Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 165 - Chapter 165

Chapter 165 - Chapter 165

Matagal na tahimik na tumayo doon si Chu Qiao hanggang sa nawala na ang tinig ng sundalo. Patuloy na naiipon ang yelo sa mukha nito pero hindi natunaw. Ang hinihila ng hangin ang kanyang manggas na tila ipinaaalala nito sa kanya ang kanyang mga dating pangarap. Ang kalangitan ay mapanglaw at malawak. Kahit na malaki ang mundo, tila ba inabandona sila nito. Maraming bagay ang mabilis na dumaan sa isip ni Chu Qiao. Naisip niya ang mga pananaw na mayroon sila mula pagkabata, ang determinasyon na magawa ito, ang masisidhing oras ng antisipasyon at pag-asa. Naisip niya ang malamig at madilim na seldang pinagkulungan nila maraming taon na ang nakakaraan nang kinuha ng isang batang lalaki ang kanyang mga kamay at pinainitan ito. Maraming ikinuwento si Yan Xun tungkol sa Yan Bei nang may maliwanag na kislap sa kanyang mga mata. Iginuhit niya ang isang magandang larawan ng yelo, damo, at mga kabayo doon, kasama na ang kapatagan ng Huolei at ang kabundukan ng Huihui. Sinabi niya na ang mga sibilyan doon ay masisipag at mabubuti ang kalooban, at wala gulo doon. Tanging kapayapaan at katahimikan ang naroroon, na tila isang paraiso.

Yan Bei, Yan Bei… marahang tumingala si Chu Qiao, landas ng mga luha ang tumutulo pababa sa kanyang mukha. Tumayo siya ng tuwid, ang kanyang katawan ay tila hugis ng isang sibat. Ang mga nyebe ay lumapag sa kanyang balikat. Wala nang magtatanggol sa iyo ngayon. Hayaan mong ako ang gumawa noon. Hihintayin natin sila na bumalik.

Walang nakaisip na babagsak ng ganito kabilis ang syudad ng Beishuo. Sa loob ng halos limang araw, sa ilalim ng walang tigil na pag-atake ni Zhao Qi, ang syudad ng Beishuo ay tuluyang nalipol. Kung hindi dahil sa mga kagamitang pandepensa na iniwanan ni Chu Qiao, nasakop na ng Xia ang Yan Bei.

Sa pagkakataong ito, nakatayo sa pader ng syudad si Cao Mengtong habang nakatingin sa mga paparating na sundalo ng Xia. Naramdaman niyang yumanig ang lupa sa ilalim ng kanyang mga paa. Mayroong isang bagay na hindi niya nagawang maintindihan: saan napunta ang hukbo niya ng higit sa isang milyon? Paano siya lubusang natalo kahit na isama pa ang magiting niyang pagsusumikap? Gayunpaman, wala na siyang panahon para isipin pa ito. Mabilis na tumakbo patungo sa kanyang tabi si Lu Zhi at sumigaw, "Heneral, oras na para tumakas! Papunta na ang mga sundalo ng Xia sa atin!"

"Tumakas?" Lumingon si Cao Mengtong at nagtanong sa tulirong paraan. "Tumakas?"

"Opo!" Bulalas ni Lu Zhi. "Tumakas na si Xia An kasama ang hukbo ng Beishuo. Narinig ko na ang syudad ng Chidu ay hindi pa bumabagsak. Ang babaeng iyon, si Chu Qiao, ay ipinagtanggol ang syudad kasama ang kanyang mga sundalo. Pwede tayong tumakas papunta sa syudad ng Lan mula doon. Heneral, bilisan mo. Wala nang natitira pang oras!"

"Tumakas?" Mabagal na nakasagot si Cao Mengtong. Sa ilang araw lang, namuti ang buhok niya. Habang bumubulong sa kanyang sarili, sinabi niya, "Hindi maaari. Hindi ako pwedeng tumakas."

"Heneral! Ang matandang duwag na iyon, si Xia An, ay tumakas na. Siya ang heneral na naatasang ipagtanggol ang Beishuo. Wala na siya dito. Ano pa ba ang inilalagi pa natin dito?"

Malungkot na napabuntong-hininga si Cao Mengtong. Ginamit niya ang kanyang matandang pares ng mga mata para tumingin kay Lu Zhi at sumagot, "Makakatakas siya, pero hindi ko magagawa. Lu Zhi, ako ang pinakapinuno na naataasan na labanan ang mga sundalo ng Xia. Kapag tumakas ako, katapusan na ng syudad ng Beishuo."

