Halos maiyak na ang opisyales na iyon habang miserable siyang sumakay ulit sa kabayo niya. pinalo ang kanyang kabayo, nagmadali siyang bumalik para sabihan si Zhao Qi. Malamig na napangiti si Zhao Yang na sumandal sa kanyang upuan habang nakatingin sa mga linyang nakaguhit sa mapa. Pinikit ng batang prinsipe ang kanyang mata habang marahan niyang sinabi, "Beishuo, Chidu, syudad ng Lan, rehiyon ng Chunyu, Yaoshui, Meilin Pass..."
Kahit na walang nakakaalam kung bakit nagdadalawang-isip si Zhao Yang sa pag-atake, kay Chu Qiao, bawat pagkakataon ay bigay ng diyos, aktibo siyang naglakad-lakad na isinasaayos niya ang depensa ng syudad habang inaayos ang pag-atras ng mga sibilyan. Nililista ang mga nagboluntaryo sa kanyang ranggo, dinitermina niya ang ayos ng labanan. Wala siyang oras para magsaya sa saglit na palugit.
Nang bumagsak ang gabi sa syudad, ang ngumangawang tunog sa syudad ay unti-unting humina. Naglalakad sa bakantang kalye, biglang nilamig si Chu Qiao. Lumapit si Ge Qi at nagpulupot ng balabal sa kanya. Sa makapal na robang hinaharang ang nagngangalit na hangin, nagpapasalamat na tumango si Chu Qiao.
Ang pinto sa mga tindahan sa kalye ay bukas na bukas, lubos na hindi makikitaan ng buhay. May langitngit, isang kahoy na balde ang hinangin ng hangin. May kalabog itong gumulong. Katahimikan at kawalan lang iyon, na may lumalamon na lasa ng kapanglawan.
"Master, hindi tayo mananalo, diba?" Nagulat si Chu Qiao sa kabiglaan at laman ng tanong na ito, tapos ay tumalikod siya, para lang makita si Ge Qi na nakatingin sa mga mata niya habang kalmadong nakangiti. "Kung tunay na nananalig si Master sa panalo, hindi mo papaatrasin ang mga sibilyan."
Hindi sumagot si Chu Qiao at tumalikod lang. Isa siyang mataas na ranggong opisyal na nakatanggap ng pinaka magandang modernong edukasyong militar. Malinaw niyang alam kung anong ibig sabihin ng pakikidigma. Nangyayari ang milagro, ngunit kailangan noon ng kahit kapantay na tayo. Kahit na hindi gaanong magkapantay ang nakataya, mayroong mga ilang lakas na magagamit para kahit papaano ay matagalan ang kalaban. Sa pwersa na walang man lang sampung libo, kailangan niyang bantayan ang hindi napatibay na syudad laban sa malaking pwersa ng 200 libong magagaling na mga piling sundalo. Idagdag pa, mayroong mga dagdag na kawal na darating para sa kalaban. Kakaharapin ang ganoong labanan, mahirap na maging kumpyansa sa panalo. Ngunit hindi niya pwedeng ipakita ang ganoong emosyon. Siya ang pinuno nila, ang kanilang pag-asa. Kapag nawalan siya ng kumpyansa, paano makakalaban ang iba?
Tahimik na bumuntong-hininga si Chu Qiao. Bigla, nakakita siya ng maliit na pigura sa harap. Napasimangot siya, habang si Ge Qi ay umabante na at maingat siyang hinarangan. Malakas siyang sumigaw, "Sino ka?"
Sa mapanglaw na kumukutitap na ilaw, lumapit ang gwardya para lang makatagpo ang bata na mukhang nasa 12 hanggang 13 tatlong taon gulang. Nakasuot ng manipis na kapa, nakahawak siya ng maliit na parsela. Ang mukha nito ay mapulang-mapula na sa napakalamig na temperatura, at pirming mataas ang ulo, naglabas siya ng matigas na ulong pagtutol.
Napasimangot si Chu Qiao at nagtanong, "Kaninong pamilya ka nabibilang? Bakit hindi ka umalis kasama ang ibang sibilyan?"
Ang bata ay hindi nagsalita at tumungo lamang. Pagmasdan mo siya, si Chu qiao ay nanghula, iyon ay katulad din ng pag takas mula sa tarangkahan ng kanluran. Hindi niya ito tinanong nang anuman pa, Umalis na lang si Chu Qiao.
"Oi! Ikaw ay hindi nakakaistorbo sa akin?" Makikita kung paano walang nang pag papahalaga si Chu Qiao sa kanya ngayon, ang bata ay lumakad s kanya at nagtanong ng may pagkamausisa," Hindi mo na ba ako itataboy palabas ng siyudad?"
