Nang makitang hindi na magtatangkang makialam si Jiang Chong, nakadama ng kaginhawaan si Chu Qiao habang inangat niya ang kanyang sandata at sinabi kay He Xiao, "Halika na. Kung hindi natin maaayos ito sa ilang minuto, hindi na tayo magkakaroon ng magandang oportyunidad sa hinaharap." Pagkasabi noon, ang huli sa Southwest Emissary Garrison ay nakipaglaban na. Sa isang segundong iyon, sigaw ng labanan at ang dagundong ng yabag ng kabayo ang narinig. Ang mga gwardya ni Heneral Cheng ay napaiyak sa kawalan ng pag-asa, ngunit wala silang mapagtataguan. Gamit ang kanyang sandata, pinrotektahan ni Jiang Teng si Heneral Cheng, at malakas na sinabi, "Protektahan ang Heneral! Ipagtanggol siya!" matapos niya ang kanyang sasabihin, isang palaso ang tumagos sa hangin at bumaon sa kanyang dibdib.
Ang nasa ilang-daang mga gwardya ay mabilis na sunod-sunod na nagsibagsakan, at ang kanilang katawan ay nayurakan sa madugong gulo ng mga kabayo. Sa kaguluhan, ang tunog ng pagsalpukan ng mga sandata ay maririnig kahit saan. Ang mga tauhan ng Southwest Emissary Garrison ay lubos nang napalibutan si Cheng Yuan at ang mga natitirang gwardya nito. May ilang alon ng palaso na itinitira tungo kay Cheng Yuan at sa mga gwardya nito, bumagsak ang mga ito.
Kahit anong sigaw pa niya, walang pinatunguhan iyon. Si Cheng Yuan, may mapulang mata, ay pakiramdam niya ay mababaliw na siya. Sa kanyang plano, dapat ay wala na ngayon ang Southwest Emissary Garrison, at kahit gaano pa magalit si Chu Qiao, isa nalang siyang hayop na tinanggalan ng pangil, at wala nang magagawa sa kanya at sa daan niyang mga gwardya. Gayumpaman, hindi niya inaasahan na hindi lang hindi namatay ang Southwest Emissary Garrison, nangahas din silang direktang atakihin ang pinaka toldang ito. Lubos talaga ang kabaliwan ng babaeng ito lagpas pa sa inaakala niya. Mamamatay ba talaga siya ngayon dito?
"Utos mula sa Kamahalan! Ang lahat ay tumigil kaagad! Ang sino mang magpapatuloy na makipaglaban ay mapaparusahan ng batas militar!" sa mensaherong sumisigaw sa labas ng pagpalibot, agad nilamon ng kaginhawaan si Cheng Yuan. Gayumpaman, nagkunwaring hindi narinig ni Chu Qiao ang sundalo habang isinaksak niya ulit ang kanyang sandata sa isa pang sundalo para ipakita ang determinasyon niyang puksain si Cheng Yuan.
Ang nababalot ng nyebeng kampo ay naging malaking gilingan ng karne, habang ang mga bangkay ay naging isang tumpok ng madugong organismo. Sa tunog ng labanan na umaalingawngaw sa kalangitan, tila ba ang mga araw ng pagpipigil at galit ay sumabog na, habang ang Southwest Emissary Garrison ay madaling nalinis ang lahat ng nakaharang.
"Utos mula sa Kamahalan! Ang lahat ay magsitigil!"
Nagpatuloy na sumigaw ang mensahero. May sipang itinulak ni Chu Qiao si Cheng Yuan sa lupa. May pulang dugo na dumadaloy mula sa kanyang espada at tumutulo sa lupa, maraming mukha ang mabilis na dumaan sa kanyang isip—ang gwapong mukha ni Xue Zhiyuan, ang batang mga mukha ng mga sundalong nagsakripisyo para iligtas siya, ang mukha ng maraming sundalo na namatay dahil iniwanan ng Beishuo Garrison ang syudad, at ang mukha na tumingin sa kanya, na puno ng pagdududa...
Inangat ang kanyang sandata, hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Walang sinasabing kahit ano, kumislap ang pagkauhaw sa dugo sa kanyang mga mata habang iniunday niya pababa ang kanyang espada tungo sa lalaki!
Nanlaki sa takot ang mga mata ni Cheng Yuan, ngunit ni hindi siya makasigaw. Sa harap ng ganoong espada, hindi siya makatakas. Sa unang banda, tinamaan siya ng ilang palaso at tuluyan nang nawalan ng abilidad na lumaban.
