Sa wakas, isang malambot na buntong-hininga ang nagmula sa lalaking iyon. Nang oras na iyon, nanginig siya noong inakala niyang nagtagumpay na siya. Pero sa susunod na segundo, nagpatuloy siya sa nagyeyelong boses, "Ipagpatuloy ang pagbitay!" may whoosh na isang hilera ng maayos na tunog ang narinig, at kasunod noon, isang pangal na pagbagsak ang umalingawngaw sa karamihan ng tao. Ang buong paglilitis ay napakabilis na walang sinuman ang nagkaroon ng pagkakataon na humiyaw sa sakit. Tumilamsik ang dugo sa ere at minantsahan ang malinis na puting nyebe ng pulang-pula.
Tahimik. Napakatahimik. Nagyelo ang dugo ni Chu Qiao, para bang ang paa niya ay tuluyang nagyelo. Humawak siya sa nyebe, at ang nyebeng dinakma niya ay kasing lamig ng kanyang puso, lubos na walang temperatura.
"Siya ay hindi sapat sa pagdidisiplina ng mga tauhan niya, habang ang iba pang mga sundalo ay sumunod sa kanyang pamumuno na ipagsawalang-bahala ang batas militar. Ibaba sila at bigyan ang bawat isa sa kanila ng walumpung hagupit. Matapos iyon, dadalhin sila sa ilalim ng detensyon ng unang hukbo." Tahimik na umalingawngaw ang kalmadong boses ni Yan Xun sa lugar. Walang gumawa ng ingay, habang ang mga tao ay kumilos lang sa ipinag-uutos niya. naglangitngit ang kanilang mga sapatos habang nagmamadali sila sa nyebe.
"Master." Nagmula sa likod ang boses ni He Xiao. Halos nakaluhod na siya sa lupa, at ang kanyang boses ay napaka kalmado. Ngunit, maririnig ang labis na kalungkutan na pumupuno sa boses niya. Sinabi niya kay Chu Qiao, "Napahiya namin ang Master. Pakiusap, Master, kailangan mong ingatan ang sarili mo."
Sa mga yabag na papalayo, nagsialisan ang mga tao. Sa malakas na hangin, nagmanhid ang tuhod ni Chu Qiao mula sa pagluhod niya, dahil naninigas ang kanyang mga paa, hindi siya makaipon ng lakas. Gayumpaman, nanatili siya sa ganoong posisyon at lumuhod doon habang unti-unting tumatabon sa kanya ang nyebe, gumagawa ng isang makapal na patong. Isang pares ng sapatos ang lumapit sa kanya, tapos ay inunat ni Yan Xun ang kanyang kamay para suportahan ang balikat niya. Nang maramdaman ang hawak niya, napatalon si Chu Qiao at napaatras, para bang napaso siya ng apoy.
Malayo ang kinatatayuan ng mga gwardya, nakatalikod sa kanila. Nakatayo sa harap niya si Yan Xun at hindi nagsalita. Nanatiling lang ito sa postura na intensyon niyang suportahan ang babae, habang ang kanyang kamay ay asiwang nakaunat. "AhChu." Magaang tawag ni Yan Xun sa kanya. Gayumpaman, mukhang naging bingi na siya. Matapos lumapit sa kanyang kabayo, sumakay siya dito.
Napakalamig ngayong araw. Biglang naalala ni Chu Qiao kung paanong naramdaman niya na mas mainit sa Yan Bei kaysa sa imperyo ng Tang. Ngunit, bigla niyang napagtanto na napakalamig talaga sa Yan Bei, na maaaring magyelo ang kanyang dugo, para bang bumagsak siya sa nagyeyelong malalim na bangin.
Nang gabing iyon, mas lumala ang sakit ni Chu Qiao. Bago pa man siya makaalis sa kampo ng hukbo, bumagsak na siya sa kabayo. Matapos maibalik sa kanyang tirahan, sobrang nag-aalala si Lü Liu na nag-umpisa na siyang umiyak ng malakas. Binabantayan ang higaan ni Chu Qiao, paulit-ulit na iniiyak ni Lü Liu ang kanyang pangalan. Inaantok na nagmulat ng mata si Chu Qiao at ginustong kalmahin si Lü Liu na magiging ayos lang siya at maraming bagay pa siyang hindi natatapos. Ngunit, nang nagbuka siya ng bibig, wala siyang masabi.
