Natigilan ang lalaki at lumuhod sa lupa. "Hindi ako mangangahas."
"Kung ganoon ay sa tingin mo na nakikipagsabwatan ako sa kaaway para traydurin ang bansa ko? O may problema ang utak ko?"
Tumulo ang pawis sa noo ng opisyal. Kinakabahan niyang sinabi, "Isa akong tanga. Hindi ako mangangahas."
Tumingala ang lalaki na hindi man lang siya tinitingnan. "Dahil hindi ka mangangahas, alam mo na ang gagawin mo."
"Opo, opo, alam ko," tumayo ang lalaki at inutusan ang mga sundalo niya, "Atras, atras! Ang mga sundalo sa likod, mauna kayong umatras. Iyong iba, maayos kayong sumunod."
Tumalikod ang lalaking nakalila. Bago siya umalis, nagkatinginan sila ni Chu Qiao. Nakasuot ng puti ang dalaga at mukhang mahina. Ang kanyang mata ay malaki. Hinawakan niya ang renda ng kanyang kabayo at nanatiling tahimik. Umihip ang hangin lagpas sa kanyang buhok at gumawa ng perpektong radian na disenyo, tulad ng patak ng tinta na bumagsak sa tubig.
Ang pwersa ng kalaban, binubuo ng higit 3,000 tauhan, ay umatras sa harap nila, pinalaya ang grupo ng 1,000 "takas". Ang laban ay nakakagulat na nagsimula at nakakagulat na nagtapos. Sa wakas ay may nagtanong na, "Aalis lang sila ng ganoon?" Lahat ay humahangang napatingin. Matapos ang mahabang sandali, may sumagot, "Hindi mo ba nakita na nandito na ang Heneral? Natakot sila sa kanya."
"He Xiao, isaayos mo muna ang hukbo. Babalik ako." Nang naghahanda na si Chu Qiao na habulin ang kaaway, nagulat si He Xiao at hinila pabalik ang renda ng kabayo ni Chu Qiao. Malakas siyang nagbulalas, "Heneral, pakiusap huwag! Kapag bumagsak ka sa kamay ng kaaway, hindi namin mababayaran ang kasalanan namin, kahit na ikamatay pa namin."
"Huwag ka mag-alala," ngumiti si Chu Qiao. "Walang mangyayari. Ang taong iyon…" biglang natigil ang salita niya. Anong salita ang gagamitin niya para ilarawan ang relasyon sa pagitan nilang dalawa? Magkalaban? Magkaaway? O…"ay kaibigan ko.".
Kahit na hindi ito nasaksihan mismo ni Chu Qiao, maaari niyang mahulaan ang pagkakakilanlan ng kaaway. Wala na, bukod kay Yan Xun, ang kayang pantayan ang pwersang binibigay ng kanyang palaso. Kulang kalahating oras na tumakbo ang kabayo niya bago siya nakakita ng dalawang tao na nakatayo sa ilalim ng higanteng puno. Isa sa dalawa ang lumapit sa kanya at tumawa at sinabi, "Nandito na si Binibining Xing'er. Sabi ng Young Master na pupunta ka dito. Nag-aalala lang ako kanina tungkol dito."
Mapanglaw ang liwanag ng buwan. Ang higanteng puno ay parang malaking payong, mataas na nakatayo laban sa manyebeng kapatagan. Kahit nalanta na ang mga sanga at dahon nito, nanatili pa rin itong nakatindig. Nakatayo si Zhuge Yue sa ilalim ng puno at tumingin sa kanya na walang sinasabi. Kaswal na naglalakad paikot sa lalaki ang puting kabayo at masayang humalinghing nang makita si Chu Qiao, tila ba nakakita ng pamilyar sa kanya.
Nag-usal si Yue Qi habang iginigiya niya ang renda ng kabayo ng babae. Tumalon pababa ng kabayo si Chu Qiao at ngumiti kay Yue Qi habang sinasabi, "Hindi ko inaasahan na makikita kayo dito. Mabuti ka naman ba?"
"Binibini, sino ang tinatanong mo? Tinatanong mo ba kung ayos lang ako? Oo, ayos lang ako. Nakakakain at nakakatulog ako. Hindi pa matagal nang pinakasalan ko ang asawa ko," ngumiti si Yue Qi at sumagot.
Medyo namimighati si Chu Qiao pero nakatawa pa rin siya. "Kung ganoon ay binabati kita."