"Tapos na ang Beishuo kahit na hindi ka tumakas! Heneral, huwag na sanang matigas pa ang ulo mo!"

Umiling si Cao Mengtong. "Hindi maaari. Lu Zhi, kung gusto mong tumakas, mauna ka na."

Natigilan si Lu Zhi. "Heneral, hindi ka ba talaga aalis?"

May paniniwalang sagot niya, "Hindi."

"Kung ganoon ay ako din!" pahayag ng magaslaw na lalaki. "Kamatayan lang iyan. Heneral, pinalaki mo ako at inalagaan tulad ng tunay kong ama. Kapag namatay ako, mamamatay ako kasama ka!"

Naantig si Cao Mengtong at nagsimulang maluha. Tinapik niya si Lu Zhi sa balikat at nagpahayag, "Nakikita mo lang ang kabaitan ng tao kapag nasa panganib. Lu Zhi, hindi napunta sa wala ang pagpapalaki ko sayo."

"Heneral, pakiusap bigyan mo ako ng 20 libong sundalo. Madali akong lalabas ng syudad at lalabanan hanggang kamatayan ang kalaban!"

"Sige!" Saad ni Cao Mengtong. "Ibibigay ko ang sarili kong hukbo sayo. Sila ang pinakamatapat na sundalo sa Yan Bei, at ang pinakapiling sundalo ng Ikalawang Hukbo. Lu Zhi, huwag mo akong bibiguin!"

"Hindi kita bibiguin Heneral!"

Isang oras ang makalipas, bumukas ang hilagang tarangkahan ng syudad ng Beishuo. Si Lu Zhi, kasama ang sariling hukbo ni Cao Mengtong, ay winalis ang buong syudad ng lahat ng mahalagang bagay at tumakas. Nakatayo si Cao Mengtong sa pader ng syudad at pinanood ang pinagkakatiwalaan niyang tauhan na iwanan siya. Napaubo siya ng dugo at bumagsak sa lupa.

Ang hukbo ng Xia ay nagsagawa ulit ng panibagong pag-atake, dahilan para magkagulo sa loob ng syudad. Lahat ng sibilyan ay natatarantang nagsitakbuhan. Ang hilagang tarangkahan ay mahigpit na sinara ng mga opisyales sa Military Law Department sa ilalim ng utos ni Cao Mengtong, para maiwasan na may tumakas.

Kaguluhan, kasama ang amoy ng dugo at sigaw na pumatay, ay bumaba sa buong syudad. Ang hukbo ng Xia ay nakarating sa 200 hakbang ng syudad. Inilabas nila ang kanilang mga hagdanan ay nagsimulang akyatin ang tarangkahan ng syudad. Habang lumulubog ang araw, ang tanawin ay namantsahan ng matingkad na pula. Ito ang huling pagsalakay sa araw na ito. Ang kalabang mga sundalo ay naglabas ng senyales para umatake. Intensyon nilang sakupin ang syudad ng Beishuo sa araw na iyon mismo!

"Sumuko kayo! Ang sinumang sumuko ay mabubuhay!" Nagpadala ng 300 sundalo ang hukbo ng Xia na may malakas na boses para pumunta sa baba ng tarangkahan ng syudad at sumigaw. Ilan sa sibilyan sa syudad ng Beishuo ang gustong buksan ang tarangkahan at sumuko ngunit mabilis na pinatay ng mga opisyales. Lumapit ang iyak ng paghihirap. Ang amoy dugo ng mga sundalo ng Xia ay mapapansin.

"Heneral! Heneral! Kailangan ng ikatlong pulutong ng dagdag kawal!" Isang duguang sundalo ang gumapang sa lupa tungo sa kanya at nagbulalas.

Tumingin si Cao Mengtong sa kanya at marahang umiling. Inilabas ng matandang heneral ang kanyang espada at dalawang beses na humakbang pasulong na may papatay na awrang nakapalibot sa kanya. Ilang taon na ba simula ng tumapak siya sa labanan? Nitong mga taon, kinutya siya at kilala bilang heneral na tumakas. Ang tanging beses sa buhay niya na matapang siya, ito ay humantong sa hindi nakakapaniwalang malaking pagkakamali. Simula sa umpisa, kung nakinig siya sa babaeng iyon, si Chu Qiao… sa oras na ito, ganitong kaisipan ang kumislap sa kanyang isip. Umiling ulit siya at tumawa sa sarili. Anong silbi pa na isipin ito ngayon? Mapait siyang ngumiti at sumagot, "Ako ang huling dagdag kawal."