Nang nagmulat siya, nasa tabi pa rin niya ang tagasilbi. Nang makitang gumising na si Chu Qiao, napuno ng kasayahan ang tagasilbi habang umiiyak siya sa saya. Matapos mainom ang kanyang gamot, sinabi ni Lü Liu na kanina pa dumating si Yan Xun, at nakatayo sa labas ng pinto niya ng halos 14 na oras.
"Umuulan pa rin ng nyebe sa labas," tahimik na sinabihan ni Lü Liu si Chu Qiao, habang ilang beses na nagnanakaw ng tingin para husgahan ang reaksyon ng amo niya.
Humiga sa higaan si Chu Qiao habang maraming bagay ang bumaha sa isip niya. Lahat ng alaalang iyon ay kumislap sa isip niya na parang dumadaloy na ilog, habang piraso ng mga alaala sa nakalipas na walong taon ay nagtipon-tipon sa isang buong ilog. Napagtanto niya na naintindihan niya ang lahat at hindi nagalit o napoot. Ang naramdaman lang niya ay malalang pagkabigo.
Sa syudad ng Zhen Huang, sa hilagang-kanlurang rehiyon, sa pader ng Chidu, sa lugar ng labanan ng Beishuo, ang mga sundalo ng Southwest Emissary Garrison ay pinatunayan ang kanilang katapatan gamit ang kanilang mga buhay. Mayroong bata at gwapong si Feng Ting, ang kalmado at mature na si Mu Rong, ang matalino at matalas mag-isip na si Wu Danyu, at ang tuwid at matigas ang ulong si Wen Yang, at marami pang iba. Lahat ng mga lalaking ito ay hindi santo; mga mandirigma sila na ginamit ang kanilang katawan bilang bato at pananggalang para sa iba. Siguradong nagkamali sila dati, at ang ninuno nila ay natraydor na ang Yan Bei at nakagawa ng hindi mapapatawad na kasalanan. Ngunit, nang puntong sinundan siya ng mga ito sa syudad ng Zhen Huang, inilagay na nila ang kanilang buhay sa mga kamay niya. Tama si Yan Xun. Hindi tapat ang mga ito sa lalaki, kung hindi ay sa kanya, kay Chu Qiao. Gayumpaman, wala siyang kakayahan na protektahan sila. Dala-dala niya ang antisipasyon ng hukbong ito. Nangako siya na sisiguruhin niya na ang nakaraan nilang pagkakamali ay mapapatawad. Sumigaw siya sa tuktok ng pader ng Chidu na hangga't matapang silang lumaban na pigilan ang pag-abante ng Xia, magiging bayani sila ng Yan Bei, at ang kanilang mga pangalan ay maiuukit sa kasaysayan ng mga nakamit ng militar ng Yan Bei! Dahil doon, sinundan siya ng mga ito at pinrotektahan ang lupain ng Yan Bei na itinakwil sila, at itinaboy ang kaaway na mas marami pa kaysa sa bilang nila. Gayumpaman, ang kanyang istatwa ay itinayo sa Hall of Fame at naging kilalang bayani. Ngunit, pinaslang sila ng sarili nilang kakampi.
Anong nagawa niya? Anong ipinalit niya sa batang mga buhay na ipinagkatiwala sa kanya?
Para bang may nakapatong na malaking bato sa puso niya, nalasahan niya ang matamis na lasa ng dugo na umakyat sa lalamunan niya. Bumagsak ang mga sundalong iyon sa likuran niya, ngunit wala man lang siya lakas ng loob na tumingin sa kanila. Nang nagmadali siyang umalis, kulay pula lang ang nakita niya sa likod niya.
"Binibini! Binibini!" pinilit buksan ni Lü Liu ang mga kamay ni Chu Qiao, para lang makita na duguan na ang mga palad niya. Ang kanyang mga kuko ay bumaon na mula sa pagkuyom ng kamao niya.
"Lumabas ka muna. Hayaan mo muna ang magpahinga mag-isa," isang tahimik ngunit paos na paos na boses ang nagsalita.
Ilang segundong nagdalawang-isip si Lü Liu bago siya sumunod at nilisan ang silid. Agad na tumahimik ang silid.