Nang tutusok na dapat sa lalamunan niya ang espada, isang palaso ang tumagos sa hangin. Ang bilis ng palaso ay napakabilis, na tila ba gagawa ito ng kislap sa ere. Isang malakas na pagsalpok ang umalingawngaw habang nagmanhid ang kamay ni Chu Qiao sa pagtama. Hindi tumama sa marka nito ang patalim at tumusok sa nyebe, bahagyang sinugatan ang balat ni Cheng Yuan, nag-iwan ng bakas ng pula.
"Kamahalan! Iligtas niyo ako!"
Sa kanyang galit, tila ba magbubuga ng apoy ang mata ni Chu Qiao. Hinila ang espada, iniunday niya ulit ito, ngunit bago niya pa ito maibaba, panibagong palaso ang dumating. Ngayong pagkakataon, hindi ito patungo sa kanyang sandata, bagkus ay kay He Xiao, na nakatayo sa likod niya. Sinangga ito ni He Xiao gamit ang kanyang sandata, ngunit halos matumba sa malakas ng pwersa ng palasong iyon. Napaatras, bago pa man niya maihanda ang kanyang sarili, may panibagong palaso na diretsong patungo sa kanyang mukha!
Iwinasiwas ni Chu Qiao ang kanyang espada upang sanggahin ang palaso para dito. Nang makita kung paanong ang palaso ay natira na may ganoong sigla, bilis, at lakas, ginamit niya ang lahat ng lakas niya para sanggahin ang palaso. Sa pagkakataong iyon, tila ba bumalik siya sa maraming taon ang nakakaraan sa isang palasyo, kung saan may dalawang bata. Ang isa ay tumitira ng palaso at ang isa ay sumasangga. Noon, ang mga palasong gamit nila ay walang talas, hindi katulad ngayon, kung saan ang kislap ng dulo ng palaso ay kuminang na may nakamamatay na kinang.
Nang napigilan na niya ang palaso, nakatakas na si Cheng Yuan. Nakasuot ng itim na kasuotan, mataas na nakaupo si Yan Xun sa kanyang kabayo. Ang isang kamay ay hawak ang gintong pana niya, ang isang kamay ay nakakuha na ng panibagong palaso. Sa likod nito ay ang mga gwardya mula sa Black Eagle Army. Malamig na nakatayo sa likod nito, walang emosyon silang pinanood ang kaguluhan na ito sa labanan.
Umihip ang hangin sa pagitan nila. Sunod-sunod na inangat ang mga nyebe, maririnig nila itong sumisipol.
"AhChu, anong ginagawa mo?" lubhang kalmado ng boses ni Yan Xun. Napaka kalmado na walang maka-arok ng iniisip niya. Lubos na malamig ang kanyang ekspresyon, para bang hindi siya nakikipag-usap sa kababata niya na sinamahan siya sa napakahirap na walong taon ng buhay niya, bagkus ay sa isang estranghero. Isang patak ng dugo ang tumulo pababa ng mukha ni Chu Qiao, tungo sa kanyang leeg. Inangat ang kanyang tingin, nakita niya si Cheng Yuan na magalang na nakatayo sa tabi ni Yan Xun, malakas na ibinibigay ang sisi sa kanya at binabaluktot ang katotohanan. Gayumpaman, walang sinabi na kahit ano si Yan Xun. Nang makita ang ganoong tanawin, pakiramdam lang ni Chu Qiao ay nabalot ng makapal na nyebe ang puso niya. Napaka kaunting gumalaw ng kanyang labi ngunit hindi siya makapagsalita.
Lagi niyang inaakala na hindi sila magkakaroon ng hindi pagkakaintindihan, at hindi kakailanganing magpaliwanag sa isa't-isa. Ngunit, bigla niyang napagtanto, na kapag hindi siya agad nagpaliwanag, magiging siya talaga ang parte na nagtangkang gumawa ng alitan sa loob ng Yan Bei. Ang panunuyang iyon.
Lumapit, pinaliwanag ni He Xiao ang buong insidente. Syempre, tinago niya ang katotohanan na sinadya silang pakawalan ng hukbo ng Xia, at bagkus ay sinabi na nakakita sila ng mali at nakalagpas.
Hindi nagsasalita, nakinig lang si Yan Xun kay He Xiao at Cheng Yuan na sumisigaw sa isa't-isa, na ang mga sundalo ng Southwest Emissary Garrison ay galit na sumisigaw. Ang mga sundalo sa paligid ay nagtipon, at ang panggabing hangin ay mas lumakas. Nanatiling nakatayo so Chu Qiao sa lupa habang ang kanyang mga paa ay nagmanhid na sa lamig. Tila naging bingi na siya sa mga ingay sa paligid niya, at ang kanyang paningin ay napuno ng mata ni Yan Xun. Napakaitim nito, napakalinaw, ngunit, bakit nababalot ng patong ng yelo ang mga mata nito?