Kalmadong sumagot si Chu Qiao, kahit na ikaw ay gusto mo ditong tumira o mamatay ay wala na akong pake. Tama na ang akin inaasikaso, at wala na akong bakanteng oras pa sa iyo."
Iyon bata ay biglang nasindak, at kahit na napahiya pa siya, malakas niyang idiniklarang, "Ako ay 15 ngayon taon! Ako ay handa na para maging ganap na sundalo!"
Si Chu Qiao ay dagling napasulyap sa kanya ng walang pakialam. Marahil ang bata ay batid na alam na siya ay halatang nagsisinungaling, siya ay patuloy na nagpaliwanag, " Ako ay maaring maliit, pero ako talaga ay malakas!"
Wala pa rin pake si Chu Qiao sa kanya, mabilis na tumakbo papunta sa kanya ang bata, para lamang maharangan ni Ge Qi. Walang nagawa, iyon bata kundi ang tumalon ng mataas at bumaba sa lamang sa harap ng harang, at kahit nirolyo na niya ang kanyang manggas para ipakita kay Chu Qiao ang maskuladong bisig.
"Bakit hindi ka umalis?" tanong ni Chu Qiao.
Ang bata ay nasopresa, tinigil na din niya ang pagpupursigi ipahanga ang kanyang lakasan. Pagkatapos lamang na siya ay mag-alangan saglit, siya ay sumagot,"Ang kapatid ko na maliit ay may sakit,hindi niya kayang mabuhay."
Sumikip ang puso ni Chu Qiao. Madami na siyang maihahambing na katulad nito sa lahat ng taon ngayon. Ang kanyang nadama iyon, gaano man kadaming tao ang kanyang pinatay, ay marahil karapat-dapat lamang ang lahat ng iyon sa huli. Pagkawasak lamang ang kalagayan noon muna at may bagong hahalili sa katayuan upang mag uutos. Kapag hiniling nang isang bansa ang kalayaan, tiyak na may presyo dapat bayaran .Marahil,sa nakaraan madaming taon, ang mundo ay maaring magbago dahil sa mga kinikilos natin nagawa ngayon. Sana, ang mga bata pagkatapos ay hindi na mangangailangan pa mawalan ng tirahan, at ang mga sibilyan ay hindi na mangangamba sa kanilang kaligtasan sa araw at sa gabi.Kahit man lang isang bagay na simple ang mangyari. Ang nadarama ni Chu Qiao at marahil tama lamang.
"Ano ang iyong pangalan?"
"Tawagin mo akong Du Gouzi."
Sumimangot si Chu Qiao. Kaibig-ibig na bata, bakit iyon ang binigay na pangalan mo?
"Hindi maganda ang tunog ng pangalan na iyon. Hayaan mo bigyan kita ng bagong pangalan."
Ang bata ay saglit na nag-isip bago nakipagkasundo. "Sige, pero mananating Du ang apelyedo ko."
Tumayo si Chu Qiao, ang kanyang paningin ay nakatuon sa malayo, "Tapos, tatawagin kang Pingan." Sa taos-puso niyang pag-iisip, hiniling niya ang kapayapaan sa loob ng kabundukan ng Yan Bei.
Makalipas ang isang oras pagkatapos nitong maliit na kabanata, isang maliit na parisukat ang nakita sa loob nang siyudad na kanluran, ang buong hindi natitiyak na galing sa timog-kanluran Emissary's Garrison ay nagtipon. Ang maliwanag na buwan nasa taas ng kanilang ulo,kumuha ng kasuotan pang militar si Chu Qiao sa damitan, tumayo sa nasa ibabaw na pansamantalang tanghalan. Mapanglaw siyang tumitig, siniyasat ang mga sundalong kasama niya lumaban sa buhay at kamatayan. Sa kanyang taos-puso, sinabi niya sa kanyang mga sundalo ito, "Mga Ginoo, ako ay lubos na nagpapasalamat sa inyong pagtitiwala sa akin hanggang ngayon.Kahit pa tayo ay nasa Imperial ng Zhen Huang, o kaya nasa Hongchuan Plains, o sa labas ng tarangkahan ng Beishuo. Lumalaban tayo ng sama-sama, at kahit pa sa parehong kasawian. Ako ay nagpapasalamat sa inyo,ang inyong pagtitiwala sa akin ay nandiyan pa rin, at sumusunod sa akin, Ngayon, kayo pa rin ay sumusunod sa akin kahit iyan ay nasa nakakamatay na sitwasyon.Para dito, Ako ay lubos na humihingi ng tawad." Siya ay unti-unting yumukod ,bago itinuwid ulit ang sarili. Siya ay nagpatuloy, "Hindi ko na nais pa magsinungaling sa inyo, bago sa atin hindi mapag-aalinlanganan labanan, gusto ko sabihin sa inyo, hindi na tayong magkakaroon ng dagdag na puwersa. Wala nang maibibigay na tulong ang siyudad ng Chidu. Tayo na lang ang natititra, wala na sinuman ang makakapagbigay pa ng tulong sa atin."
