Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 163 - Chapter 163

Chapter 163 - Chapter 163

Hindi labanan ang hilagang tarangkahan. Ang mga tauhang nagbabantay sa tarangkahan ay mga orihinal nitong gwardya. Nagtanong si Song Qifeng, "Hindi mo ba tatanungin ang mga utos sa bandila?"

"Heneral Song, ikaw ang nabubuhay na kautusan. Bakit ko tatanungin ang ganoong bagay?"

"Haha, maraming salamat, kapatid."

Ang huling kutitap ng pag-asa sa puso ni Chu Qiao ay namatay na. Tumakbo ang kabayo sa malamig na panahon. Nakaramdam ng lamig si Chu Qiao sa loob-loob niya. Kung wala siya, anong mangyayari sa syudad ng Chidu? Mararamdaman ba ng mga sundalo ng Southwest Emissary Garrison na naabanduna ulit sila? Para naman sa mga sibilyan na lubos siyang pinagkatiwalaan... saan sila pupunta?

Nagsimulang lumiwanag ang kalangitan, senyales ng pagtatapos ng gabi. Bukang-liwayway ng susunod na araw. May tumulong kay Chu Qiao na makababa ng karwahe at dinala sa isang tolda. Matapos siyang matanggalan ng tali, tinanggal niya ang itim na telang nakapiring sa kanyang mata. Nagulat siya nang makita si Lady Yu na nakatayo sa harap niya, may malumanay na tingin sa kanyang mukha. Nag-abot ito ng mainit na tuwalya kay Chu Qiao at kalmadong sinabi, "Punasan mo ang mukha mo. Naging mahirap sayo ang maglakbay buong gabi."

"Lady Yu?"

Nakasuot si Lady Yu ng puting robang gawa sa cotton. Ang kanyang mukha ay payat; ang talukap ng mata ay medyo lubog na. May ilang kulubot sa gilid ng mata nito. "Ako ito."

Ang tingin sa mukha ni Chu Qiao ay mula sa gulat tapos ay napalitan ng hindi pagkapaniwala. Nakasimangot siyang nagtanong sa mababang boses, "Bakit?"

"Hindi ligtas ang lugar na ito. Hindi na magtatagal ang Beishuo. Kung wala ka, maaaring hindi makalampas ngayong araw ang syudad ng Chidu. Sundan mo muna ako paalis dito. Ipapaliwanag ko sayo habang nasa daan."

"Sabihin mo muna sa akin. Bakit?" ang tingin ng mata ni Chu Qiao ay malamig. Malamig siyang tumingin sa isa sa pinakamahalagang pigura sa militar ng Yan Bei, bawat salita niyang sinabi, "Alam mo ang sitwasyon sa Yan Bei? Alam mo kung paanong walang pagpipigil na kumikilos ang tao doon?"

Tumango si Lady Yu at kalmadong sumagot, "Oo, alam ko."

"Naghiwalay sa dalawang direksyon ang hukbo ng Xia, inokupa ang bundok ng Helan at inatake ang syudad ng Chidu. Alam mo ba?"

"Alam ko," kalmadong sagot ni Lady Yu.

"Inilista ni Cao Mengtong ang mga sibilyan sa hukbo sa Beishuo, ginagamit sila bilang kalamnang pananggalang. Pinatay niya ang inosenteng mga taong iyon."

"Alam ko."

"Ang mga sibilyan ng Chidu ay iniwan ang kanilang tahanan tungo sa syudad ng Lan. Marami sa kanila ang nanigas at namatay sa gutom habang nasa daan."

"Alam ko."

"Oras na mapasok ng hukbo ng Xia ang Chidu, pwede nilang palibutan ang Beishuo sa dalawang direksyon. Milyong sibilyan ng Beishuo ang maglalaho. Ang buong silangang parte ang Yan Bei ay babagsak sa kamay ng hukbo ng Xia. Oras na marating nila ang loob na malaking lupain ng Yan Bei, ang mga sibilyang naninirahan sa silangang parte ng bundok ng Luori ay mamamatay!"

"Alam ko." Simula sa umpisa, nanatiling kalmado si Lady Yu. Tahimik siyang nakinig na parang pang araw-araw na bagay ang pinag-uusapan nila.

