Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 190 - Chapter 190

Chapter 190 - Chapter 190

Ang grupo ng archery ay tumungo sa Songlu Ridge. Walang nakakaalam kung bakit sila tumungo doon, ngunit sa parehong pagkakataon, walang nakakaalam kung bakit matapos nilang pumasok, hindi sila lumabas. Iyon ay dahil ang dalawang grupo ng hukbong-lakad na ipinadala para hanapin sila ay nawala din.

Ruta, pagkatalo, pagkalipol, pagkawala... sunod-sunod na dumating ang balita habang ang ekspresyon ni Yan Xun ay unti-unting dumilim. Iyong mga heneral na nakaupo rin sa paligid ng lamesa ay hindi mapakali. Pagkatapos ay isang matandang heneral ang maingat na nagtanong, "Napaisip lang ako...dapat ba natin ipunin sa isang solong lugar ang mga hukbo natin? Ang paghiwalay sa kanila sa maraming grupo ay parang mapanganib."

"Isang katatawanan!" nandoon din si AhJing kahit na halatang hindi kasing taas ni Cheng Yuan ang posisyon niya. Malayong nakaupo sa kumpol ng tao, malamig siyang nagpahayag, "Ang kalaban ay mayroon lamang 300 malalakas. Nakatipon tayo ng 100,000 upang sanggahin sila. Sa malaking diperensya sa lakas, bakit natin kailangan ipunin ang pwersa natin?"

Sinubukang magpaliwanag ng matandang heneral sa kanya, "Ngunit may malakas na kakayahan sa pakikipaglaban ang kaaway, at bawat isa sa kanila ay kayang tapatan ang sandaang sundalo..."

"Hindi rin ako sumasang-ayon na ipunin ang ating pwersa sa isang lugar." Isinaysay niya ang kanyang opinyon bago nagpaliwanag, "Ang lugar ay malawak at disyerto, kasama ang kasalukuyang bagyo ng nyebe, kailangan lang magtago ng 300 tauhan at hindi na natin sila mahahanap. Ang pangkatin ng sama-sama ang lahat ng 100,000 tauhan ay mas magiging madali na makita at iwasan tayo. Kamahalan, suhestiyon ng tauhan na ito na palibutan sila. Basta't harangan natin ang lahat ng landas palabas, naniniwala ako na siguradong magpapakita sila."

"Dakilang Heneral Cheng, nakalimutan mo na ba ang labanan sa Caoqiu? Sinabi mo rin iyan noon." Malamig na sumulyap si AhJing kay Cheng Yuan at nanuya, "Magtayo ng barikada sa lahat ng daan, at pakilusin ang lahat ng sundalo natin, bantayan kahit ang pinakamaliit na maputik na daan. Nang oras na iyon, Heneral, nangako ka na kahit daga ay hindi makakatakas sa barikada, ngunit matapos lang ang isang buwan, masayang kumakain at maluhong natutulog si Zhuge Yue sa Yanming Pass habang tayo ay pagod na pagod."

Nang marinig iyon, nandilim ang mukha ni Cheng Yuan, ngunit hindi siya masyadong nag-isip. Tumingin lang siya kay Yan Xun. Alam ng lahat na ang labanan ng Cao Qiu ay bawal na pag-uusapan para kay Yan Xun. Kahit na si Cheng Yuan ang sisisihin, bilang pangunahing komander na ang pinaka himpilan ay nasalakay, si Yan Xun ang pinaka partidang responsable. Gayumpaman, hindi nagpakita ng kahit anong ekspresyon si Yan Xun sa kanyang mukha, at nagkunwaring wala siyang narinig, ang kanyang mata ay malamig katulad ng dati, walang senyales ng emosyon.

