Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 177 - Chapter 177

Chapter 177 - Chapter 177

Nagalit si Qiu Yi at sinipa si Wen Yang sa bibig, dahilan para tumilamsik ang dugo. Nahiwa ang labini Wen Yang. Kahit na may dugo ang labi niya, nagpatuloy siyang sumigaw. Magalit si Qiu Yi, "Patayin siya! Madali!"

"Tampalasan ka! Papatayin kita!" isa sa duguang sundalo mula sa Southwest Emissary Garrison ang nanggaling mula sa mga tao at sumugod tungo kay Qiu Yi. Nagulat si Qiu Yi at tumingin kay Yan Xun, para lang makita na kalmado siya. Tinutuktok niya ang kanang kamay niya sa lamesa at nanatiling tahimik. Nang makita ni Qiu Yi na hindi tumugon si Yan Xun, nakaramdam siya ng saya at nagbulalas, "Nagrebelde ang Southwest Emissary Garrison! Patayin silang lahat!"

Ang mga gwardya, na intensyon lang umatake gamit ang lalagyan ng kanilang espada ay inilabas ang kanilang espada nang marinig ang utos. Inilagay nila ang kanilang espada sa leeg ng mga sundalo. Isa sa mga opisyales na nakatalaga sa pagsagawa ng parusa ang lumait sa plataporma hawak ang kanyang espada. Pumunta siya kay Wen Yang at naghandang ibigay ang isang nakamamatay na saksak na wala man lang pakialam.

Ang mga sundalo ng Pangalawang Hukbo na nakatayo sa labas ay nagulat, hindi inaasahan na lumala nang ganito ang sitwasyon. Nang ang espada ng Unang Hukbo ay kikitil nanaman ng buhay, isang matalas na boses ng babae ang umalingawngaw mula sa gate. "Itigil niyo yan!" tumagos ang boses sa hangin at bagyo, tungo sa puso ng kumpol ng tao. Madaling lumapit ang babae sakay ng kabayo niya, nakasuot ng puting manto. Bago siya makarating sa pinangyayarihan, tumalon siya pababa ng likod ng kabayo at nagbigay ng suntok sa mukha ng isa sa mga sundalo ng Unang Hukbo na nagtangkang harangan ang kanyang daan. Tumakbo siya tungo sa mga tao at sumigaw, "Anong ginagawa mo?"

"Heneral!"

"Ang Heneral!"

Sabay-sabay na alingawngaw ng mga sundalo ng Southwest Emissary Garrison, ang pag-asa sa kanilang mata ay nabuhay muli. Hiniwalay ni Chu Qiao ang ilang sundalo na nagkakagulo, at malalaki ang hakbang na tumungo kung saan nakatayo si He Xiao. Bago pa ito makapagsalita, inilabas niya ang kanyang pamalo at pinalo ang likod nito, sinigaw na, "Ganito ba ang pamumuno mo sa mga sundalo mo?"

Sa iglap na iyon, lahat ay nagulat. Namula ang mukha ni He Xiao; ang mga sundalo sa likod niya ay hindi nangahas na gumalaw. Kahit ang mga sundalo mula sa Unang Hukbo ay natigilan. Nagpatuloy na magalit si Chu Qiao, "Sinabi ko sa inyo na panatilihin ang integridad ng hukbo, ang pagtatalaga ng pangkat, at ang bandila, ngunit sinabi ko ba sa inyo na atakihin ang kampo ng Unang Hukbo? Ngayon, nangahas pa kayong maglaban sa harap ng Kamahalan. Anong binabalak niyong gawin? Magiging dahilan ba kayo ng pag-aalsa?" tinapos ang kanyang sasabihin, tumingin siya kay Yan Xun at sinabi, "Kamahalan, kasalanan ko ang nangyari ngayon. Lahat ng utos ay nagmula sa akin. Si He Xiao at ang iba ay sumusunod lang sa utos. May sakit ako nitong mga nakaraang araw, napabayaan ang mga responsibilidad para mapanatili silang maayos, na nagresulta sa malaking pagkakamali. Handa akong maparusahan ayon sa batas ng militar!"

Nang makita si Chu Qiao, lumamig ang mukha ni Yan Xun. Nakaupo siya sa upuan ng chief marshal sa tolda ng Gitnang Hukbo, ang kanyang mata ay nakasingkit. Tinitigan niya ito ng mabuti ngunit walang sinabi na kahit ano.