"AhChu," bulyaw ni Yan Xun. Hindi ganoon kalakas ang boses niya, ngunit ang ingay sa paligid niya ay agad na nawala. Tumitig siya kay Chu Qiao at kalmadong nagtanong, "Totoo ba?"
Tahimik na tumingin pabalik si Chu Qiao sa kanya. Ang kanyang tingin ay tumagos sa mga taon, dahil siya ay nahipnotismo ng nakaraan nila. Tila ba naglaho ang lahat at mga mata lang nila ang mayroon. Mula sa unang tingin sa isa't-isa sa lugar ng pangangaso sa imperyo ng Xia, ang magulong panahon na ito ay kinonekta silang dalawa na dapat at walang koneksyon. Maraming beses na napaisip si Chu Qiao, dumating siya dito matapos tawirin ang libong mga taon, tumagos sa hindi maisip na distansya ng habi ng oras at panahon, para sa kanya? Dahil doon, kahit gaano ito kalupit, gaano kahirap, nanatili siya sa tabi nito, madapa-dapa, bumabagsak, at tumatayo kasama siya. Sa kamay ng kapalaran, hindi nila aabandunahin ang isa't-isa at lubos na magtitiwala sa bawat isa.
Malalim na tumatango, ang kanyang mata ay kalmado pa rin, ngunit ay kanyang puso ay uminit na. Tulad ng sugarol na inilagay ang lahat ng pusta niya sa isang taya, sinabi niya, "Oo, totoo."
Natahimik ang kapaligiran, habang naningkit ang mata ni Yan Xun. Gumalaw ang labi nito at may sinabi, ngunit tila walang narinig si Chu Qiao. Napakalakas ng tunog na iyon at umalingawngaw sa kanyang tainga. Malakas at malinaw niya itong narinig, ngunit ang pangungusap na iyon ay naging walang kwentang mga tunog, na hindi niya malaman kung ano.
Nagtanong si Yan Xun, "Kung ganoon nga, bakit kakaunti lang ang natamong kawalan ng Southwest Emissary Garrison? Ukol sayo, may higit 3,000 sundalo ang kaaway, at kung natanggap nila ang impormasyon ni Heneral Cheng at nakumpleto ang kanilang paghahanda, paanong kakaunti lang ang nawala sa inyo?"
"Kamahalan, pakiramdam ng tauhan na ito na isang hindi pagkakaintindihan ito. nagalit ko si Master Chu sa Beishuo. Matapos maloko ng masasamang mga tao, aksidente kong napatay ang ilan sa tauhan ni Master Chu. Isang mabuting kaibigan ni Master Chu si Heneral Xue, ngunit ang kamatayan niya ay kasama sa responsibilidad ng tauhang ito. Ang katotohanan na may kinikilingan si Master Chu laban sa akin ay natural lamang."
Ang mga batang heneral na kakataas lang ng ranggo ay nagsimula din sabihin ang pagdududa nila. Bakit mabilis na natapos ng Southwest Emissary Garrison ang kanilang laban? Kung 3,000 ang bilang ng mga kalaban, kahit na walang kakayahan ang kanilang kumander, hindi ito malulugod kung hindi makompleto ng pagpalibot at hayaan siyang madaling makatakas?
Mas lumakas ang ingay, tila ba nakaipon ng mga langaw ang kanyang tainga. Imposibleng makapagpaliwanag si Chu Qiao. Masasabi ba talaga niya na pinakawalan siya ni Zhuge Yue? Sa maraming taong nasa paligid, kapag kumalat ito, mapaparusahan ba si Zhuge Yue ng imperyo ng Xia? Idagdag pa, nawala na ang kagustuhan niyang magpaliwanag. Nakatingin kay Yan Xun, nagyelo ang kanyang tingin. Para bang naglalahong hamog, ngumisi siya sa pag-uyam sa sarili, "Hindi mo ako pinaniniwalaan?"
"Bigyan mo ako ng makatwirang paliwanag." Saad ni Yan Xun.
Makatwirang paliwanag? Ang mga utos mula kay Cheng Yuan, at ang katotohanan na ang Southwest Emissary Garrison ay nawalan ng walong tauhan at higit 20 nasugatan, hindi ba sapat na ebidensya ito? Kailangan bang malipol muna ang buong pwersa para maging lohikal ang insidente? Malakas na tumawa si Chu Qiao. Ang masidhing pagkabigo at sakit ay maihahalintulad sa mga patalim na may hindi mapapantayang talas, na humihiwa sa kanyang puso. Kagat ang labi, tila magsisimulang magdugo ang kanyang puso. Pumakli siya, "Yan Xun, matapos mo akong makilala ng maraming taon, may nagawa ba ako na makasasama sayo?"