May whoosh, ang kanyang katawan ang nakasuot ng mabigat na baluti, tinulak ni AhJing ang maliit na lamesa sa harap niya ay naglakad ng kaunti. May malalim na boses, kinausap niya sa Yan Xun, "Kamahalan, mayroon lamang 300 tauhan si Zhuge Yue, ngunit nagawa niyang magbigay ng higit 3,000 kasawian sa atin. Hindi siya makakatakas na walang mga nasawi. Kung ganoon, ang katotohanan na wala tayong nakitang mga katawan ng sundalo ng Xia ay dahil dinadala niya ito. Mas higit pa nitong hahadlangan ang kakayahang makipaglaban ng kanilang orihinal na maliit na bilang ng sundalo. Hiling ng tauhan na ito na magdala ng 1,000 tauhan para tugisin siya. Tiyak na gagawin ko ang misyon."

Ang mga mata ni Yan Xun ay parang kailaliman ng karagatan, malamig at kalmado, habang inoobserbahan niya ang mukha ni AhJing. Sa labas ng tolda, winalis pataas ng nagngangalit na hangin ang patong-patong na bumagsak na nyebe, ngunit wala pa rin iyon kumpara sa kalamigan ng mga mata ni Yan Xun. Maingat niyang tinimbang ang mga kalamangan at kahinaan, na para bang isa siyang tusong nangungunang lobo ng isang pangkat.

AhJing? Hindi dapat pagdudahan ang kakayahan ni AhJing, ang nakaraan pagsupil niya kay AhJing ay sinanay ng mabuti ang kanyang pagpipigil. Ngayon, ang hiling ni AhJing na lumaban ay walang dudang pagtatangkang patunayan ulit ang sarili. Gayumpaman, hindi pa rin siya tuluyang mapagkakatiwalaan. Matapos ang lahat, malapit siya kay Chu Qiao. Anong mangyayari kapag nalaman ni Chu Qiao ang insidenteng ito?

Lumubog sa katahimikan ang tolda habang ang lahat ay tumingin kay Yan Xun para sa susunod na mga utos. Lumipas ang oras habang unti-unting inubos ng orasan ang sarili niya. Bigla, ang halinghing ng pandigmang kabayo ay maririnig. Tumakbo palabas si AhJing, para lang makita na dalawang-daang mga sundalo ang tumatakbo patungo sa pinaka tolda, ang nangungunang komander ay naliligo ng dugo, sumisigaw na, "Nahuli namin ang pinuno ng kaaway!"

Nang oras na iyon, yumanig ang buong tolda. Ang kanyang kilay na malalim na nakakunot, tila kumislap na ang malamig na mga mata ni Yan Xun ng kung ano na tila antisipasyon.

Ang buong kalangitan ay puno ng kaputian, habang ang mabigat na nyebe ay patuloy sa pagbagsak. Ang grupo ng light cavalry na tumungo upang hanapin ang mga kaaway ay umalis na may 500 tauhan, ngunit ng bumalik sila, hindi man lang sila umabot ng 300. Mula sa punto palang na iyon, makikita ang sidhi ng labanan. Ang komander ng grupo, si Lu He, ay naliligo ng sariwang dugo, ang kanyang balikat ay natusok ng palaso. Tumalon pababa ng kabayo niya, lumuhod siya sa harap ni Yan Xun at nag-ulat, "Nag-uulat sa Kamahalan, nakompleto ng tauhan na ito ang misyon na ibinigay sa amin, at nahuli ang marshal ng hilagang-kanlurang pwersa ng Xia, si Zhuge Yue."

