Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 159 - Chapter 159

Chapter 159 - Chapter 159

"Heneral." Ang bise heneral ni He Xiao, si Ge Qi, ay isang binata na nasa 20 taong gulang. Tulad ng karamihan ng mga sundalo, ang tatay niya ay isang sundalo na dumipekto tungo sa royal na kabisera. Lumaki siya sa Yan Bei mula pagkabata. Sa kasalukuyan, bumalik siya sa lugar na ito, determinado at matapang, may pag-asa na maayos ang napahiyang pangalan ng kanyang ama. "Heneral, malapit na ang hukbo ng Xia."

Nanatiling tahimik si Chu Qiao. Nagpahayag si Ge Qi, "Hindi bubuksan ang syudad ng Chidu. Umalis na tayo."

Hindi natinag si Chu Qiao. Tumitig siya sa tarangkahan ng syudad ng Chidu at kalmadong sumagot, "Maghintay pa tayo."

Napakabagal na lumipas ang oras. Umihip ang hangin na parang mabangis na hayop. Ang kapaligiran ay tahimik ngunit mukhang maingay. Pumaikot na lumipad ang mga agila, inuunat ang kanilang malalaking puting pakpak na tila sapat para takpan ang kalahati ng kalangitan.

Napasimangot si Ge Qi, tila naririnig ang pandigmang kabayo ng hukbo ng Xia sa malayo. Lumapit siya at sinabi, "Heneral, kapag umalis tayo ngayon, magagawa pa rin natin iyon."

"Maghintay pa tayo ng kaunti."

"Heneral, ang pwersa ng Xia ay napakalakas. Kapag harapan tayong nakipaglaban sa kanila sa kapatagan, hindi natin sila mapipigilan."

"Maghintay pa tayo ng kaunti."

Kalmado si Chu Qiao. Bahagyang inangat ng hangin ang kanyang sombrero, inilalantad ang maganda niyang mukha. Ipinadyak ng kabayo niya ang kanyang paa sa lupa, gumagawa ng malutong na tunog. Marahang lumipas ang oras habang naghihintay. Umihip ang hangin sa lupain, ikinakalat ang mga damo sa ilalim ng manyebeng lupain. Nakaramdam ng init ang kanyang puso; nararamdaman niya ang labis na tibok ng kanyang pulso. Isa, dalawa, tatlong beses...

"Heneral!" Isang boses ang biglang umalingawngaw. Isang tagamanman, nakasuot ng dilaw, ang tumakbo palapit habang nagpatuloy, "Nakalagpas na ang mga sundalo ng Xia sa bundok ng Helan at mabilis na patungo sa Chiyuan Crossing! Mayroon silang 20,000 light cavalry na sundalo sa harapan, nasusundan ng malaking dami ng heavy cavalry na mga sundalo at maraming batalyon ng hukbong-lakad. Hijdi malinaw ang bilang nila. Heneral, napatay nila ang higit sampung hukbong nagbabantay sa Chiyuan Crossing at nadiskubre ang ating tagamanman. Binilisan nila ang kanilang galaw at umabanse lagpas sa unang kipot!"

Iyak ng pagkabalisa ang umalingawngaw sa mga tao. Ganoon ba talaga kabilis ang kalaban? 20,000 light cavalry na mga sundalo, hindi mabilang na mga sundalong heavy cavalry, malapit sa 100,000 sundalong naglalakad… nakakaintimida ang bilang nila. Kung magsasalpukan sila dito, siguradong malilipol ang Southwest Emissary garrison na wala man lang tunog.

"Heneral," napasimangot si Ge Qi at sinabi, "kung saan may buhay…"

"Heneral! Tignan mo!" Isang pinuno ng pangkat ang biglang nag-usal, tinuro ang kanyang daliri tungo sa tarangkahan ng syudad ng Chidu. Lahat ay napatingin. Isang puti at pulang bandila ang lumilipad sa ere, sa itaas ng mataas na pader ng syudad. Ang pinatibay na tarangkahan ng syudad ng Chidu at marahang binababa sa pagkagupat ng lahat.

Ang tarangkahan ng Chidu ay nagbukas!

"Ayos!" Masayang sabay-sabay na usal ng mga sundalo.

Maginhawang bumuntong-hininga si Chu Qiao. Pinalo niya ang kabayo niya at tumakbo pasulong, malakas na sinabi, "Sa syudad!"

