng bagahe niya. Masyadong nakakasakal ang kampo ng militar na ito; hindi na niya nais pang magtagal dito.
Umupo sa gitnang tolda si Yan Xun, giniliran ng mga heneral niya sa parehong gilid. Ang kapaligiran sa loob ng tolda ay nakakasakal habang ang mga heneral ay magagalitin. Wala ito ng masayang pakiramdam ng bagong taon.
"Kapag nakidigma tayo, base sa abilidad na mayroon tayo, kayang tapatan ng Pangalawang hukbo ang 100,000 hanggang 150,000 sundalo ng Xia. May kaunting swerte, matatagalan natin ang atake ng pwersa ng halos kalahati ng hukbo ng Xia sa loob ng dalawang araw. Gayumpaman, ang komander ng unahang hanay nila ay hindi dapat si Zhuge Yue. Kamakailan, sa Queshu Valley, pinatay niya ang higit sa 2,000 tauhan natin. Natatakot ang mga sundalo sa kanya. Natatakot ako na ang mababang moral ng mga sundalo ay maaapektuhan ang kalalabasan ng labanan," isang heneral ang nagbigay ng pagsusuri niya.
May panibagong tao ang nagsalita, "Base sa ulat ng mga tagamanman natin, kasalukuyang wala si Zhuge Yue sa kampo. Mukhang bumalik siya sa Zhen Huang dahil malubha ang sakit ng Emperor. Bilang kakampi ni Zhao Che, dapat niya itong suportahan sa pag-upo sa trono. Gayumpaman, mayroong bali-balita na kumakalat na nakapagdesisyon na ang emperor ng Xia sa magmamana ng trono niya, at hindi ito si Zhao Che."
"Padating na ang bagong taon. Hindi matatag ang hukbo ng Xia pagdating sa diwa. Wala din si Zhuge Yue. Kapag kinuha natin ang oportyunidad na ito na sumugod sa Yanming Pass, maisasagawa ang ideya na ito. Kamahalan, ito ang istratehiyang mapa ng militar na naisip ng Military Strategy Department."
Malamig na sinuri ni Yan Xun ang mapa, nakita ang lahat ng magarbong sulat na nakasulat sa papel. Sundalong kabalyero sa unahan, may kalasag na sundalo sa likod... isa lang itong istratehiya ng harapang pagsalakay, giniliran ng pwersa ng pangdagdag na sundalo sa mga gilid. Isa lang silang ordinaryong istratehiya ng militar. Sumimangot siya at tumingin sa komander, na nasa 30 taon gulang. Malamig siyang nagtanong, "Ito ba ang istratehiyang naisip niyo matapos buong araw na magtrabaho ng higit na sampung araw?"
Nagulat ang lalaki, tumulo ang malamig na pawis sa kanyang mukha. "Nasuri namin ang kalakasan at kahinaan ng kalaban at ng sarili natin, nasuri namin..."
"Tama na." Walang galang na sumingit si Yan Xun sa kanya at nagpatuloy, "may mga praktikal pa bang bagay na kailangan iulat?"
Wala nang nangahas na magbigay ng suhestiyon nang makita na masama ang timpla ni Yan Xun. Sa maiksing oras, umalis ang lahat ng nasa malaking tolda, iniwan si Yan Xun habang nakaupo doon, nakasimangot, at masama ang timpla.
Sa maiksing sandali, panibagong anino ang pumasok at lumuhod sa lupa. Binabaan niya ang kanyang boses at nagpahayag, "Hindi kita binigo. Mayroon akong iuulat sa Kamahalan."
Nakakasilaw ang liwanag ng araw habang sumisinag ito sa sagisag ng pulang ulap sa kwelyo ng lalaki. Ang simbolo ay dating sagisag ng Southwest Emissary Garrison. Sa kasalukuyan, kinatawan ito ng hukbo ng Xiuli.
Nang araw na iyon, hindi kumain ng hapunan si Yan Xun. Tinipon niya ang pinagkakatiwalaan niyang mga tauhan sa gabi, at nilisan ang kampo kasama ang hukbo ng 5,000 gwardya na hindi man lang nagpapaalam kay Chu Qiao. Nang tumapak ang mga sundalo niya ng kampo ng militar, ang espadang Canhong na inilagay niya sa lamesa ay nagbigay ng kalabog. Nagsususpetyang tumalikod si Chu Qiao at nakita lang ang usok mula sa lalagyan ng insenso. Naramdaman niyang bumilis ang tibok ng puso niya. Uminom siya ng tsaa; dumaloy pababa ng kanyang lalamunan ang malamig na likido, ngunit hindi nito nagawang palamigin ang nababalisang pakiramdam na nararamdaman niya sa kanyang puso.
Anong nangyayari? Bahagya siyang sumimangot. Patuloy na nagngalit ang nyebe sa labas, ginagawang mukhang mapanglaw ang kapaligiran.
Nang natanggap ni Yan Xun ang balita at dumating sa Daping, natapos na ang labanan. Nakaalis na ang pwersa ni Zhuge Yue, iniwan ang tambak ng katawan at espada. Ang grupo ng 500 mamamatay-tao na lubos na iniingatan ni Yan Xun at nalipol; wala ni isa sa kanila ang naiwang buhay. Nakatingin sa bundok ng katawan, naramdaman ni Yan Xun na pumipintig ang kanyang sentido.
"Kamahalan," yumuko si Cheng Yuan at tumayo sa tabi niya, magalang na sinabi, "Gusto mo bang bumalik ako at magtipon ng mga tauhan? Nasa teritoryo natin siya. Makakatakas ba siya?"
Ang tingin ni Yan Xun ay napakalalim habang tumingin ulit siya sa mga bangkay, ang kanilang mga mata ay mulat na mulat pa.