Sumabog ang mga tao sa alon ng kagalakan nang marinig iyon. Sa nakalipas na taon, ang hukbo ng Yan Bei at lubos ang dinanas dahil kay Zhuge Yue. Tila hindi matatalo ang lalaking iyon pagdating sa istratehiya, at hindi pa lumalaban ng normal dati. May hindi mabilang na mahusay na heneral sa ilalim ng pamumuno niya, mapangahas siya at matapang, at pinamunuan ang mabangis na katapatan ng kanyang mga sundalo. Si Zhuge Yue ang pinaka dahilan sa katotohanan na natalo sa karamihan ng laban nila ang Yan Bei. Idagdag pa, nirerepresenta ni Zhuge Yue ang suporta ng mga maharlikang pamilya ng Xia sa digmaan na ito, at ang presensya niya sa laban ay lubos na inapektuhan ang kalalabasan. Kumpara sa ibang tao, tila hindi masaya si Yan Xun. Nakatingin kay Lu He, matatag siyang nag-utos, "Ilabas siya."

"Ilabas siya!" sigaw ni Lu He, at agad na may nagdalang isang lalaki. Nakasuot ng lilang roba ang lalaki na ito, at nakasuot ng napakalaking kagaraan. Nababalot ng sugat, ang binti ng lalaking ito ay mayroong anim na palasong nakabaon, at hindi na siya makatayo. Pagkakita kay Yan Xun, unti-unti siyang nag-angat ng ulo, at may malamig na sulyap, ngumisi siya, "Prinsipe Yan, matagal na rin."

Sumimangot si Yan Xun at marahang umungol, "Yue Qi?"

"Prinsipe Yan, maganda ang memorya mo. Hindi nakakagulat na nakakaisip ka ng maraming klase ng palihim na pamamaraan upang makipaglaban sa aking amo." Tumawa ng kaunti si Yue Qi. Ang sugat sa kanyang mukha ay bukas na bukas. Nasasamahan ng kanyang ngiti, nawala na niya ang dati niyang kagwapuhan at ngayon ay mas mukha ng demonyo.

Hindi nadala si Yan Xun sa pahayag niya at malamig na nagtanong, "Nasaan si Zhuge Yue?"

Malakas na tumawa si Yue Qi, tila ba narinig niya ang pinaka nakakatawang patawa. Nagtanong siya, "Maaari bang baliw na talaga si Prinsipe Yan? Paano ka nakapagtanong ng napakatangang tanong?"

"Ilabas siya at pugutan ng ulo." Malamig na tumalikod si Yan Xun at nag-utos. Agad na pumalibot ang mga gwardya niya kay Yue Qi at kinaladkad siya palabas. Naririnig ang walang inaalalang boses ni Yue Qi sa likuran, na para bang lubos siyang hindi nababahala, "Yan Xun, hindi ka isang sundalo! Isa ka lang kasuklam-suklam na taong sanay sa maduming pakikipaglaban! Hindi ikaw ang magiging kalaban ng amo ko! Mauuna na muna ako, at hihintayin ka sa kabilang-buhay!"

"Ganoon ba?" napakalamig ng boses ni Yan Xun, tulad ng antigong orasan na nagkalawang na. Tumalikod si Yan Xun, at may matalas na tingin, sumagot siya, "Mauna ka at maghintay, at tignan kung sinong mauuna." Nakatayo sa gitna ng bagyo, lubos na madilim ang ekspresyon ni Yan Xun.

"Kamahalan," balisang tanong ni Lu He, "dapat sisihin ang tauhan na ito, dahil nalinlang niya ako. Ngunit alam ko na kung saan tumakas ang aso ng Zhuge. Tutugisin ko na siya ngayon."

May sulyap na nakita ni Yan Xun ang espada nito at nagtanong, "Ibigay mo sa akin yan."

Mas nagulat si Lu He, at agad na tinaggal ang espada at ibinigay kay Yan Xun. Ang kanyang noo na puno ng pawis, nagpaliwanag siya, "Ito ang espadang dala ng lalaking iyon. Ang tauhan na ito...ibibigay na dapat ito ng tauhan na ito sa inyo Kamahalan."

Ang sandata ay apat na talampakan ang haba, ay nakukulayan ng maputlang berde na may kaunting pulang disenyo na mukhang dugo. Ito ang patalim ni Zhuge Yue—Moon Shatterer. Para sa espadang ito, hindi maaaring maging mas pamilyar pa si Yan Xun dito.