Napasimangot si Qiu Yi, humakbang pasulong at sinabi, "Kung tama ang natatandaan ko, Heneral Chu, sa tingin ko ay hindi ikaw ang direktang pinuno ng Southwest Emissary Garrison? Isa ka sa mga gumagawa ng istratehiya mula sa Military Strategy Department, hindi komandante ng unahang hanay. Bakit susundin ng Southwest Emissary Garrison ang utos mo?"

Malamig na tumalikod si Chu Qiao, sumimangot at tumingin sa mata ni Qiu Yi. "Kinakausap ko ang Kamahalan. Sino ka para sumingit?"

"Ako..."

"AhChu!" saad ni Yan Xun sa seryosong tono. "Huwag kang gumawa ng gulo dito. Bumalik ka na."

"Kamahalan, ang Southwest Emissary Garrison ay magulo sa kanilang aksyon at dapat maparusahan. Nang araw na iyon, ako ang pangkalahatang kumander na namamahala sa pagtatanggol ng syudad ng Beishuo, pinamunuan ang Pangalawang Hukbo at ang Southwest Emissary Garrison. Sa kasalukuyan, nagkamali sila, at kasalanan ko iyon. Kamahalan, pakiusap parusahan mo ako sa hindi wastong pagsaayos ko sa kanila. Dahil sa kanilang matapang na pagsisikap sa pagtatanggol ng Chidu at Beishuo, mangyaring iligtas sila mula sa mabigat na kaparusahan. Para naman sa kawalan na nadulot ng Southwest Emissary Garrison, handa akong akuin ang lahat ng responsibilidad." Tumayo si Chu Qiao sa malawak na square at gumawa ng pormal na pagsaludo. Sampung libong mga mata ang nakatutok sa kanya, ngunit wala siyang naramdaman na kahit ano. Walang pakialam, tumingin siya kay Yan Xun at sumimangot, ang kanyang ekspresyon ay seryoso.

Galit na tumugon si Qiu Yi, "Southwest Emissary Garrison? Ang nakatalaga nilang pangkat ay nakansela na tatlong araw ang nakakalipas. Paano matatanggap ng Yan Bei ang bandila ng mga traydor?"

Nang magsalita siya, ang mga sundalo ng Southwest Emissary Garrison ay nagalit. Walong taon ang nakakaraan, nagtraydor sila sa Yan Bei noong laban sa kapatagan ng Huolei, kumampi sa imperyo ng Xia at nagdulot sa tuluyang pagkatalo ni Yan Shicheng. Daan-libong mga sundalo mula sa Yan Bei ang nawalan ng buhay; ang kanilang mga dugo ay minantsahan ng pula ang tarangkahan ng syudad ng Beishuo. Ang bundok ng bangkay ay pinagkukunan pa rin ng sustansya ng mga bulaklak ng Huoyun doon, dahilan para mamukadkad sila ng matingkad na pula sa bawat taon na walang palya. Walong taon ang nakalipas, sa kabisera ng hari na Zhen Huang, ang Southwest Emissary Garrison ay nagrebelde ulit, kumampi ulit sa Yan Bei sa pagtulong sa Prinsipe ng Yan Bei, si Yan Xun, na tumakas mula sa Zhen Huang pabalik sa kanyang bayang sinilangan. Ang "Rebelyon ng Zhen Huang" ay nabuhay mula sa kanilang mga kamay. Dito, ang Southwest Emissary Garrison ay nakilala bilang taksila. Sa kabila ng lakas nila, sila ay iniwasan at tinanggihan ng lahat ng hukbo sa buong kontinente. Gayumpaman, hindi pa rin nalinis ang kanilang pangalan, sa kabila ng pagbayad ng malaking presyo para ipagtanggol ang Yan Bei. Paano sila hindi magagalit sa akusasyon ni Qiu Yi?

Malamig na tumalikod si Chu Qiao at nagtaas ng kilay. May galit sa kanyang boses, sumagot siya, "Walang katuturan! Nangako mismo ang Kamahalan na makakabalik sa Yan Bei ang Southwest Emissary Garrison. Ang Kamahalan ay ang hari ng Yan Bei; may isa siyang salita. Ang nakaraang utang na naayos na, gayumpaman ay tinatawag mo pa rin silang traydor. Sinisikap mo bang pahinain ang kredibilidad ng Kamahalan? Nagkimkim ka ng masamang hangarin sa mga salita mo. Mas mukha kang espiya mula sa Xia!"

Nagalit si Qiu Yi, ang kanyang ugat ay nakikita na sa kanyang ulo. "Sabihin mo ulit iyan!"

