Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 158 - Chapter 158

Chapter 158 - Chapter 158

Kasabay ng isang malutong na tunog, ang palad ni Bise-Heneral Cheng ay dumapo sa mukha ni Sun He. Hinablot siya nito sa kuwelyo at sumigaw, "Tanga ka ba? Hindi mo ba alam ang kaugnayan niya sa ating Kamahalan? Kung narating na natin ang lugar na ito, kapag hindi siya namatay, ay hihintayin na lamang natin ang ating kamahalan para bumalik dito at isakripisyo tayo sa bansa!"

Dahil sa umabot na ito sa ganitong pagkakataon, kung gusto nilang mabuhay, kakailanganin nilang ituloy ang unang napagplanuhan. Dahil tinukoy na nilang isa itong peke, ang magagawa nila ay ipagpatuloy na lamang ang hatol na ito!

Ngayong naitakda na ito ng kanyang puso, malamig na ipinahayag ni Cheng Yuan na, "Western garrison troops, magtipon!"

Si Xue Zhiyuan ay nagising ng mga tambol ng pakikidigma na umaalingawngaw sa buong siyudad. Habang iniinda ang matinding sakit na dumadaloy sa buo niyang katawan, naglakad siya paakyat sa pader ng siyudad at tuluyang nalito. Ang mga mata niya'y nanlalaki sa pagkagulat, narinig niya ang pamilyar na boses sa kabilang ibayo ng pader, at sa sandaling nakita niya ang mga pormasyon na nasa lugar sa ibaba ng siyudad, agad niyang naunawaan ang nangyayari. Mabilis siyang bumaba, at itinutulak pasintabi ang mga guwardiya, ay nagtanong siya, "Ano ang ginagawa ninyo? Mabilis, buksan ang tarangkahan! Iyan si Master Chu mula sa Military Staff Office!"

Malamig na lumakad si Cheng Yuan at tinakpan ang bibig ni Xue Zhiyuan. Dahil sa malubha niyang mga sugat, hindi magawang magpumiglas ni Xue Zhiyuan, habang sinisigawan siya ni Cheng Yuan sa kanyang tainga, "Kung malalaman ito ng buong mundo, ikaw ang unang mamamatay! Ang magbigay ng maling impormasyon, at magdulot ng pagkataranta sa loob ng hukbo, sa tingin mo ba ay mapapatawad ka ng Kanyang Kamahalan? Kung gusto mong mabuhay, tumahimik ka! Kung hindi, ipapadala na kita sa lumikha sa iyo!"

Ang mga mata ni Cheng Yuan ay naninigas na, naglalakad siyang puno ng kagustuhang pumatay habang patuloy na nag-uutos, "Makinig kayo mamaya sa aking mga utos. Magkukunwari tayong kakampi muna sila. Paliligiran sila ni Sun He, at aatakihin naman sila mula sa likuran ni Li Lu. Paliligiran natin sila at wawasakin sila sa ilalim ng siyudad, at hindi natin mahahayaang may makaligtas at makatakas ang kahit isa sa kanila!"

Napako sa kanyang kinatatayuan si Xue Zhiyuan. Nanigas ang kanyang kumukulong dugo habang natuliro siya. Bigla ay naalala niya na maraming taon na ang nakaraan, mayroon siyang matinding pagsinta at pagnanabik noong siya ay nagugutom at unang naturuan tungkol sa kaisipan sa Da Tong. Kahit na kinahaharap niya ang sakit at kahirapan, hindi siya sumusuko sa kanyang kahinaan at pagod. Pero sa pagkakataong ito, ang kanyang pananalig, ang kanyang mga pangarap, at ang mundo niya ay nagunaw sa paligid niya! Namutla ang kanyang mukha, at bigla siyang natalisod pabalik. Tumalikod siya at tumakbo papunta sa mga pader ng siyudad. Ang mabilis niyang pigura ay tinungo ang mga hagdan na tila isang hayop!

Si Cheng Yuan ang pinakamabilis na kumilos habang sumigaw ito, "Pigilan siya!"

Gayunpaman, tanging kalahating segundo lamang ang kailangan ni Xue Zhiyuan para marating ang ituktok ng pader ng siyudad habang sumisigaw ito pababa, "Chu Qiao, tumakas ka na!"

Nang may ilang matatalas na whooshes, isang ulan ng mga palaso ang tumagos sa pigura ng lalaking iyon, habang ipinapakita ng mga palaso ang kanilang sarili sa kabilang bahagi ng lalaki, lumalabas mula sa katawan nito. Ang dugo ay dumanak sa mga pader ng siyudad, ang mainit niyang dugo ay dumaloy pababa na tila maliliit na buto, bumabagsak sa lupa mula sa naglalakihang pader ng siyudad, at gumagawa ng pula at maliliit na butas sa niyebeng nasa ibaba!

