Sa oras na ito, eksaktong ika-walong taon simula noong Labanan sa Kapatagan ng Houlei. Nasaksihan ng lahat ng nasa Yan Bei, sa wakas ay nagbayad na ang imperyo ng Xia ng nakakapuksang presyo para sa mga aksyon na iyon. Sa gabi ng parehong araw, ang ikalabing-apat na prinsipe, si Zhao Yang, ay nagmadaling pumunta sa Beishuo. Pinagsama ang natira sa hukbo ng Southwest, nagpadala siya ng kalahating milyon ng sundalo para palibutan ulit ang syudad ng Beishuo.
Samantala, sa probinsya ng Menglai sa pinakaloob ng teritoryo ng Xia, natanggap na ni Yan Xun ang mensaherong agila ni Lady Yu. Matapos mabasa ang sulat, tumingin siya sa sinaunang kapitolyo ng Zhen Huang, kung saan ay hindi na ganoon kalayo. Mag-isa siyang matagal na tumayo. Sa wakas, bumalik siya sa pinakamalaking tolda at nag-utos ng kautusan na ginulat ang lahat, "Madali tayong babalik ngayong gabi para asistahan ang Beishuo!"
Matapos makabalik sa syudad ng Beishuo, itinuring si Chu Qiao na isang bayani. Bukod sa mga gwardyang nakabantay, ang buong militar at sibilyan na populasyon sa syudad ng Beishuo ay nagtitipon sa tarangkahan ng syudad. Sa isang saglit, ang madaming tao ay sumabog sa isang alon ng kagalakan na parang ang labanan sa Beishuo ay naipanalo na. Nang nagmartsa si Chu Qiao papasok sa tarangkahan ng syudad kasama ang Southwest Emissary Garrison, ay sumasalubong na mga tao ay halos madumog ang mga sundalo. Si Lu Zhi, ang deputy commander ng pangalawang hukbo, ay namatay na, kaya ang bagong kakatalagang deputy commander na si Yin Liangyu ay pinangunahan ang mga sundalo sa pagtatangkang mapanatili ang kaayusan. Sa kabila ng lahat ng pagsisikap niya, ang mga sundalo ay agad na nilamon ng nagagalak na mga tao.
Kalmadong luminga-linga si Chu Qiao. Kahit na ang mga sundalo ng Ikalawang Hukbo ay naisaayos, maliwanag na pagod na ang hukbo. Ang natitirang sundalo ay sugatan, ang kanilang kasuotan ay punit-punit, at nababalot sila ng dugo at dumi. Takot, kahinaan ng loob, pagkalito, hindi pagkasigurado, at lahat ng klase ng hindi mapakaling emosyon ay malinaw na kumislap sa mga mata nila. Ang dumi at bagsik ay itinago ang maputla nilang mukha, at karamihan sa kanila ay nawala din ang lalagyan ng kanilang espada. Inilagay nalang nila ang kanilang sandata sa kanilang baywang. Sa rason na iyon, makakarinig ng malutong na pagtama sa pagitan nila habang gumagalaw sila. Kasing linaw ng umaga na wala nang natira pang paglaban sa kanila.
Kumpara sa mga sundalo ng Ikalawang Hukbo na parang kunehong natataranta, ang mga opisyales at tauhan ng Southwest Emissary Garrison ay isang malaking pagkakaiba. Kahit na duguan sila at madumi, may kumpyansa sila, kalmado, at nagpanatili ng maayos na pormasyon. Istrikto sila at disiplinado, matatag silang nakasakay. Sinundan nila si Chu Qiao at madaling dumaan sa mahabang kalye. Umihip ang hangin sa kanilang roba, nagdadala ng amoy dugo na kumulay sa kanilang maitim na kapa tungo sa mga tao. Mukha silang walang-awa at nag-iisa. Ngunit, nang makita sila, malakulog na palakpakan ang sumabog mula sa mga tao. Kahit na ang isang milyong lakas ng hukbo ay natalo, kahit na ang mga opisyales ng Yan Bei ay tumakas na, tanging sila lang ang nagtapon sa kanila sa gulo, at determinadong kinuha ang responsibilidad ng pagprotekta sa bansa.
Madaling lumapit si Yin Liangyu. Ang magulong mga tao ay naitagilid pa ang kanyang kupya. Wala nang oras pa para ayusin ang kanyang panglagay sa ulo, madaling bumati ang batang opisyales, "Master Chu, ang pagdating mo sa sandaling ito ay iniligtas ang Beishuo mula sa pagkasira. Ang buong Ikalawang Hukbo ay habang-buhay na tatanaw ng utang na loob sa iyo!"