Nanghahamak na nanuya si Chu Qiao at nagpatuloy, "Ang bandila ng isang hukbo ay ang pinakadakilang karangalan nito. Ang Southwest Emissary Garrison ay binuo mismo ng unang emperor ng Yan sandaang taon na ang nakakalipas. May mahaba itong kasaysayan. Paano ito mabubuwag ng ganito lang? Sinundan ni Commander He ang Kamahalan mula sa araw ng rebelyon sa Zhen Huang, tinulungan siya na malagpasan ang hindi mabilang na sakuna at labanan. Isa siyang mahusay na tauhan. Ang hukbo niya ng 7,000 ay tinalo ang 200,000 na hukbo ng Xia sa Chidu, habang ang hukbo niya ng 2,000 sa Beishuo ay maikukumpara sa lakas ng 40,000 karaniwang sundalo! Paanong ang hukbo na may ganitong kalibre ay makansela ang pagtalaga ng pangkat at masira ang bandila? Abala ang Kamahalan. Pusta ko na kayong mga ignoranteng ungas ay naghasik ng sigalot sa loob ng hukbo ng Yan Bei. Masama ka at walang kahihiyan!"

Sumiklab sa galit si Qiu Yi tapos ay inilabas niya ang kanyang espada. "Gumagawa ka ng walang basehan na mga akusasyon!"

Si He Xiao at ang iba ay tumakbo sa harap niya at hinarangan siya. "Mangangahas kang tumapak pasulong?"

"Manahimik kayong lahat!" marahang tumayo si Yan Xun. Ang binata ay maayos na nakabihis ng pangmilitar na kasuotan, isang itim na manto ang nakapatong sa kanyang balikat. Maliliit ang hakbang niyang sumulong. Kung saan siya tumapak, gumagawa ng daan ang mga tao. Sa wakas, nakarating siya kung nasaan si Chu Qiao at tumingin sa malinis nitong noo at makinis na mukha bago nagsalita, "Sinong nagsabi sayo na pumunta dito?"

Umiling si Chu Qiao bilang sagot, "Wala. Pumunta ako dito mag-isa."

"Bumalik ka na sa bahay. Wala kang tungkulin dito."

"Ang suliranin ng Yan Bei ay suliranin ko. Isa akong myembro ng hukbo, at dati akong heneral ng Southwest Emissary Garrison. Dapat akong maging responsable sa pagkakamali ng mga tauhan ko."

Dahan-dahang nangunot si Yan Xun, ang kanyang mukha ay nagpapakita ng pagka-disgusto. May mababang boses siyang sumagot, "AhChu, alam mo ba ang ginagawa mo?"

Nagbaba ng tingin si Chu Qiao at tumugon, "Alam ko."

"Nais mo akong salungatin?"

"Kamahalan, masyado kang malupit. Inaamin ko lang ang pagkakamali ko."

May mga taong nagtipon kahit saan. Karamihan sa mga sundalo mula sa Una at Pangalawang Hukbo ay naroon. Lahat ay pinipigilan ang kanilang paghinga sa antisipasyon, nakatingin sa lalaki at babaeng nasa gitna ng square. Bumabagsak ang nyebe, kinukulayan ang tanawin ng maputlang puti. Malamig na tumingin si Yan Xun kay Chu Qiao, galit at pagkabigo ang nanggagaling mula sa loob niya. Matapos ang mahabang sandali, tumalikod siya at malalaki ang hakbang na tumungo sa malaking tolda. Habang naglalakad siya, nag-utos siya, "Tatanggalan si Heneral Chu ng kanyang titulo dahil sa kanyang karamdaman. Hindi na siya ang chief marshal ng syudad ng Beishuo. Ang pagkakamali ng Southwest Emissary Garrison ay walang kinalaman sa kanya. Isagawa ang parusa!"

"Kamahalan!" tumingala si Chu Qiao at malakas na nagbulalas, nakatingin sa lalaki na mulat na mulat ang mata.

"Heneral, hindi mo na kailangan pang mag-aksaya para sa amin. Pakiusap bumalik ka na!" matigas ang ulong sigaw ni Wen Yang, ang kanyang bibig ay puno ng dugo.

Ang ibang mga sundalo ay nagpanatili ng diretsong tindig at kalunos-lunos na sumigaw, "Heneral! Pakiusap bumalik ka na!"

Hindi pinansin ni Chu Qiao ang mga pakiusap nila at ilang beses na humakbang pasulong. Gayumpaman, napigilan siya sa labas ng mga gwardya. Natataranta niyang sinabi, "Kamahalan, kahit na nagkamali ang Southwest Emissary Garrison, hindi sila dapat mamatay. Matapat sila sayo simula noong rebelyon sa Zhen Huang. Lahat ay nasaksihan iyon!"