Nang magsara ang tarangkahan ng syudad, isang itim na linya ang nakita sa abot-tanaw. Mula sa ilog ng Chishui, na malayong matatagpuan, isang mababang pagkulog ang umalingawngaw, marahan nilang naririnig.

"Sino kayo? Cough, cough… ako ang sundalong nakatalaga para protektahan ang syudad ng Chidu ng Yan Bei. Si Prinsipe Yan… cough, cough… ay personal na binigay sa akin ang sulat kamay na pahayag upang bigyan ako ng ranggo ng ikatlong antas na opisyales. Isa akong pinakamataas na iskolar mula sa pangkat ng taon 748. Ang titulo ko ay kinilala sa harap ng palasyo. Paano ka naging harapang napaka bastos at napaka walang pinag-aralan? Cough, cough, cough…" isang lalaki na nasa 60 hanggang 70 taong gulang ang malakas na nag-usal, ang kanyang kasuotan ang nalukot sa pwersahang pagpigil ng mga sundalo. Ang kanyang sumbrero ay pumagilid na sa isang direksyon, habang may isang bota lang siyang nakasuot. Ang isa pang bota ay hila-hila ng isa niyang paa. Dalawang sundalo mula sa Southwest Emissary garrison ang pinipigilan siya sa paggawa ng padalos-dalos na aksyon. Ang hindi pa nakakasiya ay mayroong sampu ng mga sundalong nagbabantay sa syudad, ngunit hindi man lang sila gumalaw. Pumunta sila sa isang gilid, gusto nang tanggalin ang unipormeng suot nila. Makikita na hindi nila intensyon na magpartisipa sa kahit anong laban.

Nakaramdam ng galit si Chu Qiao, nalaman na ang syudad na may hawak ng mahalagang istratehiya ay naibigay sa mga walang kwentang ito. Gayunpaman, mapanuya, alam niya na kung hindi dahil dito, hindi siya makakapasok sa syudad ng Chidu.

"Heneral, maswerte na walang namatay!" Lumapit si He Xiao at lumuhod sa lupa sa harap ni Chu Qiao. Mayroong mantsa ng dugo sa asul-marinong uniporme ng lalaki, nagpapakita na nakaranas sila ng paglaban.

Medyo nahaharangan ang lalamunan ni Chu Qiao. Inunat niya ang kamay at tinulungang makatayo si He Xiao, sinasabi sa mababang boses, "Commamder He, kung maiwasan ng Yan Bei ang sakunang ito, ikaw ang unang mapaparangalan."

"Inookupa ko… ko ang ika-48 na upuan ng pangkat ng nakatatanda sa Da Tong Guild. Cough, cough… binubuo ko ang lakas ng Yan Bei. Mayroon akong higit 30 taon ng karanasan. Karamihan sa mga sundalo dito ay estudyante ko. Cough, cough… tinatrato mo ako ng ganito, ako ay…"

"Manahimik!" Isang malamig na boses ng babae ang narinig. Marahang humakbang pasulong si Chu Qiao, malamig na tinignan ang matandang gwardya na ito ng syudad ng Chidu. Bata pa si Chu Qiao, pero ang tingin ng mga mata niya ay puno ng kaseryosohan at galit.

Ang boses ng matandang gwardya ay marahang nawala sa ilalim ng tingin niya. Naramdaman niya na nakahihiyang nangyari ito. Inipon niya ang kanyang tapang at sumagot, "Lilitisin ka ng samahan, mga traydor!"

Ang tanawin ng 7,000 mababangis tignan na mga sundalo na pumasok sa syudad ay ginulat ang mga nakatira dito. Ang lahat ng mga tao ay tumapak sa labas ng kanilang pinto at tumayo sa manyebeng lupa, tumingin tungo sa kanila.

Malamig na tumawa si Chu Qiao at hinawakan ang matanda sa kwelyo. Tumalikod siya at naglakad tungo sa taas ng pader ng syudad.

"Ah! Anong ginagawa mo?" Halos makaladkad na ang matandang gwardya, mawala ang balanse niya at halos bumagsak sa lupa. Malakas siyang sumigaw, "Napakapangahas! Ang lakas ng loob mong maging bastos sa akin! Inookupa ko ang ika-48 na upuan sa pangkat ng nakatatanda! Nasa samahan na ako ng 33 taon! Ang mga kumandate sa hukbo ay mga estudyante ko! Cough, cough… isa akong pinakamataas na iskolar, humahawak ng 12 boto sa korte ng Da Tong. Sinasarili mo ang hukbo, niloloko ang iyong kakampi… isasakdal kita alang-alang sa Da Tong Guild! Ipapatapon kita at tatanggalan ng awtoridad mo sa militar! Lilikumin ko ang lahat ng pag-aari mo, ako ay…" biglang huminto ang boses, parang isang suonang tambuli na naharangan.