"Sun Cai, dalhin mo ang espadang ito at habulin si Master Chu. Dapat ay nasa daan na siya pabalik sa Shangshen. Sabihin sa kanya na sinalakay ni Zhuge Yue ang imbak ng pagkain sa Yuegong. Nagkataon na nasa Yuegong ako, at ang mga gwardya ko ay halos malipol na, na ako ay ilang beses na din tinamaan. Ngayon, napapalibutan ako. Hilingin na madaling siyang tumungo sa syudad ng Yuegong para tumulong. Tandaan mo, dapat kang dumaan sa bundok ng Nanhe para ipakita na kakatakas mo lang sa syudad ng Yuegong, naiintindihan?"

Lumuhod ang batang heneral sa lupa at matatag na tumalima, "Naiintindihan ng tauhan na ito."

"Nian Qing, ikaw ay tutungo sa syudad ng Yuegong, at dalhin ang utos ko sa kampamyento na kikilos sila sa loob ng isang araw, at gumawa ng illusyon na pinalilibutan sila."

"Masusunod, tutungo na ako ngayon."

"Cheng Yuan, tipunin ang Black Eagle Army, at sa ika-limang alon, tumungo ka sa Yuegong. Sumunod ka kay Master Chu, magkunwaring aatake pero huwag kang magpapakita sa mga pwersa niya. Pagmukhain mo na hinahabol mo siya. Naiintindihan mo?"

"Naiintindihan ko."

"Qi Zhi, susundan mo si Nian Qing at tumungo sa Yuegong. Habang nasa daan, sasabihan mo ang lahat ng syudad na madadaanan na isarado ang kanilang tarangkahan, magpakilos, at maghanda sa maaaring pagsalakay."

"Masusunod!"

"Huo An!"

"Nandito ang tauhan na ito." isang sundalo na nakasuot ng uniporme para sa hukbo ng Xiuli ang nakatayo sa isang gilid. Ang kanyang ulo ay nakatungo, hindi makita ang detalye ng kanyang mukha. Magalang na sumagot ang sundalo, "Bigyan niyo ako ng utos."

"Susundan mo si Lu He. Matapos makita si Zhuge Yue, naniniwala akong alam mo na ang gagawin."

Lumuhod sa lupa si Huo An at matatag na sumagot, "Naiintindihan ng tauhan na ito. Hindi ko bibiguin ang mga inaasahan mo."

Nang ang ilang pwersa ay nagsikilos, nanatiling nakatayo si Yan Xun sa orihinal niyang kinatatayuan at marahang tumawag, "AhJing."

Agad na humakbang si AhJing, at may antisipasyon na nagtanong, "Nandito ang tauhan na ito. Ibigay niyo ho ang inyong utos."

"Tumungo ka sa imperyo ng Song at repasuhin ang susunod na paghatid ng pagkain para sa ating hukbo na inaasahan sa susunod na tagsibol."

Natigalgal si AhJing at hindi makapaniwalang nagtanong, "Ngayon?"

"Oo." Tumalikod si Yan Xun, at sa matalas niyang tingin, marahan siyang sumagot, "Ngayon."

Sa sunod-sunod na alon ng hangin na lumalagpas, tumayo si Yan Xun sa malamig na hangin suot ang itim niyang roba, lubos na hindi nadala ng buong insidente. Sa araw na natatakpan ng madilim na ulap, ang kapaligiran ay malungkot na kadiliman. Tila ba may inaasahang malaking labanan kahit ang kalangitan.