Ang lahat ng nakasaksi ay nabigla. Ang malamig na hangin ay humampas sa kanyang damit at dumaiti sa kanyang batang pigura na dati ay nagtataglay ng malalaking ambisyon. Ang mga mata nito ay kasing linaw pa din ng kristal, punung-puno ng nakakahanga at hindi patatalong kagustuhan. Ang pangako nito maraming taon na ay umalingawngaw sa kanyang mga tainga, "Handa akong isakripisyo ang buong buhay ko para sa Yan Bei Da Tong. Walang patungkol sa sarili, walang personal na pakinabang, at lalaban ako ng habambuhay para sa kalayaan!" Ang lahat ng ingay ay tumigil, habang ang pigura niya ay bahagyang sumuray sa hangin, bago nahulog kasama ng hangin patungo sa malamig na lupain ng Yan Bei! Ang mga sibilyan ay nagsigawan sa takot habang ang mga ito ay nagkakagulo at mabilis na nilisan ang paligid ng tarangkahan ng siyudad.

Nakaupo si Chu Qiao sa kanyang kabayo, ang kanyang mga mata ay pulang-pula. Tinigasan niya ang kanyang titig at muling nabuhay ang galit sa kanyang puso. Sa wakas, itinaas na niya ang kanyang palad, at nagpakawala ng isang maiksi at simpleng utos, "Atras!'

Bago umalis, lumingon pa pabalik si Chu Qiao para tingnan ang watawat ng Yan Bei na lumilipad pa sa hangin, ang mga sundalong nagtitipon sa mga pader, sa mga katawang nakakalat sa lugar ng digmaan, at sa batang sundalo na dati ay nasampal niya ng dalawang beses. Nagpakawala siya ng buntung-hininga, at ang pakiramdam niya ay lalong bumigat ang kanyang puso.

"Sisiguraduhin ko na ang paghihiganti ko ay maisasagawa ko. Isinusumpa ko! Sa aking buhay!"

Sa wakas ay lumitaw na mula sa kagiliran ang araw, pinipintahan ng ginto ang buong tanawin. Tila ba ang mga diyos ay gugustuhing pagpalain ang Mundo sa partikular na araw na iyon. Sa bilis ng pag-atras, kahit na habulin pa niya ang mga ito, mawawala na ang pagkakataon na lipulin niya ito ng lubusan. Lalong lumubog ang puso ni Cheng Yuan, habang nakatitig si Sun He sa papalayong kabalyero, at nagtanong, "Master, ano ang dapat nating gawin?"

Sumulyap siya kay Sun He, ang tingin ni Cheng Yuan ay malamig at matigas, habang tumalikod ito, walang sinabi kahit isang salita at umalis.

"Ano ang dapat kong gawin?" Kaparehong tanong ni Cheng Yuan sa kanyang sarili. Makakahanap din siya ng paraan para makalusot. Siguro! Sigurado!

Nang ang araw ay nag-aapoy na sa kalangitan, isang bagong araw ang dumating na! Pero dalawang oras pa lamang ang nakakaraan, isang malaking pulutong ng mga ulap ang lumutang mula sa Hilaga, habang ang mga kulog ay naririnig mula sa kalayuan. Bago pa man makatapos ang isa sa kanilang pag-aalmusal, makikita nila sa mga kagiliran, na isang dagat ng abo ang bumabangon mula sa Silangan. Para bagang wala itong katapusan habang sinasakop nito ang mga lupain. Libu-libong mga kabayo ang tumatakbo sa ibabaw ng mga kapatagang puno ng niyebe, kasama ang hangin na umiihip sa mga damit nila na tila mga kumpol ng lumilipad na agila!

Ang mga sundalo ng Yan Bei mula sa ikalawang hukbo, na lumalaban lamang sa mga lokal na kampamyento, ay hindi pa nakakakita ng mga marilag na pormasyon dati. Armado ng mga mahuhusay na kabayo, matitibay na baluti, makikinang na espada, at malilinis na hanay, ang paparating na pormasyon ay nagpakaba kahit sa ilang mga beteranong sundalo habang bumubulong ang mga ito sa kawalan ng pag-asa, "Ang mga demonyo ay dumating na!"

Ang mga naglalakihang watawat na kumakaway sa hangin na tila mga alon sa dagat, at ang mga espadang nakalinya na tila mga puno sa gubat, ang buong kaligiran ay napupuno ng abuhing metal. Hindi nagtagal, ang kulay na ito ay pumuno sa buong kapatagan habang ang kanilang pormasyon ay mahigpit na nasiksik at naging maayos. Ang gitnang pormasyon ay mukhang matigas at mariin, sa kung saan ang mga nakapaligid ay nakaunat na tila mga pakpak ng isang agila. Sa likuran, makikita na ang kanilang mga reserba ay naghahanda para punan ang kahit anong puwang. Ang buong pormasyon ay may limang milya ang haba, at mukhang may marami pang mga pormasyong papasok sa kapatagan ng Huo Lei.