Ang anino ng dalaga at matandang gwardya ay huminto sa tuktok ng mataas na pader ng syudad. Umihip ang hangin sa kanilang kasuotan, ipinapakita ang uniporme ng militar mula sa Yan Bei. Kinalat nito ang itim at puti nilang buhok, ayon sa pagkakabanggit, sa ere. Wala sa kanila ang nagsalita. Tumayo sila sa tuktok ng tarangkahan ng syudad, nakatingin sa malayo.

Ang mga sundalo at sibilyan ng syudad ng Chidu ay naguluhan. Ilan sa kanila ay inipon ang tapang at umakyat sa pader, para lamang matigalgal sa nakita. Maraming tao pa ang marahang umakyat, isa, dalawa, tatlo, sampo, isang daan, isang libo… nagkalipumpon ang mga tao sa tuktok ng pader ng syudad. Ang mga mukha nila ay natataranta. Isang hangin ng kawalan ng pag-asa ang nagtagal sa hangin; ang amoy ng kamatayan ay hindi pa naging malapit hindi tulad ng dati.

Maliwanag na sumikat ang araw sa kalangitan, ay sikat nito ay lumiliwanag sa lahat ng ulo nila. Iyong hindi makilalang anino ay parang mga bulaklak ng Huoyun sa kapatagan ng Huolei, tinitirahan ang buong tanawin. Umihip ang hangin, dahilan para kumalat sa ere ang mga nyebe. Sa patong ng hamog, ang abong-pilak na hukbo ay parang alon ng tubig baha, nilalamon ang kabuuan ang manyebeng kapatagan. May hawak silang mahabang sibat at makintab na espadang pilak. May ulo ng tao kahit saan, kasama ang malusog at magandang pandigmang kabayo. Ang bandila nila ay mataas na lumilipad sa langit. Ang dulo ng hukbo ay hindi makita. Higit limang kilometro ang haba nito. Mayroong light at heavy cavalry na mga sundalo, may karanasang mamamana, matigas na nakakalasagan na mga sundalo, at hindi mabilang na batalyon na naglalaman ng pangdagdag na pwersa, likurang suporta, at pwersa ng karwahe...

Tulad ng malakihang pagsasanay ng militar, halos lahat ng pwersa ng Xia ay nagtipon sa lugar na ito. Ang mga opisyales at sundalo ng syudad ng Chidu, kasama ang mga sibilyan ay natigalgal. Kahit ang Southwest Emissary garrison, na handa dito, ay natigalgal. Sa iglap na ito, napagtanto nila kung gaano nakakatakot ang kalaban na nakatayo sa harap nila. Kinolonisa ng imperyo ng Xia ang malaking lupain ng Hongchuan ng higit sa 300 taon, pinanatili ang paniniil nito sa West Meng sa panahong ito. Napigilan nito ang imperyo ng Tang, Song, at ang silangang dagat ng Nanqui ng higit 300 taon. Paano mayayanig ang kaibuturan nito ng hamak na rebelyon sa Zhen Huang? Sa kasalukuyan, nagising na sila. Inunat nila ang kanilang mga paa, naghahanda na lipulin ang mga nagbanta sa kapangyarihan nila!

"Matapos ang laban na ito, kung buhay ka pa," tumingin si Chu Qiao sa matanda tapos ay kalmadong sinabi, "Handa akong harapin ang sakdal mo." May kalabog na bumagsak sa lupa ang matanda. Hindi siya tinignan ni Chu Qiao sa mata, tumalikod para maglakad sa square na matatagpuan sa syudad. Papunta niya doon, nagbibigay daan ang mga tao sa kanya. Umihip ang hangin sa kanyang buhok at manto, ginagawa siyang tila isang agila. Diretso ang tindig ni Chu Qiao, ang makabayani niyang espirito ay nagbibigay ng nakakatakot na awra. Naglakad siya sa gitna ang square, sinusuri ang mga tao na nagtipon sa ilalim nito.