Sa buwan na nakasabit sa kalangitan, lumakas ang hangin. Alam niya na nasa labas pa rin ang lalaking iyon. Hangga't hindi siya lumabas, mananatili siya doon. Alam niyang matigas ang ulo ng taong iyon. Noong bata pa sila, natutunan ng lalaki na gumamit ng patalim sa kanya. Ang napakahirap na mga galaw ay inabot ito ng isang buwan lang para mahasa. Araw at gabi itong nagsanay, at hindi tumigil kahit na puno ng paltos ang mga kamay at paa nito. Hanggang ngayon, natatandaan niya pa rin kung paanong sa bakuran na iyon, nakatayo ang lalaki sa harap ng poste at sinasanay ang bawat kilos at galaw, habang ang kanyang tingin ay matatag katulad ng tigre. Marami na talaga itong pinanghahawakan sa loob ng kanyang puso. Akala ni Chu Qiao ay naiintindihan na niya ang lalaki, ngunit ngayon ay nag-uumpisa na siyang magduda kung tunay nga bang naiintindihan niya talaga ito.
Sa kanyang tingin na nag-uumpisang lumamig, bahid ng determinasyon ang kumislap sa mata niya. Bigla siyang tumayo at dalawang beses na huminga ng malalim. Nakasuot lamang ng pangtulog niya, tumakbo siya tungo sa pinto, at nagmadaling pumunta sa matatag na yakap ng lalaki. Nang maramdaman ang init niya, natigilan si Yan Xun. Hindi niya naisip na lalabas ang babae, o ng ganoon kabilis. Saka lang siya nakatugon nang maramdaman niya ang mapayat na kamay nito na yumayakap sa kanyang bewang, tapos ay niyakap niya din ito ng mas mahigpit.
"AhChu! Nasaktan kita." Bumuntong-hininga siya.
Nagyumukyok si Chu Qiao sa dibdib nito at yinakap lang ito na hindi tumutugon. Mahinang nagpaliwanag si Yan Xun, "Hindi kita pinagdududahan sa hindi pag-ayaw sa Southwest Emissary Garrison. Kulang 2,000 mga malalakas na sundalo nalang sila, at may mahinang lakas-tao, pagtanggal nalang sa kanilang pormasyon ang magagawa ko. Ngunit hindi maayos ang disiplina nila at inatake ang kampo ng Unang Hukbo. Kung hindi ko sila parurusahan, gagawa ito ng problema sa hinaharap."
Nagluluksa si Chu Qiao. "Naiintindihan ko. Lubos kong naiintindihan. Yan Xun, pinahirap ko ang lahat sayo."
Inangat ni Yan Xun ang kanyang baba at tumingin sa mga mata niya, at sinabi, "Ayos lang, nag-aalala lang ako na nasaktan kita. Hangga't handa ka pa ring lumabas para makita ako, mapapanatag ako."
Si Chu Qiao, ang kanyang mata ay namumula, ay kinagat ang kanyang labi at sinabi, "Paulit-ulit nila akong iniligtas, at malaki ang utang na loob ko sa kanila. Yan Xun, hindi ko maatim na mangyari sa kanila iyon."
Sumimangot si Yan Xun at sa wakas ay walang magawang sinabi, "Sige, palalayain ko si He Xiao. Ngunit kapag nagkamali sila ulit, hindi na ako magiging mabait sa kanila."
Tumango si Chu Qiao. "Yan Xun, salamat."
Ang mapanglaw na liwanag ng buwan ay maliwanag na umiilaw sa kalangitan habang umiihip ang hangin. Mahigpit ang yakap ng dalawa, ngunit tila napakalayo nila sa isa't-isa.
Matapos lisanin ni Yan Xun ang kanyang silid, bumalik na din si Chu Qiao sa sarili niyang kwarto. Pagkasara ng pinto, ang kanyang ekspresyon ay bumalik sa pagiging malamig. Tahimik siyang naglakad pabalik ng kanyang higaan at maingat na umupo habang nakahawak sa katawan ng higaan.
Hindi sapat ang lakas-tao? Tinanggal ang pormasyon? Hinablot ang kanilang bandila? Walang disiplina? Yan Xun, paano mo nasabi sa akin ang mga bagay na iyan?
Sa isang sundalo, ang pagkasira ng kanilang pormasyon ay hindi maiisip na kahihiyan. Sa isang sundalo, ang kanilang bandila ay isang bagay na ipagtatangol nila hanggang sa huling tauhan. Hangga't nakatayo ang bandila, buhay pa rin ang hukbo. Ano pa, ang paghimok ng bagong mga sundalo ay napakasimpleng gawin. Si Wen Yang at ang higit 30 tauhan niya ay mga administratibong sundalo. Makakasugod ba talaga sila sa kampo ng Unang Hukbo na may higit 300,000 sundalo, hablutin pabalik ang kanilang bandila at tumakas sa labas ng syudad? Nang mabibitay na ang mga tauhan ng Southwest Emissary Garrison, bakit hindi pinigilan si He Xiao at ang iba at hinayaang makapasok sa lugar ng pagbitay para manggulo?