Tumalon pababa ng kabayo si Chu Qiao at tahimik na ngumiti. Sumagot siya, "Heneral Yin, masydao ang mga salita mo. Parehong nagtulungan ang Ikalawang Hukbo at Southwest Emissary Garrison dito, dahil pareho nating pinagsisilbihan ang Yan Bei." Tapos ay tinanggal ng dalaga ang kanyang pandong. Kahit na dumanas siya ng mabangis na labanan, maayos at malinis pa rin siya. Nakasuot ng uniporme ng militar, ang kanyang pigura ay diretso, naglalabas ng matinding kagandahan. Hindi lang siya magiting na sundalo, pati ang halina niya bilang babae ay pambihira din, sa maganda niyang mukha, puting kutis, at malinaw na mga mata kung saan ay nadagdagan pa ng kanyang kumpyansa at pagkahabag.
Maraming bulalas ng hindi pagkapaniwala sa mga tao. Mga sundalo at sibilyan, iyong hindi pa nakakakita sa kanya ay nagsimulang magkomento habang ang mga kanta ng papuri ay dumating na parang isang alon. Simula sa rebelyon sa Zhen Huang hanggang sa labanan sa Hilagang-kanluran, mula sa silakbo sa imperyo ng Tang hanggang sa labanan ng Chidu, marami siyang nagawang dakilang tagumpay na tipong nakalimutan ng mga tao ang kanyang edad at itsura.
Ngunit sa puntong ito, sa sira-sirang labanan na ito, ang ganda ang dalaga ay kuminang na parang maliwanag na ilaw sa ibabaw ng ulo ng mga tao. Hindi mapigilan ng lahat ang mapabulalas, "Ito si Master Chu? Napakabata niya?"
"Talaga! Hindi kapani-paniwala ito! Napakaganda niya!"
Kahit na natalo niya ang pwersang pinangungunahan ni Zhao Qi, naiintindihan ni Chu Qiao na hindi masyadong naapektuhan ng labanan na ito ang kahit ano. Ang tanging rason kung bakit nagamit ang hukbo ng Xia ay dahil sa katunayan na pinadala ni Zhao Qi ang mga reserba sa unahan para mapabilis ang pagsakop. Matapos ang lahat, isa itong lohikal na istratehiya, habang napalibutan na ng hukbo ng Xia ang lahat ng kalaban, nais nilang makompleto ang pagsakop sa pagsapit ng gabi. Sa bakanteng likuran, mayroon lamang mga sundalong pantustos. Kahit ang pinakamalapit na kabalyero ay naharangan ni Zhao Qi ng dalawang pantustos na pormasyon. Ang Southwest Emissary Garrison ay mga kabalyero, kaya ang kilos nila ay lubos na mabilis. Tulad ng isang leopard na sumusugod sa likod ng kumpol ng tupa, kasama ang kamalasan ng pagkamatay ni Zhao Qi, ang buong hukbo ng Xia ay naiwan na walang epektibong pinuno, binaba ang buong hukbo sa kumpol ng mga sundalo. Doon, nakasigurado si Chu Qiao ng madaling pagkapanalo. Kahit ganoon, ang daang-libong mga sundalo ay hindi maglalaho lahat sa isang gabi lang. Kasama ang pagdating ni Zhao Yang nang maggagabi na, nag-aalala si Chu Qiao sa estado ng digmaan. Tinago niya ang mga pag-aalala niya at tinanong lang si Yin Liangyu, "Nasaan si Heneral Cao? Mayroon akong mahalagang impormasyon ng militar na sasabihin sa kanya."
Matigas na sumagot si Yin Liangyu, "Ang heneral ay nasa silid ng pagpupulong. Master, pakiusap sundan niyo ako."
Ang silid ng heneral ay magkakapareho lang, habang ang maitim na maitim na obsidian tiles ay nakaayos sa malinis na hanay. Ang siga ay maliwanag na nag-aapoy habang mabibigat na yabag ang umalingawngaw sa bakanteng pasilyo.
Sa wakas ay nakarating sa siling ng pagpupulong, sumaludo ang dalawang batang sundalo kay Yin Liangyu bago siya binati, "Heneral Yin!"
Tumango si Yin Liangyu, habang humilig siya patalikod at pinakilal si Chu Qiao, "Ito si Master Chu mula sa Military Staff Office."