Tumayo sa gilid si Cheng Yuan at madaling nagtanong, "Kamahalan?"
"Magtipon ka agad ng mga tauhan."
Nang makitang tinanggap ni Yan Xun ang kanyang suhestiyon, masaya siyang tumango at nagtanong, "Ilang tauhan ang gusto ng Kamahalan?"
"Dalhin ang buong Black Eagle Army."
"Ah?" si Cheng Yuan, na dalubhasa sa pagpaplano, ay nagulat nang marinig ang sinabi ni Yan Xun. Gulat siyang nagtanong, "Kamahalan, kakatapos lang ng pagtanggap ng bagong mga sundalo ng Black Eagle Army. Mayroong higit na 100,000 katao, samantalang si Zhuge Yue ay kulang 300 lang. Kailangan ba ng maraming tauhan?"
Bahagyang pumiksi si Yan Xun habang ang kanyang tingin ay lumipat sa hindi nakikitang kaaway, nakatago sa malawak na manyebeng kapatagan. Ang kanyang mata ay nakasingkit. Malamig siyang sumagot, "Kapag napatay natin siya, katulad ito ng pagpugot ng kalahati ng utak ni Zhao Che at isa sa binti ng Xia. Mas mabisa ito kaysa ang pumatay ng 200,000 sundalo ng Xia. Sabihan ang mga sundalo na patayin si Zhuge Yue sa oras na makita nila ito. Ang taong makapugot ng ulo niya ay mabibigyan ng titulong heneral."
"Masusunod!" malakas na sumunod si Cheng Yuan, tumalikod para umalis sakay ng kabayo niya.
Ang paa ng kabayo ay tumapak sa nyebe, dahilan para kumalat ito. Tahimik na tumayo doon si Yan Xun ng mahabang oras bago bumulong, "Sa pagkakataong ito, gusto kong mamatay ka."
Nang araw na iyon, sa silangang labanan ng Yan Bei, aktibong pinapakilos ang mga sundalo. Ang bagong tatag na Black Eagle Army ay inilabas ni Cheng Yuan, sa ngalan ng pakikilahok sa isang gerilyang pakikidigmang pagsasanay. Ang mga opisyales ng Xia na nakatalaga sa patuloy na pagsusuri sa mga sundalo ng Yan Bei ay naguluhan, at inuulat ang paksa sa mga gumagawa ng istratehiyang militar ng Xia. Matapos ang mahabang pag-aanalisa, hinuha nila na isang mabigat na bagyo ng nyebe ang nangyari sa Yan Bei, na nagdulot ng malaking bilang ng mga nasugatang sibilyan. Kung kaya, walang pagpipilian ang Yan Bei kung hindi ay pakilusin ang mga sundalo na tumulong sa nangyaring sakuna. Ang konklusyon na ito ay mainit na sinuri ng mga opisyales habang nagsasaya sila sa kasawian ni Yan Xun. Idagdag pa, nabawasan ng isang banta sa anyo ng malaking hukbo na iyon. Maginhawa silang bumuntong-hininga at agad itong binalita sa gintang kampo ng unahang hanay ng mga sundalo ng Xia. Gayumpaman, pakiramdam ng opisyales ng militar ni Zhao Che na walang kabuluhang bagay ito. Kahit sa pagkawala ng Black Eagle Army, ang unahang hanay ng mga sundalo ng Xia ay hindi magiging pantay para sa Una at Pangalawang hukbo. Ang istratehiya ng Xia ay naplano niya. Maghihintay sila hanggang sa tagsibol ng susunod na taon, pagkatapos ng digmaan sa pagitan nila at ng Tang. Kung kaya, pinanghawakan niya ang piraso ng "walang kabuluhang" balita na ito, intensyon na huwag istorbohin si Zhao Che, na abala na sa ibang bagay.
Mas madalas kaysa sa hindi, ang daan ng kasaysayan ay nagbago sa kamay ng mga walang kabuluhan na mga tao, habang nagsumamo sila ng hindi makabuluhang saloobin na sa huli ay unti-unting lalaki. Halimbawa, sa kasalukuyan, si Zhao Che, ang tanging tao na nakakaalam ng sikretong paglalakbay ni Zhuge Yue sa Yan Bei, ay walang alam sa piraso ng mahalagang impormasyon na ito. Ibig sabihin nito ay hindi siya makakapagpadala sa oras ng dagdag na tauhan para tulungan si Zhuge Yue. Gayumpaman, sa kabila nito, hindi maayos na nangyari ang plano ni Yan Xun. Matapos ang isang araw, kumalat pabalik sa gitnang tolda ang balita mula sa lugar ng labanan, dahilan ng malaking sakit ng ulo ng mga heneral.
Ang ikatlong pangkat ng unang batalyon ng light cavalry sa Black Eagle Army, na mayroong 500 katao, ay nalipol. Wala sa kanila ang nakabalik ng buhay.
Ang ika-apat na pangkat ng unang batalyon ng light cavalry sa Black Eagle Army, na binubuo ng 500 katao, ay pinagtitira ng palaso hanggang mamatay sa lihim na pag-atake; ang kanilang mga bangkay ay mukhang salaan ng mga tao.
Ang ika-17 pangkat ng tagamanman sa light cavalry ay naglahong parang bula. Ang napagkasunduan ng Military Strategy Department ay ang hukbo ng 700 na ito ay naligaw sa bagyo ng nyebe.
Anim na maliit na seksyon ng tagamanman na may 20 katao ang naglahong parang bula pagkatapos; wala sa kanila ang naglabas ng nakakabahalang senyas, o nakabalik para iulat ang balita.