"Yue Qi, pumunta ka sa harapan at sabihin kay Yu Cao na magmabagal, upang hindi siya bumagsak sa siwang."
Tumalikod si Yue Qi at sumagot sa lalaking nakatayo sa ilalim ng puno, "Young Master, isang komander sa hilagang-kanluran si Yu Cao. Imbis na mag-alala sa kanya, dapat mas mag-alala ka kung babagsak ako sa siwang habang papunta ako para ihatid ang mensahe sa kanya."
Nagtaas ng kilay si Zhuge Yue nang marinig ang sinabi nito habang kumislap ang galit sa kanyang mga mata.
Agad na itinaas ni Yue Qi ang mga kamay niya at sumagot, "Sige, aalis na ako ngayon. Iisipin ko nalang na kilos mo ito ng pag-aalala para sa mga tauhan mo." Matapos ang kanyang sinabi, sumakay siya sa kabayo niya at tumakbo sa malayo na may pilantik ng kanyang renda.
Kulang dalawang buwan lang ang lumipas ngunit pakiramdam ni Chu Qiao ay walang hanggan na. Maraming bagay ang nangyari sa loob ng panahong ito. Matapos mag-umpisa ng digmaan sa Xia, maraming nangyaring problema, lalo na sa pagitan nila ni Yan Xun. Nagkatotoo ang sinabi ni Zhuge Yue, bawat pangungusap. Madaming pagsisikap ang ginawa niya para maglakad tungo sa kanya habang hindi mabilang na emosyon ang nagsimulang umapaw mula sa loob niya. Sa oras na iyon, hindi niya naintindihan ang lahat ng iyon. Lubos na asiwa ang kanilang relasyon, dahilan para hindi siya makahanap ng mapag-uusapan. Nakatayo lang siya doon, tuliro, tulad ng lantang puno sa malawak na kapatagan.
"May namuo bang problema sa panig mo?" Binuka ni Zhuge Yue ang kanyang bibig at nagtanong, tila nagtatanong ng pinaka sikretong impormasyon.
Nanigas si Chu Qiao at tumingin sa lalaki, nalilito. Anong sinasabi niya? Sinusubukan ba niyang magsiyasat sa impormasyon ng hukbo ng Yan Bei?
"Tinuro kami ng mga tauhan niyo dito," marahang pahayag ni Zhuge Yue. "Sa tingin ko ay mayroong gusto na gamitin ako para lipulin ang hukbo na ito. Hindi ko inaasahan na mga tauhan mo iyon."
Sa kabila ng paghula ng intensyon sa likod ng pangyayaring ito, nakaramdam ng galit si Chu Qiao nang marinig ang mga sinabi ng lalaki. Kinagat niya ang ibabang labi at mahigpit na kinuyom ang kamao, tumingin sa lupa at nanatiling tahimik.
"Mag-ingat ka. Ako ang nakatagpo mo ngayon. Baka si Zhao Che na sa susunod," bulalas ni Zhuge Yue habang naghanda na siyang umalis sakay ng kabayo niya.
Nagulat si Chu Qiao. Dalawang beses siyang humakbang pasulong at tumawag, "Zhuge Yue!"
Tumalikod si Zhuge Yue at tumingin sa babae habang napakunot ng noo at napalihis ang ulo. Matagal na nag-isip si Chu Qiao bago nagtanong, "Masasangkot ka ba dito?"
Sumagot si Zhuge Yue, "Basta hindi ka sumulat sa Elder Clan, walang mangyayari."
Huminga ng malalim si Chu Qiao habang ang kanyang mata ay kuminang. Tumingin siya sa lalaki bago sinabi sa mababang boses, "Salamat."
Naghanda na umalis si Zhuge Yue sakay ng kabayo niya. Kaswal niyang ikinaway ang kamay at nagpahayag, "Kung hindi mo kayang sumugod, sabihin mo kay Yan Xun pagkabalik mo. Ang salungatan sa loob ay mas papahirapin ang labanan na ito sa panig niyo."
Sinalamin ng manybeng lupa ang liwanag ng buwan, dahilan para magmukhang maliwanag ang kapaligiran. Nakasuot ng lilang roba si Zhuge Yue at mukhang makisig. Mas humaba ang anino niya habang papalayo siya kay Chu Qiao sakay ng kabayo niya.