Maya-maya ay tumaas ang pagkakagulo sa loob ng hukbo, pero nawala din agad ang pagka uhaw nila.Tumingin ang mga sundalo kay Chu Qiao na may pag asa sa kanyang pagpapaliwanag.
Nahati sa dalawang hukbo ng Xia. Ang pangunahin inataki nila ay ang silangan ng Beishuo, ang pangunahing puwersa ay tumaas hanggang 400 na libo malalakas, at hindi pa kasama ang mga reserba at ang kanilang logistic personnel. Ang ibang grupo naman ay aabot sa 200 libong mga sundalo na ating makakaharap. Aakyatin nila ang bundok Helan at tayo naman ay sopresahin aatak sa siyudad ng Chidu. Ang kanilang misyon ay masira tayo mula dito! Oras na makuha nila ang siyudad, Ang milyong mga sundalo at mamamayan ng Beishuo ay wala nang pupuntahan pa. Sila ay talagang mahuhulog sa hukbo ng Xia! Dahil diyan, ang magagaling na puwersa ng Yan Bei ay lolobo ng malaki, at ang buong silangan rehiyon ng Tan Bei ay mahuhulog sa kamay ng emperya ng Xia! Sa ikalawang hanay na depensa, ang siyudad ng Lan ay wala nang kakayahan patayin pa tayo. Mayroon silang 100 milyon tropa na bantay sa mausok na hudyat himpilan at lumawak pa hanggang bundok Louri. Ang hukbo ng kamahalan ay tumungo sa malayong Meilin pass. Wala sa kanila ang maaring tumulong sa atin."
Ang apoy ay suminag sa maliit ngunit determinadong mukha ng dalaga. Sa kanyang pigurang nakatayo pataas, at ang kanyang maliwanag na mga mata na may matibay na paniniwala, diniklara niya, "ito ang maaring maging mapait na labanan. Ang bilang ng ating kalaban ay 20 beses ang dami sa atin,at ang bukas, ang kanilang dami ay tataas pa ulit. Pero hindi tayo aatras. Kapag tayo ay umatras, ang mamamayan ng Beishuo ay maaring mahiwalay at hindi na sila maaaring makakatakas dito. At saka, nakatayo sa likod natin ang mga mamamayan ng bundok Luo Ri. Kung wala tayo sa kanilang daan, ang hukbo ng emperyo ng Xia ay walang habag na sasaktan ang katawan nila. Kahit walang kinalaman ang matatanda, babae, at bata, lahat sila ay haharap sa kamatayan.Maaring humarap sa sakuna si Yan Bei!
Ang mga mata ni Chu Qiao ay may patak ng dugo sa kanyang ekspresiyon na may kagalakan. "Ang sundalo ng timog-kanluran sa Emissary Garrison, ay tinawag siyang traydor. Ang iyong ninuno ay nagtaksil sa Yan Bei at ang kataksilan ito ay nasa kasaysayan na, sa loob ng walong taon, ang lahat ay nakatingin sa iyo. Ikaw ay makatatanggap na hindi mabilang na tsismis at mura. Kahit na tinulungan mo si prinsipe Yan Xun para tumakas mula sa siyudad ng Zhen Huang, kahit na ikaw ang naging instrumento sa makayanig lupang rebelyon sa Zhen Huang, kahit na ikaw ang tumalo sa hilagang kanluran sa koalisyon sa higit na sampung beses na meron sila. Ang titulo mo pa rin ay isang taksil. Walang sinuman ang nagtiwala sa iyo, at walang sinuman ang tumanggap sa iyo.Pero ngayon, ang lahat ay nagbago na. Dahil sa iyo ang pagbabago.Basta't malampasan mo ito, ikaw ang aming Bayani ng Yan Bei! Ang bayani ng aming mamamayang Yan!"