Halatang nakita na siya dati ng dalawang gwardya nang bumati sila, "Magandang araw, Master Chu."
Tumango pabalik si Chu Qiao, "Mabuting trabaho."
"Nasa loob ba ang heneral?" tanong ni Heneral Yin.
"Nandoon siya. Matagal na kayong hinihintay ng Heneral."
Tumango si Yin Liangyu at humiling, "Pakiusap tulungan niyo akong sabihan siya na dumating na kami."
Isa sa mga gwardya ang tumanggap at marahang kumatok sa pinto bago nagsalita, "Nag-uulat! Heneral, nais kayong makita ni Heneral Yin at Master Chu!"
Tahimik na umihip ang hangin sa pasilyo, habang nagpatuloy ang katahimikan. Dahil wala nang nagsasalita, ang tanging tunog na maririnig ay ang alingawngaw ng tagasilbing iyon.
Napasimangot si Yin Liangyu. Lumapit at malakas na nagpahayag, "Heneral Cao, si Master Chu ng Military Staff Office ay nais kang makita!"
Wala pa ring tugon. Mas napasimangot si Yin Liangyu at nagpatuloy siyang magtanong, "Heneral, nasa loob ka ba?"
Nagtaas ng kilay si Chu Qiao at sinabi, "Masama ito." doon, binuksan niya ang pinto ng silid.
May ingit na mabagal na bumukas ang pinto. Sinalubong sila ng malakas na hangin sa loob ng silid, habang ang papel ay lumipad-lipad sa hangin na parang paru-paro. Ang silid ng pagpupulong ay bakante, habang ang mga upuan ay maayos na nakalagay sa orihinal nitong kinalalagyan. Nakaharap ang likod sa pinto, hindi gumagalaw si Cao Mengtong na nakaupo sa karaniwan nitong upuan, na parang sinusuri niya ang malaking mapa sa harap niya.
Maginhawang napabuntong-hininga si Yin Liangyu tapos ay humakbang siya at magalang na nag-ulat, "General, nandito si Master Chu. Sabi niya ay may mahalagang bagay na kailangan niyang sabihin sa iyo."
Tila ba walang narinig si Cao Mengtong, at hindi man lang nagbago ng kanyang postura. Napasimangot si Chu Qiao at lumapit. Isa sa mga gwardya ang hinabol siya at balisang tumawag, "Master Chu..." ngunit bago pa man niya matapos ang kanyang sasabihin, biglang napatigil ang kanyang boses. Nanlaki ang mata niya sa takot, at kahit ang kanyang bibig ay naiwan na nakanganga, walang salita ang lumabas.
Nakasuot ng bagong uniporme, bahagyang nakataas ang manggas ni Cao Mengtong, pinapakita ang kalahati ng kanyang braso. Sa kaliwa niyang kamay, mayroong halatang peklat na matagal nang nakuha; nagsimula na itong lumabo. Ang kanyang kasuotan ay maayos na walang kahit isang kulubot. Isang maayos na pagkakatuping puting panyo ang nakalambitin mula sa kaliwa niyang bulsa, at sa gilid ng kanyang uniporme, mayroong malaking burda ng pandigmang agila na nagsasabi ng kanyang ranggo bilang pinakamataas sa pamumuno ng napakalaking hukbo. Hindi na siya bata sa kanyang edad, habang dinekurasyunan ng kulubot ang buo niyang mukha. Sa mga kalamnan niyang lumalaylay na dahil sa kanyang edad, ang gilid ng kanyang mata at bibig ay nagsisimula nang bumaba. Sa kanyang buhok na kumpletong kulay pilak, at sa kabila ng maayos na pagkakasuklay, hindi nito maitago ang kanyang edad.
Isang patalim ang sumaksak sa kanyang dibdib. Ang paliku-likong dugo ay tumigas na. Napakalamig ng silid at dahil doon ay ang pulang-pulang dugo ay naging isang yelo na. Matagal nang nilisan ng buhay ang kanyang agresibong katawan, tanging iniwan ang mag-isang pigura na mukhang napakatanda at hina sa ilalim ng kumikinang na liwanag ng buwan.
Nakasabit ang malaking mapa ng Yan Bei sa harap niya. Sa gitna ng humahangin na kalupaan, isang manipis na linya ang pinagsama ang maraming linya sa mapa. Mula sa pinakahilagang Meilin Pass, tungo sa bundo ng Hui Hui, Shangshen Highlands, mga burol ng Siqiulan, bundok ng Luori, syudad ng Lan, Chidu, Beishuo, at sa wakas, may pulang sakit, mayroong malaking palaso na diretsong nakaturo sa mayaman sa mapagkukunan ng likas na yaman na silangang rehiyon.