Taas-baba ang dibdib ni Chu Qiao. Kinuyom niya ang kamao niya, sumimangot, at nagtanong sa mababang boses, "Bakit? Dahil alam mo ang lahat, bakit hindi mo ito pinigilan? Bakit mo hinayaan ang kanais-nais na sitwasyon na lumala sa ganitong estado?"

Tahimik na tumingin si Lady Yu kay Chu Qiao na may mainit at maalam na tingin. Kalmado siyang sumagot, "AhChu, sa sandaling ito, hindi mo pa rin ba naiintindihan kung anong nangyayari?"

Nanigas si Chu Qiao; isang nakahihindik na kaisipan ang nabuo sa loob ng isip niya na tila isang matalas na espadang tumatagos sa mga ugat niya.

Malinaw na ngumiti si Lady Yu. "Walang mga sundalo sa syudad ng Lan. Ang pwersa sa bundok ng Luori ay pinaatras din. Hindi lang ang syudad ng Lan, ngunit ang buong loob na malaking lupain ng Yan Bei. Walang mga sundalo. Ang pinakamalaking lupain ay tila isang paunahan sa kasalukuyan. Kung may isang sundalo ng Xia na pumasok sa lugar, maikokonsidera na silang nanalo. Wala akong magagawa para pigilan si General Cao, o pinayagang gawin ito. Ang tanging rason ng pananatili ko dito at dalhin ka palayo sa lugar na ito. Bukod dito, wala na akong iba pang utos."

Pakiramdam ni Chu Qiao ay itinapon siya sa manyebeng lupa. Nawala ang balanse niya, muntik nang bumagsak sa sahig. Ang sikip ng puso niya, na para bang nagyelo ito. bawat galaw ay masakit. Huminga siya ng malalim ngunit pakiramdam niya ang may nakaharang sa dibdib niya. Binuksan niya ang kanyang bibig at napasimangot. Nagsimula nang magkonekta ang mga tuldok sa kanyang isip, bumubuo ng nakakatakot na sunod-sunod na pangyayari.

"Yan Xun…"

"Wala rin sa Meilin Pass ang Kamahalan."

Sa isang linya lang, lubos na napawi ang paniniwala niya. Ang lahat ng iniisip niya ay umastang matatalas na palasong tumagos sa balat niya, nagbibigay ng sobrang sakit. Gayumpaman, hindi siya makapagsalita. Napaatras ang katawan niya. Sinuportahan niya ang sarili gamit ang poste. Ang kanyang dibdib ay taas-baba habang humihinga siya malalim. May gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa.

Kalmadong nagpatuloy si Lady Yu, "Inutusan ako ng Kamahalan na ilayo ka. Matagal akong naghintay sa syudad ng Lan pero hindi kita nakita. Kaya, alam ko na nakatagpo ka ng problema habang papunta. Saka, magulo ang hukbo ng Beishuo. Wala akong ibang pagpipilian kung hindi ay pwersahan kang dalhin dito. Patawarin mo ako."

"Baliw ka!" isang mababang boses ang narinig, may dalang bahid ng kawalan ng hangin. Inarko ni Chu Qiao ang kanyang likod at tumingala, ang kanyang mata ay mapula. Malamig siyang tumingin kay Lady Yu, umiling at nagpahayag, "Kabaliwan ito!"