Inaasahan ang malaking bagyo ng nyebe, kakaayos lang ni Chu Qiao sa mga sundalo niya para sa gabi nang narinig niya ang nagmamadaling tunog ng mga kabayo na nagmumula sa hilaga. Pumunta si He Xiao para salubungin ang lalaking iyon, at hindi nagtagal, ay may dinalang batang heneral. Lubos na nababalot ng puti at dugo ang lalaki, at ang buhok nito ay magulo. Nang makita si Chu Qiao, mukha siyang masaya, para bang nakita niya ang matagal nang nawawalang kamag-anak. Yumukod siya sa lupa habang malakas na umiiyak, "Master Chu! Nakita na kita sa wakas! Pakiusap, madali, dalhin mo ang pwersa mo para tulungan ang Kamahalan bago pa mahuli ang lahat!"

May kalantong na nabagsak ni Chu Qiao ang espada ng Canhong sa lupa. Ang kanyang mata ay nanlalaki, humakbang siya at nagtanong, "anong sinabi mo? Ulitin mo ang sarili mo!"

"Sikretong dinala ng asong Zhuge ang mga tauhan niya sa teritoryo ng Yan Bei, at sinunog ang buong tambak ng pagkain sa syudad ng Yuegong. Malapit lang ang Kamahalan, at hindi alam ang sitwasyon, 200,000 tauhan lang ang dinala niya para tumulong sa sitwasyon. Ngunit ngayon ay nabitag siya ni Zhuge Yue, at sobrang nasugatan na hindi na siya makasakay ng kabayo. Sa ngayon, 50,000 malakas na hukbo ng Xia ang pumalibot sa Kamahalan sa syudad. Nagdala ang tauhan na ito ng 300 tauhan para iulat ang sitwasyon. Sa proseso, lahat sila ay namatay bukod sa akin."

Sumimangot si Chu Qiao at nagtanong, "Paanong biglang lumitaw ang 50,000 sundalo ng Xia sa gitna ng Yan Bei? Ipaliwanag mo ang sarili mo!"

Ang mabagsik na mukha ng lalaki ay naging pagngiwi habang iniiyak niya, "Hindi rin alam ng tauhan na ito! Mukhang bumagsak sila mula sa kalangitan! Napakagaling ng Zhuge Yue na iyon sa espada, at hiniwa ang dibdib ng Kamahalan sa isang wasiwas lang. Kung hindi dahil sa desperadong depensa ni AhJing, namatay na ang Kamahalan. Isang heneral na nagngangalang Yue Qi ang inatake ng tatlong beses ang tarangkahan ng syudad. Lahat ng sundalo ay namatay..." nagsimulang maluha si Sun Cai habang inilalarawan niya ang madugong pangyayari. Kinuha ang espada na nasa kanyang bewang, ipinakita niya ito kay Chu Qiao. "Tama, ito ang espada ni Zhuge Yue. Hiniwa niya ang Kamahalan gamit ang sandatang ito. Nakabaon sa balikat ng Kamahalan, hindi ito nagawang mahila ni Zhuge Yue."

Agad natigalgal si Chu Qiao. Kinuha ang espada, mabilis niyang nakilala ito. Mahigpit itong hinawakan, ginawa niya ang lahat para kontrolin ang nanginginig niyang kagustuhan. Ang kanyang tingin ay malamig, para bang puno ng nyebe ang mata niya.

Zhuge Yue, paano niya nagawa ito? Sinabi niya na hindi siya pumunta dito ngayon para sa digmaan. Kung ganoon nga, bakit niya sinunog ang tambak ng pagkain sa Yuegong at patayin si Yan Xun? Ngunit ano eksakto ito? Kaninong dugo ang nasa Sword ng Moon Shatterer?

"Master! Madali! Kapag hindi ka nagmadali, baka huli na ang lahat!" mababang yumukod si Sun Cai at nagmakaawa.

Huminga ng malalim, pakiramdam ni Chu Qiao ay nagyelo ang lahat ng dugo niya. Kapag may nangyari kay Yan Xun, magiging kasalanan ba niya? Mabilis na sumakay sa kabayo niya, sinabihan niya ang tauhan, "Aalis na! Tutungo tayo sa Yuegong!"