Natigalgal si Yin Liangyu at ang mga gwardya sa biglaang pagkamatay ng pinakamataas nilang kumandante. Lubos na nawala, hindi nila alam kung anong gagawin.
Lumapit si Chu Qiao. Inunat ang kanyang kamay, ipinikit niya ang hindi pa rin nagpapahingang mata ni Cao Mengtong. Sa loob ng kanyang puso, kapanglawan lang ang naramdaman niya. Walang pakialam na itinapon niya ang buhay ng milyong sundalo at sibilyan. Inilista ang walang kwentang mga opisyales at kulang sa pananaw sa militar, padalos-dalos siya at arogante. Dahil mismo sa kawalan ng kakayahan at kayabangan ng lalaking ito, lubos niyang nasira ang orihinal na sitwasyong nakalalamang at dahilan para magbayad ang hukbo ng nakakahindik na presyo. Ang mga kasalanan niya ay imposibleng maitala na may buong detalye, at walang halaga ng pagpapahirap ang mapapatawad ang kanyang pagkakamali. Bago pumunta dito, maraming paraan na naisip si Chu Qiao, kailangan niya itong pabagsakin kahit anong mangyari, at makuha ang pamumuno sa militar sa Beishuo. Naghanda pa nga siya na pabagsakin siya sa isang debate para pawiin ang galit sa kanyang puso. Ngunit ngayon, habang nakatingin sa matandang lalaki na ito na tahimik na nakaupo sa malamig na hangin, lahat ng galit niya ay naglaho na parang hamog.
Isa itong malupit na digmaan. Lahat ay magbabayad ng nakagigimbal na presyo sa pagsali. Totoo ito pareho sa mga nabubuhay o namatay.
"Heneral, tignan mo!" matalas ang mata ng isa sa mga gwardya, pinulot niya ang piraso ng papel mula sa lamesa at pinasa ito kay Yin Liangyu.
Agad na kinuha ito ni Yin Liangyu. May mabilis na tingin, nag-angat siya ng tingin at iniabot ang papel kay Chu Qiao. "Master Chu, ikaw na ang pinakamataas sa pamumuno ng Ikalawang Hukbo. Ako, si Yin Liangyu, ay nag-uulat para sa tungkulin!"
Kinuha ni Chu Qiao ang piraso ng papel na iyon, para lang makita ang sulat na nakasulat sa lubos na pormal na tono. Dagliang pinaliwanag ni Heneral Cao ang istruktura ng pamumuno ng Ikalawang Hukbo, at sa huli, nagsulat siya ng ilang karaniwang salita ng pagbibigay ng lakas ng loob, tulad ng umaasa siyang matapang na lalaban si Chu Qiao at nakagawa ng dakilang bagay para sa Yan Bei. Ito ay tulad ng isang karaniwang pagbabalit ng sulat ng pamumuno.
Inalis ni Chu Qiao ang kanyang espada bago umatras ng hakbang. Diretsong nakatayo, nagbigay siya ng malinis at karaniwang saludo, "Lumaban si Heneral Cao para sa ating bansa. Sa pagtatanggol laban sa hukbo ng Xia, lumaban siya hanggang sa huling segundo ng kanyang buhay. Siya ay huwaran para sa ating hukbo. Hindi ko tatraydurin ang inaasahan ng Heneral, at mananatiling tapat, hindi aatras!"
Nang gabing iyon, ganito ang sinabi ng mga tala: Sa labanan sa Beishuo, nagbigay ng halimbawa si Heneral Cao Mengtong, at sa kabila ng matanda niyang edad, lumaban siya kasama ang mga sundalo sa pader ng Beishuo. Matigas ang ulong tinataboy ang hukbo ng Xia, nakatanggap siya ng nakamamatay na sugat at namatay sa silid ng pagpupulong sa gabi ng ika-27 ng Oktubre. Bago siya namatay, ipinasa niya ang pamumuno kay Master Chu Qiao, ang Military Advisor ng Military Staff Office, saka ang pinuno ng Southwest Emissary Garrison. Naging matapang at tapat si Heneral Cao, at sinakripisyo ang lahat para sa Yan Bei. Isa siyang halimbawa sa lahat ng sundalo ng Yan Bei.