"Heneral!" nagulat ang opisyales, ang luha ay tumutulo sa kanyang mukha. "Higit 60 taong gulang ka na. Kawalan ng kakayahan ko kung bakit kinailangan mong makipaglaban."

Ikinaway ng matandang heneral ang kanyang kamay at marahang sinabi, "Sabay tayong lumaban hanggang kamatayan!"

"Masusunod!"

Bigla, isang malaking tunog ang sumabog sa labas ng syudad. Inaktiba ng mga sundalo ng Xia ang kanilang senyales na may hindi inaasahang mangyari. Napatigil ang mga sundalo ng Xia nang marinig ang tunog at natatarantang inilingon ang kanilang ulo.

Si Cao Mengtong at ang opisyales mula sa Ikatlong Pulutong ay natigalgal din. Tumingala sila at tumingin sa malayong abot-tanaw, nakakita ng papalapit na mahabang itim na anino. Sa dakong huli, unti-unting lumalaki ang itim na anino. Sa huli, isang hukbo na nakasuot ng itim ang nakita mula sa abot-tanaw, papalapit sa syudad na may nakakatakot na bilis. Isang puti at pulang kulay ng bandila ang lumilipad-lipad sa itaas ng kanilang ulo, parang isang bolang-apoy na nasa ere!

"Nandito na ang mga dagdag kawal!" Natutuwang napaluha sa kagalakan ang mga sundalo, ang mga hiyawan nila na nilulunod ang iba pang mga ingay.

"Pangkat natin iyon! Nandito na ang dagdag kawal natin!"

"Ang Southwest Emissary Garrison! Si Heneral Chu!"

"Nandito na si Heneral Chu! Ligtas na tayo!"

Sa oras na iyon, ang mga sundalong nakaitim ay naglabas ng malakas na sigaw ng digmaan. "Para sa kalayaan!"

Malinis silang nakaayos, mabilis na sumusugod na may nakasunod sa kanilang dumadagundong na ingay. Lumaki nang lumaki ang pangkat, pinapakita ang hukbo ng 20 hanggang 30 libong piling mga sundalo. Iniangat nila sa ere ang kanilang mga espada, gamit ang kanilang mga binti para kontrolin ang kanilang kabayo. Sa paglubog ng araw, inumpisahan ng mga mandirigma ang kanilang pagwawala sa mga sundalo ng Xia sa nakakaintimidang ayos, sinasakyan ang kanilang mga kabayo at giniliran ang kalaban!

"Ang Southwest Emissary Garrsion! Ang mga taksil!" Kumpara sa kagalakan na sumasabog sa syudad ng Beishuo, ang hukbo ng Xia ay nagkagulo. Kahit na mas marami silang mga tao, wala na silang oras para baguhin ang kanilang pormasyon, dahil biglaang naatake mula sa likod. Idagdag pa, ang Southwestern Army ni Zhao Qi ay hindi magaling kumpara sa Northwestern Army ni Zhao Yang. Saka, kilala ang Southwest Emissary Garrison. Hindi nagtagal, natalo ang mga sundalo sa likuran.

"Mabuhay si Heneral Chu!" Sigaw ng mga sundalong nakatayo sa tuktok ng pader ng syudad, niyayakap ang isa't-isa sa saya.

"Heneral!" Tumakbo sa harap si He Xiao at sumigaw, "Nalalamangan nila tayo. Hindi tayo dapat harapang makipaglaban sa kanila!"

Malamig na umiling si Chu Qiao at sumagot sa mababang boses, "Ang hukbo natin ay may malakas na kagustuhang mabuhay. Nakagawa tayo ng mga milagrong pagkapanalo na nagpalakas ng moral natin. Kasalukuyang hindi masigurado ng mga sundalo ng Xia ang pagkakakilanlan natin. Kung hindi natin kukuhanin ang oportyunidad na ito ngayon, hindi na tayo magkakaroon ng tsansa sa hinaharap!"

Mabilis na sumugod ang hukbo. Bago pa man makarating ang utos ng gitnang tolda ng hukbo ng Xia sa likuran, ang hukbo ng 100,000 tauhan sa likod ay natalo na sa ilalim ng unang pag-atake. Inutusan ni Chu Qiao ang hukbo na ignorahin ang naligaw na mga sundalo at diretsong tumakbo tungo sa gitnang tolda!