Ang mata ng mga mandirigma ay nag-aalab. Nangangalit ang hangin, at ang nyebe ay patuloy sa pagbagsak. Sa madilim na gabi, nakatayo ng mataas at diretso si Chu Qiao, mahahambing sa nag raraling watawat, makikitang ang mga sundalong sumusulong na sa daan. Sa kanyang nag aalab na boses, kanyang inangkin, "mga Mandirigma, kunin ninyo ang inyong mga sandata at sumunod sa akin! Puprotektahan natin ang Yan Bei, Protektahan yung hindi makakalaban mamamayan. Gamit ang ating dugo, huhugasan natin ang kahihiyan nang nakaraan.Ipaglaban ang atin dignidad, at atin muling ibalik ang ningning nito sa taas ang pangalan ng timog-kanluran Emissary's Garrison! Ang iba sa atin ay mamamatay, ang iba naman ay hindi na aabutin ang tag lamig sa susunod na taon, pero tayo ay pasasalamatan ng mamamayan sa naging pagkilos natin ito, maaalala ng Yan Bei ang ating mga ginawa para sa kanila. At habang buhay tayong titingalain ng ating angkan! Mga Mandirigma. Ako ay kasama sa inyo, maging sa buhay at kamatayan, walang sinuman ang iiwanan!"
"Hanggang sa buhay at kamatayan! Walang maiiwan isa man!" ang mga mandirigma ay nagkakaisa sa paghiyaw. Nakataas ang parehong mga kamay, ang mga mata nila kulay pula, ang iba naman ay umiiyak. Sa mga taon nakahihiya, sumabog nang malakas ang kanilang sigawan,"protektahan ang YanBei!" Ang kanilang mga boses ay umalingawngaw, Ang nangangalit na hangin ay nagdala sa kanila kasiyahan hanggang langit!
Ang kasiyahan, ay pumuno sa kanilang determinasyon, ang ingay ay sapat para marinig kahit sa buong kapatagan ng siyudad. Nakasuot ng puting roba si Zhao Yang, suminghal sa kanilang determinasyon. Ang oras ay tama lamang. Kung tayo ay matatagalan pa, baka ang Zhao Qi ay napisa na.
Nakatuon ang kanilang mga mata sa baba ng pader na nakapalibot sa mga siyudad. Kanyang pinagpag ang mga maliliit na nyebeng pumapatak sa kanyang kapa. Sa kanyang mata, hindi na ito maituturing na siyudad! Siya ay nakamasid lamang sa Chidu na panay madilim, kasual niyang inistruksiyunan ang kanyang heneral,"Sige, itulak na ninyo ang pader para matumba."
"Masusunod!" ang heneral ay naunawaan ang kanyang utos at lumakad palayo. Nang matanggap na ang utos para umatak, ang mga mandirigma ay iniamba ang kanilang mga sandata sa maayos na hanay,at sumulong ng mabilis.
Boom! Boom! Boom! Ang daigdig ay dumagundong dama ng mga kanilang paa, ang mga sundalo ay humihiyaw,"Sulong!" Ang preskong nakatalaga sa militar ay pinatunog ang trumpeta. Sa kanyang pamumuno hindi niya pinatatagal ang labanan, ang mga maliliit na nyebe bumabagsak sa kanya ay gumulong-gulong ng mabilis.
Sa wakas ang gabing ito ay para sa ating angkan!
"Feng Ting, mag- ipon ng 1,000 tagamanman sa limang grupo at magsagawa ng sariling pagsalakay. Siguraduhin ninyo pamilyar kayo sa kanilang lugar para madala ninyo ang ating mga mandirigmang gerilya sa kalaban.Buong kakayanan ninyong sirain ang nagtutustos sa ating kaaway ng mga tropa, at lagyan ng bitag ang kaaway na nagtutustos ng tropa sa kabilang banda ng bundok Helan kahit hanggang dalawang araw lamang."
Ang binatilyo kumander ay tumango, "Naiintindihan!"
"Mu Rong, magdala ka ng 2,000 mga bagong kuha para panambang sa talampas ng Bai Zhang. Mag-ipon ka ng madaming malaking bato at malalaking puno ng kahoy. Pagkatapos ng dalawang araw kapag nakapasok ang dagdag kawal ng kalaban sa harang ni Feng Ting, hahanapin ka ni Lao Mu para sabihin ang susunod na hakbang."
Ang dalawang lalaki ay agad sumang-ayon,"Masusunod!
May whoosh na binuksan ni Chu Qiao ang mapa,ang payat niyang daliri ay tumuon sa Timog-Silangan rehiyon,at matatag niyang inutos, "Wu Danyu, magdala ka ng 500 mamamana. Itago ang inyong sarili sa loobng kakayuhang ito at giliran ang kalaban. Oras na nagsimulang umatake ang kalaban, aatras kayo. Wag kayong harapang makikipaglaban, naiintindihan ninyo?"