Sumimangot si Yan Xun pero hindi sya sumagot.
Nagpatuloy sa pagtawa si Chu Qiao habang ang malamig na hangin ay patuloy na umiihip sa kanyang mukha. Ang kanyang labi ay manhid na, at ang kanyang mata ay parang lawa na nagsisimula nang magyelo, unti-unting nalalanta tulad ng bulaklak sa taglagas. Tumingin sa lahat, ang kanyang mata ay parang hangin na humahaplos sa kanila. Isang buto ng suspisyon at pagdududa ang naitanim na, at ang lahat ay magbabago na. Hari na ng Yan Bei si Yan Xun, at hindi na ang walang kapangyarihang prinsipe. Marami nang tao na tatayo sa tabi nito, at hindi na siya ang nag-iisa lang para dito.
"Nangangako ako sa lupa at kalangitan na totoo ang aking sinabi. Kung hindi ka naniniwala sa akin, pwede mo akong patayin bilang traydor!" nang masabi iyon, tumigil siya sa pagtingin sa lahat at kinaladkad nalang ang kanyang katawan. Madapa-dapa, halos bumagsak na siya. Sinubukan ni He Xiao at ng iba na suportahan siya ngunit itinulak lang. Ang mapayat na katawan ng dalaga ay tila napakahina, at ang hindi natural niyang maputlang kutis at tila tumatagos ang paningin na makikita na ang kanyang mga ugat sa ilalim ng kanyang balat. Sa mga uwak na lumilipad sa ulunan nila, pumapalahaw, tila ang lahat ay naiwanan niya. Tahimik na naglalakad, tila ba pinipilit niya itong magdesisyon. Sisigaw ba ito para tumigil siya? O papatayin siya nito? O lalapit ba ito, yayakapin siya, at sasabihin sa kanya na nagkamali siya at paano siya nito pagdududahan?
Gayumpaman, wala siyang ginawang kahit ano. Tumayo lang siya doon, pinalilibutan ng libong tapat niyang tauhan. Ang ilaw ng mga siga ay inilawan ang kanyang mukha, napakaliwanag, sobrang tumatagos. Walang emosyon ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. Hindi ito lumapit sa kanya pero hindi na nagsalita. Wala rin siyang pinatay. Lumipas ang oras sa pagitan nilang dalawa habang nagsimula nang bumagsak ang nyebe. Mas lumawak pa ang distansya nila, para bang may lumitaw na mga bundok at karagatan sa pagitan nila dito sa maliit na kampo. Sa isang kisapmata, tila ba sampung taon na ang lumipas. Simula sa umpisa nang una nilang nakilala ang isa't-isa, hanggang sa oras na tumayo sila sa tabi ng isa-'t-isa at magkasamang lumaban. Ang mga salitang sinabi nila sa isa't-isa ay umaalingawngaw pa rin sa kanyang tainga, habang ang mga pangako ay malinaw pa rin sa isip niya. Gayumpaman, ang lahat ng mahahalagang salita ng pangako at tila napakababa at walang halaga na ngayon.
Yan Xun, nagkasama na tayo sa hirap at ginhawa, at sa buhay at kamatayan. Nalagpasan natin ang pinakamahirap na mga araw sa buhay natin. Nangako tayo na sabay tayong babalik sa ating bayan, at sabay na bubuuin muli ang Yan Bei. Nangako din tayo na sabay tayong maghihiganti. Nangako tayo na habang-buhay nating pagkakatiwalaan ang isa't-isa, at hindi aabandunahin ang isa't-isa magpakailanman.
Gayumpaman, hindi ganoon kasimple ang mundo tulad ng iniisip nila. Sinabi mo na ako lang ang nag-iisang tao na pagkakatiwalaan mo sa mundong ito. Ngunit hindi mo alam na matapos lahat ng napagdaanan mo ay matagal mo nang nakalimutan ang magtiwala. Kasama na doon ang sarili mo. Hindi mo kayang mapagkatiwalaan ang hindi mo kayang makontrol. Kasama na doon ang Da Tong guild, si Ginoong Wu na gusto ng nakakarami, si Lady Yu, na talentado at mahusay, at si AhJing, na matapat na nanatili sa tabi mo nitong mga taon. Kasama din doon ang Southwest Emissary Garrison na nangako ng katapatan sa akin, at syempre, ako, si Chu Qiao, na maraming naibigay sa Yan Bei, ay may hindi mabilang na relasyon sa iyo.