Nakaharap sa kanya ang likod ni Yan Xun. Nang marinig ang mga sinabi ng babae, marahan siyang tumalikod at nanghahamak na bumulong sa kanya, "AhChu, ikaw ang humatol. Ang taong matapat sila, ako ba talaga iyon?"

Sa iglap na iyon, natigilan si Chu Qiao. Pakiramdam niya ay may malaking patpat na hinampas sa kanyang ulo. Napasimangot siya at hindi makapaniwalang tumingin kay Yan Xun. May gusto siyang sabihin ngunit pakiramdam niya ay may nakaharang sa lalamunan niya. malamig ang hangin, nagdadala ng sakit habang umiihip ito sa mukha niya. Gayumpaman, wala siyang nararamdaman bukod sa kanyang puso na nanlalamig at nagmamanhid, habang bumabagsak ito sa manyebeng lupa.

Isang katahimikan ang nagdomina sa kapaligiran habang nagpatuloy sa pagbagsak ang nyebe. Matapos ang mahabang sandali, may kalabog na lumuhod sa lupa si Chu Qiao, ang kanyang mata at may sakit na mukha ay namumula. May mababa at paos na boses niyang sinabi, "Kamahalan, sumusumpa ako sa aking buhay na ang Southwest Emissary Garrison ay buong pusong tapat sayo. Kung ang sinasabi ko ay hindi totoo, handa akong magpatama ng palaso hanggang mamatay."

"Oh? Puna ni Yan Xun. "Handa kang mangako gamit ang buhay mo?"

"Handa ako."

"Bukod sa iyo, sino ang naniniwala sa kanila?"

Luminga si Chu Qiao at sinuri ang kapaligiran. Ang mga komandante ng Unang Hukbo ay nakatayo doon na walang emosyon sa kanilang mukha. Hindi nakakagulat ito dahil pinagkakatiwalaang mga tauhan sila ni Yan Xun. Gayumpaman, nang tumingin si Chu Qiao sa Pangalawang Hukbo, tungo sa mga sundalong katabing lumaban ng Southwest Emissary Garrison, nagdadalawang-isip at nanghina ang loob nila. Itinungo nila ang kanilang mga ulo, hindi nangangahas na tignan ang dalaga sa kanyang mata. Malinaw na nakalimutan nila kung sino ang nagligtas ng kanilang buhay nang naging desperado sila. Ang Pangalawang Hukbo, mga lokal na pinilit magsundalo, mga boluntaryong pwersa, ang ilang pinuno ng mga sundalo ng tribo, kahit ang mga sariling sundalo ni Cao Mengtong... ang 20,000 katao na ito ay kasamang lumaban ang Southwest Emissary Garrison. Sinundan nila si Chu Qiao at pinaslang si Zhao Qi, at hinarang pa ang mga atake ni Zhao Yang. Subalit, sa iglap na ito, umakto sila na hindi siya kilala. Malayo silang nakatayo at walang emosyon sa kanilang mga mukha.

Nawawalan na ng pag-asa si Chu Qiao. Umihip ang malakas na hangin sa mahina niyang katawan; ang manyebeng lupa ay isang piraso ng puti. Tumingin siya kay Yan Xun, ang lalaking kasama niyang tumayo sa loob ng walong taon. Bawat salita niyang inusal, "Pinipili kong paniwalaan sila. Nangangako ako sa katapatan ko sa Kamahalan." Tinapos ang kanyang mga salita, mabigat siyang mababang yumukod sa lupa, ang kanyang noo ay mabigat na bumagsak sa manyebeng lupa, ang kadalasang diretso niyang tindig ay nakabaluktot tungo sa lupa. Umihip ang hangin sa kanyang manto, karagdagang inilalarawan ang kanyang maliit at mahinang pigura.

"Heneral!" sigaw ng mga sundalo mula sa taas ng plataporma. Hindi sila takot sa kamatayan, ngunit sa iglap na iyon, isang mas taimtim na emosyon ang dumaluyong mula sa loob ng kanilang puso. Sabay-sabay, malakas silang umalingawngaw, "Heneral! Tumayo ka na! Kami ay mananagot para sa aming sariling mga pagkakamali. Handa kaming tanggapin ang kamatayan!"

Hindi gumalaw si Chu Qiao na nananatiling nakaluhod sa lupa. Ang ingay sa likod ay mas lumalabo habang mas lumalakas ang bagyo. Gayumpaman, wala siyang narinig, piniling hintayin ang boses sa itaas ng kanyang ulo na marinig.