Ang bangungot ng mga sundalo ng Xia ay nagsimula na. Ang kalaban ay isa lang hukbo na nasa may sampu na libong sundalo lang, pero lahat sila ay piling mga sundalo at magagaling sa pakikipaglaban. Ang reaksyon nila ay hindi nakakapaniwala ang bilis at liksi, naging dahilan para magkagulo sa labanan.

"Lahat kayo, panatalihin niyo ang pormasyon niyo! Sugod!" nakatayo si He Xiao sa harap, kasunod nito ay ang may hawak ng bandila na itinaas ito sa ere. Nakaposisyon si Chu Qiao sa gitna ng hukbo, sakay ng kabayo niya pasulong. Ang mga mandirigma, hindi inaalala ang kanilang buhay, ay inilabas ang kanilang pagkasiphayo mula sa mahabang panahon na pagkasugpo, at madaling nilamon ang hukbo ng Xia.

"Sugod! Isaayos ang lahat ng pormasyon!" Sinakyan ni Zhao Qi ang kanyang kabayo at malakas na sumigaw. Intensyon niyang patibayin ang hukbo. Hindi niya pinansin ang tagubilin ng mga tauhan niya at mabilis na pumunta sa dulo ng labanan. Gayumpaman, sa oras na ito, isang palaso ang patungo sa katawan niya. Isa sa mga tauhan niya ang madaling lumapit at hinarang ang palaso para sa kanya habang bumaon ito sa dibdib nito. Nalaglag si Zhao Qi sa kabayo niya dahil sa pagkataranta, naiwasan ang sakuna.

Mabilis pa rin na pasulong ang hukbo. Nakilala ni Chu Qiao ang mukha ni Zhao Qi. May matalas na tingin sa kanyang mata, tumalon siya pababa ng kanyang kabayo at tinapakan ang likod ng lalaki. Slash! Bago pa man siya makadaing, naputol na ni Chu Qiao ang kanyang ulo!

"Patay na si Zhao Qi! Sumuko na kayo kaagad!"

Boom! Tulad ng isang kulog na sumabog mula sa lupa, ang hukbo ng Xia na may 400,000 ay umatras. Mataas na nakaupo si Chu Qiao sa kanyang kabayo, inangat ang ulo ni Zhao Qi sa ere. May matigas siyang tingin sa kanyang mga mata habang ang kanyang postura ay diretso.

Nagkagulo ang hukbo ng Xia. Si Cao Mengtong, na nakatayo sa tuktok ng pader ng syudad, ay agad na tumugon at nag-utos, "Buksan ang tarangkahan! Buksan ang tarangkahan! Patayin silang lahat!"

Sa wakas ay nagbukas na ang tarangkahan ng syudad ng Beishuo. Ang mga sundalo, na walang intensyon lumaban, ay tumakbo palabas ng tarangkahan, pinarusahan sa pagkatalo ang hukbo ng Xia!

Sa ika-27 ng ika-sampung buwan, inabandona ni Chu Qiao ang syudad ng Chidu at sinunog ito. Pinigil ng apoy si Zhao Yang; pinanood niya lang si Chu Qiao na makatakas kasama ang kanyang hukbo na kulang 10,000. Papunta nila sa Beishuo, nakasalubong nila si Lu Zhi at ang hukbo niya ng 20,000, na tumakas mula doon papunta sa Chidu. Oras na narinig niya na tinraydor ni Lu Zhi ang Beishuo, ang sariling gwardya ni Heneral Cao Mengtong ay nagbago ng ugali, pinatay siya at pinangako ang kanilang katapatan kay Chu Qiao at sa Southwest Emissary Garrison. Pagkatapos, sa ilalim ng pamumuno ni Chu Qiao, tumungo sila sa likuran ng kalaban at isinagawa ang biglaan nilang pag-atake, nagbigay ng mabugat na pagkatalo sa hukbo ng Xia sa kapatagan ng Huolei, sa harap ng tarangkahan ng syudad ng Beishuo.

Sa laban na iyon, nasa 70,000 kalaban ang nalipol. Ang karamihan sa kanila ay natapakan hanggang mamatay ng mga pandigmang kabayo nang tinangka nilang tumakas. Nasa 30,000 kalaban ang nahuli bilang bilanggo ng digmaan, habang ang kumandante ng Southwest Emissary Garrison, su Chu Qiao, ay personal na pinatay ang marshall ng kalabang hukbo, si Zhao Qi. Siya ang ikatlong prinsipe ng Xia, ang pinaka may kakayahang tagapagmana sa trono ng emperor. Ang mga pangyayaring ito ay hindi kapani-paniwala na malaking dagok sa hukbo ng Xia.