"Kahit na kabaliwan ito, gumagana naman. Ang hukbo ng Kamahalan ay napasok na ang probinsya ng Changting. Nasakop na natin ang higit 30 probinsya sa hilagang-kanluran, nilipol ang buong pamilya ng Batuha sa proseso. Sa kasalukuyan, ang malaking pwersa ng Xia ay nagtitipon sa Yan Bei. Ang hangganang sundalo nila ay nakatalaga sa hangganan na naghihiwalay sa Tang at Song. Ang pwersa nila sa kanilang pinakamalaking lupain ay naubos na. Nakikipagtulungan sa atin ang Song sa pagsagawa ng ilang malakihang pagsasanay militar sa hangganan ng Xia, para ilihis ang kanilang atensyon. Sa oras na ito, kailangan lang natin bitagin ang malaking pwersa ng Xia sa Yan Bei, putulin ang landas ng komunikasyon nila sa pag-alis ng kanilang mga tagamanman at gamitin ang nyebe sa kalamangan natin. Ang ating pwersa ay ganap na hindi mapipigilan. Kulang isang buwan, pwede natin kubkubin ang syudad ng Zhen Huang! Kahit na makatugon ang tropa nila sa hilaga, nasakop na natin ang karamihan ng Xia. Kahit na manlaban sila, mahaharangan sila sa labas ng Yanming Pass!" naglakad sa harap si Lady Yu, tinulungan si Chu Qiao na ayusin ang buhok niya. Kalmado siyang nagpatuloy, "AhChu, alam ng Kamahalan na hindi ka papayag sa ideyang ito, kung kaya tinago niya ito sayo. Gayumpaman, hindi ibig sabihin nito na hindi ka niya pinagkakatiwalaan. Malalampasan natin ang isang pagsalakay mula sa Xia, pero hindi ang dalawa. Ang heograpikal na katangian ng Yan Bei ay hindi makabubuti, na grabe ang epekto sa ating pag-unlad. Kahit gaano kahirap tayong magtrabaho, hindi tayo makakakumpara sa loob na pinakamalaking lupain ng Xia. At saka, mayroon tayong mga likas na kahinaan sa anyo ng mga taga Quanrong, na binantaan ang ating soberanya. Kaya naman, ang pagsagawa ng isang sorpresang paglaban pabalik at pagpalitin ang lugar kung saan natin itinatag ang ating imperyo ang tanging paraan para mabaligtad ang sitwasyon at makamit ang kawalan ng talo. Ikaw ang taong pinakamalapit sa kanya. Dapat ay naiintindihan mo siya."

"Dahil sa kompletong pagbago ng istratehiyang ito, gusto mong gamitin ang milyong sibilyan sa Yan Bei bilang pain?" sumagot si Chu Qiao na may pagod na boses. Tumingala siya, ang kanyang mata ay mapula. Ang maraming araw ng paghihirap at pag-asa ay napawi sa kapaligiran. Naghinala siya na ang motibo ni Yan Xun sa pagsalakay sa Meilin Pass ay upang pigilin ang kapangyarihan ng Ikalawang Hukbo, upang patatagin ang posisyon niya sa Yan Bei. Subalit, hindi niya napagtanto na ang ambisyon ni Yan Xun ay wala sa Yan Bei. Naglatag siya ng malaking bitag sa syudad ng Beishuo, gamit ang milyong sibilyan bilang pain para bitagin ang sundalo ng Xia doon. Tapos, gagawin niya ang istratehiya niya, na kung saan ay kinikilala sa buong mundo bilang hindi wasto, dinala ang Unang Hukbo at ang piling sundalo mula sa bundok ng Luori para atakihin ang pusod ng imperyo ng Xia. Nag-iipon sa kanyang lakas militar at pinuputol ang ruta ng komunikasyon ng Xia, pupwersahin niya ang pagpasok niya sa pinakamalaking lupain ng Xia na may nakakatakot na bilis, kokolonisahin ito.

Mapait na humagik-ik si Chu Qiao. Ito ay isang napakalakas, walang kapintasan at hindi pa nagagawang anyo ng pakikidigma. Napakabaliw na plano ito. Kasing halaga ito ng modernong pagsalakay ng Estados Unidos sa Iraq, habang binitawan ng mga taga Iraq ang kanilang lupain at bagkus ay tumakbo sa Estados Unidos, tapos ay kinolonisa ito. Nang pinahayag ng Estados Unidos ang kanilang panalo sa Iraq mula sa malayo, saka nila mapagtatanto na ang kanilang lupain ay nalipol na. Ang oportyunidad na ito ay talagang isang beses sa buhay lang.

Hindi nakakapagtaka na pinilit ni Yan Xun na hatiin ang pwersa niya para atakihin ang Meilin Pass bago mag-umpisa ang digmaan. Hindi nakakapagtaka na hindi siya nito sinama sa tabi nito. Hindi nakakapagtaka na itinalaga niya ang mga tangang tulad ni Cao Mengtong para ipagtanggol ang Beishuo, pinayagan siyang malayang magpakilos ng pwersa niya. Intensyon niyang lumikha ng imahe ng Yan Bei na naghahanda ng punong pagganti, para mailihis ang atensyon ng Xia doon. Hindi nakakapagtaka ang senyales niya para sa tulong ay bumagsak sa mga binging tainga, na ang mga gwardya niya ay ang pinagkakatiwalaang mga tauhan ni Yan Xun, at ang syudad ng Lan ay hindi tumutol sa kaguluhan ng Beishuo! Nakakatakot ang mapagbalak nito, nakabuo ng isang nakakatakot at lihim na plano. Kahit siya, na naturuan ng modernong pakikidigma ng militar, ay hindi maiisip ito. Siya ay sobrang napakatalino.