Nanatiling nakatayo si Chu Qiao sa kinatatayuan niya habang ang anino ng lalaki ay naglalaho sa kalayuan, bago sa wakas ay tuluyan nang naglaho sa manyebeng dalisdis. Parang may nakabara sa lalamunan niya. Hindi mabilang na mga salita ang nabara sa kanyang lalamunan habang hindi niya ito masabi. Ang bugso ng komplikadong mga emosyon ay halos naging dahilan para mawala ang rasyonalidad niya. Matagal siyang tumayo doon at hindi gumalaw, hanggang si He Xiao, na nag-aalala sa kanya, ay humabol sa kanya kasama ang mga tauhan niya. Saka lang siya nawala sa pagkatulala.
"Heneral, bumalik na tayo."
Tumango si Chu Qiao at sumagot, "Bumalik kayo at sabihin sa mga iba na huwag babanggitin ang kahit ano tungkol sa gabi na ito sa ibang tao."
Tumango si He Xiao at sumagot, "Masusunod, Heneral. Huwag ka mag-alala." Habang napapaisip siya, nagtanong siya, "Kakalimutan lang ba natin ang tungkol dito?"
Naging malamig ang hitsura ng mukha ni Chu Qiao. Pumiksi siya at sinabi sa mababang tinig, "Syempre hindi." Maayos siyang sumakay sa kabayo niya. Malakas na humalinghing ang kabayo, binasag ang kapayapaan ng tahimik na gabi. Nagpatuloy sa pagngalit ang hangin, kinakalat ang mga nyebe, ginagawang mas mapanglaw ang kapaligiran. Tumalikod si Chu Qiao at tumingin sa malawak na kapatagan sa likod niya. Isa itong piraso ng puti, tulad ng malawak na walang hanggang karagatan. Tahimik na tumayo doon ang malaking puno; hindi niya alam kung gaano katagal na itong namumuhay mag-isa, o ilang katao na ang nilagpasan ito. Ang tingin ng mga mata niya ay tila binabagtas ang oras.
"Balik sa kampo!"
Humuhugong ang hangin; ang mga nyebe ay kumakalat. Ang madilim na kadiliman ay kahalintulad ng makapal na patong ng tinta. Ang mga sundalo ng Southwest Emissary Garrison ay nakatayo sa harap ng gate ng kampo, nag-uulat sa mga gwardya nito. Matapos ang mahabang sandali, nagbukas ang gate; ang mga puwang nito ay mukhang kasing bangis tulad ng mabagsik na bibig ng uhaw sa dugong hayop. Sakay ng kabayo niya si He Xiao sa tabi ni Chu Qiao na nakasabit sa bewang niya ang kanyang espada, nagbibigay ng maputlang berdeng repleksyon na kapansin-pansin sa ilalim ng sinag ng buwan.
"Heneral, iuulat ba natin ito sa Kamahalan ngayon?" Tanong ni He Xiao sa mababang boses.
Umiling si Chu Qiao. Umihip ang hangin sa nakawalang hibla ng buhok sa harap ng kanyang noo, tulad ng dampi ng tutubi. Marahan siyang napasimangot at malalim na tumingin sa maliwanag na naiilawang kampo. Matatag siyang bumulong, "Hindi na kailangan. Ang pagpapagulo ng mga bagay-bagay ay magdadala sa maraming kahihinatnan. Maaari muna natin gawin ang plano."
Nagdadalawang-isip si He Xiao. Napasimangot siya at nagtanong, "Kapag ginawa natin ito, hindi ba magagalit ang Kamahalan?"
"Hindi ko alam," simpleng sagot ni Chu Qiao. "Gawin na muna natin ito." Nang matapos niya ang kanyang sasabihin, sumulong siya sakay ng kabayo niya. Ang mga sundalong nagbabantay ay sabay-sabay na sumaludo sa kanya. Gayumpaman, hindi niya napansin ang mga ito, at tumungo sa gitnang kampo na may higit 1,000 sundalo mula sa Southwest Emissary Garrison na nakatakas sa kamatayan. Ang kanyang pangkat ay parang buhawi, wumawalis sa lupa ng kampo. Ang tunog ng yabag ng kabayo ay parang mga kulog habang ikinakalat ulit nila ang mga nyebe.