Ang mga ekspresyon nila ay natataranta, tulad ng kunehong nakaranas ng gulat. Pamilyar na pamilyar si Chu Qiao sa ekspresyon ng mukha nila, dahil nakita ito sa Middle East, Africa, at ang magulong hangganan sa Golden Traingle ng Myanmar, Laos, at Thailand. Sa mga sinira ng digmaang bansa na iyon, nakakita siya ng maraming tao na nawalan ng tirahan sa gitna ng salungatan. Sa kasalukuyan, habang nakatayo siya dito, hindi niya alam kung anong itatawag sa sarili. Isa ba siyang santo na magbibigay ng kalayaan sa mga tao? O maninira na nagdala ng sakuna? Nasa punto siya ng walang balikan. Ang tanging daan palabas ay digmaan!

Malapit na ang kalaban. Ang sigaw sa digmaan nila ay mas lumalakas, tumatagos sa pandinig ng mga tao. Tumingala si Chu Qiao, ang kanyang mga mata ay malinaw at determinado. Mapait siyang nakangiti. Alam niya na matapos bukas, hindi mabilang na trahedya ang mangyayari sa lupain na ito. Hindi mabilang na pamilya ang masisira, habang hindi mabilang na mga tao ang hindi na makikita ang pamilya nila. Gayunpaman, wala siyang pagpipilian. Marahan siyang nag-angat ng tingin, hindi gusto na makita ang mga mukhang puno ng pag-asa.

Yan Xun, nasaan ka? Kailan ka makakabalik? Kahit na nasa dulo ka ng mundo, lalaban pa rin ako sa tabi mo!

Sa mata ng Xia, walang pagsisikap na trabaho para sa hukbo ng 200,000 na sakupin ang syudad na may kulang 3,000 sundalo. Gayunpaman, matapos marating ng hukbo ni Zhao Yang ang syudad ng Chidu, hindi niya agad inutos na sakupin kaagad ang syudad. Nang makitang handang dumipensa hanggang kamatayan ang syudad ng Chidu, nanghahamak siyang tumawa, tahimik na nagsasaya sa puso niya. Dahil handa silang dumipensa, may panibago siyang rason para patagalin ang laban. Nasa kagustuhan niya na mahuli ng dating sa syudad ng Beishuo, na ang hukbo ni Zhao Qi, kasama ang mga sundalo ng pamliya Batuha, ay harapan munang makikipaglaban sa pwersa ng Yan Bei.

Kaya, inutusan ni Zhao Yang ang mga tauhan niya na mag-umpisa nang magsagawa ng tanggulan tulad ng paghukay ng kanal, naglagay ng mga tali patara patirin ang mga kabayo at maglagay ng tusok sa lupa para tusukin ang mga paa ng kabayo. Naggawa sila ng pagtatanghal na para bang abala sila sa paghanda sa laban.

Ang mga opisyal na nagrerepresenta sa ikatlong prinsipe, si Zhao Qi, ay ilang beses na nagmadaling lumapit sa kampo ni Zhao Yang para sabihin na atakihin na ang kalaban at agad na tahakin ang daan tungo sa Beishuo. Gayonpaman, lagi silang sinasagot ni Zhao Yang na may kakaibang ekspresyon, nagtatanong na, "Hindi ba ako umaatake ngayon?"

"Ang ibig kong sabihin ay dapat mas agresibo kang umatake." Kaharap ang ika-14 na prinsipe ng imperyo ng Xia, kung saan ang kapangyarihan ay tumataas, malamig na pinagpawisan ang opisyales at nautal. "Ang hukbo ng Ikatlong Royal Highness ay harapan nang nakikipaglaban sa mga sundalo ng Yan Bei. Fourteenth Royal Highness, kung mabilis na makakarating sa Beishuo ang hukbo mo, mababawasan ang mamamatay mula sa Southwestern Army."

"Kung gayon ay anong gagawin mo sa mga mamamatay sa Northwestern Army?" Malamig na itinaas ni Zhao Yang ang kanyang kilay at nagpahayag, "Bilang kumandante ng isang hukbo, ang pinakamalaki kong responsibilidad ay makakuha ng malaking panalo habang nagtamo ng maliit na presyo. Kailangan kong ingatan ang bawat buhay ng sundalo. Kaya, pakiramdam ko na ang isratehiya ng hukbo ko ay bagay sa kasalukuyang sitwasyon. Kapag padalos-dalos akong umatake at bumagsak sa pananambang ng kalaban, makakaranas ang Northwestern Army ng maraming kamatayan. Maapektuhan nito ang pangkalahatang paggawa at istratehiya ng hukbo ng Xia. Sinong kukuha ng responsibilidad na ito? Ikaw ba, Heneral?"

Related Books

Popular novel hashtag