"Lady Yu, natatandaan mo ba yung sinabi mo sa akin noong unang beses tayong nagkakilala?"

Natuliro si Lady Yu; ang kanyang mukha ay tila maputla. Gayumpaman, nagawa pa rin niyang marahan na sabihin, "Sinabi ko na sana, isang araw, hindi na magkakaroon ang Yan Bei ng mga ulilang kagaya mo."

"Tama iyon." Mapait na tumawa si Chu Qiao. "Ang galing niyo. Oras na maipanalo niyo ang laban na ito, hindi na magkakaroon ng ulila ang Yan Bei. Ang lahat ng tao sa Yan Bei ay patay na."

Lumubog ang tingin ni Lady Yu. Matapos ang mahabang sandali, sumagot siya sa mababang boses, "Kung mayroong nagnanais ng kalayaan, laging may presyong kailangan bayaran."

Nandidiring tumingin sa kanya si Chu Qiao. "Magaling. Ang lahat ng tao sa Yan Bei ay mamamatay, habang tinatamasa niyo ang walang hanggang karangyaan sa buhay, umupo sa pinakamataas. Ito ang presyo na babayaran ng mga sibilyan ng Yan Bei para sa kalayaan!"

"AhChu!" hinawakan ni Lady Yu si Chu Qiao sa braso, pinagpatuloy ang kanyang sinasabi na nagmamadali. "Huwag kang maging labis. Tama ito sa istratehiya! Ito ay isang kahanga-hangang gawa, isang mahusay na tagumpay! Hindi mo ba nakikita? Mabubuksan ang tarangkahan ng Xia. Aalog ang palasyo ng Sheng Jin sa lakas ng mga sundalo ng Yan Bei!"

"Huwag mo akong hawakan!" sagot ni Chu Qiao na mapanglaw ang mga mata. "Alam ko na tama ito sa istratehiya, ngunit inabanduna mo ang mga tao mo! Ang mga taong sinuportahan ka sa hirap o ginhawa, sa napakahirap na mga oras! Binigo mo sila! Niloko mo ang milyon na iyon at tinulak sa malalim na parte ng hukay! Ginawa mo ito para sa pansarili mong karangyaan, para sa sarili niyong agawan sa kapangyarihan, habang sinasakripisyo ang buhay ng milyong tao! Lady Yu!" ang mata ni Chu Qiao ay mapula. Nagsimulang tumulo ang luha sa kanyang mukha. Madiin niyang kinagat ang ibaba niyang labi at nagpatuloy, "Bakit? Anong problema niyong lahat? Nakalimutan mo na ba ang sinabi mo noong nakaraan? Nitong mga araw, kahit gaano ito kahirap, kahit ano man ang aking suliranin, lagi kong hawak ang pag-asa na darating kayo para iligtas ako. Kahit ang mga traydor na Southwest Emissary Garrison ay alam bumalik at protektahan ang mga sibilyan! Bakit mo piniling abandunahin sila? Alam mo ba? Iniidolo ka at si Ginoong Wu ng mga tao sa Chidu. Sinasamba nila kayong pareho sa kanilang mga altar, nagsisindi ng tatlong joss stick sa umaga, tanghali, at gabi. Ito ay dahil gusto nila kayong mabuhay hanggang tumanda kayo. Sinasabi nila na kayong dalawa ang tagabantay ng Yan Bei. Hangga't nandito kayong dalawa, may pag-asa pa rin ang Yan Bei. Iniwan nila ang mga tahanan nila at tumungo sa syudad ng Lan. Wala na silang oras para dalhin ang kanilang mga rasyon ngunit natandaan na dalhin ang inyong mga tablet na nasa kanilang mga altar. Tignan mo, hindi mabilang na joss stick ang sinindihan habang nasa daan para sayo. Paano mo sila mahaharap?"

Huminga ng malalim si Lady Yu at sumimangot. Nahihirapan niyang sinabi, "Ginagawa ko ito para sa Da Tong, para matupad ang pangarap ng lahat."

Related Books

Popular novel hashtag