Maraming sundalo ang nagising mula sa kanilang pagkakatulog. Iniisip na inatake na ng kalaban ang kanilang kampo, mabilis silang nagbihis at tumakbo palabas ng kanilang tolda dala ang kanilang mga sandata. Nang makalabas sila, tinamaan sila ng mga nyebeng kumalat. Nang makita ang mga sundalo ng Southwest Emissary Garrison na papalapit sa silangang kampo sa nakakaintimidang ayos, nagulat sila. Mayroong 40-taon-gulang na sundalong hindi maayos ang kasuotan; ang kanyang sinturon ay kalahati lang ang pagkakatali. Kumibot ang kulubot niyang mukha habang napasimangit siya, pinapahayag, "Bakit napakabangis ng mga ito? May mangyayari. Dapat natin sabihan kaagad ang Kamahalan."
"Sugod!" Sigaw ni Chu Qiao. Higit 20 kawit ang itinapon habang itinali nila ang sarili sa tolda. Pinalo ng mga sundalo ang kanilang kabayo, dahilan para mahaba silang humalinghing bago tumakbo sa lahat ng direksyon. Sa susunod na segundo, nagkapunit-punit ang tolda. Hindi nakabihis si Cheng Yuan, ngunit diretso ang tindig sa gitna ng tolda, hawak ang kanyang espada. Nang makita si Chu Qiao, galit siyang sumigaw, "Heneral Chu? Anong ibig sabihin nito?"
"Heneral Cheng, pinalsipika mo ang utos ng militar at nakipagtulungan sa kaaway para patayin ang sarili nating tauhan. Napaka sama!" Nagalit si He Xiao, ang kanyang kamay ay kumakalantong sa kanyang espada.
Sumimangot si Cheng Yuan at nagkunwaring walang alam, sinabi na, "Anong sinasabi mo? Hindi ko maintindihan."
Nais magsalita ni He Xiao ngunit pinigilan siya ni Chu Qiao. "Huwag ka nang magpaligoy-ligoy pa sa kanya." Saad niya.
"Heneral Chu, sa tingin ko ay hindi pagkakaunawaan ito. Pwede tayong mag-usap…" bago pa man niya matapos ang kanyang sasabihin, inilabas ni Chu Qiao ang kanyang sandata na nakasukbit sa kanyang bewang at sumigaw, "Patayin siya!"
Nagsisugod ang mga sundalo ng Southwest Emissary Garrison. Hinarangan si Cheng Yuan ng mga sarili niyang gwardya. Tumayo sila sa lamig, ang kanilang mukha at labi ay maputla, dahil naisuot na nila ang kanilang baluti. Inangat nila ang kanilang espada, ngunit nasaksak lang ang kabayo. Bago pa man tumilamsik ang dugo, napugot na ang kanilang ulo. Sigaw ng paghingi ng tulong ang bumasag sa katahimikan ng kampo. Sumigaw si Cheng Yuan, "Kailangan ko ng tulong! Dagdag na gwardya! Nagrebelde ulit ang Southwest Emissary Garrison!"
Ang pinakamalapit na pangkat ay mabilis na lumalapit. Ang kanilang yabag ay tila tubig baha na pumupukpok sa puso ng lahat.
Ang pinuno ng Ikatlong pangkat ng Pangalawang Hukbo, si Jiang Chong, ay lumapit kasama ang mga tauhan niya. Nang tumakbo siya sa lugar ng labanan, nakita niya si Chu Qiao na nakatayo sa gitna ng kaguluhan. Sumigaw ito, "Mandirigma ng Pangalawang Hukbo, nais niyo ba akong salungatin?"
Nagulat si Jiang Chong. Paanong hindi nya makikilala kung sino si Chu Qiao? Matapos ang labanan sa Beishuo, naging pangalan sa sambahayan si Chu Qiao. At saka, mayroon siyang habang-buhay na karangalan na lumaban sa tabi nito sa labanan. Sa isang iglap, nakikita itong nakatayo sa harap ng Southwest Emissary Garrison, natigilan siya. Isinaayos niya ang kanyang pangkat bago sumigaw, "Heneral Chu, anong nangyayari?"
"Kinakaharap ko ang mga traydor. Huwag ka magmadali ngayon. Oras na matapos ito, sasagutin ko ang lahat."
Sa isang gilid nakatayo ang Southwest Emissary Garrison, na nabansagang mga taksil. Sa kabilang banda ay nakatayo si Cheng Yuan, na tumakbo bago ang labanan sa Beishuo. Ang pareho ay mga sensitibong isyu sa loob ng hukbo. Saglit na nag-isip si Jiang Chong bago nag-utos, "Harangan ang lugar. Kung may magtangkang tumakas o ikalat ang balita, papatayin siya kaagad!"