Ang mga taong hindi pa ito personal na nararanasan ay hindi kailanman mauunawaan ang kagandahan ng eksenang iyon, habang ang mga lalaki ng Yan Bei ay tila napuno ng takot at kaba. Sa mga nakaraang daang taon, ang Imperyo ng Xia ay hindi talaga seryosong kumikilos sa paulit-ulit na pang-aasar na ipinadadala ng Da Tong. Kahit na ang Imperyo ng Xia ay sinalakay si Yan Shicheng, ipinadala lamang nila ang hukbo ng pamilya Meng bilang simbolo. Ngunit sa oras na ito, mayroong apat na karaniwang hukbo na may bilang ng higit isang daang libo bawat isa, hindi pa kasama ang mga reserbang papasok pa sa mga hanay.

Talagang nagalit ng husto sa pagkakataong ito ang Imperyo ng Xia. Habang hinaharap ang unang tangka ng rebelyon na siyang humamon sa kapangyarihan ng Imperyo, ang Hukbo ng Xia ay nagdesisyon na lumaban gamit ang buong lakas nila para ipagtanggol ang dignidad ng imperyo!

Umihip ang malakas na hangin sa kalangitan ng Yan Bei. Kung kailan nanginginig sa harap ng lakas ng Imperyo ang Beishuo, sa hindi kalayuan sa paanan ng Kabundukan ng Luori, ang watawat ng Southwest Emissary's Garrison ay pumagaspas sa ilalim ng mga nagkukumpulang itim na ulap. Habang nakaupo sa kabayo, hinarap ni Chu Qiao ang pitong libong pares ng mga mata na nakatitig din sa kanya, habang ibinibigay ang mga sumusunod na utos:

"Babagsak ang Beishuo. Ang tanging pagpipilian na natitira sa atin ay ang dagitin ang Chiyuan Crossings at sakupin ang siyudad ng Chidu. Dahil doon, magagawa na nating palakasin ang ikalawang linya ng depensa! Isa itong utos at magiging epektibo ito ngayon na. Lahat ng tropa, kilos na!"

Habang nagsisimulang kumilos at magmadaling tumungo sa Chiyuan Crossings ang Southwest Emissary Garrison, sa loob ng pinaka pangunahing tolda ng kampo ng hukbo ng Xia, napakunot-noo si Zhao Qi habang gumagawa ng marka sa mapa at bumubulong, "Dapat ay nakarating na si Fourteenth Brother."

Sa destinasyon, ang tatlong estado ay nagkaisa na. Ang ilog ng Li, ang ilog ng Zan Xi, at ang ilog ng Wu ay nagsama-sama doon para mabuo ang Ilog ng Chi Shui na dumadaloy sa buong kontinente ng West Meng. Isang maliit na siyudad ang makikita sa lugar na ito at tinatawag itong Siyudad ng Chidu.

Ang irit ng mga agila sa himpapawid ang nagmarka ng simula ng unang Northern Campaign. Ang mga yabag ng kamatayan ay handa ng bisitahin ang napakalamig na lugar na ito. Habang ang tubig ay matigas na sa sobrang lamig, ang ilog ay natatabunan ng kumot na gawa sa niyebe, ang dalawang magkasalungat na pwersa ay nag-uunahan patungo sa maliit na siyudad, at gustong sakupin ang maistratehiyang lokasyong ito.

Ang dalawang sikat na komandante ay magkakaharap sa isa't isa sa digmaan, na kung saan ay hahantong ito upang makilala bilang ang Labanan para sa Chidu. Ang mga tambuli ng digmaan ay pumailanlang sa malalamig na hangin, habang ang agos ng kasaysayan ay dumadagundong. Si Cao Mengtong ay nakatayo sa harap ng hukbo ng Yan Bei, at sa hampas ng kanyang banal na watawat na naghuhudyat ng simula ng digmaan, sumigaw siya sa isang malakas na tinig na nakakagulat ang lakas para sa kanyang katandaang edad, "Protektahan nawa ng kalangitan ang Yan Bei! Protektahan na sana ay maipanalo natin ang labanang ito! Mga mandirigma! Laban! Para sa Yan Bei! Para sa kalayaan!"