Kahit na sinabi mo na galit ka sa Southwest Emissary Garrison sa pagtraydor ng isang beses sa Yan Bei, mas ayos pa iyon kaysa sa magsinungaling sa akin ng ganyan.
Isang landas ng luha ang bumagsak. Sa liwanag ng buwan na sumisinag sa silid, ang buong lugar ay napintahan ng malapilak na puti. Tahimik na nakasandal sa higaan, libong magkakaibang isipin ang bumaha sa kanyang isip, ngunit hindi niya malaman kung saan naging mali ang mga bagay. Sa puntong ito, isang malamig na piraso ng jade ang bumagsak mula sa higaan. Pinulot ito, napagtanto niya na ito ang piraso ng jade na pinagdadasal ang paghaba ng buhay niya. Siguro ay iniwan ito ni Lü Liu kanina. Naalala kung paanong nag-uwi si Feng Zhi at Lü Liu ng tablet ng longevity, may nagkonekta sa kanyang isip, habang nanigas ang kanyang puso na para bang may nagtulak sa kanya sa nagyeyelong lawa. Kahit na, si He Xiao at ang iba ay ligtas na sa ngayon.
Mapait na ngumiti si Chu Qiao. Hindi niya naisip na isang araw ay magagawa niya iyon. Walang tigil na tumulo ang luha niya sa dilim.
Yan Xun, Yan Xun, nangyari sayo iyon? Sa madilim na gabi, hindi na niya mapigil pa at nagsimula siyang malakas na umiyak.
Kailaliman na ng gabi, habang ang mga mailap na ibon ay lumilipad sa ibabaw ng kanyang ulo. Ang binti ng mga kabayo ay tumapak sa patong ng yelo na naipon sa Diyos lang ang nakakaalam kung gaano karaming milenya. Ang tuyo ay malamig na hangin ay umihip mula sa malayo habang ang temperatura ay bumagsak muli. Ang hilagang hangin ay tila isang mabangis na lobo, walang humpay itong umiihip ng araw at gabi. Nakaupo sa tuktok ng kabayo, inilubog ni Chu Qiao ang kanyang leeg sa kanyang damit habang dinilaan niya ang tuyo niyang labi, tahimik na sinusundan ang ilaw sa harap na hindi masydaong lumalapit.
Matapos ang mahabang sandali, tumigil na sa wakas ang grupo sa harap. Bumaba sa likod ng kabayo si Chu Qiao. Kinuskos ni Chu Qiao ang kanyang mukha na nagmanhid na mula sa napakalamig na hangin, bago nagsimulang ibaba ang kanyang bagahe tapos ay pumulot ng kahoy na pangsiga para mag-umpisa ng apoy.
Sa pinaka oras na ito, sa malaking hukbo sa malayo, umangat din ang usok sa ere mula sa kanilang siga. Sa nagugusot na leather na tabing, pumasok si AhJing na ang ulo ay puno ng nyebe. Nakita na isang batang heneral ang nakatayo sa tabi ni Yan Xun habang mahinang nag-uulat sa isang bagay, nainis ang kanyang ekspresyon.
Kaswal na bahagyang tumingin sa kanyang si Yan Xun, hindi masabi kung anong emosyon niya. Ngunit, nagpatuloy si Yan Xun sa pakikinig ng ulat ng lalaki, at paminsan-minsan na tumatango. Nakatayo si AhJing sa may pinto na ang kanyang mukha ay bahagyang namumula. Matapos ang mahabang sandali, tumikhim siya at malakas na ipinaalam, "Kamahalan, may iuulat ang tauhan na ito."
Parang ngayon lang niya napansin ang eksistensya ni AhJing, nag-angat ng tingin si Yan Xun at walang emosyon na tumingin sa kanya bago tahimik na sinabi, "Maghintay ka sa labas."
Namula ang mukha ni AhJing. Galit siyang tumingin sa lalaking nasa tabi ni Yan Xun, para lang makita na nakatungo ito, at nagpapakita ng paggalang sa kahit anong paraan na posible. Nang pumasok si AhJing, hindi man lang nag-angat ng tingin ang lalaking iyon. Agad na nilamon ng galit si Ahjing, tapos ay pasigaw na tinanggap ito bago padabog na lumabas.