Kinahapunan, nagsimula na namang bumagsak ang niyebe. Habang ang mga malalakas na hangin ay hinihipan ang niyebe papunta sa balat, pakiramdam nila ay tila hinihiwa sila ng mga punyal. Isang malaking hukbo ang lumitaw sa loob ng bagyo, habang ang mahigpit na pagkakatipon ng mga pormasyon ay kumikinang mula sa panaka-nakang sinag ng mga talim. Ang mukha ni Chu Qiao ay wala nang pakiramdam mula sa napakalamig na hangin na umiihip sa kanyang mukha habang nakasay sa kabayong tumatakbo sa pinakamabilis nito. Matapos ang siyam na oras ng patuloy na pakikibaka sa hangin, ang lahat ay naninigas na sa lamig, ang kanilang mga mata ay namumula na sa katuyuan. Ang 7,000 malakas na pwersang ito ay nakatayo sa kapatagang walang laman tulad ng isang gusali na walang pangunahing poste, na maaaring masama at makain ng mga paparating na bagyo ng digmaan sa kahit anong oras.

Isang tagamanman ang nagmamadaling bumalik. Ang nakasakay sa kabayo ay mukhang napakabata pa, ang kanyang mukha ay tila hindi hihigit sa ika-18 taong gulang pa lamang. Ang kabayo niya ay napakabilis, habang papalapit siya kay Chu Qiao, ang kanyang mga kamay ay nakaturo patungo sa kabundukan ng Helan sa silangan. Ang mga labi nito ay nanginginig, pero hindi siya nagsalita.

"Mas lumapit ba ang hukbo ng Xia?"

Hindi sumagot ang tagamanman at bahagyang tumango ang ulo nito. Naninigas mula sa lamig, ang paraan ng kanyang pagtango ay kakaiba, na maihahalintulad sa isang manika na putol ang mga pisi.

"Gaano sila kalayo? Dalawampu't limang kilometro?

Hindi sumagot ang tagamanman, habang nagpatuloy si Chu Qiao, "Labinglima?"

Wala pa ding tugon, nanghina ang puso ni Chu Qiao, habang ang tinig niya ay may kaunting bakas ng pag-aalala bago siya nagtanong muli, "Sampung kilometro?"

Tahimik na tumango ang tagamanman. Inalis ni Chu Qiao ang kanyang pandong at yumuko dito sa kanyang kabayo. "Salamat."

Nahulog mula sa kabayo ang mandirigma at sumalampak na ito matapos marinig ang pasasalamat ni Chu Qiao. Agad na bumaba ang mga sundalo para tulungan ito. Pero sa oras na hinawakan nila ito, ang tanging nararamdaman nila ay lamig, at ang hininga nito ay tumigil na. Sa naninigas na panahong ito, ang mga tagamanman ay kinakailangang itago ang kanilang sarili sa niyebe para manmanan at itago ang impormasyon mula sa mga kalaban bago dumating. Sa oras na bumalik ito, ay nag-aagaw buhay na ito. Kahit na ang sampung kilometro ay nasa makikipot na daan sa bundok, kung ikukunsidera ang kalidad ng mga sundalo ng Xia, ay maaaring hindi hihigit sa sampung minuto bago sila maabot nito. Sa ganitong oras, magagawa ba niyang mapasok ang siyudad ng Chidu?

Ang tingin ni Chu Qiao ay tila matalim na punyal. Nakatitig sa kalayuan, siuri niya ang siyudad na nasa hindi kalayuan. Nagpadala na siya ng dalawang grupo ng mga tauhan para makipagkasundo sa mga guwardiya, at ilang minuto na ang nakalipas mula noon ng wala pa ding balita.

Nagsisimula nang pagpawisan ng malamig ang kanyang mga palad, habang ang kamay niya na nakahawak sa kanyang espada ay napakalamig na para hawakan. Walang masyadong pag-asa na mapapasok sila sa loob ng siyudad. Wala silang sulat ni Yan Xun, at walang kahit anong dokumento mula sa pangunahing himpilan. At dahil sa pagmamadali na makaalis sa siyudad, wala siyang nadala na kahit ano na makakapagpatunay ng kanyang katauhan. Kaya naman, wala silang paraan para makuha ang tiwala ng siyudad na makumbinsi sila na sila ay kasapi ng hukbo ng Yan Bei para mapalakas ang depensa ng siyudad na ito.

Kung hindi maniniwala sa kanila ang Kampamyento ng siyudad ng Chidu at tumangging papasukin sila sa siyudad, ang kahit anong harapang labanan sa pagitan ng maliit niyang puwersa ng 7,000 light cavalries laban sa libu-libong sundalo ng Xia ay mangangahulugan ng siguradong kamatayan! Ang puntong ito ay napakalinaw para kay Chu Qiao, kaysa sa iba pa!

Related Books

Popular novel hashtag